74. Paano Harapin ang Tulong at Payo ng Iba

Ni Xiao xuan, Tsina

Disyembre 31, 2022, Sabado, Maaraw

Ang bilis ng panahon. Dalawang buwan na mula nang maging superbisor ako ng gawaing pangvideo, at hindi ko man lang namalayan. Pakiramdam ko ay marami akong nakamit kamakailan. Ito man ay sa paglutas ng mga kalagayan ng aking mga kapatid, o sa pakikipagbahaginan tungkol sa mga problema sa gawain, pakiramdam ko ay mas nagiging kampante na ako. Parang may kakayahan naman ako at kaya ko ang gampaning ito. Ah, siya nga pala, Bagong Taon na bukas, at kailangang umuwi ni Li Ran nang ilang araw para asikasuhin ang isang bagay. Matagal na siyang superbisor at palagi niya akong tinutulungan noon. Pero ngayong ilang buwan na akong nagsasagawa, pakiramdam ko ay kaya ko nang magsaayos ng gawain kahit na wala siya sa tabi ko. Hindi pasok sa pamantayan ang mga video na ginagawa ng mga kapatid nitong huli at naging negatibo sila. Kailangan kong sumulat sa kanila ng pagbabahagi sa lalong madaling panahon. Sana maunawaan nila ang mga layunin ng Diyos at makatakas sa mga negatibo nilang kalagayan.

Enero 2, 2023, Lunes, Maaliwalas hanggang Maulap na Kalangitan

Ngayong araw, nakatanggap ako ng mga sulat mula sa ilang kapatid, sinasabi na talagang nakatulong sa kanila ang aming pagbabahaginan at na mula ngayon, handa silang pagbutihin ang mga kasanayan nila at gawin nang maayos ang kanilang tungkulin. Masayang-masaya ako nang mabasa ang mga sulat na ito, at naisip ko, “Kita ninyo, talagang kaya kong lutasin ang ilang aktuwal na problema.” At pinuri ko ang sarili ko. Bumalik si Li Ran kinagabihan. Tinanong niya ako kung kumusta ang gawain nitong mga nakaraang araw at pinaalalahanan ako, “Hindi sapat na nilulutas lang ang mga kalagayan ng lahat, kailangan din nating makipagbahaginan sa kanila tungkol sa mga teknik at mga prinsipyo, kung hindi, hindi sila makakagawa ng mga de-kalidad na video.” Medyo sumang-ayon ako sa sinabi niya, pero hindi ako mapakali sa kanyang pagsimangot at hindi nasisiyahang tono, “Hindi mo ba nakita na may nagawa akong mabuti? Bakit palagi mong pinupuna ang maliit na pagkakamaling ito?” Matapos marinig ang sinabi niya na “Hindi puwedeng nilulutas mo lang ang mga kalagayan ng mga tao at tapos ka na” nang ilang beses, nagsimula talaga akong mabagabag, na para bang mababa talaga ang IQ ko sa ginagawa kong ito. “Ginagawa ko rin naman ang mga bagay-bagay nang may pagsasaalang-alang. Binibigyang-diin mo ang isang pagkakamaling nagawa sa isang saglit na pagkalingat. Sinusubukan mo bang ipamukha na hindi ako magaling? Para bang walang halaga ang gawaing nagawa ko nitong nakaraang ilang araw.” Ibinubuod pa rin ni Li Ran ang mga problema sa gawain ko, pero ayaw ko nang patuloy na makinig, at pabalang ko siyang sinagot, “Puwes, kung napakarami mo naman palang ideya, bakit hindi mo na lang sabihin nang deretso kung paano ko ito mismo gagawin?” Saglit na natigilan si Li Ran, at naging medyo nakakailang ang sitwasyon. Napagtanto ko na napahiya ko siya sa pagsasabi nito, kaya umusal ako ng tahimik na nagdasal sa Diyos, hinihiling sa Kanya na tulungan akong huminahon at huwag kumilos ayon sa mga emosyon ko. Nang matapos ang talakayan namin, napaisip ako, “Hindi naman mali si Li Ran sa sinasabi niya, pero ayaw ko pa ring tanggapin ito nang marinig ko ito. Nagpapahiwatig ito ng isang tiwaling disposisyon, pero paano ko ito lulutasin?”

Enero 5, 2023, Huwebes, Maulap

Ngayong araw, tinanong ako ni Li Ran kung kumusta ang kalagayan ko kamakailan. Sabi ko, “Ayos lang, medyo kulang lang sa enerhiya at inaantok.” Pagkasabing-pagkasabi ko nito, sumagot siya, “Bakit ka inaantok? Hindi mo ba kailangang pagnilayan ang saloobin mo sa iyong tungkulin? Sabi mo, maayos ang kalagayan mo, pero kung normal nga ang kalagayan mo, bakit walang anumang resulta sa gawaing responsable ka? Hindi pa rin lumalabas ang pinakabago mong video, saan mo ba ginugugol ang lahat ng oras mo?” Pagkatapos, ginawang batayan ni Li Ran ang kanyang sariling karanasan ng pagiging pabaya sa tungkulin para makipagbahaginan sa akin. Pakiramdam ko ay ginawan ako ng masama, at napakarami kong gustong isagot, “Nagiging pabaya ba ako? Hindi naman. Nakilala ko na ang aking pabayang pag-uugali at sinimulan ko na itong itama, kaya bakit iniisip mo pa rin na umaasal ako nang ganoon? Ang dahilan kung bakit hindi ako nakakakuha ng mga resulta ay hindi dahil sa hindi ko pinagtutuunan ng pansin ang mga tungkulin ko, nararamdaman ko naman talaga na kailangang maging maagap sa ginagawa ko, at hindi naman puwedeng laktawan ang parte ng pananaliksik, hindi ba? Palagi mong pinupuna ang mga problema ko at pinalalaki ang mga ito. Bakit hindi mo nakikita ang pag-usad ko? Umaasa ka ba na maging perpekto ako?” Pagkatapos ng pagbabahagi ni Li Ran, nagsalita rin si Shasha tungkol sa kung paanong naging pabaya siya at hindi nagbuhat ng pasanin sa kanyang mga tungkulin. Ang totoo, nagpakita ako ng ilan sa mga pag-uugaling binanggit niya, pero ayaw kong aminin ito, at maangas akong sumagot, “Sa tingin ko, medyo mahusay kong ginagawa ang tungkulin ko nitong huli. Hindi ko naman napansin na nagiging pabaya ako sa mga tungkulin ko, gaya ng sinasabi mo, pero magdarasal at magninilay-nilay ako, okey?” Nakaramdam ako ng matinding paglaban sa puso ko, at napagtanto ko na talagang masama ang kalagayang ito, kaya umusal ako ng tahimik na dasal, “Diyos ko, pakibantayan mo po ang puso ko. Kahit sino pa ito, basta’t nagsasalita siya ayon sa katotohanan, dapat akong makinig. Ayaw ko nang makaramdam ng paglaban sa nakatutulong na pamumuna ng aking mga sister.”

Enero 6, 2023, Biyernes, Maulap hanggang Maaraw

Mabigat pa rin ang puso ko kapag naiisip ko ang kalagayang ibinunyag ko kagabi. “Bakit ba mainitin ang ulo ko? Bakit hindi ko kayang pakinggan ang iba na tumutukoy sa mga problema ko? Anong klaseng disposisyon ito? Sa tuwing may sinasabi ang isang tao tungkol sa akin, agad akong nagagalit. Paano ko magagawa ang aking tungkulin o paano ako makikipagtulungan sa iba kung ganito ako?” Kaninang umaga, nanood ako ng isang video na batay sa karanasan na pinamamagatang “Paano Harapin ang Mapungusan.” Naglalaman ito ng isang sipi ng salita ng Diyos na talagang nakaantig sa akin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kapag ang isang anticristo ay pinupungusan, ang unang ginagawa niya ay labanan at tanggihan ito sa kaibuturan ng kanyang puso. Nilalabanan niya iyon. At bakit ganoon? Ito ay dahil ang mga anticristo, sa kanilang kalikasang diwa, ay tutol at namumuhi sa katotohanan, at hindi nila talaga tinatanggap ang katotohanan. Natural, ang diwa at disposisyon ng isang anticristo ay humahadlang sa kanya na kilalanin ang sarili niyang mga pagkakamali o kilalanin ang sarili niyang tiwaling disposisyon. Batay sa dalawang katunayang ito, ang saloobin ng isang anticristo kapag pinupungusan ay ang tanggihan at salungatin ito, nang ganap at lubusan. Kinasusuklaman at nilalabanan niya iyon sa kaibuturan ng kanyang puso, at wala siya ni katiting na bahid ng pagtanggap o pagpapasakop, lalo nang walang anumang tunay na pagninilay o pagsisisi. Kapag ang isang anticristo ay pinupungusan, sinuman ang gumagawa niyon, tungkol saan man iyon, gaano man katindi ang dahilan kaya siya ang sinisisi sa bagay na iyon, gaano man kalantad ang pagkakamali niya, gaano kalaki ang kasamaang nagawa niya, o ano ang ibinubunga ng kanyang kasamaan para sa gawain ng iglesia—hindi isinasaalang-alang ng anticristo ang alinman dito. Para sa isang anticristo, pinupuntirya siya ng nagpupungos sa kanya, o hinahanapan siya ng mali para pahirapan siya. Maaari pa ngang isipin ng anticristo na inaapi siya at ipinapahiya, na hindi siya itinatrato bilang tao, at na hinahamak siya at kinukutya. Matapos pungusan ang isang anticristo, hindi niya pinagninilayan kailanman kung ano talaga ang nagawa niyang mali, anong uri ng tiwaling disposisyon ang naipakita niya, at kung hinanap niya ba ang mga prinsipyo kung saan siya dapat tumalima, kung kumilos ba siya alinsunod sa mga katotohanang prinsipyo, o tinupad ang kanyang mga responsabilidad hinggil sa usapin kung saan siya pinupungusan. Hindi niya sinusuri o pinagninilayan ang alinman dito, ni hindi niya isinasaalang-alang at pinag-iisipan ang mga isyung ito. Sa halip, hinaharap niya ang pagpupungos ayon sa sarili niyang kagustuhan at may init ng ulo. Sa tuwing pinupungusan ang isang anticristo, mapupuspos siya ng galit, pagsuway, at sama ng loob, at hindi makikinig sa payo ng sinuman. Hindi niya tinatanggap ang mapungusan, at hindi niya nagagawang bumalik sa harap ng Diyos para makilala at mapagnilayan ang kanyang sarili, para lutasin ang kanyang mga kilos na labag sa mga prinsipyo, tulad ng pagiging pabasta-basta o panggugulo sa kanyang tungkulin, ni hindi niya ginagamit ang pagkakataong ito para lutasin ang kanyang sariling tiwaling disposisyon. Sa halip, naghahanap siya ng mga dahilan para ipagtanggol ang kanyang sarili, para mapawalang-sala ang sarili niya, at magsasabi pa nga siya ng mga bagay na nagpapasimula ng alitan at nag-uudyok sa iba(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalabindalawang Aytem). Sinasabi ng salita ng Diyos na dahil tutol ang mga anticristo sa katotohanan, kapag pinupungusan sila, o kapag ipinapaalam ng iba ang mga problema nila, nakakaramdam sila ng matinding pagkontra dito. Hindi nila kailanman pinagninilayan ang kanilang mga problema at palagi silang umaasa sa kanilang pagkamainitin ng ulo sa pagharap sa mga bagay-bagay, at puno pa nga ng mga maling paniniwala ang puso nila, sinasabi na pinupungusan sila ng iba dahil minamaliit sila ng mga ito at gusto silang ipahiya. Puno sila ng reklamo sa iba. Kung ihahambing, magkatulad ang mga pag-uugali ko at iyong sa isang anticristo. Ipinaalam ni Li Ran na nabibigo akong maarok ang mga pangunahing punto habang nilulutas ko ang mga isyu, at na hindi ako sapat na nakipag-usap tungkol sa mga propesyonal o teknikal na usapin. Talaga namang ang mga ito ay mga isyung nararapat pagtuunan. Totoong kulang ang mga propesyonal na kasanayan ng mga kapatid at ang pagkaarok nila sa mga prinsipyo, na nangangahulugan na palaging kailangang gawin ulit ang mga video nila, at na ang problemang ito ay tunay ngang bunga ng aking kapabayaan. Matapos magbigay ng mungkahi si Li Ran, dapat sana ay agad kong tinalakay kung paano itatama ang paglihis na ito, ngunit dahil hindi ko matanggap ang tonong ginamit niya nang tinutukoy niya ang mga problema ko, pakiramdam ko ay sinusubukan niya akong ipahiya at maliitin, kaya hindi ko mapigilang maglabas ng sama ng loob ko. Ayaw kong pakinggan ang anumang sinabi niya pagkatapos o kilalanin ang mga problemang tinutukoy niya. Inakala ko na hinahamak niya ako at sinusubukan akong ipahiya at maliitin. Hindi ba’t ang ibinubunyag ko ay ang parehong-parehong kahiya-hiyang pag-uugali ng mga hindi tumatanggap sa katotohanan at palaging gumagawa ng mga kakatwang argumento nang hindi makatwiran? Ang mga taong tunay na nagmamahal sa katotohanan at may katwiran ay humaharap sa pagkakapungos at sa pagkakatukoy ng kanilang mga problema nang may saloobin ng pagtanggap. Nagagawa nilang magnilay-nilay at maghanap sa katotohanan para malutas ang mga paglihis na ito sa lalong madaling panahon. Kahit na hindi nila makilala ang mga bagay na ito sa oras na iyon, hindi sila nawawalan ng pasensiya, o patuloy na gumagawa ng kakatwang argumento para subukang pabulaanan ang mga pamumuna ng iba. Gayumpaman, nang bigyan ako ng aking sister ng ilang mungkahi na makakabuti sa gawain, bukod sa hindi ako tumatanggap, naniwala rin ako na sinusubukan niya akong ipahiya at maliitin. Ang pang-unawa ko ay katawa-tawa at hindi makatwiran, at hindi ako nagdasal sa Diyos o naghimagsik laban sa aking sarili. Sa halip, naglabas ako ng aking mga hinaing at kawalang-kasiyahan para ipahiya ang aking sister. Tumataas ang tono ko, tumatangging pahintulutan ang sinuman na abalahin o lapitan ako. Nagpapahiwatig ito ng isang disposisyon na tutol sa katotohanan at puno ng kalupitan. Kung hindi ko ito itatama, tiyak na itataboy at ititiwalag ako ng Diyos!

Naalala ko ang isang sipi ng salita ng Diyos na nabasa ko: “Ngayon, bagama’t maraming taong gumagawa ng tungkulin, iilan lamang ang naghahangad ng katotohanan. Napakakaunting tao ang naghahangad sa katotohanan at pumapasok sa realidad habang ginagawa nila ang kanilang tungkulin; para sa karamihan, wala pa ring mga prinsipyo sa paraan ng paggawa nila ng mga bagay-bagay, hindi pa rin sila mga taong tunay na nagpapasakop sa Diyos; ipinapahayag lamang nila na mahal nila ang katotohanan, at handa silang hangarin ang katotohanan, at handa silang magsumikap para sa katotohanan, subalit wala pa ring nakakaalam kung hanggang kailan tatagal ang kanilang determinasyon. Ang mga taong hindi naghahangad sa katotohanan ay malamang na magbunyag ng kanilang mga tiwaling disposisyon anumang oras o saanmang lugar. Wala silang anumang pagpapahalaga sa responsabilidad sa kanilang tungkulin, madalas silang pabasta-basta, kumikilos sila ayon sa gusto nila, at ni wala silang kakayahang tumanggap ng pagpupungos. Sa sandaling sila ay maging negatibo at mahina, may tendensiya silang tumalikod sa kanilang tungkulin—madalas itong mangyari, wala nang ibang mas karaniwan pa rito; ganoon kumilos ang lahat ng hindi naghahangad ng katotohanan. Kaya nga, kapag hindi pa nakakamit ng mga tao ang katotohanan, hindi sila maaasahan at mapagkakatiwalaan. Ano ang ibig sabihin ng hindi sila mapagkakatiwalaan? Ang ibig sabihin niyon ay na kapag nahaharap sila sa mga paghihirap o balakid, malamang na mabuwal sila, at maging negatibo at mahina. Mapagkakatiwalaan ba ang isang taong madalas maging negatibo at mahina? Talagang hindi. Ngunit iba ang mga taong nakakaunawa sa katotohanan. Ang mga taong tunay na nakakaunawa sa katotohanan ay malamang na mayroong may-takot-sa-Diyos na puso, at pusong nagpapasakop sa Diyos, at ang mga tao lamang na may-takot-sa-Diyos na puso ang mga taong mapagkakatiwalaan; ang mga taong walang may-takot-sa-Diyos na puso ay hindi mapagkakatiwalaan. Paano dapat harapin ang mga taong walang may-takot-sa-Diyos na puso? Siyempre, dapat silang bigyan ng mapagmahal na tulong at suporta. Dapat silang subaybayan nang mas madalas habang ginagawa nila ang kanilang tungkulin, at mas tulungan at turuan; saka lamang magagarantiyahan na gagawin nila nang epektibo ang kanilang tungkulin. At ano ang layon ng paggawa nito? Ang pangunahing layon ay ang itaguyod ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Ang pangalawa rito ay para agad na matukoy ang mga problema, para agad silang matustusan, masuportahan, o mapungusan, na itinatama ang kanilang mga paglihis, at pinupunan ang kanilang mga pagkukulang at kapintasan. Kapaki-pakinabang ito sa mga tao; walang masamang hangarin dito(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 7). Sa pag-iisip sa salita ng Diyos, napagtanto ko na hindi tinutukoy ng mga kapatid ang mga problema at paglihis sa kadahilanan na mapaminsala sila o sinusubukan nilang kutyain at maliitin ang mga tao sa pamamagitan ng paglalantad ng mga pagkukulang ng mga ito, bagkus, ito ay sa kadahilanan na nagpapakaresponsable sila para sa gawain ng iglesia, at dahil mayroong tiwaling disposisyon ang lahat ng tao, hindi maaasahan, at may kakayahang gumawa ng masama nang di-sinasadya, lumalabag sa mga prinsipyo sa pamamagitan ng pagkilos batay sa mga personal na kahilingan, nagiging pabaya sa mga tungkulin, at inaantala at ginagambala ang gawain ng iglesia, na sa gayon ay nagdudulot ng malulubhang kahihinatnan. Sinasabi na “Kapag naliligaw ang mga tao, natatakot sila na walang gagabay sa kanila.” Kapag ang mga tao ay mayroong isang tao na madalas na nagbibigay sa kanila ng tulong o nagpupungos sa kanila sa kanilang mga tungkulin, malaking tulong at proteksiyon ito para sa kanila. Karaniwan, kapag sinusubaybayan ko ang isang aytem ng gawain at nakakakita ako ng mga omisyon o paglihis, tutukuyin ko ang mga ito, at ipapaalam sa mga tao ang kabigatan at mga kahihinatnan ng mga ito. Ginagawa ko ito dahil gusto kong gawin nang maayos ng mga tao ang kanilang mga tungkulin at iwasan ang mga paglihis at pagkaantala sa gawain. Tinutukoy ni Li Ran ang mga problema ko sa parehong mga dahilan. Sa isang parte, ito ay para tulungan ako na magtamo ng magagandang resulta, pero ginawa ito dahil sa pagmamahal at sa pagpapahalaga sa pasanin, at para sa sarili kong kabutihan. Hindi ako dapat nakaramdam ng paglaban o nagalit; lalong hindi ko siya dapat sinagot nang pabalang. Katulad noong una, noong hindi pasok sa pamantayan ang mga video, ang pangunahing dahilan nito ay na hindi naarok ng mga tao ang mga teknikal na prinsipyo. Hindi ko alam ang problemang ito, at nang tukuyin niya ito, dapat sana ay ginabayan ko ang lahat sa pagbubuod ng mga paglihis na ito para matuto ng ilang kasanayan, pero hindi ko kailanman pinagnilayan ang sarili ko o ibinuod ang aking mga problema at sinagot ko lang siya nang pabalang. Sa anong paraan ako naging makatwiran? Sinabi ko sa sarili ko na, simula ngayon, dapat akong maging bukas sa pagtanggap kapag tinukoy ng iba ang mga problema ko at hindi na dapat makaramdam ng paglaban dito.

Enero 7, 2023, Sabado, Maaraw

Ngayong araw, dumalo ang isang lider sa aming pagtitipon at natuklasan niya ang ilang paglihis na lumitaw sa panahon ng aming gawain. Halimbawa, may ilang kapatid na may hindi pagkakasundo tungkol sa isang video at hindi namin nilinaw ang problemang ito, sa halip, nagbibigay lang ng ilang suhestiyon at hinahayaan silang magpatuloy, na nagreresulta sa video na hindi pasok sa pamantayan, inaantala ang gawain. Inilantad at pinuna rin kami ng lider dahil sa hindi paggawa ng tunay na gawain. Nang marinig kong binanggit nang paisa-isa ang lahat ng problemang ito, nagsimula talaga akong maasiwa, at napagtanto ko kung gaano ako naging manhid. Ang mga problemang tinutukoy ng lider na ito ay kapareho sa mga ipinaalam ni Li Ran sa akin. Pero dahil ayaw kong makinig at hindi ko sineryoso ang mga ito, hindi rin nalutas ang mga ito. Kung tinanggap ko sana ang mga babala niya noon at detalyadong nakipagtalakayan sa kanya sa mga bagay-bagay at naghanap ng landas ng resolusyon, marahil ay nalutas na ang mga problemang ito o nabago nang kaunti, o kahit papaano, hindi sana umabot sa gayong masamang kalagayan ang gawain.

Marso 14, 2023, Martes, Maulap hanggang Maaraw

Sa isa sa mga debosyonal ko, nabasa ko ang ilang salita ng Diyos tungkol sa aking disposisyon ng pagiging tutol sa katotohanan, at mas naging mulat ako sa kabigatan ng problemang ito. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sa iglesia, may mga nag-iisip na ang labis na pagsisikap o ang paggawa ng ilang mapanganib na bagay ay nangangahulugang nakapagtipon sila ng merito. Sa katunayan, batay sa kanilang mga kilos, tunay na karapat-dapat silang purihin, subalit kasuklam-suklam at kahiya-hiya ang kanilang disposisyon at saloobin sa katotohanan. … Hindi kinasusuklaman ng Diyos ang mahinang kakayahan ng mga tao, hindi Niya kinasusuklaman ang kanilang kahangalan, at hindi Niya kinasusuklaman ang pagkakaroon nila ng mga tiwaling disposisyon. Ano ang pinakakinasusuklaman ng Diyos sa mga tao? Iyon ay kapag tutol sila sa katotohanan. Kung tutol ka sa katotohanan, dahil lamang diyan, hindi matutuwa sa iyo ang Diyos kailanman. Nakataga iyan sa bato. Kung tutol ka sa katotohanan, kung hindi mo mahal ang katotohanan, kung ang saloobin mo sa katotohanan ay kawalang-malasakit, mapanghamak, at mapagmataas, o inaayawan, nilalabanan, at tinatanggihan mo pa ito—kung ganito ang pag-uugali mo, lubos kang kinaiinisan ng Diyos, at hindi ka magtatagumpay, hindi ka na maliligtas. Kung talagang mahal mo ang katotohanan sa puso mo, at sadyang medyo mahina lang ang kakayahan mo at wala kang kabatiran, medyo hangal, at madalas kang nagkakamali, ngunit hindi mo intensiyong gumawa ng masama, at nakagawa ka lamang ng ilang kahangalan; kung taos-puso kang handang makinig sa pagbabahagi ng Diyos sa katotohanan, at taos-puso kang nasasabik sa katotohanan; kung ang iyong saloobin sa pagtrato mo sa katotohanan at mga salita ng Diyos ay may sinseridad at pananabik, at kaya mong pahalagahan at itangi ang mga salita ng Diyos—sapat na ito. Gusto ng Diyos ang gayong mga tao. Kahit na medyo hangal ka kung minsan, gusto ka pa rin ng Diyos. Mahal ng Diyos ang puso mo na nananabik sa katotohanan, at mahal Niya ang iyong sinserong saloobin sa katotohanan. Kaya, may awa ang Diyos sa iyo at palaging nagkakaloob ng biyaya sa iyo. Hindi Niya iniisip ang iyong mahinang kakayahan o ang iyong kahangalan, ni hindi Niya iniisip ang iyong mga pagsalangsang. Dahil sinsero at masigasig ang iyong saloobin sa katotohanan, at tapat ang iyong puso, kung gayon, dahil sa pagiging totoo ng puso mo at ng saloobin mong ito—lagi Siyang magiging maawain sa iyo, at gagawa sa iyo ang Banal na Espiritu, at magkakaroon ka ng pag-asang maligtas. Sa kabilang banda, kung mapagmatigas ka sa puso mo at pinalalayaw mo ang sarili mo, kung tutol ka sa katotohanan, hindi kailanman nakikinig sa mga salita ng Diyos at sa lahat ng may kinalaman sa katotohanan, at mapanlaban ka at mapanghamak sa kaibuturan ng puso mo, ano kung gayon ang saloobin ng Diyos sa iyo? Pagkasuklam, pagkamuhi, at walang-humpay na poot(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Upang Matupad Nang Maayos ang Tungkulin ng Isang Tao, Pag-unawa sa Katotohanan ang Pinakamahalaga). Nang mabasa ko ang salita ng Diyos, naramdaman ko na matuwid at banal ang disposisyon Niya. Hindi kinamumuhian ng Diyos ang mga tao dahil sa hangal sila o walang kakayahan, at sa halip, tinitingnan Niya ang saloobin nila sa katotohanan. Kung may malalaking kaloob ang isang tao at may kakayahan, at kayang gumawa ng gawain, pero madalas siyang nagbubunyag ng isang disposisyon na tumututol sa katotohanan sa kanyang mga tungkulin, at karaniwang hindi niya matanggap ang katotohanan o makapagnilay, kung gayon, hindi magugustuhan ng Diyos ang taong ito, gaano man kalaki ang kakayahan niya. Mahal ng Diyos ang mga taong handang tumanggap sa katotohanan, kahit na wala silang kakayahan at hindi makagawa ng malalaking gawain. Nang makita ang pamantayan kung paano sinusuri ng Diyos ang mga tao, at inihahambing ito sa pag-uugali ko, pakiramdam ko ay lubha akong nanganganib. Umaasa ako sa aking katalinuhan at kakayahan, at bilang isang superbisor, nakagawa ako ng ilang gawain at nalutas ang ilang suliranin sa buhay pagpasok ng mga miyembro ng pangkat ko, kaya pakiramdam ko ay parang alam ko ang ginagawa ko. Pero nang tukuyin ng iba ang mga problema ko, nanaig ang pride ko, at pakiramdam ko ay parang sinusubukan nila akong maliitin at ipahiya. Mapanghamak at mayabang ang saloobin ko sa mga mungkahi ng iba, sa positibong bagay, at sa katotohanan, at naging kasuklam-suklam ako sa Diyos. Nasalangsang ko na ang mga tungkulin ko, at kung patuloy akong magiging hindi makatwiran at hindi magsisisi, tiyak na papaalisin at ititiwalag ako ng Diyos. Talagang kinatakutan ko ito! Tahimik at taimtim akong nagdasal sa Diyos, “O Diyos ko, gusto ko pong magsisi. Gusto kong gawin nang maayos ang mga tungkulin ko kasama ang aking mga kapatid, pero masyado yatang malubha ang aking tiwaling disposisyon. Pakiusap, disiplinahin Mo po ako nang higit pa at iligtas ako mula sa mga gapos ng aking tiwaling disposisyon.”

Marso 21, 2023, Martes, Maaraw

Ngayong araw, nabasa ko ang isang sipi ng salita ng Diyos na nagbigay sa akin ng landas ng pagsasagawa. Sabi ng Diyos: “Kailangan mo munang lutasin ang lahat ng paghihirap sa iyong kalooban sa pamamagitan ng pag-asa sa Diyos. Wakasan ang iyong masamang disposisyon at tunay na maunawaan ang iyong sariling kalagayan at alamin kung paano ka dapat kumilos; patuloy na makipagbahaginan tungkol sa anumang bagay na hindi mo nauunawaan. Hindi katanggap-tanggap na hindi makilala ng isang tao ang kanyang sarili. Paghilumin mo muna ang sarili mong karamdaman, at, sa pagkain at pag-inom ng Aking mga salita nang mas madalas at pagbubulay-bulay sa mga ito, mamuhay at gawin ang iyong mga gawa batay sa Aking mga salita; nasa bahay ka man o nasa ibang lugar, dapat mong tulutan ang Diyos na gumamit ng kapangyarihan sa iyong kalooban. Iwaksi ang laman at ang pagiging natural. Laging hayaang magkaroon ng kapamahalaan ang mga salita ng Diyos sa iyong kalooban. Hindi kailangang mag-alala na hindi nagbabago ang buhay mo; pagdating ng panahon, madarama mo na malaki ang ipinagbago ng iyong disposisyon. Dati, sabik kang maging sikat, hindi mo sinunod ang sinuman o kaya nama’y ambisyoso ka, mapagmagaling, o mapagmataas—unti-unting maaalis sa iyo ang mga bagay na ito. Kung nais mong iwaksi ang mga iyon ngayon mismo, imposible iyan! Ito ay dahil hindi hahayaan ng dati mong pagkatao ang iba na salingin ito, napakalalim ng mga ugat niyon. Kaya, kailangan mong magsagawa ng sariling pagsisikap, positibo at aktibong magpasakop sa gawain ng Banal na Espiritu, gamitin ang iyong kalooban upang makipagtulungan sa Diyos, at maging handang isagawa ang Aking mga salita. … Huwag kang magmagaling; humugot sa mga kalakasan ng iba para mapunan ang sarili mong mga kakulangan, panoorin kung paano nabubuhay ang iba ayon sa mga salita ng Diyos; at tingnan kung nararapat tularan ang kanilang buhay, kilos, at pananalita. Kung itinuturing mong mas hamak ang iba kaysa sa iyo, ikaw ay mapagmagaling, palalo, at walang pakinabang sa iba. Ang mahalaga ngayon ay magtuon sa buhay, kumain at uminom pa ng Aking mga salita, danasin ang Aking mga salita, alamin ang Aking mga salita, tunay na gawing buhay mo ang Aking mga salita—ito ang mga pangunahing bagay. Kung hindi kaya ng isang tao na mamuhay ayon sa mga salita ng Diyos, lalago ba ang kanilang buhay? Hindi, hindi nito kaya. Kailangan mong mamuhay ayon sa Aking mga salita sa lahat ng oras at gawing panuntunan ng pag-uugali sa buhay ang Aking mga salita, upang madama mo na ang pagkilos ayon sa panuntunang iyon ay nakakagalak sa Diyos, at ang pagkilos nang taliwas ay kinamumuhian ng Diyos; at unti-unti, makakatahak ka sa tamang landas(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 22). Sabi ng Diyos: “Hindi katanggap-tanggap na hindi makilala ng isang tao ang kanyang sarili. Paghilumin mo muna ang sarili mong karamdaman.” Ang totoo, ginawa nang napakalinaw ng Diyos ang isang landas ng pagsasagawa. Kapag nahaharap tayo sa mga bagay-bagay, dapat nating palaging lapitan ang Diyos para magnilay, kilalanin ang ating sarili, at hanapin ang katotohanan para malutas ang ating mga problema. Noon, kapag tinutukoy ng iba ang mga problema ko, agad nagiging mainitin ang ulo ko at ayaw magnilay-nilay, at iniisip ko na “Hindi obhetibo ang sinasabi mo; hindi iyon ganoon,” o kung hindi, “Maaaring natukoy mo ang problema ko, pero hindi ibig sabihin na mas magaling ka kaysa sa akin.” Nakikipagtalo ako at nakakaramdam ako ng pagkontra dito, at hindi tinitingnan ang sitwasyon na mula sa Diyos, kaya kumokontra ako sa lahat at sa huli ay walang napapala. Ang totoo, bagama’t nagbubunyag ng katiwalian ang taong tumutukoy sa problema ko at maaaring nagsasabi ng mga bagay na hindi lubos na tumpak, hangga’t sa isang parte ay naaayon sila sa mga katunayan sa kung ano ang iwinawasto nila sa akin, dapat ko itong tanggapin, pagnilayan ang aking sarili, at hanapin ang katotohanang nauugnay sa resolusyon ng problemang ito. Ito ay isang saloobin ng pagtanggap sa katotohanan. Sa pamamagitan lang ng pagsasagawa sa ganitong paraan unti-unting malulutas ang aking mapagmataas na disposisyon na tutol sa katotohanan.

Abril 10, 2023, Lunes, Maaraw

Ngayong araw, sumulat sa akin ang lider tungkol sa mabagal naming pag-usad sa paggawa ng mga video, sinasabi na iniraraos lang namin ang gawain at hindi nagiging maasikaso sa pagsubaybay sa gawaing ito, na hindi namin tinitingnan ang mga dahilan sa likod ng kabagalan na ito, at na nagpapabaya kami sa aming mga tungkulin sa ginagawa naming ito. Ang una kong reaksiyon ay ang makipagtalo, at naisip ko “Nilulutas namin ang problemang ito, kailangan lang ng oras. Bukod dito, ang mga gumagawa ng video ay may mga aktuwal na suliranin sa mga teknik, kaya, masisisi mo ba talaga kami?” Pakiramdam ko ay ginawan ako ng mali, pero napagtanto ko na nagsisimula uli akong makaramdam ng paglaban at hindi na tumanggap ng mga mungkahi, kaya, patuloy akong nagdarasal sa Diyos, “O Diyos ko, masyado akong mapaghimagsik! Patuloy akong nagiging hindi makatwiran at hindi ko kayang hanapin ang katotohanan para matuto ng mga aral. O Diyos ko, pakiusap, bantayan Mo po ang puso ko, para matanggap ko ang patnubay at tulong ng lider.” Pagkatapos nito, sama-sama naming sinuri ang problema ng mabagal na paggawa ng video at natuklasan namin sa wakas na talagang masyadong mababa ang kahusayan namin sa gawain at na masyado na kaming nagpapaliban. Karaniwan ay binibigyan ko lang sila ng mga walang kabuluhang salita para himukin sila, pero hindi ko talaga naunawaan kung sa aling mga parte sila bumabagal, aling mga seksyon ang maaaring laktawan, aling mga parte ang madalas mahinto at nagsasayang ng oras, o kung paano itatama ang pabayang saloobin ng ilang tao sa kanilang mga tungkulin. Sa pamamagitan ng aktuwal na pagsisiyasat at paghahanap sa mga katotohanang prinsipyo para lutasin ang mga isyung ito, maaaring umusad ang gawain nang kahit doble ang bilis. Muntik ko nang tanggihang muli ang mga mungkahi ng iba, at kung talagang ginawa ko iyon, mananatiling hindi nalutas ang mga problemang ito, at patuloy na maaantala ang gawain. Habang mas dumarami ang mga bagay na nararanasan ko, mas nararamdaman ko kung gaano kahalaga na tanggapin ang payo ng iba at magnilay kapag may nangyayari!

Sa pagbabalik-tanaw sa sarili kong karanasan, napuno ako ng maraming emosyon at nakikita ko kung gaano katalino ang Diyos! Kung hindi ipinaalam ni Li Ran ang problema ko, hinding-hindi ko sana mapagtatanto kung gaano kalubha ang disposisyon ko ng pagiging tutol sa katotohanan, at kung wala ang paghahayag ng Diyos at mga salita Niya ng paglalantad, hindi rin ako matututong magnilay. Patuloy ko sanang tatahakin ang maling landas, at sa huli, itatakwil sana ako ng mga kapatid ko, at ititiwalag ako ng Diyos. Ang kamangha-manghang gawain ng Diyos ang nagbunyag ng aking katiwalian at kapangitan, at ang mahihigpit na salita ng paghatol ng Diyos ang naglantad sa aking tiwaling disposisyon, at nagbigay-daan sa akin na makita ang aking satanikong disposisyon na tutol sa katotohanan, at magising at magbago. Lahat ng ito ay pagmamahal ng Diyos! Bagama’t hindi pa ako gaanong nagbago, handa akong tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng salita ng Diyos sa hinaharap para unti-unti akong makapagbago.

Sinundan: 73. Matapos Matanggal ang Lider na Hinahangaan Ko

Sumunod: 76. Pagninilay-nilay sa Sarili Matapos Maitalaga sa Ibang mga Tungkulin

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito