56. Paggising Mula sa Pangarap na Magtamo ng mga Pagpapala

Ni Yifan, Tsina

Nagkaroon ako ng allergic asthma noong 28 anyos ako. Sa tuwing umaatake ito, hindi ako makahinga, at sakal na sakal ako na nahihilo na ako. Sa gabi, hindi man lang ako makahiga; kailangan kong maupo na lang na nakasandal sa kung ano, at ganoon na lang ako magdamag. Noong mga panahong iyon, kailangan akong madalas ipaospital para sa pagpapagamot, at dahil sa pagpapahirap ng sakit ko, pagod na pagod ang isip at katawan ko. Naalala ko, minsan, malala ang sakit ko at hindi ako makahinga, at pagkatapos maospital nang mahigit sampung araw, hindi pa rin bumuti ang kondisyon ko, at kahit nakasuwero at naka-oxygen na ako, naghahabol pa rin ako ng hininga at basang-basa sa pawis. Hindi na kayang gamutin ng ospital ang kondisyon ko, kaya inayos nilang mailipat ako sa mas malaking ospital. Buhat-buhat ako ng pamilya ko sa stretcher, at pagdating na pagdating namin sa bungad ng ospital, hinimatay ako. Noong oras na iyon, akala ko ay katapusan ko na, pero pagkatapos ng sampung araw na emergency treatment, nakontrol din ang kondisyon ko. Pagkalabas ko sa ospital, sa bahay na lang ako nagpagaling. Araw-araw, sobrang ingat ko, dahil takot akong kahit sa pinakamaliit na pagkakamali lang ay sumumpong na naman ang sakit ko. Isang araw, pumunta ako sa doktor. Sabi ng doktor, “Ang sakit mo ay isang medical challenge. Mabuti na iyang nakokontrol ang mga sintomas, pero imposible na itong gumaling. Dapat lagi kang may dalang gamot pang- emergency, dahil kapag naantala ang lunas, manganganib ang buhay mo.” Talagang nanlumo ako nang marinig ko ito. Paano ako nagkaroon ng ganitong sakit sa napakabatang edad? Sa tuwing naaalala ko iyong panahong kritikal ang aking lagay at nag-aagaw-buhay, nanginginig ako sa takot. Sa sumunod na mahigit sampung taon, kung saan-saan ako naghanap ng lunas-medikal, pero walang nakalunas sa pinagmulan ng sakit, at sa paglipas ng mga taon, sobrang nanghina ang katawan ko. Dahil sa pagpapahirap ng sakit, nawalan na ako ng pag-asa sa buhay. Noong 2009, ipinangaral sa akin ng nanay ko ang ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw. Sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, naunawaan kong ito ang huling yugto ng gawain ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan. Napakalaking pagpapala na matanggap ko ang gawain ng Diyos sa mga huling araw habang nabubuhay pa ako! Naisip ko, “Basta’t maghangad lang ako nang maayos, maliit na bagay sa Diyos ang pagpapagaling sa sakit ko. Baka makita ko pa ang kagandahan ng kaharian!” Para itong isang oasis sa disyerto—at muli akong nagkaroon ng pag-asa sa buhay. Pagkatapos niyon, nagsimula akong gawin ang tungkulin ko sa iglesia. Unti-unti, naramdaman kong hindi na kasinlubha ng dati ang sakit ko. Bagama’t madalas pa ring sumumpong, nakokontrol ko naman ito sa kaunting gamot. Walang tigil akong nagpasalamat sa Diyos sa puso ko, at lalo pa akong ginanahan sa tungkulin ko. Minsan, may nakilala akong isang sister na matagal nang nananampalataya sa Diyos. Sabi niya, bago pa niya matagpuan ang Diyos, may sakit din siyang katulad ng sa akin. Pagkatapos niyang matagpuan ang Diyos, patuloy siyang gumawa ng kanyang tungkulin sa iglesia, at hindi niya namalayan, gumaling na pala ang sakit niya. Sa isip-isip ko, “Nagawa siyang pagalingin ng Diyos, kaya siguradong pagagalingin Niya rin ako. Kaya nga lang ay hindi pa sapat ang naibayad kong halaga at hindi pa ako karapat-dapat. Kapag mas ginugol ko na ang sarili ko, hindi ako bibiguin ng Diyos.”

Kalaunan, gumawa ako ng mga tungkuling nakabatay sa teksto. Sa isip-isip ko, “Biyaya at pagtataas ng Diyos ang makagawa ako ng mga tungkuling nakabatay sa teksto, kaya kailangan ko itong gawin nang buong puso. Baka-sakaling makita ng Diyos na handa akong magbayad ng halaga at pagaanin Niya ang paghihirap ko. Makapangyarihan sa lahat ang Diyos, at baka kaya pa Niyang tuluyang pagalingin ang sakit ko.” Dala ang kaisipang ito, nagtrabaho ako araw-gabi, at nagbunga rin ng ilang resulta ang tungkulin ko. Noong 2017, dahil nababawasan ang pagkaepektibo ng ilang gamot kapag iniinom nang pangmatagalan, at napakamahal para sa akin ng mas epektibong mga gamot, umasa na lang ako sa hormone medication para makontrol ang sakit ko. Sa isip-isip ko, “Sa lahat ng taon na ito, hindi ako nalimitahan ng sakit na ito at nagpursige ako sa paggawa ng aking tungkulin. Marahil ay makikita ng Diyos ang paggugol ko at isang araw ay pagagalingin Niya ang sakit ko. Pagkatapos, magagawa ko nang gampanan ang tungkulin ko na parang normal na tao. Ang saya siguro noon!” Habang nangangarap ako tungkol dito, hindi na nga gumaling ang sakit ko, lumala pa ito. Dahil matagal na akong umiinom ng hormone medication, nagsimulang lumabas ang mga side effect, at nagsimulang mamaga ang katawan ko. Nang makita ng tagapangasiwa ang kondisyon ko, wala siyang nagawa kundi isaayos na mapauwi ako para magpagamot. Negatibong-negatibo at miserable ako, iniisip na, “Naging napakalubha na ng sakit ko. Hindi ko nga alam kung aabutan ko pa ang sikat ng araw bukas, paano pa kaya ang magagandang tanawin sa kaharian ng Diyos sa hinaharap.” Habang iniisip ko ito, hindi ko namamalayan, tumutulo na pala ang mga luha ko, at sa puso ko, nagsimula na akong magreklamo, “O Diyos! Sa lahat ng taon na ito, sinuong ko ang hangin at ulan para gawin ang tungkulin ko, tiniis ang napakaraming paghihirap at nagbayad ng halaga. Nagbunga rin naman ang tungkulin ko, kaya bakit hindi Mo ako prinotektahan? Kung mamamatay ako nang ganito, hindi ba’t mawawalan ng kabuluhan ang lahat ng paggugol ko? O Diyos, ginagamit Mo ba ang sakit na ito para ibunyag at itiwalag ako? Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana ay tumuon na lang ako sa pagpapagamot ng sakit ko at pag-aalaga sa katawan ko. Hindi na sana ako humantong sa ganito.” Habang lalo ko itong iniisip, lalo akong nakararamdam ng hinanakit. Pagkatapos niyon, ni hindi na ako kumain at uminom ng mga salita ng Diyos o nanalangin. Araw-araw, lutang ang isip ko, na parang naglalakad na bangkay. Pakiramdam ko ay talagang malayo ako sa Diyos, na para bang inabandona Niya na ako. Takot na takot ako, kaya nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos, alam kong mali ang kalagayan ko, pero hindi ko alam kung anong aral ang dapat kong matutunan. Pakiusap, bigyang-liwanag at gabayan Mo po ako para maunawaan ko ang problema ko.”

Isang araw, nabasa ko ang mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kapag ang mga tao ay nagsimulang maniwala sa Diyos, sino sa kanila ang walang sariling mga pakay, motibasyon, at ambisyon? Kahit na may isang bahagi sa kanila na naniniwala sa pag-iral ng Diyos, at nakakita sa pag-iral ng Diyos, ang kanilang pananampalataya sa Diyos ay naglalaman pa rin ng ganoong mga motibasyon, at ang kanilang pinakapakay sa paniniwala sa Diyos ay ang pagtanggap ng Kanyang mga pagpapala at ng mga bagay na gusto nila. Sa mga karanasan ng mga tao sa kanilang buhay, madalas nilang naiisip sa kanilang sarili: ‘Tinalikuran ko ang aking pamilya at karera para sa Diyos, at ano ang ibinigay Niya sa akin? Dapat kong kuwentahin ito, at siguraduhin ito—may natanggap ba ako na anumang pagpapala kamakailan? Marami ang ibinigay ko sa panahong ito, ako ay tumakbo nang tumakbo, at labis na nagdusa—may ibinalik bang anumang pangako ang Diyos? Naalala ba Niya ang aking mabubuting gawa? Ano ang magiging hantungan ko? Maaari ko bang matanggap ang mga pagpapala ng Diyos? …’ Ang bawat tao ay patuloy na gumagawa ng ganitong mga pagkalkula sa loob ng kanilang puso, at naglalatag sila ng mga hinihingi sa Diyos na nagtataglay ng kanilang mga motibasyon, ambisyon, at transaksiyonal na pag-iisip. Ibig sabihin, sa kanyang puso, ang tao ay patuloy na sinusubukan ang Diyos, patuloy na gumagawa ng mga plano tungkol sa Diyos, at patuloy na nangangatwiran sa Diyos para sa kanyang sariling indibidwal na kalalabasan, at sinusubukang makakuha ng pahayag mula sa Diyos, at tingnan kung maaaring ibigay o hindi ng Diyos ang kanyang nais. Kasabay ng paghahangad sa Diyos, hindi itinuturing ng tao ang Diyos bilang Diyos. Palagi niyang sinusubukang makipagtawaran sa Diyos, walang hinto sa paghingi sa Diyos, at pinipilit pa ang Diyos sa bawat hakbang, tinatangkang humingi nang higit pa matapos mapagbigyan nang kaunti. Kasabay ng pagsisikap na makipagtawaran sa Diyos, ang tao ay nakikipagtalo rin sa Diyos, at mayroon pang mga tao na, kapag may dumarating na mga pagsubok sa kanila o kaya ay nalagay sila mismo sa ilang sitwasyon, madalas na sila ay nagiging mahina, negatibo, at pabaya sa kanilang trabaho, at puno ng mga reklamo tungkol sa Diyos. Magmula nang ang tao ay magsimulang maniwala sa Diyos, itinuturing ng tao ang Diyos na isang kornukopya, isang Swiss Army na lanseta, at itinuturing ang sarili niya na pinakamalaking pinagkakautangan ng Diyos, na para bang ang pagsisikap na makakuha ng mga pagpapala at pangako mula sa Diyos ay ang kanyang likas na karapatan at obligasyon, habang ang pagpoprotekta, pangangalaga, at pagtutustos sa tao ang mga responsabilidad na dapat tuparin ng Diyos. Ganito ang pangunahing pagkaunawa sa ‘pananampalataya sa Diyos,’ ng lahat ng taong naniniwala sa Diyos, at ito ang kanilang pinakamalalim na pagkaunawa sa konsepto ng pananampalataya sa Diyos(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II). “Ang ugnayan ng tao sa Diyos ay isang ugnayan lamang ng hayagang pansariling interes. Isa itong ugnayan sa pagitan ng isang tumatanggap at isang nagbibigay ng mga pagpapala. Sa madaling salita, ito ang ugnayan sa pagitan ng empleyado at ng amo. Nagtatrabaho nang husto ang empleyado para lang makatanggap ng mga gantimpalang ipinagkakaloob ng amo. Walang pagmamahal na parang sa magkapamilya sa gayong relasyon na nakabatay lang sa interes, transaksiyon lamang. Walang nagmamahal o minamahal, kawanggawa at awa lamang. Walang pag-unawa, tanging walang magawang paglunok sa galit at panlilinlang. Walang pagiging matalik, isang malaking agwat lamang na hindi matatawid. Ngayong umabot na ang mga bagay-bagay sa puntong ito, sino ang makapagbabaligtad ng gayong kalakaran? At ilang tao ang may kakayahang tunay na maunawaan kung gaano na kalala ang ugnayang ito? Naniniwala Ako na kapag ibinuhos ng mga tao ang kanilang sarili sa kagalakan ng pagiging mapalad, walang sinuman ang makakaisip kung gaano kahiya-hiya at kapangit tingnan ang gayong ugnayan sa Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 3: Maaari Lamang Maligtas ang Tao sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos). Ang inilantad ng Diyos ay ang tunay kong kalagayan. Parang tinusok ang puso ko, nabagabag, nahiya, at napahiya. Sa mga taon na ito ng pananampalataya sa Diyos, sa panlabas, kahit na nagdurusa ako sa karamdaman, maaga akong bumabangon at ginagabi sa paggawa ng tungkulin ko, at kahit na mukha akong deboto sa Diyos, isinasaalang-alang ang Kanyang mga layunin, at hinahangad na palugurin Siya, ang tunay kong layunin ay ang gamitin ang aking paggugol at mga tagumpay bilang puhunan para pagalingin ng Diyos ang aking sakit. Walang lunas ang sakit ko. Lahat ng ginawa ko ay para sa sarili kong mga pagpapala at pakinabang, at sinusubukan kong makipagtawaran sa Diyos. Hindi ko talaga tinutupad ang aking tungkulin para palugurin ang Diyos. Walang lunas ang sakit ko, at naisip ko kung paanong dahil sa mga taon ng pasakit at pagdurusa ay nawalan ako ng ganang mabuhay, pero sa pasakit at kawalan ko ng pag-asa, dumating sa akin ang ebanghelyo ng Diyos. Nang makita ko ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos, sa Kanya ako umasa. Lalo na nang makita ko ang isang sister na gumaling pagkatapos niyang matagpuan ang Diyos, naisip ko na hangga’t handa akong magtiis ng pagdurusa sa aking tungkulin, hindi ako bibiguin ng Diyos. Naniwala akong hindi lang Niya pagagalingin ang sakit ko kundi dadalhin din Niya ako sa Kanyang kaharian para tamasahin ang buhay na walang hanggan. Kaya, anumang tungkulin ang isinaayos ng iglesia para sa akin, tinanggap ko at nagpasakop ako, at uminom ako ng gamot para makontrol ang sakit ko at hindi kailanman inantala ang tungkulin ko. Pero nang lumala ang sakit ko sa halip na gumaling, at hinarap ko pa ang banta ng kamatayan, agad kong kinalaban ang Diyos, pakiramdam ko ay hindi nagiging makatwiran sa akin ang Diyos. Namuhay ako sa negatibong kalagayan, nagrereklamo tungkol sa Diyos at mali ang pagkaunawa sa Diyos. Ni hindi ako nagbasa ng mga salita ng Diyos o nanalangin, at pinagsisihan ko pa ang dati kong paggugol. Nang tingnan ko ang sarili ko ayon sa paglalantad ng mga salita ng Diyos, napagtanto kong ang relasyon ko sa Diyos ay lantarang pansariling interes lamang, parang sa isang empleyado at amo. Ang pagpapagal at mga sakripisyo ko ay para lang magkamit ng mga pakinabang mula sa Diyos, at ginagamit at nililinlang ko ang Diyos. Hindi ko kailanman tunay na tinrato ang Diyos bilang Diyos. Naalala ko ang malubha kong sakit na tiniis ko noong nasa 20 anyos ako, at alam kong kung hindi dahil sa proteksyon ng Diyos, matagal na akong namatay. Paano pa ba ako nananatiling buhay hanggang ngayon? Ang Diyos ang nagbigay sa akin ng pangalawang buhay at nagpahintulot na mabuhay ako hanggang sa puntong ito. Pero sa halip na magpasalamat, ginamit ko ang paggugol ko para pangahas na manghingi ng mga pagpapala at biyaya mula sa Diyos. Talagang wala akong pagkatao at hindi ako karapat-dapat sa pagliligtas ng Diyos. Naisip ko si Pablo. Bagama’t nagpagal siya at nagsakripisyo, hindi niya ginawa iyon para palugurin ang Diyos kundi para magkamit ng mga pagpapala at isang korona. Sa huli, sa kanyang paghihimagsik, sinabi niya, “Nakipagbaka na ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, napanatili ko ang pananalig: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong ng katuwiran” (2 Timoteo 4:7–8). Sinalungat niya ang disposisyon ng Diyos. Kung hindi ako magsisisi at magbabago, at patuloy na pilit manghihingi ng mga pagpapala at biyaya mula sa Diyos, itataboy at ititiwalag lang din ako ng Diyos sa huli, tulad ni Pablo. Nang mapagtanto ko ito, lalo pa akong nakaramdam ng pagsisisi, at kinamuhian ko ang sarili ko sa pananampalataya sa Diyos sa loob ng maraming taon nang hindi hinahangad ang katotohanan. Natahak ko ang maling landas ng paghahangad ng mga pagpapala. Nanalangin ako sa Diyos, “Diyos ko, sa lahat ng taon ng pananampalataya ko sa Iyo, wala akong naipakitang anumang pagmamahal sa Iyo o sinubukang suklian Ka. Patuloy lang kitang ginamit. Walang-wala talaga akong pagkatao! O Diyos, nais kong maghimagsik laban sa aking maling intensyon at tumigil sa pakikipagtawaran sa Iyo.”

Pagkatapos niyon, sa pamamagitan ng gamot at mga inhaler, medyo nakontrol na ang sakit ko. Noong Abril 2022, ipinagpatuloy ko ang aking mga tungkuling nakabatay sa teksto. Pinahalagahan ko ang pagkakataong ito. Sa panahong ito, ginawa ko ang aking tungkulin nang buong-puso at sa abot ng aking makakaya, at medyo maganda ang mga resulta ng tungkulin ko. Alam kong biyaya at proteksyon ito ng Diyos. Sa isang iglap, Setyembre 2023 na, at biglang lumala ang hika ko. Walang epekto ang gamot at mga ineksiyon, at wala akong nagawa kundi pumunta sa ospital ng probinsya para magpagamot. Pagkatapos ng matinding hirap, sa wakas ay kumalma ang kondisyon ko. Pero hindi nagtagal, sumumpong na naman ang hika ko. Kaya ko lang huminga paloob pero hindi palabas, kaya nahihilo ako at naliliyo, at pakiramdam ko, anumang oras ay puwede akong mamatay. Wala akong nagawa kundi umuwi para magpagaling. Sa isiping uuwi ako, lumong-lumo ako at nawalan ng pag-asa, at hindi ko mapigilang mapaiyak. Sa isip-isip ko, “Nagsumikap ako nang husto sa tungkulin ko, tiniis ang napakaraming pagdurusa, at nagbayad ng malaking halaga, kaya bakit palala nang palala ang sakit ko? Bakit palala lang ito nang palala? Bakit hindi isinasaalang-alang ng Diyos ang kahandaan kong gawin ang tungkulin ko at protektahan at pagalingin ako? Hindi ba nakikita ng Diyos ang puso ko?” Habang lalo ko itong iniisip, mas lalo akong nakararamdam ng hinanakit, at naniwala akong hindi makatwiran ang trato sa akin ng Diyos. Pakiramdam ko ay wala nang pag-asa ang kinabukasan ko. Malamang na ngang hindi na gagaling ang sakit ko, pakiramdam ko pa ay lalo pang naglaho ang pag-asa kong magkamit ng kaligtasan at makapasok sa kaharian. Noong panahong iyon, may nahanap na sipi ng mga salita ng Diyos ang isang sister para sa akin batay sa kalagayan ko: “Kapag isinasaayos ng Diyos na ang isang tao ay magkasakit, ng malubhang sakit man o simple, ang layunin Niya sa paggawa nito ay hindi para iparanas sa iyo ang lahat ng aspekto ng pagkakasakit, ang pinsalang idinudulot ng sakit sa iyo, ang mga abala at paghihirap na idinudulot ng sakit sa iyo, at ang samu’t saring damdaming ipinararamdam sa iyo ng sakit—hindi layunin ng Diyos na maunawaan mo ang sakit sa pamamagitan ng pagkakasakit. Sa halip, ang layunin Niya ay para matuto ka ng mga aral mula sa sakit, matuto kung paano maarok ang mga layunin ng Diyos, malaman ang mga tiwaling disposisyon na iyong nahahayag at ang mga maling saloobing mayroon ka tungkol sa Diyos kapag ikaw ay may sakit, at matutuhan mong magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, upang magkaroon ka ng tunay na pagpapasakop sa Diyos at magawa mong manindigan sa iyong patotoo—ito ay lubhang mahalaga. Nais ng Diyos na iligtas at linisin ka sa pamamagitan ng sakit. Ano ang nais Niyang linisin sa iyo? Nais Niyang linisin ang lahat ng iyong labis-labis na mga pagnanais at hinihingi sa Diyos, at pati na rin ang iba’t ibang pagkakalkula, paghuhusga, at plano na ginagawa mo anuman ang kapalit upang makaligtas ka at mabuhay. Hindi hinihingi ng Diyos na gumawa ka ng mga plano, hindi Niya hinihingi na manghusga ka, at hindi ka Niya pinahihintulutan na magkaroon ng anumang mga labis-labis na pagnanais sa Kanya; hinihingi lamang Niyang magpasakop ka sa Kanya, at sa iyong pagsasagawa at pagdanas ng pagpapasakop, na malaman mo ang iyong sariling saloobin sa pagkakasakit, at malaman mo ang iyong saloobin sa mga kondisyong ito sa katawan na itinatakda Niya sa iyo, pati na rin ang iyong mga personal na kahilingan. Kapag nalaman mo na ang mga bagay na ito, mapapahalagahan mo na kung gaano kakapaki-pakinabang para sa iyo na inihanda ng Diyos ang mga sitwasyon ng karamdaman o na ibinigay Niya sa iyo ang mga kondisyong ito sa katawan; at mapapahalagahan mo kung gaano nakatutulong ang mga ito sa pagbabago ng iyong disposisyon, sa pagkakamit mo ng kaligtasan, at sa iyong buhay pagpasok. Kaya nga, kapag dumadapo ang karamdaman, hindi mo dapat palaging isipin kung paano mo ito maiiwasan o matatakasan o matatanggihan. … Hindi mo puwedeng sabihing, ‘Kung gagaling ako sa sakit na ito, saka ako maniniwala na iyon ay dakilang kapangyarihan ng Diyos, ngunit kung hindi ako gagaling, hindi ako masisiyahan sa Diyos. Bakit ba ako binigyan ng Diyos ng sakit na ito? Bakit ba hindi Niya pinagagaling ang sakit na ito? Bakit ba ako ang nagkasakit at hindi yung iba? Ayaw ko nito! Bakit ko ba kailangang mamatay nang maaga, sa ganitong murang edad? Bakit ba nakakapagpatuloy na mabuhay ang ibang tao? Bakit?’ Huwag mo nang itanong kung bakit, ito ay pangangasiwa ng Diyos. Walang dahilan, at hindi mo dapat itanong kung bakit. Ang pagtatanong kung bakit ay rebeldeng pananalita, at hindi ito dapat itanong ng isang nilikha. Huwag kang magtanong kung bakit, wala itong dahilan. Isinaayos at pinlano ng Diyos ang mga bagay nang ganito. Kung itatanong mo kung bakit, masasabi lamang na sobra kang rebelde, sobrang mapagmatigas. Kapag hindi ka nasisiyahan sa isang bagay, o hindi ginagawa ng Diyos ang nais mo o hindi ka Niya hinahayaan sa gusto mo, hindi ka nasisiyahan, naghihinanakit ka, at palagi mong itinatanong kung bakit. Kaya, tinatanong ka ng Diyos, ‘Bilang isang nilalang, bakit hindi mo ginampanan nang mabuti ang iyong tungkulin? Bakit hindi mo tapat na ginampanan ang iyong tungkulin?’ At paano ka sasagot? Sasabihin mo, ‘Walang dahilan, ganito lang talaga ako.’ Katanggap-tanggap ba iyon? (Hindi.) Katanggap-tanggap na pagsalitaan ka ng Diyos nang ganoon, ngunit hindi katanggap-tanggap na pagsalitaan mo ang Diyos nang ganoon. Ikaw ay nasa maling posisyon, at sobra kang wala sa katwiran(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (3)). Pagkatapos kong basahin ang mga salita ng Diyos, nagkaroon ako ng kaunting pagkaunawa sa layunin ng Diyos. Hindi gusto ng Diyos na mamuhay ako sa aking sakit at danasin ang mga pasikot-sikot nito, ni ang balisa akong maghanap para makatakas mula rito. Puwede namang gamutin ang sakit, pero kung gagaling ba ito o kung magiging banta sa buhay ko ay hindi na nakasalalay sa mga tao. Lahat ng iyon ay nasa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan at pagtatakda ng Diyos. Ang dapat kong gawin ay magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, pagnilayan kung anong mga tiwaling disposisyon at maling pananaw ang naibunyag ko sa pagkakasakit ko, at hanapin ang katotohanan para malutas ang mga bagay na ito. Ito ang pagpapahalaga sa katwiran na dapat kong taglayin. Naisip ko kung paanong wala akong anumang pagpapasakop sa Diyos sa pagkakasakit ko. Nang lumala ang kondisyon ko at hindi ko na magawa ang aking mga tungkulin, o nang manganib pa nga ang buhay ko, hindi ko hinanap ang katotohanan, sa halip, nagreklamo ako. Nagreklamo ako sa Diyos dahil hindi Niya isinaalang-alang ang aking pagdurusa at paggugol at dahil hindi Niya ako pinrotektahan, at naniwala akong hindi Siya makatwiran. Bagama’t sa mga dati kong karanasan ay nagkaroon ako ng kaunting pagkaunawa sa maling kaisipan ko na sinusubukang makipagtawaran sa Diyos, wala pa ring tunay na pagbabago. Alam ng Diyos ang aking mga kakulangan at pagkukulang, at sa pamamagitan ng pagbalik ng sakit ko, muli Niyang inilantad ang kasuklam-suklam kong mga intensyon sa pananampalataya sa Kanya. Saka ko lang napagtanto kung gaano kalalim nakatanim ang mga intensyon kong magkamit ng mga pagpapala. Ang pagbalik ng sakit ko ay naglalaman ng mabuting layunin ng Diyos, at nangyari iyon para linisin ang aking mga katiwalian at karumihan. Pero hindi ko naunawaan ang gawain ng Diyos at nagreklamo akong hindi Siya matuwid. Nagkamali ako ng pagkaunawa sa Diyos, iniisip na layon Niyang itiwalag ako sa pamamagitan ng aking sakit, at nakita ko na matapos ang lahat ng taon ng pananalig, wala akong anumang pagkakakilala sa Diyos. Ako ay tunay na dukha, kaawa-awa, at bulag! Ngayon, naunawaan ko nang bagama’t sa panlabas, labis akong nagdusa sa sakit na ito, sa likod ng lahat ng ito ay ang masisidhing layunin ng Diyos, na ito ay pagliligtas ng Diyos sa akin, at na ito ay para pagnilayin ako at kilalanin ko ang aking sarili sa pagkakasakit ko. Kung hindi ito nangyari, magpapatuloy sana ako sa maling perspektiba sa likod ng aking paghahangad, at lalo lang akong lalayo sa mga hinihingi ng Diyos at sa huli ay tatahak sa landas na walang balikan. Nang mapagtanto ko ito, nagliwanag ang puso ko, at hindi na ako nagreklamo o nagkamali ng pagkaunawa sa Diyos.

Kalaunan, naisip ko ang mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang katuwiran ay walang kinalaman sa pagiging patas o makatwiran; hindi ito egalitaryanismo, o pagbibigay sa iyo ng nararapat sa iyo para sa iyong gawain, o pagbabayad sa iyo para sa anumang gawaing natapos mo, o pagbibigay sa iyo ng nararapat sa iyo ayon sa kung gaano ka nagsisikap. Hindi ito pagiging matuwid, pagiging patas at makatwiran lamang ito. Kakaunting tao lamang ang may kakayahang makilala ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Ipagpalagay na nilipol ng Diyos si Job matapos magpatotoo sa Kanya si Job: Magiging matuwid ba ito? Sa katunayan, oo. Bakit ito tinatawag na pagiging matuwid? Ano ang tingin ng mga tao sa pagiging matuwid? Kung ang isang bagay ay nakaayon sa mga kuru-kuro ng mga tao, napakadali para sa kanila ang sabihin na matuwid ang Diyos; gayunman, kung hindi nila nakikita ang isang bagay bilang naaayon sa kanilang mga kuru-kuro—kung ito ay isang bagay na hindi nila kayang unawain—mahihirapan silang sabihin na matuwid ang Diyos. Kung nilipol ng Diyos si Job noon, hindi sasabihin ng mga tao na Siya ay matuwid. Ang totoo, hindi alintana kung ang mga tao man ay nagawang tiwali o hindi, at kung lubos man silang nagawang tiwali o hindi, kailangan bang bigyang-katwiran ng Diyos ang Kanyang sarili kapag nilipol Niya sila? Kailangan ba Niyang ipaliwanag sa mga tao kung sa anong batayan Niya ginagawa ito? Dapat bang sabihin ng Diyos sa mga tao ang mga kautusan na inorden Niya? Hindi na kinakailangan. Sa paningin ng Diyos, ang isang taong tiwali at malamang na lumaban sa Diyos ay walang anumang silbi; paano man siya pakikitunguhan ng Diyos ay magiging angkop, at lahat ito ay ayon sa mga pagsasaayos ng Diyos. Kung hindi ka naging kalugod-lugod sa mga mata ng Diyos, at kung sabihin Niya na wala ka nang silbi sa Kanya pagkatapos ng iyong patotoo kaya winasak ka, ito ba ay pagiging matuwid Niya? Ganoon din ito. Maaaring hindi mo pa ito maunawaan sa ngayon mula sa perspektiba ng mga katunayan, ngunit dapat mo itong maunawaan sa doktrina. Ano ang sasabihin ninyo—ang pagwasak ba ng Diyos kay Satanas ay isang pagpapahayag ng Kanyang pagiging matuwid? (Oo.) Paano kung tinulutan Niyang manatili si Satanas? Hindi na kayo mangangahas na sabihin iyon, tama ba? Ang diwa ng Diyos ay pagiging matuwid. Bagama’t hindi madaling maunawaan ang Kanyang ginagawa, matuwid ang lahat ng Kanyang ginagawa; hindi lamang talaga ito nauunawaan ng mga tao. Nang ibigay ng Diyos si Pedro kay Satanas, paano tumugon si Pedro? ‘Hindi maarok ng sangkatauhan ang Iyong ginagawa, ngunit lahat ng Iyong ginagawa ay kinapapalooban ng Iyong mabubuting layunin; mayroong katuwiran sa lahat ng iyon. Paanong hindi ko pupurihin ang Iyong karunungan at mga gawa?’ Dapat makita ninyo na ngayon na ang dahilan kaya hindi pinupuksa ng Diyos si Satanas sa panahon ng Kanyang pagliligtas sa tao ay para maaaring makita nang malinaw ng mga tao kung paano sila nagawang tiwali ni Satanas at kung gaano sila nito nagawang tiwali, at kung paano sila dinadalisay at inililigtas ng Diyos. Sa huli, kapag naunawaan na ng mga tao ang katotohanan at malinaw nang nakita ang nakakapangilabot na hitsura ni Satanas, at namasdan ang napakalaking kasalanan ng pagtitiwali sa kanila ni Satanas, pupuksain ng Diyos si Satanas, ipapakita sa kanila ang Kanyang pagiging matuwid. Ang panahon ng pagkawasak ni Satanas ay naglalaman ng disposisyon at karunungan ng Diyos. Lahat ng ginagawa ng Diyos ay matuwid. Bagama’t maaaring hindi ito maintindihan ng mga tao, hindi sila dapat manghusga nang basta-basta. Kung may ginagawa Siya na mukhang hindi makatwiran para sa mga tao, o kung mayroon silang anumang mga kuru-kuro tungkol doon, at pagkatapos ay sinasabi nila na hindi Siya matuwid, masyado silang hindi makatwiran(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Mula sa mga salita ng Diyos, nakita kong hindi ko naunawaan ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Itinuring kong ang katuwiran ng Diyos ay ang pagiging patas at makatwiran na nauunawaan ng tiwaling sangkatauhan. Naisip ko na dahil nananampalataya ako sa Diyos, nagbayad ng halaga, at ginugol ang aking sarili, dapat pagalingin ng Diyos ang aking sakit at pagkalooban ako ng mga biyaya at pagpapala. Kapag naaayon ang mga bagay-bagay sa mga kuru-kuro ko, itinuturing kong matuwid ang Diyos, pero kapag hindi ako pinagpapala ng Diyos, at hindi naaayon ang mga bagay-bagay sa mga kuru-kuro at imahinasyon ko, naiisip kong hindi matuwid ang Diyos. Sinusukat ko ang katuwiran ng Diyos na batay lamang sa kung nagkamit ba ako ng mga pagpapala at pakinabang, na ganap na hindi tumutugma sa katotohanan. Talagang baluktot ang mga pananaw na ito! Sa totoo lang, gaano man karami ang talikuran o gugulin ng isang tao pagkatapos niyang matagpuan ang Diyos, gaano man siya magdusa o gaano man kalaking kabayaran ang pasanin niya, ang lahat ng ito ay ang dapat gawin ng isang nilikha. Tungkol naman sa kung paano tinatrato ng Diyos ang mga tao— kung nagbibigay man Siya ng biyaya at mga pagpapala, o nagpapagaling ng karamdaman ng katawan— kaukulang karapatan iyon ng Diyos, at walang karapatan ang tiwaling sangkatauhan na pilit na hingiin sa Diyos na gawin ang alinman. Ang dapat gawin ng mga tao ay tumanggap at magpasakop, dahil ito ang pagpapahalaga sa katwiran na dapat nilang taglayin. Pero nagmagaling akong pilit na hiningi sa Diyos na pagalingin ako dahil sa aking paggugol. Hindi ba’t kinikikilan ko na ang Diyos? Ang ideya na pagkatapos kong manampalataya sa Diyos, kaya naman kailangang tiyakin ng Diyos na magiging maayos ang lahat para sa akin at pagagalingin ang aking sakit, at kung hindi Niya gagawin iyon, hindi Siya matuwid— hindi ba’t ito ay sarili ko lang na mga kuru-kuro at pangangarap nang gising? Kung pagagalingin ako ng Diyos, kung gayon, ito ang Kanyang katuwiran, at kung hindi Niya naman ako pagagalingin, kung gayon, ito man ay Kanya pa ring katuwiran. Gaano man kalubha ang aking sakit, kahit na hayaan akong mamatay ng Diyos, ito ay katuwiran ng Diyos. Hindi ko maaaring tingnan ang matuwid na disposisyon ng Diyos mula sa perspektiba ng mga personal na interes, kundi mula sa perspektiba ng Kanyang diwa. Ang Diyos ang Lumikha, at ang Kanyang diwa ay katuwiran. Paano man tayo itinatrato ay nararapat sa atin at ito ay matuwid. Naisip ko kung paano ibinigay ng Diyos si Pedro kay Satanas. Nagawa ni Pedro na tanggapin iyon nang hindi nagrereklamo o nagkakamali ng pagkaunawa sa Diyos, at sinabi pa nga niya, “Hindi maarok ng sangkatauhan ang Iyong ginagawa, ngunit lahat ng Iyong ginagawa ay kinapapalooban ng Iyong mabubuting layunin; mayroong katuwiran sa lahat ng iyon. Paanong hindi ko pupurihin ang Iyong karunungan at mga gawa?” Isa lang akong maliit na nilikha, at anumang gawin sa akin ng Diyos ay nararapat. Pagalingin man Niya ako o hindi, bigyan man Niya ako o hindi ng magandang kalalabasan o hantungan, dapat akong tumanggap at magpasakop, dahil ipinapakita nito ang pagtataglay ng pagkatao at katwiran. Nang mapagtanto ko ito, nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos, hindi ko naunawaan noon ang matuwid Mong disposisyon, at sinukat ko ito ayon sa sarili kong mga kuru-kuro at imahinasyon. Ngayon, nauunawaan ko nang anuman ang gawin Mo ay matuwid. Kahit na hindi gumaling ang sakit ko at mamatay ako, matuwid Ka pa rin, at pasasalamatan at pupurihin pa rin Kita!”

Kalaunan, nagbasa pa ako ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Diyos: “Si Job ay hindi nakipagpalitan sa Diyos, at hindi humiling o humingi sa Diyos. Ang kanyang pagpupuri sa pangalan ng Diyos ay dahil sa dakilang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos sa pamumuno sa lahat ng bagay, at hindi nakasalalay sa kung siya ay nagkamit ng pagpapala o hinagupit ng kapahamakan. Naniwala siya na kung magbibigay man ng pagpapala ang Diyos sa mga tao o kaya ay magdudulot ng kapahamakan sa kanila, ang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos ay hindi magbabago, at dahil dito, anuman ang kalagayan ng isang tao, ang pangalan ng Diyos ay dapat na purihin. Dahil sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, pinagpala ang tao, at kapag dumating ang sakuna sa tao, ito ay dahil din sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Ang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos ay namamahala at nagsasaayos ng lahat tungkol sa tao; ang pabago-bagong kapalaran ng tao ay pagpapamalas ng kapangyarihan at awtoridad ng Diyos, at sa ano mang perspektiba mo ito tinitingnan, ang pangalan ng Diyos ay dapat na papurihan. Ito ang naranasan at nalaman ni Job sa mga taon ng kanyang buhay. Ang lahat ng mga inisip at ikinilos ni Job ay umabot sa mga tainga ng Diyos, at dumating sa harap ng Diyos, at itinuring na mahalaga ng Diyos. Itinangi ng Diyos ang kaalamang ito ni Job, at pinahalagahan Niya si Job sa pagkakaroon ng ganitong puso. Ang pusong ito ay palaging naghihintay sa utos ng Diyos, at sa lahat ng lugar, at kahit ano pa ang oras o lugar, tinanggap nito ang anumang dumating sa kanya. Walang hiningi si Job sa Diyos. Ang hiningi niya sa sarili niya ay ang maghintay, tumanggap, humarap at magpasakop sa lahat ng pagsasaayos na nanggaling sa Diyos; naniwala si Job na ito ang kanyang tungkulin, at ito mismo ang nais ng Diyos(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II). Pagkatapos kong basahin ang mga salita ng Diyos, nagliwanag ang puso ko, at nakahanap ako ng landas ng pagsasagawa. Nanampalataya si Job sa Diyos nang hindi sinusubukang makipagtawaran sa Kanya, at tumanggap man siya ng mga pagpapala o dumanas ng mga kalamidad, nagawa niyang purihin ang Diyos. Ito ay dahil nakilala niya ang awtoridad ng Diyos mula sa lahat ng bagay at mula sa sarili niyang mga karanasan, at alam niyang ang dakilang kapangyarihan ng Diyos ang nagsasaayos at may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat. Tumatanggap man ang isang tao ng mga pagpapala o nagdurusa sa huli, dapat siyang magpasakop nang walang kondisyon sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Lumikha. May pagkatao at katwiran si Job; hindi niya hiningi sa Diyos na gumawa ng anuman. Sa halip, hiningi niya sa kanyang sarili na sa bawat sandali ay maghintay at tanggapin at magpasakop sa lahat ng bagay na nagmula sa Diyos. Si Job ay matapat, mabait, at may tunay na pananalig sa Diyos; sa huli, matatag siyang nanindigan sa kanyang patotoo sa gitna ng mga pagsubok at tinanggap niya ang pagsang-ayon ng Diyos. Gusto ko ring tularan si Job, at gagaling man ang sakit ko o hindi, o anuman ang maging kalalabasan ko, magpapasakop ako sa mga pagsasaayos at pamamatnugot ng Diyos at hindi na magpapasya nang ako lang. Nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos, noon ay hindi ko nauunawaan ang katotohanan. Palagi akong namomroblema kung gagaling ba ang sakit ko o kung magkakaroon ba ako ng magandang kalalabasan o hantungan, at namuhay ako sa matinding pagdurusa. Ngayon, handa kong ipagkatiwala ang aking sarili sa Iyong mga kamay, at tumanggap man ako ng mga pagpapala o magdurusa, magpapasakop ako sa Iyong kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos.” Matapos magbago nang kaunti ang perspektiba ko, nakaramdam ako ng malaking kagaanan at kalayaan. Pagkatapos, sinubukan ko ang isang tradisyonal na katutubong lunas ng Tsina para maibalik ang kalusugan ko, at sa hindi inaasahan, talagang nakontrol ang kondisyon ko, at nagawa ko nang normal ang aking mga tungkulin.

Sa pamamagitan ng karanasang ito, napagtanto ko na kung hindi ako naibunyag sa pamamagitan ng sakit, hindi ko sana nakilala ang kasuklam-suklam kong mga intensyon na maghangad ng mga pagpapala. Bagama’t nagdusa ako ng kaunting pisikal na sakit dahil sa aking karamdaman, nagkamit ako ng kaunting pagkaunawa sa aking mga walang-katotohanang perspektiba sa likod ng aking paghahangad, at nakaranas ako ng kaunting pagbabago. Ito ang pag-ibig at pagliligtas ng Diyos para sa akin! Salamat sa Diyos!

Sinundan: 55. Ang Pagtukoy sa mga Problema ay Hindi Katulad ng Pagpuna sa mga Pagkukulang

Sumunod: 57. Binitiwan Ko ang mga Damdamin ng Pagkakautang Ko sa Aking Anak

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

88. Ang Hirap ng Kulungan

Ni Xiao Fan, TsinaIsang araw noong Mayo 2004, dumadalo ako sa isang pagtitipon kasama ng ilang kapatid nang biglang pumasok ang mahigit 20...

45. Pamumuhay sa Harap ng Diyos

Ni Yongsui, South KoreaSabi ng Makapangyarihang Diyos, “Upang makapasok sa realidad, kailangang ibaling ng isang tao ang lahat sa tunay na...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito