Kabanata 111

Tiyak na pagpapalain ang lahat ng bansa dahil sa Iyo; ipagbubunyi at pupurihin Ako ng lahat ng tao dahil sa Iyo. Lalago at uunlad ang Aking kaharian, at mananatili magpakailanman. Walang sinumang papayagang yumurak dito at walang anumang papayagang umiral na hindi umaayon sa Akin, sapagkat Ako ang maharlikang Diyos Mismo, na walang pinalalampas na paglabag. Hindi Ko hinahayaan ang sinuman na hatulan Ako, at hindi Ko hinahayaan ang sinuman na maging hindi Ko kaayon. Sapat na ito upang ipakita ang Aking disposisyon at ang Aking pagiging maharlika. Kapag lumalaban ang sinuman sa Akin, parurusahan Ko siya sa sarili Kong panahon. Bakit walang sinumang nakakita na sa Akin na pinarurusahan ang sinuman? Ito ay dahil lang sa hindi pa dumarating ang Aking oras at hindi pa talaga kumikilos ang Aking kamay. Bagaman umulan na ng matitinding sakuna, binubuo lang ito ng pagsasalita tungkol sa kung ano ang nasasangkot sa matitinding sakuna, habang ang realidad ng matitinding sakuna ay hindi pa sumapit sa sinumang tao. Naintindihan na ba ninyo ang kahit na ano mula sa Aking mga salita? Ngayon, sisimulan Kong ipalabas ang realidad ng matitinding sakuna. Pagkatapos nito, sinumang lumalaban sa Akin ay pababagsakin ng Aking kamay. Sa nakalipas, lahat ng nagawa Ko ay upang ilantad ang ilang tao; wala pang matinding sakuna ang dumating. Ang ngayon ay iba sa nakalipas. Yamang nasabi Ko na sa inyo ang lahat ng tungkol sa kung ano ang nasasangkot sa matitinding sakuna, ipahahayag Ko sa publiko, sa isang itinalagang panahon, ang realidad ng matitinding sakuna. Bago ito, walang sinumang naapektuhan na ng isang matinding sakuna, kaya karamihan sa mga tao (ibig sabihin, ang mga anak ng malaking pulang dragon) ay nagpatuloy na kumilos nang walang habas at basta-basta. Kapag dumating ang realidad, ang masasamang nilalang na ito ay ganap na makukumbinsi. Kung hindi, lahat ay magiging di-sigurado sa Akin, at walang magiging malinaw tungkol sa Akin. Ito ang Aking atas administratibo. Mula rito, makikita na ang Aking paraan ng paggawa (tumutukoy sa Aking paraan ng paggawa sa lahat ng tao) ay nagsimula nang magbago: Ipinakikita Ko ang Aking poot, ang Aking paghatol, at ang Aking sumpa sa mga inapo ng malaking pulang dragon, at nagsimula na ang Aking kamay na kastiguhin ang lahat ng lumalaban sa Akin. Ipinakikita Ko ang Aking awa at ang Aking mapagmahal na kabaitan sa mga panganay na anak. Lalong higit pa, sa mga panganay na anak, ipinakikita Ko ang Aking banal na disposisyon, na walang pinalalampas na paglabag; ipinakikita Ko ang Aking awtoridad, at ipinakikita Ko ang Aking persona. Pumirmi na ang mga tagapagsilbi upang gumawa ng serbisyo sa Akin, at, ang Aking mga panganay na anak ay nakikilala nang nakikilala. Sa pagpapabagsak sa mga lumalaban sa Akin, hinahayaan Ko ang mga tagapagsilbi na makita ang Aking walang-awang kamay, upang gumawa sila ng serbisyo sa Akin nang may takot at panginginig. Gayundin, hinahayaan Kong makita ng Aking mga panganay na anak ang Aking awtoridad at maunawaan Ako nang mas mabuti upang lumago sila sa buhay. Ang mga salitang binigkas Ko sa huling panahon (kasama na ang mga atas administratibo, propesiya, at paghatol sa lahat ng uri ng mga tao) ay nagsisimulang matupad nang sunud-sunod; ibig sabihin, makikita ng mga tao na nagkatotoo ang Aking mga salita sa harap ng kanilang mga mata, makikita na wala sa Aking mga salita ang walang saysay, bagkus ang bawat isa sa mga ito ay praktikal. Bago matupad ang Aking mga salita, maraming tao ang aalis dahil hindi pa natupad ang mga ito. Ito ang paraan ng paggawa Ko—hindi lang ito tungkulin ng Aking tungkod na bakal, subalit lalong higit pa, ito ang karunungan ng Aking mga salita. Mula sa mga ito, makikita ng isang tao ang Aking walang hanggang kapangyarihan at ang Aking pagkamuhi sa malaking pulang dragon. (Makikita lang ito pagkatapos Kong simulan ang Aking gawain. Ngayon ang ilang tao ay ibinubunyag—maliit na bahagi lang ito ng Aking pagkastigo, ngunit hindi ito maaaring isama sa matitinding sakuna. Hindi ito mahirap maunawaan. Sa gayon ay makikita na mula ngayon ang Aking paraan ng paggawa ay magiging mas mahirap pa para sa mga tao na maunawaan. Ngayon ay sinasabi Ko sa inyo upang kayo ay hindi maging mahina dahil dito pagdating ng panahon. Ito ang ipinagkakatiwala Ko sa inyo, dahil mangyayari ang mga bagay na hindi pa nakita ng mga tao mula pa noong sinaunang panahon, at mga bagay na magpapahirap sa mga tao na isantabi ang kanilang mga emosyon at ang kanilang pagmamatuwid sa sarili.) Ang dahilan kung bakit gumagamit Ako ng iba’t ibang pamamaraan upang parusahan ang malaking pulang dragon ay dahil ito ay Aking kaaway at Aking kalaban. Dapat Kong wasakin ang lahat ng mga inapo nito—saka Ko lang maaalis ang pagkamuhi sa Aking puso, at saka Ko lang maipapahiya nang wasto ang malaking pulang dragon. Ito lang ang ganap na pagwawasak sa malaking pulang dragon at pagtatapon dito sa lawa ng apoy at asupre, sa walang hanggang hukay.

Hinahayaan Ko ang Aking mga panganay na anak na magharing kasama Ko at samahan Ako sa pamamahala sa lahat ng bansa at sa pagtatamasa ng mga pagpapala hindi lang kahapon; ginagawa Ko rin ito ngayon, at higit na mahalaga, gagawin Ko rin ito bukas. Matagumpay Ko nang natapos ang Aking gawain—matagal Ko na itong sinasabi, at masasabi ring nagsimula Akong magsalita nang gayon mula sa panahon ng pagsisimula ng paglikha, ngunit hindi nauunawaan ng mga tao ang sinasabi Ko. Mula sa panahon ng paglikha hanggang ngayon, hindi pa Ako personal na gumawa ng gawain; sa madaling salita, ang Aking Espiritu ay hindi pa kailanman ganap na pumanaog sa tao para magsalita at gumawa. Ngunit ngayon ay iba sa nakalipas: Gumagawa nang personal ang Aking Espiritu sa lahat ng dako ng mundo ng sansinukob. Dahil sa mga huling araw ay nais Kong makamit ang isang pangkat ng mga tao na maghahari sa kapangyarihan kasama Ko, kumukuha muna Ako ng isang tao na kaisa Ko sa isipan, isang tao na maaaring maging mapagsaalang-alang sa Aking pasanin. Pagkatapos, ang Aking Espiritu ay ganap na papanaog sa Kanya upang ipahayag ang Aking tinig at upang ilabas ang Aking mga atas administratibo at ibunyag ang Aking mga hiwaga sa mundo ng sansinukob. Personal Siyang peperpektuhin ng Aking Espiritu; personal Siyang didisiplinahin ng Aking Espiritu. Dahil nabubuhay Siya sa normal na pagkatao, walang sinuman ang makakikita nang malinaw. Kapag ang Aking mga panganay na anak ay pumasok sa katawan, magiging lubusang malinaw kung ang Aking ginagawa ngayon ay realidad. Mangyari pa, sa mga mata ng tao, sa mga kuru-kuro ng tao, walang sinumang naniniwala at walang sinuman ang kayang maging masunurin. Ngunit iyon ang pagpaparaya Ko sa mga tao. Dahil ang realidad ay hindi pa dumarating, sa gayon ay hindi makapaniwala at hindi makaunawa ang mga tao. Hindi pa nagkaroon kailanman ng sinuman, na sa gitna ng kanilang pantaong mga kuru-kuro, ay maniniwala sa Aking mga salita. Ganito lahat ang mga tao: Naniniwala lang sila sa kung ano ang sinasabi ng Aking katawang-taong sarili, o kung hindi naman ay naniniwala lang sila sa tinig ng Aking Espiritu. Ito ang pinakamahirap na bagay na iwasto sa mga tao. Kung hindi pa nakita ng sarili nilang mga mata na nangyari ang isang bagay, walang sinumang makapagwawaksi sa kanilang sariling mga kuru-kuro, at walang sinumang makapaniniwala sa sinasabi Ko. Kaya ginagamit Ko ang Aking mga atas administratibo para parusahan ang mga anak ng pagsuway.

Nasabi Ko na ang gayong mga bagay noon: Ako ang Una at ang Huli, at Ako rin ang Siya na nangangasiwa sa lahat, mula sa pasimula hanggang sa katapusan. Sa mga huling araw, magtatamo Ako ng 144,000 na matagumpay na mga batang lalaki. Mayroon kayong ilan, literal na pagkaunawa sa mga salitang ito—“matagumpay na mga batang lalaki”—ngunit hindi malinaw sa inyo ang tungkol sa bilang—144,000. Sa kuru-kuro ng tao, ang isang bilang ay dapat na tumukoy sa isang bilang ng mga tao o sa isang bilang ng mga bagay. Hinggil sa “144,000” na tumuturing sa “matagumpay na mga batang lalaki”—“144,000 na matagumpay na mga batang lalaki”—iniisip ng mga tao na may 144,000 sa matagumpay na mga batang lalaki. Higit pa rito, iniisip ng ilang tao na may kung anong simbolikong kahulugan na nakapaloob sa bilang na ito, at itinuturing nila ang 140,000 at ang 4,000 na magkahiwalay na bahagi. Ngunit mali ang dalawang pagpapakahulugan na ito. Hindi ito tumutukoy sa isang aktuwal na bilang, at lalong hindi sa kung anong simbolikong kahulugan. Sa gitna ng sangkatauhan, walang sinumang makaaarok dito—inakala ng lahat ng mga tao sa nakaraang mga henerasyon na maaaring ito ay tumutukoy sa isang simbolikong kahulugan. Ang bilang na “144,000” ay nauugnay sa matagumpay na mga batang lalaki. Dahil dito, ang 144,000 ay tumutukoy sa pangkat ng mga tao sa mga huling araw na maghahari, at siyang iniibig Ko. Ibig sabihin, ang 144,000 ay dapat bigyang-kahulugan bilang ang pangkat ng mga tao na nagmula sa Sion at babalik sa Sion. Ang kumpletong pagpapaliwanag sa 144,000 na matagumpay na mga batang lalaki ay ang sumusunod: Sila ang mga tao na nagmula sa Sion patungo sa mundo at ginawang tiwali ni Satanas, at sila ang siyang muling makakamit Ko sa wakas at babalik sa Sion kasama Ko. Mula sa Aking mga salita makikita ng isang tao ang mga hakbang ng Aking gawain, nangangahulugan na ang panahon kung kailan papasok kayo sa katawan ay hindi na gaanong kalayuan. Kaya paulit-ulit Ko nang ipinaliwanag ang aspetong ito sa inyo, at nagbigay ng mga paalala sa inyo ukol dito. Makikita ninyo nang malinaw, at mula sa Aking mga salita ay masusumpungan ninyo ang daan ng pagsasagawa; mula sa Aking mga salita ay matutuklasan ninyo ang tulin ng Aking gawain. Para matuklasan ang tulin ng gawain ng Banal na Espiritu, dapat ninyong mabatid ito mula sa mga hiwagang ibinubunyag Ko (dahil walang sinuman ang makakikita at walang sinuman ang makaaarok sa gawain ng Banal na Espiritu). Iyan ang dahilan kung bakit ibinubunyag Ko ang mga hiwaga sa mga huling araw.

Sa Aking sambahayan, hindi magkakaroon ng anumang hindi umaayon sa Akin, at mula ngayon ay magsisimula Akong mag-alis at maglinis, nang paunti-unti. Sa gitna ng mga tao, walang sinumang makakapanghimasok, at walang sinumang makagagawa sa gawaing ito. Ibinubunyag nito kung bakit Ako gumagawa nang personal sa mga huling araw. At ito rin ang dahilan kung bakit sinabi Ko na sa inyo nang maraming beses na kailangan lang ninyong masiyahan sa inyong mga sarili at hindi kailangang igalaw kahit isang daliri. Sa pamamagitan nito ay nabubunyag ang Aking kapangyarihan, nabubunyag ang Aking pagiging matuwid at pagiging maharlika, at nabubunyag lahat ng Aking mga hiwaga na hindi mabuksan ng mga tao. (Dahil ang mga tao ay hindi pa kailanman nagkaroon ng anumang kaalaman tungkol sa Aking plano ng pamamahala o ng anumang pagkaunawa sa mga hakbang ng Aking gawain, tinatawag ang mga ito na “mga hiwaga.”) Kung ano ang makakamit Ko at kung ano ang gagawin Ko sa mga huling araw ay mga hiwaga. Bago ang panahon na nilikha Ko ang mundo, hindi Ko kailanman nagawa kung ano ang ginagawa Ko ngayon at hindi Ko kailanman ipinakita sa mga tao ang Aking maluwalhating mukha o anumang bahagi ng Aking persona; ang Aking Espiritu lang ang gumawa sa ilang tao. (Dahil, mula sa panahon ng paglikha, walang sinuman ang nakayang ipamalas Ako at walang sinuman ang nakayang ipahayag Ako, hindi Ko pa kailanman tinulutan ang mga tao na makita ang Aking persona, at ang Aking Espiritu ay gumawa na sa ilang mga tao.) Ngayon Ko lang ibinunyag ang Aking maluwalhating larawan at ang Aking persona sa mga tao, at ngayon lang nila nakita ang mga bagay na ito. Nguni’t ang nakikita ninyo ngayon ay hindi pa rin kumpleto, at hindi pa rin ito ang nais Kong makita ninyo. Ang nais Kong makita ninyo ay nasa katawan lang, at sa mismong sandaling ito ay wala pang nakatutugon sa kundisyong ito. Sa madaling salita, walang sinuman ang makakikita sa Aking persona bago sila pumasok sa katawan. Samakatuwid, sinasabi Ko na ibubunyag Ko ang Aking persona sa mundo ng sansinukob sa Bundok Sion. Mula rito ay makikita na ang pagpasok sa Bundok Sion ang huling bahagi ng Aking proyekto. Sa sandali ng pagpasok sa Bundok Sion, ang Aking kaharian ay matagumpay na maitatayo. Sa madaling salita, ang Aking persona ay ang kaharian. Ang sandali kung kailan ang mga panganay na anak ay pumapasok tungo sa katawan ay ang mismong sandali kung kailan ang kaharian ay magkakatotoo, kaya paulit-ulit na Akong nagsalita tungkol sa usapin ng pagpasok ng mga panganay na anak tungo sa Bundok Sion. Ito ang pinakamahalagang punto ng Aking buong plano ng pamamahala, na hindi pa kailanman naintindihan ninuman.

Sa sandaling baguhin Ko ang Aking paraan ng paggawa, magkakaroon ng higit pang maraming bagay na lampas sa naaabot ng isip ng tao, kaya mag-ingat hinggil dito. May mga bagay na lampas sa naaabot ng isip ng tao, ngunit hindi ito nangangahulugan na mali ang sinasabi Ko. Kaya lang ay mas kailangan pa ng mga tao na magdusa, at mas kailangan pa ng mga tao na makipagtulungan sa Akin. Huwag maging walang pakundangang talipandas, at huwag bastang sundin ang sariling mga kuru-kuro. Sapagkat ang karamihan sa mga gumagawa ng serbisyo sa Akin ay nadarapa hinggil dito. Ginagamit Ko ang Aking mga salita para ilantad ang kalikasan ng tao at para ibunyag ang mga kuru-kuro ng tao. (Ngunit yaong gumagawa ng serbisyo sa Akin, dahil hindi Ko pinapalitan ang kanilang mga kuru-kuro, ay bastang nadarapa, samantalang binabago Ko ang mga kuru-kuro niyaong Aking mga panganay na anak at inaalis ang kanilang pag-iisip sa pamamagitan nito.) Kaya sa huli, ang Aking mga panganay na anak ay peperpektuhing lahat dahil sa mga hiwagang ibinunyag Ko na.

Sinundan: Kabanata 110

Sumunod: Kabanata 112

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito