357 Walang Nakauunawa sa Kalooban ng Diyos
Ⅰ
Ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa gitna n’yo.
Ngunit walang bakas ng sampung porsiyento ng Diyos.
Ang sampung porsiyentong bigay ng maka-Diyos,
inaagaw at kinukuha ng masama.
‘Di ba kayong lahat ay ikinakalat mula sa Diyos?
‘Di ba kayo palaban sa Diyos?
Paano makikita ng Diyos ang masama
n’yong gawa bilang bagay na mahalaga?
Kusang ipinagkaloob ng Diyos ang lahat sa inyo,
kaya kahit nagdurusa kayo, nakakamit pa rin n’yo
lahat ng dinadala Niya para sa inyo mula sa langit.
Ngunit wala talaga kayong paglalaan.
Kahit kaunti ang inyong inilalaan,
kalaunan kayo’y magbibigay-sulit sa Diyos.
Binibigyan mo ang Diyos ng isang butil ng buhangin,
ngunit ang hinihingi mo’y isang toneladang ginto.
‘Di ba’t mawawalan ng halaga ang iyong kontribusyon?
‘Di ka ba nagiging di-makatwiran?
Ang landas ngayon ay may kasamang sumpa at paghatol,
ngunit dapat malaman na
ang ipinagkakaloob ng Diyos sa inyo,
ito ma’y paghatol o pagkastigo,
tinutugunan nito ang inyong mga pangangailangan,
ang pinakamainam para sa inyo.
Ⅱ
Para kanino ba ang gawain ng Diyos?
‘Di kaya ito’y para lang patayin kayo
upang mabunyag ang awtoridad ng Diyos?
‘Di ba’t kontrolado ng salita ng Diyos ang inyong buhay?
Bakit tinuturuan lamang kayo ng Diyos
sa mga salita, ‘di ginagawang katunayan
ang mga salita para patayin kayo?
‘Di kaya ang gawai’t mga salita
ng Diyos ay para patayin ang tao?
Basta lang ba pinapatay ng Diyos ang inosente?
Ngayon ilan sa inyo ang humaharap sa Diyos
taglay ang buo n’yong pagkatao, hangad ang tamang landas?
Ito’y katawan lang n’yo na nasa harap ng Diyos,
ngunit ang puso niyo’y naglilibot sa malayo.
Dahil ‘di n’yo alam kung ano ang gawain ng Diyos,
nais ng marami sa inyo na lisanin Siya,
nais ang buhay sa paraiso na walang paghatol.
‘Di ba’t ito ang nanaisin ng puso ng tao?
Tiyak na ‘di ka pinipilit ng Diyos.
Anumang landas ang iyong tahakin ay sarili mong kagustuhan.
Ang landas ngayon ay may kasamang sumpa at paghatol,
ngunit dapat malaman na
ang ipinagkakaloob ng Diyos sa inyo,
ito ma’y paghatol o pagkastigo,
tinutugunan nito ang inyong mga pangangailangan,
ang pinakamainam para sa inyo.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Masyadong Hamak ang Pagkatao Ninyong Lahat!