598 Dapat Mong Tanggapin ang Pagsisiyasat ng Diyos sa Lahat ng Bagay
1 Yaong mga may kakayahang magsagawa ng katotohanan ay makakayang tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos sa paggawa ng mga bagay. Kapag tinatanggap mo ang pagsisiyasat ng Diyos, naitutuwid ang puso mo. Kung gumagawa ka lamang ng mga bagay para makita ng iba at hindi tinatanggap ang pagsisiyasat ng Diyos, kung gayon, nasa puso mo pa ba ang Diyos? Ang mga taong tulad nito ay walang paggalang sa Diyos. Huwag kang laging gumawa ng mga bagay para sa sarili mong kapakanan at huwag mong palagiang isaalang-alang ang iyong mga sariling interes; huwag isipin ang iyong sariling katayuan, katanyagan, o reputasyon. Kailangan mo munang isipin ang mga interes ng bahay ng Diyos, at unahin ang mga iyon. Dapat mong isaalang-alang ang kalooban ng Diyos, at pagnilayan kung isinasaisip mo o hindi ang gawain ng bahay ng Diyos at kung nagampanan mo ang iyong tungkulin o hindi.
2 Kung lagi mong isinasaalang-alang ang gawain ng tahanan ng Diyos at ang pagpasok sa buhay ng iyong mga kapatiran, kung gayon magagawa mong magtagumpay sa pagganap ng iyong tungkulin. Ito ay totoo maliban kung mahina ang iyong kakayahan, mababaw ang iyong karanasan, o hindi ka bihasa sa iyong mga propesyunal na gawain, sa gayong kalagayan ay maaaring may ilang pagkakamali o kakulangan sa iyong gawain, at maaaring hindi maging napakaganda ng mga resulta. Gayunpaman, naibuhos mo na ang iyong buong pagsisikap. Kapag hindi mo isinasaalang-alang ang iyong mga pansariling interes sa mga bagay na ginagawa mo, at sa halip ay nagbibigay ng palagiang pagsasaalang-alang sa gawain ng tahanan ng Diyos, taglay sa isip ang mga kapakanan nito, at ginagampanan nang mahusay ang iyong tungkulin, makakaipon ka, kung gayon, ng mabubuting gawa sa harap ng Diyos. Ang mga taong gumaganap sa mabubuting gawang ito ay yaong mga may angking katotohanang realidad; sa gayon, mayroon silang patotoo.
Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon