Kabanata 101

Hindi Ako magiging maluwag ni kaunti sa sinumang gumagambala sa Aking pamamahala o naghahangad na sirain ang Aking mga plano. Dapat maunawaan ng lahat kung ano ang Aking ibig sabihin mula sa mga salitang Aking sinasabi, at dapat nilang malinaw na maunawaan ang Aking sinasabi. Dahil sa kasalukuyang kalagayan, dapat siyasatin ng bawat isa sa inyo ang iyong sarili: Anong klaseng papel ang ginagampanan mo? Nabubuhay ka ba para sa Aking kapakanan, o naglilingkod ka ba kay Satanas? Ang bawat pagkilos mo ba ay nagmumula sa Akin, o sa diyablo? Lahat ng ito ay dapat maging malinaw sa iyo upang maiwasan mong labagin ang Aking mga atas administratibo na makakapukaw ng Aking matinding galit. Sa paglingon sa nakaraan, ang mga tao ay palagi nang naging di-tapat at di-mapitagan sa Akin; naging walang galang sila, at higit pa roon, ipinagkanulo na nila Ako. Dahil sa mga ito, nahaharap ang mga taong ito sa Aking paghatol ngayon. Bagaman Ako ay mukhang isang tao lamang, ang lahat ng hindi Ko sinasang-ayunan (dapat ninyong maunawaan ang Aking ibig sabihin dito: Hindi ito tungkol sa kung gaano ka kaganda o gaano ka kaakit-akit, kundi kung ikaw ay Akin nang naitalaga at pinili) ay palalayasin Ko. Ito ay lubos na totoo. Ito ay dahil maaaring mukhang tao Ako sa panlabas, ngunit kailangan mong tumingin nang lampas sa Aking pagkatao upang makita ang Aking pagka-Diyos. Gaya ng maraming ulit Ko nang nasabi, “Ang normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos ay dalawang di-mapaghihiwalay na bahagi ng buong Diyos Mismo.” Gayunpaman, hindi pa rin ninyo Ako nauunawaan; pinahahalagahan mo lamang iyang malabo mong Diyos. Kayo ay mga taong walang espirituwal na pang-unawa. Gayunman, ang gayong mga tao ay gusto pa ring maging Aking mga panganay na anak. Napakawalang hiya! Hindi nila nakikita kung ano talaga ang sarili nilang katayuan! Wala nga sila sa katayuan na maging Aking bayan, kaya paano sila maaaring maging Aking mga panganay na anak at maging mga haring kasama Ko? Hindi kilala ng gayong mga tao ang kanilang mga sarili; sila ay mga kauri ni Satanas, at hindi sila karapat-dapat na maging haligi sa Aking sambahayan, at lalong hindi sila karapat-dapat na maglingkod sa Aking harapan. Samakatuwid, isa-isa Ko silang aalisin, at isa-isa Kong ibubunyag ang kanilang mga totoong mukha.

Nagpapatuloy ang Aking gawain nang paisa-isang hakbang, nang hindi nahahadlangan at nang wala ni katiting na sagabal, dahil natamo Ko na ang tagumpay at dahil naghahari na Ako sa buong sansinukob. (Ang Aking tinutukoy ay na pagkatapos talunin ang diyablong si Satanas ay nabawi Ko nang muli ang Aking kapangyarihan.) Habang natatamo Ko ang lahat ng panganay na anak, ang bandila ng tagumpay ay tataas sa Bundok ng Sion. Ang ibig sabihin, ang Aking mga panganay na anak ang Aking bandila ng tagumpay, ang Aking kaluwalhatian, at ang Aking ipinagmamalaki; sila ay tanda na naipahiya Ko na si Satanas at sila ang pamamaraan kung paano Ako gumagawa. (Sa pamamagitan ng isang pangkat ng mga tao na ginawang tiwali ni Satanas pagkatapos na sila ay Aking naitalaga, ngunit bumalik muli sa Aking tabi, hinihiya Ko ang malaking pulang dragon at pinamumunuan ang lahat ng anak ng paghihimagsik.) Ang Aking mga panganay na anak ay naroroon kung saan naroroon ang Aking pagka-makapangyarihan sa lahat; sila ang Aking malaking tagumpay, na hindi mababago at hindi mapasusubalian. Sa pamamagitan nila ay makukumpleto Ko ang Aking plano ng pamamahala. Ito ang ibig Kong sabihin noon nang sinabi Ko na, “Sa pamamagitan ninyo na Aking pababalikin ang lahat ng bansa at lahat ng bayan sa harap ng Aking trono.” Ito rin ang tinutukoy Ko nang binigkas Ko ang mga salitang, “ang mabigat na pasanin sa inyong mga balikat.” Malinaw ba? Nauunawaan mo ba? Ang mga panganay na anak ang resulta ng Aking buong plano ng pamamahala; dahil dito, hindi Ako kailanman nakitungo nang mahinahon sa pangkat na ito, at palagi Ko silang dinidisiplina nang matindi (ang matinding pagdidisiplina na iyon ay ang mga paghihirap na pinagdurusahan sa mundo, ang mga kasawian ng mga pamilya, ang pang-iiwan ng mga magulang, mga asawang lalaki, mga asawang babae, at mga anak—sa madaling salita, ang pang-iiwan ng mundo at ang pagtalikod ng kapanahunan), at ito ang dahilan kung bakit mapalad kang makalapit sa harapan Ko ngayon. Ito ang sagot sa tanong na malimit na ninyong pinag-isipan: “Bakit hindi tinanggap ng ibang mga tao ang pangalang ito, ngunit tinanggap ko ito?” Ngayon ay alam na ninyo!

Ngayon, walang bagay ang katulad ng sa nakalipas. Ang Aking plano ng pamamahala ay gumagamit na ng mga bagong pamamaraan, ang Aking gawain ay mas naiiba kaysa noon, at ang Aking mga pahayag ay lalo pa ngayong hindi mapapantayan. Samakatuwid, paulit-ulit Ko nang nabigyang-diin na dapat kayong maglingkod sa Akin nang maayos (sinasabing ito ay ang mga tagapagsilbi). Huwag ninyong tratuhin ang inyong mga sarili sa negatibong paraan, kundi panatilihin ang isang masigasig na paghahangad. Hindi ba kasiya-siya na magtamo ng kaunting biyaya? Ito ay hindi hamak na mas mabuti kaysa magdusa sa mundo. Sinasabi Ko sa iyo! Kung hindi ka naglilingkod sa Akin nang buong puso, bagkus ay nagrereklamo na hindi Ako naging matuwid, kung gayon ay bababa ka bukas sa Hades at sa impiyerno. Walang sinumang gustong mamatay nang maaga—hindi ba? Maging ang isang araw pa ng buhay ay isang araw na mahalaga, kaya iaalay mo ang iyong sarili nang buo sa Aking plano ng pamamahala at pagkatapos ay maghihintay para sa Aking paghatol sa iyo at maghihintay para sa Aking matuwid na pagkastigo na sumapit sa iyo. Huwag mong ipagpalagay na ang Aking sinasabi ay walang katuturan; nagsasalita Ako mula sa Aking pagkamakatuwiran at mula sa Aking disposisyon. Higit pa roon, kumikilos Ako na taglay ang Aking pagiging maharlika at pagkamakatuwiran. Sinasabi ng lahat ng tao na hindi Ako matuwid sapagkat hindi nila Ako kilala; malinaw itong pagpapahayag ng kanilang mga mapanghimagsik na disposisyon. Pagdating naman sa Akin, walang emosyon; sa halip, mayroon lamang pagkamakatuwiran, pagiging maharlika, paghatol, at poot. Habang mas tumatagal, mas makikita mo ang Aking disposisyon. Ang kasalukuyan ay isang yugto ng pagpapalit, at nagagawa lamang ninyong makita ang maliit na bahagi nito; nakikita lamang ninyo ang ilang bagay na ipinamamalas sa labas. Kapag lumitaw ang Aking mga panganay na anak, hahayaan Ko kayong makita ang lahat at maunawaan ang lahat. Ang lahat ng tao ay mapaniniwala sa kanilang mga puso at sa kanilang mga salita. Papagsalitain Ko kayo upang saksihan Ako, purihin Ako magpakailanman, at magpugay sa Akin hanggang magpasawalang-hanggan. Ito ay hindi maiiwasan at hindi mababago ninuman. Halos hindi ito mailarawan sa isip ng mga tao, at lalong hindi nila ito mapaniniwalaan.

Ang mga panganay na anak ay mas nalilinawan tungkol sa mga pangitain, at ang kanilang pag-ibig sa Akin ay lalong tumitindi. (Hindi ito romantikong pag-ibig, na siyang panunukso ni Satanas sa Akin at isang bagay na dapat na maaninag. Dahil dito, dati Ko nang binanggit na mayroong mga tao na nagpapakita ng kanilang alindog sa harapan Ko. Ang gayong mga tao ay sunud-sunuran kay Satanas, naniniwalang maaakit Ako sa kanilang mga itsura. Walang kahihiyan! Sila ang pinakamababa sa mga hamak!) Gayunpaman, sa pamamagitan ng mga salitang sinambit Ko sa panahong ito, ang mga tao na hindi ang mismong mga panganay na anak ay nalalabuan nang nalalabuan sa mga pangitain at nawalan ng pananampalataya sa Aking persona. Pagkatapos noon, unti-unti silang nawawalan ng interes hanggang sa huli ay bumagsak sila. Hindi matutulungan ng mga taong ito ang mga sarili nila. Iyan ang layunin ng Aking sinasabi sa panahong ito; dapat na makita ito ng lahat (nagsasalita Ako sa mga panganay na anak), at sa pamamagitan ng Aking mga pahayag at mga pagkilos, pagmasdan ang Aking pagiging kamangha-mangha. Bakit sinasabi na Ako ang Prinsipe ng Kapayapaan, ang Amang Walang Hanggan, na Ako ang Kamangha-mangha, na Ako ang Tagapayo? Masyadong mababaw na ipaliwanag ito mula sa pananaw ng Aking pagkakakilanlan, ang Aking mga pahayag, o mula sa Aking ginagawa; ni hindi ito karapat-dapat banggitin. Ang dahilan ng pagtawag sa Akin na Prinsipe ng Kapayapaan ay nag-uugat sa Aking kapangyarihang gawing ganap ang mga panganay na anak, sa Aking paghatol kay Satanas, at sa walang hangganang mga pagpapala na Aking naigawad na sa mga panganay na anak. Ibig sabihin niyan, tanging ang mga panganay na anak ang karapat-dapat na tumawag sa Akin na Prinsipe ng Kapayapaan, dahil mahal Ko ang Aking mga panganay na anak, at ang bansag na “Prinsipe ng Kapayapaan” ay dapat manggaling sa kanilang mga bibig. Para sa kanila, Ako ang Prinsipe ng Kapayapaan. Sa Aking mga anak at Aking bayan, kilala Ako bilang ang Amang Walang Hanggan. Dahil sa pag-iral ng Aking mga panganay na anak, at dahil kaya nilang hawakan ang kapangyarihan ng paghahari kasama Ko at pangasiwaan ang lahat ng bansa at lahat ng bayan (ang ibig sabihin, ang mga anak at mga tao), dapat Akong tawagin ng mga anak at ng mga tao na Amang Walang Hanggan—nangangahulugang ang Diyos Mismo, na nasa ibabaw ng mga panganay na anak. Ako ang Kamangha-mangha sa hindi mga anak, bayan, o mga panganay na anak. Dahil sa pagiging kamangha-mangha ng Aking gawain, hindi Ako nakikita ni bahagya ng mga di-mananampalataya (dahil tinalukbungan Ko ang kanilang mga mata), at hindi nila malinaw na nakikita ang Aking gawain. Kaya para sa kanila, Ako ang Kamangha-mangha. Sa lahat ng diyablo at kay Satanas, Ako ang Tagapayo, sapagkat ang lahat ng Aking ginagawa ay nagsisilbing panghihiya sa kanila; lahat ng Aking ginagawa ay para sa Aking mga panganay na anak. Ang bawat hakbang Ko ay maayos na naisasagawa at natatamo Ko ang tagumpay sa bawat hakbang. Higit pa roon, nakikita Ko ang lahat ng pakana ni Satanas at ginagamit ang mga iyon para maglingkod sa Akin, ginagawa itong isang bagay na magsisilbi sa Aking mga layunin mula sa negatibong panig. Ito ang ibig sabihin ng Aking pagiging “ang Tagapayo,” na hindi mababago ninuman at walang sinuman ang ganap na makauunawa. Ngunit pagdating sa Aking persona, Ako ang Prinsipe ng Kapayapaan, at ang Amang Walang Hanggan, gayundin ang Tagapayo at ang Kamangha-mangha. Walang anuman dito na hindi totoo. Ito ay isang di-mapabubulaanan at di-mababagong katotohanan!

Napakarami Kong sasabihin; sadyang walang pagkukumparang magagamit. Samakatuwid, kailangan Ko kayong maging matiisin at maghintay. Anuman ang gawin ninyo, huwag kayong umalis basta-basta. Sapagkat ang inyong naunawaan sa nakaraan ay lipas na ngayon, hindi na ito mailalapat, at ang kasalukuyan ay isang panahon ng pagbabago—gaya ng pagpapalit ng mga dinastiya. Dahil dito, kailangan Ko kayo na baguhin ang inyong pag-iisip at iwaksi ang mga dati ninyong kuru-kuro. Ito ang tunay na kahulugan ng “pagsusuot ng banal na balabal ng pagkamakatuwiran.” Ako lamang ang makapagpapaliwanag ng sarili Kong mga salita, at Ako lamang ang nakaaalam kung ano ang Aking gagawin. Samakatuwid, tanging ang Aking mga salita ang walang dumi at ang kabuuan ng Aking nilalayon, at samakatuwid ito ay pagsusuot ng banal na balabal ng pagkamakatuwiran. Ang pagkaunawa ng isipan ng tao ay guni-guni lamang; ang pagkaunawa ng tao ay hindi dalisay at hindi kayang kamtin ang Aking mga layunin. Samakatuwid, Ako Mismo ang nagsasalita, at Ako Mismo ang nagpapaliwanag, at ito ang ibig Kong sabihin nang sinabi Ko na, “Ako Mismo ang gumagawa ng gawain.” Ito ay isang bahagi ng Aking plano ng pamamahala na hindi maaaring mawala, at dapat Akong luwalhatiin at papurihan ng lahat ng tao. Tungkol naman sa pag-unawa ng Aking mga salita, hindi Ko pa kailanman naibigay ang kapangyarihang iyon sa mga tao, ni wala man lamang silang kakayahan para diyan. Isa ito sa Aking mga pamamaraan para hiyain ang diyablo. (Kung naunawaan ng mga tao ang Aking mga pahayag at kung magagawa nilang siyasatin ang Aking mga layunin sa bawat hakbang, kung gayon ay maaaring angkinin ni Satanas ang mga tao kung kailan man nito gusto, at bunga nito, ang mga tao ay babaling laban sa Akin at gagawing imposible na makamit ang Aking layunin sa pagpili ng mga panganay na anak. Kung naunawaan Ko ang bawat hiwaga, at ang Aking persona ay makabibigkas ng mga pahayag na walang sinuman ang makaaarok, maaari rin Ako, kung gayon, na maangkin ni Satanas. Ito ang dahilan kung bakit kapag nasa katawang-tao Ako ay hindi Ako higit sa karaniwan ni bahagya.) Kinakailangan ng bawat tao na maunawaan nang malinaw ang kabuluhan ng mga salitang ito at sundan ang ginagawa Ko. Huwag ninyong subukang unawain ang malalalim na salita at mga doktrina nang mag-isa.

Sinundan: Kabanata 100

Sumunod: Kabanata 102

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito