12. Tanging Katapatan ang Nagdudulot ng Pagiging Kawangis ng Tao

Ni Shizai, Tsina

Negosyo namin ng asawa ko ang kasangkapan sa opisina. Nagsimula kaming magnegosyo nang talagang matapat, ginagawa namin ang mismong hinihingi ng mamimili, hindi naghahalo ng anumang peke. Ngunit dumaan ang isang taon at pagkatapos ng lahat ng mga bayarin na kinailangan naming bayaran, sapat lang ang natira sa amin para mabuhay. Ang mga may-ari ng kalapit naming tindahan ay pareho din ang negosyo pero mas malaki silang kumita kaysa sa amin. Naguluhan ako: Bakit hindi kami kailanman kumita na gaya nila? Gusto kong puntahan at malaman upang makita kung paano sila kumikita ng pera. Isang araw isang mamimili ang pumunta sa tindahan nila at umorder siya ng sofa, mesa sa harapan, at lamesa at gusto niya na lahat ng mga ito ay mataas ang kalidad. Nakita kong nangako ang may ari sa kanila na lahat ito ay magiging pinakamagandang kalidad, pero sa sandaling umalis ang mamimili, kinuha niya ang mahihinang kalidad na mga produtkto mula sa kanilang pabrika at pinalitan nila ang primera klaseng mga produkto at pinadala nila ang mga ito sa mamimili. Kumita siya agad ng lagpas 10,000 yuan. Ang pagkakita sa kanila sa paggawa ng ganitong taktika ay talagang nakakagulat sa akin. Naisip ko, “Ganyan pala ang ginagawa nila! Hindi ba pandaraya ito sa mamimili? Hindi iyon napakatapat na paraan ng pagnenegosyo.” Pero naisip ko, “Nasa pareho kaming negosyo pero mas malaki silang kumita at nabubuhay nang mas maayos habang kami ay nakakaraos lang. Sobrang laki ng pagkakaiba.” Naisip ko na may ilang mga bagay ang matutunan ko sa kanila. Kaya upang kumita ng mas malaking pera, nagsimula akong huwag pansinin ang konsensya ko at magtinda ng mga bagay gaya ng ginawa ng katabi ko.

May isang beses na may dumating na mamimili para mag-ipon ng mga suplay sa opisina at hiniling niya na ang lahat ay dapat na maging mataas ang kalidad. Paulit-ulit kong tiniyak sa kanya, sinasabing ito ay magiging pinakamaganda at may habang-buhay na garantiya para maging komportable siya sa pagbili sa amin. Pagkaalis niya, Pinalitan ko ang mga napili niya ng mga mahihinang kalidad na produkto na kapareho ng mga maayos dahil sobrang mas mura ang mga iyon. Talagang nakadama ako ng kaba habang hinahatid ang order. Naisip ko, “Kapag nalaman niya at bawiin ang bayad, hindi lang ito pagkawala ng pera. Aakusahan niya rin ako nang harapan na manloloko.” Ang ideyang ito ang mas nagpakaba sa akin. Mas bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko siya matingnan sa mata. Nagulat ako nang suriin niya ang order at walang anumang napansin at sa wakas nakarelaks na ako nang kaunti. Nang mabayaran na ito, kumita ako ng sobrang sampung libo, at kahit na nagkaroon ako ng mga pakiramdam ng pagkakonsensya at nalaman ko na hindi ito tapat at mali, hindi ko napigilan na makaramdam ng lihim na kasiyahan sa sobrang bilis na pagkita ng malaking pera. Pagkalipas ng ilang panahon, ang laging pagsisinungaling ko at pandaraya ay nagdulot sa akin ng ilang problema. Minsan kapag nagbenta ako ng pekeng bagay kalaunan, tatawagan ako ng mamimili para ipaayos ito. Ngunit ang pekeng bagay na iyon ay walang serbisyo pagkatapos maibenta, kaya kailangan kong maghanap ng lahat ng klase ng dahilan para mawalan sila ng gana. Minsan may galit na nagsasabi sa akin, “Kayong mga may-ari ng negosyo ay hindi responsable pagkatapos ninyong magbenta ng isang bagay. Talagang hindi kayo mapagkakatiwalaan!” Ang marinig ang isang mamimili na sabihin ang gaya nito ay hindi madali para sa akin, pero naisip ko na lahat ng mga tao ay nagnegosyo sa gayong paraan, kaya hindi ba ito ganap na normal? Ang ganoong pakiramdam ng pagkakonsensya ay unti-unting nawala.

Ilang mga taon ang lumipas at kahit na kumita ako ng kaunting pera at nabubuhay ng mas komportable, hindi ako nakadama ng anumang kagalakan sa puso ko. Sa halip, madalas akong kinakabahan dahil nagbenta ako ng maraming pekeng bagay, takot sa araw na malaman ng isang mamimili na may problema sa kalidad at tawagan ako at bawiin ang bayad o isumbong ako. Iyon ay magpapagastos sa akin ng maraming pera. Magiging dahilan din ito para masira ang reputasyon ko, at ang mga tao ay pag-uusapan ako kapag nakatalikod ako. Umaasa na maiiwasan ito, palagi akong nag-iisip tungkol sa kung paano ko maaayos ang lahat kung sakaling makatanggap ako ng ganoong klase ng tawag. Ang pamumuhay sa gayong paraan ay nakakapagod para sa akin. Madalas kong naisip, “Kung tapat akong magnenegosyo at oorderin kung ano ang hiling ng mamimili na hindi magbibigay sa kanila ng mahinang klase, hindi ako laging mag-aalala tungkol dito. Pero maraming karagdagang gastusin para sa negosyo ko at bahay. Kapag tapat akong magnegosyo, kinukuha kung ano ang gusto ng mamimili, hindi ako kikita ng maraming pera. Hindi ba sinasabi nila ‘Walang matapat na negosyante’? Hindi ba ganoon talaga ang mga bagay sa mga panahon ngayon? Hindi ako kikita ng sapat na hindi nandaraya kaya magtutuon lang ako sa pera.” Kaya nga, kahit na minsan hindi mapalagay ang konsensya ko, patuloy kong ginagamit ang mapandayang mga paraan ng pagnenegosyo para kumita ng pera.

Noong 2004, ibinahagi sa akin ng hipag ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos naging tiyak ako na ito ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at nagsimula ako sa pamumuhay ng buhay-iglesia. Isang araw nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Hinihingi ng Aking kaharian ang mga tapat, ang mga hindi mapagkunwari o mapanlinlang. Hindi ba’t ang mga tunay at tapat na tao ay hindi sikat sa mundo? Mismong kabaligtaran Ako. Katanggap-tanggap na lumapit sa Akin ang matatapat na tao; nalulugod Ako sa ganitong uri ng tao, at kailangan Ko rin ang ganitong uri ng tao. Ito mismo ang Aking pagiging matuwid(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 33). “Dapat ninyong malamang gusto ng Diyos yaong mga tapat. Sa diwa, matapat ang Diyos, at kaya naman palaging mapagkakatiwalaan ang mga salita Niya; higit pa rito, walang mali at hindi mapag-aalinlanganan ang mga kilos Niya, kung kaya gusto ng Diyos yaong mga lubos na tapat sa Kanya(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tatlong Paalaala). Sa pagbabasa nito, natutunan ko na gusto ng Diyos ang taong matapat at hinihingi Niya sa atin na maging matapat at matuwid sa ating mga salita at mga gawa. Hindi natin dapat linlangin o dayain ang Diyos o ang tao. Naisip ko, “Ang pagiging matapat ay maayos at mabuti at ito ay mapayapa at tahimik na paraan ng pamumuhay. Ngunit sa lipunang ito na nahuhumaling sa pera, ang mga tapat na tao ay mukha lang mga hangal sa iba. Lalo sa aming mga nasa negosyo, ang pandaraya sa mga mamimili ay bukas na lihim. Kung lubos akong tapat, hindi ako kikita ng anumang pera at hindi ako magkakaroon ng kabuhayan. Baka may magturing pa sa akin na isang hangal at dayain ako. Pero hinihingi sa atin ng Diyos na maging tapat na mga tao, kaya ano ang dapat kong gawin?” Naisip kong makipagkompromiso. Magsasalita at kikilos ako nang buong tapat sa iglesia kasama ang mga kapatid. Hindi ko kailangang mag-ingat at walang sinumang matatawa sa akin. Pero hindi ko kayang maging tapat na tao sa trabaho. Kaya, nagsimula akong isagawa ito.

Isang araw isang mamimili ang dumating at umorder ng isandaan at dalawampung mga mesa at upuan. Lahat ng mga pinili niyang modelo ay may magandang kalidad at hindi ka-amoy ng pormaldehayd. Iniisip ko, “Papalitan ko ang lahat ng inorder niya ng mga produktong mula sa ibang pabrika, na kahawig mismo ng mga gusto niya, kahit na ang kalidad ay mas mababa at amoy pormaldehayd ang mga ito. Kung gayon kikita ako ng sobrang 1,200 yuan.” Naisip ko na bentahan siya ng mas mababang kalidad na kasangkapan. Pero naisip ko ang tungkol sa pagiging mapanganib ng pormaldehayd, at hindi ako mapalagay. Pero, alam ko na ang ibang mga tindahan ay nagnenegosyo sa gayong paraan. Kapag hindi ko siya dinaya, pupunta lang siya sa iba at doon siya madadaya. Naisip ko na ako na ang kikita ng perang iyon. Kaya sa magaang na konsensya, inilagay ko sa order niya ang mga pekeng produkto. Noong naihatid ko na ito pagkaraan ng ilang araw, nagduda ang mamimili sa kalidad at sa amoy. Tinanong niya ako, “Hindi ba mapanganib ang bagay na ito? Paano ka nagnenegosyo sa ganitong paraan? Ayoko na sa mga bagay na ito!” Gusto kong makipag-areglo sa kanya at bigyan siya ng mas murang halaga basta kunin niya lang lahat. Pero hindi niya ako binigyan ng pagkakataon na magsalita, kundi sinabi nang napakatigas at walang tinag na gusto niyang isauli ang lahat ng mga ito. Wala akong nagawa kundi kunin uli lahat ng 120 na mga mesa at upuan. Naging miserable ako pag-uwi ko sa bahay. Iniisip ko na ang paggawa sa mga bagay nang hindi tapat ay mahirap gawin at maraming nakukuhang mga bagay. Hindi lang ang pera, kundi ang reputasyon at dignidad ko ay nasira. Inaani ko ang itinanim ko. Kung ginawa ko ang mga bagay sa paraang hinihingi ng Diyos at hindi magbenta ng mga pekeng produkto, hindi ako kikita ng ganoon karaming pera, pero walang sasama ang loob sa, at hindi ko papagurin ang sarili ko rito o kakabahan. Sa pamamagitan ng pagiging hindi tapat sinasaktan ko ang sarili ko at ang iba. Lumapit ako sa Diyos para manalangin, na sinasabing, “O, Diyos ko! Hinihingi mo sa amin na maging tapat na mga tao ngunit ako’y hindi pa rin tapat sa aking negosyo. Ang nangyari ngayon ay Iyong pagdisiplina at sawa na ako sa kapaitan ng pamumuhay sa ganitong paraan. Ayoko nang mandaya ng mga tao. Nais kong gabayan Mo ako upang maging tapat. Handa akong magsikap upang magawa ang Iyong hinihingi.”

Isang araw sa aking debosyonal, nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Ako ang Diyos na sumusuri sa kaibuturan ng puso ng tao. Huwag kang kumilos ng isang paraan kapag kaharap ang kapwa ngunit ibang paraan kapag nakatalikod sila; malinaw Kong nakikita ang lahat ng ginagawa mo, at kahit malinlang mo ang iba, hindi mo Ako malilinlang. Malinaw Kong nakikita iyong lahat. Hindi posibleng maitago mo ang anumang bagay; ang lahat ay nasa Aking mga kamay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 44). “Palagay mo ba walang mangyayari sa iyo matapos mong dayain sa pera ang isang tao? Palagay mo ba, matapos mong kunin ang perang iyon, wala kang haharaping anumang mga bunga? Imposible iyan; may mga ibubunga talaga iyan! Sino man sila o maniwala man sila o hindi na mayroong Diyos, kailangang managot ang bawat tao para sa sarili nilang pag-uugali at tiisin ang mga ibubunga ng kanilang mga kilos(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X). “Ang hinihingi ng Diyos sa mga tao na maging matapat ang nagpapatunay na tunay na kinamumuhian Niya ang mga mandaraya, na hindi Niya gusto ang mga taong mandaraya. Ang katunayan na hindi gusto ng Diyos ang mga mandaraya ay nangangahulugan na hindi Niya gusto ang kanilang mga kilos, disposisyon, at ang kanilang mga motibo; iyon ay, hindi nais ng Diyos ang paggawa nila ng mga bagay-bagay. Kaya kung bibigyan natin ng kasiyahan ang Diyos, dapat muna nating baguhin ang ating mga kilos at paraan ng pag-iral. Dati-rati, umasa tayo sa mga kasinungalingan at pagkukunwari para mamuhay sa piling ng mga tao. Ito ang ating puhunan, at ang batayan ng pag-iral, buhay, at pundasyon ng ating pagkilos, at lahat ng ito ay kinamuhian ng Diyos(“Ang Pinakasaligang Pagsasagawa ng Pagiging Isang Taong Tapat” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw).

Naramdaman ko mula sa mga salita ng Diyos na ang disposisyon ng Diyos ay matuwid, banal, at hindi kinukunsinti ang anumang pagkakasala. Sinusuri Niyang mabuti ang bawat salita at gawa natin at sa huli ay makukuha nating lahat ang nararapat sa atin ayon sa ating nagawa. Saglit akong makakatakas sa pandaraya para magkaroon ng mas maraming pera, pero aanihin ko ang mapait na bunga kalaunan. Mapupunta ako sa impiyerno at mapaparusahan pagkatapos kong mamatay. Iyan ang makalangit na batas. Nakita ko kung gaano ako naging hangal. Inisip ko na maari akong maging tapat sa mga kapatid pero mapandaya sa negosyo ko para ipagmagaling ang aking sarili sa Diyos at pagpalain kalaunan nang hindi sinisira ang mga interes ko pansamantala. Maloloko ko ang mga tao sa maliliit kong pandaraya, pero hindi ang Diyos. Binayaran ko nang medyo malaking pera ang mga mesa at upuang iyon. Iyon ang disiplina ng Diyos, pero binabalaan at nililigtas Niya rin ako. Dahil kung hindi ay nagpatuloy akong sundin ang gusto ko at naging hindi tapat at siguradong sa huli ay tatanggapin ko ang aking parusa. Natakot ako nang kaunti dahil sa ideyang ito at sinumulan kong magnilay sa sarili ko. Kung aalalahanin ang mga taon ko sa negosyo, hindi ko pinansin ang konsensya ko para magkaroon ng mas maraming pera, pinapalitan ang de-kalidad na produkto na inorder ng mga mamimili ng mga mahihinang klase. Nagsinungaling ako at nandaya, at ipinilit ang maling paglalarawan ng mahihinang kalidad na produkto bilang matataas ang kalidad. Maging pagkatapos magkaroon ng pananampalataya, kahit nalalaman nang lubos na hinihingi ng Diyos na maging tapat tayo, na huwag dayain ang tao o ang Diyos, nandaya at nagsinungaling pa rin ako sa mga mamimili para magkaroon ng salapi, kumikita ng maruming pera. Ginawa ko ang lahat alang-alang sa pera. Pinapatakbo ko ang isang kahina-hinalang negosyo, niloloko ang mga tao, ginawang tiwali ni Satanas at walang konsensya o katinuan. Naging tuso, makasarili, at kasuklam-suklam ako, nabubuhay na gaya ng demonyo na walang anumang wangis ng tao. Gaya ito ng sinabi ng Panginoong Jesus: “Kayo’y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya’y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka’t walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka’t siya’y isang sinungaling, at ama nito(Juan 8:44). “Datapuwa’t ang magiging pananalita ninyo’y, Oo, oo; Hindi, hindi; sapagka’t ang humigit pa rito ay buhat sa masama(Mateo 5:37). Tanging ang diablo ang laging nagsisinungaling at nandaraya, at iyon ang ginagawa ko. Hindi ba may wangis ako ng diablo? Nasaan ang wangis ko ng tao? Iniisip ito, labis akong namuhi sa sarili ko. Ayoko nang magsinungaling para sa sarili kong kapakanan. Kalaunan, nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Maging matapat ka; manalangin ka sa Diyos na alisin ang panlilinlang sa puso mo. Dalisayin mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng panalangin sa lahat ng oras, maantig ka ng Espiritu ng Diyos sa pamamagitan ng panalangin, at unti-unting magbabago ang iyong disposisyon(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin). “Ang katapatan ay nangangahulugang pagbibigay ng puso mo sa Diyos, pagiging wagas sa Diyos sa lahat ng mga bagay, pagiging bukas sa Kanya sa lahat ng mga bagay, hindi pagtatago kailanman ng katotohanan, hindi pagsusubok na malinlang yaong mga nasa itaas at nasa ibaba mo, at hindi paggawa ng mga bagay upang manuyo lamang sa Diyos. Sa madaling salita, ang pagiging tapat ay pagiging dalisay sa mga kilos at mga salita mo, at hindi paglilinlang sa Diyos o sa tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tatlong Paalaala). Binigyan ako ng mga salita ng Diyos ng landas ng pagsasagawa. Nalaman ko na kailangan kong magtiwala sa Diyos sa pagsisikap kong maging matapat na tao, at manalangin sa Diyos ukol sa mga paghihirap ko para makalaya ako sa tiwaling disposisyon ko. Kailangan ko rin manalangin kapag may bagay sa negosyo na tungkol sa pera o sa interes ko, tanggapin ang pagsusuri ng Diyos, at maging matuwid na tao. Kailangan kong maging totoo, at hanapin ang katotohanan mula sa katotohanan ng salita at gawa. Nanalangin ako noong napagtanto ko ang lahat ng ito, handang tanggapin ang pagsusuri ng Diyos at isagawa ang Kanyang mga salita.

Hindi nagtagal, may mamimili na dumating para umorder ng ilang bakal na kabinet. Humiling siya ng mga kabinet na may mataas sa karaniwang kalidad na matibay ang pagkagawa. Sa oras na iyon, naisip ko, “Kapag nilagay ko ang order niya gaya ng gusto niya, hindi ako kikita ng malaking pera pagkatapos ng ibang gastusin sa negosyo. Kapag nakahanap ako para sa kanya ng medyo mas manipis at hindi niya napansin, kikita ako ng 10,000 yuan o mas malaki mula rito. Paano kaya kung umorder ako ng hindi masyadong matibay?” Habang nag-aalangan ako, naalala ko ang mga kinahinatnan ng lahat ng beses na nanloko ako ng mga tao. Hindi lang wala akong kinitang anuman, kundi nawalan ako ng pera at sumama ang pakiramdam. Naisip ko rin kung paano nagbibigay ang mga matapat na tao ng kagalakan sa Diyos at pinagpapala Niya sila at hinihingi Niya sa atin na sabihin ang lubos na katotohanan. Hindi ko magawang hindi pansinin ang konsensya ko at gumawa ng hindi tapat na bagay para lang sa pera. Napagtanto ko na ang pagharap kong muli rito ay pagsubok ng Diyos sa akin upang makita kung makakapagsagawa ako ayon sa pagpapasyang ginawa ko sa harapan ng Diyos. Nanalangin ako sa Diyos, hiniling ko sa Kanya na protektahan ako mula sa tukso at bigyan ako ng lakas na maisagawa ang katotohanan at talikdan ang sarili ko, at maging matapat na tao na nagpapalugod sa Diyos. Lumakas ako pagkatapos ng panalangin ko. Inorder ko ang bakal na kabinet para sa kanya gaya ng hiniling niya at kahit na hindi ako masyadong kumita nagkaroon ako ng tunay na kapayapaan sa puso ko. Naramdaman ko rin kung gaano kaganda ang maisagawa ang katapatan ayon sa mga salita ng Diyos. Hindi ako nabigatan at hindi ako nag-alala sa kung ano ang mangyayari.

Nabasa ko kalaunan ang mga salitang ito mula sa Diyos: “Isinilang sa gayong napakaruming lupain, labis nang naimpluwensiyahan ng lipunan ang tao, naimpluwensiyahan na siya ng mga etikang pyudal, at naturuan na siya sa ‘mga institusyon ng mas mataas na pag-aaral.’ Ang kaisipang paurong, tiwaling moralidad, masamang pananaw sa buhay, kasuklam-suklam na pilosopiya sa pamumuhay, lubos na hungkag na pag-iral, at napakabuktot na uri ng pamumuhay at mga kaugalian—lubhang nanghimasok na sa puso ng tao ang lahat ng mga bagay na ito, at lubhang nagpahina at sumalakay sa kanyang konsensiya. Bilang resulta, mas lalong lumayo ang tao mula sa Diyos, at mas lalong naging tutol sa Kanya. … Marinig man nila ang katotohanan, hindi nag-iisip ang mga nananahan sa kadiliman na isagawa ito, ni nakahandang hanapin ang Diyos kahit na nasaksihan na nila ang Kanyang pagpapakita. Paano magkakaroon ng pagkakataon sa kaligtasan ang isang sangkatauhang napakasama? Paano mabubuhay sa liwanag ang isang sangkatauhang labis nang namumulok?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos). “Hangga’t hindi nararanasan ng mga tao ang gawain ng Diyos at natatamo ang katotohanan, ang likas na pagkatao ni Satanas ang namamahala at nagdodomina sa kanilang kalooban. Ano ba ang partikular na nakapaloob sa likas na pagkataong iyon? Halimbawa, bakit ka makasarili? Bakit mo pinoprotektahan ang sarili mong katungkulan? Bakit ka mayroong gayon katinding mga damdamin? Bakit ka nasisiyahan sa mga di-matutuwid na bagay na iyon? Bakit gusto mo ang mga kasamaang iyon? Ano ang batayan ng pagkahilig mo sa mga ganoong bagay? Saan nagmumula ang mga bagay na ito? Bakit ka masayang-masaya na tanggapin ang mga ito? Sa ngayon, naunawaan na ninyong lahat na ang pangunahing dahilan sa likod ng lahat ng bagay na ito ay dahil nasa kalooban mo ang lason ni Satanas. Tungkol naman sa kung ano ang lason ni Satanas, lubos itong maipapahayag sa mga salita. Halimbawa, kung tatanungin mo ang ilang masamang tao kung bakit sila gumawa ng kasamaan, sasagot sila: ‘Dahil ang bawat tao ay para sa kanyang sarili, at bahala na ang iba.’ Ipinahahayag ng nag-iisang pariralang ito ang pinakaugat ng problema. Ang lohika ni Satanas ay naging buhay na ng mga tao. Maaari silang gumawa ng mga bagay-bagay para sa ganito at ganoong layunin, ngunit ginagawa lamang nila iyon para sa kanilang sarili. Iniisip ng lahat ng tao na dahil ang bawat tao ay para sa kanyang sarili at bahala na ang iba, dapat mabuhay ang mga tao para sa sarili nilang kapakanan, at gawin ang lahat ng makakaya nila para magkaroon ng magandang posisyon alang-alang sa pagkain at marangyang pananamit. ‘Bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba’—ito ang buhay at ang pilosopiya ng tao, at kinakatawan din nito ang likas na pagkatao. Ang mga salitang ito ang mismong lason ni Satanas, at kapag isinapuso ito ng mga tao, nagiging kalikasan na nila ito. Ang kalikasan ni Satanas ay inilalantad sa pamamagitan ng mga salitang ito; lubos itong kinakatawan ng mga ito. Ang lasong ito ay nagiging buhay ng mga tao at nagiging pundasyon din nila sa buhay, at ang sangkatauhang ginawang tiwali ay patuloy nang pinangingibabawan ng lasong ito sa loob ng libu-libong taon(“Paano Lakaran Ang Landas ni Pedro” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Tinulungan ako ng mga salita ng Diyos na mapagtanto kung bakit hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagsisinungaling at pandaraya. Dahil labis akong ginawang tiwali ni Satanas. Ginagamit ni Satanas ang ating lipunan at ang pormal na edukasyon upang ibabad tayo sa mga satanikong batas gaya ng, “Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba,” “Hindi kalahatan ang pera, ngunit kapag wala ito, wala kang magagawa,” “Pera ang nagpapaikot sa mundo” at “Una ang pera.” Meron pa, “Walang matapat na negosyante.” Nakapasok ito sa loob ko at naging bahagi ng likas ko. Kaya humantong ako sa pagsamba sa pera at sa bawat hakbang, iniwanan ko ang mga pinakabatayang pamantayan ko sa pagkilos alang-alang sa kita. Naging mas masama ako, gahaman at interesado sa sarili. Labis akong naging makasarili at mapandaya. Sa pagnenegosyo, nagpalit ako ng mahihinang produkto para sa mga produktong de-kalidad at nakapinsala nang hindi ito inaamin. Ginawa ko ang pera at mga personal na interes na mas mataas higit sa lahat, maging ang pagbebenta ng sarili kong konsensya at integridad. Nawala sa akin ang normal na pagkatao. Kumita ako ng malaking pera sa ganoong paraan pero hindi ako naging masaya. Sa halip, madalas akong nakaramdam ng pagod at pagiging kabado. Mahirap na paraan ito ng pamumuhay. Sa huli, napagtanto ko na lahat ng ito ay dahil ginawa akong tiwali ni Satanas, dahil nabuhay ako sa pamamagitan ng mga batas ni Satanas para mabuhay. Napagtanto ko rin kung bakit sobrang dilim at sama ng mundo sa ngayon. Ito’y dahil nabubuhay ang lahat sa pamamagitan ng mga lason ni Satanas gaya ng “Gagawin ng tao ang lahat para yumaman” at “Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba.” Kaya diyus-diyosan nila ang pera, kasikatan, at estado, nagnanasa para sa masasamang kasiyahan, mas nagiging makasarili, gahaman, at masama. Nag-aaway ang mga tao dahil sa pera at pakinabang, sinasaktan at dinaraya ang isa’t-isa, ginagawa ang lahat. Maging ang mga kapamilya at mga kaibigan ay gayon din. Wala nang sinuman ang may pakialam sa konsensya o integridad, at parang hindi na sila tao. Ang lipunan natin, na hinahawakan ni Satanas nang napakahigpit, ay gaya ng pangkulay, isang panggiling ng karne. Kung walang pananampalataya sa Diyos, walang paraan para malaman ang katotohanan kung paano ginagawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan o makakatakas mula sa madilim nitong impluwensiya. Tayo’y nagiging mas tiwali lang at mahalay, at sa huli’y nilalapa tayo ni Satanas. Iyan ang resulta ng pananakit at paggawa sa ating tiwali ni Satanas. Napagtatanto ito, tunay na nagpasalamat ako sa proteksyon at pagliligtas ng Diyos. Kung walang patnubay, pagtustos, at paghatol ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, hindi ko malalaman ang kahalagahan ng pagiging matapat na tao. Hindi ko mapagtatanto ang diwa at resulta ng patuloy na pagsisinungaling. Magpapatuloy akong nabubuhay sa ilalim ng paghawak ni Satanas, laging nandaraya, hindi halos nabubuhay na gaya ng tao. Kahit gaano kalaking pera ang kitain ko, sa huli’y mapaparusahan pa rin ako sa impiyerno. Mula noon, isinagawa ko ang pagiging totoo at matapat sa negosyo ko. Minsan talagang natutukso ako ng pera at naiisip ko pa rin ang panlilinlang at panloloko sa mga tao, pero nalaman ko na napopoot ang Diyos doon at hindi rin ito gusto ng mga tao. Nanalangin ako sa Diyos na matalikdan ang mga mali kong motibo at isagawa ang pagiging matapat na tao. At nagulat ako, noong ginawa ko iyon, hindi naging kaunti ang kita ko. Lumago ang negosyo ko at nagkaroon ako ng mas maraming mamimili. Nakuha ko ang respeto ng mga tao at ang mga suking mamimili ay nagtiwala sa akin, kaya hindi na sila nagpupunta para tingnan ang mga bagay, kundi umoorder sila sa telepono. Mas naramdaman ko kung gaano katahimik, kalaya at katiyak sa pakiramdam ang maging matapat at isagawa ang mga salita ng Diyos.

Isang beses may mamimili na dumating at nag-order ng mga 500 na bakal na kabinet, hinihiling niyang maging 0.7 milimetro ang kapal ng mga materyales. Hindi man lang ako nag-alangan, kundi inorder ko ang ayon mismo sang-ayon sa hinihiling niya. Kagulat-gulat, inilabas niya ang kanyang microcaliper para suriin ang kapal noong inihatid ito lahat, pero talagang kalmado ako, malaya mula sa alalahanin o takot. Pagkatapos niya itong sukatin, sinabi niya, “Mapagkakatiwalaan ka talaga. Maraming tao ang gusto lang kumita ng pera at hindi mapagkakatiwalaan. Wala nang maraming taong gaya mo. Marami pa akong oorderin sa iyo sa hinaharap.” Nang marinig kong sabihin niya ito, mas malalim kong nadama kung gaano kaganda ang maging matapat gaya ng sinasabi ng mga salita ng Diyos. Gaya ito ng sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Magiging ganito ang hinaharap na pangangasiwa: Yaong mga makakamit ang mga pagbigkas mula sa bibig ng Diyos ay magkakaroon ng landas na lalakaran sa lupa, at maging sila man ay mga mangangalakal o mga siyentipiko, o mga tagapagturo o mga industriyalista, mahihirapang gumawa kahit isang hakbang yaong mga walang mga salita ng Diyos, at mapipilitan silang hangarin ang tunay na daan. Ito ang ibig sabihin ng, ‘Kasama ang katotohanan ay lalakarin mo ang buong mundo; nang walang katotohanan, wala kang mararating’(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dumating Na ang Milenyong Kaharian). Nagpapasalamat ako para sa pagliligtas ng Diyos!

Sinundan: 11. Ang Tanging Paraan Para Mamuhay Nang Tulad ng Isang Tunay na Tao

Sumunod: 13. Ang Pagpupunyaging Maging Matapat na Tao

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

88. Ang Hirap ng Kulungan

Ni Xiao Fan, TsinaIsang araw noong Mayo 2004, dumadalo ako sa isang pagtitipon kasama ng ilang kapatid nang biglang pumasok ang mahigit 20...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito