73. Matapos Matanggal ang Lider na Hinahangaan Ko

Ni Li Lan, Tsina

Si Li Cheng ay isang lider ng iglesia na pangunahing responsable sa gawain ng pagpapaalis at pagpapatalsik ng mga tao, at siya rin ang nangasiwa sa mga gampanin ko. Matapos makipag-ugnayan sa kanya nang higit sa isang taon, napansin ko na may mahusay siyang kakayahan, nagpakita siya ng pagpapahalaga sa pasanin sa kanyang tungkulin, at kaya niyang tukuyin ang mga problema sa gawain at kilatisin ang mga kalagayan ng mga tao. Lalo na kapag nag-oorganisa ng mga materyal para sa pagpapaalis at pagpapatalsik, naaarok niya ang mga pangunahing insidente at nakahahanap siya ng mga angkop na salita ng Diyos para ilarawan iyong mga pinapaalis at pinapatalsik batay sa kanilang pag-uugali, mga bagay na ako mismo ay hindi maasikaso. Tuwing nagtitipon at nagbabahaginan kami tungkol sa pagkilatis sa iba’t ibang uri ng tao, palagi kong inaasam na naroon si Li Cheng. Kung hindi siya sumisipot, nadidismaya ako, parang nawala ang sandigang sumusuporta sa akin. Sa nakalipas na taon o higit pa, ang mga iglesiang pinamamahalaan ni Li Cheng ay pawang nagpaalis ng ilang masamang tao at hindi mananampalataya, lubos na dinadalisay ang mga iglesia. Matatag ang paniniwala ko na si Li Cheng ay isang taong naghahangad at nakauunawa sa katotohanan— iniisip ko pa nga na ang isang tulad niya lamang ang maaaring maging lider. Labis ko siyang hinangaan at itinuring siya bilang isang huwaran sa paglalakbay ko sa pananalig.

Isang araw noong Mayo 2023, nakatanggap ako ng sulat mula sa nakatataas na lider na nagsasabing natanggal na si Li Cheng. Nabigla ako at hindi makapaniwala sa balita, iniisip na, “Mahusay ang kakayahan ni Li Cheng, may kaloob, at nagbubunga ng mga resulta sa kanyang tungkulin. Paanong natanggal ang isang katulad niya? Sobra-sobra na ba ang hinihingi ng mga lider? Dapat ko silang tanungin kung bakit natanggal si Li Cheng kapag nagkita kami.” Pagkatapos, hindi ko maiwasang ikumpara ang sarili ko kay Li Cheng. Hindi lamang niya nakikilatis ang mga kalagayan ng mga tao at nakahahanap ng mga angkop na salita ng Diyos para lutasin ang kanilang mga suliranin, mayroon din siyang mga resulta sa gawain niya. Samantalang ako, wala ako ng mga kaloob na mayroon siya; hindi ko kayang magdusa at magbayad ng halaga gaya niya, at madalas akong nahihirapang lutasin ang mga kalagayan ng mga tao at palagi kong hinihingi ang tulong niya. Ngayong kahit ang isang taong katulad ni Li Cheng ay natanggal na, pakiramdam ko ay hindi malayong matatanggal din ako. Dahil sa kaisipang ito, nasiraan ako ng loob, at sa mga sumunod na araw, wala akong lakas sa aking tungkulin at tanging kadiliman ang nakikita ko sa hinaharap. Napagtanto ko na mali ang kalagayan ko, at ginusto kong hanapin ang katotohanan para lutasin ang aking mga problema. Alam ko na ang mga desisyon ng iglesia para tanggalin ang mga tao ay batay sa mga prinsipyo, at ang pagkakatanggal kay Li Cheng ay tiyak na dahil sa paglabag niya sa mga prinsipyo sa kanyang tungkulin. Naalala ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos at hinanap ko ito para basahin. Sabi ng Diyos: “Sa bawat panahon at sa bawat yugto, may ilang partikular na bagay na nangyayari sa iglesia na salungat sa mga kuru-kuro ng mga tao. Halimbawa, ang ilang tao ay nagkakasakit, ang mga lider at manggagawa ay napapalitan, ang ilang tao ay nalalantad at natitiwalag, ang ilan ay nahaharap sa pagsubok ng buhay at kamatayan, ang ilang iglesia ay mayroon pa ngang masasamang tao at mga anticristo na nanggugulo, at iba pa. Nangyayari paminsan-minsan ang mga bagay na ito, pero hindi aksidenteng nangyari ang mga ito. Ang lahat ng ito ay resulta ng kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Ang isang napakapayapang panahon ay maaaring biglang magambala ng ilang insidente o hindi pangkaraniwang pangyayari, na nangyayari sa paligid ninyo, o kaya ay sa sarili ninyo, at ang paglitaw ng mga bagay na ito ay sumisira sa normal na kaayusan at normalidad ng buhay ng mga tao. Sa panlabas, hindi umaayon ang mga bagay na ito sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao, ito ay mga bagay na ayaw ng mga tao na mangyari sa kanila o na masaksihan nila. Kaya, ang paglitaw ba ng mga bagay na ito ay kapaki-pakinabang sa mga tao? Paano dapat harapin, danasin, at unawain ng mga tao ang mga ito? Naisip na ba ng sinuman sa inyo ang bagay na ito? (Dapat naming maunawaan na ito ang resulta ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos.) Isa lang ba itong usapin ng pagkaunawa na ito ang resulta ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos? May natutunan ba kayong anumang aral mula rito? … Ang mga tao ay walang pagkaunawa sa Diyos sa simula pa lang, at kapag nakatatagpo sila ng ilang bagay na salungat sa kanilang mga kuru-kuro, hindi nila hinahanap ang katotohanan at hindi sila naghahanap ng mga taong makakabahaginan, bagkus ay tinatrato lamang nila ang mga ito batay sa kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon, bago tuluyang bumuo ng konklusyon na ‘kung ang mga bagay na ito ay mula sa Diyos o hindi ay hindi pa rin sigurado,’ at nagsisimula silang magkaroon ng mga pag-aalinlangan tungkol sa Diyos, at pinagdududahan pa nga nila ang Kanyang mga salita. Dahil dito, ang kanilang mga pagdududa, mga haka-haka, at pag-iingat sa Diyos ay mas lumalala, at nawawalan sila ng motibasyon na gampanan ang kanilang mga tungkulin. Hindi sila handang magdusa at magsakripisyo, at nagpapakatamad sila, iniraraos lang ang bawat araw na lumilipas. Pagkatapos maranasan ang ilang partikular na pangyayari, ang kakaunting sigasig, kapasyahan, at pagnanais na mayroon sila noon ay nawala at naglaho na, at ang natitira na lamang ay ang mga kaisipan kung paano gawin ang sarili nilang mga plano para sa kinabukasan at maghanap ng kanilang malalabasan. Ang gayong mga tao ay hindi kakaunti. Dahil hindi mahal ng mga tao ang katotohanan at hindi nila ito hinahanap, sa tuwing may nangyayari sa kanila, tinitingnan nila ito gamit ang sarili nilang mga mata, nang hindi kailanman natututong tanggapin na mula ito sa Diyos. Hindi nila hinahanap ang katotohanan sa mga salita ng Diyos upang mahanap ang mga kasagutan, at hindi sila naghahanap ng mga taong nakauunawa sa katotohanan para makabahaginan nila at para malutas ang mga bagay na ito. Sa halip, palagi nilang ginagamit ang kanilang sariling kaalaman at karanasan sa pakikitungo sa mundo upang suriin at husgahan ang mga nangyayari sa kanila. At ano ang resulta sa huli? Kinukulong nila ang kanilang sarili sa isang mahirap na kalagayan na walang mapupuntahan—ito ang kahihinatnan ng hindi paghahanap sa katotohanan(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 11). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na kapag may nangyayari sa iglesia na hindi umaayon sa mga kuru-kuro ng mga tao, ang mga hindi naghahangad sa katotohanan ay hindi tatanggap ng mga bagay mula sa Diyos. Sa halip, magrereklamo sila at magkakamali sila ng pagkaunawa sa Diyos batay sa sarili nilang mga kuru-kuro at imahinasyon, at lalala ang kanilang mga kalagayan, maaapektuhan ang mga tungkulin nila. Ganito mismo ang inasal ko. Noon pa man ay mataas na ang tingin ko kay Li Cheng at hinahangaan ko siya. Nang makita kong may mahusay siyang kakayahan, may kaloob, abala sa tungkulin niya sa araw-araw, at palaging nakahahanap ng mga tamang salita ng Diyos para lutasin ang mga kalagayan ng mga kapatid, inakala ko na siya ay isang taong naghahangad ng katotohanan. Ngayon, tinanggal na siya, na talagang hindi umaayon sa mga kuru-kuro ko. Hindi ko hinanap ang katotohanan sa usaping ito, sa halip, pakiramdam ko ay ginawan nila ng masama si Li Cheng at iniisip ko pa nga na hindi naging patas sa kanya ang mga lider. Hindi ba’t nagiging mababaw ako sa usaping ito? Layunin ng Diyos na matuto ako ng mga aral at maunawaan ng mga aspekto ng katotohanan mula sa gayong mga sitwasyon na hindi umaayon sa mga kuru-kuro ng tao. Gayumpaman, nang mabalitaan na natanggal si Li Cheng, ang unang reaksiyon ko ay ang magreklamo na hindi ito pinangasiwaan nang patas ng mga lider, iniisip na masyadong mataas ang mga hinihingi nila at gusto ko pa ngang sitahin ang mga lider kung bakit nila tinrato nang ganoon Li Cheng. Naisip ko rin na mas mababa ako kay Li Cheng at baka matanggal din ako, na naging dahilan para mamuhay ako sa pagkanegatibo at maling pagkaunawa, na nakaaapekto sa aking tungkulin. Mula sa mga salita ng Diyos, nakita ko ang panganib ng hindi paghahangad sa katotohanan kapag nangyayari sa akin ang mga bagay-bagay. Nang mapagtanto ito, nabawasan ang mga damdamin ko ng paglaban, at naging handa akong hanapin ang katotohanan tungkol sa usaping ito.

Kalaunan, nang ibahagi at ilantad ng lider ang pag-uugali ni Li Cheng, nalaman ko na si Li Cheng ay talagang mayabang at mapagmagaling at kumikilos siya nang di-makatwiran sa kanyang tungkulin, nagtatakda siya sa lahat ng bagay nang hindi tinatalakay ang mga usapin sa kanyang mga katrabaho. Sa kabila ng paulit-ulit na pakikipagbahaginan, hindi siya nagbago, nagdudulot ng kaguluhan sa gawain ng iglesia. Noon lang siya tinanggal at pinagnilay-nilay. Nagbigay rin ang lider ng mga halimbawa ng mga partikular na pag-uugali ni Li Cheng. Kamakailan, naantala ng isang lider ng iglesia ang kanilang tungkulin dahil sa mga obligasyong pampamilya, at nang hindi hinahanap ang mga prinsipyo, sinusuri ang konteksto, o kumokonsulta sa mga katrabaho, nagsaayos si Li Cheng ng mga materyal para paalisin ang taong ito sa iglesia. Mabuti na lang, nakialam ang nakatataas na lider para pigilan ito. Sa isa pang pagkakataon, lihim na nagtalaga si Li Cheng ng isang superbisor nang hindi kinukonsulta ang sinuman. Mahina ang kakayahan ng superbisor na ito, at hindi makapagsaayos ng gawain, na nakaapekto sa gawain ng iglesia. Nang pungusan ng lider si Li Cheng dahil sa kanyang di-makatwirang pagkilos, tumanggi siyang tanggapin ito. Kalaunan, nagsalita rin ang ibang mga sister tungkol sa ilang pagmamalas ni Li Cheng ng pagkilos nang di-makatwiran sa kanyang tungkulin. Nang marinig ang mga katunayang ito, nagulat ako, at ayaw kong paniwalaan na si Li Cheng ay isang ganoon kayabang na tao. Pagkatapos, ipinakita sa akin ng lider ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Walang kakayahang makipagtulungan ang mga anticristo sa kahit na kanino; palagi nilang hinihiling na magtakda ng nag-iisang pamumuno. Ang katangian ng pagpapamalas na ito ay ‘solo.’ Bakit ginagamit ang salitang ‘solo’ para ilarawan ito? Dahil bago sila kumilos, hindi sila lumalapit sa Diyos sa panalangin, at hindi rin nila hinahanap ang mga katotohanang prinsipyo, lalong hindi sila naghahanap ng isang taong makikipagbahaginan at magsasabi sa kanila, ‘Ito ba ay angkop na landas? Ano ang itinatakda ng mga pagsasaayos ng gawain? Paano pangangasiwaan ang ganitong uri ng bagay?’ Hindi nila kailanman pinag-uusapan ang mga bagay-bagay o hinahanap na magkaroon ng isang kasunduan sa kanilang mga katrabaho at kapareha—nag-iisip lang sila ng mga bagay-bagay at nagpapakana sa sarili nila, gumagawa ng mga sarili nilang plano at pagsasaayos. Sa pamamagitan lang ng isang mabilisang pagbasa sa mga pagsasaayos ng gawain sa sambahayan ng Diyos, iniisip nilang naunawaan na nila ang mga ito, at pagkatapos ay bulag nilang isinasaayos ang gawain—at sa oras na malaman ito ng iba, naisaayos na ang gawain. Imposible para sa sinuman ang marinig ang kanilang mga pananaw o opinyon mula sa sarili nilang bibig nang maaga, dahil hindi nila kailanman ipinapahayag ang mga kinikimkim nilang kaisipan at pananaw sa sinuman. Puwedeng may magtanong na, ‘Hindi ba’t lahat ng mga lider at manggagawa ay may mga kapareha?’ Puwedeng may kapareha sila sa pangalan lang, pero pagdating ng oras para magtrabaho, hindi na sila magkapareha—solo silang nagtatrabaho. Bagama’t may mga katuwang ang mga lider at manggagawa, at may katuwang ang lahat ng gumagawa ng anumang tungkulin, naniniwala ang mga anticristo na mahusay ang kanilang kakayahan at mas magaling sila kaysa sa mga ordinaryong tao, kaya hindi karapat-dapat ang mga ordinaryong tao na maging mga katuwang nila, at mas mabababa lahat ang mga ito kumpara sa kanila. Ito ang dahilan kung bakit gusto ng mga anticristo na sila ang nasusunod at ayaw nilang tinatalakay ang mga bagay-bagay sa iba. Iniisip nilang magmumukha silang walang kakayahang walang halaga. Anong uri ng pananaw ito? Anong uri ng disposisyon ito? Isa ba itong mapagmataas na disposisyon? Iniisip nila na ang makipagtulungan at talakayin sa iba ang mga bagay-bagay, ang magtanong sa mga ito at maghanap mula sa mga ito, ay nakakawala ng dignidad at nakakababa ng pagkatao, na ikasisira ng kanilang respeto sa sarili. Kaya, upang maprotektahan ang kanilang respeto sa sarili, hindi nila pinapayagang makita ng iba ang anumang bagay na ginagawa nila, ni hindi nila sinasabi sa iba ang tungkol dito, at lalong hindi nila ito tinatalakay sa mga ito. Iniisip nila na ang makipagtalakayan sa iba ay nagpapakita na wala silang kakayahan; na ang laging paghingi ng mga opinyon ng ibang tao ay nangangahulugang sila ay mangmang at walang kakayahang mag-isip para sa kanilang sarili; na ang magtrabahong kasama ng iba sa pagtapos ng gampanin o pag-aayos ng ilang problema ay pagmumukhain silang walang kuwenta. Hindi ba’t ito ang mayabang at kakatwa nilang pag-iisip? Hindi ba’t ito ang kanilang tiwaling disposisyon? Masyadong halata ang taglay nilang kayabangan at pagmamatuwid sa sarili; ganap na nawalan na sila ng normal na katwiran ng tao, at medyo hindi na matino ang kanilang pag-iisip. Lagi nilang iniisip na may mga abilidad sila, na kaya nilang tapusin ang mga bagay-bagay nang sila lang, at hindi nila kailangang makipagtulungan sa iba. Dahil may gayong mga tiwaling disposisyon sila, hindi nila makamit ang matiwasay na pakikipagtulungan. Naniniwala sila na ang makipagtulungan sa iba ay magpapahina at maghahati-hati ng kanilang kapangyarihan, na kapag may kahati silang iba sa gawain, nababawasan ang sarili nilang kapangyarihan at hindi nila napagpapasyahan ang lahat ng bagay nang sila lang, ibig sabihin ay wala silang totoong kapangyarihan, na para sa kanila ay isang matinding kawalan. Kaya, kahit ano pang mangyari sa kanila, kung naniniwala silang nauunawaan nila at na alam nila ang nararapat na paraan ng pangangasiwa nito, hindi na nila ito tatalakayin pa sa iba, at sila ang magdedesisyon. Mas gugustuhin nilang makagawa ng mga pagkakamali kaysa ipaalam sa ibang tao, mas gugustuhin nilang maging mali kaysa ibahagi ang kapangyarihan sa sinuman, at mas gugustuhin nilang matanggal sa puwesto kaysa hayaan ang ibang tao na makialam sa kanilang gawain. Ganito ang isang anticristo(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Unang Bahagi)). Inilalantad ng mga salita ng Diyos na ang mga anticristo ay kumikilos nang di-makatwiran, ginagawa nang mag-isa ang lahat ng desisyon para mapanatili ang kanilang kapangyarihan. Hindi nila hinahanap ang mga katotohanang prinsipyo, hindi rin sila nakikipagtalakayan sa iba kapag may nangyayari sa kanila, at mayabang at walang katwiran ang kalikasan nila. Kung ikukumpara ito sa pag-uugali ni Li Cheng, bilang isang lider ng iglesia, kumilos siya nang di-makatwiran at pinanatili ang kapangyarihan sa sarili sa kanyang tungkulin, at kapag tinutukoy ng mga kapatid ang mga isyu niya, bukod sa hindi siya nagninilay-nilay sa sarili, naniniwala rin siya na nauunawaan niya ang sitwasyon at kaya niyang gumawa ng mga desisyon nang mag-isa. Hindi niya hinahanap ang mga prinsipyo, isinasantabi ang kanyang mga katrabaho, at lihim siyang nagsasaayos ng mga materyal para paalisin ang mga tao, habang nagtatalaga rin ng isang di-angkop na superbisor, ginagambala at ginugulo ang gawain ng iglesia, at binabalewala ang sinabi ng iba. Hindi ba’t ang mga pag-uugaling ito ni Li Cheng ay tumpak na tumutugma sa paglalantad ng Diyos tungkol sa kung paano ginagawa ng mga anticristo ang lahat ng bagay nang “mag-isa”? Nagmonopolyo siya ng kapangyarihan para kontrolin ang iglesia at ginambala niya ang gawain ng iglesia, na siyang eksaktong pag-uugali ng mga anticristong inilantad ng Diyos. Nasimulan na niyang tahakin ang landas ng isang anticristo. Ilang beses na tinukoy ng mga lider at manggagawa ang mga problema niya, pero hindi niya kailanman sineryoso ang mga ito. Ang pagtatanggal sa kanya ng nakatataas na lider batay sa mga prinsipyo ay ganap na naaangkop!

Hindi ko maiwasang magnilay-nilay, iniisip na, “Matapos makasalamuha si Li Cheng sa loob ng napakahabang panahon, bakit kaya hindi ko siya makilatis at inakala ko pa nga na mayroon siyang katotohanang realidad at hinangaan ko pa siya?” Habang naghahanap, nabasa ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “May ilang tao na madalas mailigaw ng mga tao na sa tingin ay mukhang espirituwal, marangal, matayog, at dakila. Tungkol naman sa mga taong mahusay bumigkas ng mga salita at doktrina, at ang pananalita at mga kilos ay tila karapat-dapat sa paghanga, yaong mga nalilihis ng mga ito ay hindi natingnan kailanman ang diwa ng kanilang mga kilos, ang mga prinsipyo sa likod ng kanilang mga gawa, o kung ano ang kanilang mga layon. Bukod pa riyan, hindi nila natingnan kailanman kung tunay na nagpapasakop sa Diyos ang mga taong ito, ni hindi nila natukoy kailanman kung tunay na may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan o hindi ang mga taong ito. Hindi nila nahiwatigan kailanman ang pagkataong diwa ng mga taong ito. Sa halip, simula sa unang hakbang ng pagkilala sa kanila, unti-unti na nilang hinangaan at iginalang ang mga taong ito, at sa huli, naging mga idolo nila ang mga taong ito. Bukod pa riyan, sa isipan ng ilang tao, ang mga idolong sinasamba nila—at pinaniniwalaan nila na kayang iwan ang kanilang pamilya at trabaho, at tila paimbabaw na nagagawang magsakripisyo—ang mga tunay na nagpapalugod sa Diyos at talagang magtatamo ng magagandang kahihinatnan at hantungan. Sa kanilang isipan, ang mga idolong ito ang mga taong pinupuri ng Diyos(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang mga Resultang Makakamtan ng Kanyang Gawain). Mula sa mga salita ng Diyos, napagtanto ko na sinasamba ko si Li Cheng sa pangunahing dahilan na nakapagbubunga siya ng mga resulta habang nangangasiwa sa gawain ng pagpapaalis at mayroon siyang mahuhusay na kakayahan sa gawain. Mayroon din siyang kaunting katalinuhan at mga kaloob at kaya niyang maghanap ng mga nauugnay na salita ng Diyos na naka-target sa mga kalagayan ng mga tao, kaya inakala ko na nauunawaan niya ang katotohanan at na may realidad siya. Gayumpaman, ipinakita ng mga katunayan na ganap na walang kamalayan si Li Cheng sa malubhang anticristong disposisyon na ibinubunyag niya. Ayaw niyang tanggapin ang pagpupungos ng mga lider, at malinaw na hindi niya tinanggap ang katotohanan at kadalasan ay sinasangkapan lang niya ang sarili ng mga doktrina. Nagpakaabala siya sa kanyang tungkulin para makapagbunga ng mga resulta at tumaas ang tingin sa kanya ng mga tao, hindi niya talaga hinahangad ang katotohanan para lutasin ang sarili niyang tiwaling disposisyon, pero sinamba ko siya bilang isang idolo at sinunod ko pa nga ang kanyang halimbawa; napakamangmang ko! Naisip ko kung paanong sinang-ayunan ng Diyos si Pedro dahil nakatuon si Pedro sa paghahanap ng katotohanan at pagtugon sa mga layunin ng Diyos sa kapwa pang-araw-araw na buhay niya at sa tungkulin niya. Sa bawat maliit na usapin, tumuon siya sa pagbabago ng dati niyang disposisyon. Sa kabaligtaran, hinusgahan ko ang mga tao batay sa kanilang katalinuhan at mga kaloob, sa gawaing ginawa nila at sa pagdurusang tiniis nila sa panlabas. Napagtanto ko na lumalabag sa mga hinihingi ng Diyos ang pananaw ko sa paghusga sa mga tao. Kung hindi tinanggal si Li Cheng, hindi ko sana napagnilayan ang mga isyung ito at nagpatuloy pa akong sundin ang kanyang halimbawa. Sa sandaling ito, taos-puso akong nagpasalamat sa Diyos sa pamamatnugot sa gayong mga tao, pangyayari, at bagay. Ito ang pagliligtas sa akin ng Diyos. Nang makita ko na hindi pa rin nakilatis ng ilang kapatid sa iglesia si Li Cheng, nakipagbahaginan ako sa kanila kung ano ang ibig sabihin ng pagkilos nang di-makatwiran, at pati na kung bakit hindi dapat manghusga ng mga tao batay lamang sa kanilang panlabas na hitsura, kundi kung kumikilos ba sila ayon sa mga salita ng Diyos at kung naisasagawa ba ang katotohanan para itaguyod ang gawain ng iglesia. Pagkatapos makinig, medyo nakilatis na ng mga kapatid si Li Cheng.

Kalaunan, nagpatuloy akong magnilay-nilay: Bakit ba ganoon katindi ang reaksiyon ko sa pagkakatanggal ni Li Cheng at agad akong nasiraan ng loob? Sinuri ko ang aking sarili at nakita ko na pinanghahawakan ko ang pananaw na kung ang isang tulad ni Li Cheng, na mas mahusay kaysa sa akin sa bawat aspekto ay maaaring matanggal, kung gayon, hindi malayong matanggal din ako. Pagkatapos, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Habang ginagawa ang kanilang mga tungkulin, palaging nagkakalkula ang mga anticristo para sa kanilang sariling kinabukasan at tadhana: kung ilang taon na nilang ginagawa ang kanilang mga tungkulin, kung gaano karaming paghihirap ang tiniis nila, gaano karami ang tinalikuran nila para sa Diyos, gaano kalaki ang halagang ibinayad nila, gaano karaming lakas ang naigugol nila, ilang taon ng kanilang kabataan ang isinuko nila, at kung may karapatan na ba sila ngayon na tumanggap ng mga gantimpala at ng isang korona; kung sapat na ba ang kanilang naipon na kapital sa mga taon na ginagawa nila ang kanilang mga tungkulin, kung sa tingin ng Diyos, sila ba ay isang taong pinapaboran sa harap Niya, at kung sa tingin ng Diyos, sila ba ay isang taong maaaring tumanggap ng mga gantimpala at ng isang korona. … Mahigpit nilang pinanghahawakan ang kanilang sariling mga ambisyon at pagnanais, itinuturing ang mga ito bilang ang katotohanan, bilang ang tanging mga layon sa buhay, at bilang ang pinakamakatarungang gawain. Hindi nila alam ang katotohanan na kung ang disposisyon ng isang tao ay hindi nagbabago, sila ay magiging kaaway ng Diyos magpakailanman, at hindi nila alam na hindi nakabatay sa kakayahan, mga kaloob, mga talento, o kapital ng isang tao kung anong mga pagpapala ang ibinibigay ng Diyos sa kanya at kung paano tinatrato ng Diyos ang isang tao, kundi nakabatay ang mga ito sa kung gaano karaming katotohanan ang isinasagawa nila at kung gaano karaming katotohanan ang nakakamit nila, at kung sila ba ay isang taong may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan. Ito ang mga katotohanang hindi kailanman mauunawaan ng mga anticristo. Hindi ito kailanman makikita ng mga anticristo, at dito sila pinakahangal. Mula simula hanggang katapusan, ano ang saloobin ng mga anticristo sa kanilang tungkulin? Naniniwala sila na isang transaksiyon ang paggawa ng tungkulin, na kung sino man ang may pinakamaraming iginugugol sa kanilang tungkulin, may pinakamalaking ambag sa sambahayan ng Diyos, at nagtitiis ng pinakamaraming taon sa sambahayan ng Diyos ay magkakaroon ng mas malaking tsansa na mapagpala at makakuha ng korona sa huli. Ito ang lohika ng mga anticristo(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikapitong Bahagi)). Mula sa mga salita ng Diyos, nakita ko na itinuturing ng mga anticristo ang kanilang tungkulin bilang isang transaksiyon, ginagamit bilang bentaha ang pagsisikap sa gawain at ang mga resulta sa kanilang tungkulin para ipagpalit sa mga pagpapala mula sa Diyos. Ito ang lohika ng mga anticristo. Ganito rin ang hawak kong pananaw. Nang makita ko na natanggal ang isang tao na mas katangi-tangi kaysa sa akin sa lahat ng aspekto, naisip ko na sa malao’t madali, matatanggal din ako. Pakiramdam ko ay walang katiyakan ang kinabukasan ko, na nagdulot ng aking pagkanegatibo. Sa realidad, ang mga pamantayan ng Diyos sa paghatol sa mga tao ay hindi nakabatay sa kung gaano karami ang kaloob na mayroon sila o kung gaano sila mukhang nagdurusa o gumagawa, kundi kung gaano karaming katotohanan ang isinasagawa at nakakamit nila sa kanilang mga tungkulin. Samantala, hinusgahan ko ang mga tao hindi ayon sa mga salita ng Diyos kundi batay sa sarili kong mga kuru-kuro at imahinasyon, iniisip na ang mga taong may mga kaloob at nagsisikap ay tiyak na naaayon sa layunin ng Diyos at magkakamit ng pagsang-ayon Niya. Samakatwid, nang mabalitaan ko na natanggal si Li Cheng, hindi ko ito matanggap at ginusto ko pang kuwestiyunin ang mga lider kung bakit natanggal siya at maghanap ng katarungan para sa kanya. Sa realidad, ang pagsuporta ko kay Li Cheng ay talagang isang dahilan ko lang para makipagtalo ako. Nag-alala ako na baka ako na ang susunod na matatanggal at natakot na hindi ako magkakaroon ng magandang kinabukasan. Sa likod ng kagustuhan kong kuwestiyunin ang mga lider ay isa talagang pagnanais na kuwestiyunin ang Diyos, na magreklamo na hindi patas ang Diyos at masyadong mataas ang hinihingi Niya sa mga tao. Hindi ako tumayo sa posisyon ng isang nilikha at nagpasakop sa gawain ng Diyos; sa halip, nakipagtalo at tumutol ako laban sa Diyos. Noon ko lang napagtanto kung gaano kalubha ang kalikasang ibinubunyag ko. Naalala ko si Pablo, ginamit niya ang kanyang gawain bilang kapital para tumutol laban sa Diyos at humingi ng isang putong ng katuwiran mula sa Kanya. Sa huli, pinarusahan at isinumpa siya ng Diyos. Kung hindi pa rin ako magsisisi, hindi ako sasang-ayunan ng Diyos gaano man ako magdusa sa aking tungkulin, at sa huli, maparurusahan ako katulad ni Pablo! Nagsilbing babala sa akin ang pagkakatanggal kay Li Cheng, napagtatanto ko na bagama’t nananampalataya ako sa Diyos, sumasamba ako sa mga tao at tumatahak ng maling landas. Mula sa kaibuturan ng puso ko, naramdaman ko na ito ay pagmamahal at pagliligtas ng Diyos sa akin.

Matapos matanggal si Li Cheng, nagnilay-nilay siya sa loob ng ilang panahon, nagkamit siya ng kaunting pagkaunawa sa kanyang tiwaling disposisyon, at muling itinalaga ng iglesia sa isang tungkulin. Ngayon, muli kong ginagawa ang tungkulin ko kasama si Li Cheng, pero hindi ko na siya sinasamba gaya ng ginawa ko dati. Sa halip, tumutuon ako sa pagkilatis kung nakabatay ba sa mga salita ng Diyos ang sinasabi niya. Kung iba ang mga opinyon ko, ipinaaalam ko ang mga ito, hinahanap ko ang mga katotohanang prinsipyo para sa mga bagay na hindi ko nauunawaan, at iniuulat ko sa mga lider ang mga bagay na hindi ko makilatis. Sa pagsasagawa ng ganitong paraan, nauunawaan ko ang ilang prinsipyo at nakahahanap ako ng isang landas pasulong. Sa pamamagitan ng karanasang ito, napagtanto ko ang kahalagahan ng paghahanap sa katotohanan, at nagsimula akong tumuon sa pagninilay-nilay sa mga bagay na ginagawa ko na lumalabag sa mga prinsipyo kapag ginagawa ko ang aking tungkulin. Inaakay ko rin ang mga kapatid para hanapin nila ang mga katotohanang prinsipyo sa kanilang mga tungkulin para huminto ang lahat sa pagtuon sa mga panlabas na kilos at sa halip ay tumutok sa paghahangad sa katotohanan at paggawa ng kanilang mga tungkulin ayon sa mga prinsipyo. Itinama ng karanasang ito ang mga mali kong pananaw sa mga bagay-bagay, at nagpapasalamat ako sa pagliligtas ng Diyos!

Sinundan: 72. Ang Pagkakaroon ba ng Katayuan ay Naggagarantiya ng Kaligtasan?

Sumunod: 74. Paano Harapin ang Tulong at Payo ng Iba

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito