275 Kontrolado ng Diyos ang Kapalaran ng Bawat Bansa at Lahi
Pag-unlad at pagbagsak ng bansa o lahi
nakasalalay kung pinuno nito’y sinasamba’ng Diyos,
at kung pangunahan nila’ng tao tungo sa Diyos,
pati rin ang pagsamba nila sa Kanya.
I
Bansa mo ma’y umunlad,
ngunit kung tao nito’y lumihis sa Diyos,
to’y unti-unting pinagkakaitan ng biyaya ng Diyos.
Sibilisasyon nito ay tatapak-tapakan,
at tao’y titindig laban sa Diyos
at susumpain ang Langit.
‘Di alam ng tao, kapalaran ng bansa’y wawasakin.
Magbabangon Siya ng mga bansang
malalakas upang harapin yaong naisumpa’t
maaaring alisin pa’ng mga ‘to sa lupa.
Siya’y ‘di nakikibahagi sa politika ng tao,
ngunit kontrol Niya’ng kapalaran ng bansa o lahi.
Kontrol Niya’ng mundo’t ang buong sansinukob.
Plano Niya’t kapalaran ng tao’y magkaugnay,
at walang tao, walang bansa’t walang lahi
ang ‘di saklaw ng kapangyarihan ng Diyos.
II
Mayroong matutuwid na pwersa sa lupa,
ngunit pamumuno’y marupok
kung saan Siya’y
walang lugar sa puso ng mga tao.
Kung wala’ng biyaya Niya,
larangan ng politika’y
‘di kaya ang isang hagupit
at babagsak sa kaguluhan.
Kawalan ng biyaya Niya’y
tulad ng kawalan ng araw.
Ga’no man karaming matuwid
na pagpupulong ang gawin ng tao,
o ga’no kasipag ang namumuno,
‘di nito mababago’ng kapalaran ng tao.
Tao’y naniniwala na’ng bansang
tao nito’y pinapakai’t dinaramitan
ay mahusay na bansa’t
may mahusay na pamumuno,
ngunit para sa Diyos, ang bansa kung sa’n
walang sumasamba sa Kanya’y
dapat Niyang lipulin at sirain.
Pag-iisip ng tao’y labis na salungat
sa pag-iisip ng Diyos.
Kung gayon, kung ang pinuno ng bansa’y
‘di sumasamba sa Diyos,
kapalara’y magiging trahedya,
ito’y walang hantungan.
Siya’y ‘di nakikibahagi sa politika ng tao,
ngunit kontrol Niya’ng kapalaran ng bansa o lahi.
Kontrol Niya’ng mundo’t ang buong sansinukob.
Plano Niya’t kapalaran ng tao’y magkaugnay,
at walang tao, walang bansa’t walang lahi
ang ‘di saklaw ng kapangyarihan ng Diyos.
Nang kapalara’y malaman,
dapat humarap sa Diyos.
Yaong sinasamba’t sinusunod Siya’y
pasasaganain, habang binabagsak at nililipol
yaong lumalaba’t tinatanggihan Siya.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan