78 Aming Minamahal

Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw,

minamahal ng lahat ng tao Niya.

Dumarating Siyang mapagpakumbaba upang iligtas ang sangkatauhan,

hinaharap ang malaking pagkapahiya.

Dinadala Niya ang katotohanan, ang daan sa buhay na walang-hanggan,

sa madilim na mundo ay nagpapakita ang liwanag.

Nalupig ang milyon-milyong puso sapagkat

katotohanan ang mga salita Niya, nagtataglay ng matinding lakas.

Sa pagkarinig sa tinig ng Diyos, itinaas kami sa Kanya,

at dumadalo kami sa piging kasama ng Diyos.

Tinatamasa namin ang mga salita ng Diyos, natututo ng katotohanan,

at napuno ng liwanag at galak ang aming mga puso.

Napakaraming mamahalin tungkol sa Diyos,

Siya ay malapit na sa aming mga puso.

Sa pamamagitan ng paghahangad at paghahanap ng katotohanan,

gagawin namin ang aming buong makakaya upang bigyang-kasiyahan ang Diyos.

Isinasagawa namin ang katotohanan,

at isinasabuhay ang tunay na wangis ng tao.

Nasasaksihan namin ang pagliligtas at pagmamahal ng Diyos.

Lagi naming hahangarin na bigyang-kasiyahan ang Diyos.


Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw,

minamahal ng lahat ng tao Niya.

Ang Kanyang malupit na salita ay inilalantad ang kalikasan ng tao,

ang Kanyang banayad na salita ay inaantig ang puso ng tao.

Ang disposisyon Niya ay pag-ibig at awa,

paghatol na maharlika at matuwid.

Ginagamit ang mga salita Niya upang humatol at luminis;

Siya ang Isa na aming pinakamamahal.

Sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo,

nakikita naming labis Siyang karapat-dapat sa pagmamahal.

At minamahal namin Siya mula sa kaibuturan,

mula sa kaibuturan ng aming mga puso.

Napakaraming mamahalin tungkol sa Diyos,

Siya ay malapit na sa aming mga puso.

Sa pamamagitan ng paghahangad at paghahanap ng katotohanan,

gagawin namin ang aming buong makakaya upang bigyang-kasiyahan ang Diyos.

Isinasagawa namin ang katotohanan,

at isinasabuhay ang tunay na wangis ng tao.

Nasasaksihan namin ang pagliligtas at pagmamahal ng Diyos.

Lagi naming hahangarin na bigyang-kasiyahan ang Diyos.


Ibinibigay namin sa Kanya ang lahat ng mayroon kami,

ginagawa ang aming mga tungkulin upang mapalugod Siya.

Si Cristo ang katotohanan, ang buhay, at ang daan,

sa Kanyang mga salita ay dumarating Siya upang magligtas.

Ginagabayan kami patungo sa kaharian,

nagpapasalamat kami para sa kaligtasan.

Napakaraming mamahalin tungkol sa Diyos,

Siya ay malapit na sa aming mga puso.

Sa pamamagitan ng paghahangad at paghahanap ng katotohanan,

gagawin namin ang aming buong makakaya upang bigyang-kasiyahan ang Diyos.

Isinasagawa namin ang katotohanan,

at isinasabuhay ang tunay na wangis ng tao.

Nasasaksihan namin ang pagliligtas at pagmamahal ng Diyos.

Lagi naming hahangarin na bigyang-kasiyahan ang Diyos.

Sinundan: 77 Makapangyarihang Diyos, ang Siyang Pinakakaibig-ibig

Sumunod: 79 Makapangyarihang Diyos, Mahal Namin

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Kaugnay na Nilalaman

281 Panahon

IIsang malungkot na kaluluwa’ng naglalakbay,sinusuri’ng bukas, hinahanap nakalipas,masipag na nagsisikap,naghahangad ng isang pangarap.‘Di...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Kontakin Kami Gamit ang Messnger