76. Sa Wakas, Nakaalis na Ako sa Anino ng Mababang Pagtingin sa Sarili

Ni Shimai, Tsina

Simula pa noong bata ako, medyo mabagal na ang reaksyon at pang-unawa ko. Noong nag-aaral pa ako, kapag nagtatanong ang mga titser ng mga medyo kumplikadong tanong, hindi ako agad makasagot at madalas mali ang mga sagot ko. Dahil doon, madalas akong pagtawanan ng mga kaklase ko at sinasabi rin ng mga titser ko na bobo ako. Mula noon, pakiramdam ko ako na ang pinakabobo sa mga ka-edad ko. Sabi pa ng mga titser, ang mga estudyanteng tulad ko na mahina sa pag-aaral ay magiging mga trabahador lang o magsasaka paglaki, habang iyong magagaling mag-aral ay puwedeng maging mga lider o manager. Sobrang sakit para sa akin ng mga salitang iyon. Lalo rin akong naging introvert at lalo akong umayaw na magsalita, at takot na akong makisalamuha sa iba.

Noong 2006, tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Noong nagsimula akong dumalo sa mga pagtitipon, takot akong pagtawanan, kaya hindi ako nangangahas na maunang magbahaginan. Kadalasan, ako ang huling nagbabahagi. Pero, hindi ako minaliit ng mga kapatid, at sa halip ay hinikayat pa nila akong mas magbahagi, kaya tumigil ang pakiramdam kong napipigilan ako sa puso ko. Kalaunan, nabigyan na rin ako ng tungkulin. Pero, palagi pa rin akong nakakaramdam ng pagiging mababa dahil sa mabagal kong reaksyon at mahinang kakayahan, at madalas maapektuhan ang kalagayan ko kapag ginagawa ko ang tungkulin ko. Sa simula, ang ginagawa ko ay tungkuling nakabatay sa imahe. Sa tuwing tinatalakay namin ang mga imahe kasama ang mga sister na kapareha ko, napakabilis nilang makita ang mga problema sa mga imahe at nakakapagmungkahi sila ng mga pagbabago. Pero, mas mabagal ang reaksyon ko at kailangan ko pang tingnan nang ilang beses bago makakita ng mga problema. Minsan, kapag nag-iisip kami ng mga ideya para sa paggawa ng mga imahe, gusto ko sanang sabihin ang mga pananaw at ideya ko, pero pakiramdam ko mahina ang kakayahan ko at hindi ko makita ang mga pangunahing problema, kaya wala ring gaanong silbi kung magsasalita ako, at mapapahiya pa ako kapag nagkamali ako ng sinabi. Kaya, bihira akong magpahayag ng mga opinyon ko.

Isang beses, hiniling sa akin ng isang sister na kasama kong gumagawa na suriin ko kung kailangan bang gawin ulit ang isang imahe. Pagkatapos kong tingnan, pakiramdam ko maganda naman ang visual effect ng imahe, at hindi na kailangang ulitin. Pero, naisip ko na dahil mahina ang kakayahan ko at hindi ko kayang makakita ng mga problema nang tumpak, kaya hiniling ko na lang sa lider ng pangkat na tingnan ito. Sa huli, iba ang opinyon ng lider ng pangkat kaysa akin, at sa tingin niya may problema sa konsepto ng imahe at kailangan itong ulitin. Gusto ko sanang sabihin ang opinyon ko, pero naisip ko, “May mahusay na kakayahan ang lider ng pangkat, kabisado na niya ang mga prinsipyo, at mas magaling ang propesyonal na kasanayan niya kaysa sa akin. Bobo na ako mula pagkabata, at hindi mahusay ang abilidad kong umunawa ng mga bagay-bagay. Siguro ako ang nagkamali sa pagsuri ng imahe. Hindi na ako magpipilit. Mahina na nga ang kakayahan ko, kung hindi ko pa tatanggapin ang mungkahi ng iba, mas lalo pa akong mapapahiya. Hayaan mo na, gawin na lang natin ulit ang imahe ayon sa mungkahi ng team leader.” Hindi ko inaasahan na kinabukasan, sinabi ng superbisor na angkop naman ang konsepto ng imahe at hindi na kailangang ulitin. Naghanap pa siya ng mga kaugnay na prinsipyo at itinuro ang mga paglihis namin. Naisip ko sa sarili ko, kung paanong pumasok din sa isip ko ang mga prinsipyong nahanap ng superbisor noong panahong iyon. Kung nagpumilit ak, naging mas mainam pa siguro. Gumugol ng mahabang oras ang katuwang ko sa pag-edit ng imahe, pero nauwi lang sa wala ang lahat sa huli, at naantala pa ang ibang gawain. Medyo hindi ako mapalagay at sinisisi ko ang sarili ko, pero hindi ako nagnilay-nilay sa sarili ko pagkatapos. Sa isa pang pagkakataon, sinusuri ko ang isang imahe. Matapos kong tingnan nang ilang beses, pakiramdam ko ay angkop naman ang visual effect nito, at kailangan lang ng kaunting pagbabago. Pero, tiningnan ito ng ilang sister at sinabing hindi malinaw ang temang ipinapahayag nito at wala itong halaga. Sa puso ko, hindi ako sang-ayon sa pananaw nila, at gusto kong sabihin ang sarili kong opinyon. Pero naisip ko, “Mas mahusay ang kakayahan nila, mas naaarok nila ang mga prinsipyo kaysa sa akin, at mas malalim ang pagtingin nila sa mga problema kaysa sa akin. Bobo na ako mula pagkabata at mahina ang kakayahan ko, kaya siguro ako ang nagkamali ng tingin.” Medyo naging negatibo rin ako, “Nakikita ng ibang tao ang mga problema at kung ano ang kulang dito, pero ilang beses ko nang tiningnan at wala akong makitang problema. Sobrang hina talaga ng kakayahan ko. Mukhang hindi talaga ako angkop na gawin ang tungkuling ito.” Pero, hindi ko inaasahan, tiningnan ng superbisor ang imaheng ito at sinabing puwede na itong gamitin pagkatapos ng kaunting pagbabago. Nagsisi tuloy ako na sana nagpumilit na lang ako noon. Kalaunan, tinanong ako ng superbisor, “Bakit hindi mo pinanindigan ang pananaw mo? Muntik nang maibasura ang isang mahalagang imahe dahil diyan! Kung sa tingin mo tama ang pananaw mo, sabihin mo ang opinyon mo at makipagtalakayan sa lahat. Kahit na magkamali ka pa ng sasabihin, ayos lang na itama iyon kalaunan.” Nang marinig ko ang sinabi ng superbisor, sobrang nabagabag ako. Pero, masyado akong iginapos ng tiwali kong disposisyon, kaya hindi pa rin ako nangahas na ipahayag ang pananaw ko pagkatapos. Dahil palagi akong namumuhay sa negatibong kalagayan dahil sa mahina kong kakayahan, at palaging ayaw kong magpahayag ng mga opinyon sa paggawa ng tungkulin ko, matagal akong hindi umunlad at hindi ko kayang pasanin ang gawain. Kalaunan, tinanggal ako. Pero, hindi ako nagnilay-nilay sa sarili ko; sa halip, lalo lang nitong pinatunayan sa akin na mahina ang kakayahan ko.

Noong Hulyo 2022, isinaayos ng iglesia na gumawa ako ng tungkulin sa mga pangkalahatang gawain. Nakita ko na kahit hindi gaanong nakapag-aral ang sister na katuwang ko, mabilis ang reaksyon niya at mabilis matuto ng mga bagay. Mas mahusay din siya kaysa sa akin sa paggawa ng tungkulin niya. Hindi pa rin ako nangangahas na magpahayag ng mga opinyon ko noong katuwang ko siya. Minsan, atubuli akong nagsasabi ng kaunting salita, pero kapag nagbigay ang sister ko ng ibang pananaw, agad kong ibinabasura ang sa akin nang walang pagdadalawang-isip. Palagi akong kimi at alanganin sa harap ng sister ko, takot na baka sabihin niyang kahit wala akong anumang nauunawaan, nagsasalita pa rin ako ng walang kuwentang bagay at ginugulo ang mga bagay-bagay, kaya naging napakapasibo ko sa tungkulin ko.

Madalas kong isipin, “Bakit ba kahabag-habag at nakakapagod ang buhay ko?” Noon lang Nobyembre 2022, nang mabasa ko ang pagbabahagi ng Diyos sa mga katotohanan tungkol sa paglutas sa mga damdamin ng mababang pagtingin sa sarili, saka ko naunawaan ang sarili kong kalagayan. Nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Sa panlabas, ang pagiging mas mababa ay isang emosyon na naipapamalas sa mga tao; pero sa katunayan, ang ugat nito ay ang katiwalian ni Satanas, ang kapaligirang ginagalawan ng mga tao, at sariling mga obhetibong dahilan ng mga tao. Ang buong sangkatauhan ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng masama, lubos na ginawang tiwali ni Satanas at walang nagtuturo sa susunod na henerasyon nang alinsunod sa katotohanan, gamit ang mga salita ng Diyos, sa halip, nagtuturo sila nang alinsunod sa mga bagay na nagmumula kay Satanas. Kaya naman, maliban sa ginagawa nitong tiwali ang mga disposisyon at diwa ng mga tao, ang kahihinatnan ng pagtuturo sa susunod na henerasyon at sangkatauhan ng mga bagay na kay Satanas ay ang pag-usbong ng mga negatibong emosyon sa mga tao. … Gamitin nating halimbawa ang emosyon ng pagiging mas mababa. Ang iyong mga magulang, guro, nakatatanda, at ang ibang tao sa paligid mo ay pawang may hindi makatotohanang pagsusuri sa iyong kakayahan, pagkatao, at integridad, at ang ginagawa nito sa iyo ay aatakihin ka, uusigin, susupilin, hahadlangan, at igagapos. Sa huli, kapag wala ka nang lakas na lumaban pa, wala ka nang magawa kundi ang piliin ang buhay kung saan tahimik mong tinatanggap ang mga insulto at pamamahiya, tahimik mong tinatanggap ang ganitong uri ng hindi patas at hindi makatarungang realidad bagama’t alam mong hindi dapat. Kapag tinanggap mo ang realidad na ito, ang mga emosyon na uusbong sa iyo sa huli ay hindi mga emosyong nagagalak, nasisiyahan, positibo o progresibo; hindi ka namumuhay nang may higit na motibasyon at direksyon, lalong hindi mo hinahangad ang tumpak at tamang mga layon para sa buhay ng tao, kundi sa halip, lilitaw sa iyo ang matinding emosyon ng pagiging mas mababa. Kapag lumitaw ang emosyong ito sa iyo, pakiramdam mo ay wala kang matatakbuhan. Kapag naharap ka sa isang isyu kung saan nangangailangan na magpahayag ka ng pananaw, ilang beses mong pag-iisipan ang gusto mong sabihin at ang pananaw na nais mong ipahayag sa kaibuturan ng iyong puso, pero hindi mo pa rin magawang sabihin ito. Kapag may isang tao na nagpapahayag ng pananaw na pareho ng sa iyo, tinutulutan mo ang iyong sarili na makaramdam sa puso mo na tama ka, isang kumpirmasyon na hindi ka mas mababa kaysa sa ibang tao. Pero kapag nangyayaring muli ang ganoong sitwasyon, sinasabi mo pa rin sa iyong sarili, ‘Hindi ako pwedeng magsalita nang basta-basta lang, gumawa ng anuman nang pabigla-bigla, o maging katatawanan. Wala akong kwenta, ako ay estupido, hangal, at mangmang. Kailangan kong matuto kung paano magtago at makinig lang, hindi magsalita.’ Mula rito ay makikita natin na simula sa punto ng pag-usbong ng emosyon ng pagiging mas mababa hanggang sa kapag malalim na itong nakabaon sa kaibuturan ng puso ng isang tao, hindi ba’t napagkakaitan siya ng sarili niyang kalooban at ng mga lehitimong karapatan na ipinagkaloob sa kanya ng Diyos? (Oo.) Napagkaitan siya ng mga bagay na ito. Sino mismo ang nagkait sa kanya ng mga ito? Hindi mo masabi nang tiyak, hindi ba? Wala sa inyo ang makapagsasabi nang tiyak. Ito ay dahil, sa buong prosesong ito, hindi ka lamang biktima, kundi ikaw rin ang salarin—ikaw ang biktima ng ibang tao, at ikaw rin ang biktima ng iyong sarili. Bakit ganoon? Kasasabi Ko lang na ang isang dahilan ng pag-usbong sa iyo ng pakiramdam ng pagiging mas mababa ay nanggagaling sa sarili mo mismong mga obhetibong dahilan. Sapagkat nagsimula ka nang magkaroon ng pakiramdam ng awtonomiya, ang iyong batayan sa paghusga sa mga pangyayari at bagay-bagay ay nagmula sa pagtitiwali ni Satanas, at ang mga pananaw na ito ay ikinintal sa iyo ng lipunan at ng sangkatauhan, at hindi itinuro sa iyo ng Diyos. Samakatwid, kailanman o saan mang konteksto umuusbong ang emosyon mo ng pagiging mas mababa, at gaano man kalubha na ang iyong emosyon ng pagiging mas mababa, ikaw ay walang magawang nakagapos at kontrolado ng mga emosyong ito, at ginagamit mo ang mga pamamaraang ito na ikinintal sa iyo ni Satanas sa pagharap mo sa mga tao, pangyayari, at bagay sa iyong paligid. Kapag malalim na nakatanim sa iyong puso ang emosyon ng pagiging mas mababa, bukod sa may matinding epekto ito sa iyo, pinangingibabawan din nito ang iyong mga pagtingin sa mga tao at bagay, at ang iyong sariling asal at mga kilos(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (1)). Talagang nauunawaan ng Diyos ang mga kalagayan ng tao. Ganoong-ganoon nga ang pag-uugali ko. Mula pa noong bata ako hanggang sa mag-hustong gulang, pakiramdam ko ay mabagal akong mag-react, bobo, at mahina ang kakayahan, kaya hindi ako nangangahas na magpahayag ng mga opinyon, palaging umaatras, at laging takot na magkamali. Lahat ng ito ay dahil sa hindi tumpak na pagsusuri sa akin ng mga titser ko noong nasa eskuwela ako. Noong nag-aaral pa ako, dahil sa mahina kong pang-unawa at mabagal na reaksyon, at dahil hindi ako agad natututo tulad ng mas matatalino kong kaklase, sa pagsusuri ng mga titser, ako ay bobo at hangal. Dahil sa panunuya ng mga titser at pangungutya ng mga kaklase ko, naramdaman kong napakababa ko. Matapos akong manampalataya sa Diyos at gumawa ng tungkulin ko, sa tuwing nakakasalamuha ko ang mga kapatid na mabilis mag-isip, iniisip ko na mahusay ang kakayahan ng ganitong uri ng tao at tiyak na magugustuhan sila ng Diyos. Sa kabaligtaran, naniwala akong mahina ang kakayahan ko dahil mabagal akong mag-isip. Palagi akong namumuhay sa negatibong kalagayan, at napakapasibo ko sa paggawa ng tungkulin ko. Kadalasan, hindi ako nangangahas na magpahayag ng pananaw ko, at kapag paminsan-minsan ay ginagawa ko ito at may tumututol, hindi ako nangangahas na talakayin ang mga ideya ko sa kanila dahil sa mababang tingin ko sa sarili, kahit hindi ako lubos na sang-ayon sa kanila. Naisip ko na matatalino at mahuhsay ang kakayahan ng mga sister na katuwang ko, kaya tiyak na mas tumpak ang pagtingin nila sa mga bagay-bagay kaysa sa akin, at itinatakwil ko ang lahat ng sarili kong ideya. Ang negatibong damdaming ito ay parang isang hindi nakikitang lubid na mahigpit na gumagapos sa akin, dahilan para hindi ako mangahas na ipahayag ang mga opinyon ko. Kusang-loob akong nagpapakontrol sa mababang pagtingin ko sa sarili, namumuhay ng kahabag-habag na buhay, at hindi ko magawa ang mga bagay na kaya kong gawin. Sa huli, nabigo akong gawin nang maayos ang tungkulin ko at tinanggal ako. Sobrang laki ng pinsalang idinulot sa akin ng negatibong damdaming ito!

Nagbasa pa ako ng mga salita ng Diyos: “Ito man ay pagiging mas mababa o iba pang negatibong emosyon, dapat mong taglayin ang tamang pagkaunawa sa mga interpretasyon na humahantong sa paglitaw ng emosyong ito. Una, dapat mong maunawaan na ang mga interpretasyong iyon ay hindi tama, at ito man ay tungkol sa iyong kakayahan, talento, o sa iyong karakter, ang mga pagsusuri at kongklusyon nila sa iyo ay palaging mali. Kaya, paano mo tumpak na masusuri at makikilala ang iyong sarili, at paano ka makalalaya sa emosyon ng pagiging mas mababa? Dapat mong gamitin ang mga salita ng Diyos bilang batayan sa pagkamit ng pagkilala sa iyong sarili, pag-alam sa kung ano ang iyong pagkatao, kakayahan, at talento, at kung anong mga kalakasan ang mayroon ka. Halimbawa, ipagpalagay na dati kang mahilig at magaling kumanta, pero palagi kang pinupuna at minamaliit ng ilang tao, sinasabing hindi ka makasabay sa tugtog at na wala ka sa tono, kaya ngayon ay nadarama mo na hindi ka magaling kumanta at hindi ka na naglalakas-loob na gawin ito sa harap ng ibang tao. Dahil mali kang sinuri at hinusgahan ng mga taong iyon na makamundo, ng mga taong magulo ang isip at ordinaryo, nalimitahan ang mga karapatan na nararapat sa iyong pagkatao, at napigilan ang iyong talento. Bilang resulta, ni hindi ka na naglalakas-loob kumanta ng isang awitin, at matapang ka lang na nakakakanta nang malakas at malaya kapag nag-iisa ka. Dahil karaniwan ay nararamdaman mo na masyado kang napipigilan, kapag hindi ka nag-iisa, hindi ka nangangahas na kumanta ng awitin; nangangahas ka lang na kumanta kapag mag-isa ka, tinatamasa ang oras na nagagawa mong kumanta nang malakas at malinaw, at sobrang kaaya-aya at malaya ang pakiramdam mo sa oras na iyon! Hindi ba’t totoo iyon? Dahil sa pinsalang nagawa sa iyo ng mga tao, hindi mo alam at hindi mo malinaw na nakikita kung ano ba talaga ang kaya mong gawin, kung saan ka magaling, at kung saan ka hindi magaling. Sa ganitong sitwasyon, kailangan mong gumawa ng tamang pagsusuri at sukatin nang tama ang iyong sarili batay sa mga salita ng Diyos. Dapat mong pagtibayin kung ano ang natutunan mo at kung saan nakasalalay ang mga kalakasan mo, at humayo ka at gawin mo ang anumang kaya mo; para naman sa mga bagay na hindi mo kayang gawin, ang iyong mga kakulangan at kapintasan, dapat mong pagnilayan at kilalanin ang mga ito, at dapat din na tumpak mong suriin at alamin kung ano ang kakayahan mo, at kung mahusay o mahina ba ito. Kung hindi mo maunawaan o malinaw na makilala ang sarili mong mga problema, kung gayon, hilingin mo sa mga tao sa paligid mo na may pagkaunawa na kilatasin ka. Tumpak man o hindi ang sasabihin nila, kahit papaano ay mabibigyan ka nito ng pagbabatayan at mabibigyan ka nito ng kakayahan na magkaroon ng batayang pagsusuri o paglalarawan sa iyong sarili. Pagkatapos, malulutas mo na ang esensiyal na problema ng negatibong emosyon ng pagiging mas mababa, at unti-unti kang makakaahon mula rito. Ang emosyon ng pagiging mas mababa ay madaling lutasin kung makakakilatis at, mamumulat dito ang isang tao, at kung mahahanap niya ang katotohanan(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (1)). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na hindi tumpak ang pagsusuri sa akin ng mga titser ko sa eskuwelahan, at hindi rin obhetibo ang pagsusuri ko sa sarili ko. Para malutas sa mababang pagtingin ko sa sarili, kailangan kong magkaroon ng tumpak na pagsusuri sa sarili ko, sukatin ang sarili ko ayon sa mga salita ng Diyos, at pakinggan ang mga pagsusuri at opinyon sa akin ng mga kapatid sa paligid ko. Ang pagsasagawa lang sa ganitong paraan ang magiging tumpak. Kaya, hiniling ko sa sister na kapareha ko na suriin ako. Sabi niya, “Sa totoo lang, hindi ka naman ganoon kahina gaya ng sinasabi mo. Nakakaunawa ka rin ng ilang problema, at may ilang pananaw at mungkahi ka na kapaki-pakinabang. Minsan kapag tinatanong kita kung bakit ganoon ang pananaw mo, hindi ko sinasabing mali ka. Gusto ko lang malaman kung alinsunod sa anong mga prinsipyo mo sinasabi iyon. Pero, lagi mong itinatanggi ang sarili mo. Sa hinaharap, kung sa tingin mo ay naaayon sa prinsipyo ang pananaw mo, kailangan mong magsalita, at makipagbahaginan at talakayin ito sa lahat. Pagiging responsable rin ito sa tungkulin mo.” Kalaunan, nagsanay akong ipahayag ang mga opinyon ko habang ginagawa ang tungkulin ko. Karamihan sa mga mungkahi ko ay natatanggap naman ng kapareha kong sister. Mas mabilis ang sister ko sa paggawa ng mga pangkalahatang gawain kaysa sa akin, pero sinabi niyang hindi siya magaling sa pagsusulat ng mga liham para makipagbahaginan sa mga kapatid, at hiniling niya sa akin na dagdagan ko pa ang paggawa nito. Sa pamamagitan ng pananalangin sa Diyos at paghahanap at pagninilay sa mga kaugnay na katotohanan, nakatulong din ako sa mga kapatid na lutasin ang ilang problema. Noong sandaling iyon, naramdaman kong hindi pala ako ganap na walang silbi: kaya kong maunawaan ang katotohanan; bagama’t medyo mas mabagal ang reaksyon ko kaysa sa iba, sa dahan-dahang pagninilay, nakakaunawa rin ako ng ilang prinsipyo, at nakakaisip ng ilang landas ng pagsasagawa, at nakakagawa ng ilang tungkulin. Nang gumawa ako ng mga tungkulin pagkatapos, hindi na gaanong napipigilan ang puso ko tulad ng dati.

Noong Mayo 2023, hiniling sa akin ng mga lider na maging superbisor ng pangkat ng sining. Sobrang kaba ko. May kakayahan ba akong maging superbisor? Gusto ko sanang tumanggi, pero naisip ko na nasa kataas-taasang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos ang paggawa ko sa tungkuling ito, at dapat akong magpasakop. Pagkatapos magsanay nang ilang panahon, nakita ko na ang dalawang sister na kasama kong gumagawa ay hindi lang mabilis mag-isip at may mahusay kakayahan, kundi napakagaling din ng kapabilidad sa gawain. Nag-alala tuloy ako na baka maliitin ako ng mga sister dahil mabagal akong mag-react. Pakiramdam ko, hindi ko magagampanan ang papel ng isang superbisor, at mas mabuti pang manahimik na lang ako at gampanan ang pagiging miyembro ng pangkat. Sa ganoong paraan, hindi ako magmumukhang ganoon kahina. Habang mas iniisip ko ito, mas lalo akong nagiging negatibo. Naging napakapasibo ko rin sa paggawa ng mga tungkulin ko. Palagi kong sinasabing hindi ako magalingy at mahina ang kakayahan ko, umaasang magtatalaga ang mga lider ng isang taong may mahusay na kakayahan para pumalit sa akin. Nababagabag ang puso ko sa pamumuhay sa ganitong negatibo at pasibong kalagayan. Naisip ko kung gaano kaapurahan ang gawain, pero pasibo pa rin ako at hindi ko pinagsisikapang humusay pa. Hindi ito pagprotekta sa gawain ng sambahayan ng Diyos! Kailangan kong agad na baligtarin ang negatibo at pasibong kalagayang ito.

Kalaunan, nagnilay ako. Mula pagkabata hanggang mag-hustong gulang, palagi kong pinaniniwalaan na ang mabagal kong reaksyon ay nangangahulugang mahina ang kakayahan ko, na naging dahilan para palagi akong maging pasibo at negatibo sa paggawa ng tungkulin ko. Ang pagsukat ba ng mga bagay sa ganitong paraan ay naaayon sa katotohanan? Nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Paano natin sinusukat ang kakayahan ng mga tao? Ang angkop na paraan para gawin ito ay sa pamamagitan ng pagtingin sa saloobin nila sa katotohanan at kung kaya nilang maarok ang katotohanan o hindi. Kaya ng ilang tao na napakabilis na matuto ng ilang kasanayan, ngunit kapag naririnig nila ang katotohanan ay naguguluhan sila at inaantok sila. Sa puso nila, nalilito sila, walang pumapasok sa naririnig nila, at hindi rin nila nauunawaan ang naririnig nila—iyan ang mahinang kakayahan. Sa ilang tao, kapag sinabi mong mahina ang kakayahan nila, hindi sila sumasang-ayon. Iniisip nila na ang pagiging mataas ang pinag-aralan at marunong ay nangangahulugang mahusay ang kakayahan nila. Ang isang mabuting edukasyon ba ay nagpapakita ng mataas na kakayahan? Hindi. Paano dapat sukatin ang kakayahan ng mga tao? Dapat itong sukatin batay sa antas ng pagkaarok nila sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan. Ito ang pinakawastong paraan ng paggawa nito. Ang ilang tao ay magaling magsalita, mabilis mag-isip, at bihasang-bihasa makitungo sa ibang tao—ngunit kapag nakikinig sila sa mga sermon, hindi nila kailanman nagagawang maintindihan ang kahit na ano, at kapag nagbabasa sila ng mga salita ng Diyos, hindi nila naaarok ang mga ito. Kapag nagsasalita sila tungkol sa kanilang patotoong batay sa karanasan, palagi silang bumibigkas ng mga salita at doktrina, inihahayag ang mga sarili nila bilang mga baguhan lamang, at ipinapadama sa iba na wala silang espirituwal na pang-unawa. Ang mga ito ay mga taong may mahinang kakayahan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Upang Matupad Nang Maayos ang Tungkulin ng Isang Tao, Pag-unawa sa Katotohanan ang Pinakamahalaga). Lumalabas na ang pagiging edukado, mabilis mag-isip, at mahusay magsalita ay hindi nangangahulugang may mahusay na kakayahan ang isang tao. Hindi sinusukat ng Diyos ang kakayahan ng mga tao sa pamamagitan ng pagtingin sa antas ng kanilang edukasyon o sa bilis ng kanilang pag-iisip, kundi pangunahing nakabatay sa pagtingin sa antas ng kanilang pag-unawa at pagtanggap sa katotohanan. Ang mga taong may mahusay na kakayahan ay may dalisay na pagkaarok at pagkaunawa sa mga salita ng Diyos. Kaya nilang pagnilayan at unawain ang sarili nilang mga tiwaling kalikasan, at makahanap ng tumpak na mga prinsipyo ng pagsasagawa sa mga salita ng Diyos kapag dumarating sa kanila ang mga problema o paghihirap. Ang mga taong may mahinang kakayahan ay hindi kayang maunawaan ang katotohanan, at hindi kayang ihambing ang kanilang sarili sa mga salita ng Diyos o kilalanin ang kanilang sarili. Kapag dumarating sa kanila ang mga bagay-bagay, hindi sila makahanap ng mga prinsipyo ng pagsasagawa, kundi puro pagbigkas lang ng doktrina at pagsunod sa mga regulasyon ang ginagawa. Nang ihambing ko ang sarili ko rito, nakita kong kadalasan, hindi naman baluktot ang pagkaarok ko sa mga salita ng Diyos; talaga lang mas mababaw ang pagkaunawa ko sa ilang isyu, at hindi ko nauunawaan ang mga bagay nang kasingbilis o kasinglalim gaya ng mga taong may mahusay na kakayahan. Pero, naiintindihan ko naman ang mga ito kapag may nagbabahagi sa akin tungkol sa mga ito. Hindi naman ganoon kahina ang kakayahan ko na hindi ko na kayang maunawaan ang katotohanan, at maituturing na katamtaman. Ngayon, ginagawa ko ang tungkulin ng isang superbisor, at bagama’t hindi ko pa gaanong naaarok ang ilang prinsipyo at may ilang pagkukulang, mas mahusay ang kakayahan ng mga sister na kasama ko sa gawain, at, sa pakikipagtulungan sa kanila, nakakagawa pa rin ako ng ilang tungkulin. Dati, hindi ko nauunawaan ang mga prinsipyo sa pagsukat ng kakayahan, at hinusgahan ko na ang sarili ko na may mahina akong kakayahan nang makita ko kung gaano kabagal ang mga reaksyon ko. Namuhay ako sa negatibong kalagayan at ayaw ko nang magsikap na umangat. Hindi lang ako nabigong makatanggap ng kaliwanagan at pamumuno ng Diyos, naantala ko pa ang gawain. Nang maunawaan ko ang katotohanan sa bagay na ito, nagawa kong tratuhin nang tama ang sarili kong kakayahan at harapin nang may katwiran ang sarili kong mga kakulangan.

Pagkatapos, pinagnilayan ko rin, “Mula pagkabata, naramdaman ko na ang mababang pagtingin ko sa sarili. Bukod sa ilang nakalilinlang na perspektiba sa mga bagay-bagay, anong mga tiwaling disposisyon ang mayroon ako?” Nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Kumpara sa mga ordinaryong tao, mas matindi ang pagmamahal ng mga anticristo sa kanilang reputasyon at katayuan, at isa itong bagay na nakapaloob sa kanilang disposisyong diwa; hindi ito isang pansamantalang interes, o ang lumilipas na epekto ng kanilang paligid—ito ay isang bagay na nasa kanilang buhay, nasa kanilang mga buto, kaya ito ay kanilang diwa. Masasabing sa lahat ng ginagawa ng mga anticristo, ang una nilang isinasaalang-alang ay ang kanilang sariling reputasyon at katayuan, wala nang iba pa. Para sa mga anticristo, ang reputasyon at katayuan ang kanilang buhay, at ang layong hinahangad nila sa buong buhay nila. Sa lahat ng kanilang ginagawa, ang una nilang isinasaalang-alang ay: ‘Ano ang mangyayari sa aking katayuan? At sa aking reputasyon? Ang paggawa ba nito ay magbibigay sa akin ng magandang reputasyon? Itataas ba nito ang aking katayuan sa isipan ng mga tao?’ Iyon ang unang bagay na kanilang iniisip, na sapat na patunay na mayroon silang disposisyon at diwa ng mga anticristo—at dahil lang dito kaya nila isinasaalang-alang ang mga bagay sa ganitong paraan. Maaaring sabihin na para sa mga anticristo, ang reputasyon at katayuan ay hindi kung anong karagdagang hinihingi lamang, lalong hindi mga bagay na panlabas sa kanila na makakaya nila kahit wala ang mga ito. Bahagi ang mga iyon ng kalikasan ng mga anticristo, iyon ay nasa kanilang mga buto, sa kanilang dugo, ang mga iyon ay likas sa kanila. Hindi masasabing ang mga anticristo ay walang pakialam kung sila ba ay nagtataglay ng reputasyon at katayuan; hindi ganito ang kanilang saloobin. Kung gayon, ano ang kanilang saloobin? Ang reputasyon at katayuan ay malapit na nauugnay sa kanilang pang-araw-araw na buhay, sa kanilang pang-araw-araw na kalagayan, sa kung ano ang kanilang hinahangad sa araw-araw. Kung kaya’t para sa mga anticristo, ang katayuan at reputasyon ang buhay nila. Paano man sila mabuhay, anuman ang kapaligiran na tinitirhan nila, anuman ang gawain na kanilang ginagawa, anuman ang kanilang hinahangad, anuman ang kanilang mga layon, anuman ang direksyon ng kanilang buhay, umiikot ang lahat ng ito sa pagkakaroon ng magandang reputasyon at mataas na katayuan. At hindi nagbabago ang pakay na ito; hinding-hindi nila kayang isantabi ang gayong mga bagay. Ito ang totoong mukha ng mga anticristo at ang kanilang diwa(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikatlong Bahagi)). Inilalantad ng Diyos na hinahangad ng mga anticristo ang reputasyon at katayuan bilang kanilang layon sa buhay. Sa lahat ng sitwasyon, ang tanging iniisip nila ay ang sarili nilang reputasyon at katayuan. Sa pagtingin sa sarili kong pag-uugali, nakita kong kapareho ito ng sa isang anticristo. Labis kong pinahahalagahan ang sarili kong reputasyon at katayuan. Mula pagkabata, mabagal akong mag-react, at mahina rin ang aking pang-unawa. Dahil dito, nagkamali ako ng mga sagot at pinagtawanan ako ng mga kaklase ko. Pagkatapos noon, ayoko nang sumagot ng mga tanong, at natatakot ako na kung may masabi pa akong mali, ay maliitin ako ng iba. Matapos magsimulang manampalataya sa Diyos at gumawa ng mga tungkulin, ganoon pa rin ako. Kapag may ilang paglihis sa tungkulin ko at itinuro ito ng iba, pakiramdam ko ay mahina ang kakayahan ko, at kapag gumawa akong muli ng mga tungkulin, ayaw kong magpahayag ng mga opinyon, at gusto ko pa ngang iwasan ang tungkulin ko. Nang ginagawa ko ang tungkulin ko bilang superbisor, at nakita kong hindi kasinggaling ng mga sister na kasama ko sa gawain ang mga reaksyon at kapabilidad ko sa gawain, gusto kong tanggalin ako ng mga lider. Sa totoo lang, pinoprotektahan ko ang pagpapahalaga ko sa sarili, nag-aalala na makikilatis ako ng mga lider at mapagtatanto na hindi ako kasinggaling ng mga sister na kasama ko sa gawain sa lahat ng aspekto sa pamamagitan ng mga resulta ng gawain. Napagtanto ko na ang lahat ng iniisip ko araw-araw ay reputasyon at katayuan. Kapag ang tungkuling ginagawa ko ay sumasagi sa reputasyon at katayuan ko, nagiging negatibo ako at nagpapabaya sa gawain, o kaya’y naiisip kong tumakas at magkanulo. Kahit nahadlangan nito ang gawain ng iglesia, wala akong pakialam. Tinatahak ko pala ang landas ng mga anticristo!

Kalaunan, nagbasa pa ako ng mga salita ng Diyos: “Ang paghahangad sa katotohanan ang pinakamahalagang bagay, sa alinmang perspektiba mo ito tingnan. Maaari mong iwasan ang mga depekto at pagkukulang ng pagkatao, ngunit hinding-hindi mo maaaring iwasan ang landas ng paghahangad sa katotohanan. Kahit gaano pa kaperpekto o karangal ang iyong pagkatao, o maaari mang mas kaunti ang iyong mga kapintasan at depekto, at nagtataglay ka man ng mas maraming kalakasan kaysa sa ibang tao, hindi ito nangangahulugan na nauunawaan mo ang katotohanan, hindi rin nito mapapalitan ang iyong paghahangad sa katotohanan. Sa kabaligtaran, kung hahangarin mo ang katotohanan, kung marami kang nauunawaan sa katotohanan, at kung may sapat at praktikal kang pagkaunawa tungkol dito, mapupunan nito ang maraming depekto at problema sa iyong pagkatao(Ang Salita, Vol. VII. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (3)). Sabi ng Diyos, mapupunan ng paghahangad sa katotohanan ang maraming pagkukulang ng tao. Halimbawa, mas mabagal akong mag-react kaysa sa iba kapag may dumarating na mga bagay, at hindi masyadong mahusay ang kakayahan ko. Mga likas na depekto ito at hindi mababago. Pero, ang mga dahilan kung bakit hindi maganda ang mga resulta ng gawain ko ay, bukod sa mga pagkukulang sa aking pagkatao, pangunahin ay dahil hindi ko nauunawaan ang katotohanan at hindi ko naaarok ang mga prinsipyo. Kung magagawa kong mas hanapin ang mga prinsipyo ng katotohanan sa mga problemang hindi ko nauunawaan, at bitiwan ang pagpapahalaga ko sa sarili, ibahagi at talakayin ang mga ito sa mga kapatid, makakaunawa rin ako ng mas maraming katotohanan. Makakatulong din ito sa tungkulin ko. Nang maunawaan ko ito, hindi ko na tinangkang iwasan ang paggawa ng tungkulin ng isang superbisor, at naging mas aktibo rin ako sa paggawa pagkatapos niyon.

Isang beses, nagbabahaginan kami tungkol sa mga pinakabagong prinsipyo sa paggawa ng mga imahe, at kailangan naming sumulat ng liham sa mga kapatid para talakayin at ipatupad ang mga ito. Naisip ko, “Ito ang unang beses na kailangan kong sumulat ng ganito kahalagang liham mula nang maging superbisor ako. Paano kung hindi ko ito maisulat nang maayos at magkaroon ng mga paglihis?” Sobrang kaba ko. Napagtanto kong namumuhay na naman ako sa gitna ng mga damdamin ng mababang pagtingin sa sarili, kaya nanalangin ako sa Diyos na ayusin ang kaisipan ko. Bagama’t maaaring hindi ganoon kakomprehensibo ang maisusulat ko, dapat akong magkusa na gawin muna ito, at pagkatapos ay remedyuhan na lang ng mga sister na kasama ko sa gawain ang anumang pagkukulang. Pagkatapos, huminahon ako at nag-isip habang nagsusulat. Habang nagsusulat, nakikita ko ang pamumuno ng Diyos, at mas malinaw pa sa akin ang ilang prinsipyo kaysa noong nagbabahaginan kami tungkol sa mga ito. Naranasan ko na kapag inilalaan mo ang iyong puso sa iyong tungkulin, bibigyang-liwanag at aakayin ka ng Diyos.

Ngayon, mahigit isang taon ko nang ginagawa ang tungkulin ng isang superbisor. Inilipat sa ibang tungkulin ang sister na dati kong kapareha, kaya si Sister Li Yue ang pumarito para makapareha ko. Si Li Yue ang dati kong lider ng pangkat noong ginagawa ko ang mga tungkulin sa paggawa ng mga imahe. Naisip ko kung gaano ako kahina noon, at naunawaan ako ni Li Yue. Ano kaya ang iisipin niya sa akin ngayong magkasama kami sa gawain? Napagtanto kong hindi ko dapat isaalang-alang ang aking pagpapahalaga ko sa sarili. Anuman ang mga pagkukulang ko noon, o anumang mga kakulangan ang mabunyag sa kasalukuyang panahon ng aming paggawa nang magkasama, kailangan kong harapin ang mga ito nang mahinahon. Pagkatapos, nagkusa akong ipakilala ang takbo ng gawain kay Li Yue, at kapag tinatalakay ang gawain, nagkusa rin akong magpahayag ng aking mga opinyon. Sa panahong ito, kapag hindi kami magkasundo ni Li Yue, sinasabi ko na lang mga ideya ko. Ang ilang opinyon ko ay tinanggap, at ang ilan ay hindi angkop. Tanggapin man o hindi, nakakaunawa ako ng ilang prinsipyo sa pamamagitan ng pagbabahaginan. Isang araw, sabi ni Li Yue, “Noong magkasama tayong gumagawa dati, hindi ka nagpapahayag ng anumang opinyon, at nakatuon ka lang sa sarili mong trabaho. Ngayong nagkita tayong muli, nakikita kong malaki na ang ipinagbago mo kumpara noon.” Nang marinig ko siyang sabihin ito, labis akong naantig. Kung hindi dahil sa patnubay ng mga salita ng Diyos, hindi ko kailanman maiwawaksi ang pagpapahirap ng mga damdamin ng mababang pagtingin sa sarili, at hindi ko kailanman magagawa ang tungkulin ko nang kasing-aktibo ng ginagawa ko ngayon. Lahat ng ito ay bunga ng mga salita ng Diyos. Salamat sa Makapangyarihang Diyos!

Sinundan: 74. Paglaya Mula sa Alimpuyo ng Aking Paghahangad ng Pera

Sumunod: 77. Ang Aking mga Hinihiling at Inaasahan sa Aking Anak ay Makasarili Pala

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

45. Pamumuhay sa Harap ng Diyos

Ni Yongsui, South KoreaSabi ng Makapangyarihang Diyos, “Upang makapasok sa realidad, kailangang ibaling ng isang tao ang lahat sa tunay na...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito