Kabanata 93

Isinasakatuparan ang realidad sa harap ng isang tao at naisakatuparan na ang bawat isang bagay; bumibilis ang takbo ng Aking gawain, pumapailanlang na parang sinindihang kuwitis. Hindi ito kailanman inasahan ninuman. Mauunawaan ninyo ang totoong kahulugan ng Aking mga salita pagkalipas lamang ng mga bagay-bagay. Kabilang dito ang mga supling ng malaking pulang dragon, at dapat nilang masaksihan sa sarili nilang mga mata ang Aking mga kamangha-manghang gawa. Huwag isiping hindi Kita itatakwil, ngayong nakatitiyak ka tungkol sa Akin matapos makita ang Aking mga gawa—hindi ito ganoon kasimple! Tiyak na tutuparin Ko ang mga salitang binigkas Ko at ang mga pangyayaring napagpasyahan Ko, at hindi babalik sa Akin ang mga ito nang walang bisa. Sa China, bukod sa iilang panganay Kong anak, mayroong iilan na Aking mga tao. Kaya ngayon, maliwanag Kong sinasabi sa inyo (na supling ng malaking pulang dragon, na umusig sa Akin nang pinakamatindi) na hindi kayo dapat panghawakan ang anumang malalaking pag-asa, at na ang pinagtutuunan ng Aking gawain (simula sa paglikha ng mundo) ay sa mga panganay Kong anak at ang ilang bansa sa labas ng China. Dahil dito, kapag lumaki na ang mga panganay Kong anak, matutupad ang Aking kalooban. (Kapag lumaki na ang mga panganay Kong anak, magagawa ang lahat ng bagay, dahil ibinibigay sa kanila ang gawaing paparating.) Pinapayagan Ko na ngayon ang mga taong ito na makita ang isang bahagi ng Aking mga kamangha-manghang gawa upang maipahiya lamang ang malaking pulang dragon. Hindi basta nasisiyahan ang mga taong ito sa ganoong bagay kundi matutuwa lamang sila kapag na nakapaglilingkod sila sa Akin. At wala silang mapagpipilian, sapagkat mayroon Akong mga atas administratibo at walang sinumang nangangahas na lumabag sa mga ito.

Ibabahagi ko ngayon ang tungkol sa ilang pangyayaring sangkot ang pagdating ng mga banyaga, upang magkaroon kayo ng paunang kaalaman, wastong maihanda ang lahat upang sumaksi sa Aking pangalan, at tumindig sa taas nila at pamunuan sila. (Sinasabi Kong “tumindig sa taas nila at pamunuan sila” dahil ang pinakadakila sa kanila ay ang pinakamababa pa rin sa inyo.) Nakamtan ng lahat ng taong ito ang pagbubunyag ng Banal na Espiritu, at sa hinaharap, lahat sila’y magsisiksikan sa China, na tila nauna nang naisaayos. Magugulantang ang malaking pulang dragon at lubos na pipiliting lumaban, ngunit tandaan ang isang bagay! Ganap nang natupad ang Aking plano ng pamamahala, at walang anuman at sinuman ang nangangahas na hadlangan ang Aking mga hakbang. Binibigyan Ko sila ng pagbubunyag sa lahat ng panahon, at kumikilos sila sa pamamagitan ng pagsunod sa gabay ng Banal na Espiritu. Tiyak na hindi sila magdurusa sa mga gapos ng malaking pulang dragon, sapagkat sa Akin, lahat ay mapapakawalan at lalaya. Angkop Kong naisaayos ang lahat ng bagay, naghihintay sa inyo na gawin ang gawain ng paghahanda upang magpastol sa kanila. Palagi Ko itong sinasabi sa inyo, ngunit hindi ganap nananiniwala ang karamihan sa inyo. Paano naman ngayon? Hindi kayo makapagsalita, hindi ba?

Pumapangalawa ang lahat ng bagay na ito; ang pangunahing bagay ay ang magawa ninyo ang lahat ng gawain ng paghahanda sa lalong madaling panahon. Huwag mabahala. Ang Siyang gumagawa ng gawain ay Ako at, sa pagdating ng panahon, Ako Mismo ang gagawa ng Aking gawain. Dinurog Ko nang pira-piraso ang malaking pulang dragon. Ang ibig sabihin, nilisan ng Aking Espiritu ang lahat ng tao, maliban sa mga panganay Kong anak (at mas madali na ngayong maibunyag kung sino ang mga supling ng malaking pulang dragon). Tapos nang maglingkod sa Akin ang mga taong ito, at pababalikin Ko sila sa walang hanggang hukay. (Nangangahulugan itong wala Akong gagamitin sa kanila. Simula ngayon, ganap na mabubunyag ang mga panganay Kong anak, at iyong mga nasa tabi Ko at siyang angkop na kasangkapanin Ko ang magiging mga panganay Kong anak.) Mga panganay Kong anak, opisyal ninyong natatamasa ang mga pagpapalang ipinagkakaloob Ko sa inyo (dahil nagpakita na ng totoo nilang kulay ang lahat ng Aking kinasusuklaman), at magmula ngayon ay walang sinuman sa inyo ang susuway sa Akin. Kayo ay taos at isandaang porsiyentong nakatitiyak sa Akin. (Ngayon lamang ito ganap na naisakatuparan, at itinadhana Ko ang panahong ito.) Lahat ng inyong isinasapuso at isinasaisip ay walang hanggang pagmamahal at pagkatakot dito sa Akin, at sa lahat ng oras ay pinupuri ninyo Ako at niluluwalhati ninyo Ako. Tunay kayong nabubuhay sa lilim ng pagkalinga at pagtatanggol ng Aking pag-ibig sa ikatlong langit. Anong walang kapantay na ligaya at saya! Iba itong dako, isang dako na mahirap ilarawan sa isip ng mga tao—ang tunay at espirituwal na daigdig!

Sunod-sunod ang pagsapit ng lahat ng sakuna, ang bawat isa ay mas matindi kaysa nauna, at nagiging mas nakababalisa ang kalagayan sa bawat araw. Simula pa lamang ito ng mga sakuna; hindi mailalarawan sa isip ng tao ang mga paparating na mas matitinding sakuna. Hayaang lutasin ang mga ito ng Aking mga anak; ito ang Aking atas administratibo, at matagal Ko na itong isinaayos. Lahat ng mga tanda at kababalaghang hindi pa nakikita kailanman ng tao ay nagmumula sa Akin, lumilitaw nang sunod-sunod sa lahat ng tao (ibig sabihin, lahat ng tao ng Aking kaharian). Ngunit isang bagay itong mangyayari sa malapit na hinaharap. Huwag mag-alala. Itong pagpasok sa kaharian na pinatungkulan ng lahat—ano ang kalagayan sa pagpasok sa kaharian? At ano ang kaharian? Ito ba ay isang pisikal na lungsod? Mali ang inyong pagkaunawa. Wala sa daigdig ang kaharian, ni sa pisikal na himpapawid, kundi sa espirituwal na daigdig na hindi makikita o mahihipo ng tao. Tanging iyong mga nagawa Kong ganap sa kabuuan at nagtatamasa ng Aking mga pagpapala pagkatapos tanggapin ang Aking pangalan ang makakapasok dito. Ang espirituwal na daigdig na madalas na nababanggit noon ay ang ibabaw ng kaharian. Subalit ang tunay na makapasok sa kaharian ay hindi madaling bagay. Iyong mga pumapasok dito ay dapat makamtan ang Aking pangako at dapat mga taong naitakda at napili Ko mismo. Samakatuwid, ang espirituwal na daigdig ay hindi isang lugar kung saan maaaring pumunta at umalis ng mga tao ayon sa kanilang kagustuhan. Ang pagkakaunawa dito noon ng mga tao ay napakababaw, at binubuo lamang ng mga kuru-kuro ng tao. Iyong mga makapapasok sa kaharian lamang ang makatatamasa ng mga pagpapala, kaya hindi lang sa hindi matatamasa ng tao ang mga pagpapalang ito, ngunit higit pa roon, hindi niya makikita ang mga ito. Ito ang pinakahuli Kong atas administratibo.

Sinundan: Kabanata 92

Sumunod: Kabanata 94

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito