Kabanata 104

Lahat ng tao, mga pangyayari, at mga bagay sa labas Ko ay lilipas tungo sa kawalan, samantalang lahat ng tao, mga pangyayari, at mga bagay sa loob Ko ay magkakamit ng lahat ng bagay mula sa Akin at papasok sa kaluwalhatian na kasama Ko, papasok sa Aking Bundok ng Sion, papasok sa Aking tahanan, at mabubuhay na kasama Ko magpakailanman. Aking nilikha ang lahat ng bagay sa simula, at tatapusin Ko ang Aking gawain sa huli. Ako rin ang mabubuhay at mamumuno magpakailanman bilang Hari. Samantalang nasa panahon ng pamamagitan, Akin ding pinangungunahan at inuutusan ang buong sansinukob. Walang sinumang makaaagaw ng Aking awtoridad, sapagkat Ako mismo ang nag-iisang Diyos. Bukod pa rito, Ako rin ay mayroong kapangyarihang ipasa ang Aking awtoridad sa Aking mga panganay na anak, upang sa gayon ay maaari silang magharing kasama Ko. Ang mga bagay na ito ay iiral magpasawalang-hanggan, at kailanman ay hindi maaaring mabago. Ito ang Aking atas administratibo. (Saanmang dako Ko talakayin ang Aking atas administratibo ay tinutukoy Ko ang kung anong nangyayari sa Aking kaharian at iiral magpasawalang-hanggan at hindi kailanman maaaring mabago.) Bawat isa ay dapat mapapaniwala nang buong puso, at dapat na makita ang Aking dakilang kapangyarihan sa Aking mga iniibig. Walang makapagpapahiya sa Aking pangalan; ang sinomang gagawa nito ay dapat umalis dito! Ito ay hindi dahil sa Ako’y walang habag, kundi dahil ikaw ay hindi matuwid. Kung lalabagin mo ang Aking pagkastigo, kung gayon ay haharapin kita at paglalahuin kita magpakailanman. (Siyempre, ang lahat ng ito ay nakaukol sa mga taong hindi Ko panganay na mga anak.) Ang ganyang basura ay hindi tanggap sa Aking bahay, kaya magmadaling umalis dito! Huwag manatili nang isang minuto, o kahit nang isang segundo! Dapat mong gawin kung ano ang sinasabi Ko, kundi ay wawasakin kita sa isang salita. Mas mabuting huwag ka na ring manatiling nag-aalinlangan, at mas mabuting huwag ka na ring manatiling sumusubok na manlinlang. Kapag nasa harapan Ko, nag-iimbento ka ng mga walang-kabuluhan, at nagsisinungaling sa Aking mukha. Magmadali at umalis! Ang Aking panahon sa mga ganyang bagay ay limitado. (Kapag oras nang gumawa ng paglilingkod, ang mga taong ito ay gagawa ng paglilingkod, at kapag oras nang umalis, sila ay aalis. Ako’y gumagawa ng mga bagay-bagay nang may karunungan, hindi kailanman nahuhuli ni isang minuto o isang segundo; hindi ni katiting kailanman. Lahat ng Aking mga kilos ay matuwid at tumpak na tumpak.) Gayunman, pagdating sa mga panganay Kong anak, Ako ay walang-hanggang mapagparaya, at ang pagmamahal Ko sa inyo ay panghabang panahon, binibigyan kayo ng kakayahan na walang-hanggang magtamasa ng mabubuting pagpapala at walang-hanggang buhay kasama Ko. Pansamantala, hindi kayo kailanman magtitiis ng anumang kabiguan o sasailalim sa Aking paghatol. (Ito ay tumutukoy sa panahong nagsisimula na kayong magtamasa ng mga pagpapala.) Ito ang walang-hanggang pagpapala at ang pangako sa Aking mga panganay na anak noong likhain Ko ang mundo. Dapat ninyong makita ang Aking katuwiran diyan: minamahal Ko sila na Aking itinalaga, at kinamumuhian yaong Aking inabandona at inalis, magpakailan pa man.

Bilang Aking mga panganay na anak, dapat ninyong panghawakan ang inyong mga sariling tungkulin at matatag na tumayo sa inyong mga sariling katungkulan. Maging mga unang hinog na bunga na tinipon sa harap Ko at tanggapin ang Aking pansariling pagsusuri, nang sa gayon ay maisabuhay ninyo ang Aking maluwalhating wangis at nang ang liwanag ng Aking kaluwalhatian ay makasikat sa inyong mga mukha, upang ang Aking mga pagbigkas ay maikalat sa pamamagitan ng inyong mga bibig, upang ang Aking kaharian ay inyong mapamamahalaan, at upang ang Aking bayan ay inyong mapagharian. Dito ay binabanggit Ko ang “mga unang hinog na bunga,” gayundin ang mga salitang gaya ng “tinipon.” Ano ang “mga unang hinog na bunga”? Ayon sa kuru-kuro ng mga tao, kanilang iniisip na ang mga ito ay ang unang pangkat ng mga taong inagaw, o ang matatagumpay, o ang mga tao na mga panganay na anak. Lahat ng ito ay mga kamalian at mga maling pagkaunawa ng Aking mga salita. Ang mga unang hinog na bunga ay ang mga tao na nakatanggap ng pahayag mula sa Akin at nagkamit ng awtoridad mula sa Akin. Ang mga salitang “unang hinog” ay tumutukoy sa pagiging pag-aari Ko, at sa pagiging itinalaga at pinili Ko. Ang “unang hinog” ay hindi nangangahulugan na “ang una sa magkakasunod.” Ang “mga unang hinog na bunga” ay hindi materyal na mga bagay na nakikita ng mga mata ng tao. Ang sinasabing “mga bunga” na ito ay tumutukoy sa mga bagay na naglalabas ng bango (ito ay simbolikong kahulugan); ibig sabihin, tumutukoy ito sa mga taong Ako ay isinasabuhay, ipinamamalas Ako, at nabubuhay kasama Ko magpakailan man. Kapag sinabi Kong “mga bunga,” tinutukoy Ko ang lahat ng Aking mga anak na lalaki at bayan, habang ang mga unang hinog na bunga ay tumutukoy sa mga panganay na anak na mamumuno bilang mga haring kasama Ko. Samakatuwid, ang “unang hinog” ay dapat na maipaliwanag bilang nagtataglay ng awtoridad; iyan ang tunay na kahulugan nito. Ang “matipon” ay hindi nangangahulugan na madadala mula sa isang mababang lugar patungo sa isang mataas na lugar, gaya ng maaaring iniisip ng mga tao; malaking pagkakamali iyan. Ang “matipon” ay tumutukoy sa Aking pagtatalaga at pagkatapos ay pagpili. Nakaukol ito sa lahat ng Aking itinalaga at pinili. Lahat ng tinipon ay ang mga taong nagkamit ng katayuan ng pagiging mga panganay na anak, o ang bayan ng Diyos. Lubha itong hindi tugma sa mga kuru-kuro ng mga tao. Sila na magkakaroon ng bahagi sa Aking bahay sa hinaharap ay ang lahat ng natipon sa Aking harapan. Ito ay walang pasubaling totoo, hindi nagbabago kailanman, at hindi maaaring pabulaanan. Ito ang Aking ganting-atake laban kay Satanas. Sinumang Aking itinalaga ay matitipon sa harap Ko.

Paano ipaliliwanag ng isang tao ang “banal na trumpeta”? Ano ang inyong pagkaunawa rito? Bakit ito sinasabing banal at pinatunog na? Ito ay dapat ipaliwanag mula sa mga hakbang ng Aking gawain at maunawaan mula sa paraan ng Aking gawain. Ang panahon na ihahayag sa publiko ang Aking paghatol ay kung kailan ang Aking disposisyon ay mabubunyag sa lahat ng bansa at tao. Iyan ang sandali na ang banal na trumpeta ay patutunugin. Ibig sabihin, palagi Kong sinasabi na ang Aking disposisyon ay banal at hindi nalalabag, na siyang dahilan kung bakit “banal” ang ginagamit upang ilarawan ang “trumpeta.” Mula rito ay makikita na ang “trumpeta” ay tumutukoy sa Aking disposisyon at kumakatawan sa kung ano Ako at kung anong mayroon Ako. Masasabi rin na ang Aking paghatol ay nangyayari araw-araw, ang Aking poot ay lumalabas araw-araw, at ang Aking sumpa ay sumasapit sa bawat bagay na hindi naaayon sa Aking disposisyon araw-araw. Kung gayon ay masasabi na ang panahon na nagsisimula ang Aking paghatol ay ang panahon na ang banal na trumpeta ay pinatutunog, at ito ay patuloy na tumutunog araw-araw, hindi humihinto nang kahit isang saglit at hindi humihinto nang kahit isang minuto o segundo. Mula ngayon, palakas nang palakas ang magiging tunog ng banal na trumpeta, kasabay ng unti-unting nangyayaring malalaking kalamidad. Sa madaling salita, kasabay ng pahayag ng Aking matuwid na paghatol, ang Aking disposisyon ay higit pang maisasapubliko, at kung ano Ako at kung anong mayroon Ako ay idaragdag nang idaragdag sa Aking mga panganay na anak. Ito ang paraan ng aking paggawa sa hinaharap: Sa isang kamay ay pinalalakas at inililigtas sila na Aking minamahal, at sa isa naman ay ginagamit ang Aking mga salita upang ibunyag lahat ng Aking kinamumuhian. Tandaan! Ito ang paraan ng Aking gawain, ang mga hakbang ng Aking gawain, na ganap na totoo. Ito ay naiplano Ko na mula pa noong paglikha, at hindi ito maaaring baguhin ng kahit sino.

Mayroon pa ring maraming bahagi ng Aking mga salita na mahirap unawain para sa mga tao, kung kaya’t pinabuti Ko pang lalo ang Aking estilo ng pagsasalita at ang Aking mga paraan ng paghahayag ng mga hiwaga. Sa ibang salita, ang Aking estilo ng pagsasalita ay nagbabago at bumubuti araw-araw, na may mga ibang anyo at pamamaraan bawat araw. Ito ang mga hakbang ng Aking gawain, at hindi kayang baguhin ang mga ito ng kahit sino. Ang mga tao ay maaari lamang magsalita at kumilos nang naaayon sa Aking sinasabi. Ito ang ganap na katotohanan. Nakagawa na Ako ng nararapat na pagsasaayos kapwa sa Aking pagka-Diyos at sa Aking katawang-tao. Nakapaloob sa lahat ng kilos at gawain ng Aking pagkatao ang isang aspeto ng karunungan ng Aking pagka-Diyos. (Dahil ang sangkatauhan ay walang anumang karunungan, ang sabihin na ang mga panganay na anak ay nagtataglay ng Aking karunungan ay tumutukoy sa katotohanang taglay nila ang Aking banal na disposisyon.) Kapag kayong mga panganay na anak ay gumagawa ng mga kahangalan, ito ay dahil mayroon pa rin kayong mga elemento ng pagkatao sa loob ninyo. Samakatuwid, dapat niyong alisin ang ganyang kahangalan ng pagkatao, at gawin ang Aking ibig at itakwil ang Aking kinamumuhian. Sinumang nanggaling sa Akin ay dapat bumalik sa loob Ko, at sinumang ipinanganak sa Akin ay dapat bumalik sa loob ng Aking kaluwalhatian. Sila na aking kinamumuhian ay dapat iwan at putulin nang paisa-isa mula sa Akin. Ang mga ito ang mga hakbang ng Aking gawain; ito ang Aking pamamahala, at ito ang plano ng Aking anim na libong taong paglikha. Sila na Aking iniwan ay dapat na magpasakop na lahat at masunuring lisanin Ako. Dahil sa mga pagpapalang ipinagkaloob Ko sa kanila, ang lahat ng Aking minamahal ay dapat na purihin Ako upang ang Aking pangalan ay maging mas maluwalhati pa, at nang ang maluwalhating liwanag ay maidagdag sa Aking maluwalhating mukha, upang maaaring mapuno sila ng Aking karunungan sa Aking kaluwalhatian, at mas luwalhatiin pa ang Aking pangalan sa Aking maluwalhating liwanag!

Sinundan: Kabanata 103

Sumunod: Kabanata 105

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito