783 Ang Makilala ang Diyos ay ang Pinakamataas na Karangalan para sa mga Nilikhang Nilalang

I

Ang isagawa ang katotohanan

ay napakahirap para sa inyo,

at ang pagkilala sa Diyos

ay mas higit na suliranin.

Para rin sa sangkatauhan.

Ma’aring ila’y mas kilala ang Diyos,

ngunit halos walang umaabot sa pamantayan.


Hindi nauunawaan ng tao

ang kahulugan ng pagkilala sa Diyos,

kung bakit ito’y kailangan

o kung ano’ng antas dapat nilang matamo.

Ito’y nakalilito sa sangkatauhan.

Walang makasagot nitong katanungan,

dahil, hanggang ngayon, wala pang sinuman

ang nagtagumpay na sa gawaing ito.


Kung magiging isa ka

sa unang makakakilala sa Diyos,

‘di ba ito’ng pinakamataas

na karangalan sa lahat ng nilalang?

May iba pa bang nilalang sa sangkatauhan

na mas pupurihin ng Diyos,

na mas pupurihin ng Diyos?


II

‘Pag naipakita na sa tao ang palaisipan

sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos,

isang grupo ng mga talentong

nakakakilala sa Diyos ang simulang lilitaw.

Inasam na ng Diyos,

pagsasakatuparan ng gawaing ito,

umaasang makakita nang higit

na gayong talento sa hinaharap.


Sila’ng magiging tagapanguna

sa patotoo sa tatlong yugto ng gawain.

Inaasam ng Diyos na ang mga naghahangad

ay makakamit ang pagpapalang ito.

Wala pang gawaing katulad nito

noon pa mang unang panahon,

o kailanman sa kasaysayan ng sangkatauhan.


Kung magiging isa ka

sa unang makakakilala sa Diyos,

‘di ba ito’ng pinakamataas

na karangalan sa lahat ng nilalang?

May iba pa bang nilalang sa sangkatauhan

na mas pupurihin ng Diyos?


III

Ito’ng gawain sa ngayon at sa hinaharap,

ang huli’t pinakamataas sa anim na libong taon,

isang paraan na ihayag ang bawat uri ng tao.

Ang gayong gawain ay hindi madali,

ngunit aani ng mga gantimpala.

Anuman ang kanilang kasarian o lahi,

lahat ng may kakayahang

magkamit ng kaalaman sa Diyos

ay tatanggap nang lubos na karangalan sa Diyos.

Sila lang ang magtataglay ng Kanyang awtoridad.


Kung magiging isa ka

sa unang makakakilala sa Diyos,

‘di ba ito’ng pinakamataas

na karangalan sa lahat ng nilalang?

May iba pa bang nilalang sa sangkatauhan

na mas pupurihin ng Diyos,

na mas pupurihin ng Diyos?


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas Tungo sa Pagkilala sa Diyos

Sinundan: 782 Para Makilala ang Diyos Kailangan Mong Malaman ang Tatlong Yugto ng Kanyang Gawain

Sumunod: 784 Sa Pag-alam Lamang sa Gawain ng Diyos Ka Makakasunod Hanggang Wakas

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

998 Ang Mensahe ng Diyos

ⅠNakaraa’y lumipas na,huwag na ditong kumapit pa.Nanindigan kayo kahapon.Maging tapat sa Diyos ngayon.Ito’ng dapat n’yong malaman.Kahit...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito