731 Masyadong Maraming Hinihingi ang Tao sa Diyos
1 Masyadong maraming hinihingi ang mga tao sa Diyos, at ang gayong mga hinihingi ay sobra-sobra; lubos silang di-makatwiran sa kung paano nila laging hinihingi sa Kanyang gawin ang mga bagay nang ganito o ganoon. Hindi kaya ng mga tao na ganap na magpasakop sa Diyos o sambahin Siya. Sa halip, ginagawa nila ang mga di-makatwirang kahilingan nila nang ayon sa mga sarili nilang kagustuhan. Inaasahan nila ang Diyos na palagi silang pagbigyan, na palaging maging mapagpasensya sa mga tao, na makipagtalastasan tungkol sa katotohanan tuwing nakikita Niya sila, na palaging kausapin sila, at iba pa. Dapat ninyong pagnilayan ang mga bagay na ito. Ang katwiran ng tao ay sadyang hindi perpekto, hindi ba? Hindi lang sa hindi nila kayang lubos na magpasakop sa mga pangangasiwa at pagsasaayos ng Diyos o tanggapin ang lahat na nagmumula sa Diyos, pero sa kabaligtaran, nagpapataw sila ng mga karagdagang hinihingi sa Diyos. Paano magiging tapat sa Diyos ang mga taong may mga ganitong hinihingi? Paano sila makapagpapasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos? Paano nila magagawang mahalin ang Diyos?
2 Ang mga tao ay lahat may mga hinihingi kung paano sila dapat mahalin ng Diyos, paano sila dapat pagbigyan, bantayan at ingatan, at alagaan, pero wala silang hinihingi sa kung paano sila mismo ay dapat mahalin ang Diyos, isipin ang Diyos, maging mapagsaalang-alang sa Diyos, palugurin ang Diyos, taglayin ang Diyos sa mga puso nila, at sambahin ang Diyos. Umiiral ba ang mga bagay na ito sa puso ng mga tao? Ang mga ito ay mga bagay na dapat gawin ng mga tao, kaya bakit hindi sila masigasig sa pagsulong sa mga bagay na ito? Kaya ng ibang tao na maging masigasig sa maikling panahon, pero hindi ito nagtatagal; ang makaranas ng kaunting dagok ay nagsasanhi na panghinaan sila ng loob, mawalan ng pag-asa, at magreklamo. Napakaraming problema ng mga tao, at napakakaunti lang ng mga taong naghahangad na matamo ang katotohanan at naghahangad na mahalin at palugurin ang Diyos. Lubhang di-makatwiran ang mga tao, tumatayo sila sa maling posisyon, at nakikita nila ang mga sarili nila bilang napakahalaga.
Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi