IV. Mga Salita tungkol sa Paghahayag sa mga Hiwaga ng Pagkakatawang-tao

187. Ang unang pagkakatawang-tao ay upang tubusin ang tao mula sa kasalanan sa pamamagitan ng katawang-tao ni Jesus, iyon ay, iniligtas Niya ang tao mula sa krus, ngunit ang tiwaling maka-satanas na disposisyon ng tao ay nanatili pa rin sa loob ng tao. Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay hindi na upang magsilbing handog para sa kasalanan kundi upang lubos na iligtas yaong mga taong tinubos mula sa kasalanan. Ito ay ginagawa upang ang mga pinatawad ay mapalaya mula sa kanilang mga kasalanan at magawang ganap na malinis, at sa pagkakamit ng pagbabago sa disposisyon, sa gayon ay makawala sa impluwensya ng kadiliman ni Satanas at makabalik sa harap ng trono ng Diyos. Tanging sa paraang ito maaaring lubos na mapabanal ang tao. Sinimulan ng Diyos ang gawain ng pagliligtas sa Kapanahunan ng Biyaya nang matapos na ang Kapanahunan ng Kautusan. Nagpatuloy ito hanggang sa mga huling araw, kung kailan ganap na dadalisayin ng Diyos ang sangkatauhan sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo sa tao para sa kanilang pagiging mapanghimagsik. Saka lamang tatapusin ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagliligtas at papasok sa kapahingahan. Samakatuwid, sa tatlong yugto ng gawain, dalawang beses lamang nagkatawang-tao ang Diyos upang isagawa Niya Mismo ang Kanyang gawain sa tao. Iyon ay dahil isa lamang sa tatlong yugto ng gawain ang aakay sa mga tao sa kanilang mga buhay, habang ang dalawa pang iba ay binubuo ng gawain ng pagliligtas. Tanging kapag nagiging katawang-tao ang Diyos saka Siya maaaring mamuhay kasama ng tao, maranasan ang paghihirap ng mundo, at mamuhay sa isang normal na katawang may laman. Sa ganitong paraan lamang Niya maaaring tustusan ang mga tao ng praktikal na daan na kailangan nila bilang mga nilalang. Ang tao ay nakakatanggap ng lubos na kaligtasan mula sa Diyos sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao ng Diyos, hindi direkta mula sa langit bilang kasagutan sa kanyang mga panalangin. Sapagkat ang tao ay may laman at dugo, walang paraan ang tao na makita ang Espiritu ng Diyos at lalong hindi ang lapitan ang Kanyang Espiritu. Ang makakaugnayan lamang ng tao ay ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, at sa pamamagitan lamang nito na nauunawaan ng tao ang lahat ng daan at lahat ng katotohanan at matatanggap ang ganap na kaligtasan. Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay sapat upang alisin ang mga kasalanan ng tao at ganap na dalisayin ang tao. Samakatuwid, sa pangalawang pagkakatawang-tao ay dadalhin sa pagtatapos ang lahat ng gawain ng Diyos sa katawang-tao at kukumpletuhin ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Pagkatapos noon, ang gawain ng Diyos sa katawang-tao ay lubos na magtatapos. Pagkatapos ng ikalawang pagkakatawang-tao, hindi na Siya muling magiging katawang-tao sa ikatlong pagkakataon para sa Kanyang gawain. Sapagkat ang Kanyang buong pamamahala ay natapos na. Ang pagkakatawang-tao sa mga huling araw ay ganap nang nakamit ang Kanyang hinirang na bayan, at ang sangkatauhan sa mga huling araw ay napaghiwalay na ayon sa kanilang uri. Hindi na Niya gagawin ang gawain ng pagliligtas, ni babalik sa katawang-tao upang magsakatuparan ng anumang gawain.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4

188. Pagkatapos ng gawain ni Jehova, naging tao si Jesus upang gawin ang Kanyang gawain sa mga tao. Ang Kanyang gawain ay hindi isinagawa nang nakahiwalay, kundi nakabatay sa gawain ni Jehova. Iyon ay gawain para sa isang bagong kapanahunan na ginawa ng Diyos nang matapos Niya ang Kapanahunan ng Kautusan. Gayundin, nang matapos ang gawain ni Jesus, nagpatuloy ang Diyos sa Kanyang gawain para sa susunod na kapanahunan, dahil ang buong pamamahala ng Diyos ay palaging sumusulong. Kapag lumipas ang lumang kapanahunan, papalitan ito ng isang bagong kapanahunan, at kapag natapos na ang lumang gawain, magkakaroon ng bagong gawain para ipagpatuloy ang pamamahala ng Diyos. Ang pagkakatawang-taong ito ay ang ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, na sinusundan ang gawain ni Jesus. Siyempre pa, ang pagkakatawang-taong ito ay hindi nangyayaring mag-isa; ito ang pangatlong yugto ng gawain pagkatapos ng Kapanahunan ng Kautusan at ng Kapanahunan ng Biyaya. Tuwing nagpapasimula ang Diyos ng isang bagong yugto ng gawain, kailangan ay palaging may isang bagong simula at kailangang maghatid ito ng isang bagong kapanahunan. Mayroon ding mga kaukulang pagbabago sa disposisyon ng Diyos, sa paraan ng Kanyang paggawa, sa lokasyon ng Kanyang gawain, at sa Kanyang pangalan. Hindi nakapagtataka, kung gayon, na mahirap para sa tao na tanggapin ang gawain ng Diyos sa bagong kapanahunan. Ngunit paano man Siya nilalabanan ng tao, laging ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain, at laging inaakay ang buong sangkatauhan pasulong. Nang pumarito si Jesus sa mundo ng tao, pinasimulan Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at winakasan ang Kapanahunan ng Kautusan. Sa mga huling araw, minsan pang naging tao ang Diyos, at sa pagkakatawang-taong ito ay winakasan Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at pinasimulan ang Kapanahunan ng Kaharian. Lahat ng nagagawang tumanggap sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay aakayin tungo sa Kapanahunan ng Kaharian, at bukod pa riyan ay magagawang personal na tumanggap ng patnubay ng Diyos. Bagama’t maraming gawaing ginawa si Jesus sa tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog dahil sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya nga, ngayong napatawad na ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita

189. Ang “pagkakatawang-tao” ay ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao; gumagawa ang Diyos sa gitna ng nilikhang sangkatauhan sa larawan ng katawang-tao. Kaya para magkatawang-tao ang Diyos, kailangan muna Siyang magkaroon ng katawang-tao, katawang-taong may normal na pagkatao; ito ang pinakapangunahing kinakailangan. Sa katunayan, ang implikasyon ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay na ang Diyos ay buhay at gumagawa sa katawang-tao, na ang Diyos sa Kanyang pinakadiwa ay nagkatawang-tao, naging isang tao.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos

190. Ang pagkakatawang-tao ay nangangahulugan na ang Espiritu ng Diyos ay nagiging isang tao, ibig sabihin, ang Diyos ay nagiging tao; ang gawaing ginagawa ng tao ay ang gawain ng Espiritu, na nagiging totoo sa katawang-tao, ipinapahayag ng tao. Walang sinuman maliban sa laman ng Diyos ang makakatupad sa ministeryo ng nagkatawang-taong laman ng Diyos; ibig sabihin, tanging ang nagkatawang-taong laman ng Diyos, ang normal na pagkataong ito—at wala nang iba—ang maaaring magpahayag ng banal na gawain. Kung, noong una Siyang pumarito, hindi nagtaglay ang Diyos ng normal na pagkatao bago Siya nag-edad dalawampu’t siyam—kung noong Siya ay isilang ay agad Siyang nakagawa ng mga himala, kung noong Siya ay matutong magsalita ay agad Siyang nakapagsalita ng wika ng langit, kung noong una Siyang tumapak sa lupa ay nakaya Niyang hulihin ang lahat ng makamundong bagay, mahiwatigan ang mga iniisip at layunin ng bawat tao—hindi maaaring natawag ang taong iyon na isang normal na tao, at hindi maaaring natawag ang katawang iyon na katawan ng tao. Kung nangyari ito kay Cristo, mawawalan ng kahulugan at diwa ang pagkakatawang-tao ng Diyos. Ang pagtataglay Niya ng normal na pagkatao ay nagpapatunay na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao sa laman; ang katotohanan na sumasailalim Siya sa normal na proseso ng paglaki ng tao ay lalo pang nagpapamalas na Siya ay isang normal na tao; bukod pa riyan, ang Kanyang gawain ay sapat nang patunay na Siya ang Salita ng Diyos, ang Espiritu ng Diyos, na naging tao.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos

191. Tinatawag na Cristo ang Diyos na nagkatawang-tao, at si Cristo ay ang katawang-taong isinuot ng Espiritu ng Diyos. Hindi katulad ng sinumang tao sa laman ang katawang-taong ito. Ang kaibhang ito ay dahil hindi sa laman at dugo si Cristo; Siya ay ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay kapwa may normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Hindi taglay ng sinumang tao ang pagka-Diyos Niya. Ang normal na pagkatao Niya ang nagpapanatili sa lahat ng normal na gawain Niya sa katawang-tao, habang isinasakatuparan ng pagka-Diyos Niya ang gawain ng Diyos Mismo. Pagkatao man o pagka-Diyos man Niya ito, kapwa nagpapasakop ang mga ito sa kalooban ng Ama sa langit. Ang Espiritu ang diwa ni Cristo, ibig sabihin ay ang pagka-Diyos. Samakatuwid, ang diwa Niya ay ang sa Diyos Mismo; hindi gagambalain ng diwang ito ang sarili Niyang gawain, at hindi Siya posibleng makagawa ng anumang bagay na sisira sa sarili Niyang gawain, ni hindi rin Siya bibigkas ng anumang mga salita na sumasalungat sa sarili Niyang kalooban. Samakatuwid, ganap na hindi gagawa kailanman ang Diyos na nagkatawang-tao ng kahit anumang gawaing gumagambala sa sarili Niyang pamamahala. Ito ang dapat maunawaan ng lahat ng mga tao. Ang diwa ng gawain ng Banal na Espiritu ay upang iligtas ang tao, at para sa kapakanan ng sariling pamamahala ng Diyos. Katulad nito, ang gawain ni Cristo ay upang iligtas din ang tao, at alang-alang ito sa kalooban ng Diyos. Yamang nagkatawang-tao ang Diyos, napagtatanto Niya ang diwa Niya sa loob ng Kanyang katawang-tao, na sapat ang katawang-tao Niya upang isagawa ang Kanyang gawain. Samakatuwid, ang lahat ng gawain ng Espiritu ng Diyos ay pinalitan ng gawain ni Cristo habang nasa panahon ng pagkakatawang-tao, at ang nasa kaibuturan ng lahat ng gawain sa buong panahon ng pagkakatawang-tao ay ang gawain ni Cristo. Hindi ito maaaring maihalo sa gawain mula sa anumang ibang kapanahunan. At yamang nagiging katawang-tao ang Diyos, gumagawa Siya sa pagkakakilanlan ng Kanyang katawang-tao; yamang dumarating Siya sa katawang-tao, tinatapos Niya sa gayon sa katawang-tao ang gawaing dapat Niyang gawin. Espiritu ng Diyos man ito o si Cristo man ito, kapwa Sila ang Diyos Mismo, at ginagawa Niya ang gawain na dapat Niyang gawin at ginagampanan ang ministeryong dapat Niyang gampanan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ni Cristo ay ang Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Langit

192. Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng diwa ng Diyos, at Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng pahayag ng Diyos. Dahil ang Diyos ay naging tao, ilalahad Niya ang gawaing layon Niyang gawin, at dahil ang Diyos ay naging tao, ipapahayag Niya kung ano Siya, at magagawa Niyang ihatid ang katotohanan sa tao, pagkalooban siya ng buhay, at ituro ang daan para sa kanya. Ang katawang-tao na walang diwa ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; walang duda ito. Kung layon ng tao na magsiyasat kung ito ang katawang-tao ng Diyos, kailangan niyang patunayan ito mula sa disposisyon na Kanyang ipinapahayag at sa mga salitang Kanyang sinasambit. Ibig sabihin, patunayan kung ito nga ang katawang-tao ng Diyos o hindi, at kung ito nga ang tunay na daan o hindi, kailangan itong matukoy batay sa Kanyang diwa. Kaya nga, sa pagtukoy kung ito ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, ang sagot ay nasa Kanyang diwa (Kanyang gawain, Kanyang mga pagbigkas, Kanyang disposisyon, at maraming iba pang aspeto), sa halip na sa panlabas na anyo. Kung ang susuriin lamang ng tao ay ang Kanyang panlabas na anyo, at dahil dito ay hindi napansin ang Kanyang diwa, ipinapakita niyan na ang tao ay mangmang at walang alam.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita

193. Ang implikasyon ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay na ang Diyos ay buhay at gumagawa sa katawang-tao, na ang Diyos sa Kanyang pinakadiwa ay nagkatawang-tao, naging isang tao. Ang Kanyang buhay at gawain sa katawang-tao ay maaaring hatiin sa dalawang yugto. Una ay ang buhay na Kanyang ipinamumuhay bago gampanan ang Kanyang ministeryo. Naninirahan Siya sa piling ng isang ordinaryong pamilya ng tao, sa lubos na normal na pagkatao, sumusunod sa normal na mga moralidad at batas ng buhay ng tao, na may normal na mga pangangailangan ng normal na tao (pagkain, damit, tulog, tirahan), normal na mga kahinaan ng tao, at normal na mga damdamin ng tao. Sa madaling salita, sa unang yugtong ito ay nabubuhay Siya sa pagkataong walang pagka-Diyos at lubos na normal, nakikisali sa lahat ng normal na aktibidad ng tao. Ang pangalawang yugto ay ang buhay na Kanyang ipinamumuhay matapos Niyang simulang gampanan ang Kanyang ministeryo. Nananahan pa rin Siya sa ordinaryong pagkatao na may isang normal na katawan ng tao, na hindi nagpapakita ng panlabas na tanda ng pagiging higit-sa-karaniwan. Subalit namumuhay Siya nang dalisay para lamang sa kapakanan ng Kanyang ministeryo, at sa panahong ito ay ganap na umiiral ang Kanyang normal na pagkatao upang suportahan ang normal na gawain ng Kanyang pagka-Diyos, sapagkat sa panahong iyon ay gumulang na ang Kanyang normal na pagkatao hanggang sa punto na kaya na Niyang gampanan ang Kanyang ministeryo. Kaya, ang ikalawang yugto ng Kanyang buhay ay upang gampanan ang Kanyang ministeryo sa Kanyang normal na pagkatao, kapag ito ay isang buhay kapwa ng normal na pagkatao at ng ganap na pagka-Diyos. Sa unang yugto ng Kanyang buhay, kaya Siya namumuhay sa ganap na ordinaryong pagkatao ay dahil ang Kanyang pagkatao ay hindi pa kayang panatilihin ang kabuuan ng banal na gawain, hindi pa gumugulang; matapos gumulang ang Kanyang pagkatao, saka lamang Siya nagkaroon ng kakayahang balikatin ang Kanyang ministeryo, nakayanan Niyang magsimulang gampanan ang ministeryong dapat Niyang isagawa. Dahil kailangan Niya, bilang katawang-tao, na lumaki at gumulang, ang unang yugto ng Kanyang buhay ay yaong sa normal na pagkatao—samantalang sa pangalawang yugto, dahil kaya ng Kanyang pagkatao na isagawa ang Kanyang gawain at gampanan ang Kanyang ministeryo, ang buhay ng Diyos na nagkatawang-tao sa panahon ng Kanyang ministeryo ay parehong sa pagkatao at sa ganap na pagka-Diyos. Kung, mula sa sandali ng Kanyang pagsilang, masigasig na sinimulan ng Diyos na nagkatawang-tao ang Kanyang ministeryo, na nagsasagawa ng higit-sa-karaniwang mga tanda at himala, hindi sana Siya nagkaroon ng pisikal na diwa. Samakatuwid, umiiral ang Kanyang pagkatao para sa kapakanan ng Kanyang pisikal na diwa; hindi maaaring magkaroon ng katawang-tao nang walang pagkatao, at ang isang taong walang pagkatao ay hindi isang tao. Sa ganitong paraan, ang pagkatao ng laman ng Diyos ay isang tunay na pagmamay-ari ng nagkatawang-taong laman ng Diyos. Ang sabihing “kapag naging tao ang Diyos lubos Siyang banal, at hindi talaga tao,” ay kalapastanganan, sapagkat wala talagang ganitong pahayag, at lumalabag ito sa prinsipyo ng pagkakatawang-tao. Kahit matapos Niyang simulang gampanan ang Kanyang ministeryo, namumuhay pa rin Siya sa Kanyang pagka-Diyos na may katawan ng tao kapag ginagawa Niya ang Kanyang gawain; kaya lamang, sa panahong iyon, ang Kanyang pagkatao ay para lamang sa layuning tulutan ang Kanyang pagka-Diyos na gampanan ang gawain sa normal na katawang-tao. Kaya ang kumakatawan sa gawain ay ang pagka-Diyos na nananahan sa Kanyang pagkatao. Ang Kanyang pagka-Diyos, hindi ang Kanyang pagkatao, ang gumagawa, subalit ang pagka-Diyos na ito ay nakatago sa loob ng Kanyang pagkatao; sa totoo lang, ang Kanyang gawain ay ginagawa ng Kanyang ganap na pagka-Diyos, hindi ng Kanyang pagkatao. Ngunit ang nagsasagawa ng gawain ay ang Kanyang katawang-tao. Masasabi ng isang tao na Siya ay isang tao at isa ring Diyos, sapagkat ang Diyos ay nagiging isang Diyos na namumuhay sa katawang-tao, may katawan ng tao at diwa ng tao ngunit mayroon ding diwa ng Diyos. Dahil Siya ay isang tao na may diwa ng Diyos, nangingibabaw Siya sa lahat ng taong nilikha, nangingibabaw sa sinumang taong makakagawa ng gawain ng Diyos. Kaya nga, sa lahat ng may katawan ng taong kagaya ng sa Kanya, sa lahat ng nagtataglay ng pagkatao, Siya lamang ang Diyos Mismo na nagkatawang-tao—lahat ng iba pa ay mga taong nilikha. Bagama’t lahat sila ay may pagkatao, walang ibang taglay ang mga tao maliban sa pagkatao, samantalang ang Diyos na nagkatawang-tao ay naiiba: Sa Kanyang katawang-tao hindi lamang Siya may pagkatao kundi, ang mas mahalaga, mayroon Siyang pagka-Diyos. Ang Kanyang pagkatao ay makikita sa panlabas na anyo ng Kanyang katawan at sa Kanyang pang-araw-araw na buhay, ngunit ang Kanyang pagka-Diyos ay mahirap mahiwatigan. Dahil naipapahayag lamang ang Kanyang pagka-Diyos kapag Siya ay may pagkatao, at hindi higit-sa-karaniwan na tulad ng iniisip ng mga tao, napakahirap para sa mga tao na makita ito. Kahit ngayon, hirap na hirap ang mga tao na arukin ang totoong diwa ng Diyos na nagkatawang-tao. Kahit matapos Akong magsalita nang napakahaba tungkol dito, inaasahan Ko na isa pa rin itong hiwaga sa karamihan sa inyo. Sa katunayan, napakasimple ng isyung ito: Dahil naging tao ang Diyos, ang Kanyang diwa ay isang kumbinasyon ng pagkatao at ng pagka-Diyos. Ang kumbinasyong ito ay tinatawag na Diyos Mismo, Diyos Mismo sa lupa.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos

194. Umiiral ang pagkatao ng Diyos na nagkatawang-tao para mapanatili ang normal na banal na gawain sa katawang-tao; ang Kanyang normal na pag-iisip ng tao ay sumusuporta sa Kanyang normal na pagkatao at sa lahat ng Kanyang normal na pisikal na aktibidad. Masasabi ng isang tao na ang Kanyang normal na pag-iisip ng tao ay umiiral upang suportahan ang lahat ng gawain ng Diyos sa katawang-tao. Kung ang katawang-taong ito ay hindi nagtaglay ng isang normal na pag-iisip ng tao, hindi maaaring gumawa ang Diyos sa katawang-tao, at hindi maaaring isakatuparan kailanman ang kailangan Niyang gawin sa katawang-tao. Bagama’t ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagtataglay ng normal na pag-iisip ng tao, ang Kanyang gawain ay hindi nahahaluan ng kaisipan ng tao; ginagawa Niya ang gawain sa pagkataong may normal na pag-iisip, sa ilalim ng kundisyon na magtaglay ng pagkataong may pag-iisip, hindi sa pamamagitan ng pagsasagawa ng normal na kaisipan ng tao. Gaano man katayog ang mga kaisipan ng Kanyang katawang-tao, ang Kanyang gawain ay hindi nababahiran ng lohika o pag-iisip. Sa madaling salita, ang Kanyang gawain ay hindi binubuo ng pag-iisip ng Kanyang katawang-tao, kundi isang direktang pagpapahayag ng banal na gawain sa Kanyang pagkatao. Ang Kanyang buong gawain ay ang ministeryong kailangan Niyang tuparin, at walang anuman dito ang inisip ng Kanyang utak. Halimbawa, pagpapagaling ng maysakit, pagpapalayas ng mga demonyo, at pagpapako sa krus ay hindi mga produkto ng Kanyang pag-iisip bilang tao, at hindi maaaring makamtan ng sinumang tao na may pag-iisip ng tao. Gayundin, ang gawain ng panlulupig ngayon ay isang ministeryong kailangang isagawa ng Diyos na nagkatawang-tao, ngunit hindi ito ang gawain ng kagustuhan ng tao, ito ang gawaing dapat gawin ng Kanyang pagka-Diyos, gawaing hindi kayang gawin ng sinumang taong may laman. Kaya ang Diyos na nagkatawang-tao ay kailangang magtaglay ng isang normal na pag-iisip ng tao, kailangang magtaglay ng normal na pagkatao, dahil kailangan Niyang isagawa ang Kanyang gawain sa pagkataong may normal na pag-iisip. Ito ang diwa ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, ang pinakadiwa ng Diyos na nagkatawang-tao.

Bago isinagawa ni Jesus ang gawain, namuhay lamang Siya sa Kanyang normal na pagkatao. Walang sinumang makapagsabi na Siya ang Diyos, walang sinumang nakaalam na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao; kilala lamang Siya ng mga tao bilang isang ganap na ordinaryong tao. Ang Kanyang lubos na ordinaryo at normal na pagkatao ay patunay na ang Diyos ay nagkatawang-tao sa laman, at na ang Kapanahunan ng Biyaya ang kapanahunan ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, hindi ang kapanahunan ng gawain ng Espiritu. Patunay ito na ang Espiritu ng Diyos ay ganap na nagkatotoo sa katawang-tao, na sa kapanahunan ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay isasagawa ng Kanyang katawang-tao ang lahat ng gawain ng Espiritu. Ang Cristong may normal na pagkatao ay isang katawang-tao kung saan naging totoo ang Espiritu, at nagtataglay ng normal na pagkatao, normal na diwa, at pag-iisip ng tao. Ang “maging totoo” ay nangangahulugan na ang Diyos ay nagiging tao, ang Espiritu ay nagiging tao; para mas malinaw, ito ay kapag nanahan ang Diyos Mismo sa isang katawang may normal na pagkatao, at sa pamamagitan nito ay ipinapahayag Niya ang Kanyang banal na gawain—ito ang ibig sabihin ng maging totoo, o magkatawang-tao.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos

195. Pinamamahalaan ng Kanyang pagka-Diyos ang pagkatao ni Cristo. Bagama’t nasa katawang-tao Siya, hindi lubusang katulad ng isang tao ng laman ang Kanyang pagkatao. May sarili Siyang namumukod-tanging katangian, at pinamamahalaan din ito ng pagka-Diyos Niya. Walang kahinaan ang pagka-Diyos Niya; tumutukoy sa Kanyang pagkatao ang kahinaan ni Cristo. Sa ilang antas, napipigil ng kahinaang ito ang pagka-Diyos Niya, ngunit nakapaloob sa isang tiyak na saklaw at oras ang gayong mga takda, at hindi walang hangganan. Pagdating ng oras upang isakatuparan ang gawain ng Kanyang pagka-Diyos, ginagawa ito nang hindi alintana ang pagkatao Niya. Ang pagkatao ni Cristo ay ganap na pinangangasiwaan ng Kanyang pagka-Diyos. Bukod sa normal na buhay ng pagkatao Niya, ang lahat ng iba pang mga kilos ng Kanyang pagkatao ay naiimpluwensyahan, naaapektuhan, at napapatnubayan ng pagka-Diyos Niya. Bagama’t may pagkatao si Cristo, hindi ito nakagagambala sa gawain ng pagka-Diyos Niya, at ito ay tiyak na tiyak na dahil pinangangasiwaan ng pagka-Diyos ni Cristo ang Kanyang pagkatao; bagama’t hindi nagkagulang ang pagkatao Niya sa kung paano ito umaasal sa iba, hindi ito nakaaapekto sa normal na gawain ng pagka-Diyos Niya. Kapag sinasabi Kong hindi pa nagawang tiwali ang Kanyang pagkatao, ang ibig Kong sabihin ay maaaring tuwirang atasan ng pagka-Diyos ni Cristo ang Kanyang pagkatao, na Siya ay nagtataglay ng mas higit na katuturan kaysa sa taglay ng karaniwang tao. Nababagay nang higit sa lahat ang pagkatao Niya na mapangasiwaan ng pagka-Diyos sa Kanyang gawain; ang pagkatao Niya ay magagawa nang higit sa lahat na magpahayag ng gawain ng pagka-Diyos, at magagawa nang higit sa lahat na magpasakop sa ganoong gawain. Habang gumagawa ang Diyos sa katawang-tao, hindi Niya nakakaligtaan ang tungkuling dapat tuparin ng tao sa laman; nagagawa Niyang sambahin ang Diyos sa langit nang may tunay na puso. May diwa Siya ng Diyos, at ang pagkakakilanlan Niya ay ang sa Diyos Mismo. Nangyari lamang na dumating Siya sa lupa at naging isang nilikhang katauhan na may panlabas na balat ng isang nilikhang katauhan, at nagtataglay ngayon ng pagkataong hindi Niya dating taglay. Nagagawa Niyang sambahin ang Diyos sa langit; ito ang katauhan ng Diyos Mismo at walang katulad sa tao. Ang pagkakakilanlan Niya ay Diyos Mismo. Sumasamba Siya sa Diyos mula sa pananaw ng katawang-tao; samakatuwid, ang mga salitang “Sumasamba si Cristo sa Diyos sa langit” ay hindi mali. Ang hinihingi Niya sa tao ay ang mismong Sarili Niyang katauhan; natamo na Niya ang lahat ng Kanyang hinihiling sa tao bago ang paghiling ng ganoon sa kanila. Hindi Siya kailanman gagawa ng mga hiling sa iba samantalang Siya Mismo ay malaya mula sa mga ito, dahil ang lahat ng ito ang bumubuo sa Kanyang katauhan. Paano man Niya isinasakatuparan ang Kanyang gawain, hindi Siya kikilos sa paraang sumusuway sa Diyos. Anupaman ang hilingin Niya sa tao, walang hiling na lalagpas sa kayang matamo ng tao. Ang lahat ng ginagawa Niya ay yaong tumutupad sa kalooban ng Diyos at alang-alang sa Kanyang pamamahala. Higit sa lahat ng mga tao ang pagka-Diyos ni Cristo; samakatuwid, Siya ang pinakamataas na awtoridad ng lahat ng mga nilikhang katauhan. Ang pagka-Diyos Niya ang awtoridad na ito, ibig sabihin ay ang disposisyon at katauhan ng Diyos Mismo, na tumutukoy sa Kanyang pagkakakilanlan. Samakatuwid, gaano man kakaraniwan ang pagkatao Niya, hindi maikakaila na nasa Kanya ang pagkakakilanlan ng Diyos Mismo; sa kung anumang pananaw man Siya nagsasalita at paano man Siya sumusunod sa kalooban ng Diyos, hindi maaaring sabihin na hindi Siya ang Diyos Mismo.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ni Cristo ay ang Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Langit

196. Inihayag ng nagkatawang-taong Anak ng tao ang pagka-Diyos ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang pagkatao at ipinarating ang kalooban ng Diyos sa sangkatauhan. At sa pamamagitan ng Kanyang pagpapahayag sa kalooban at disposisyon ng Diyos, ibinunyag rin Niya sa mga tao ang Diyos na hindi nakikita o nahahawakan na nananahan sa espirituwal na dako. Ang nakita ng mga tao ay ang Diyos Mismo sa anyong nahahawakan, na gawa sa laman at dugo. Kaya ginawa ng nagkatawang-taong Anak ng tao ang mga bagay tulad ng pagkakakilanlan ng Diyos Mismo, katayuan, imahe, disposisyon ng Diyos, at ng kung anong mayroon at kung ano Siya, na kongkreto at nagawang makatao. Bagaman mayroong ilang limitasyon ang panlabas na kaanyuan ng Anak ng tao hinggil sa imahe ng Diyos, ang Kanyang diwa at ang kung anong mayroon at kung ano Siya ay lubos na kayang kumatawan sa pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos Mismo—mayroon lang ilang pagkakaiba sa anyo ng pagpapahayag. Hindi natin maitatanggi na kinatawan ng Anak ng tao ang pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos Mismo, kapwa sa anyo ng Kanyang pagkatao at sa Kanyang pagka-Diyos. Sa panahong ito, gayunpaman, gumawa ang Diyos sa pamamagitan ng katawang-tao, nagsalita mula sa pananaw ng katawang-tao, at tumayo sa harapan ng sangkatauhan nang may pagkakakilanlan at katayuan ng Anak ng tao, at ito ang nagbigay ng pagkakataon sa mga tao na makaharap at maranasan ang tunay na mga salita at gawain ng Diyos sa sangkatauhan. Pinahintulutan din nito ang kabatiran ng mga tao sa Kanyang pagka-Diyos at sa Kanyang kadakilaan sa gitna ng pagpapakumbaba, gayundin ang magkamit ng isang paunang pagkaunawa at pakahulugan sa pagiging-tunay at realidad ng Diyos. Bagaman ang gawaing natapos ng Panginoong Jesus, ang Kanyang mga paraan ng paggawa, at ang pananaw kung saan Siya nagsasalita ay naiiba sa tunay na persona ng Diyos sa espirituwal na dako, ang lahat tungkol sa Kanya ay tunay na kumatawan sa Diyos Mismo, na hindi pa kailanman nakita ng sangkatauhan noon—hindi ito maitatanggi! Ibig sabihin, sa anumang anyo nagpapakita ang Diyos, sa alinmang pananaw Siya nagsasalita, o sa anumang imahe Niya hinaharap ang sangkatauhan, walang ibang kinakatawan ang Diyos kundi Siya Mismo. Hindi Siya maaaring kumatawan sa sinumang tao, ni sa sinuman sa tiwaling sangkatauhan. Ang Diyos ay ang Diyos Mismo, at hindi ito maitatanggi.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III

197. Gumagawa ang praktikal na Diyos Mismo na yaong pinag-uusapan ngayon sa parehong pagkatao at sa pagka-Diyos. Sa pamamagitan ng pagpapakita ng praktikal na Diyos, natatamo ang Kanyang normal na gawaing pantao at buhay at ang Kanyang gawain sa ganap na pagka-Diyos. Pinagsama bilang isa ang Kanyang pagkatao at pagka-Diyos, at nagagawa ang parehong gawain sa pamamagitan ng mga salita; maging sa pagkatao o pagka-Diyos man, nagpapahayag Siya ng mga salita. Kapag gumagawa sa pagkatao ang Diyos, nagsasalita Siya sa wika ng pagkatao, upang magawang makipag-ugnayan at maunawaan ng mga tao. Malinaw na binibigkas at madaling maunawaan ang Kanyang mga salita, upang maipagkaloob ang mga ito sa lahat ng tao; may taglay mang kaalaman ang mga tao o mabababa ang pinag-aralan, makatatanggap silang lahat ng mga salita ng Diyos. Naisasakatuparan din ang gawain ng Diyos sa pagka-Diyos sa pamamagitan ng mga salita, ngunit puno ito ng pantustos, puno ito ng buhay, wala itong dungis ng mga ideyang pantao, hindi rito kasangkot ang mga kagustuhan ng tao, at wala itong mga limitasyong pantao, nasa labas ito ng hangganan ng anumang normal na pagkatao; isinasakatuparan ito sa katawang-tao, ngunit direkta itong pagpapahayag ng Espiritu. Kung tatanggapin lamang ng mga tao ang gawain ng Diyos sa pagkatao, maikukulong nila ang mga sarili nila sa isang tiyak na saklaw, at sa gayon mangangailangan ng palagiang pakikitungo, pagpupungos, at disiplina upang magkaroon ng kahit bahagyang pagbabago sa kanila. Subalit, kung wala ang gawain o presensiya ng Banal na Espiritu, palagi silang babalik sa mga dati nilang gawi; sa pamamagitan lamang ng gawain ng pagka-Diyos maitatama ang mga karamdaman at mga kakulangang ito, at saka lamang magagawang ganap ang mga tao. Sa halip na patuloy na pakikitungo at pagpupungos, ang kinakailangan ay ang positibong paglalaan, paggamit ng mga salita upang makabawi sa lahat ng pagkukulang, paggamit ng mga salita upang ibunyag ang bawat kalagayan ng mga tao, paggamit ng mga salita upang pangasiwaan ang mga buhay nila, ang bawat pagpapahayag nila, ang bawat pagkilos nila, upang ilantad ang mga layunin at mga pangganyak nila. Ito ang tunay na gawain ng praktikal na Diyos. Sa gayon, sa saloobin mo sa praktikal na Diyos, dapat kang magpasakop agad sa pagkatao Niya, kilalanin at tanggapin Siya, at higit pa rito dapat mong tanggapin at sundin ang Kanyang gawain at mga salita sa pagka-Diyos. Ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao ay nangangahulugang lahat ng gawain at mga salita ng Espiritu ng Diyos ay ginagawa sa pamamagitan ng Kanyang normal na pagkatao at sa pamamagitan ng Kanyang nagkatawang-taong laman. Sa madaling salita, pinangangasiwaan agad ng Espiritu ng Diyos ang Kanyang gawaing pantao at ipinatutupad ang gawain ng pagka-Diyos sa katawang-tao, at sa Diyos na nagkatawang-tao ay pareho mong makikita ang gawain ng Diyos sa pagkatao at ang Kanyang gawain sa ganap na pagka-Diyos. Ito ang aktwal na kabuluhan ng pagpapakita ng praktikal na Diyos sa katawang-tao. Kung nakikita mo ito nang malinaw, magagawa mong pagdugtungin ang lahat ng iba’t ibang bahagi ng Diyos; titigil ka sa pagbibigay ng hindi karapat-dapat na pagpapahalaga sa Kanyang gawain sa pagka-Diyos, at titigil ka sa pagtingin sa Kanyang gawain sa pagkatao nang may hindi karapat-dapat na pagwawalang-bahala, at hindi ka na tutungo sa mga kalabisan, ni liliko kung saan-saan. Sa kabuuan, ang kahulugan ng praktikal na Diyos ay na ang gawain ng Kanyang pagkatao at ng Kanyang pagka-Diyos, sa pangangasiwa ng Espiritu, ay ipinahahayag sa pamamagitan ng Kanyang katawang-tao, upang makita ng mga tao na Siya ay maliwanag at makatotohanan, at tunay at totoo.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo

198. Ang Espiritu ng Diyos ay ang awtoridad sa buong sangnilikha. Nagtataglay din ng awtoridad ang katawang-taong may diwa ng Diyos, ngunit maaaring gawin ng Diyos sa katawang-tao ang lahat ng gawaing sumusunod sa kalooban ng Ama sa langit. Hindi ito matatamo o maiisip ng sinumang tao. Ang Diyos Mismo ay awtoridad, ngunit maaaring magpasakop ang katawang-tao Niya sa Kanyang awtoridad. Ito ang ipinahihiwatig kapag sinasabing “Sumusunod si Cristo sa kalooban ng Diyos Ama.” Isang Espiritu ang Diyos at makakayang gawin ang gawain ng pagliligtas, tulad ng maaaring maging tao ang Diyos. Sa ano’t anuman, ang Diyos Mismo ang gumagawa ng sarili Niyang gawain; ni hindi Siya nang-aabala o nanghihimasok, lalong hindi Siya nagsasakatuparan ng gawaing sumasalungat sa mismong gawain, dahil magkatulad ang diwa ng gawaing ginagawa ng Espiritu at ng katawang-tao. Espiritu man ito o ang katawang-tao, gumagawa ang dalawa upang tuparin ang isang kalooban at upang pamahalaan ang kapwa gawain. Bagama’t may dalawang magkaibang katangian ang Espiritu at ang katawang-tao, magkatulad ang kanilang mga diwa; kapwa sila may diwa ng Diyos Mismo, at ng pagkakakilanlan ng Diyos Mismo. Hindi nagtataglay ang Diyos Mismo ng mga sangkap ng pagsuway; mabuti ang Kanyang diwa. Siya ang pagpapahayag ng lahat ng kagandahan at kabutihan, gayundin ng lahat ng pagmamahal. Kahit sa katawang-tao, hindi gumagawa ang Diyos ng anumang sumusuway sa Diyos Ama. Maging kabayaran man ang paghahain ng Kanyang buhay, buong puso Siyang handa na gawin ito, at wala na Siyang ibang pipiliin. Hindi nagtataglay ang Diyos ng mga sangkap ng pagmamagaling o pagpapahalaga sa sarili, o yaong sa kapalaluan at pagmamataas; hindi Siya nagtataglay ng mga sangkap ng kabuktutan. Nagmumula kay Satanas ang lahat-lahat ng sumusuway sa Diyos; si Satanas ang pinagmumulan ng lahat ng kapangitan at kabuktutan. Ang dahilan ng pagkakaroon ng tao ng mga katangiang kahalintulad ng kay Satanas ay dahil nagawa nang tiwali at nilinang na ni Satanas ang tao. Hindi nagawang tiwali ni Satanas si Cristo, kaya’t ang mga katangian ng Diyos ang tangi Niyang inaangkin, at wala sa mga katangian ni Satanas. Gaano man kahirap ang gawain o gaano man kahina ang katawang-tao, ang Diyos, habang nabubuhay Siya sa katawang-tao, ay hindi kailanman gagawa ng anumang bagay na gagambala sa gawain ng Diyos Mismo, lalo na tatalikdan sa pagsuway ang kalooban ng Diyos Ama. Higit pa Niyang pipiliin na magdusa ng mga pasakit ng laman kaysa ipagkanulo ang kalooban ng Diyos Ama; tulad ito ng sinabi ni Jesus sa panalangin, “Ama, kung maaari, hayaan Mong lumampas mula sa Akin ang sarong ito: gayon man hindi ayon sa kalooban Ko, kundi ang ayon sa kalooban Mo.” Gumagawa ng sarili nilang mga pagpipilian ang mga tao, ngunit hindi si Cristo. Bagama’t mayroon Siyang pagkakakilanlan ng Diyos Mismo, hinahangad pa rin Niya ang kalooban ng Diyos Ama, at tinutupad kung ano ang ipinagkakatiwala sa Kanya ng Diyos Ama, mula sa pananaw ng katawang-tao. Isang bagay ito na hindi maaaring matamo ng tao. Ang nanggagaling kay Satanas ay hindi maaaring magkaroon ng diwa ng Diyos; maaari lamang itong magkaroon ng isang sumusuway at lumalaban sa Diyos. Hindi ito ganap na makasusunod sa Diyos, lalo na ang kusang loob na pagsunod sa kalooban ng Diyos. Lahat ng mga tao maliban kay Cristo ay maaaring gawin iyang lumalaban sa Diyos, at wala ni isang tao ang tuwirang makagagawa sa gawaing ipinagkatiwala ng Diyos; wala ni isa ang makakayang ituring ang pamamahala ng Diyos bilang sarili niyang tungkuling gagampanan. Pagpapasakop sa kalooban ng Diyos Ama ang diwa ni Cristo; katangian ni Satanas ang pagsuway sa Diyos. Hindi magkaayon ang dalawang katangiang ito, at hindi matatawag na Cristo ang sinumang may mga katangian ni Satanas. Ang dahilan na hindi magagawa ng tao ang gawain ng Diyos bilang kahalili Niya ay dahil walang anumang diwa ng Diyos ang tao. Gumagawa ang tao para sa Diyos alang-alang sa mga pansariling kapakinabangan at sa mga panghinaharap na pag-asam ng tao, ngunit gumagawa si Cristo upang gawin ang kalooban ng Diyos Ama.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ni Cristo ay ang Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Langit

199. Bagaman ang panlabas na kaanyuan ng Diyos na nagkatawang-tao ay parehong-pareho ng sa tao, at bagaman natututuhan Niya ang kaalamang pantao at nagsasalita ng wikang pantao, at minsan pa nga ay ipinapahayag Niya ang Kanyang mga ideya sa pamamagitan ng sariling mga pamamaraan o mga paraan ng pagsasalita ng sangkatauhan, gayunpaman, ang paraan kung paano Niya nakikita ang mga tao at ang diwa ng mga bagay-bagay ay lubos na hindi katulad ng kung paano nakikita ng mga tiwaling tao ang sangkatauhan at ang diwa ng mga bagay-bagay. Ang Kanyang pananaw at ang taas kung saan Siya nakatindig ay isang bagay na di-matatamo para sa isang tiwaling tao. Sapagka’t ang Diyos ay katotohanan, sapagka’t ang katawang-tao na suot Niya ay nagtataglay rin ng diwa ng Diyos, at ang Kanyang mga kaisipan at yaong ipinapahayag ng Kanyang pagkatao ay katotohanan din. Para sa mga tiwaling tao, ang Kanyang ipinapahayag sa katawang-tao ay mga pagtustos ng katotohanan, at ng buhay. Hindi lamang para sa isang tao ang mga pagtustos na ito, kundi para sa buong sangkatauhan. Sa puso ng sinumang tiwaling tao, mayroon lang mangilan-ngilang tao na nauugnay sa kanila. Iniingatan at pinagmamalasakitan lang nila ang iilang taong ito. Kapag abot-tanaw ang sakuna, una nilang iniisip ang sarili nilang mga anak, asawa, o mga magulang. Sa pinakamarami, ang isang mas mahabaging tao ay bahagyang mag-iisip para sa ilang kamag-anak o mabuting kaibigan, subali’t ang mga kaisipan ba ng maging gayong kamahabaging tao ay umaabot nang higit pa kaysa roon? Hindi, hindi kailanman! Sapagka’t ang mga tao, matapos ang lahat, ay mga tao, at matitingnan lang nila ang lahat mula sa taas at pananaw ng isang tao. Gayunpaman, lubos na naiiba sa isang taong tiwali ang Diyos na nagkatawang-tao. Kahit gaano man kaordinaryo, gaano man kanormal, gaano man kababa ang katawang-tao ng Diyos na nagkatawang-tao, o kahit gaano man Siya hinahamak ng mga tao, ang Kanyang mga kaisipan at ang Kanyang saloobin tungo sa sangkatauhan ay mga bagay na hindi kayang taglayin ng sinumang tao, na walang sinumang tao ang makagagaya. Palagi Niyang pagmamasdan ang sangkatauhan mula sa pananaw ng pagka-Diyos, mula sa taas ng Kanyang posisyon bilang ang Lumikha. Palagi Niyang makikita ang sangkatauhan sa pamamagitan ng diwa at ng pag-iisip ng Diyos. Tiyak na hindi Niya makikita ang sangkatauhan mula sa baba ng isang karaniwang tao, o mula sa pananaw ng isang taong tiwali. Kapag tinitingnan ng mga tao ang sangkatauhan, ginagawa nila iyon gamit ang paninging pantao, at ginagamit nila ang mga bagay-bagay na gaya ng kaalamang pantao at mga patakaran at mga teoryang pantao bilang panukat. Nasa loob ito ng saklaw ng kung ano ang makikita ng mga tao gamit ang kanilang mga mata at ng saklaw na makakamtan ng mga taong tiwali. Kapag tinitingnan ng Diyos ang sangkatauhan, tumitingin Siya gamit ang paninging pang-Diyos, at ginagamit Niya ang Kanyang diwa at kung anong mayroon at kung ano Siya bilang panukat. Kasama sa saklaw na ito ang mga bagay na hindi nakikita ng mga tao, at dito ganap na nagkakaiba ang Diyos na nagkatawang-tao at ang mga taong tiwali. Natutukoy ang pagkakaibang ito sa pamamagitan ng magkaibang mga diwa ng mga tao at ng Diyos—ang magkaibang mga diwang ito ang tumutukoy sa kanilang mga pagkakakilanlan at mga posisyon gayundin ang pananaw at ang taas mula sa kung saan nila nakikita ang mga bagay-bagay.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III

200. May mga karanasan ka man sa lipunan at paano ka man tunay na namumuhay sa iyong pamilya at nakakaranas sa loob niyon ay makikita sa iyong ipinapahayag, samantalang hindi mo makikita sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao kung Siya ay may mga karanasan sa pakikisama. Alam na alam Niya ang pinakadiwa ng tao at maihahayag ang lahat ng klase ng mga pagsasagawa na may kinalaman sa lahat ng klase ng mga tao. Mas mahusay pa nga Siya sa paghahayag ng mga tiwaling disposisyon at masuwaying pag-uugali ng mga tao. Hindi Siya namumuhay sa piling ng mga taong makamundo, ngunit alam Niya ang likas na pagkatao ng mga mortal at lahat ng katiwalian ng mga taong makamundo. Ito ang Kanyang pagkatao. Bagama’t hindi Siya nakikitungo sa mundo, alam Niya ang mga panuntunan ng pakikitungo sa mundo, dahil lubos Niyang nauunawaan ang likas na pagkatao ng tao. Alam Niya ang tungkol sa gawain ng Espiritu na hindi nakikita ng mga mata ng tao at hindi naririnig ng mga tainga ng tao, kapwa ngayon at noong araw. Kasama rito ang karunungan na hindi isang pilosopiya sa pamumuhay at mga himalang mahirap maarok ng mga tao. Ito ang Kanyang katauhan, bukas sa mga tao at tago rin sa mga tao. Ang Kanyang ipinapahayag ay hindi ang katauhan ng isang di-pangkaraniwang tao, kundi ang likas na mga katangian at katauhan ng Espiritu. Hindi Siya naglalakbay sa mundo ngunit alam Niya ang lahat tungkol dito. Nakikipag-ugnayan Siya sa mga “taong-unggoy” na walang kaalaman o kabatiran, ngunit nagpapahayag Siya ng mga salitang mas mataas sa kaalaman at nakahihigit sa mga dakilang tao. Namumuhay Siya sa gitna ng isang grupo ng mga taong mabagal umunawa at manhid na hindi makatao at hindi nauunawaan ang mga kalakaran at buhay ng pagiging tao, ngunit maaari Niyang hilingin sa sangkatauhan na isabuhay ang normal na pagkatao, habang ibinubunyag ang hamak at abang pagkatao ng sangkatauhan. Lahat ng ito ay ang Kanyang katauhan, mas mataas kaysa katauhan ng kahit sinong tao na may laman at dugo. Para sa Kanya, hindi kailangang magdanas ng isang kumplikado, masalimuot, at nakaririmarim na pakikisama sa lipunan upang gawin ang gawaing kailangan Niyang gawin at lubusang ibunyag ang pinakadiwa ng tiwaling sangkatauhan. Ang nakaririmarim na pakikisama sa lipunan ay hindi humuhubog sa Kanyang katawang-tao. Ang Kanyang gawain at mga salita ay nagbubunyag lamang ng pagsuway ng tao at hindi nagkakaloob sa tao ng karanasan at mga aral sa pakikitungo sa mundo. Hindi Niya kailangang suriin ang lipunan o ang pamilya ng tao kapag tinutustusan Niya ng buhay ang tao. Ang paglalantad at paghatol sa tao ay hindi isang pagpapahayag ng mga karanasan ng Kanyang katawang-tao; ito ay Kanyang paghahayag ng kasamaan ng tao pagkatapos malaman ang pagsuway ng tao sa loob ng mahabang panahon at kapootan ang katiwalian ng sangkatauhan. Lahat ng gawaing Kanyang ginagawa ay upang ihayag ang Kanyang disposisyon sa tao at ipahayag ang Kanyang katauhan. Siya lamang ang makakagawa ng gawaing ito; hindi ito isang bagay na maaaring isagawa ng isang taong may laman at dugo.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain ng Diyos at Gawain ng Tao

201. Ang gawain at pagpapahayag ni Cristo ang tumutukoy sa Kanyang diwa. Nagagawa Niyang kumpletuhin nang may tunay na puso yaong ipinagkatiwala sa Kanya. Nagagawa Niyang sambahin nang may tunay na puso ang Diyos sa langit, at hinahangad ang kalooban ng Diyos Ama nang may tunay na puso. Natutukoy ang lahat ng ito ng diwa Niya. At gayundin ang likas na pagsisiwalat Niya ay natutukoy ng Kanyang diwa; ang dahilan na tinatawag Ko itong ang “likas na pagsisiwalat” Niya ay dahil hindi panggagaya ang pagpapahayag Niya, o bunga ng pinag-aralan ng tao, o bunga ng maraming taong paglilinang ng tao. Hindi Niya ito natutuhan o ginayakan ang sarili Niya nito; sa halip, likas ito sa loob Niya. Maaaring ikaila ng tao ang Kanyang gawain, ang Kanyang pagpapahayag, ang Kanyang pagkatao, at ang Kanyang buong buhay ng normal na pagkatao, ngunit walang makapagkakailang sinasamba Niya ang Diyos sa langit nang may tunay na puso; walang makapagkakailang dumating Siya upang tuparin ang kalooban ng Ama sa langit, at walang makapagkakaila sa katapatan ng paghahanap Niya sa Diyos Ama. Bagama’t hindi kaaya-aya sa mga pandama ang Kanyang larawan, hindi nagtataglay ng pambihirang pagmamagaling ang pagtatalakay Niya, at hindi kasingnakawawasak ng lupa o nakayayanig ng langit ang gawain Niya na tulad ng inaakala ng tao, Siya talaga si Cristo, na tumutupad nang may tunay na puso sa kalooban ng Ama sa langit, ganap na nagpapasakop sa Ama sa langit, at masunurin hanggang kamatayan. Ito ay sapagkat ang diwa Niya ay ang diwa ni Cristo. Mahirap para sa tao na paniwalaan ang katotohanang ito, ngunit ito ay katunayan. Kapag ganap nang natupad ang ministeryo ni Cristo, magagawang makita ng tao mula sa gawain Niya na ang Kanyang disposisyon at katauhan ay kumakatawan sa disposisyon at katauhan ng Diyos sa langit. Sa oras na iyon, makapagpapatunay ang kalahatan ng gawain Niya na Siya talaga ang Salitang nagiging katawang-tao, at hindi katulad ng laman at dugong tao.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ni Cristo ay ang Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Langit

202. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at kaya ang Cristo na kayang magbigay ng katotohanan sa tao ay tinatawag na Diyos. Walang kalabisan tungkol dito, sapagka’t Siya ay may taglay ng diwa ng Diyos, at may taglay ng disposisyon ng Diyos, at may karunungan sa Kanyang gawain, na hindi kayang abutin ng tao. Yaong mga Cristo ang tinatawag sa mga sarili nila, subalit hindi kayang gawin ang gawain ng Diyos, ay mga manlilinlang. Hindi lamang pagpapakita ng Diyos sa lupa si Cristo, kundi pati na rin ang partikular na katawang-taong tinaglay ng Diyos habang ginagawa at tinatapos Niya ang Kanyang gawain kasama ng tao. Hindi maaaring palitan ang katawang-taong ito ng kahit sinumang tao, kundi isang katawang-taong sapat na makakayanan ang gawain ng Diyos sa lupa, at ipahayag ang disposisyon ng Diyos, at katawanin nang mahusay ang Diyos, at makapagbigay ng buhay sa tao. Sa malao’t madali, babagsak lahat yaong mga nagpapanggap na Cristo, sapagkat bagama’t inaangkin nilang sila si Cristo, hindi nila taglay ang diwa ni Cristo. Kaya naman sinasabi Ko na hindi kayang tukuyin ng tao ang pagiging-tunay ni Cristo, ngunit sinasagot at pinagpapasiyahan ng Diyos Mismo.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

203. Ang katawang-taong ibinihis ng Espiritu ng Diyos ay ang sariling katawang-tao ng Diyos. Ang Espiritu ng Diyos ang pinakamataas; Siya ay makapangyarihan sa lahat, banal, at matuwid. Gayon din, ang Kanyang katawang-tao ay pinakamataas, makapangyarihan sa lahat, banal, at matuwid. Ang magagawa lamang ng katawang-taong ito ay yaong matuwid at makakabuti sa sangkatauhan, yaong banal, maluwalhati, at makapangyarihan; wala Siyang kakayahang gumawa ng anumang bagay na labag sa katotohanan, na labag sa moralidad at katarungan, at lalong wala Siyang kakayahang gumawa ng anuman na magkakanulo sa Espiritu ng Diyos. Ang Espiritu ng Diyos ay banal, at sa gayon ay hindi magagawang tiwali ni Satanas ang Kanyang katawang-tao; ang Kanyang katawang-tao ay naiiba ang diwa kaysa laman ng tao. Sapagkat ang tao, hindi ang Diyos, ang siyang ginawang tiwali ni Satanas; hindi posibleng magawang tiwali ni Satanas ang katawang-tao ng Diyos. Kaya, sa kabila ng katunayan na iisa ang espasyong tinitirhan ng tao at ni Cristo, ang tao lamang ang sinasapian, kinakasangkapan, at binibitag ni Satanas. Sa kabaligtaran, si Cristo ay hindi tinatablan ng katiwalian ni Satanas magpakailanman, dahil hindi magkakaroon ng kakayahan si Satanas kailanman na umakyat sa kataas-taasang lugar, at hindi magagawang lumapit sa Diyos kailanman. Ngayon, dapat ninyong maunawaang lahat na ang sangkatauhan lamang, na nagawa nang tiwali ni Satanas, ang siyang nagkakanulo sa Akin. Hindi magiging problema na masangkot si Cristo kahit paano sa pagkakanulo.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Napakaseryosong Problema: Pagtataksil 2

204. Nagkatawang-tao ang Diyos dahil ang pakay ng Kanyang gawain ay hindi ang espiritu ni Satanas, o anumang bagay na walang katawan, kundi ang tao, na may laman at nagawa nang tiwali ni Satanas. Mismong dahil ang laman ng tao ay naging tiwali kaya ginawa ng Diyos ang tao na may laman bilang pakay ng Kanyang gawain; dagdag pa rito, dahil ang tao ang pakay ng katiwalian, ginawa ng Diyos ang tao na tanging layon ng Kanyang gawain sa lahat ng yugto ng Kanyang gawain ng pagliligtas. Ang tao ay isang mortal na nilalang, binubuo ng laman at dugo, at ang Diyos lamang ang Siyang makapagliligtas sa tao. Sa ganitong paraan, ang Diyos ay dapat maging isang katawang-tao na nagtataglay ng mga katangiang katulad ng sa tao upang magawa ang Kanyang gawain, upang matamo ng Kanyang gawain ang mas mahusay na mga kalalabasan. Kailangang maging katawang-tao ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain mismong dahil ang tao ay sa laman, at walang kakayahang mapangibabawan ang kasalanan o hubaran ng laman ang kanyang sarili. Bagama’t malaki ang pagkakaiba ng diwa at pagkakakilanlan ng Diyos na nagkatawang-tao sa diwa at pagkakakilanlan ng tao, ang Kanyang kaanyuan ay katulad pa rin ng sa tao; may kaanyuan Siya ng isang karaniwang tao, at namumuhay bilang isang karaniwang tao, at yaong mga nakakakita sa Kanya ay walang mapapansing pagkakaiba sa isang karaniwang tao. Sapat na ang karaniwang kaanyuan at karaniwang pagkatao na ito upang magawa Niya ang Kanyang maka-Diyos na gawain sa karaniwang pagkatao. Tinutulutan Siya ng Kanyang katawang-tao na magawa sa karaniwang pagkatao ang Kanyang gawain, at tumutulong ito sa Kanya na gawin ang Kanyang gawain kasama ng tao, at ang Kanyang karaniwang pagkatao, dagdag pa, ay tumutulong sa Kanya na isagawa ang gawain ng pagliligtas kasama ng tao. Bagama’t ang Kanyang normal na pagkatao ay naging sanhi ng malaking kaguluhan sa mga tao, ang ganoong kaguluhan ay hindi nakaapekto sa mga karaniwang kalalabasan ng Kanyang gawain. Sa madaling salita, ang gawain ng Kanyang normal na katawang-tao ay may sukdulang pakinabang sa tao. Bagama’t hindi tinatanggap ng karamihan ng mga tao ang Kanyang karaniwang pagkatao, nakapagkakamit pa rin ng mga resulta ang Kanyang gawain, at ang mga epektong ito ay nakakamit dahil sa Kanyang normal na pagkatao. Ito ay hindi mapag-aalinlanganan. Mula sa Kanyang gawain sa katawang-tao, nagkakamit ang tao ng sampung ulit o dose-dosenang ulit pang mga bagay kaysa sa mga kuru-kuro na umiiral sa mga tao tungkol sa Kanyang karaniwang pagkatao, at ang ganoong mga kuru-kuro, sa huli, ay lulunuking lahat ng Kanyang gawain. At ang epekto na nakamit na ng Kanyang gawain, na ang ibig sabihin ay ang kaalaman ng tao tungkol sa Kanya, ay higit na matimbang kaysa sa mga kuru-kuro ng tao tungkol sa Kanya. Walang paraan upang ipalagay o sukatin ang gawain na ginagawa Niya sa katawang-tao, dahil ang Kanyang katawang-tao ay hindi katulad ng sa sinumang taong may laman; bagama’t magkatulad ang panlabas na kaanyuan, ang diwa ay hindi magkatulad. Ang Kanyang katawang-tao ay nagbubunga ng maraming kuru-kuro sa mga tao tungkol sa Diyos, ngunit ang Kanyang katawang-tao ay maaari ding magpahintulot sa tao na makakuha ng maraming kaalaman, at maaari pa ngang lumupig sa sinumang tao na nagtataglay ng isang katulad na panlabas na kaanyuan. Dahil Siya ay hindi lamang isang tao, kundi Diyos na may panlabas na kaanyuan ng isang tao, at walang maaaring ganap na makaarok o makaunawa sa Kanya.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao

205. Nagawa nang tiwali ni Satanas ang tao at siya ang pinakamataas sa lahat ng nilalang ng Diyos, kaya nangangailangan ang tao ng pagliligtas ng Diyos. Tao, hindi si Satanas, ang pakay ng pagliligtas ng Diyos, at ang maliligtas ay ang laman ng tao, at ang kaluluwa ng tao, at hindi ang demonyo. Si Satanas ang layon ng paglipol ng Diyos, ang tao ang layon ng pagliligtas ng Diyos, at nagawa nang tiwali ni Satanas ang laman ng tao, kaya’t ang laman ng tao ang unang dapat na ililigtas. Malalimang nagawang tiwali ang laman ng tao, at naging isang bagay ito na lumalaban sa Diyos, kung kaya’t lantaran pa nga itong sumasalungat at nagtatatwa sa pag-iral ng Diyos. Sadyang napakahirap nang mapaamo ang tiwaling laman na ito, at wala nang higit na mahirap pakitunguhan o baguhin kaysa sa tiwaling disposisyon ng laman. Pumapaloob si Satanas sa laman ng tao upang magpasimula ng mga kaguluhan, at ginagamit nito ang laman ng tao upang gambalain ang gawain ng Diyos, at pinsalain ang plano ng Diyos, at sa gayon ay naging si Satanas ang tao, at naging kaaway ng Diyos. Upang mailigtas ang tao, dapat muna siyang malupig. Ito ang dahilan kung bakit humaharap sa hamon ang Diyos at nagsasakatawang-tao upang gawin ang gawain na nilalayon Niyang gawin, at upang labanan si Satanas. Ang Kanyang layunin ay ang kaligtasan ng tao, na naging tiwali, at ang pagkagapi at pagkalipol ni Satanas, na naghihimagsik laban sa Kanya. Nagagapi Niya si Satanas sa pamamagitan ng Kanyang gawain ng panlulupig sa tao, at kasabay na inililigtas ang tiwaling sangkatauhan. Kaya’t isang gawain ito na sabay nakakamit ang dalawang layunin. Kumikilos Siya sa katawang-tao, at nagsasalita sa katawang-tao, at isinasagawa ang lahat ng gawain sa katawang-tao upang higit na mahusay na makisali sa tao, at higit na mahusay na malupig ang tao. Sa huling pagkakataon na nagkakatawang-tao ang Diyos, ang Kanyang gawain sa mga huling araw ay matatapos sa katawang-tao. Pagbubukud-bukurin Niya ang lahat ng tao ayon sa uri, tatapusin ang Kanyang buong pamamahala, at tatapusin din ang lahat ng Kanyang gawain sa katawang-tao. Pagkaraang matapos ang lahat ng Kanyang gawain sa lupa, ganap na Siyang matagumpay. Sa paggawa sa katawang-tao, ganap na malulupig ng Diyos ang sangkatauhan, at ganap na makakamit ang sangkatauhan. Hindi ba ito nangangahulugan na parating na sa katapusan ang Kanyang buong pamamahala? Kapag winakasan na ng Diyos ang Kanyang gawain sa katawang-tao, dahil lubos na Niyang nagapi si Satanas at naging matagumpay, mawawalan na ng pagkakataon si Satanas na gawing tiwali ang tao. Ang gawain ng unang pagkakatawang-tao ng Diyos ay ang pagtubos at kapatawaran ng mga kasalanan ng tao. Ito ngayon ang gawain ng panlulupig at ganap na pagkakamit ng sangkatauhan, upang hindi na magkaroon ng anumang mga paraan si Satanas upang gawin ang gawain nito, at ganap nang magapi, at magiging ganap na matagumpay ang Diyos. Ito ang gawain ng katawang-tao, at ang gawain na ginawa ng Diyos Mismo.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao

206. Nagawa nang tiwali ni Satanas ang laman ng tao, at lubusan na itong binulag, at matinding pininsala. Ang pinakapangunahing dahilan kung bakit gumagawa ang Diyos nang personal sa katawang-tao ay dahil ang tao, na mula sa laman, ang layon ng Kanyang pagliligtas, at dahil ginagamit din ni Satanas ang laman ng tao upang gambalain ang gawain ng Diyos. Ang pakikipaglaban kay Satanas ang talagang gawain ng panlulupig sa tao, at kasabay nito, ang tao rin ang layon ng pagliligtas ng Diyos. Sa ganitong paraan, napakahalaga ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Ginawang tiwali ni Satanas ang laman ng tao, at naging sagisag ni Satanas ang tao, at naging layon na gagapiin ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang gawain ng pakikipaglaban kay Satanas at pagliligtas sa buong sangkatauhan ay nagaganap sa lupa, at dapat maging tao ang Diyos upang makipaglaban kay Satanas. Ito ang gawain na sukdulang praktikal. Kapag gumagawa ang Diyos sa katawang-tao, tunay Siyang nakikipaglaban kay Satanas sa katawang-tao. Kung gumagawa Siya sa katawang-tao, ginagawa Niya ang Kanyang gawain sa espirituwal na dako, at ginagawa Niyang tunay sa lupa ang kabuuan ng Kanyang gawain sa espirituwal na dako. Tao ang nalulupig, tao na hindi masunurin sa Kanya, at ang nagagapi ay ang pinakalarawan ni Satanas (mangyari pa, ito ay tao rin), na nakikipag-alitan sa Kanya, at tao rin ang naliligtas sa dakong huli. Sa ganitong paraan, higit pang kinakailangan para sa Diyos na maging isang tao na may panlabas na anyo ng isang nilalang, upang magawa Niya ang tunay na pakikipaglaban kay Satanas, upang malupig ang tao, na mapanghimagsik sa Kanya at nag-aangkin ng panlabas na kaanyuan na katulad ng sa Kanya, at upang mailigtas ang tao, na may panlabas na kaanyuan na tulad Niya at napinsala na ni Satanas. Tao ang Kanyang kaaway, tao ang pakay ng Kanyang paglupig, at tao, na nilikha Niya, ang layon ng Kanyang pagliligtas. Kaya’t dapat Siyang maging tao, at sa ganitong paraan, nagiging higit na madali ang Kanyang gawain. Nagagawa Niyang gapiin si Satanas at lupigin ang sangkatauhan, at, higit pa rito, nagagawang iligtas ang sangkatauhan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao

207. Ang pagliligtas ng Diyos sa tao ay hindi direktang ginagawa sa pamamagitan ng paraan ng Espiritu o pagkakakilanlan ng Espiritu, sapagkat ang Kanyang Espiritu ay hindi maaaring mahawakan o makita ng tao, at hindi maaaring malapitan ng tao. Kung sinubukan Niyang direktang iligtas ang tao sa paraan ng Espiritu, hindi magagawa ng tao na tanggapin ang Kanyang pagliligtas. Kung hindi isinuot ng Diyos ang panlabas na anyo ng isang nilalang na tao, hindi magkakaroon ang tao ng paraan para tanggapin ang kaligtasang ito. Sapagkat walang paraan ang tao upang makalapit sa Kanya, katulad ng walang nakalapit sa ulap ni Jehova. Tanging sa pamamagitan ng pagiging isang nilikhang tao, ibig sabihin, ang paglalagay ng Kanyang salita sa Kanyang magiging katawang-tao, na personal Niyang magagawa ang salita sa lahat ng sumusunod sa Kanya. Saka lamang maaaring personal na makita at marinig ng tao ang Kanyang salita, at taglayin ang Kanyang salita, at sa gayon ay lubusang mailigtas. Kung ang Diyos ay hindi naging katawang-tao, walang nagtataglay ng laman at dugo ang makakatanggap ng gayon kadakilang kaligtasan, at wala rin kahit isang tao ang maliligtas. Kung ang Espiritu ng Diyos ay gumawa nang direkta sa gitna ng sangkatauhan, ang buong sangkatauhan ay pababagsakin o ganap na mabibihag ni Satanas dahil hindi kaya ng tao na makaugnay ang Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4

208. Ang tanging dahilan na ang nagkatawang-taong Diyos ay napatungo sa laman ay dahil sa mga pangangailangan ng tiwaling tao. Dahil ito sa mga pangangailangan ng tao, hindi ng Diyos, at ang lahat ng Kanyang mga pagpapakasakit at paghihirap ay alang-alang sa sangkatauhan, at hindi para sa kapakanan ng Diyos Mismo. Walang mga kalamangan o kahinaan o mga pabuya para sa Diyos; hindi Siya gagapas ng anumang ani sa hinaharap, kundi ng mga una nang pagkakautang sa Kanya. Ang lahat ng Kanyang ginagawa at mga ipinagpapakasakit para sa sangkatauhan ay hindi upang makapagkamit Siya ng malalaking pabuya, kundi lubos na alang-alang sa sangkatauhan. Bagama’t sangkot sa gawain ng Diyos sa katawang-tao ang mga paghihirap na di-mailarawan sa isip, ang mga bunga na nakakamit nito sa huli ay labis na lampas sa mga gawaing tuwirang ginagawa ng Espiritu. Ang gawain ng katawang-tao ay nangangailangan ng matinding paghihirap, at ang katawang-tao ay hindi makapagtataglay ng katulad na dakilang pagkakakilanlan tulad ng Espiritu, hindi Siya maaaring magsagawa ng mga katulad na kahima-himalang mga gawa tulad ng Espiritu, at higit na hindi Siya maaaring magtaglay ng katulad na awtoridad tulad ng Espiritu. Ngunit ang diwa ng gawaing ginagawa ng karaniwang katawang-tao na ito ay lubhang nakahihigit sa gawain na tuwirang ginagawa ng Espiritu, at ang katawang-tao Niyang ito Mismo ang kasagutan sa mga pangangailangan ng buong sangkatauhan. Para sa mga ililigtas, ang halagang gamit ng Espiritu ay lubhang mas mababa kaysa sa katawang-tao: Nagagawa ng gawain ng Espiritu na lumukob sa buong sansinukob, sa lahat ng mga bundok, ilog, lawa, at karagatan, ngunit ang gawain ng katawang-tao ay higit na mabisang nauugnay sa bawat tao na nakakaugnayan Niya. Higit pa rito, ang katawang-tao ng Diyos na may nahahawakang anyo ay maaaring higit na maunawaan at mapagkatiwalaan ng tao, at lalo pang makapagpapalalim sa kaalaman ng tao sa Diyos, at makapag-iiwan sa tao ng mas malalim na impresyon ng mga aktuwal na gawa ng Diyos. Nababalot sa hiwaga ang gawain ng Espiritu; mahirap para sa mga mortal na nilalang na arukin ito, at higit na mahirap para sa kanila na makita, at kaya maaari lamang silang umasa sa mga hungkag na paglalarawan sa isip. Gayunman, ang gawain ng katawang-tao ay karaniwan, at batay sa realidad, at nagtataglay ng mayamang karunungan, at ito ay isang katunayan na maaaring makita ng pisikal na paningin ng tao; maaaring personal na maranasan ng tao ang karunungan ng gawain ng Diyos, at hindi kailangan na gamitin ang kanyang masaganang imahinasyon. Ito ang katumpakan at tunay na halaga ng gawain ng Diyos sa katawang-tao. Maaari lamang gumawa ang Espiritu ng mga bagay na hindi nakikita ng tao at mahirap para sa kanyang ilarawan sa isip, halimbawa ang kaliwanagan ng Espiritu, ang pagpukaw ng Espiritu, at ang patnubay ng Espiritu, ngunit para sa tao na may isip, ang mga ito ay hindi nagbibigay ng anumang malinaw na kahulugan. Nagbibigay lamang ang mga ito ng isang nagbabago, o isang malawakang kahulugan, at hindi maaaring magbigay ng isang tagubilin sa pamamagitan ng mga salita. Gayunman, ang gawain ng Diyos sa katawang-tao ay labis na naiiba: Nasasangkot dito ang tumpak na patnubay ng mga salita, may malinaw itong kalooban, at may malinaw na mga kinakailangang layunin. At kaya’t ang tao ay hindi kailangang mag-apuhap sa paligid, o gamitin ang kanyang imahinasyon, lalo na ang gumawa ng mga panghuhula. Ito ang kalinawan ng gawain sa katawang-tao, at ang malaking pagkakaiba nito sa gawain ng Espiritu. Angkop lamang ang gawain ng Espiritu para sa isang limitadong saklaw, at hindi maaaring pumalit sa gawain ng katawang-tao. Ang gawain ng katawang-tao ay nagbibigay sa tao ng mas tumpak at kinakailangang mga layunin at higit na mas makatotohanan at mahalagang kaalaman kaysa sa gawain ng Espiritu. Ang pinakamahalagang gawain sa tiwaling tao ay yaong nagbibigay ng tumpak na mga salita, malinaw na mga layunin na dapat pagsumikapang matamo, at na maaaring makita at mahawakan. Tanging makatotohanang gawain at napapanahong patnubay ang angkop sa panlasa ng tao, at tanging tunay na gawain ang makapagliligtas sa tao mula sa kanyang tiwali at napakasamang disposisyon. Maaari lamang itong makamit ng Diyos na nagkatawang-tao; tanging ang Diyos na nagkatawang-tao ang makapagliligtas sa tao mula sa kanyang dating tiwali at napakasamang disposisyon. Bagama’t ang Espiritu ang likas na diwa ng Diyos, ang gawaing tulad nito ay maaari lamang gawin ng Kanyang katawang-tao. Kung ang Espiritu ay gumawa nang nag-iisa, hindi posible sa gayon na maging mabisa ang Kanyang gawain—ito ay isang payak na katotohanan. Bagama’t karamihan ng mga tao ay naging mga kaaway na ng Diyos dahil sa katawang-tao na ito, kapag winakasan Niya na ang Kanyang gawain, yaong mga taong laban sa Kanya ay hindi lamang hihinto sa pagiging mga kaaway Niya, bagkus ay magiging mga saksi Niya. Magiging mga saksi sila na Kanya nang nalupig, mga saksi na kaayon Niya at hindi maihihiwalay sa Kanya. Magsasanhi Siya na malaman ng tao ang kahalagahan ng Kanyang gawain sa katawang-tao sa tao, at malalaman ng tao ang kahalagahan ng katawang-tao na ito sa kahulugan ng pag-iral ng tao, malalaman ang Kanyang tunay na halaga sa paglago ng buhay ng tao, at, higit pa rito, malalaman na ang katawang-tao na ito ay magiging isang buhay na bukal ng buhay kung saan hindi makakaya ng tao na mapahiwalay.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao

209. Bagama’t ang nagkatawang-taong laman ng Diyos ay malayong tumugma sa pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos, at para sa tao ay tila hindi kaayon sa Kanyang tunay na katayuan, ang katawang-tao na ito, na hindi nagtataglay ng tunay na larawan ng Diyos, o ng tunay na pagkakakilanlan ng Diyos, ay maaaring gawin ang gawain na hindi nakakayang tuwirang gawin ng Espiritu ng Diyos. Gayon ang tunay na kabuluhan at halaga ng pagkakatawang-tao ng Diyos, at ito ang kabuluhan at halaga na hindi mapahalagahan at makilala ng tao. Bagama’t lahat ng tao ay tumitingala sa Espiritu ng Diyos at hinahamak ang katawang-tao ng Diyos, paano man sila tumitingin o nag-iisip, malayong nahihigitan ng tunay na kabuluhan at halaga ng katawang-tao ang sa Espiritu. Mangyari pa, tungkol lamang ito sa tiwaling sangkatauhan. Para sa lahat na naghahangad ng katotohanan at nasasabik sa pagpapakita ng Diyos, ang gawain ng Espiritu ay makakapagbigay lamang ng pagpukaw o inspirasyon, at isang pagkaramdam ng pagkamangha na hindi ito maipaliliwanag at hindi mailalarawan ng isip, at isang pagkaramdam na ito ay dakila, kagila-gilalas, at kahanga-hanga, ngunit hindi rin maaaring makamit at matamo ng lahat. Ang tao at ang Espiritu ng Diyos ay maaari lamang tumingin sa isa’t isa mula sa malayo, na tila ba may napakalawak na agwat sa kanilang pagitan, at sila kailanman ay hindi maaaring maging magkatulad, na tila ba ang tao at ang Diyos ay pinaghiwalay ng isang di-nakikitang pagitan. Sa katunayan, ito ay isang ilusyon na ibinibigay ng Espiritu sa tao, dahil ang Espiritu at ang tao ay hindi magkatulad ng uri at hindi kailanman magkasamang iiral sa parehong mundo, at dahil ang Espiritu ay hindi nagtataglay ng anuman sa tao. Kaya ang tao ay hindi nagtataglay ng pangangailangan sa Espiritu, sapagkat ang Espiritu ay hindi tuwirang magagawa ang gawain na pinakakinakailangan ng tao. Ang gawain ng katawang-tao ay nag-aalok sa tao ng tunay na mga layunin upang hangaring matamo, malinaw na mga salita, at isang pakiramdam na Siya ay tunay at normal, na Siya ay mapagpakumbaba at karaniwan. Bagama’t maaaring matakot ang tao sa Kanya, para sa karamihan ng mga tao Siya ay madaling makaugnay: Maaaring masdan ng tao ang Kanyang mukha, at marinig ang Kanyang tinig, at hindi niya Siya kailangang tingnan mula sa malayo. Nararamdaman ng tao na madaling lapitan ang katawang-taong ito, hindi malayo, o di-maarok, bagkus ay nakikita at nahahawakan, dahil ang katawang-tao na ito ay nasa kaparehong mundo ng tao.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao

210. Ngayon ay nakikita ng tao na ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay sadyang higit sa karaniwan, at napakarami rito ay hindi magagawang makamit ng tao, at mga hiwaga at mga kababalaghan. Samakatuwid, marami ang nagpasakop na. Ang ilan ay hindi kailanman nagpasakop sa sinumang tao magmula nang ipanganak sila, gayunma’y kapag nakikita nila ang mga salita ng Diyos sa araw na ito, lubos silang nagpapasakop nang hindi napapansing nagawa nila ang gayon, at hindi sila nagtatangkang siyasating mabuti o magsalita ng ano pa mang bagay. Ang sangkatauhan ay nahulog na sa ilalim ng salita at nakadapa sa ilalim ng paghatol ng salita. Kung ang Espiritu ng Diyos ay direktang nagsalita sa tao, ang buong sangkatauhan ay magpapasakop sa tinig, babagsak na walang mga salita ng pagbubunyag, tulad ng kung paanong si Pablo ay bumagsak sa lupa sa gitna ng liwanag habang siya ay papunta sa Damasco. Kung ang Diyos ay nagpatuloy na gumawa sa ganitong paraan, hindi kailanman magagawa ng tao na makilala ang kanyang sariling katiwalian sa pamamagitan ng paghatol ng salita at sa gayon ay makamit ang kaligtasan. Tanging sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao na personal na maihahatid ng Diyos ang Kanyang mga salita sa mga tainga ng lahat ng tao upang ang lahat ng may mga tainga ay marinig ang Kanyang mga salita at makatanggap ng Kanyang gawain ng paghatol sa pamamagitan ng salita. Lamang, ang resultang ito ay nakamit ng Kanyang salita, sa halip ng pagpapamalas ng Espiritu upang takutin ang tao para magpasakop. Sa pamamagitan lamang ng gayong praktikal at higit sa karaniwang gawain maaaring lubusang maibunyag ang lumang disposisyon ng tao, na malalim na naitago sa loob ng maraming taon, upang makilala ito ng tao at mabago ito. Lahat ng ito ang praktikal na gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, kung saan nakakamit Niya ang mga resulta ng paghatol sa tao ng salita sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsasagawa ng paghatol sa isang praktikal na paraan. Ito ang awtoridad ng Diyos na nagkatawang-tao at ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Ito ay ginagawa upang ipakilala ang awtoridad ng Diyos na nagkatawang-tao, ang mga resulta na nakamit sa pamamagitan ng gawain ng salita, at na ang Espiritu ay dumating sa laman at ipinakikita ang Kanyang awtoridad sa pamamagitan ng paghatol sa tao sa pamamagitan ng salita. Kahit na ang Kanyang katawang-tao ay ang panlabas na anyo ng isang ordinaryo at normal na pagkatao, ang mga resultang nakakamit ng Kanyang mga salita ang nagpapakita sa tao na Siya ay puno ng awtoridad, na Siya ang Diyos Mismo at na ang Kanyang mga salita ang pagpapahayag ng Diyos Mismo. Ipinakikita nito sa lahat ng tao na Siya ang Diyos Mismo, ang Diyos Mismo na nagkatawang-tao, na walang sinuman ang maaaring magkasala sa Kanya, at na walang maaaring makalampas sa Kanyang paghatol sa pamamagitan ng salita, at walang puwersa ng kadiliman ang maaaring mangibabaw sa Kanyang awtoridad. Nagpapasakop nang lubos ang tao sa Kanya dahil Siya ang Salita na nagkatawang-tao, dahil sa Kanyang awtoridad, at dahil sa Kanyang paghatol sa pamamagitan ng salita. Ang gawain na dinala ng Kanyang nagkatawang-taong laman ang awtoridad na Kanyang tinataglay. Siya ay nagkakatawang-tao dahil ang katawang-tao ay maaari ding magtaglay ng awtoridad, at Siya ay may kakayahang magsakatuparan ng gawain sa gitna ng sangkatauhan sa isang praktikal na paraan, sa paraang nakikita at nahahawakan ng tao. Ang gayong gawain ay mas makatotohanan kaysa sa gawain na direktang ginawa ng Espiritu ng Diyos na nagtataglay ng lahat ng awtoridad, at ang mga resulta nito ay maliwanag din. Ito ay dahil ang nagkatawang-taong laman ng Diyos ay nakakapagsalita at nakakagawa sa isang praktikal na paraan. Ang panlabas na anyo ng Kanyang katawang-tao ay walang awtoridad at maaaring lapitan ng tao, samantalang ang Kanyang diwa ay nagtataglay ng awtoridad, ngunit walang nakakakita sa Kanyang awtoridad. Kapag Siya ay nagsasalita at gumagawa, hindi napapansin ng tao ang pag-iral ng Kanyang awtoridad; ito ay nakakatulong sa Kanyang paggawa ng praktikal na gawain. Lahat ng naturang praktikal na gawain ay makakapagkamit ng mga resulta. Kahit na walang tao ang nakakatanto na Siya ay nagtataglay ng awtoridad o nakakakita na hindi dapat magkasala sa Kanya o nakakakita sa Kanyang poot, nakakamit Niya ang hinahangad na mga resulta sa pamamagitan ng Kanyang natatagong awtoridad at poot at mga salitang hayagan Niyang sinasalita. Sa madaling salita, sa pamamagitan ng tono ng Kanyang boses, mahigpit na pagsasalita, at lahat ng karunungan ng Kanyang mga salita, ang tao ay lubusang nakukumbinsi. Sa ganitong paraan, ang tao ay nagpapasakop sa salita ng Diyos na nagkatawang-tao, na tila ba walang awtoridad, at dahil doon natutupad ang layunin ng Diyos na iligtas ang tao. Ito ang isa pang aspeto ng kabuluhan ng Kanyang pagkakatawang-tao: ang magsalita nang mas makatotohanan at hayaan ang realidad ng Kanyang mga salita na magkaroon ng epekto sa tao nang sa gayon ay masaksihan ng tao ang kapangyarihan ng salita ng Diyos. Samakatuwid, kung hindi ginawa ang gawaing ito sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao, hindi ito magkakamit ng anumang resulta at hindi magagawang lubos na iligtas ang mga makasalanang tao. Kung ang Diyos ay hindi nagkatawang-tao, Siya ay mananatiling ang Espiritu na parehong hindi nakikita at hindi nahahawakan ng tao. Dahil ang tao ay isang nilalang na gawa sa laman, ang tao at ang Diyos ay nabibilang sa dalawang magkaibang mundo at may magkaibang kalikasan. Ang Espiritu ng Diyos ay hindi kaayon ng tao, na gawa sa laman, at sadyang walang paraan para magtatag ng mga relasyon sa pagitan nila; higit pa rito, ang tao ay hindi maaaring maging isang espiritu. Dahil dito, ang Espiritu ng Diyos ay dapat na maging isang nilalang upang magawa ang Kanyang orihinal na gawain. Ang Diyos ay parehong kaya na umakyat sa pinakamataas na lugar at ipagpakumbaba ang Kanyang sarili para maging isang taong nilikha, na gumagawa ng gawain at namumuhay na kasama ng tao, ngunit ang tao ay hindi kayang umakyat sa pinakamataas na lugar at maging isang espiritu at lalong hindi siya makakababa sa pinakamababang lugar. Ito ang dahilan kung bakit ang Diyos ay dapat magkatawang-tao upang isakatuparan ang Kanyang gawain. Katulad nito, noong unang pagkakatawang-tao, tanging ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao ang maaaring tumubos sa tao sa pamamagitan ng Kanyang pagpapapako sa krus, samantalang hindi posible para sa Espiritu ng Diyos na maipako sa krus bilang handog para sa kasalanan ng tao. Ang Diyos ay maaaring direktang magkatawang-tao upang magsilbing handog para sa kasalanan ng tao, ngunit ang tao ay hindi maaaring direktang umakyat sa langit upang tanggapin ang handog para sa kasalanan na inihanda ng Diyos para sa kanya. Dahil dito, ang posible lamang ay ang hingin sa Diyos na magpabalik-balik nang ilang beses sa pagitan ng langit at lupa, sa halip na paakyatin ang tao sa langit upang kunin ang kaligtasang ito, sapagkat ang tao ay nahulog at, bukod pa roon, sadyang hindi maaaring umakyat sa langit, lalo na ang tanggapin ang handog para sa kasalanan. Samakatuwid, kinailangan na dumating si Jesus sa gitna ng sangkatauhan at personal na gawin ang gawain na sadyang hindi maaaring maisakatuparan ng tao. Tuwing nagkakatawang-tao ang Diyos, lubos itong kinakailangang gawin. Kung alinman sa mga yugto ay maaaring maisakatuparan nang direkta ng Espiritu ng Diyos, hindi na sana Niya tiniis ang kawalang-dangal ng pagkakatawang-tao.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4

211. Walang sinumang higit na angkop, at karapat-dapat, kaysa sa Diyos sa katawang-tao para sa gawain ng paghatol sa katiwalian ng laman ng tao. Kung ang paghatol ay tuwirang isinagawa ng Espiritu ng Diyos, kung gayon, hindi ito sasaklaw sa lahat. Bukod dito, magiging mahirap para sa tao na tanggapin ang gayong gawain, sapagkat hindi magagawa ng Espiritu na lumapit nang harap-harapan sa tao, at dahil dito, hindi magiging agaran ang mga bisa, hindi makikita ng tao nang lalong malinaw ang di-naaagrabyadong na disposisyon ng Diyos. Lubusang magagapi lamang si Satanas kung hahatulan ng Diyos sa katawang-tao ang katiwalian ng sangkatauhan. Dahil tulad sa tao na nagtataglay ng normal na pagkatao, maaaring tuwirang hatulan ng Diyos sa katawang-tao ang di pagiging matuwid ng tao; ito ang tatak ng Kanyang likas na kabanalan, at ng Kanyang pagiging katangi-tangi. Tanging ang Diyos ang karapat-dapat, at nasa katayuan na hatulan ang tao, sapagkat taglay Niya ang katotohanan, at pagiging matuwid, kaya nga nagagawa Niyang hatulan ang tao. Yaong mga walang katotohanan at katuwiran ay hindi nababagay na hatulan ang iba. Kung ginawa ng Espiritu ng Diyos ang gawaing ito, kung gayon ay hindi ito mangangahulugan ng tagumpay laban kay Satanas. Likas na higit na mabunyi ang Espiritu kaysa mga mortal na nilalang, at likas na banal ang Espiritu ng Diyos, at napagtatagumpayan ang laman. Kung tuwirang ginawa ng Espiritu ang gawaing ito, hindi Niya magagawang hatulan ang lahat ng pagsuway ng tao at hindi makakayang ibunyag ang lahat ng di-pagkamatuwid ng tao. Sapagka’t natutupad din ang gawain ng paghatol sa pamamagitan ng mga kuru-kuro ng tao sa Diyos, at ang tao ay hindi kailanman nagkaroon ng anumang mga kuru-kuro sa Espiritu, at sa gayon ay hindi kaya ng Espiritu ang higit na mainam na paghahayag sa di-pagkamatuwid ng tao, lalong hindi kaya ang ganap na paghahayag ng gayong di-pagkamatuwid. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay ang kaaway ng lahat ng tao na hindi nakakakilala sa Kanya. Sa pamamagitan ng paghatol sa mga kuru-kuro ng tao at pagsalungat sa Kanya, isinisiwalat Niya ang lahat ng pagsuway ng sangkatauhan. Higit na malinaw ang mga bisa ng Kanyang gawain sa katawang-tao kaysa sa mga gawain ng Espiritu. At kaya, hindi tuwirang natutupad ng Espiritu ang paghatol ng lahat ng sangkatauhan, bagkus ay ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao. Makakayang makita at mahawakan ng tao ang Diyos sa katawang-tao, at ang Diyos sa katawang-tao ay makakayang ganap na lupigin ang tao. Sa kanyang kaugnayan sa Diyos sa katawang-tao, umuusad ang tao mula sa pagsalungat patungo sa pagsunod, mula sa pag-uusig patungo sa pagtanggap, mula sa kuru-kuro patungo sa kaalaman, at mula sa pagtanggi patungo sa pagmamahal—ito ang mga bisa ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Naliligtas lamang ang tao sa pamamagitan ng pagtanggap ng Kanyang paghatol, unti-unti lamang na nakikilala Siya ng tao sa pamamagitan ng mga salita ng Kanyang bibig, nalulupig Niya ang tao sa panahon ng pagsalungat nito sa Kanya, at tumatanggap siya ng panustos ng buhay mula sa Kanya sa panahon ng pagtanggap ng Kanyang pagkastigo. Ang lahat ng gawaing ito ay ang gawain ng Diyos sa katawang-tao, at hindi ang gawain ng Diyos sa Kanyang pagkakakilanlan bilang Espiritu.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao

212. Nang hindi pa naging tao ang Diyos, hindi masyadong naunawaan ng mga tao ang Kanyang sinabi, sapagka’t nanggaling ang Kanyang mga salita sa ganap na pagka-Diyos. Ang pananaw at ang konteksto ng Kanyang sinabi ay hindi nakikita at hindi naaabot ng sangkatauhan; ipinahayag ito mula sa espirituwal na dako na hindi nakikita ng mga tao. Para sa mga taong nabuhay sa laman, hindi nila kayang bagtasin ang espirituwal na dako. Subali’t pagkatapos maging tao ng Diyos, nagsalita Siya sa sangkatauhan mula sa pananaw ng pagkatao, at Siya ay lumabas at hinigitan ang saklaw ng espirituwal na dako. Kaya Niyang ipahayag ang Kanyang maka-Diyos na disposisyon, kalooban, at saloobin sa pamamagitan ng mga bagay na maiisip ng mga tao, mga bagay na kanilang nakita at nakaharap sa kanilang mga buhay, at gamit ang mga pamamaraan na matatanggap ng mga tao, sa wika na kanilang mauunawaan, at nang may kaalaman na kanilang maiintindihan, upang tulutan ang sangkatauhan na maunawaan at makilala ang Diyos, upang maintindihan ang Kanyang intensyon at ang Kanyang hinihinging mga pamantayan sa loob ng saklaw ng kanilang kakayahan at sa antas na kanilang makakaya. Ito ang pamamaraan at prinsipyo ng gawain ng Diyos sa pagkatao. Bagaman ang mga pamamaraan ng Diyos at ang Kanyang mga prinsipyo ng paggawa sa katawang-tao ay karamihang nakamit gamit ang o sa pamamagitan ng pagkatao, totoong nakapagtamo ito ng mga resulta na hindi matatamo sa pamamagitan ng tuwirang paggawa sa pagka-Diyos. Ang gawain ng Diyos sa pagkatao ay higit na kongkreto, tunay, at nakatuon, lalong higit na naibabagay ang mga pamamaraan, at hinigitan nito sa anyo ang gawaing isinakatuparan sa Kapanahunan ng Kautusan.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III

213. Ang pagdating ng Diyos sa katawang-tao ay pangunahin upang bigyang-daan ang mga tao na makita ang tunay na mga gawa ng Diyos, upang magbigay ng hugis ng katawang-tao sa walang hugis na Espiritu, at upang tulutan ang mga tao na makita at mahipo Siya. Sa ganitong paraan, yaong mga ginagawa Niyang ganap ay isasabuhay Siya, makakamit Niya, at magiging kaayon ng Kanyang puso. Kung sa langit lamang nagsalita ang Diyos at hindi aktwal na pumarito sa lupa, hindi pa rin makakaya ng mga tao na makilala ang Diyos; maipangangaral lamang nila ang mga gawa ng Diyos gamit ang hungkag na teorya at hindi tataglayin ang mga salita ng Diyos bilang realidad. Pumarito ang Diyos sa lupa pangunahin upang magsilbing isang halimbawa at huwaran para sa yaong mga kakamtin Niya; sa ganito lamang talagang makikilala ng mga tao ang Diyos, mahihipo ang Diyos, at makikita Siya, at saka lamang sila tunay na makakamit ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo

214. Tanging kapag nagpakababa ang Diyos Mismo hanggang sa isang punto, na ibig sabihin, tanging kapag ang Diyos ay nagkatawang-tao, na ang tao ay maaaring maging malapit sa Kanya at katiwalang-loob Niya. Ang Diyos ay Espiritu: Paano magiging karapat-dapat ang tao na maging malapit sa Espiritung ito, na napakataas at di-maarok? Tanging kapag bumaba ang Espiritu ng Diyos sa katawang-tao, at nagiging isang nilalang na may parehong panlabas na anyo ng tao, na maaaring maunawaan ng tao ang Kanyang kalooban at talagang matamo Niya. Nagsasalita at gumagawa Siya sa katawang-tao, nakikibahagi sa mga kaligayahan, kalungkutan at kapighatian ng sangkatauhan, namumuhay sa kaparehong daigdig ng sangkatauhan, pinangangalagaan ang sangkatauhan, ginagabayan sila, at sa pamamagitan nito nililinis Niya ang mga tao, at hinahayaang matamo ng mga ito ang Kanyang pagliligtas at Kanyang pagpapala. Matapos matamo ang mga bagay na ito, tunay na nauunawaan ng mga tao ang kalooban ng Diyos, at saka lamang maaari silang maging malapit sa Diyos. Ito lamang ang praktikal. Kung ang Diyos ay di-nakikita at di-nahahawakan ng mga tao, paano sila magiging malapit sa Kanya? Hindi ba ito isang doktrinang walang laman?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging ang mga Nakakikilala sa Diyos at Nakaaalam sa Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-lugod sa Diyos

215. Para sa lahat ng nabubuhay sa laman, ang pagbabago ng kanilang disposisyon ay nangangailangan ng mga itataguyod na layunin, at ang pagkilala sa Diyos ay nangangailangan ng pagsaksi sa tunay na mga gawa at tunay na mukha ng Diyos. Matatamo lamang ang dalawang ito ng katawang-tao ng Diyos, at maisasakatuparan lamang ang dalawang ito ng normal at tunay na katawan. Ito ang dahilan kung bakit kailangan ang pagkakatawang-tao, at kung bakit ito kailangan ng lahat ng tiwaling sangkatauhan. Dahil hinihinging makilala ng mga tao ang Diyos, kailangang maiwaksi sa kanilang mga puso ang mga larawan ng malabo at higit-sa-karaniwang mga Diyos, at dahil hinihinging alisin nila ang kanilang tiwaling disposisyon, dapat muna nilang malaman ang kanilang tiwaling disposisyon. Kung gagawin lamang ng tao ang gawain para maiwaksi mula sa puso ng mga tao ang mga larawan ng malalabong Diyos, mabibigo siyang makamit ang wastong bisa. Hindi mailalantad, maitatakwil, o ganap na mapapaalis ng mga salita lamang ang mga larawan ng malalabong Diyos sa puso ng mga tao. Sa huli, hindi pa rin posibleng iwaksi sa paggawa nito ang mga bagay na malalim na nakaugat sa mga tao. Makakamit lamang ang angkop na bisa kapag napalitan ng praktikal na Diyos at ng tunay na larawan ng Diyos ang malalabo at di-pangkaraniwang mga bagay na ito, at mahikayat ang mga tao na unti-unting malaman ang mga ito. Kinikilala ng tao na malabo at hindi pangkaraniwan ang Diyos na kanyang hinangad ng mga nakaraang panahon. Ang may kakayahang makapagkamit ng bisang ito ay hindi ang tuwirang pamumuno ng Espiritu, lalong hindi ang mga aral ng isang tiyak na indibidwal, kundi ang Diyos na nagkatawang-tao. Nailalantad ang mga kuru-kuro ng tao kapag opisyal na ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao ang Kanyang gawain, sapagkat ang pagiging normal at ang realidad ng Diyos na nagkatawang-tao ay ang kabaligtaran ng malabo at di-pangkaraniwang Diyos sa imahinasyon ng tao. Maihahayag lamang ang orihinal na mga kuru-kuro ng tao kapag naihambing sa Diyos na nagkatawang-tao. Kung wala ang paghahambing sa Diyos na nagkatawang-tao, hindi maihahayag ang mga kuru-kuro ng tao; sa madaling salita, kung walang realidad bilang panghambing, hindi maihahayag ang malalabong bagay. Walang may kakayahang gumamit ng mga salita upang gawin ang gawaing ito, at walang sinuman ang may kakayahang magsalita nang maliwanag sa gawaing ito gamit ang mga salita. Tanging ang Diyos Mismo ang makakagawa ng Kanyang sariling gawain, at wala nang ibang makakagawa ng gawaing ito sa ngalan Niya. Gaano man kayaman ang wika ng tao, hindi niya kayang sabihin nang maliwanag ang realidad at pagiging normal ng Diyos. Maaari lamang makilala ng tao ang Diyos nang higit na praktikal, at maaari lamang Siyang makita nang higit na malinaw, kung personal na gagawa ang Diyos sa tao at ganap na ipakikita ang Kanyang larawan at pagiging Diyos. Hindi makakamtan ang bisang ito ng sinumang tao na nilikha sa laman. Mangyari pa, wala ring kakayahan ang Espiritu ng Diyos na makamit ang bisang ito. Makakayang iligtas ng Diyos ang tiwaling tao mula sa impluwensya ni Satanas, ngunit hindi makakayang tuwirang gawin ng Espiritu ng Diyos ang gawaing ito; sa halip, makakaya lamang itong gawin ng katawang-tao na suot ng Espiritu ng Diyos, ng nagkatawang-taong laman ng Diyos. Tao at Diyos din ang katawang-tao na ito, isang tao na nagtataglay ng normal na pagkatao at Diyos din na nagtataglay ng buong pagkaDiyos. At sa gayon, bagama’t ang katawang-taong ito ay hindi ang Espiritu ng Diyos, at lubos na naiiba sa Espiritu, ito pa rin ang Diyos Mismo na nagkatawang-tao na nagliligtas sa tao, ang Espiritu at ang katawang-tao rin. Anuman ang tawag sa Kanya, sa huli ay ito pa rin ang Diyos Mismo na nagliligtas sa sangkatauhan. Sapagkat ang Espiritu ng Diyos ay hindi mapaghihiwalay mula sa katawang-tao, at ang gawain ng katawang-tao ay ang gawain din ng Espiritu ng Diyos; nangyari lamang na ang gawaing ito ay hindi ginagawa gamit ang pagkakakilanlan ng Espiritu, bagkus ay ginagawa gamit ang pagkakakilanlan ng katawang-tao. Ang gawain na kailangang tuwirang gawin ng Espiritu ay hindi nangangailangan ng pagkakatawang-tao, at ang gawain na kailangang gawin ng katawang-tao ay hindi maaaring gawin nang tuwiran ng Espiritu, at maaari lamang gawin ng Diyos na nagkatawang-tao. Ito ang hinihingi para sa gawaing ito, at ito ang hinihingi ng tiwaling sangkatauhan. Sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos, isang yugto lamang ang tuwirang natupad ng Espiritu, at ipinatutupad ng Diyos na nagkatawang-tao ang natitirang dalawang yugto, at hindi tuwiran ng Espiritu. Hindi kabilang ang pagbabago ng tiwaling disposisyon ng tao sa gawain ng Kapanahunan ng Kautusan na ginawa ng Espiritu, at wala rin itong kaugnayan sa kaalaman ng tao sa Diyos. Gayunman, ang gawain ng katawang-tao ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya at sa Kapanahunan ng Kaharian ay kinatatampukan ng tiwaling disposisyon ng tao at ng kanyang kaalaman tungkol sa Diyos, at isang mahalaga at maselang bahagi ng gawain ng pagliligtas. Samakatuwid, higit na kinakailangan ng tiwaling sangkatauhan ang pagliligtas ng Diyos na nagkatawang-tao, at higit na nangangailangan ng tuwirang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Kinakailangan ng sangkatauhan ang Diyos na nagkatawang-tao upang patnubayan siya, alalayan siya, diligin siya, pakainin siya, hatulan at kastiguhin siya, at nangangailangan siya ng higit na biyaya at lalong higit na pagtubos mula sa Diyos na nagkatawang-tao. Tanging ang Diyos sa katawang-tao ang makakayang maging katiwalang-loob ng tao, ang pastol ng tao, ang laging handang pagsaklolo sa tao, at ang lahat ng ito ay ang pangangailangan ng pagkakatawang-tao ngayon at sa mga lumipas na panahon.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao

216. Ang Diyos ay pumarito sa lupa upang gawin ang Kanyang gawain sa gitna ng tao, upang personal na ibunyag sa tao ang Sarili Niya, at tulutan ang tao na mapagmasdan Siya; ito ba ay maliit na bagay? Ito ay tunay na hindi payak! Hindi ito gaya ng iniisip ng tao: na ang Diyos ay dumating nang sa gayon ay makita Siya ng tao, nang sa gayon ay maaaring maunawaan ng tao na ang Diyos ay tunay at hindi malabo o hungkag, at na ang Diyos ay mataas ngunit mapagkumbaba rin. Ganoon lang kaya ito kasimple? Tiyak na dahil natiwali na ni Satanas ang laman ng tao, at ang tao ang siyang hinahangad iligtas ng Diyos, kaya kailangang magkatawang-tao ang Diyos upang makipagdigma kay Satanas at upang personal na akayin ang tao. Ito lamang ang kapaki-pakinabang sa Kanyang gawain. Ang dalawang katawang-tao ng Diyos ay umiral upang talunin si Satanas, at upang higit na mabisang iligtas ang tao. Iyon ay dahil ang siyang nakakagawa ng pakikipagdigma kay Satanas ay ang Diyos lamang, maging ito man ay ang Espiritu ng Diyos o ang katawang-tao ng Diyos. Sa madaling salita, hindi mangyayari na ang mga anghel ang magsasagawa ng pakikipagdigma kay Satanas, lalong hindi ito ang tao, na nagawa nang tiwali ni Satanas. Walang kapangyarihan ang mga anghel na lumaban sa labanang ito, at ang tao ay lalo pang mas inutil. Sa gayon, kung ninanais ng Diyos na gawaan ang buhay ng tao, kung ninanais Niyang personal na pumunta sa lupa upang iligtas ang tao, kung gayon ay kailangan Niyang personal na maging katawang-tao–iyon ay, kailangan Niyang personal na maging katawang-tao, at taglay ang Kanyang likas na pagkakakilanlan at ang gawain na kailangan Niyang gawin, pumunta sa gitna ng tao at personal na iligtas ang tao. Kung hindi, kung ang Espiritu ng Diyos o ang tao ang gumawa ng gawaing ito, kung gayon ay walang mangyayari kailanman sa labanang ito, at hindi ito matatapos kailanman. Tanging kapag ang Diyos ay nagiging katawang-tao upang personal na makipagdigma laban kay Satanas sa gitna ng tao na nagkakaroon ng pagkakataon ang tao sa kaligtasan. Bilang karagdagan, sa gayon lamang napapahiya si Satanas at naiiwang walang anumang mga pagkakataon na sasamantalahin o anumang mga plano na isasakatuparan. Ang gawain na ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao ay di-nakakamit ng Espiritu ng Diyos, at lalo pang magiging imposible para sa sinumang makalamang tao na gawin ito sa ngalan ng Diyos, sapagkat ang gawain na Kanyang ginagawa ay para sa kapakanan ng buhay ng tao, at upang baguhin ang tiwaling disposisyon ng tao. Kung ang tao ay makikisali sa digmaang ito, tatakas lamang siya sa kahabag-habag na kaguluhan, at magiging walang kakayahan man lamang na baguhin ang kanyang tiwaling disposisyon. Hindi niya kakayaning iligtas ang tao mula sa krus, o lupigin ang lahat ng mapaghimagsik na sangkatauhan, kundi makakaya lamang niyang gumawa ng kaunting lumang gawain na hindi lumalampas sa mga prinsipyo, o kaya ay anupamang gawain na walang kaugnayan sa pagkatalo ni Satanas. Kaya bakit mag-aabala? Ano ang kabuluhan ng gawain na hindi nakakatamo sa tao, lalong hindi nakakatalo kay Satanas? At kaya, ang digmaan laban kay Satanas ay maisasakatuparan lamang ng Diyos Mismo, at magiging imposible na lamang para sa tao na gawin ito. Ang tungkulin ng tao ay tumalima at sumunod, sapagkat hindi kayang gawin ng tao ang gawaing katulad ng paggawa ng kalangitan at lupa, ni, higit pa rito, naisasakatuparan niya ang gawain ng pakikipagdigma kay Satanas. Mapapasaya lamang ng tao ang Lumikha sa ilalim ng pangunguna ng Diyos Mismo, kung saan sa pamamagitan nito ay natatalo si Satanas; ito lamang ang isang bagay na magagawa ng tao. At kaya, sa tuwing nagsisimula ang isang bagong digmaan, na ang ibig sabihin, sa tuwing nagsisimula ang gawain ng bagong kapanahunan, ang gawaing ito ay personal na ginagawa ng Diyos Mismo, kung saan sa pamamagitan nito ay pinangungunahan Niya ang buong kapanahunan at nagbubukas ng isang bagong landas para sa kabuuan ng sangkatauhan. Ang bukang-liwayway ng bawat isang bagong kapanahunan ay isang bagong simula sa pakikipagdigma kay Satanas, kung saan sa pamamagitan nito pumapasok ang tao sa mas bago, mas magandang kinasasaklawan, at isang bagong kapanahunan na personal na pinangungunahan ng Diyos Mismo.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan

217. Bakit Ko sinasabi na hindi nakumpleto ang kahulugan ng pagkakatawang-tao sa gawain ni Jesus? Dahil ang Salita ay hindi lubos na naging tao. Ang ginawa ni Jesus ay isang bahagi lamang ng gawain ng Diyos sa katawang-tao; ginawa lamang Niya ang gawain ng pagtubos, at hindi Niya ginawa ang gawaing lubos na maangkin ang tao. Dahil dito, minsan pang naging tao ang Diyos sa mga huling araw. Ang yugtong ito ng gawain ay ginagawa rin sa isang ordinaryong katawan; isinasagawa ito ng isang lubos na normal na tao, isang tao na ang pagkatao ay hindi nangingibabaw ni katiting. Sa madaling salita, ang Diyos ay naging isang ganap na tao; Siya ay isang taong ang identidad ay sa Diyos, isang ganap na tao, isang ganap na katawang-tao, na nagsasagawa ng gawain. Nakikita ng mga mata ng tao ang isang katawang may laman na hindi man lamang nangingibabaw sa lahat, isang lubhang ordinaryong taong nakapagsasalita ng wika ng langit, na hindi nagpapakita ng mahimalang mga tanda, hindi gumagawa ng mga himala, lalo nang hindi naglalantad ng nakapaloob na katotohanan tungkol sa relihiyon sa malalaking bulwagan ng pagpupulong. Para sa mga tao, ang gawain ng pangalawang nagkatawang-taong laman ay tila lubos na hindi kagaya ng sa una, kaya tila walang anumang pagkakatulad ang dalawa, at walang anumang nasa gawain sa una ang makikita sa pagkakataong ito. Bagama’t ang gawain ng pangalawang nagkatawang-taong laman ay iba kaysa sa una, hindi niyan pinatutunayan na ang pinagmulan Nila ay magkaiba. Pareho man ang Kanilang pinagmulan ay depende sa likas na katangian ng gawaing ginawa ng mga taong ito, at hindi sa Kanilang panlabas na katawan. Sa tatlong yugto ng Kanyang gawain, dalawang beses nagkatawang-tao ang Diyos, at ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao sa dalawang kapanahunang ito ay nagpasimula ng isang bagong kapanahunan, nagpahayag ng isang bagong gawain; pinupunan ng mga pagkakatawang-tao ang isa’t isa. Imposibleng masabi ng mga mata ng tao na ang dalawang katawang-tao ay talagang iisa ang pinagmulan. Malinaw na hindi ito maabot ng kakayahan ng mata ng tao o ng isipan ng tao. Ngunit sa Kanilang diwa, Sila ay iisa, sapagkat ang Kanilang gawain ay mula sa iisang Espiritu. Nagmumula man ang dalawang nagkatawang-taong laman sa iisang pinagmulan ay hindi masasabi ng kapanahunan at ng lugar kung saan Sila isinilang, o ng iba pang gayong mga sitwasyon, kundi sa pamamagitan ng banal na gawaing Kanilang ipinahayag. Ang pangalawang nagkatawang-taong laman ay hindi nagsasagawa ng anuman sa gawaing ginawa ni Jesus, sapagkat ang gawain ng Diyos ay hindi sumusunod sa nakasanayan, kundi nagbubukas ng isang bagong daan sa bawat pagkakataon. Ang pangalawang pagkakatawang-tao ay hindi nilayong palalimin o patatagin ang impresyon sa isipan ng mga tao tungkol sa unang katawang-tao, kundi upang punan at gawin itong perpekto, palalimin ang kaalaman ng tao tungkol sa Diyos, suwayin ang lahat ng panuntunang umiiral sa puso ng mga tao, at palisin ang mga maling larawan ng Diyos sa kanilang puso. Masasabi na walang indibiduwal na yugto ng sariling gawain ng Diyos ang makapagbibigay sa tao ng lubos na kaalaman tungkol sa Kanya; bawat isa ay nagbibigay lamang ng isang bahagi, hindi ng kabuuan. Bagama’t ipinahayag na ng Diyos ang Kanyang buong disposisyon, dahil sa limitadong kakayahan ng tao na umunawa, hindi pa rin kumpleto ang kanyang kaalaman tungkol sa Diyos. Imposible, gamit ang wika ng tao, na ihatid ang kabuuan ng disposisyon ng Diyos; bukod pa riyan, paano lubos na maipapahayag ang Diyos sa iisang yugto ng Kanyang gawain? Siya ay gumagawa sa katawang-tao sa ilalim ng takip ng Kanyang normal na pagkatao, at makikilala lamang Siya ng isang tao sa pamamagitan ng mga pagpapahayag ng Kanyang pagka-Diyos, hindi sa pamamagitan ng Kanyang panlabas na katawan. Nagkakatawang-tao ang Diyos para tulutan ang tao na makilala Siya sa pamamagitan ng Kanyang iba’t ibang gawain, at walang dalawang yugto ng Kanyang gawain ang magkapareho. Sa ganitong paraan lamang maaaring magkaroon ang tao ng lubos na kaalaman tungkol sa gawain ng Diyos sa katawang-tao, nang hindi nakatuon sa iisang aspeto. Bagama’t magkaiba ang gawain ng dalawang nagkatawang-taong laman, ang diwa ng mga katawang-tao, at ang pinagmulan ng Kanilang gawain, ay magkapareho; kaya lamang ay umiiral Sila para isagawa ang dalawang magkaibang yugto ng gawain, at lumitaw sa dalawang magkaibang kapanahunan. Ano’t anuman, iisa ang diwa at pinagmulan ng mga nagkatawang-taong laman ng Diyos—ito ay isang katotohanan na walang sinumang makapagkakaila.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos

218. Hindi kinumpleto ng Diyos sa una Niyang pagkakatawang-tao ang gawain ng pagkakatawang-tao; tinapos lamang Niya ang unang hakbang ng gawain na kinailangang gawin ng Diyos sa katawang-tao. Kaya, upang matapos ang gawain ng pagkakatawang-tao, minsan pang nagbalik sa katawang-tao ang Diyos, na isinasabuhay ang lahat ng normalidad at realidad ng katawang-tao, ibig sabihin, ipinapakita ang Salita ng Diyos sa isang lubos na normal at ordinaryong katawang-tao, sa gayon ay tinatapos ang gawaing iniwan Niyang hindi tapos sa katawang-tao. Sa totoo lang, ang pangalawang nagkatawang-taong laman ay katulad ng una, ngunit mas makatotohanan pa ito, mas normal pa kaysa sa una. Dahil dito, ang pagdurusang tinitiis ng pangalawang nagkatawang-taong laman ay higit kaysa roon sa una, ngunit ang pagdurusang ito ay resulta ng Kanyang ministeryo sa katawang-tao, na iba sa pagdurusa ng taong nagawang tiwali. Nagmumula rin ito sa normalidad at realidad ng Kanyang katawang-tao. Dahil isinasagawa Niya ang Kanyang ministeryo sa lubos na normal at totoong katawang-tao, kailangang magtiis ng matinding hirap ang katawang-tao. Kapag mas normal at totoo ang katawang-tao, mas magdurusa Siya sa pagsasagawa ng Kanyang ministeryo. Ang gawain ng Diyos ay ipinapahayag sa napaka-normal na katawang-tao, na hindi man lamang higit-sa-karaniwan. Dahil normal ang Kanyang katawang-tao at kailangan din nitong balikatin ang gawain ng pagliligtas sa tao, nagdurusa Siya nang mas matindi pa kaysa sa pagdurusa ng higit-sa-karaniwang katawang-tao—at lahat ng pagdurusang ito ay nagmumula sa realidad at normalidad ng Kanyang katawang-tao. Mula sa pagdurusang napagdaanan ng dalawang nagkatawang-taong laman habang isinasagawa ang Kanilang mga ministeryo, makikita ng isang tao ang diwa ng nagkatawang-taong laman. Kapag mas normal ang katawang-tao, mas matinding hirap ang kailangan Niyang tiisin habang ginagawa ang gawain; kapag mas totoo ang katawang-taong gumagawa ng gawain, mas mabagsik ang mga kuru-kuro ng tao, at malamang na mas maraming panganib ang sumapit sa Kanya. Subalit, kapag mas tunay ang katawang-tao, at mas taglay ng katawang-tao ang mga pangangailangan at ganap na pakiramdam ng isang normal na tao, mas may kakayahan Siyang tanggapin ang gawain ng Diyos sa katawang-tao. Ang katawang-tao ni Jesus ang ipinako sa krus, ang Kanyang katawang-tao ang Kanyang isinuko bilang handog dahil sa kasalanan; tinalo Niya si Satanas sa pamamagitan ng isang katawang-taong may normal na pagkatao at ganap na iniligtas ang tao mula sa krus. At bilang isang ganap na katawang-tao isinasagawa ng Diyos sa Kanyang pangalawang pagkakatawang-tao ang gawain ng panlulupig at tinatalo si Satanas. Ang isang katawang-tao lamang na ganap na normal at totoo ang makapagsasagawa ng gawain ng panlulupig sa kabuuan nito at makapagbibigay ng malakas na patotoo. Ibig sabihin, ang paglupig sa tao ay nagiging epektibo sa pamamagitan ng realidad at normalidad ng Diyos sa katawang-tao, hindi sa pamamagitan ng higit-sa-karaniwang mga himala at paghahayag. Ang ministeryo ng Diyos na nagkatawang-taong ito ay upang magsalita, at sa gayon ay malupig at magawang perpekto ang tao; sa madaling salita, ang gawain ng Espiritu na naging totoo sa katawang-tao, ang tungkulin ng katawang-tao, ay magsalita at sa gayon ay malupig, mabunyag, magawang perpekto, at maalis nang tuluyan ang tao. Kaya nga, sa gawain ng panlulupig maisasakatuparan nang buung-buo ang gawain ng Diyos sa katawang-tao. Ang paunang gawain ng pagtubos ay simula lamang ng gawain ng pagkakatawang-tao; kukumpletuhin ng katawang-taong nagsasagawa ng gawain ng panlulupig ang buong gawain ng pagkakatawang-tao. Sa kasarian, ang isa ay lalaki at ang isa pa ay babae, kaya nakukumpleto ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos, at naiwawaksi ang mga kuru-kuro ng tao tungkol sa Diyos: Ang Diyos ay maaaring maging kapwa lalaki at babae, at sa totoo lang, ang Diyos ay walang kasarian. Nilikha Niya kapwa ang lalaki at babae, at para sa kanya, walang pagkakahati ng kasarian. Sa yugtong ito ng gawain, hindi nagsasagawa ng mga tanda at himala ang Diyos, kaya makakamit ng gawain ang mga resulta nito sa pamamagitan ng mga salita. Bukod pa riyan, ito ay dahil ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao sa pagkakataong ito ay hindi upang magpagaling ng maysakit at magpalayas ng mga demonyo, kundi upang lupigin ang tao sa pamamagitan ng pagsasalita, na ibig sabihin ay na ang likas na kakayahang taglay nitong nagkatawang-taong laman ng Diyos ay sumambit ng mga salita at lupigin ang tao, hindi para magpagaling ng maysakit at magpalayas ng mga demonyo. Ang Kanyang gawain sa normal na pagkatao ay hindi upang gumawa ng mga himala, hindi upang magpagaling ng maysakit at magpalayas ng mga demonyo, kundi ang magsalita, kaya ang pangalawang nagkatawang-taong laman ay mukhang mas normal sa mga tao kaysa sa una. Nakikita ng mga tao na totoo ang pagkakatawang-tao ng Diyos; ngunit iba itong Diyos na nagkatawang-tao kay Jesus na nagkatawang-tao, at kahit pareho Silang Diyos na nagkatawang-tao, hindi Sila lubos na magkapareho. Si Jesus ay nagtaglay ng normal na pagkatao, ordinaryong pagkatao, ngunit sinamahan Siya ng mga tanda at himala. Sa Diyos na ito na nagkatawang-tao, ang mga mata ng tao ay walang makikitang mga tanda o himala, walang pagpapagaling ng maysakit ni pagpapalayas ng mga demonyo, ni paglakad sa ibabaw ng dagat, ni pag-aayuno sa loob ng apatnapung araw…. Hindi Niya ginagawa ang kaparehong gawaing ginawa ni Jesus, hindi dahil, sa totoo lang, ang Kanyang katawang-tao ay iba kaysa kay Jesus, kundi dahil hindi ang pagpapagaling ng maysakit at pagpapalayas ng mga demonyo ang Kanyang ministeryo. Hindi Niya sinisira ang Kanyang sariling gawain, hindi Niya ginagambala ang Kanyang sariling gawain. Dahil nilulupig Niya ang tao sa pamamagitan ng Kanyang tunay na mga salita, hindi na kailangang supilin siya sa mga himala, kaya nga ang yugtong ito ay upang kumpletuhin ang gawain ng pagkakatawang-tao.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos

219. Bawat yugto ng gawaing ginawa ng Diyos ay may sariling praktikal na kabuluhan. Noon, nang pumarito si Jesus, dumating Siya sa anyong lalaki, at nang dumating ang Diyos sa pagkakataong ito, ang anyo Niya ay babae. Mula rito, makikita mo na ang paglikha ng Diyos sa kapwa lalaki at babae ay magagamit sa Kanyang gawain, at para sa Kanya ay walang pagkakaiba ng kasarian. Kapag dumarating ang Kanyang Espiritu, maaari Siyang magbihis ng anumang katawang-taong gusto Niya, at maaari Siyang katawanin ng katawang-taong iyon; lalaki man o babae, maaari nitong katawanin ang Diyos basta’t ito ang Kanyang nagkatawang-taong laman. Kung nagpakita si Jesus bilang isang babae nang Siya ay dumating, sa madaling salita, kung isang sanggol na babae, at hindi isang lalaki, naipaglihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, makukumpleto pa rin ang yugtong iyon ng gawain. Kung nagkagayon, kakailanganing kumpletuhin ng isang lalaki ang kasalukuyang yugto ng gawain, ngunit makukumpleto pa rin ang gawain. Ang gawaing ginagawa sa bawat yugto ay mayroong sarili nitong kabuluhan; hindi naulit ang alinmang yugto ng gawain, ni hindi ito magkasalungat. Sa panahong iyon, si Jesus, sa paggawa ng Kanyang gawain, ay tinawag na bugtong na Anak, at ang “Anak” ay nagpapahiwatig ng kasariang lalaki. Bakit hindi binanggit ang bugtong na Anak sa kasalukuyang yugtong ito? Dahil ang mga kinakailangan ng gawain ay nangailangan ng pagbabago ng kasarian na naiiba sa kay Jesus. Para sa Diyos walang pagkakaiba ang kasarian. Ginagawa Niya ang Kanyang gawain ayon sa Kanyang kagustuhan, at sa paggawa ng Kanyang gawain ay hindi Siya sumasailalim sa anumang mga paghihigpit, kundi malayang-malaya. Subalit bawat yugto ng gawain ay may sariling praktikal na kabuluhan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawang Ganap ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao

220. Tinupad lamang ng yugto ng gawaing isinagawa ni Jesus ang diwa ng “ang Verbo ay sumasa Dios”: Ang katotohanan ng Diyos ay sumasa Diyos, at ang Espiritu ng Diyos ay nasa katawang-tao at hindi maihihiwalay mula sa katawang-taong iyon. Ibig sabihin, ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao ay sumasa Espiritu ng Diyos, na mas malaking katunayan na si Jesus na nagkatawang-tao ang unang pagkakatawang-tao ng Diyos. Ang yugtong ito ng gawain mismo ang tumutupad sa kahulugan sa loob ng “ang Salita ay naging tao,” nagbigay ng mas malalim na kahulugan sa “ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios,” at tinutulutan ka na matibay na paniwalaan ang mga salitang “Nang pasimula siya ang Verbo.” Na ibig sabihin, sa panahon ng paglikha ay may taglay na mga salita ang Diyos, ang Kanyang mga salita ay sumasa Kanya at hindi maihihiwalay sa Kanya, at sa huling kapanahunan, lalo pa Niyang nililinaw ang kapangyarihan at awtoridad ng Kanyang mga salita, at tinutulutan ang tao na makita ang lahat ng Kanyang daan—na marinig ang lahat ng Kanyang salita. Gayon ang gawain ng huling kapanahunan. Kailangan mong maunawaan ang mga bagay na ito nang lubus-lubusan. Hindi ito tungkol sa pagkilala sa katawang-tao, kundi kung ano ang pagkaunawa mo sa katawang-tao at sa Salita. Ito ang patotoo na kailangan mong ibahagi, yaong kailangang malaman ng lahat. Dahil ito ang gawain ng ikalawang pagkakatawang-tao—at ang huling pagkakataon na magkakatawang-tao ang Diyos—lubos nitong kinukumpleto ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao, lubus-lubusang isinasakatuparan at inilalabas ang lahat ng gawain ng Diyos sa katawang-tao, at winawakasan ang panahon ng Diyos na nasa katawang-tao.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa 4

221. Dumating ang Diyos sa lupa, una sa lahat, upang magawa ang katotohanan ng “nagkatawang-tao ang Salita,” na ang ibig sabihin, dumating Siya upang maibigay mula sa katawang-tao ang mga salita Niya (hindi katulad ng panahon ni Moises sa Lumang Tipan, kung kailan tuwirang lumabas ang tinig ng Diyos mula sa himpapawid). Matapos iyon, matutupad ang lahat ng mga salita Niya sa Kapanahunan ng Milenyong Kaharian, magiging mga katotohanan sila na tambad sa harap ng mga mata ng mga tao, at pagmamasdan sila ng mga tao gamit ang sarili nilang mga mata nang walang kahit bahagyang pagkakaiba-iba. Ito ang sukdulang kahulugan ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Na ang ibig sabihin, nagagawa ang gawain ng Espiritu sa pamamagitan ng katawang-tao, at sa pamamagitan ng mga salita. Ito ang tunay na kahulugan ng “nagkatawang-tao ang Salita” at “ang pagpapakita ng Salita sa katawang-tao.” Tanging ang Diyos ang maaaring magsalita ng kalooban ng Espiritu, at tanging ang Diyos sa katawang-tao ang maaaring magsalita sa ngalan ng Espiritu; ginawang payak ang mga salita ng Diyos sa Diyos na nagkatawang-tao, at ang lahat ng iba ay ginagabayan ng mga iyon. Walang sinuman ang nakabukod, umiiral silang lahat sa loob ng saklaw na ito. Tanging mula sa mga pagbigkas na ito maaaring maging may kamalayan ang mga tao; nananaginip nang gising yaong mga hindi nagkakamit sa paraang ito kung iniisip nilang maaari nilang makamit ang mga pagbigkas mula sa langit. Ganoon ang awtoridad na ipinakikita sa katawang-tao ng Diyos, na nagdudulot sa lahat na paniwalaan ito nang may ganap na pananalig. Kahit na ang pinakakagalang-galang na mga dalubhasa at mga relihiyosong pastor ay hindi maaaring magsalita ng mga salitang ito. Dapat magpasakop silang lahat sa ilalim ng mga ito, at walang makagagawa ng isa pang simula. Gagamitin ng Diyos ang mga salita upang lupigin ang sansinukob. Gagawin Niya ito hindi sa katawang-tao Niya, kundi sa pamamagitan ng paggamit ng mga pagbigkas mula sa bibig ng Diyos na nagkatawang-tao upang lupigin ang lahat ng mga tao sa buong sansinukob; tanging ito ang Salita na nagkatawang-tao, at tanging ito ang pagpapakita ng Salita sa katawang-tao. Marahil, sa mga tao, lumilitaw na parang hindi nakagagawa ng maraming gawain ang Diyos—ngunit kailangan lamang bigkasin ng Diyos ang mga salita Niya, at lubusan silang mapaniniwala at mapahahanga. Nang walang katotohanan, sumisigaw at humihiyaw ang mga tao; sa mga salita ng Diyos, nananahimik sila. Tiyak na magagawa ng Diyos ang katotohanang ito, sapagkat ito ang matagal nang itinatag na plano ng Diyos: magawa ang katotohanan ng pagdating ng Salita sa lupa.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dumating Na ang Milenyong Kaharian

222. Ipinapamalas lamang ng Diyos na nagkatawang-tao ang Kanyang sarili sa ilang tao na sumusunod sa Kanya sa panahong ito kung kailan personal Niyang isinasagawa ang Kanyang gawain, at hindi sa lahat ng nilalang. Naging tao lamang Siya upang makumpleto ang isang yugto ng Kanyang gawain, hindi upang ipakita sa tao ang Kanyang larawan. Gayunpaman, dapat na tuparin Niya mismo ang Kanyang gawain, kaya kinakailangan Niya itong gawin sa katawang-tao. Kapag natapos na ang gawaing ito, aalis na Siya mula sa daigdig ng mga tao; hindi Siya maaaring manatili nang mahabang panahon sa sangkatauhan dahil sa takot na mahadlangan ang darating na gawain. Ang ipinapamalas Niya sa marami ay ang Kanya lamang matuwid na disposisyon at ang lahat ng Kanyang gawa, at hindi ang larawan nang dalawang beses Siyang nagkatawang-tao, dahil ang larawan ng Diyos ay maaari lamang maipakita sa Kanyang disposisyon, at hindi mapapalitan ng larawan ng Kanyang nagkatawang-taong laman. Ipinapakita lamang sa limitadong bilang ng mga tao ang larawan ng Kanyang katawang-tao, tanging sa mga taong sumusunod sa Kanya habang gumagawa Siya sa katawang-tao. Ito ang dahilan kung bakit ang gawaing ipinapatupad ngayon ay ginagawa nang lihim. Tulad ni Jesus na ipinakita lamang ang Kanyang sarili sa mga Judio noong ginawa Niya ang Kanyang gawain, at hindi kailanman hayagan na ipinakita ang Kanyang sarili sa ibang bansa. Kaya, sa sandaling nakumpleto Niya ang Kanyang gawain, kaagad Niyang nilisan ang mundo ng mga tao at hindi nanatili; pagkatapos, hindi Siya, na larawan ng tao, ang nagpakita ng Kanyang sarili sa tao, kundi ang Banal na Espiritu na direktang nagsakatuparan ng gawain. Kapag ganap nang natapos ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, aalis na Siya mula sa mortal na mundo, at hindi na kailanman muling gagawa ng anumang gawain na katulad ng Kanyang ginawa noong Siya ay nagkatawang-tao. Pagkatapos nito, ang gawain ay direktang ginagawa lahat ng Banal na Espiritu. Sa panahong ito, halos hindi nakikita ng tao ang Kanyang larawan sa katawang-tao; hindi Niya ipinapakita ang Kanyang sarili sa tao sa anumang paraan, at nananatiling nakatago magpakailanman. May limitadong oras para sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Isinasagawa ito sa isang tiyak na kapanahunan, oras, bansa at sa mga partikular na tao. Ang gawaing ito ay kumakatawan lamang sa gawain sa panahong ang Diyos ay nagkatawang-tao; ito ay kumakatawan sa isang kapanahunan, at kumakatawan ito sa gawain ng Espiritu ng Diyos sa isang partikular na kapanahunan, at hindi sa kabuuan ng Kanyang gawain. Samakatuwid, hindi ipapakita sa lahat ng tao ang larawan ng Diyos na nagkatawang-tao. Ang ipinapakita sa marami ay ang kabuuan ng pagiging matuwid ng Diyos at ng Kanyang disposisyon, sa halip na ang Kanyang larawan nang dalawang beses Siyang naging tao. Ang ipinapakita sa tao ay hindi ang isang larawan, ni ang dalawang larawang pinagsama. Samakatuwid, kinakailangang umalis sa daigdig ang laman ng nagkatawang-taong Diyos kapag nakumpleto na ang gawain na kailangan Niyang gawin, sapagkat dumarating lamang Siya upang gawin ang gawain na dapat Niyang gawin, at hindi upang ipakita sa mga tao ang Kanyang larawan. Kahit na ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ay natupad na ng Diyos nang dalawang beses Siyang maging tao, hindi pa rin Niya lantarang ipapamalas ang Kanyang sarili sa anumang bansa na kailanman ay hindi pa Siya nakita. Hindi na kailanman muling ipapakita ni Jesus ang Kanyang Sarili sa mga Judio bilang ang Araw ng katuwiran, ar hindi na rin Siya aakyat sa Bundok ng mga Olibo at magpapakita sa lahat ng tao; ang nakita lamang ng mga Judio ay ang larawan ni Jesus sa Kanyang panahon sa Judea. Ito ay dahil ang gawain ni Jesus na nagkatawang-tao ay natapos na dalawang libong taon na ang nakakaraan; hindi Siya babalik sa Judea sa larawan ng isang Judio, lalo nang hindi Niya ipapakita ang Kanyang sarili sa larawan ng isang Judio sa alinman sa mga bansang Gentil, sapagkat ang larawan ni Jesus na nagkatawang-tao ay ang larawan lamang ng isang Judio, at hindi ang larawan ng Anak ng tao na nakita ni Juan. Bagama’t ipinangako ni Jesus sa Kanyang mga tagasunod na Siya ay muling darating, hindi Niya basta ipapakita ang Kanyang Sarili sa larawan ng isang Judio sa lahat ng nasa mga bansang Gentil. Dapat ninyong malaman na ang gawain ng Diyos na naging tao ay ang magbukas ng isang bagong kapanahunan. Ang gawaing ito ay limitado sa iilang taon, at hindi Niya matatapos ang lahat ng gawain ng Espiritu ng Diyos, kapareho ng kung paanong ang larawan ni Jesus bilang isang Judio ay maaari lamang kumatawan sa larawan ng Diyos noong gumawa Siya sa Judea, at ang maaari lamang Niyang gawin ay ang gawain ng pagpapapako sa krus. Noong panahon na si Jesus ay nagkatawang-tao, hindi Niya maaaring gawin ang gawain ng paghahatid ng kapanahunan sa isang katapusan o pagwasak sa sangkatauhan. Samakatuwid, pagkatapos Niyang maipako sa krus at matapos ang Kanyang gawain, umakyat Siya sa kaitaasan at ikinubli ang Kanyang sarili mula sa tao magpakailanman. Mula noon, ang mga tapat na mananampalataya sa mga bansang Gentil ay hindi nakakita ng pagpapamalas ng Panginoong Jesus, at nakita lamang ang larawan Niya na inilagay nila sa mga pader. Ang larawan na ito ay isa lamang guhit ng tao, at hindi ang larawan na ipinakita ng Diyos Mismo sa tao. Hindi lantarang ipapakita ng Diyos ang Kanyang Sarili sa maraming tao sa larawan nang Siya ay dalawang beses na nagkatawang-tao. Ang gawaing ginagawa Niya sa sangkatauhan ay ang tulutan silang maunawaan ang Kanyang disposisyon. Itong lahat ay ipinapakita sa tao sa pamamagitan ng gawain ng iba’t ibang kapanahunan; natutupad ito sa pamamagitan ng disposisyon na ipinaalam Niya at ng gawaing Kanyang isinakatuparan, sa halip na sa pamamagitan ng pagpapakita ni Jesus. Ibig sabihin, ang larawan ng Diyos ay hindi ipinapaalam sa tao sa pamamagitan ng nagkatawang-taong larawan, kundi sa pamamagitan ng gawain na isinagawa ng Diyos na nagkatawang-tao na may kapwa larawan at anyo; at sa pamamagitan ng Kanyang gawain, ang Kanyang larawan ay ipinapakita at ang Kanyang disposisyon ay ipinapaalam. Ito ang kahalagahan ng gawain na nais Niyang gawin sa katawang-tao.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 2

223. Yamang ang Diyos ang pinakadakila sa buong sansinukob at sa ibabaw nito, lubos ba Niyang maipaliliwanag ang Kanyang Sarili gamit ang larawan ng isang katawang-tao? Ibinihis ng Diyos ang katawang-taong ito para gawin ang isang yugto ng Kanyang gawain. Walang partikular na kahulugan sa larawang ito ng katawang-tao, wala itong kaugnayan sa paglipas ng mga kapanahunan, at wala ring anumang kinalaman sa disposisyon ng Diyos. Bakit hindi hinayaan ni Jesus na manatili ang Kanyang larawan? Bakit hindi Niya hinayaan ang tao na iguhit ang Kanyang larawan para ito ay maipasa sa susunod na mga salinlahi? Bakit hindi Niya pinahintulutan ang mga tao na kilalanin na ang Kanyang larawan ay ang larawan ng Diyos? Bagama’t ang larawan ng tao ay nilikha sa larawan ng Diyos, magiging posible bang katawanin ng anyo ng tao ang marangal na larawan ng Diyos? Kapag ang Diyos ay nagkakatawang-tao, bumababa lamang Siya mula sa langit patungo sa isang partikular na katawang-tao. Ang Kanyang Espiritu ang bumababa sa isang katawang-tao, sa pamamagitan nito Niya ginagawa ang gawain ng Espiritu. Ang Espiritu ang ipinapahayag sa katawang-tao, at ang Espiritu ang gumagawa ng Kanyang gawain sa katawang-tao. Lubos na kinakatawan ng gawaing ginawa sa katawang-tao ang Espiritu, at ang katawang-tao ay para sa kapakanan ng gawain, ngunit hindi iyon nangangahulugan na ang larawan ng katawang-tao ay maaaring ipalit sa tunay na larawan ng Diyos Mismo; hindi ito ang layunin at kahalagahan ng Diyos na nagkatawang-tao. Siya ay nagiging tao para lamang magkaroon ang Espiritu ng isang lugar na matitirhan na angkop sa Kanyang paggawa, upang mas mabuti Niyang matamo ang Kanyang gawain sa katawang-tao, upang makita ng mga tao ang Kanyang mga gawa, maunawaan ang Kanyang disposisyon, mapakinggan ang Kanyang mga salita, at malaman ang himala ng Kanyang gawain. Kinakatawan ng Kanyang pangalan ang Kanyang disposisyon, kinakatawan ng Kanyang gawain ang Kanyang pagkakakilanlan, ngunit hindi Niya kailanman sinabi na kinakatawan ng Kanyang anyo sa katawang-tao ang Kanyang larawan; yaon ay isa lamang kuru-kuro ng tao. At kaya, ang pinakamahahalagang aspeto ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay ang Kanyang pangalan, ang Kanyang gawain, ang Kanyang disposisyon, at ang Kanyang kasarian. Ginagamit ang mga ito upang kumatawan sa Kanyang pamamahala sa kapanahunang ito. Ang Kanyang anyo sa katawang-tao ay walang kinalaman sa Kanyang pamamahala, at para lamang sa kapakanan ng Kanyang gawain sa panahong yaon. Ngunit imposible para sa Diyos na nagkatawang-tao na hindi magkaroon ng partikular na anyo, at kaya pinipili Niya ang angkop na sambahayan upang pagpasyahan ang Kanyang anyo. Kung ang anyo ng Diyos ay mayroong kinatawang kabuluhan, ang lahat ng nagtataglay ng mga katangian ng mukha na kapareho ng sa Kanya ay kakatawan din sa Diyos. Hindi ba iyon isang napakalaking pagkakamali? Ang larawan ni Jesus ay iginuhit ng tao upang ang tao ay maaaring sumamba sa Kanya. Sa panahong iyon, walang natatanging mga tagubilin na ibinigay ang Banal na Espiritu, at kaya ipinasa ng tao ang naguni-guning larawang iyon hanggang sa kasalukuyan. Sa katunayan, alinsunod sa orihinal na intensyon ng Diyos, hindi ito dapat ginawa ng tao. Tanging ang sigasig ng tao ang naging sanhi na manatili ang larawan ni Jesus hanggang sa kasalukuyan. Ang Diyos ay Espiritu, at hindi kailanman magagawa ng tao na malagom kung ano ang Kanyang larawan sa huling pagsusuri. Ang Kanyang larawan ay maaari lamang katawanin ng Kanyang disposisyon.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 3

224. Ang Diyos ay nagkakatawang-tao hindi para sa layuning tulutan ang tao na makilala ang Kanyang katawang-tao, o tulutan ang tao na makita ang mga kaibahan sa pagitan ng katawan ng Diyos na nagkatawang-tao at yaong sa tao; ni ang Diyos ay nagiging tao upang sanayin ang kakayahan ng tao sa pagkilatis, at lalo nang hindi sa intensyong tulutan ang tao na sambahin ang katawang-tao ng Diyos, nang sa gayon ay magkaroon ng dakilang kaluwalhatian. Wala sa mga bagay na ito ang intensyon ng Diyos sa pagiging tao. Hindi rin nagiging tao ang Diyos upang kondenahin ang tao, ni ibunyag ang tao nang sadya, ni gawing mahirap ang mga bagay para sa kanya. Wala sa mga bagay na ito ang intensyon ng Diyos. Tuwing ang Diyos ay nagkakatawang-tao, ito ay isang uri ng gawaing hindi maiiwasan. Para sa kapakinabangan ng Kanyang mas malaking gawain at Kanyang mas malaking pamamahala kaya Siya kumikilos gaya ng ginagawa Niya, at hindi para sa mga dahilang naiisip ng tao. Ang Diyos ay dumarating lamang sa mundo ayon sa hinihingi ng Kanyang gawain, at kung kinakailangan lamang. Hindi Siya napaparito sa lupa na may intensyong tumingin-tingin lang sa paligid, kundi isagawa ang gawaing dapat Niyang gawin. Bakit pa Niya tatanggapin ang ganoon kabigat na pasanin at haharapin ang mga ganoon kalubhang panganib upang isagawa ang gawaing ito? Ang Diyos ay nagkakatawang-tao lamang kapag kailangan Niya, at palaging may natatanging kabuluhan. Kung ito lamang ay para sa kapakanan ng pagpapahintulot sa mga tao na makita Siya at mapalawak ang kanilang mga karanasan, ganap na tiyak na hindi Siya kailanman tutungo sa mga tao nang basta-basta. Siya ay dumarating sa mundo para sa kapakanan ng Kanyang pamamahala at ng Kanyang mas malaking gawain, at upang makakuha Siya ng higit sa sangkatauhan. Siya ay dumarating upang kumatawan sa kapanahunan, dumarating Siya upang talunin si Satanas, at upang talunin si Satanas Siya ay nagkakatawang-tao. Higit pa rito, Siya ay dumarating upang gabayan ang buong lahi ng tao sa kanilang pamumuhay ng kanilang mga buhay. Ang lahat ng ito ay may kinalaman sa Kanyang pamamahala, at ito ay may kinalaman sa gawain sa buong sansinukob. Kung ang Diyos ay naging tao lamang upang pahintulutan ang mga tao na makilala ang Kanyang katawang-tao at buksan ang mga mata ng mga tao, bakit hindi Siya maglalakbay sa bawat bansa? Hindi ba ito isang bagay na napakadali? Ngunit hindi Niya ito ginawa, sa halip ay pumili ng isang angkop na lugar upang manirahan at simulan ang gawain na dapat Niyang gawin. Ang katawang-tao lang na ito ay malaki na ang kahalagahan. Kinakatawan Niya ang buong kapanahunan, at isinasagawa rin ang gawain ng buong kapanahunan; pareho Niyang dinadala ang naunang kapanahunan sa katapusan at inihahatid ang bago. Ang lahat ng ito ay isang mahalagang bagay na may kinalaman sa pamamahala ng Diyos, at lahat ng ito ang kahalagahan ng isang yugto ng gawain na isinagawa ng Diyos na dumating sa lupa.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 3

225. Bagama’t nagagawa ni Cristo sa lupa na gumawa sa ngalan ng Diyos Mismo, hindi Siya dumarating na may layuning ipakita sa lahat ng mga tao ang larawan Niya sa katawang-tao. Hindi Siya dumarating upang makita Siya ng lahat ng mga tao; dumarating Siya upang pahintulutan ang tao na maakay ng kamay Niya, at sa gayon ay makapasok ang tao sa bagong kapanahunan. Ang katungkulan ng katawang-tao ni Cristo ay para sa gawain ng Diyos Mismo, iyon ay para sa gawain ng Diyos sa katawang-tao, at hindi upang bigyang kakayahan ang tao na lubusang maunawaan ang diwa ng katawang-tao Niya. Paano man Siya gumagawa, wala sa ginagawa Niya ang lumalampas sa matatamo ng katawang-tao. Paano man Siya gumagawa, ginagawa Niya ito sa katawang-tao na may normal na pagkatao, at hindi lubos na ibinubunyag sa tao ang totoong mukha ng Diyos. Dagdag dito, ang gawain Niya sa katawang-tao ay hindi kailanman kahima-himala o hindi matataya tulad ng maiisip ng tao. Bagama’t kinakatawan ni Cristo ang Diyos Mismo sa katawang-tao at isinasakatuparan mismo ang gawain na dapat gawin ng Diyos Mismo, hindi Niya ikinakaila ang pag-iral ng Diyos sa langit, ni mainit Niyang ipinahahayag ang sarili Niyang mga gawa. Sa halip, nananatili Siyang nakakubli, mapagpakumbaba, sa loob ng Kanyang laman. Bukod kay Cristo, yaong mga huwad na umaangking sila si Cristo ay hindi nagtataglay ng Kanyang mga katangian. Kapag magkatabing inihahambing sa mapagmataas at sariling pagdadakila ng disposisyon ng mga huwad na Cristo, nagiging malinaw kung anong uring katawang-tao ang tunay na Cristo. Lalong huwad sila, lalong ipinapagpaparangya ng mga ganitong huwad na Cristo ang mga sarili nila, at mas may kakayahan silang gumawa ng mga tanda at mga kababalaghan upang linlangin ang tao. Walang mga katangian ng Diyos ang mga huwad na Cristo; hindi nadudungisan si Cristo ng kahit anong sangkap na pagmamay-ari ng mga huwad na Cristo. Nagkakatawang-tao lamang ang Diyos upang buuin ang mga gawain ng katawang-tao, hindi lamang upang pahintulutang makita Siya ng mga tao. Sa halip, hinahayaan Niyang ang gawain Niya ang magpatunay ng Kanyang pagkakakilanlan, at hinahayaang yaong ibinubunyag Niya na magpatunay sa Kanyang diwa. Hindi walang batayan ang diwa Niya; hindi kinamkam ng Kanyang kamay ang pagkakakilanlan Niya; matutukoy ito sa pamamagitan ng Kanyang gawain at Kanyang diwa.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ni Cristo ay ang Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Langit

226. Ang pinakamainam na bagay tungkol sa Kanyang gawain sa katawang-tao ay maaari Siyang mag-iwan ng tumpak na mga salita at mga pangaral, at ang Kanyang tiyak na kalooban para sa sangkatauhan patungkol sa mga taong sumusunod sa Kanya, sa gayon pagkatapos, ang Kanyang mga tagasunod ay maaaring higit na tumpak at higit na konkretong maipasa ang lahat ng Kanyang mga gawain sa katawang-tao, at ang Kanyang kalooban para sa buong sangkatauhan, sa mga tumatanggap sa ganitong daan. Tanging ang gawain ng Diyos sa katawang-tao sa gitna ng tao ang tunay na nagsasakatuparan sa katunayan ng pakikisama ng Diyos at pamumuhay kasama ng tao. Tanging ang gawaing ito ang nagsasakatuparan sa mithiin ng tao na mamasdan ang mukha ng Diyos, masaksihan ang gawain ng Diyos, at marinig ang personal na salita ng Diyos. Winawakasan ng Diyos na nagkatawang-tao ang kapanahunan na likod lamang ni Jehova ang nagpakita sa sangkatauhan, at tinatapos din Niya ang kapanahunan ng paniniwala ng sangkatauhan sa malabong Diyos. Lalo na, dinadala ng gawain ng huling Diyos na nagkatawang-tao ang buong sangkatauhan sa isang kapanahunan na higit na makatotohanan, higit na praktikal, at higit na maganda. Hindi lamang Niya tinatapos ang kapanahunan ng kautusan at doktrina ngunit ang higit na mahalaga, inihahayag Niya sa sangkatauhan ang isang Diyos na tunay at normal, na matuwid at banal, na nagbubukas sa gawain ng plano ng pamamahala at nagpapamalas ng mga hiwaga at hantungan ng sangkatauhan, na lumikha sa sangkatauhan at winawakasan ang gawaing pamamahala, at nanatiling nakatago nang libu-libong taon. Winawakasan Niya nang lubusan ang kapanahunan ng kalabuan, tinatapos Niya ang kapanahunan na ang ninais ng buong sangkatauhan ay hanapin ang mukha ng Diyos ngunit hindi nila nagawa, winawakasan Niya ang kapanahunan kung kailan nagsilbi kay Satanas ang buong sangkatauhan, at inaakay Niya ang buong sangkatauhan tungo sa isang ganap na bagong panahon. Lahat ng ito ay bunga ng gawain ng Diyos sa katawang-tao sa halip ng Espiritu ng Diyos. Kapag gumagawa ang Diyos sa Kanyang katawang-tao, ang mga taong sumusunod sa Kanya ay hindi na naghahanap at nag-aapuhap ng mga mga bagay na tila kapwa umiiral at di-umiiral, at tumitigil sila sa paghula sa kalooban ng malabong Diyos. Kapag pinalalaganap ng Diyos ang Kanyang gawain sa katawang-tao, ipapasa ng mga sumusunod sa Kanya ang gawain na Kanyang ginawa sa katawang-tao sa lahat ng mga relihiyon at denominasyon, at kanilang ipagtatalastasan ang lahat ng Kanyang mga salita sa mga pandinig ng buong sangkatauhan. Ang lahat na naririnig ng mga yaong tumatanggap sa Kanyang ebanghelyo ay magiging mga katunayan ng Kanyang gawain, magiging mga bagay na personal na nakikita at naririnig ng tao, at magiging mga katunayan at hindi sabi-sabi. Ang mga katunayang ito ay ang katibayan na Kanyang pinalalaganap ang gawain, at ito rin ang mga kasangkapan na ginagamit Niya sa pagpapalaganap ng gawain. Kung wala ang pag-iral ng mga katunayan, ang Kanyang ebanghelyo ay hindi lalaganap sa lahat ng bansa at sa lahat ng lugar; kapag walang katunayan bagkus ay sa mga guni-guni lamang ng tao, Hindi Niya kailanman magagawa ang gawain ng panlulupig sa buong sansinukob. Ang Espiritu ay hindi nasasalat ng tao, at di-nakikita ng tao, at ang gawain ng Espiritu ay hindi kayang mag-iwan ng anumang karagdagang katibayan o mga katunayan ng gawain ng Diyos para sa tao. Hindi kailanman makikita ng tao ang tunay na mukha ng Diyos, at palagi siyang maniniwala sa isang malabong Diyos na hindi umiiral. Hindi kailanman makikita ng tao ang tunay na mukha ng Diyos, o hindi rin kailanman maririnig ng tao ang mga salita na personal na sinabi ng Diyos. Sadyang wala namang laman ang mga ginuguni-guni ng tao, at hindi mapapalitan ang tunay na mukha ng Diyos; ang likas na disposisyon ng Diyos, at ang gawain ng Diyos Mismo ay hindi magagaya ng tao. Ang di-nakikitang Diyos sa langit at ang Kanyang gawain ay maaari lamang dalhin sa lupa ng Diyos na nagkatawang-tao na personal na ginagawa ang Kanyang gawain sa mga tao. Ito ang pinakamainam na paraan para makapagpakita ang Diyos sa tao, kung saan nakikita ng tao ang Diyos at nakikilala ang tunay na mukha ng Diyos, at hindi ito matatamo ng isang Diyos na hindi nagkatawang-tao. Dahil naisagawa na ng Diyos ang Kanyang gawain sa yugtong ito, nakamit na ng gawain ng Diyos ang pinakamainam na bisa, at naging isang ganap na tagumpay. Ganap nang natapos ng personal na gawain ng Diyos sa katawang-tao ang siyamnapung porsiyento ng mga gawain ng Kanyang buong pamamahala. Nagkaloob na ang katawang-tao na ito ng isang mas mahusay na pasimula sa lahat ng Kanyang gawain, at isang buod para sa lahat ng Kanyang gawain, at napagtibay na ang lahat ng Kanyang gawain, at ginawa ang huling masusing pagpapanauli sa lahat ng gawaing ito. Simula ngayon, hindi na magkakaroon ng isa pang Diyos na nagkatawang-tao upang gawin ang ikaapat na yugto ng gawain ng Diyos, at hindi na rin magkakaroon kailanman ng mga nakamamanghang gawain ng ikatlong pagkakatawang-tao ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao

227. Bagama’t karaniwan at tunay ang katawang-tao na ito, hindi Siya pangkaraniwang katawang-tao: Hindi Siya katawang-tao na tao lamang, ngunit katawang-tao na kapwa sa tao at sa Diyos. Ito ang pagkakaiba Niya sa tao, at ito ang tatak ng pagkakakilanlan ng Diyos. Tanging katawang-tao na tulad nito ang makakayang gumawa ng mga gawaing ninanais Niyang gawin, at matupad ang ministeryo ng Diyos sa katawang-tao, at ganap na makumpleto ang Kanyang gawain sa gitna ng mga tao. Kung hindi ito ganoon, laging magiging hungkag at may kapintasan ang Kanyang gawain sa gitna ng mga tao. Bagama’t makakaya ng Diyos na makipaglaban sa espiritu ni Satanas at lumitaw na matagumpay, hindi malulutas kailanman ang lumang kalikasan ng tiwaling tao, at yaong mga hindi masunurin sa Kanya at sumasalungat sa Kanya ay hindi kailanman totoong magiging sakop ng Kanyang kapamahalaan, na ang ibig sabihin, hindi Niya kailanman makakayang lupigin ang sangkatauhan, at hindi kailanman makakayang kamtin ang buong sangkatauhan. Kung hindi makakayang lutasin ang Kanyang gawain sa lupa, kung ganoon ay hindi kailanman matatapos ang Kanyang pamamahala, at hindi magagawa ng buong sangkatauhan na pumasok sa kapahingahan. Kung hindi makakaya ng Diyos na pumasok sa kapahingahan kasama ang lahat ng Kanyang mga nilikha, kung ganoon ay walang kalalabasan kailanman sa ganoong gawain ng pamamahala, at kasunod na mawawala ang kaluwalhatian ng Diyos. Bagama’t walang awtoridad ang Kanyang katawang-tao, makakamit na ang bisa ng gawain na Kanyang ginagawa. Ito ang di-maiiwasang tunguhin ng Kanyang gawain. Nagtataglay man o hindi ng awtoridad ang Kanyang katawang-tao, hangga’t kaya Niyang gawin ang gawain ng Diyos Mismo, Siya ay ang Diyos Mismo. Gaano man kakaraniwan o kaordinaryo ang katawang-tao na ito, makakaya Niyang gawin ang gawain na dapat Niyang gawin, dahil Diyos at hindi tao lamang ang katawang-tao na ito. Ang dahilan na magagawa ng katawang-taong ito ang gawain na hindi kaya ng tao ay sapagkat ang Kanyang panloob na diwa ay hindi katulad ng sa sinumang tao, at ang dahilan na kaya Niyang iligtas ang tao ay sapagkat ang Kanyang pagkakakilanlan ay naiiba sa sinumang tao. Napakahalaga sa sangkatauhan ng katawang-tao na ito sapagkat Siya ay tao at lalong higit ay Diyos, sapagka’t nakakaya Niyang gawin ang mga gawain na hindi kaya ng karaniwang katawan ng tao, at dahil nakakaya Niyang magligtas ng tiwaling tao, na namumuhay kasama Niya sa lupa. Bagama’t Siya ay kawangis ng tao, ang Diyos na nagkatawang-tao ay higit na mahalaga sa sangkatauhan kaysa sa sinumang tao na may halaga, dahil nakakaya Niya ang gawain na hindi makakayang gawin ng Espiritu ng Diyos, higit na may kakayahan kaysa sa Espiritu ng Diyos na magpatotoo sa Diyos Mismo, at higit na may kakayahan kaysa sa Espiritu ng Diyos na lubos na makamtan ang sangkatauhan. Bilang bunga, bagama’t karaniwan at ordinaryo ang katawang-tao na ito, ang ambag Niya sa sangkatauhan at ang kahalagahan Niya sa pag-iral ng sangkatauhan ay lubos na ginagawa Siyang napakahalaga, at hindi masusukat ng sinumang tao ang tunay na halaga at kabuluhan ng katawang-tao na ito. Bagama’t hindi makakayang tuwirang puksain si Satanas ng katawang-tao na ito, makakaya Niyang gamitin ang Kanyang gawain upang lupigin ang sangkatauhan at gapiin si Satanas, at gawin si Satanas na lubos na magpasakop sa Kanyang kapamahalaan. Dahil ang Diyos ay nagkatawang-tao na kaya’t makakaya Niyang talunin si Satanas at magagawang iligtas ang sangkatauhan. Hindi Niya tuwirang pinupuksa si Satanas, bagkus ay nagkakatawang-tao upang gawin ang gawain na lupigin ang sangkatauhan, na nagawang tiwali ni Satanas. Sa ganitong paraan, higit na mahusay Niyang magagawang magpatotoo sa Sarili Niya sa gitna ng Kanyang mga nilalang, at higit na mahusay na magagawang iligtas ang tiwaling tao. Ang paglupig kay Satanas ng Diyos na nagkatawang-tao ay magdudulot ng higit na malaking patotoo, at higit na mapanghikayat, kaysa sa tuwirang pagpuksa ng Espiritu ng Diyos kay Satanas. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay higit na magagawang tumulong sa tao para kilalanin ang Lumikha, at higit na magagawang magpatotoo sa Sarili Niya sa gitna ng mga nilalang Niya.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao

228. Sa pagkakataong ito, pumaparito ang Diyos upang gumawa ng gawain hindi sa espirituwal na katawan, kundi sa isang napakakaraniwang katawan. Bukod dito, hindi lamang ito ang katawan ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, ito rin ang katawan kung saan bumabalik ang Diyos sa katawang-tao. Isa itong napakapangkaraniwang katawang-tao. Wala kang makikitang anumang nag-aangat sa Kanya mula sa iba, ngunit maaari kang magkamit mula sa Kanya ng mga katotohanang hindi pa dating narinig. Itong hamak na katawang-taong ito ang kumakatawan sa lahat ng mga salita ng katotohanan mula sa Diyos, nangangasiwa sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, at nagpapahayag ng kabuuan ng disposisyon ng Diyos upang maintindihan ng tao. Hindi mo ba lubhang ninanais na makita ang Diyos na nasa langit? Hindi mo ba lubhang ninanais na maunawaan ang Diyos na nasa langit? Hindi mo ba lubhang ninanais na makita ang hantungan ng sangkatauhan? Sasabihin Niya sa iyo ang lahat ng mga lihim na ito—mga lihim na wala pang sinumang taong nakapagsabi sa iyo, at sasabihin din Niya sa iyo ang mga katotohanang hindi mo nauunawaan. Siya ang pintuan mo patungo sa kaharian, at gabay mo patungo sa bagong kapanahunan. Nagtataglay ng maraming mga hiwagang di-maarok ang gayong karaniwang katawang-tao. Maaaring di-malirip sa iyo ang Kanyang mga gawa, ngunit ang buong layunin ng lahat ng gawain Niya ay sapat na upang hayaan kang makitang hindi Siya, gaya ng inaakala ng mga tao, isang simpleng katawang-tao. Sapagkat kinakatawan Niya ang kalooban ng Diyos at ang pangangalagang ipinakita ng Diyos para sa sangkatauhan sa mga huling araw. Bagaman hindi mo naririnig ang mga salita Niya na tila yumayanig sa mga kalangitan at lupa, bagaman hindi mo nakikita ang mga mata Niya na tulad ng mga lumalagablab na apoy, at bagaman hindi mo natatanggap ang disiplina ng Kanyang pamalong bakal, gayunman, maririnig mo mula sa Kanyang mga salita na mapagpoot ang Diyos, at mababatid na nagpapakita ang Diyos ng habag para sa sangkatauhan; makikita mo ang matuwid na disposisyon ng Diyos at ang karunungan Niya, at bukod dito, matatanto ang malasakit ng Diyos sa buong sangkatauhan. Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ang pahintulutan ang tao na makita ang Diyos na nasa langit na namumuhay kasama ng mga tao sa lupa, at bigyang-kakayahan ang tao na mabatid, sundin, igalang, at mahalin ang Diyos. Ito ang dahilan kung bakit bumalik Siya sa katawang-tao sa pangalawang pagkakataon. Kahit na ang nakikita ng tao ngayon ay isang Diyos na katulad ng tao, isang Diyos na mayroong ilong at dalawang mga mata, at isang hindi kapansin-pansing Diyos, sa huli, ipakikita sa inyo ng Diyos na kung hindi umiral ang taong ito, magdadaan ang langit at lupa sa napakatinding pagbabago; kung hindi umiral ang taong ito, magdidilim ang kalangitan, malulublob sa kaguluhan ang lupa, at mamumuhay ang buong sangkatauhan sa gitna ng taggutom at mga salot. Ipakikita Niya sa inyo na kung hindi dumating ang Diyos na nagkatawang-tao upang iligtas kayo sa mga huling araw, matagal na sanang winasak ng Diyos ang buong sangkatauhan sa impiyerno; kung hindi umiral ang katawang-taong ito, magiging pangunahing mga makasalanan kayo magpakailanman, at magiging mga bangkay kayo habang panahon. Dapat ninyong malaman na kung hindi umiral ang katawang-taong ito, haharap ang buong sangkatauhan sa hindi maiiwasang kapahamakan at makikitang imposibleng makatakas sa mas matinding kaparusahang ilalapat ng Diyos sa sangkatauhan sa mga huling araw. Kung hindi isinilang ang karaniwang katawang-taong ito, mapupunta kayong lahat sa kalagayang kung saan magsusumamo kayo para sa buhay nang walang kakayahang mamuhay, at mananalangin para sa kamatayan nang walang kakayahang mamatay; kung hindi umiral ang katawang-taong ito, hindi ninyo makakamit ang katotohanan at makaparoroon sa harap ng trono ng Diyos ngayon, kundi sa halip, parurusahan kayo ng Diyos dahil sa matindi ninyong mga kasalanan. Alam ba ninyong kung hindi dahil sa pagbalik sa katawang-tao ng Diyos, walang magkakaroon ng pagkakataon sa kaligtasan; at kung hindi dahil sa pagdating ng katawang-taong ito, matagal nang tinapos ng Diyos ang lumang kapanahunan? Dahil dito, magagawa pa rin ba ninyong tanggihan ang ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos? Yamang napakaraming pakinabang ang matatamo ninyo sa karaniwang taong ito, bakit hindi ninyo Siya malugod na tatanggapin?

Ang gawain ng Diyos ay isang bagay na hindi mo mauunawaan. Kung ni hindi mo lubos na maunawaan kung tama ang desisyon mo, ni hindi mo mabatid kung magtatagumpay ang gawain ng Diyos, bakit hindi mo subukan ang kapalaran mo at tingnan kung maaaring maging malaking tulong sa iyo ang karaniwang taong ito, at kung tunay ngang nakagawa na ang Diyos ng dakilang gawain? Gayunman, dapat Kong sabihin sa iyo na sa panahon ni Noe, nagkakainan at nag-iinuman ang mga tao, nag-aasawa at nagbibigay sa pag-aasawa hanggang sa hindi na ito mabatang saksihan ng Diyos, kaya nagpadala Siya ng malaking baha upang wasakin ang sangkatauhan, na iniwang ligtas ang pamilya lamang ni Noe na walong tao at ang lahat ng uri ng mga ibon at mga hayop. Sa mga huling araw, gayunman, yaong mga iniwang ligtas ng Diyos ay lahat yaong mga naging tapat sa Kanya hanggang sa katapusan. Bagaman ang parehong kapanahunan ay puno ng matinding katiwaliang hindi mabata ng Diyos na saksihan, at ang sangkatauhan sa parehong kapanahunan ay naging napakatiwali at itinanggi nila ang Diyos bilang Panginoon nila, tanging ang mga tao lamang sa panahon ni Noe ang winasak ng Diyos. Nagdulot ng matinding pagkabalisa sa Diyos ang sangkatauhan sa parehong kapanahunan, subalit nanatiling mapagtiis ang Diyos sa mga tao sa mga huling araw hanggang ngayon. Bakit ganito? Hindi ba kayo kailanman nagtaka kung bakit? Kung tunay na hindi ninyo alam, hayaan ninyong sabihin Ko sa inyo. Ang dahilan na nagagawang magbigay ng Diyos ng biyaya sa mga tao sa mga huling araw ay hindi dahil sila ay hindi gaanong tiwali kaysa sa mga tao sa panahon ni Noe, o dahil nagpakita sila ng pagsisisi sa Diyos, lalong hindi dahil napakaunlad na ng teknolohiya sa mga huling araw na hindi sila kayang wasakin ng Diyos Mismo. Sa halip, ito ay dahil may gagawin ang Diyos sa isang pangkat ng mga tao sa mga huling araw, at ang Diyos na iyon Mismo ang gagawa ng gawaing ito sa Kanyang pagkakatawang-tao. Higit pa rito, pipili ang Diyos ng isang bahagi ng pangkat na ito na maging mga pagtutuunan ng Kanyang pagliligtas at bunga ng Kanyang plano ng pamamahala, at dalhin ang mga taong ito sa susunod na kapanahunan. Samakatuwid, kahit na anupaman, ang halagang ito na binayaran ng Diyos ay lahat para sa paghahanda para sa gawaing gagawin ng Kanyang pagkakatawang-tao sa mga huling araw. Ang katunayan na nakarating kayo sa kasalukuyan ay dahil sa katawang-taong ito. Dahil nabubuhay ang Diyos sa katawang-tao kaya kayo may pagkakataong mabuhay. Nakamit ang lahat ng magandang kapalarang ito dahil sa karaniwang taong ito. Hindi lamang ito, ngunit sa huli, sasamba ang bawat bansa sa karaniwang taong ito, gayundin magbibigay pasasalamat at susunod sa hamak na taong ito, dahil ang katotohanan, buhay, at daang dala Niya ang nagligtas sa buong sangkatauhan, nagpaluwag sa hidwaan sa pagitan ng tao at Diyos, nagpaikli sa agwat sa pagitan nila, at nagbukas ng ugnayan sa pagitan ng mga saloobin ng Diyos at tao. Siya rin ang nakakuha ng higit pang kaluwalhatian para sa Diyos. Hindi ba karapat-dapat sa tiwala at pagsamba mo ang karaniwang taong gaya nito? Hindi ba karapat-dapat na tawaging Cristo ang ganitong karaniwang katawang-tao? Maaari bang ang ganitong karaniwang tao ay hindi maging pagpapahayag ng Diyos sa mga tao? Hindi ba karapat-dapat ang ganitong tao, na nagligtas sa sangkatauhan mula sa sakuna, sa pagmamahal at pagnanais ninyong kumapit sa Kanya? Kung tinatanggihan ninyo ang mga katotohanang ipinahahayag mula sa Kanyang bibig at kinamumuhian ang Kanyang pag-iral kasama ninyo, ano ang mangyayari sa inyo sa huli?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alam Mo Ba? Gumawa ang Diyos ng Dakilang Bagay sa Gitna ng mga Tao

229. Gagawin sa pamamagitan ng karaniwang taong ito ang lahat ng gawain ng Diyos sa mga huling araw. Ipagkakaloob Niya ang lahat ng bagay sa iyo, at higit pa rito, makapagpapasiya Siya sa lahat ng bagay na may kaugnayan sa iyo. Maaari bang ang ganitong tao ay tulad ng pinaniniwalaan ninyo sa Kanya: isang taong napakapayak na hindi karapat-dapat banggitin? Hindi ba sapat ang katotohanan Niya upang lubos kayong mapaniwala? Hindi ba sapat ang pagsaksi sa Kanyang mga gawa upang lubos kayong mapaniwala? O hindi ba karapat-dapat para sa inyo na lakaran ang landas na Kanyang dinadala? Kapag nasabi at nagawa na ang lahat, ano ang nagdudulot sa inyo na kasuklaman Siya at itaboy Siya at iwasan Siya? Ang taong ito ang naghahayag ng katotohanan, ang taong ito ang nagbibigay ng katotohanan, at ang taong ito ang nagbibigay sa inyo ng landas na susundan. Maaari kayang hindi pa rin ninyo nakikita ang mga bakas ng gawain ng Diyos sa loob ng mga katotohanang ito? Kung wala ang gawain ni Jesus, hindi makabababa ang sangkatauhan mula sa krus, ngunit kung wala ang pagkakatawang-tao ng ngayon, hindi kailanman makakamit ng yaong mga bumababa mula sa krus ang pag-ayon ng Diyos o makapapasok sa bagong kapanahunan. Kung wala ang pagdating ng karaniwang taong ito, hindi kayo kailanman magkakaroon ng pagkakataong makita ang tunay na mukha ng Diyos, ni magigiging karapat-dapat, dahil lahat kayo ay mga bagay na matagal nang dapat winasak. Dahil sa pagdating ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, napatawad kayo ng Diyos at pinakitaan kayo ng habag. Anupaman, ito pa rin ang mga salitang dapat Kong iwan sa inyo sa huli: Ang karaniwang taong ito, na Diyos na nagkatawang-tao, ay napakahalaga sa inyo. Ito ang dakilang bagay na nagawa na ng Diyos sa mga tao.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alam Mo Ba? Gumawa ang Diyos ng Dakilang Bagay sa Gitna ng mga Tao

230. Pinakakatawa-tawang mga tao sa mundo yaong mga nagnanais na makamit ang buhay nang hindi umaasa sa katotohanang sinabi ni Cristo, at mga ligaw sa guni-guni yaong mga hindi tinatanggap ang daan ng buhay na dinala ni Cristo. Kaya naman sinasabi Ko na magpakailanmang kamumuhian ng Diyos yaong mga taong hindi tinatanggap si Cristo ng mga huling araw. Si Cristo ang pasukan ng tao patungo sa kaharian sa mga huling araw, at walang sinuman ang makalalampas sa Kanya. Walang sinuman ang maaaring gawing perpekto ng Diyos kundi sa pamamagitan ni Cristo lamang. Naniniwala ka sa Diyos, at sa gayon dapat mong tanggapin ang Kanyang mga salita at sundin ang Kanyang daan. Hindi mo maaaring isipin lamang ang magkamit ng mga pagpapala habang wala kang kakayahang tumanggap ng katotohanan at walang kakayahang tumanggap ng paglalaan ng buhay. Darating si Cristo sa mga huling araw upang mabigyan ng buhay lahat yaong mga tunay na naniniwala sa Kanya. Alang-alang sa pagtatapos ng lumang kapanahunan at ang pagpasok sa bago ang Kanyang gawain, at ito ang landas na dapat tahakin ng yaong lahat ng mga papasok sa bagong kapanahunan. Kung wala kang kakayahang kilalanin Siya, at sa halip pinarurusahan, nilalapastangan, o inuusig din Siya, kung gayon nakatadhana kang masunog nang walang-hanggan at hindi kailanman makapapasok sa kaharian ng Diyos. Dahil ang Cristong ito ang Mismong pagpapahayag ng Banal na Espiritu, ang pagpapahayag ng Diyos, ang Siyang pinagkatiwalaan ng Diyos na gawin ang Kanyang gawain sa lupa. Kaya naman sinasabi Ko na kung hindi mo tatanggapin ang lahat ng ginagawa ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon nilalapastangan mo ang Banal na Espiritu. Maliwanag sa lahat ang ganting matatanggap ng yaong mga lumalapastangan sa Banal na Espiritu. Sinasabi Ko rin sa iyo na kapag nilalabanan mo si Cristo ng mga huling araw, kung tatanggihan mo nang may paghamak si Cristo ng mga huling araw, wala nang sinuman ang makapagpapasan sa mga kahihinatnan alang-alang sa iyo. Higit pa rito, simula sa araw na ito at sa mga susunod pa hindi ka magkakaroon ng isa pang pagkakataong makamit ang pagsang-ayon ng Diyos; kahit na subukin mo pang tubusin ang sarili mo, hindi mo muling mapagmamasdan ang mukha ng Diyos. Sapagkat hindi isang tao ang nilalabanan mo, hindi isang mahinang nilalang ang tinatanggihan mo nang may paghamak, kundi si Cristo. Alam mo ba ang kahihinatnan nito? Hindi isang maliit na pagkakamali ang magagawa mo, kundi isang karumal-dumal na krimen. Kaya naman pinapayuhan Ko ang lahat na huwag ilabas ang mga pangil ninyo sa harap ng katotohanan, o gumawa ng bulagsak na mga pamumuna, dahil ang katotohanan lamang ang makapagdadala sa iyo ng buhay, at wala kundi ang katotohanan ang makapagpapahintulot na muli kang isilang at mapagmasdang muli ang mukha ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

Sinundan: III. Mga Salita tungkol sa Pagpapatotoo sa Pagpapakita at Gawain ng Diyos

Sumunod: V. Mga Salita tungkol sa Relasyon sa Pagitan ng Bawat Yugto ng Gawain ng Diyos at ng Pangalan ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito