Kabanata 105

Dahil sa mga prinsipyo sa likod ng Aking mga salita, at dahil sa pamamaraan ng Aking paggawa, itinatatwa Ako ng mga tao; ito ang layunin ng Aking pagsasalita nang napakatagal (nakatuon ito sa lahat ng inapo ng malaking pulang dragon). Ito ang matalinong pamamaraan ng Aking gawain; ito ang Aking paghatol sa malaking pulang dragon. Ito ang Aking estratehiya, at wala ni isang tao ang lubusang makakaunawa rito. Sa bawat mahalagang pagbabago—ibig sabihin, sa bawat yugto ng paglipat ng Aking planong pamamahala—ilang tao ang dapat maalis; inaalis sila ayon sa pagkakasunud-sunod ng Aking gawain. Ganito lamang ang pamamaraan na isinasagawa ang Aking buong planong pamamahala. Pagkatapos Kong maitapon isa-isa ang mga taong nais Kong alisin, sinisimulan Ko naman ang susunod na hakbang ng Aking gawain. Gayunpaman, ito ang huling pagpapalayas (at ibig sabihin nito ay sa loob ng mga iglesia sa China), at ito rin ang panahon kung kailan maaalis ang pinakamalaking bilang ng mga tao habang dumaraan sa isang yugto ng paglipat mula nang likhain ang mundo. Sa buong kasaysayan, sa tuwing naaalis ang mga tao, mayroong isang bahagi na itinitira para maglingkod sa susunod na gawain. Ngunit ang panahong ito ay hindi gaya ng mga nakaraang panahon; malinis at mabilis ito. Ito ang pinakamahalaga at pinakakomprehensibo sa lahat ng panahon. Kahit na pagkatapos ng pagbabasa sa Aking mga salita, karamihan sa mga tao ay sinusubukang sapilitang alisin ang pagdududa sa kanilang mga isipan, sa huli ay hindi nila ito napagtatagumpayan, at katapus-tapusan ay bumabagsak sila sa kanilang pagsisikap. Hindi sila ang magpapasya nito, dahil sila na Aking mga itinalaga ay hindi makatatakas, at ang mga hindi Ko itinalaga ay maaari Ko lamang hamakin. Tanging ang mga pinapaboran Ko ang mga taong Aking minamahal; kung hindi, wala ni isang tao ang maaaring malayang umalis at pumasok sa Aking kaharian; ito ang Aking panghampas na bakal, at ito lamang ang makapangyarihang patotoo at lubos na pagpapamalas ng pagsasakatuparan ng Aking mga atas administratibo. Tiyak na hindi lamang ito tungkol sa pagiging malakas ang loob. Bakit Ko nasabing si Satanas ay walang lakas laban sa pagbagsak? Noong una ay may lakas ito, ngunit ito ay nasa Aking mga kamay; kung sasabihin Ko ritong humiga, dapat itong humiga, kung sasabihin Ko ritong bumangon para maglingkod sa Akin, dapat itong bumangon at maglingkod sa Akin, at gawin ito nang mabuti. Hindi sa gusto itong gawin ni Satanas; ito ay dahil pinamumunuan ng Aking panghampas na bakal si Satanas, at sa ganitong paraan lamang ito nahihikayat sa puso at sa salita. Pinamamahalaan ito ng Aking mga atas administratibo, at taglay Ko ang Aking kapangyarihan, kaya si Satanas ay hindi maaaring hindi lubos na mahikayat; dapat itong matapakan sa ilalim ng Aking tuntungan, nang walang bakas ng paglaban. Sa nakalipas, noong ito ay nagsisilbi sa Aking mga anak, sukdulang mapangahas si Satanas at sadya silang inaapi, umaasang sa pamamagitan niyon ay maipapahiya Ako at masasabing wala Akong kakayahan. Napakabulag! Yuyurakan kita hanggang sa mamatay ka! Sige lang; hinahamon Kitang maging mabagsik muli! Hinahamon Kitang tratuhin muli ang Aking mga anak nang may malamig na kawalan ng interes! Habang nagiging mas tapat ang mga tao, at habang mas nakikinig sila sa Aking mga salita at nagpapasakop sa Akin, mas inaapi at inihihiwalay mo sila (ang tinutukoy Ko rito ay ang pagtitipon mo ng iyong mga kasabuwat upang bumuo ng isang pangkat). Ngayon ang iyong mga araw ng kabagsikan ay natatapos na, at unti-unti Ko nang wawakasan ang pagtutuos Ko sa iyo; hindi Ko hahayaang matakasan mo ang kahit katiting ng iyong nagawa. Ngayon hindi ikaw—Satanas—ang nakakuha ng kapangyarihan; sa halip ay nabawi Ko na ang kapangyarihang iyon, at ang panahon para tawagin ang Aking mga anak para harapin ka ay dumating na. Dapat kang maging masunurin, at huwag lumaban nang kahit kaunti. Gaano man kaayos ang naging asal mo sa harapan Ko noon, hindi iyon makakatulong sa iyo ngayon. Kung hindi ka kabilang sa Aking mga minamahal, kung gayon ay hindi kita gusto. Hindi katanggap-tanggap ang masyadong marami, ito dapat ay ang bilang na Aking itinalaga; at kung mas kaunti kaysa riyan ay mas malala. Satanas, huwag maging mapanggambala! Maaari kayang hindi malinaw sa Aking sariling puso kung sino ang Aking minamahal at kung sino ang Aking kinamumuhian? Kailangan ba Kita upang magpaalala sa Akin? Maisisilang ba ni Satanas ang Aking mga anak? Lahat ay katawa-tawa! Lahat ay kahabag-habag! Lubusan at ganap Kong itatapon lahat. Kahit isa ay hindi kailangan, ang lahat ay dapat na umalis! Ang anim na libong taon na plano ng pamamahala ay nasa katapusan na, ang Aking gawain ay tapos na, at dapat Kong alisin ang kawan na ito ng mga hayop at mga halimaw!

Tiyak na ang mga naniniwala sa Aking mga salita at nagsasakatuparan sa mga ito ay sila na Aking minamahal; hindi Ko tatalikuran ang kahit isa sa kanila, at wala Ako ni isa mang paaalisin. Kaya sila na mga panganay na anak ay hindi kailangang mag-alala. Yamang ito ay Aking ipinagkaloob, walang sinumang makapag-aalis nito, at obligado Akong ipagkaloob ito sa Aking mga pinagpapala. Sila na Aking mga inaprubahan (bago ang paglikha ng mundo), ay Aking pinagpapala (ngayon). Ito ang paraan kung paano Ako gumagawa, at ito rin ang pangunahing prinsipyo ng bawat sugnay ng Aking mga atas administratibo, at walang sinumang makapagbabago nito; wala nang isa pang salita ang maidaragdag, ni isa pang pangungusap, lalong wala kahit isang salita o pangungusap ang maaaring alisin. Malimit Kong sinasabi noon na ang Aking persona ay nagpapakita sa inyo. Ano kung gayon ang Aking “persona,” at paano ba ito nagpapakita? Ito ba ay tumutukoy lamang sa Akin mismo? Ito ba ay tumutukoy lamang sa bawat pangungusap na Aking sinasabi? Ang dalawang aspetong ito, bagama’t kailangang-kailangan, ay bumubuo lamang ng isang maliit na bahagi; ibig sabihin, hindi bumubuo ang mga ito ng isang ganap na pagpapaliwanag ng Aking persona. Kabilang sa Aking persona ang Aking katawang tao, ang Aking mga salita, at maging ang Aking mga gawa, ngunit ang pinakatumpak na paliwanag ay, ang Aking mga panganay na anak at Ako ay ang Aking persona. Ibig sabihin, isang grupo ng mga Kristiyanong negosyante, na naghahari at may kapangyarihan, ang Aking persona. Dahil dito, bawat isa sa mga panganay na anak ay kailangang-kailangan at bahagi ng Aking persona, at kaya Aking binibigyang-diin na ang bilang ng mga tao ay hindi maaaring masyadong marami (kaya nagdadala ng kahihiyan sa Aking pangalan), at lalo pa ngang mahalaga, hindi ito maaaring masyadong kaunti (na hindi Ako kayang ganap na maipamalas). Bukod dito, paulit-ulit Kong binibigyang-diin na ang mga panganay na anak ay ang Aking mga pinakamamahal, Aking kayamanan, at ang kabuuan ng Aking anim na libong taon na plano ng pamamahala; sila lamang ang maaaring kumatawan sa Aking perpekto at lubos na pagpapamalas. Ako Mismo lamang ang maaaring maging lubos na pagpapamalas ng Aking persona; tanging kapag kasama Ko ang mga panganay na anak maaaring masabi na Ako Mismo ay naipapamalas nang perpekto at lubos. Kaya may mahigpit Akong mga hinihingi sa Aking mga panganay na anak, nang walang bagay na kinakaligtaan, at paulit-ulit Kong pinuputol at pinapatay ang lahat ng mga nakahiwalay sa Aking mga panganay na anak; ito ang ugat ng lahat ng Aking nasabi na, at ito ang kahuli-hulihang layunin ng lahat ng Aking nasabi na. Bukod pa rito, muli’t muli Kong binibigyang-diin na sila dapat ay mga taong inaprubahan Ko na, na personal Kong pinili magmula nang likhain ang mundo. Paano kung gayon maipaliliwanag ang salitang “pagpapakita”? Ito ba ay tungkol sa panahon kung kailan pumapasok sa espirituwal na mundo ang isang tao? Karamihan sa mga tao ay naniniwala na ito ay ang panahon na ang Aking katawang-tao ay pinahiran, o ang panahon kung kailan ay nakita nila ang Aking katawang-tao, ngunit mali ang lahat ng ito; hindi man lamang malapit. Ang “pagpapakita” ayon sa orihinal nitong kahulugan ay hindi mahirap unawain, ngunit mas mahirap itong unawain ayon sa Aking layunin. Maaaring masabi kung gayon: Nang nilikha Ko ang sangkatauhan, isinalin Ko ang Aking katangian sa pangkat na ito ng mga tao na Aking minamahal, at ang pangkat na ito ng mga tao ay ang Aking persona. Kung sasabihin ito sa ibang paraan, nakapagpakita na ang Aking persona sa panahong iyon. Hindi sa ang Aking persona ay nagpakita pagkatapos matanggap ang pangalang ito; bagkus ay nagpakita ito matapos Kong italaga ang pangkat na ito ng mga tao, dahil taglay nila ang Aking katangian (hindi nagbabago ang kalikasan nila, at bahagi pa rin sila ng Aking persona). Kaya ang Aking persona, mula pa noong nilikha ang mundo hanggang sa kasalukuyan, ay laging nagpapakita. Naniniwala ang karamihan ng tao sa kuru-kuro na ang Aking katawang-tao ay ang Aking persona, na talagang hindi totoo; ang palagay na yaon ay nagmula lamang sa kanilang mga saloobin at kuru-kuro. Kung ang Aking katawang-tao lamang ang Aking persona, hindi yaon magiging sapat upang maipahiya si Satanas. Hindi nito makakayang luwalhatiin ang Aking pangalan, at sa katunayan ito ay magkakaroon ng kasalungat na epekto, kaya nagdadala ng kahihiyan sa Aking pangalan, at nagiging isang marka ng panghihiya ni Satanas sa Aking pangalan sa buong kapanahunan. Ako ang marunong na Diyos Mismo, at hindi Ako kailanman gagawa ng gayong kahangalan.

Ang Aking gawain ay dapat magkaroon ng mga bunga, at bukod pa roon, dapat Akong magsabi ng mga salita nang may mga pamamaraan; lahat ng Aking mga salita at mga pagbigkas ay sinasabi kasama ng Aking Espiritu, at nagsasalita Ako ayon sa lahat ng ginagawa ng Aking Espiritu. Kaya lahat ay dapat, sa pamamagitan ng Aking mga salita, maramdam ang Aking Espiritu, makita kung ano itong ginagawa ng Aking Espiritu; dapat nilang makita kung ano ang eksaktong gusto Kong gawin, dapat nilang makita ang Aking paraan ng paggawa batay sa Aking mga salita, at makita kung ano ang mga prinsipyo ng Aking buong planong pamamahala. Pinagmamasdan Ko ang buong larawan ng sansinukob: Bawat tao, bawat pangyayari, at bawat lugar ay nasa ilalim lahat ng Aking pag-uutos. Walang nangangahas na lumabag sa Aking plano; lahat ay sumusulong bawat hakbang ayon sa kaayusang Aking naitakda. Ito ang Aking kapangyarihan; dito nakasalalay ang karunungan ng pamamahala ng Aking buong plano. Walang lubos na makauunawa o malinaw na makapagsasalita; lahat ay personal Kong ginagawa, at Ako lamang ang nagkokontrol.

Sinundan: Kabanata 104

Sumunod: Kabanata 106

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito