599 Ang Mabuhay Upang Gampanan ang Tungkulin Mo ay Makahulugan
I
Yaong tumatanggap sa gawain
ng Diyos sa mga huling araw
ay ang pinakamatatalino.
Matapos ang mga taon ng pagkastigo’t paghatol,
nalaman nila’ng layon ng pamamahala ng Diyos.
Nauunawaan na nila’ng misteryo
ng pamamahala’t pagliligtas ng Diyos sa tao,
kalooba’t kataas-taasang kapangyarihan Niya.
Nararamdaman nilang namumuhay sila
nang masagana,
payapa’t makahulugang pamumuhay.
Hinahayaan kang mabuhay ng Diyos;
kung namumuhay ka para sa Kanya
at ginagawa’ng tungkulin
bilang isang nilikha ng Diyos,
namumuhay kang may kahulugan.
II
Kung namumuhay kang
parang naglalakad na bangkay,
walang espiritu’t tumatanggi sa katotohanan,
nabubuhay lang para sa laman,
walang kahulugan ang buhay mo.
Mula sa sangkatauhan, itinakda kayo ng Diyos,
isinilang sa lupain ng malaking dragon,
upang gampanan ninyo inyong tungkulin.
Pinapaboran ka ng Diyos
at hinihinging gumugol ka sa Kanya,
at tuparin ang tungkulin bilang nilalang.
Ipalaganap ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos,
at magpatotoo sa Kanya, dito sang-ayon Siya.
Hinahayaan kang mabuhay ng Diyos;
kung namumuhay ka para sa Kanya
at ginagawa’ng tungkulin
bilang isang nilikha ng Diyos,
namumuhay kang may kahulugan.
III
Binibigyan ka ng tyansa ng Diyos
na mamuhay nang ganito,
upang igugol ang sarili sa Kanya.
Dapat mo ‘tong pahalagahan at ikarangal.
Bihirang pagkakataon ‘to sa panahon ngayon.
Maingat Siyang pumipili at pinili Niya kayo.
Pagkakatao’t pagpapala niyo ‘to.
Sa pagpapala sa mga banal sa buong panahon,
itong sa inyo ay mas higit pa!
Hinahayaan kang mabuhay ng Diyos;
kung namumuhay ka para sa Kanya
at ginagawa’ng tungkulin
bilang isang nilikha ng Diyos,
namumuhay kang may kahulugan.
Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi