8. Hindi Na Mataas ang Inaasahan Ko sa Aking Anak

Ni Zhizhuo, Tsina

Lumaki ako sa nayon, at napakahirap ng buhay sa amin. Naiinggit ako sa buhay ng mga taong nakatira sa lungsod at nadama kong sa pamamagitan lamang ng pag-aaral nang mabuti, pagpasok sa unibersidad, at pagkakaroon ng matatag na trabaho, na matatakasan ko ang buhay ng pagtatrabaho sa bukid mula bukang-liwayway hanggang takipsilim. Noong nag-aaral pa ako, inilaan ko ang sarili ko sa pag-aaral. Kahit na nagpapahinga ang iba, patuloy akong nag-aaral. Sa katapusan ng linggo, hindi ako umuuwi dahil natatakot ako na ang pag-uwi ko ay makaaapekto sa pag-aaral ko. Pero hindi nangyari ang mga bagay ayon sa gusto ko. Gaano man ako nagsumikap na mag-aral, hindi pa rin tumaas nang husto ang mga marka ko. Dalawang beses kong inulit ang school year pero hindi pa rin ako nakapasok sa unibersidad. At bilang resulta, nagkaroon ako ng matinding insomnia. Matapos bumagsak sa entrance exam para sa kolehiyo, nakaramdam ako ng labis na kahihiyan, at hindi ako lumabas ng bahay sa loob ng mahigit anim na buwan. Pagkatapos magpakasal, nagsimula kaming mag-asawa ng negosyo sa bahay. Kahit na nagtatrabaho kami mula bukang-liwayway hanggang takipsilim araw-araw, hindi kami kumita ng malaki. Matapos isilang ang anak namin, nang makita ko kung gaano siya katalino at ka-cute, naisip ko, “Dahil hindi natupad ang mga hangarin ko, kailangang siguraduhin kong makakapag-aral nang maigi ang anak ko at makakapasok sa isang unibersidad sa hinaharap, makakahanap ng respetadong trabaho at magiging bukod-tangi sa karamihan. Sa ganitong paraan, matatakasan namin ang buhay ng kahirapan, at gaganda rin ang tingin sa akin. Noong bata pa ako, dahil marami kaming magkakapatid, walang oras ang mga magulang ko para pangasiwaan ang pag-aaral namin, na humantong sa mahinang pundasyon ko sa akademya. Kailangan kong magpokus sa edukasyon ng anak ko mula sa murang edad at siguraduhing matatag ang pundasyon niya.” Kaya, sa tuwing nakakakita ako ng libro na maaaring makapagpabuti sa mga marka niya, binibili ko ito para sa kanya. Minsan pag-uwi ng anak ko galing sa paaralan at gustong maglaro saglit, sinasabi ko sa kanya, “Kung hindi ka mag-aaral nang mabuti ngayon, magiging mahirap ang trabaho mo sa hinaharap, at mamaliitin ka ng iba—gaya namin. Nakakapagod kaya iyon! Para kanino ba ako nagsusumikap araw-araw? Hindi ba’t para sa iyo lahat ito? Pero, hindi ka pa rin nagsisikap!” Dahil wala nang pagpipilian, atubiling umaalis ang anak ko at gumagawa ng takdang-aralin niya. Kahit na tapos na siya, hindi ko pa rin siya pinapayagang maglaro; sa halip, binibigyan ko siya ng mas marami pang takdang-aralin. Naniniwala ako na “Kung babasahin mo ang isang libro nang isandaang beses, magiging maliwanag ang kahulugan nito.” Kaya tuwing umaga, pinapabangon ko siya nang kalahating oras na mas maaga para isaulo ang mga aralin niya. Kapag ayaw niyang mag-aral at nagmamaktol siya, sinisigawan ko siya at sinesermonan. Araw-araw, para akong isang spring na mahigpit na ipinilipit, na hindi kailanman nangangahas magpahinga. Sa tuwing susuway nang kahit kaunti ang anak ko, pinapagalitan ko siya, “Bakit ba hindi ka nakikinig! Nagsusumikap ako nang todo araw-araw, binabantayan ang pag-aaral mo, ipinaglalaba ka at ipinagluluto ka kapag pumapasok ka sa paaralan, at kailangan pang magtrabaho para kumita ng pera para mabilhan ka ng maayos na pagkain. Para kanino ko ba ginagawa ang lahat ng ito? Hindi ba’t para magkaroon ka ng magandang kinabukasan? Kung hindi ka makikinig sa akin at hindi ka mag-aaral nang mabuti, pagsisisihan mo ito balang araw!” Natakot ako na kapag nagsimula siyang maglaro, hindi na siya makakapagpokus, kaya hindi ko siya pinapayagang lumabas para maglaro. Minsan, kahit na isinasama ko siya sa labas, iyon ay para lang bumisita sa tindahan ng mga libro. Binabantayan ko siya nang malapitan, hindi umaalis sa tabi niya, hinihimok siyang mag-aral, at nagpatuloy ang ganitong gawi kahit na pagkatapos niyang makapasok sa middle school.

Noong nasa middle school na ang anak ko, ang baba ng mga marka niya sa English, kaya naisip kong kailangan ko muna itong matutunan—paano ko ba siya matuturuan kung hindi ganito? Naniniwala ako na kapag mataas ang mga marka niya sa lahat ng subject ay saka lamang siya magkakaroon ng mas malaking pagkakataon na makapasok sa unibersidad. At sa pamamagitan lamang ng pagpasok sa unibersidad na maaari siyang magkaroon ng pagkakataong baguhin ang kapalaran niya. Kung kaya niyang maging bukod-tangi, magdudulot din ito ng karangalan sa amin bilang mga magulang. Kahit na marami akong inaasikaso, na nagpapahirap sa pag-aaral, nagsusumikap pa rin ako, at pagkatapos kong makabisado ito, tinuturuan ko siya hanggang sa maintindihan niya. Nang makita ko kung gaano siya kabalisa araw-araw, ayaw makipag-usap, hindi ngumingiti, na kuba na sa murang edad, kulang sa sigla, labis akong nasaktan. Pero alang-alang sa magandang kinabukasan niya, pakiramdam ko ay wala akong ibang magagawa kundi ang patuloy na pilitin siya nang ganito. Sa huli, sa isang hindi primera klaseng unibersidad lamang nakapasok ang anak ko. Pakiramdam ko ay hindi makapagbibigay ng magandang kinabukasan ang pag-aaral sa isang hindi primera klaseng unibersidad, kaya pinag-aral ko siyang muli sa isang de-kalidad na high school sa lungsod. Sa wakas, matapos ang lahat ng pagsusumikap ko, natanggap siya sa isang magandang unibersidad. Tuwang-tuwa at nagmamalaki ako, at pakiramdam ko ay parang iba na ako kumpara sa dati. Akala ko na hangga’t makakapagtapos sa unibersidad at makakakuha ng isang matatag na trabaho ang anak ko, magagawa na niyang mamuhay nang masaya at komportable, at matatamasa ko rin ang mga benepisyo pagtanda ko. Pero hindi ko inasahan na hindi makakakuha ng graduation certificate ang anak ko dahil bumagsak siya sa CET-4 (College English Test Band 4) exam. Sinubukan namin ang lahat, gumamit kami ng mga impluwensiya at naghanap ng mga koneksiyon, pero wala pa ring nangyari. Naisip ko sa sarili ko, “Tapos na ang lahat ngayon; wala na akong pag-asang umangat kaysa sa iba. Nauwi sa wala ang lahat ng mga taon ng pagsusumikap ko, at talagang nawasak na ang lahat ng pag-asa ko!” Pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko. Pagkatapos noon, puro pamumuna at reklamo na lang ang ginagawa ko sa anak ko, ipinapakitang dismayado ako sa kanya dahil sa hindi niya pag-aaral nang mabuti at pagkabigong matugunan ang mga inaasahan ko. Punong-puno na siya sa pagbubunganga ko na ayaw na niyang umuwi sa bahay. Dahil walang diploma galing sa unibersidad ang anak ko, hindi siya makahanap ng trabaho. Kapag lumalabas ako, natatakot akong may makasalubong ako na mga kakilalang maaaring magtanong, “Saan nagtatrabaho ang anak mo? Kumusta na ang pag-unlad niya?” Kapag nalaman ng iba na nag-aral sa isang unibersidad ang anak ko pero wala siyang diploma, hindi ba’t iisipin nila na parang hindi rin siya nag-aral sa isang unibersidad? Hindi ba’t pagtatawanan nila ako? Bilang resulta, araw-araw akong nahihirapan.

Noong Disyembre 2021, tinanggap ko ang pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Ibinahagi ko ang pagdurusa ko sa isang kapatid, at may nakita siyang sipi ng mga salita ng Diyos para sa akin: “Kahit gaano pa di-kasiya-siya para sa isang tao ang kanyang kapanganakan, pag-abot sa hustong pag-iisip, o pag-aasawa, alam ng bawat isang dumaan na sa mga ito na hindi mapipili ng isang tao kung saan at kailan siya ipapanganak, ano ang hitsura niya, sino ang kanyang mga magulang, at sino ang kanyang kabiyak, bagkus tinatanggap lamang niya ang kalooban ng Langit. Subalit kapag dumating na ang panahon upang mag-aruga ang mga tao ng susunod na henerasyon, kanilang ipinapasa ang lahat ng kanilang di-natupad na mga pagnanais sa unang bahagi ng kanilang buhay sa kanilang mga inanak, umaasa na mababawi ng kanilang mga supling ang lahat ng kabiguan na naranasan nila sa unang bahagi ng kanilang mga buhay. Kung kaya ginagawa ng mga tao ang lahat ng uri ng pagpapantasya tungkol sa kanilang mga anak: na ang kanilang mga anak na babae ay magiging nakamamanghang mga dilag, na ang kanilang mga anak na lalaki ay magiging makisig at maginoo; na ang kanilang mga anak na babae ay magkakaroon ng pinag-aralan at magkakaroon ng mga talento at ang kanilang mga anak na lalaki ay magiging mga napakatalinong mag-aaral at nangungunang atleta; na ang kanilang mga anak na babae ay magiging magiliw, mabait, at matino, at ang kanilang mga anak na lalaki ay magiging matalino, mahusay, at madaling makaramdam. Umaasa sila na mapababae o mapalalaki man ang kanilang anak, igagalang nito ang nakatatanda sa kanila, magiging maalalahanin sa kanilang mga magulang, mamahalin at pupurihin ng lahat…. Sa puntong ito, muling bumubukal ang pag-asa sa buhay, at nag-aalab ang mga bagong simbuyo sa puso ng mga tao. Alam ng mga tao na sila ay walang kapangyarihan at walang-pag-asa sa buhay na ito, na hindi na sila magkakaroon ng ibang pagkakataon o ng ibang pag-asa na mamukod-tangi sa iba, at wala na silang magagawa kundi ang tanggapin ang kanilang mga kapalaran. At kaya ipinapasa nila ang lahat ng kanilang inaasam, ang kanilang di-natupad na mga ninanais at mithiin, sa susunod na henerasyon, umaasa na makakatulong sa kanila ang kanilang supling na makamit ang kanilang mga pangarap at matupad ang kanilang mga ninanais; na ang kanilang mga anak na babae at mga anak na lalaki ay magdadala ng karangalan sa pangalan ng pamilya, magiging importante, mayaman, o bantog. Sa madaling salita, nais nilang makita na namamayagpag ang tagumpay ng kanilang mga anak. Ang mga plano at pantasya ng mga tao ay perpekto; hindi ba nila alam na ang bilang ng mga anak na mayroon sila, ang hitsura, mga kakayahan ng kanilang mga anak, at iba pa, ay hindi nila mapagpapasyahan, na ni kapiraso ng mga kapalaran ng kanilang mga anak ay wala sa kanilang mga palad? Ang mga tao ay hindi mga panginoon ng kanilang sariling kapalaran, subalit umaasa sila na mababago nila ang mga kapalaran ng mas nakababatang henerasyon; wala silang kapangyarihan na takasan ang kanilang sariling mga kapalaran, subalit sinusubukan nilang kontrolin ang kapalaran ng kanilang mga anak na babae’t lalaki. Hindi kaya nasosobrahan ang tiwala nila sa kanilang mga sarili? Hindi ba ito kahangalan at kamangmangan ng tao?(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). Pagkatapos kong basahin ang mga salita ng Diyos, lubhang naantig ako. Kinokontrol ng Diyos ang kapalaran ng mga tao. Anumang pamamaraan ang gamitin ng mga tao, o gaano man kalaki ang halagang ibayad nila, hindi nila matatakasan ang mga pagsasaayos ng Diyos sa mga kapalaran nila. Naalala ko noong bata pa ako, hindi ako kontento sa buhay ng pamilya ko. Gusto kong baguhin ang kapalaran ko sa pamamagitan ng kaalaman. Nang mawasak ang sarili kong mga mithiin, ipinasa ko sa anak ko ang mga inaasam ko, hinihiling na matupad niya ang mga hangarin kong magtagumpay. Para makamit ko ang mga layon ko, mahigpit kong kinontrol ang anak ko, pinaplano kung paano siya dapat mag-aral sa bawat nakalaang oras. Kahit sa katapusan ng linggo, hindi ko siya pinapayagang lumabas para maglaro; kung lalabas man siya, sa tindahan ng libro lang siya puwedeng pumunta. Sinubaybayan ko siya nang maigi, at kapag hindi siya nag-aaral nang mabuti, pinapalo ko siya o pinapagalitan, sa takot na kung hindi niya gagalingan, hindi siya makakapasok sa isang magandang unibersidad, at hindi iyon makabubuti sa imahe ko. Ipinilit ko ang lahat ng sarili kong inaasahan sa kanya, na naging dahilan para mamuhay siya nang labis na napipigilan, na lubhang nakasama sa pisikal at mental na kalusugan niya, at namuhay rin akong may matinding paghihirap at pagod. Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang Diyos ang namumuno sa kapalaran ng tao, at kahit anong pagsisikap ng mga tao, hindi nila ito mababago. Pero noon pa man ay gusto ko nang kumawala mula sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, para baguhin ang kapalaran ko at ng anak ko sa pamamagitan ng kaalaman at para makamit ang layon na umangat kaysa sa iba. Bagaman nagbayad ako ng malaking halaga, sa huli, salungat sa mga kahilingan ko ang nangyari. Hindi ko nga makontrol ang sarili kong kapalaran, pero gusto kong baguhin ang sa anak ko—napakayabang, palalo, mapagmataas, hangal at mangmang ko! Naalala ko minsan may kapitbahay ako na kahit mababa lang ang pinag-aralan, ay naging amo at kumita ng maraming pera. Limitado lang din ang pinag-aralan ng pamangkin ko, pero nagawa niyang kumita ng maraming pera sa pamamagitan ng pagpapatakbo ng sarili niyang negosyo ng electronics, at namuhay siya nang mas marangya kaysa sa maraming taong may mga diploma at kaalaman. Mayroon ding isang nakababatang kapatid mula sa nayon ko, bagaman nakapasok siya sa unibersidad, nagkaroon siya ng depresyon pagkatapos niyang magtapos. Ayaw na niyang makipag-usap sa iba at sa huli ay hindi siya nakapagtrabaho. Dati, hindi ko nauunawaan ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at lagi kong sinusubukang kumawala, na nakapinsala sa sarili ko at sa anak ko. Ngayon, napagtanto ko nang mali ako, kaya nanalangin ako sa Diyos, “Diyos ko, handa akong ipagkatiwala ang anak ko sa Iyong mga kamay. Anuman ang mangyari sa hinaharap, handa akong magpasakop sa Iyong kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos.” Simula noon, hindi ko na pinagalitan ang anak ko o sinimangutan. Tumigil na rin siya sa pag-iwas sa akin gaya ng ginawa niya dati. Nang maglaon, nang makasalubong ko sa kalye ang isang kaibigan ko at magtanong siya tungkol sa trabaho ng anak ko, sumama pa rin ang loob ko. Hindi ako naglakas-loob na sabihin ang totoo, nag-alala ako kung ano ang magiging tingin niya sa akin at nakaramdam ako ng matinding kahihiyan.

Kalaunan ay naisip ko, “Pakiramdam ko ay kaya ko nang bitawan ang sitwasyon ng anak ko, pero bakit sumasama pa rin ang loob ko kapag binabanggit ito ng iba?” Nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Sa proseso ng pagkatuto ng tao ng kaalaman, ginagamit ni Satanas ang lahat ng paraan, maging ito man ay pagkukuwento, simpleng pagbibigay sa kanila ng ilang indibidwal na piraso ng kaalaman, o pagpapahintulot sa kanila na masapatan ang kanilang mga pagnanais o ambisyon. Sa anong daan ka nais akayin ni Satanas? Iniisip ng mga tao na walang mali sa pagkatuto ng kaalaman, na ito ay ganap na natural. Upang ilagay ito sa paraang nakakaakit pakinggan, ang magtaguyod ng matatayog na mithiin o ang magkaroon ng mga ambisyon ay pagkakaroon ng mga hangarin, at ito dapat ang tamang landas sa buhay. Hindi ba mas maluwalhating paraan para sa mga tao na mabuhay kung matutupad nila ang kanilang sariling mga mithiin o matagumpay na makapagtatag ng isang karera sa kanilang buhay? Sa paggawa ng mga bagay na ito, hindi lamang mapararangalan ng isang tao ang sariling mga ninuno bagkus ay maaari ring mag-iwan ng isang tatak sa kasaysayan—hindi ba ito isang mabuting bagay? Ito ay isang mabuting bagay sa mga mata ng mga taong makamundo, at sa kanila ay dapat itong maging angkop at positibo. Si Satanas ba, gayumpaman, kasama ang masasamang motibo nito, ay dinadala lang ang mga tao sa ganitong uri ng daan at pagkatapos ay ganoon na lamang? Siyempre hindi. Sa katunayan, gaano man katayog ang mga mithiin ng tao, gaano man kamakatotohanan ang mga pagnanais ng tao o gaano man maaaring kaangkop ang mga ito, ang lahat ng ninanais matamo ng tao, ang lahat ng hinahanap ng tao, ay pawang nauugnay sa dalawang salita. Ang dalawang salitang ito ay lubhang mahalaga sa buhay ng bawat tao, at ang mga ito ay mga bagay na binabalak na ikintal ni Satanas sa tao. Ano ang dalawang salitang ito? Ang mga ito ay ‘kasikatan’ at ‘pakinabang.’ Si Satanas ay gumagamit ng isang napakatusong uri ng paraan, isang paraang lubos na kaayon ng mga kuru-kuro ng mga tao, na hindi naman radikal sa anumang paraan, kung saan ay nagiging sanhi ito na walang kamalayang tanggapin ng mga tao ang uri ng pamumuhay nito, ang mga alituntunin nito sa pamumuhay, at sa pagtatakda ng mga layon sa buhay at kanilang direksyon sa buhay, at nagkakaroon din sila ng mga ambisyon sa buhay nang hindi namamalayan. Gaano man katayog magmistula ang mga mithiing ito sa buhay, ang mga ito ay pawang nauugnay sa ‘kasikatan’ at ‘pakinabang.’ Sinumang dakila o tanyag na tao—lahat ng tao, sa katunayan—anumang bagay na sinusunod nila sa buhay ay nauugnay lamang sa dalawang salitang ito: ‘kasikatan’ at ‘pakinabang.’ Iniisip ng mga tao na sa sandaling magkaroon sila ng kasikatan at pakinabang, maaari na nila kung gayong samantalahin ang mga ito upang tamasahin ang mataas na katayuan at malaking kayamanan, at upang masiyahan sa buhay. Iniisip nila na ang kasikatan at pakinabang ay mga uri ng puhunan na maaari nilang gamitin upang magkamit ng isang buhay na mapaghanap-ng-kaluguran at walang-pakundangan sa pagtatamasa ng laman. Alang-alang sa kasikatan at pakinabang na ito na iniimbot ng sangkatauhan, ang mga tao ay kusang-loob, hindi man namamalayan, na ibinibigay ang kanilang mga katawan, mga isip, at lahat ng mayroon sila, ang kanilang kinabukasan at kanilang mga tadhana, kay Satanas. Ginagawa nila ito nang taos-puso at ng wala ni isang sandali ng pag-aatubili, kailanman ay mangmang sa pangangailangan na mabawi ang lahat ng naibigay na nila. Mapapanatili ba ng mga tao ang anumang kontrol sa kanilang mga sarili sa sandaling manganlong sila kay Satanas sa ganitong paraan at maging tapat dito? Tiyak na hindi. Sila ay ganap at lubos na kontrolado ni Satanas. Sila rin ay ganap at lubos na nalublob sa isang putikan, at hindi magawang mapalaya ang kanilang mga sarili. Kapag ang isang tao ay nasadlak sa kasikatan at pakinabang, hindi na nila hinahanap ang kung ano ang maliwanag, ang makatarungan, o ang mga bagay na iyon na maganda at mabuti. Ito ay dahil sa ang nakatutuksong kapangyarihan na mayroon ang kasikatan at pakinabang sa mga tao ay napakalaki; ang mga ito ay nagiging mga bagay para hangarin ng mga tao sa buong buhay nila at maging sa walang hanggan nang walang katapusan. Hindi ba ito totoo?(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI). “Ginagamit ni Satanas ang kasikatan at pakinabang upang kontrolin ang mga iniisip ng tao, hanggang sa ang tanging maisip ng mga tao ay kasikatan at pakinabang. Nagsusumikap sila para sa kasikatan at pakinabang, nagdaranas ng mga paghihirap para sa kasikatan at pakinabang, nagtitiis ng kahihiyan para sa kasikatan at pakinabang, nagsasakripisyo ng lahat ng mayroon sila para sa kasikatan at pakinabang, at maghuhusga o magpapasya para sa kasikatan at pakinabang. Sa ganitong paraan, iginagapos ni Satanas ang mga tao gamit ang kadenang hindi nakikita, at wala silang lakas ni tapang na iwaksi ang mga ito. Dala nila ang mga kadenang ito nang hindi nila nalalaman at hirap na hirap silang sumulong. Alang-alang sa kasikatan at pakinabang na ito, lumalayo ang sangkatauhan sa Diyos at ipinagkakanulo Siya at lalo silang nagiging buktot. Sa ganitong paraan, samakatwid, sunud-sunod na nawawasak ang mga henerasyon sa gitna ng kasikatan at pakinabang ni Satanas(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ginagawang tiwali ni Satanas ang mga tao sa pamamagitan ng katanyagan at pakinabang, na hinihikayat silang hangarin lamang ang mga bagay na ito at maniwala na hangga’t mayroon silang katanyagan at pakinabang, nasa kanila na ang lahat at magiging masaya ang buhay nila. Ganito ang naging pananaw ko, namuhay ako ayon sa mga batas ni Satanas para sa kaligtasan tulad ng “Kayang baguhin ng kaalaman ang iyong kapalaran,” “Kayang lumikha ng tao ng isang kaaya-ayang sariling bayan gamit ang sariling niyang mga kamay,” at “Maliliit ang ibang paghahangad, ang mga libro ang nakahihigit sa lahat ng ito.” Naalala ko noong bata pa ako, mahirap ang pamilya ko at minamaliit kami ng mga tao. Nang makita ko ang nakatatanda kong pinsan na nagmamaneho ng kotse pabalik mula sa lungsod, at hinangaan siya ng lahat sa nayon, nakaramdam ako ng matinding inggit. Naisip ko sa sarili ko na kailangan kong mamuhay gaya ng pinsan ko sa hinaharap at makuha ang paghanga ng mga tao. Para hangarin ang katanyagan at pakinabang, inilaan ko ang lahat ng oras ko sa pag-aaral, isinakripisyo ko pa nga ang pahinga, na kalaunan ay humantong sa matinding insomnia. Nakahiga akong gising gabi-gabi at umaasa lang sa gamot pampatulog. Araw-araw akong hirap na hirap, pakiramdam ko ay mas masahol pa ang buhay kaysa sa kamatayan. Gayunpaman, sa huli, hindi pa rin ako nakapasok sa unibersidad o nagkamit ng buhay na gusto ko. Kahit ganoon, nabigo akong gumising sa realidad, at para makamit ang katanyagan at pakinabang, ipinasa ko sa anak ko ang mga hangaring hindi ko natupad. Napakanormal lang para sa anak ko na gustuhing maglaro nang ilang sandali noong bata pa siya, pero para matupad ang sarili kong mga ninanasa, kinontrol ko ang buhay niya, wala akong ibang ipinagawa sa kanya kundi ang mag-aral araw-araw, at pinapalo o pinagagalitan ko siya kapag hindi siya nag-aaral nang mabuti. Ang dating masigla at masayahin kong anak ay naging malungkutin palagi, nawala ang saya niya ng pagkabata, at nagkaroon siya ng matinding pagkakuba at malubhang pagkalagas ng buhok sa murang edad. Dahil sa pagkontrol ko, napalayo sa akin ang anak ko. Nang hindi makakuha ng diploma sa unibersidad ang anak ko at hindi ko makamit ang mga layon kong makakuha ng katanyagan at pakinabang, pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko. Hindi ko gustong makita ang sinuman, nahihiya akong itaas ang ulo ko, at nagreklamo ako sa anak ko, pinupuna siya dahil hindi niya natupad ang mga inaasahan ko. Namuhay akong may matinding pagdadalamhati. Ito ang mapapait na bunga na dulot ng paghahangad ko ng katanyagan at pakinabang. Naalala ko ang isang batang lalaki mula sa nayon ng kapatid ko, na ang pamilya ay napakahirap din. Para baguhin ang kapalaran niya sa pamamagitan ng kaalaman, inulit niya ang pag-aaral niya sa loob ng ilang taon, pero nabigo pa rin siyang makapasok sa unibersidad. Sa huli, nagkaroon siya ng depresyon. Ito ang resulta ng paggamit ni Satanas ng katanyagan at pakinabang para gawing tiwali ang mga tao. Pinagnilayan ko kung paano ako namuhay ayon sa pilosopiya ni Satanas, na tinatrato ang katanyagan at pakinabang bilang mga layon ko sa buhay. Sa pamamagitan ng desperadong paggugol ko ng sarili ko para sa mga layong ito, sa huli ay napinsala ko ang anak ko at ang sarili ko. Ayaw ko nang magdusa mula sa pamiminsala ni Satanas at handa na akong magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos.

Pagkatapos, nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Una sa lahat, tama ba o mali itong mga hinihingi at mga pamamaraan ng mga magulang sa kanilang mga anak? (Mali ang mga ito.) Kung gayon, sa huli, ano ang ugat ng problema pagdating sa mga pamamaraang ito na ginagamit ng mga magulang sa kanilang mga anak? Hindi ba’t ito ang mga ekspektasyon ng mga magulang para sa kanilang mga anak? (Oo.) Sa loob ng personal na kamalayan ng mga magulang, iniisip, pinaplano, at itinatakda nila ang iba’t ibang bagay tungkol sa kinabukasan ng kanilang mga anak, at bilang resulta, nagkakaroon sila ng mga ganitong ekspektasyon. Sa udyok ng mga ekspektasyong ito, iginigiit ng mga magulang na mag-aral ng iba’t ibang kasanayan ang kanilang mga anak, na mag-aral ang mga ito ng teatro at sayaw, o sining, at iba pa. Iginigiit nila na ang kanilang mga anak ay maging mga indibidwal na may mahuhusay na talento, at para ang mga ito ay maging mga nakatataas, hindi mga nakabababa. Iginigiit nila na maging mga opisyal na may mataas na ranggo ang kanilang mga anak, at hindi maging mga kawal lamang; iginigiit nila na ang kanilang mga anak ay maging manager, CEO, at executive, na nagtatrabaho para sa mga nangungunang 500 kumpanya sa buong mundo, at iba pa. Ang lahat ng ito ay mga personal na ideya ng mga magulang. Ngayon, bago sila umabot sa hustong gulang, may ideya ba ang mga anak sa nilalaman ng mga ekspektasyon ng kanilang mga magulang? (Wala.) Wala silang anumang ideya sa mga bagay na ito, hindi nila nauunawaan ang mga ito. Ano ba ang nauunawaan ng maliliit na bata? Nauunawaan lamang nila ang pagpunta sa paaralan para matutong magbasa, ang pag-aaral nang mabuti, at ang pagiging mga mabait at masunuring bata. Mabuti naman ang paggawa ng mga ito. Ang pagpunta sa paaralan para pumasok sa mga klase ayon sa nakatakdang iskedyul nila, at pag-uwi sa bahay para tapusin ang kanilang takdang-aralin—ito ang mga bagay na nauunawaan ng mga bata, ang iba pang nauunawaan nila ay pawang paglalaro, pagkain, pantasya, pangarap, at iba pa. Bago sila umabot sa hustong gulang, ang mga anak ay walang konsepto sa lahat ng di-nalalamang bagay sa kanilang mga landas sa buhay, at wala rin silang nakikinita tungkol sa mga ito. Ang lahat ng bagay na nakikinita o napagpapasyahan kapag nasa hustong gulang na ang mga anak na ito ay nagmumula sa kanilang mga magulang. Samakatuwid, ang mga maling ekspektasyon ng mga magulang para sa kanilang mga anak ay walang kinalaman sa kanilang mga anak. Kailangan lamang na makilatis ng mga anak ang diwa ng mga ekspektasyon ng kanilang mga magulang. Ano ang batayan ng mga ekspektasyong ito? Saan nagmumula ang mga ito? Nagmumula ang mga ito sa lipunan at sa mundo. Ang layon ng lahat ng ekspektasyong ito ng magulang ay upang matutong umangkop ang mga anak sa mundo at sa lipunang ito, upang ang mga ito ay hindi maitiwalag ng mundo o ng lipunan, at upang ang mga ito ay magkaroon ng posisyon sa lipunan, makakuha ng permanenteng trabaho, magkaroon ng matatag na pamilya, at magandang kinabukasan, kaya nagkakaroon ng iba’t ibang ekspektasyon ang mga magulang para sa kanilang mga anak. Halimbawa, ngayon ay medyo uso ang maging isang computer engineer. Sinasabi ng ilang tao: ‘Magiging isang computer engineer ang anak ko sa hinaharap. Marami siyang kikitaing pera sa larangang ito, may dala-dala siyang computer buong araw, gumagawa ng mga gawaing pang-computer engineering. Magiging maganda rin ang imahe ko kung magkagayon!’ Sa mga sitwasyong ito, kung saan walang anumang ideya ang mga anak, itinatakda ng kanilang mga magulang ang kanilang kinabukasan. Hindi ba’t mali ito? (Mali nga.) Ang mga inaasam ng kanilang mga magulang sa mga anak nila ay ganap na nakabatay sa kung paano tinitingnan ng isang taong nasa hustong gulang ang mga bagay-bagay, pati na rin sa mga pananaw, perspektiba, at mga kagustuhan ng isang taong nasa hustong gulang na tungkol sa mga usapin ng mundo. Hindi ba’t pansariling saloobin lang ito? (Oo.) Kung pagagandahin mo ang pagsasalarawan dito, maaari mong sabihin na pansariling saloobin lang ito, ngunit ano ba talaga ito? Ano ang iba pang pakahulugan dito? Hindi ba’t ito ay pagiging makasarili? Hindi ba’t ito ay pamimilit? (Ganoon na nga.) Gusto mo ang kung anong trabaho at propesyon, nasisiyahan kang mamuhay nang may matatag na posisyon at mamuhay nang magara, naglilingkod bilang opisyal, o bilang isang mayamang tao sa lipunan, kaya ipinagagawa mo rin sa mga anak mo ang mga bagay na iyon, na maging ganoong klase rin sila ng tao, at na tahakin nila ang ganoong uri ng landas—ngunit masisiyahan ba silang mamuhay sa gayong kapaligiran at magtrabaho nang ganoon sa hinaharap? Nababagay ba sila sa ganoon? Ano ang tadhana nila? Ano ang mga pagsasayos at kapasyahan ng Diyos sa kanila? Alam mo ba ang mga bagay na ito? May ilang taong nagsasabi na: ‘Wala akong pakialam sa mga bagay na iyon, ang mahalaga ay ang mga bagay na gusto ko, bilang kanilang magulang. Mag-aasam ako para sa kanila batay sa sarili kong mga kagustuhan.’ Hindi ba’t masyadong makasarili iyon? (Oo.) Masyadong makasarili ito! Kung pagagandahin ang pagsasalarawan dito, ito ay pansariling saloobin lang, ito ay pagpapasya nang sila lamang, pero ano ba ito, sa realidad? Ito ay sobrang makasarili! Hindi isinasaalang-alang ng mga magulang na ito ang kakayahan o mga talento ng kanilang mga anak, wala silang pakialam sa mga pagsasaayos ng Diyos sa bawat tadhana at buhay ng tao. Hindi nila isinasaalang-alang ang mga bagay na ito, ipinipilit lang nila ang sarili nilang mga kagustuhan, mga intensiyon, at mga plano sa kanilang mga anak habang nangangarap nang gising(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 18). Pagkatapos kong basahin ang mga salita ng Diyos, napagtanto kong habang walang anumang kaalam-alam ang anak ko, kung anu-ano ang ipinangarap at ipinilit ko sa kanya para makamit ang sarili kong mga layon. Malaki ang inasahan ko sa kanya, umasa akong may mararating siya sa lipunan, magkakaroon siya ng matatag na trabaho sa hinaharap, at hindi siya itataboy ng lipunang ito, na tutupad din sa sarili kong mga hangarin. Gusto kong pumasok sa unibersidad at makakuha ng magandang trabaho pagkatapos kong makapagtapos para makuha ang paghanga ng mga tao, pero dahil hindi natupad ang sarili kong mga hangarin, sinubukan kong makamit ito ng anak ko para sa akin. Noong pumipili ng major ang anak ko para sa unibersidad, hindi ko na tinanong ang opinyon niya. Sa halip, base sa ideya ko, pumili ako ng major para sa kanya na hahantong sa mas mataas na kita pagkatapos niyang magtapos. Pero, hindi ko inasahan na ang major na ito ay mangangailangan ng Level 4 man lang sa English. Mahina ang mga kasanayan ng anak ko sa wika, at palagi siyang bumabagsak sa Level 4 English exam, sa huli ay nabigo siyang makuha ang kanyang diploma. Dahil hindi naabot ng anak ko ang mga inaasahan ko, nagreklamo ako sa kanya at pinuna ko siya, na nagdulot ng matinding pasakit sa kanya. Hindi ko kailanman naisip kung ang mga kahilingan ko ay kaya ba niyang makamit, kung kakayanin ba niya ang mga ito, o kung ano ba talaga ang gusto niya o saan ba siya magaling. Lagi kong ipinangangarap at ipinipilit sa kanya ang sarili kong mga kagustuhan, plano, at pagnanais. Tila para sa kapakanan niya ang lahat ng ginawa ko, para magkaroon siya ng magandang trabaho at may marating siya sa lipunan pagkatapos niyang makapagtapos, pero ang totoo, ito ay para matugunan ang labis na pagnanais kong tingalain ng iba. Malinaw na napakamakasarili ko!

Nang maglaon, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos at nakahanap ako ng paraan ng pagsasagawa. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sa pamamagitan ng pagsusuri sa diwa ng mga ekspektasyon ng mga magulang para sa kanilang mga anak, makikita natin na ang mga ekspektasyong ito ay makasarili, na salungat ang mga ito sa pagkatao, at higit pa rito ay walang kinalaman ang mga ito sa mga responsabilidad ng mga magulang. Kapag nagpapataw ang mga magulang ng iba’t ibang ekspektasyon at hinihingi sa kanilang mga anak, hindi nila tinutupad ang kanilang mga responsabilidad. Kung gayon, ano nga ba ang kanilang ‘mga responsabilidad’? Ang pinakabatayang responsabilidad na dapat gampanan ng mga magulang ay ang turuan ang kanilang mga anak na magsalita, turuan sila na maging mabait at huwag maging masamang tao, at gabayan sila sa positibong direksiyon. Ito ang kanilang mga pinakabatayang responsabilidad. Bukod dito, dapat nilang tulungan ang kanilang mga anak sa pag-aaral ng anumang uri ng kaalaman, talento, at iba pa, na angkop sa mga ito, base sa edad, kakayahan, husay at mga hilig ng kanilang mga anak. Tutulungan ng mga medyo mas mabuting magulang ang kanilang mga anak na maunawaan na ang mga tao ay nilikha ng Diyos at na mayroong Diyos na umiiral sa sansinukob na ito, ginagabayan ang kanilang mga anak na magdasal at magbasa ng mga salita ng Diyos, kinukwentuhan ang mga ito ng ilang istorya mula sa Bibliya, at umaasa sila na susunod ang kanilang mga anak sa Diyos at gagampanan ang tungkulin ng isang nilikha paglaki ng mga ito, sa halip na hangarin ang mga kalakaran ng mundo, masangkot sa iba’t ibang komplikadong pakikipag-ugnayan sa mga tao, at mapinsala ng iba’t ibang kalakaran ng mundo at lipunang ito. Ang mga responsabilidad na dapat gampanan ng mga magulang ay walang kinalaman sa kanilang mga ekspektasyon. Ang mga responsabilidad na dapat nilang tuparin sa kanilang papel bilang mga magulang ay ang bigyan ng positibong gabay at angkop na tulong ang kanilang mga anak bago umabot sa hustong gulang ang mga ito, pati na rin ang agarang pag-aalaga sa mga pangangailangan sa katawan ng mga ito, tulad ng pagkain, kasuotan, tirahan, o sa mga panahong nagkakasakit sila. Kung magkasakit ang kanilang mga anak, dapat gamutin ng mga magulang ang anumang sakit na kailangang gamutin; hindi nila dapat pabayaan ang kanilang mga anak o sabihin sa mga ito, ‘Pumasok ka pa rin sa paaralan, magpatuloy ka sa pag-aaral—hindi ka pwedeng mahuli sa iyong mga klase. Kung masyado ka nang mahuhuli, hindi ka na makakahabol.’ Kapag kailangan ng kanilang mga anak na magpahinga, dapat hayaan ng mga magulang na magpahinga ang mga ito; kapag may sakit ang kanilang mga anak, dapat tulungan ng mga magulang ang mga ito na gumaling. Ito ang mga responsabilidad ng mga magulang. Sa isang aspekto, kailangan nilang alagaan ang pisikal na kalusugan ng kanilang mga anak; sa isa pang aspekto, kailangan nilang tulungan, turuan, at suportahan ang kanilang mga anak pagdating sa kalusugang pangkaisipan ng mga ito. Ito ang mga responsabilidad na dapat tuparin ng mga magulang, sa halip na magpataw ng anumang hindi makatotohanang ekspektasyon o mga hinihingi sa kanilang mga anak. Dapat tuparin ng mga magulang ang kanilang mga responsabilidad hindi lamang sa mga pangangailangan ng kalusugang pangkaisipan ng kanilang mga anak kundi pati na rin sa mga bagay na kailangan ng katawan ng kanilang mga anak. Hindi dapat pabayaan ng mga magulang ang kanilang mga anak na lubhang ginawin sa taglamig; dapat turuan nila ang mga ito ng ilang karaniwang kaalaman sa buhay, tulad ng sa kung anong mga sitwasyon sila magkakasipon, na dapat silang kumain ng mainit na pagkain, na sasakit ang kanilang tiyan kung kakain sila ng malalamig na pagkain, at na hindi nila dapat basta-bastang ilantad ang kanilang katawan sa hangin o hubarin ang kanilang damit sa lugar na masyadong mahangin kapag malamig ang panahon, tinutulungan sila na matutong alagaan ang kanilang sariling kalusugan. Dagdag pa rito, kapag lumitaw sa murang isipan ng kanilang mga anak ang ilang pang-musmos at walang-muwang na ideya tungkol sa kinabukasan ng mga ito, o ilang malabis na kaisipan, dapat maging maagap ang mga magulang sa pagbigay ng tamang gabay sa mga anak sa sandaling matuklasan nila ito, sa halip na piliting supilin ang mga ito; dapat nilang hikayatin ang kanilang mga anak na magpahayag at ilabas ang mga ideya ng mga ito, upang tunay na malutas ang problema. Ito ay pagtupad sa kanilang mga responsabilidad. Ang pagtupad sa mga responsabilidad ng isang magulang ay nangangahulugan, sa isang aspekto, ng pangangalaga sa kanilang mga anak, at sa isa pang aspekto, ng pagpapayo at pagtutuwid sa kanilang mga anak, at pagbibigay ng patnubay sa mga ito hinggil sa mga tamang kaisipan at pananaw. Sa totoo lang, ang mga responsabilidad na dapat gampanan ng mga magulang ay walang kinalaman sa mga ekspektasyon nila sa kanilang mga anak(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 18). Pagkatapos kong basahin ang mga salita ng Diyos, natutunan ko kung paano pakitunguhan ang mga anak natin. Bilang mga magulang, hindi natin dapat ipilit ang sarili nating mga inaasahan at kahilingan sa mga anak natin. Ang responsabilidad ng mga magulang ay ang magbigay ng positibong patnubay at tulong batay sa mga kakayahan, pangangailangan, at aktuwal na sitwasyon ng mga bata sa bawat yugto ng edad. Kapag bata pa ang mga anak natin, kailangan natin silang turuan kung paano magsalita at pati na rin kung paano alagaan ang kalusugan nila. Habang lumalaki sila, dapat gabayan natin silang huwag gumawa ng masamang pag-uugali, huwag sumunod sa masasamang kalakaran ng mundo, at huwag magkaroon ng mga radikal na ideya. Dapat natin silang payuhan nang tama para lumaki silang masaya. Dapat natin silang hayaan na maunawaan ang nilikha at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, gabayan sila na manalangin sa Diyos at umasa sa Kanya kapag may nangyayaring mga bagay-bagay, at gabayan silang basahin ang mga salita ng Diyos. Matapos maunawaan ang mga bagay na ito, hindi na ako namumuna o nagrereklamo tungkol sa anak ko, at handa na siyang makipag-usap ng taos-puso sa akin. Kahit na hindi siya namumuhay nang mayaman ngayon, may ngiti siya sa mukha niya na wala noon. Nakararamdam din ng paglaya ang puso ko mula sa pagsasagawa ayon sa mga salita ng Diyos. Hindi mabibili ng pera ang ganitong kaligayahan.

Sinundan: 7. Tama bang Husgahan ang mga Bagay Ayon sa Suwerte?

Sumunod: 11. May Natutunan Akong Aral Mula sa Karamdaman

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

88. Ang Hirap ng Kulungan

Ni Xiao Fan, TsinaIsang araw noong Mayo 2004, dumadalo ako sa isang pagtitipon kasama ng ilang kapatid nang biglang pumasok ang mahigit 20...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito