80. Bakit Lagi Akong Takot na Ipahayag ang Opinyon Ko

Ni Xin Chun, Tsina

Noong Marso 2024, pumunta ang superbisor para magbuod ng mga problema at makipag-usap sa amin tungkol sa gawain. Nang sama-sama naming tinalakay ang isang sermon, ako ang unang nagpahayag ng opinyon ko, pero mali ang sinabi ko, at magkasunod pang nagpahayag ng dalawang opinyon na mali pa rin. Pahiyang-pahiya ako dahil dito, at hiyang-hiya akong nakagawa ako ng napakaraming pagkakamali sa una kong pakikisalamuha sa superbisor. Ang sister na katuwang ko ay nagawang matukoy ang ilang problema kahit na kasisimula pa lang niyang gawin ang tungkuling ito, samantalang matagal na akong nagsasanay at mali ko pa ring nakita ang mga bagay-bagay. Iisipin kaya ng superbisor na ang kakayahan ko ay hindi kasinghusay ng sa bagong dating na sister? Nagpasya akong sa susunod ay hindi na ako magmamadaling magpahayag ng opinyon ko. Maghihintay ako hanggang makapagsalita na ang lahat at saka ako magbabahagi, na mas ligtas. Kinabukasan, habang binabasa namin ang isang sermon, pinag-isipan ko itong mabuti at may nakita akong ilang problema. Gayumpaman, hindi ako sigurado kung nakikita ko nga ba ito nang tama o hindi, at naisip ko, “Sa pagkakataong ito, kailangan kong maging matalino. Pakikinggan ko muna kung paano ito susuriin ng iba at titingnan ko kung umiiral nga ang mga problemang nakita ko. Pagkatapos, kapag ako na ang magbabahagi, pagsasama-samahin ko ang mga pananaw ng lahat. Mas maaasahan ang paggawa nito, at iisipin din ng lahat na kaya kong makita ang mga problema, may kakayahan ako, mapang-unawa ako, at hindi naman pala ako ganoon kahina.” Pero lumipas ang mahabang oras at walang nagsalita. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata na malalim pa rin silang nag-iisip, kaya napaisip ako, “Kahit na medyo matagal na, hindi ako puwedeng maunang magsalita. Sobrang nakahihiya kung magkakamali na naman ako ng sasabihin.” Kaya, nagpanggap din akong seryosong pinag-iisipan ang problema. Pagkalipas ng mahabang oras, saka lang nagsimulang magsalita ang ilang sister. Nang matapos nang magbahagi ang lahat ng kanilang mga opinyon, pinagsama-sama ko ang mga ito at ang sarili kong opinyon, at saka tinalakay lahat. Kabadong-kabado ako noong nagsalita ako, takot na baka mali ang opinyon ko at mapapahiya na naman ako. Kalaunan, ang pagsusuri ng superbisor ay talagang umaayon sa opinyon ko. Lihim akong natuwa sa puso ko, at naramdaman kong nakabawi ako sa kahihiyan. Pero pagkalipas ng dalawang araw, napansin ng superbisor na hindi kami aktibong nagpapahayag ng aming mga opinyon kapag tinatalakay ang mga sermon; lagi kaming nagpapaliban at nagtatagal, na nakaaantala sa gawain. Inilantad niya ang aming mga problema. Naisip ko kung paanong matagal ko nang ginagawa ang tungkuling ito at ako ang lider ng pangkat. Dapat sana ay aktibo akong nakipagbahaginan at pinangunahan ang lahat sa talakayan, pero hindi ko ito ginawa. Hindi ba’t nag-aaksaya ako ng oras at nag-aantala ng gawain? Kalaunan, nang tinalakay naming muli ang mga sermon, aktibo akong lumahok at masigasig na nagbahagi ng aking mga opinyon, tinatalakay ang lahat ng problemang nakita ko. Gayumpaman, dahil hindi ako nagnilay o nagkamit ng pagkaunawa sa aking tiwaling disposisyon, nang hindi ko maarok ang ilang problema sa mga talakayan ng sermon, at may pinapanigan at hindi tumpak ang mga komento ko, talagang napahiya ako, at nagsimula na naman akong maging pasibo, naghihintay hanggang sa ako na ang pinakahuling magsasalita. Mas lalo rin akong natakot na talakayin ang mga sermon, laging takot na baka malantad ang mga kakulangan ko. Sa tuwing nagpapahayag ako ng opinyon ko, pakiramdam ko ay parang humaharap ako sa firing squad, at naisip ko pa ngang ayaw kong gawin ang tungkuling ito.

Isang araw, habang tinatalakay namin ang mga problema sa mga sermon, tinawag ng superbisor ang pangalan ko para maunang magsalita. Hindi ako umimik, at pinagalitan ako ng superbisor, sinasabing, “Ikaw ang lider ng pangkat. Bakit hindi ka kailanman nagkukusang makipagbahaginan? Wala ka bang opinyon o napipigilan ka ng iyong tiwaling disposisyon?” Gulat na gulat ako noong panahong iyon na hindi agad ako nakapagsalita. Matapos sandaling mag-isip-isip, sa wakas ay napagtanto ko na hindi muna ako nagpahayag ng opinyon dahil takot akong magkamali at mapahiya, at takot na malinaw na makita ng iba ang aking kakayahan. Pagkatapos, nakahanap ang superbisor ng mga salita ng Diyos para basahin namin. Sabi ng Diyos: “Kung, matapos makagawa ng pagkakamali, matatrato mo ito nang tama, at mapapayagan mo ang lahat ng iba pa na pag-usapan ito, na pinahihintulutan ang kanilang komentaryo at pagkilatis dito, at kaya mong magbukas tungkol dito at himayin ito, ano ang magiging opinyon ng lahat sa iyo? Sasabihin nila na isa kang matapat na tao, dahil bukas ang puso mo sa Diyos. Sa pamamagitan ng iyong mga kilos at pag-uugali, makikita nila ang nasa puso mo. Ngunit kung susubukan mong magkunwari at linlangin ang lahat, liliit ang tingin sa iyo ng mga tao, at sasabihin nila na hangal ka at hindi matalinong tao. Kung hindi mo susubukang magkunwari o pangatwiranan ang sarili mo, kung kaya mong aminin ang iyong mga pagkakamali, sasabihin ng lahat na matapat ka at matalino. At ano ang ikinatalino mo? Ang lahat ng tao ay nagkakamali. Ang lahat ng tao ay may mga pagkukulang at kapintasan. At ang totoo, lahat ng tao ay may magkakaparehong tiwaling disposisyon. Huwag mong isipin na mas marangal, perpekto, at mabait ka kaysa sa iba; lubos na pagiging hindi makatwiran iyan. Sa sandaling malinaw na sa iyo ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao at ang diwa at totoong hitsura ng kanilang katiwalian, hindi mo na susubukang pagtakpan ang sarili mong mga pagkakamali, ni hindi mo isusumbat ang pagkakamali ng ibang tao sa kanila—mahaharap mo nang tama ang dalawang ito. Saka ka lamang magkakaroon ng malalim na pagkaunawa at hindi gagawa ng mga kahangalan, na siyang ikatatalino mo. Ang mga hindi matalino ay mga taong hangal, at palagi silang nahuhumaling sa maliliit na pagkakamaling nagawa nila, habang palihim na kumikilos. Kasuklam-suklam itong makita. Sa katunayan, halatang-halata kaagad ng ibang mga tao ang ginagawa mo, subalit lantaran ka pa ring nagpapanggap. Nagmumukha kang katatawanan sa iba. Hindi ba’t kahangalan ito? Talagang kahangalan ito(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang mga Prinsipyong Dapat Gumabay sa Sariling Asal ng Isang Tao). Nakipagbahaginan ang superbisor, sinasabing, “Hinihingi sa atin ng Diyos na isaalang-alang ang mga interes ng sambahayan ng Diyos kapag ginagawa natin ang ating mga tungkulin. Halimbawa, kapag sama-sama nating tinatalakay ang mga sermon, dapat tayong magkusa na sabihin kung gaano karaming problema ang nakikita natin, taos-pusong magtapat, at matuto sa kalakasan ng isa’t isa para mapunan ang ating mga kahinaan. Kahit na hindi natin ito matalakay nang detalyado at ganap tulad ng iba, kahit papaano ay tama ang intensyon natin, at isinasagawa natin ang katotohanan sa prosesong ito. Kung palagi tayong magtatakip at magkukunwari, pinoprotektahan at isinasaalang-alang ang ating mga personal na interes, hindi gusto ng Diyos ang mga taong gumagawa nito. Sa totoo lang, matagal nang nagtatrabaho ang lahat nang magkakasama, at nauunawaan na nating lahat ang isa’t isa. Kung kapag nagkakamali tayo ay patuloy lang nating pinagtatakpan ang mga ito o na nagkukunwari tayo, sa pag-aakalang kung mananahimik tayo ay hindi makikita ng iba ang ating mga kakulangan, napakahangal niyan. Hindi ka lang mabibigong umusad sa pag-unawa sa katotohanang prinsipyo, makahahadlang ka pa sa pagganap ng iyong tungkulin. Kung magpapatuloy ito nang matagal, mawawala sa iyo ang gawain ng Banal na Espiritu.” Nang marinig ko ang pagbabahagi ng superbisor, namula ang mukha ko sa hiya, at parang tinusok ang puso ko. Matagal na akong gumagawa ng tungkulin ko sa pangkat na ito, at gaano man karaming problema ang kaya kong makita, dapat ay taos-puso akong magtapat at magsalita tungkol sa mga ito, pinangungunahan ang lahat sa isang aktibong talakayan. Ito ay pagiging mapagsaalang-alang sa gawain at isang pagpapamalas ng pagsasagawa ng katotohanan. Gayumpaman, tanging ang sarili kong dangal ang isinaalang-alang ko, at hindi ko kayang ituring nang tama ang aking sariling mga depekto. Inakala kong ang pagpapahayag muna ng sarili kong mga opinyon at ideya ay maglalantad sa aking mga kakulangan, na magmumukhang mahina ang aking kakayahan. Kaya, naghintay ako hanggang matapos magpahayag ng opinyon ang lahat bago ko isinama ang mga iyon sa sarili kong pagkaunawa. Sa ganitong paraan, mas magiging komprehensibo at partikular ako, para hangaan ako ng mga tao at magmukha akong mabuti. Bilang lider ng pangkat, hindi ko isinaalang-alang ang gawain, at napahiya ako noong nagkamali ako, kaya sinubukan ko ang lahat ng posibleng paraan para pagtakpan ang mga iyon at magkunwari para walang makakilatis sa akin. Bilang resulta, pasibo lang akong naghintay roon habang tinatalakay ang mga problema. Nag-aksaya ito ng oras at nagpabagal sa pag-usad ng gawain ng pangkat. Hindi ko talaga ginagawa ang aking tungkulin. Sa halip, ginagamit ko ang pagkakataon ng pagtalakay sa mga sermon para magpasikat at mapahanga ko ang iba. Ako palagi ang huling nagpapahayag ng aking opinyon. Bagama’t mas komprehensibo kong tiningnan ang mga problema at ipinakita ang sarili kong mga pananaw, hindi ko matuklasan ang sarili kong mga pagkukulang, at inakala ko pa ngang magaling akong sumuri ng mga problema. Sa totoo lang, alam ng lahat kung ano ang kakayahan ko, pero para lang akong isang payaso, pumapalakpak sa sarili kong pagtatanghal. Napakahangal ko talaga!

Sa gabi, lumapit ako sa harap ng Diyos at nanalangin, “Mahal na Diyos, sinabi ng superbisor ngayon na napakapasibo ko sa pagtalakay ng mga sermon, na umaksaya sa oras at umantala sa pag-usad ng gawain. Labis pong nabagabag ang puso ko, at napagtanto kong sa panahong ito ay palagi akong namumuhay sa gitna ng dangal at katayuan. Gayumpaman, wala pa rin po akong pagkaunawa sa aking katiwalian. Isinasamo ko po sa Iyo na akayin ako para pagnilayan ang aking mga problema.” Pagkatapos manalangin, bigla kong naalala ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na nabasa ko noon, at hinanap ko ito para pag-isipan nang mabuti. Sabi ng Diyos: “Ang ilang tao ay madalang magsalita dahil sa mahinang kakayahan o simpleng pag-iisip, dahil sa kakulangan sa mga komplikadong kaisipan, pero kapag madalang magsalita ang mga anticristo, hindi ito para sa parehong dahilan; ito ay problema ng disposisyon. Madalang silang magsalita kapag nakikipagtagpo sa iba at hindi sila bastang nagpapahayag ng mga pananaw nila sa mga usapin. Bakit hindi nila ipinapahayag ang mga pananaw nila? Una, tiyak na wala sila ng katotohanan at hindi nila makilatis ang mga bagay-bagay. Kung magsasalita sila, puwede silang magkamali at makilatis; natatakot sila na maging mababa ang pagtingin sa kanila, kaya nagpapanggap sila na tahimik at may malalim na kaunawaan, kaya nagiging mahirap para sa iba na timbangin sila, nagmumukha silang marunong at namumukod-tangi. Sa panlabas na ito, hindi nangangahas ang mga tao na maliitin ang mga anticristo, at dahil nakikita nilang mukhang kalmado at mahinahon ang panlabas ng mga anticristo, mas tumataas ang tingin nila sa mga ito at hindi sila nangangahas na balewalain ang mga ito. Ito ang tuso at buktot na aspekto ng mga anticristo. Hindi nila basta-bastang ipinapahayag ang mga pananaw nila dahil ang karamihan sa mga pananaw nila ay hindi naaayon sa katotohanan, kundi pawang mga kuru-kuro at imahinasyon lang ng mga tao, hindi karapat-dapat na ilantad sa labas. Kaya, nananatili silang tahimik. Sa loob nila, nag-aasam silang makapagkamit ng kaunting liwanag na mailalabas nila para makapagkamit sila ng paghanga, pero dahil wala sila nito, tumatahimik sila at nagtatago tuwing ibinabahagi ang katotohanan, nag-aabang sa dilim gaya ng isang multong naghihintay ng pagkakataon. Kapag nakita nila ang iba na nagsasalita ng liwanag, humahanap sila ng mga paraan para gawin itong kanila, ipinapahayag ito sa ibang paraan para magmayabang. Ganito katuso ang mga anticristo. Anuman ang gawin nila, nagsisikap silang maging katangi-tangi at maging nakatataas, dahil doon lamang sila malulugod. Kung wala silang pagkakataon, hindi muna sila magpapapansin, at sasarilihin muna nila ang kanilang mga pananaw. Ito ang pagiging tuso ng mga anticristo. Halimbawa, kapag inilabas ng sambahayan ng Diyos ang isang sermon, ang ilang tao ay magsasabi na ito ay parang mga salita ng Diyos, at iisipin naman ng iba na ito ay mas tulad ng pagbabahagi mula sa ang Itaas. Sasabihin ng mga medyo simple ang puso kung ano ang nasa isip nila, pero ang mga anticristo, kahit na may opinyon sila tungkol dito, ay itatago iyon. Magmamasid sila at maghahandang sumunod sa pananaw ng nakararami, pero sa katunayan sila mismo ay hindi ito lubos na nauunawaan. Mauunawaan ba ng ganitong mga tuso at mandarayang tao ang katotohanan o magkakaroon ba sila ng tunay na pagkakilatis? Ano ang makikilatis ng isang taong hindi nakakaunawa sa katotohanan? Wala siyang anumang makikilatis. Ang ilang tao ay hindi tunay na makakilatis sa mga bagay-bagay pero nagpapanggap na malalim; sa totoo lang, wala silang pagkilatis at natatakot silang makikilatis sila ng iba. Ang tamang saloobin sa ganitong sitwasyon ay: ‘Hindi namin makilatis ang bagay na ito. Dahil hindi namin alam, dapat hindi kami magsalita nang hindi nag-iingat. Ang maling pagsasalita ay puwedeng magkaroon ng negatibong epekto. Maghihintay muna ako at titingnan ko kung ano ang sasabihin ng ang Itaas.’ Hindi ba’t iyan ay pagsasalita nang matapat? Ito ay simpleng wika lang, pero bakit hindi ito sinasabi ng mga anticristo? Ayaw nilang makilatis sila, dahil alam nila ang sarili nilang mga limitasyon; pero sa likod nito ay may kasuklam-suklam na intensyon—ang mahangaan. Hindi ba’t ito ang pinakanakasusuklam?(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikaanim na Aytem). Inilantad ng Diyos na ang mga anticristo ay tuso at mapanlinlang. Kapag madalas silang hindi nagsasalita, hindi ito dahil sa simple ang kanilang pag-iisip at wala silang mga ideya. Sa halip, ito ay dahil wala talaga sa kanila ang katotohanan at hindi nila kayang makilatis ang mga bagay-bagay. Gayumpaman, nagpapanggap silang malalim para hindi nila maibunyag ang sarili nilang mga kakulangan. Naghihintay sila ng pagkakataon para nakawin ang mga ideya at pananaw ng iba para ipagpasikat at ipagyabang ang kanilang sarili. Masyadong buktot ang kanilang kalikasan! Ang kalagayan ko ang mismong inilantad ng Diyos. Nang makita kong napakarami kong ibinubunyag na kakulangan sa kabila ng matagal nang paggawa ng mga tungkuling nakabatay sa teksto, nag-alala ako na mamaliitin ako ng mga kapatid at natakot akong makagawa ng mas maraming pagkakamali at mapahiya na naman. Kaya, kapag tinatalakay ang mga problema, hindi ako nakikipagbahaginan tungkol sa sarili kong mga opinyon kahit malinaw na mayroon ako, at nagpanggap pa akong seryosong nag-iisip, sadyang nagbibinbin hanggang sa ako na ang huli para mapagsama-sama ko ang opinyon ng lahat. Sa ganoong paraan, kahit na mali ang opinyong ipinahayag ko, magiging mali rin ang lahat at hindi ako mapapahiya. Kung tama naman ako, magiging mas mahusay at mas kumpleto ang sinabi ko kaysa sa sinabi ng mga sister. Maipapakita nito sa lahat na kahit bata ako, may kakayahan ako at kaya kong sumuri ng mga problema, at mapababango ko ang pangalan ko. Sa katunayan, hindi komprehensibo ang pagtingin ko sa mga problema, at mahina ang kakayahan ko, pero hindi ko pa rin ito kayang harapin nang matapat. Palagi kong gustong magpanggap bilang isang taong may mahusay na kakayahan at kayang sumuri ng mga problema para linlangin at iligaw ang mga tao. Talagang napakabuktot at napakamapanlinlang ko! Ang ibinunyag ko ay ang disposisyon ng isang anticristo, na kinamumuhian at kinasusuklaman ng Diyos.

Sa aking mga debosyonal, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kapag madalas sinasabi sa inyo ng mga nakatatanda sa pamilya na ‘Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito,’ ito ay para bigyan mo ng halaga ang pagpapaganda ng iyong imahe, mamuhay nang kagalang-galang na buhay, at hindi gumawa ng mga bagay na sumisira ng iyong puri. Kaya, ginagabayan ba ng kasabihang ito ang mga tao sa positibo o negatibong paraan? Magagawa ba nitong akayin ka tungo sa katotohanan? Magagawa ba nitong akayin ka na maunawaan ang katotohanan? (Hindi, hindi nito magagawa.) Tiyak na hindi! Ang hinihingi ng Diyos mula sa mga tao ay na maging matapat sila. Kapag ikaw ay sumalangsang, o nakagawa ng mali, o nakagawa ng isang bagay na naghihimagsik laban sa Diyos at lumalabag sa katotohanan, kailangan mong pagnilayan ang sarili mo, alamin ang pagkakamali mo, at himayin ang iyong mga tiwaling disposisyon; tanging sa ganitong paraan mo makakamit ang tunay na pagsisisi, at pagkatapos nito ay kikilos ka nang naaayon sa mga salita ng Diyos. Anong uri ng pag-iisip ang dapat taglayin ng mga tao para maisagawa ang pagiging matapat? Mayroon bang anumang salungatan sa pagitan ng hinihinging pag-iisip at ng pananaw na inihahalimbawa ng kasabihang, ‘Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito’? (Mayroon.) Ano ang salungatan? Ang kasabihang ‘Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito’ ay naglalayong bigyang-halaga ng mga tao ang pagsasabuhay ng kanilang maliwanag at makulay na pagkatao at ang paggawa ng mas maraming bagay na nagpapaganda ng imahe nila—sa halip na gumawa ng mga bagay na masama o walang dangal, o maglantad ng kanilang pangit na pagkatao—at pigilan silang mamuhay ng isang buhay na hindi kagalang-galang o marangal. Alang-alang sa pagpapahalaga sa sarili ng isang tao, alang-alang sa pagpapakintab ng kanyang imahe, hindi maaaring sabihin ng isang tao na siya ay lubos na walang halaga, lalong hindi niya masasabi sa iba ang tungkol sa madilim niyang pagkatao at mga kahiya-hiyang aspekto, dahil dapat mamuhay ang isang tao ng isang kagalang-galang at marangal na buhay, at upang magkaroon ng dignidad, kailangan niya ng pagpapahalaga sa sarili, at upang magkaroon ng pagpapahalaga sa sarili, kailangan niyang magkunwari at magpanggap. Hindi ba’t sumasalungat ito sa pagiging isang matapat na tao? (Oo.) Kapag ikaw ay nagiging isang matapat na tao, nabitiwan mo na ang kasabihang ‘Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito.’ Kung nais mong maging isang matapat na tao, huwag mong bigyang-importansiya ang iyong imahe; ang imahe ng isang tao ay walang kabuluhan. Sa harap ng katotohanan, dapat ilantad ng isang tao ang sarili, hindi magkunwari o magpakitang-taoe. Dapat ihayag ng isang tao sa Diyos ang tunay niyang mga kaisipan, ang mga pagkakamaling nagawa niya, ang mga aspektong lumalabag sa mga katotohanang prinsipyo, at iba pa, at ilantad din ang mga bagay na ito sa mga kapatid. Hindi ito isang usapin ng pamumuhay alang-alang sa pagpapahalaga sa sarili, sa halip, ito ay isang usapin ng pamumuhay para sa pagiging isang matapat na tao, pamumuhay para sa paghahangad sa katotohanan, pamumuhay para maging isang tunay na nilikha, at pamumuhay para bigyang-kasiyahan ang Diyos, at para maligtas. Ngunit kapag hindi mo nauunawaan ang katotohanang ito, at hindi mo nauunawaan ang layunin ng Diyos, ang mga bagay na ikinokondisyon sa iyo ng iyong pamilya ay may tendensiyang mangibabaw sa puso mo. Kaya, kapag may nagagawa kang mali, pinagtatakpan mo ito at nagpapanggap ka, iniisip na, ‘Hindi ko puwedeng sabihin sa kahit sino ang tungkol dito, at hindi ko rin papayagan ang sinumang nakakaalam ng tungkol dito na magsabi sa mga tao tungkol dito. Kung sinuman sa inyo ang may pagsasabihan, hindi ko kayo basta-bastang palalampasin. Ang pagpapahalaga ko sa sarili ang pangunahing priyoridad. Walang kabuluhan ang mabuhay maliban sa pagpapahalaga sa sarili, na mas mahalaga kaysa anupaman. Kung walang pagpapahalaga sa sarili ang isang tao, mawawalan siya ng dignidad. Kaya hindi ka maaaring magsalita nang makatotohanan, kailangan mong magpanggap, kailangan mong pagtakpan ang mga bagay-bagay, kung hindi, hindi ka na magkakaroon ng pagpapahalaga sa sarili o dignidad, at mawawalan ng saysay ang buhay mo. Kung walang rumerespeto sa iyo, wala kang kuwenta, isa ka lang basura kung gayon.’ Posible bang maabot ang pagiging isang matapat na tao sa pamamagitan ng pagsasagawa sa ganitong paraan? Posible bang maging ganap na bukas at himayin ang iyong sarili? (Hindi.) Malinaw na sa paggawa nito, sumusunod ka sa kasabihang ‘Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito’ na ikinondisyon ng iyong pamilya sa iyo. Gayumpaman, kung bibitiwan mo ang kasabihang ito para mahangad ang katotohanan at maisagawa ang katotohanan, hindi ka na maaapektuhan nito, at hindi mo na ito magiging salawikain o prinsipyo sa paggawa ng mga bagay-bagay, at sa halip, ang gagawin mo ay ang mismong kabaligtaran ng kasabihang ito na ‘Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito.’ Hindi ka na mamumuhay alang-alang sa iyong pagpapahalaga sa sarili, o para sa iyong dignidad, kundi sa halip, mamumuhay ka para sa paghahangad sa katotohanan, at pagiging isang matapat na tao, at paghahangad na mabigyang-kasiyahan ang Diyos at mamuhay bilang isang tunay na nilikha. Kung susundin mo ang prinsipyong ito, mabibitiwan mo na ang mga epekto ng pagkokondisyon ng iyong pamilya sa iyo(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (12)). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, naalala ko na tinuruan ako ng nanay ko mula pagkabata na “Kailangang huwag kang mapapahiya sa buhay. Hindi mo dapat basta-basta ipinapakita ang masamang panig mo sa mga tagalabas. Kung gagawin mo iyon, mamaliitin ka ng mga tao.” Ang satanikong lason ng “Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito” ay malalim na nakaugat sa aking puso. Naniwala akong kailangan ng mga taong ingatan ang kanilang kahihiyan sa buhay na ito, at hinding-hindi dapat basta-basta ilantad ang sariling mga kakulangan at depekto; kung gagawin nila iyon, magpapakababa sila at mawawalan sila ng integridad o dignidad. Kontrolado ng mga kaisipan at opinyong ito, partikular kong binigyang-pansin ang pag-iingat sa aking kahihiyan kapag kasama ko ang ibang tao, hindi ko kailanman basta-basta inilalantad ang sarili kong mga depekto at kakulangan, at pinagtatakpan at itinatago ko pa nga ang mga ito dahil sa kahihiyan. Halimbawa, noong nag-aaral ako, partikular kong binigyang-pansin kung ano ang iniisip ng iba sa akin. Kahit na malinaw na hindi ko masyadong naiintindihan ang ilang tanong, takot akong mawalan ng kahihiyan at mapahiya kung magtatanong ako sa iba, kaya kahit hindi ko maintindihan ang mga iyon, hindi ako nagtatanong. Ngayon, pareho lang ito noong ginagawa ko ang aking tungkulin. Halata namang sama-samang tinatalakay ng lahat ang mga problema para magpalitan ng sarili naming pag-arok at mga pananaw, at dapat kaming magsalita ayon sa dami ng aming nauunawaan. Ito ay pagiging isang matapat na tao. Kung ang lahat ay taos-pusong magtatapat, mas malilinawan kami habang mas nakikipagbahaginan, at mas komprehensibo naming makikita ang mga problema. Kapaki-pakinabang ito sa gawain at maaari ding pumuno sa aming mga kakulangan. Gayumpaman, natakot ako na kung makagagawa ako ng napakaraming pagkakamali habang ginagampanan ang aking tungkulin, magmumukhang mahina ang kakayahan ko. Para protektahan ang aking imahe, nahirapan pa akong sabihin ang aking mga opinyon; kailangan kong pag-isipan nang ilang beses ang isang pangungusap bago ito sabihin, sa takot na mapahiya ako kung hindi ako mag-iingat. Malinaw na kulang ang kakayahan ko, at hindi ko kayang komprehensibong tingnan ang mga problema. Gayunman, hindi pa rin ako makapagsabi nang totoo tungkol sa mga ito. Gusto ko pa ngang nakawin ang pagkaunawa at mga opinyon ng iba para sa sarili ko para matamo ko ang layon kong hangaan ng iba. Kahit na hiniling sa akin ng superbisor na pangunahan ang pakikipagbahaginan, mas pinili kong mag-aksaya ng oras at antalahin ang pag-usad kaysa kusang makipagbahaginan. Sa tuwing tinatalakay namin ang mga sermon, iniisip ko kung paano hindi mapapahiya, at para akong bibitayin sa pagpapahayag lang ng aking opinyon. Naisip ko pa ngang talikuran ang aking tungkulin. Mas pinahalagahan ko ang pag-iingat sa kahihiyan ko kaysa sa paggawa ng aking tungkulin at pagsasagawa ng katotohanan. Nakita ko na ang pamumuhay ayon sa mga satanikong lason na ito ay ginawa akong partikular na makasarili at mapanlinlang, palaging nararamdaman na ang taos-pusong pagtatapat ay maglalagay sa akin sa panganib na mapahiya. Pakiramdam ko, kung may masasabi akong mali, labis itong kahiya-hiya at nakabababa ng tingin. Gayumpaman, hindi ganoon ang tingin ng Diyos. Nais ng Diyos na maging matatapat tayong tao, ilabas ang ating mga tunay na iniisip, at ibahagi kung gaano ang ating nauunawaan. Tanging sa ganitong paraan tayo makakakilos nang may pagkaprangka at mamumuhay nang may dignidad at integridad. Halimbawa, ang sister na katuwang ko ay hindi malinaw na nakikita ang ilang problema, pero nagawa niyang magbahagi ng sarili niyang mga pananaw at pagkaunawa, at maghanap at makipagtalakayan sa lahat. Hindi siya minaliit ng superbisor, sa halip ay pinangunahan niya ang lahat na sama-samang makipagbahaginan at makipagtalakayan, matuto mula sa kalakasan ng bawat is para punan ang aming mga kahinaan. Mas malinaw ring nakita ng sister na kapareha ko ang sarili niyang mga problema, at naramdaman ng lahat na siya ay matapat at taos-puso. Lahat sila ay sumang-ayon at nagustuhan ang mga taong tulad niya. Samantalang ako, sa kabilang banda, palaging pinagtatakpan ang sarili kong mga ideya at opinyon para pangalagaan ang aking kahihiyan kapag tinatalakay ang mga problema, takot na makita ng iba ang aking mga kakulangan at maliitin ako. Sa katunayan, napakalinaw sa lahat kung ano ang aking kakayahan. Kahit na magsalita ako at ibunyag na marami akong kakulangan at depekto, magagawa kong remedyuhan ang aking mga kakulangan sa pamamagitan ng pagbabahaginan ng lahat. Magiging magandang pagkakataon ito para maunawaan ko ang katotohanan. Gayumpaman, palagi kong sinusubukang pangalagaan ang aking kahihiyan at naging negatibo at pasibo ako, nawalan ako ng maraming pagkakataong tulad nito. Talagang pinipinsala ko ang sarili ko.

Kalaunan, patuloy akong naghanap tungkol sa sarili kong mga problema, at mas luminaw ang isang landas ng pagsasagawa. Nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Upang maging isang matapat na tao, dapat mo munang ilantad ang iyong puso upang matingnan ito ng lahat, makita ang lahat ng iniisip mo, at masilayan ang iyong tunay na mukha. Kailangan ay hindi mo subukang magpanggap, o pagtakpan ang iyong sarili. Saka lamang magtitiwala ang iba sa iyo at ituturing kang isang matapat na tao. Ito ay ang pinakasaligang pagsasagawa, at isang pang-unang kailangan sa pagiging isang matapat na tao. Kung palagi kang nagpapanggap, palaging nagkukunwaring banal, marangal, dakila, at mataas ang karakter; kung hindi mo hinahayaang makita ng mga tao ang iyong katiwalian at iyong mga kapintasan; kung inihaharap mo ang isang huwad na imahe sa mga tao upang maniwala sila na ikaw ay may integridad, na ikaw ay dakila, mapagsakripisyo sa sarili, makatarungan, at di-makasarili, hindi ba’t panlilinlang at kabulaanan ito? Hindi ba makikilatis ng mga tao ang tunay mong pagkatao, pagtagal-tagal? Kaya, huwag kang magpanggap o magkubli sa iyong sarili. Sa halip, ilantad ang sarili mo at ang puso mo para makita ng iba. Kung mailalantad mo ang puso mo para makita ng iba, at mailalantad mo ang lahat ng iniisip mo at mga balak—kapwa positibo at negatibo—hindi ba’t pagkamatapat iyon? … Madali ba itong makamtan? Nangangailangan ito ng panahon ng pagsasanay, pati na ng madalas na pagdarasal sa Diyos at pag-asa sa Diyos. Kailangan mong sanayin ang iyong sarili na sabihin nang simple at hayagan ang mga salitang nasa iyong puso tungkol sa lahat ng bagay. Sa ganitong uri ng pagsasanay, magagawa mong umunlad. Kung makaranas ka ng matinding paghihirap, dapat kang manalangin sa Diyos at hanapin ang katotohanan; kailangan mong makipaglaban sa puso mo at madaig ang laman, hanggang sa maisagawa mo na ang katotohanan. Sa pagsasanay sa sarili mo nang ganito, paunti-unti, magbubukas nang dahan-dahan ang puso mo. Lalo ka pang magiging dalisay, at iba na ang magiging epekto ng mga salita at kilos mo sa dati. Mababawasan nang mababawasan ang iyong mga kasinungalingan at panlalansi, at magagawa mong mamuhay sa harap ng Diyos. Sa gayon, sa diwa, ay magiging matapat na tao ka na(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pinakasaligang Pagsasagawa ng Pagiging Isang Taong Matapat). “Marunong humawak ng responsabilidad ang mga taong matapat. Hindi nila isinasaalang-alang ang sarili nilang mga pakinabang at kawalan; iniingatan lamang nila ang gawain at mga interes ng sambahayan ng Diyos. Mayroon silang mabubuti at matatapat na puso na gaya ng mga mangkok ng malinaw na tubig kung saan makikita mo ang ilalim sa isang sulyap. Wala rin silang itinatago sa kanilang mga kilos(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (8)). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na kapag nagbabahagi ka sa mga pagtitipon o tinatalakay ang gawain sa sambahayan ng Diyos, dapat kang maging taos-puso at bukas, at maging isang matapat na tao. Hindi mo dapat isaalang-alang ang sarili mong dangal o mga interes, o magtakip at magkunwari; kapag may nakita kang anumang problema sa paggawa ng iyong tungkulin, dapat kang magtapat at magsalita tungkol sa mga ito, at huwag matakot na ipahayag ang iyong mga opinyon. Kapaki-pakinabang ito sa gawain ng iglesia, at mapupunuan ng mga kapatid ang isa’t isa. Dati, palagi akong napipigilan ng aking pagmamataas at hindi ako nangangahas na ipahayag ang aking mga opinyon, na paulit-ulit umantala sa pag-usad. Bilang resulta, hindi ako umusad sa paggawa ng aking tungkulin, at pakiramdam ko ay para akong bibitayin sa tuwing tinatalakay namin ang mga sermon; sikil na sikil ang puso ko at kinasusuklaman ako ng Diyos. Ito ang mapait na bunga ng hindi pagsasagawa ng katotohanan. Naisip ko ang sinabi ng Panginoong Jesus: “Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, ‘Malibang kayo’y magsipanumbalik, at maging tulad sa maliliit na bata, sa anumang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit’(Mateo 18:3). Mahal ng Diyos ang matatapat na tao. Kung hindi ko magagawang maging kasingtaos-puso at kasingtapat ng isang maliit na bata, at palagi akong magkukunwari para hangaan ako ng iba, sa huli ay hindi ako maliligtas. Noong panahong iyon, madalas akong manalangin sa Diyos sa aking puso, isinasamo sa Kanya na palaging siyasatin ang aking puso at bigyan ako ng pananalig at lakas. Handa akong bitiwan ang aking dangal at mga interes, isagawa ang katotohanan, at maging isang matapat na tao, sinasabi kung gaano karami ang aking nauunawaan, taos-puso na nagtatapat, at hindi na pinoprotektahan ang sarili kong dangal at katayuan.

Hindi nagtagal, pumunta ako sa ibang lugar, kung saan gumawa rin ako ng mga tungkuling nakabatay sa teksto. Naisip ko na marami akong mga kakulangan, at kailangang matuto mula sa kalakasan ng aking mga kapatid para mapunan ang aking mga kahinaan. Kapag tinatalakay ang mga sermon, palaging nalalantad ang aking mga paglihis at problema. Nag-aalala ako kung ano ang magiging tingin sa akin ng mga kapatid at kung mamaliitin ba nila ako. Partikular na, may isang beses na hindi ko malinaw na makita ang problema sa isang sermon. Matapos itong basahin nang ilang beses, medyo nalilito pa rin ako, kaya nag-atubili akong ipahayag ang aking opinyon. Habang tumatakbo ang oras, mas lalo akong nababalisa. Naisip ko, “Hindi pa masyadong malinaw sa akin ang tanong na ito. Dapat ba akong magsalita tungkol dito? Marami akong nagawang pagkakamali kamakailan. Ano ang gagawin ko kung magkamali na naman ako? Ano ang iisipin sa akin ng superbisor at ng sister na kapareha ko? Iisipin ba nila na napakahina ng kakayahan ko at hindi ako karapat-dapat sa tungkuling ito? Siguro dapat hintayin ko munang magsalita ang sister na kapareha ko. Magpapahuli ako para pakinggan ang kanyang opinyon at saka ako magpapasya kung magsasalita ba ako.” Gayumpaman, naisip ko na kung magpapaliban pa ako, masasayang lang ang oras. Tahimik akong nanalangin sa aking puso, isinasamo sa Diyos na pakalmahin ang aking puso para hindi ako mapigilan ng pagmamataas at makapagbahagi kung gaano man karami ang nauunawaan ko. Naalala ko rin ang mga salita ng Diyos: “Huwag kang magpanggap o magkubli sa iyong sarili. Sa halip, ilantad ang sarili mo at ang puso mo para makita ng iba(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pinakasaligang Pagsasagawa ng Pagiging Isang Taong Matapat). “Marunong humawak ng responsabilidad ang mga taong matapat. Hindi nila isinasaalang-alang ang sarili nilang mga pakinabang at kawalan; iniingatan lamang nila ang gawain at mga interes ng sambahayan ng Diyos. Mayroon silang mabubuti at matatapat na puso na gaya ng mga mangkok ng malinaw na tubig kung saan makikita mo ang ilalim sa isang sulyap. Wala rin silang itinatago sa kanilang mga kilos(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (8)). Binigyan ako ng lakas sa aking puso ng mga salita ng Diyos. Bagama’t hindi ko maarok ang problemang ito, mayroon naman akong sariling opinyon, at dapat kong sabihin kung ano ang iniisip ko. Kung palagi akong magtatago sa likuran at hindi makikipagbahaginan para lang maingatan ang aking kahihiyan, kahit maingatan ko nga, hindi mabubunyag ang aking mga kakulangan at hindi makikita ng iba ang aking mga tunay na iniisip. Hindi ako magiging isang matapat na tao sa mga mata ng Diyos. Kailangan kong maging matapang at tumigil sa pagtatakip at pagkukunwari. Pagkatapos, ibinahagi ko ang aking mga opinyon at nagsalita ako tungkol sa aking pagkalito. Tinalakay ng superbisor ang ilang detalye ng aking mga opinyon. Sa pamamagitan nito, nagkamit ako ng mas malinaw na pagkaunawa sa problemang nakalilito sa akin, at nakita ko rin ang sarili kong mga kakulangan at depekto. Tuwang-tuwa ako na naipahayag ko ang aking mga opinyon at kaisipan, kung hindi, malilito pa rin ako sa problemang ito. Bagama’t ibinunyag ng hakbang na ito ang aking mga kakulangan, nakatulong din ito para mapunan ang mga iyon. Pagkatapos, kapag nakikipag-ugnayan tungkol sa gawain o nakikipagtalakayan ng mga sermon, sinasadya kong bitiwan ang aking pagmamataas at nagsasalita ako kung gaano karami ang aking nauunawaan. Bagama’t ibinunyag nito ang marami sa aking mga kakulangan at depekto, at napahiya ako nang kaunti, mas luminaw sa akin ang mga kaugnay na katotohanang prinsipyo, at bumuti nang husto ang kahusayan ko sa paggawa ng aking tungkulin. Naranasan ko na ngayon na ang pagsasagawa ng katotohanan at pagiging isang matapat na tao ay nagdulot sa akin ng maraming benepisyo at tulong. Hindi na ako nakatali sa napakaraming pasanin, at pakiramdam ko ay naging mas simple na ang aking isipan. Ang kaunting pagsasagawa at pagpasok na nakamit ko ay bunga ng kaliwanagan at patnubay ng mga salita ng Diyos. Salamat sa Diyos!

Sinundan: 79. Paano Ako Nakalaya Mula sa mga Gapos ng Kasikatan at Pakinabang

Sumunod: 81. Ang Aral na Natutuhan Ko Nang Paalisin ang mga Kapamilya Ko

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito