473 Tanging ang Katotohanan Lamang ang Magpapapayapa sa Puso ng Tao
Ang disposisyon ng Diyos at ang mayro’n Siya’t
kung ano Siya’y katotohanan.
Ang halaga nito’y ‘di masusukat
ng materyal na bagay
anumang halaga nito, ‘pagkat ito’y ‘di bagay,
at tinutustusan pangangailangan ng bawat puso.
I
Habang hangad mo’y kaligtasan
sa pamamagitan ng Diyos
at pagbabago sa ‘yong disposisyon,
kung ‘di nauunawaan ang katotohanan
at ang disposisyon Niya’t kalooban,
‘di ka ba mababalisa?
Puso mo’y ‘di ba magugutom at mauuhaw?
Puso mo’y ‘di ba mababalisa?
May paraan ba para maayos mo ‘to?
Mga tao’y dapat may katotohanan sa buhay.
‘Di sila mabubuhay kung wala ‘to.
Ito’y pinakadakila.
‘Di man ‘to nakikita o nahahawakan,
ito’y ‘di mo pwedeng balewalain.
Ito lang ang may kapahingahang hatid sa ‘yong puso.
II
‘Pag masidhi mong hinahangad
ang kaliwanagan ng Diyos nang malalaman mo’ng
kalooban Niya’t katotohanan,
kailangan mo ay ‘di pagkain,
o ilang mabuting salita’t aliw ng laman.
Ang kailangan mo’y tagubilin ng Diyos.
Kailangan mo’ng sabihin Niya sa ‘yo mismo
kung ano’t paano ang gagawin,
at malinaw na sabihin sa ‘yo
kung ano’ng katotohanan.
Kung nauunawaan mo kahit kaunti,
‘di ba’t kasiyahan sa ‘yong puso’y
higit pa sa kasiyahang hatid ng pagkain?
‘Pag puso mo’y kuntento’t masaya,
‘di ba’t ika’y may tunay na kapahingahan?
Mga tao’y dapat may katotohanan sa buhay.
‘Di sila mabubuhay kung wala ‘to.
Ito’y pinakadakila.
‘Di man ‘to nakikita o nahahawakan,
ito’y ‘di mo pwedeng balewalain.
Ito lang ang may kapahingahang hatid sa ‘yong puso.
Ang nagmumula sa Diyos,
ang mayroon Siya’t kung ano Siya at
lahat ng tungkol sa Kanya’y
higit pa sa ibang bagay,
pati bagay o tao
na minsan mong pinaniwalaang
pinakamahalaga sa ‘yo.
Kung ‘di ka nagkakamit ng mga salita ng Diyos
o ‘di nakauunawa sa Kanyang kalooban,
kapahingaha’y kailanma’y ‘di mo makakamit.
Lahat ng Kanyang ginagawa’y
katotohanan at buhay.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III