4. Hindi Ko Na Madaramang mas Nakabababa Ako Dahil sa Aking Malamyang Pagsasalita

Ni Kerry, Pilipinas

Mula pagkabata, medyo mahiyain na ako at hindi ko maayos na naipapahayag ang sarili ko. Kapag nakikisalamuha sa mga hindi ko kakilala, wala akong gaanong lakas ng loob na magsalita, at kapag maraming tao sa paligid ko, sobra akong kinakabahan. Lagi akong natatakot na hindi ko maipapahayag nang malinaw ang sarili ko at magmumukha lang akong hangal. Dahil dito, madalas kong nadaramang mas mababa ako kaysa sa iba. Noong Agosto 2023, isinaayos ng iglesia na diligan ko ang mga baguhan. Hiningi sa akin ng tungkuling ito na madalas na makipagtipon sa mga baguhan, at kinailangan ko ring makipag-ugnayan sa iba pang tagadilig. Dahil sa kinakaharap kong gayong mga sitwasyon, madalas akong kinakabahan, at natatakot na kapag ako na ang magbabahagi, baka hindi ako makapagsalita nang malinaw, at ano na lang ang iisipin ng mga kapatid sa akin kung magkagayon?

Isang beses, si Stacy, ang sister na naging katuwang ko, ay isinama ako para makipagtipon sa mga baguhan. Mayroong halos 40 o 50 na tao roon. Nang nakita ko ang eksenang ito, hindi ko naiwasang kabahan. Masyadong maraming tao ang naroroon. Sobrang magiging kahiya-hiya ang magbahagi nang di-maayos sa harap ng maraming taong ito. Iisipin nila, “Kung ganito ka, na hindi man lang maintindihan kapag nagsasalita, madidiligan mo ba talaga kami?” Hindi ba’t mamaliitin nila ako? Habang naiisip ko ito, hindi ko magawang maging kalmado, at sobrang nababalisa ang puso ko. Lalo na nang makita ko na sa pagbabahagi ni Stacy, ang pag-iisip niya ay malinaw at ang nilalaman ay praktikal, inggit na inggit ako. Masamang-masama rin ang loob ko, at natakot ako na sa sobrang dami ng taong naroroon, sa sandaling kabahan na ako, mabablangko na ang isip ko at hindi ko na kakayaning magbahagi. Sobrang magiging kahiya-hiya iyon. Ano na lang ang iisipin ng mga baguhan sa akin? Nang maisip ito, nagpasya akong hindi na ako magsasalita. Gagampanan ko na lang ang papel ng isang tagasuri! Kaya, natapos ang buong pagtitipon nang hindi ako nagsasalita. Kapag nakikipagtipon ako kasama ang ibang tagadilig, ganito rin ako. Dahil nakikita ko silang lahat na medyo maayos na naipapahayag ang sarili nila, nainggit ako. Dahil iniisip kong ang pagpapahayag ko sa sarili ko ay hindi kasiya-siya at hindi presentable sa publiko, mas lalo pa akong nawalan ng tiwala sa aking pagsasalita. Nalungkot ako nang sobra, at naisip ko, “Lahat kami ay gumagawa ng tungkulin ng pagdidilig, kung gayon, bakit napakalaki ng agwat ko sa kanila? Wala akong sinasabing kahit ano; hindi ba’t iisipin nilang hindi ko talaga kayang magbahagi at madidismaya sila sa akin?” Medyo naging negatibo ako, at inisip ko pa nga, “Hindi kaya isang pagkakamali ang pagsasaayos na gawin ko ang tungkulin ng pagdidilig? Para magawa ang tungkuling ito, ang isang tao ay dapat magbahagi tungkol sa katotohanan at dapat magaling sa pagpapahayag ng sarili niya. Hindi talaga ako magaling magsalita kaya tingin ko ay hindi ko kayang gawin ang tungkuling ito.” Subalit inisip ko noon na ang tungkuling ginagawa ng isang tao sa isang partikular na yugto ay itinakda ng Diyos, at ayaw kong maging hindi karapat-dapat sa Kanyang pagkamapagsaalang-alang. Subalit madalas na kakailanganin kong magsalita sa harap ng maraming tao sa hinaharap; ano ang dapat kong gawin? Sa ilang araw na iyon, namumuhay ako sa pagdurusa sa bawat araw, at hindi ako makaahon mula sa lagay ng loob na ito.

Isang araw, kinausap ko ang isang sister tungkol sa aking kalagayan, at pinabasa niya sa akin ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kung ikaw ay madalas na nagpaparatang sa buhay mo, kung ang puso mo ay hindi makasumpong ng kapahingahan, kung ikaw ay walang kapayapaan o kagalakan, at madalas na binabalot ng pag-aalala at pagkabalisa tungkol sa lahat ng uri ng mga bagay, ano ang ipinapakita nito? Ipinapakita lamang nito na hindi mo isinasagawa ang katotohanan, hindi naninindigan sa iyong patotoo sa Diyos. Kapag namumuhay ka sa gitna ng disposisyon ni Satanas, malamang na ikaw ay mabibigo nang madalas sa pagsasagawa ng katotohanan, tatalikuran ang katotohanan, at magiging makasarili at kasuklam-suklam; itinataguyod mo lamang ang iyong imahen, ang iyong reputasyon at katayuan, at ang iyong mga interes. Ang pamumuhay palagi para lamang sa iyong sarili ay nagdadala sa iyo ng malaking pasakit. Dahil napakarami ng iyong mga makasariling pagnanasa, gusot, gapos, pag-aalinlangan, at kinaiinisan kaya wala ka na kahit kaunting kapayapaan o kagalakan. Ang mamuhay para sa tawag ng tiwaling laman ay ang magdusa nang labis-labis. Yaong mga naghahangad sa katotohanan ay naiiba. Habang mas nauunawaan nila ang katotohanan, mas nagiging matiwasay at malaya sila; habang mas isinasagawa nila ang katotohanan, mas nagkakaroon sila ng kapayapaan at kagalakan. Kapag nakamit nila ang katotohanan, ganap silang mamumuhay sa liwanag, magtatamasa ng mga pagpapala ng Diyos, at hindi magkakaroon ng anumang pasakit(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagpasok sa Buhay ay Nagsisimula sa Pagganap ng Tungkulin). Ibinunyag ng mga salita ng Diyos ang aking tunay na kalagayan, at naunawaan ko kung bakit ako labis na nahihirapan noong panahong iyon. Ito ay dahil lagi akong namumuhay sa kalagayan ng banidad at pagpapahalaga sa sarili at ng hindi pagsasagawa sa katotohanan. Nakikipagtipon man ako sa mga baguhan o nakikipag-ugnayan sa mga tagadilig, hindi ako naglalakas-loob na tunay na ipahayag ang sarili ko, at palagi akong natatakot na mamaliitin ako ng iba kapag hindi ako nagbahagi nang maayos. Isip ako nang isip at palagi akong puno ng pag-aalala tungkol sa sarili kong banidad at pagpapahalaga, at wala akong ibang inisip kundi ang pagpapahalaga ko sa aking sarili at sa aking mga interes. Kaya lang ako nahirapan nang husto ay dahil ginugol ko ang buong araw nang namumuhay sa loob ng aking tiwaling disposisyon. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, nagkamit ako ng kaunting pagkaunawa tungkol sa aking problema.

Makalipas ang ilang araw, sinabi ng namamahala na mula sa oras na iyon, magsasalitan na kami sa pangunguna sa talakayan ng mga tagadilig. Nang marinig ko ang mga salitang ito, hindi ko naiwasang kabahang muli, naisip ko, “Ngayon, kaharap ko na ang mga kapatid na gumagawa ng tungkulin na parehas sa akin. Nasa labing-isa silang lahat. Ang pagbabahagi ko sa mga katotohanan na may kinalaman sa pangitain ay hindi na kasing-ayos ng sa kanila, at ngayon ay ako pa ang mamamahala sa mga pagtitipon. Dahil sa kawalan ko ng kakayahan na ipahayag ang sarili ko, kung kabahan ako kapag oras nang magbahagi at ako ay mabulol at mautal at ang pag-iisip ko ay hindi malinaw, ano na lang ang iisipin ng lahat sa akin?” Makalipas ang ilang araw, dumating na ang araw ng pagtitipon, at tinawagan ako ng namamahala at hinimok akong makilahok. Kahit na hindi ako ang mamumuno sa pagtitipon, nahihirapan pa rin ang kalooban ko. Natatakot ako na kung pupunta ako at sasabihan akong magbahagi, wala akong masasabi na kahit na ano, at magiging isang napakalaking kahihiyan niyon. Wala akong lakas ng loob na makilahok. Sa loob ng ilang araw pagkatapos niyon, pakiramdam ko ay may batong nakapasak sa puso ko at hindi ako makahinga. Kahit na naiwasan ko ang araw na iyon, makakaiwas ba ako magpakailanman? Naisip kong marahil ay hindi talaga ako akma na gawin ang mga tungkulin ng pagdidilig, subalit nang naisip kong sumuko na lang, sinaway ko ang sarili ko, at nadama kong may pagkakautang ako sa Diyos. Nang nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos, saka lamang nabago ang landas ng aking kalagayan. Sabi ng mga salita ng Diyos: “May ilang tao na hindi palakibo mula pa noong bata sila, hindi sila mahilig makipag-usap, at nahihirapan silang makisalamuha sa iba. Kahit nasa hustong gulang na sila sa edad na trenta o kuwarenta, hindi pa rin nila mapangibabawan ang personalidad na ito: Hindi sila sanay magsalita o makipag-usap, hindi rin sila magaling sa pakikipag-ugnayan. Pagkatapos nilang maging lider, nagiging isang partikular na limitasyon at hadlang sa kanilang gawain ang personalidad nilang ito at madalas silang nababagabag at nadidismaya dahil dito, kaya’t nararamdaman nilang napipigilan sila. Ang pagiging hindi palakibo at hindi palasalita ay mga pagpapamalas ng normal na pagkatao. Dahil ang mga ito ay mga pagpapamalas ng normal na pagkatao, maituturing ba na mga pagsalangsang sa Diyos ang mga ito? Hindi, hindi mga pagsalangsang ang mga ito, at pangangasiwaan ng Diyos nang tama ang mga ito. Anuman ang iyong mga problema, pagkukulang, o mga kapintasan, hindi isyu ang mga ito sa mga mata ng Diyos. Tinitingnan ng Diyos kung paano mo isinasagawa ang katotohanan, hinahanap ang katotohanan, kung paano ka kumikilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo, at sumusunod sa daan ng Diyos sa ilalim ng iyong umiiral na mga normal na kalagayan ng tao—ang mga ito ang tinitingnan ng Diyos. Kaya, huwag hayaan na paghigpitan ka ng mga pangunahing kondisyon tulad ng normal na kakayahan, mga abilidad, mga likas na gawi, personalidad, mga kagawian, mga istilo ng pamumuhay ng tao, atbp. Siyempre, huwag mo ring igugol ang iyong enerhiya at panahon sa pagsubok na lampasan ang mga pangunahing kondisyong ito, o sa pagsubok na baguhin ang mga ito. … Anuman ang orihinal mong personalidad, iyon pa rin ang iyong personalidad. Huwag subukang baguhin ang iyong personalidad alang-alang sa pagkakamit ng kaligtasan; ito ay isang maling ideya ng tao—ang iyong personalidad ay isang obhektibong katunayan na hindi mo mababago. Sa obhektibong pananalita, ang resultang nais na makamit ng Diyos sa Kanyang gawain ay walang kinalaman sa iyong personalidad. Kung makakamit mo man ang kaligtasan ay wala ring kaugnayan sa iyong personalidad. Dagdag pa rito, kung ikaw man ay isang taong nagsasagawa sa katotohanan at nagtataglay ng katotohanang realidad ay walang kinalaman sa iyong personalidad. Kaya, huwag mong subukang baguhin ang iyong personalidad dahil lang sa gumagawa ka ng ilang tungkulin o nangangasiwa sa ilang gampanin—maling kaisipan ito. Ano ang dapat mong gawin kung gayon? Anuman ang iyong personalidad o likas na mga kalagayan, dapat mong sundin at isagawa ang mga katotohanang prinsipyo. Sa huli, hindi sinusuri ng Diyos kung sumusunod ka sa Kanyang daan o kung makakamit mo ang kaligtasan batay sa iyong personalidad. Hindi iniisip ng Diyos kung ano ang taglay mong likas na kakayahan, mga abilidad, talento, kaloob, o kasanayan, at hindi rin Niya sinusuri kung gaano mo napigilan ang iyong mga likas na gawi at pangangailangan ng katawan. Sa halip, tinitingnan ng Diyos kung, habang sinusundan mo ang Diyos at ginagawa ang iyong mga tungkulin, isinasagawa mo ba ang Kanyang mga salita, kung mayroon ka bang intensiyon at aspirasyon na hangarin ang katotohanan, at sa huli, kung nakamit mo ba ang pagsasagawa sa katotohanan at pagsunod sa daan ng Diyos. Ito ang tinitingnan ng Diyos. Naiintindihan mo ba ito? (Oo, naiintindihan ko.)” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan II. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 3). Sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, lubha akong naantig, at nadama kong medyo nakalaya ako. Naunawaan ko na hindi gusto ng Diyos na baguhin ang mga likas na gawi at personalidad ng mga tao, bagkus, ang nais Niyang baguhin ay ang kanilang mga tiwaling disposisyon. Ang mga depekto sa personalidad ay mga pagpapamalas ng normal na pagkatao na hindi kinokondena ng Diyos. Noon pa man ay palagi na akong mayroong partikular na pananaw; iniisip ko na mahiyain ako at hindi maayos na naipapahayag ang sarili ko, at na hindi ako akma para gawin ang mga tungkulin ng pagdidilig. Sa tuwing nakakaharap ko ang mga taong hindi mahiyain na maayos na naipapahayag ang mga sarili nila, nararamdaman kong para akong napipigilan, at lagi akong natatakot kung ano ang iisipin ng mga tao sa akin kapag hindi ko maayos na naipahayag ang sarili ko. Nadama kong mas nakabababa ako at nahihiya ako, nadama ko pang hindi ko magagawa ang tungkuling ito. Lumalabas na nagiging praning lang pala ang pananaw ko. Ang pagiging mahiyain ko at hindi maayos na naipapahayag ang sarili ko ay hindi naaapektuhan ang pagganap ko sa aking tungkulin. Nang magbalik-tanaw ako sa panahong ibang mga tungkulin pa ang ginagawa ko, noong panahong iyon, masigasig kong sinubukang pagnilay-nilayan ang mga salita ng Diyos, at kapag masigasig kong ginagawa ang aking tungkulin, may nakukuha akong ilang resulta. Kapag nagtitipon at nagbabahaginan, nakakapagkamit din ako ng kaunting kaliwanagan at pagtanglaw. Bagaman hindi ko maipahayag ang aking sarili nang kasing-ayos ng sa iba, hindi naman sa wala talaga akong maipahayag nang malinaw. Sa katunayan, sapat ang ibinigay sa akin ng Diyos. Ito ay pangunahing dahil sa napigilan ako ng banidad at pagpapahalaga sa sarili, at natakot ako na kung magbabahagi ako nang hindi maayos, magmumukha akong isang hangal. Palagi ko ring idinadahilan ang aking pagkamahiyain at pagiging hindi magaling sa pagsasalita, at hindi ko pinag-isipan kung paano ko lulutasin ang mga suliraning ito sa aking tungkulin, lalo na kung paano pagninilay-nilayan ang aking tiwaling disposisyon. Namuhay ako sa loob ng aking banidad at pagpapahalaga sa sarili, hindi ako makaalpas. Ipinaunawa sa akin ng mga salita ng Diyos na ang pamamaraan ko sa paglutas ng mga problema ay mali, at hindi ako dapat laging maging negatibo o madamang mas mababa ako dahil sa ako ay mahiyain at hindi magaling sa pagpapahayag ng aking sarili, sapagkat ang personalidad ng isang tao ay itinakda ng Diyos at hindi mababago, at hindi ito isang tiwaling disposisyon. Ang magagawa ko lang ay ang hangarin ang katotohanan, lutasin ang aking tiwaling disposisyon, at hindi na mapigilan pa ng banidad at pagpapahalaga sa sarili. Sa ganitong paraan, ako ay magiging panatag at malaya. Kalaunan, nagsagawa ako nang ayon sa mga salita ng Diyos, at tinanggap at hinarap ko ang mga depekto ng aking personalidad. Sa mga bagay na kaya kong gawin, ginawa ko ang lahat ng aking makakaya para umaksyon, at sa mga bagay na hindi ko kaya, nakipagtulungan ako sa mga sister na naging katuwang ko at natuto ako sa kanila para mapunan ko ang aking mga kahinaan. Hindi na ako nakaramdam ng pagiging mababa at ng lungkot dahil ako ay mahiyain at hindi magaling magsalita.

Kalaunan, nang kausapin ko ang isang sister tungkol sa aking kalagayan, pinabasa niya sa akin ang isang sipi ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kumpara sa mga normal na tao, mas matindi ang pagmamahal ng mga anticristo sa kanilang reputasyon at katayuan, at nasa loob ng kanilang disposisyon at diwa; hindi ito isang pansamantalang interes, o lumilipas na epekto ng kanilang paligid—ito ay isang bagay na nasa kanilang buhay, nasa kanilang mga buto, kaya ito ay kanilang diwa. Masasabing sa lahat ng ginagawa ng mga anticristo, ang una nilang isinasaalang-alang ay ang kanilang sariling reputasyon at katayuan, wala nang iba pa. Para sa mga anticristo, ang reputasyon at katayuan ang kanilang buhay, at ang kanilang panghabambuhay na mithiin. Sa lahat ng kanilang ginagawa, ang una nilang isinasaalang-alang ay: ‘Ano ang mangyayari sa aking katayuan? At sa aking reputasyon? Ang paggawa ba nito ay magbibigay sa akin ng magandang reputasyon? Itataas ba nito ang aking katayuan sa isipan ng mga tao?’ Iyon ang unang bagay na kanilang iniisip, na sapat na patunay na mayroon silang disposisyon at diwa ng mga anticristo; kung hindi, hindi nila isasaalang-alang ang mga problemang ito. Maaaring sabihin na para sa mga anticristo, ang reputasyon at katayuan ay hindi kung anong karagdagang hinihingi lamang, at hindi rin isang bagay na kayang-kaya nila kahit wala ang mga ito. Bahagi ang mga iyon ng kalikasan ng mga anticristo, iyon ay nasa kanilang mga buto, sa kanilang dugo, ang mga iyon ay likas sa kanila. Hindi masasabing ang mga anticristo ay walang pakialam kung sila ba ay nagtataglay ng reputasyon at katayuan; hindi ganito ang kanilang pag-uugali. Kung gayon, ano ang kanilang pag-uugali? Ang reputasyon at katayuan ay malapit na nauugnay sa kanilang pang-araw-araw na buhay, sa kanilang pang-araw-araw na kalagayan, sa kung ano ang kanilang pinagsisikapan sa araw-araw. At kaya para sa mga anticristo, ang katayuan at reputasyon ang buhay nila. Paano man sila mabuhay, ano man ang kapaligiran na tinitirhan nila, ano man ang gawain na kanilang ginagawa, ano man ang kanilang pinagsisikapan, ano man ang kanilang mga mithiin, ano man ang direksyon ng kanilang buhay, umiikot ang lahat ng ito sa pagkakaroon ng magandang reputasyon at mataas na katayuan. At hindi nagbabago ang pakay na ito; hinding-hindi nila kayang isantabi ang gayong mga bagay. Ito ang totoong mukha ng mga anticristo, at ang kanilang diwa(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikatlong Bahagi)). Ibinunyag ng Diyos na ang pinakamahalaga sa mga anticristo ay ang kanilang reputasyon at katayuan. Nakikita nila ang reputasyon at katayuan na mas mahalaga pa kaysa sa sarili nilang buhay. Kung magbabalik-tanaw, may ganito rin akong uri ng kalagayan dati. Sa realidad, kapag nakikipagtipon ako kasama ng mga baguhan, ang kailangan ko lamang gawin ay ang pagnilayang mabuti ang mga salita ng Diyos at magbahagi sa mga bahagi na kaya kong maunawaan. Gayunman, hindi ko ito ginawa. Nang nakita ko ang mga baguhan, hindi ako nakatuon sa pagninilay-nilay sa mga salita ng Diyos o sa kung paano lutasin ang mga problema ng baguhan, kundi sa kung paano magbahagi para makapag-iwan ako ng magandang imahe sa puso nila. Kapag naiisip ko kung ano ang iisipin sa akin ng iba kung hindi ako maayos na makapagpahayag ng sarili ko at makapagbahagi, napipigilan ang puso ko at hindi ako naglalakas-loob na magbahagi. Ganito rin kapag nakikipagtipon at nakikipag-ugnayan ako sa ibang tagadilig. Nang makita ko silang lahat na nakapagpahayag nang mas maayos kaysa sa akin, hindi ko naisip na matuto at makipag-ugnayan sa kanila para mapunan ko ang mga kahinaan ko, sa halip, inisip ko kung ano ang iisipin nila sa akin kapag hindi ako maayos na nakapagpahayag ng sarili at nakapagbahagi. Kapag wala akong sinasabing kahit na ano, nag-aalala rin ako kung ano ang iisipin nila sa akin. Sa sandaling napigilan na ako ng mga gapos ng banidad at ng pagpapahalaga sa sarili sa isang partikular na antas, hindi ko agad na hinanap ang katotohanan para lutasin ang mga bagay-bagay, sa halip ay natakot akong makilatis ng iba. Mas gugustuhin kong huwag nang gawin ang tungkuling ito kaysa tawagin ako ng mga tao na walang-kwenta. Sa ganitong paraan, kahit papaano ay mapapanatili ko ang huling hibla ng dignidad ko. Nakita ko na nagsasalita man ako o nananahimik, at aling grupo man ng mga tao ang kasama ko, nasaan man ako, lagi ko lamang isinasaalang-alang ang pansarili kong banidad at pagpapahalaga sa sarili. Ang sakit, pagiging negatibo, at pagiging mababa na nadama ko ngayon, ay pawang dahil sa aking banidad at pagpapahalaga sa sarili. Ito ay dahil sa kawalan ko ng kakayahang humarap sa mga tao, at ginusto ko pa ngang bitiwan ang tungkulin ko dahil hindi ko matugunan ang aking pagpapahalaga sa sarili. Inisip ko kung paanong noong bata pa ako, madalas sinasabi ng aking mga magulang na “Walang katumbas ang mukhang maihaharap mo.” Dahil naimpluwensiyahan ako ng ganitong uri ng satanikong lason, kahit sino pa ang makasalamuha ko, gusto ko laging mag-iwan ng magandang impresyon sa kanila, at kahit na hindi ko sila mapahanga, kahit papaano ay hindi ko hahayaang maliitin nila ako. Ganito na ako kasama ko man ang aking mga kamag-aral at katrabaho noon, o ang mga kasama ko sa aking tungkulin, at kapag ang pangangailangan ko para sa reputasyon at katayuan ay hindi natutugunan, para bang wala na akong buhay. Nakita kong ang nailantad ko ay ang disposisyon ng mga anticristo. Dahil sa pagkakilala na ito, naunawaan ko rin na may pagsasaalang-alang ang Diyos sa likod ng Kanyang pagtatakda ng ganitong uri ng personalidad para sa akin. Nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Matapos magawang tiwali ni Satanas, tinataglay ng mga tao ang tiwaling disposisyon ni Satanas bilang diwa ng kanilang buhay; ibig sabihin, namumuhay sila ayon sa kanilang tiwaling disposisyon, at ang kanilang buhay ay pinamumunuan ng tiwaling disposisyong iyon. Samakatuwid, kapag ang isang tao ay nagtataglay ng isang tiwaling disposisyon at sinasamahan ito ng mahusay na kakayahan, ng ekstraordinaryong kakayahan, at ng kumpleto, perpekto, at kahanga-hangang mga abilidad sa kabuuan, pinatitindi lamang nito ang kanilang tiwaling disposisyon, at humahantong sa matinding paglala ng tiwaling disposisyong iyon, at dahil sa mga katangiang iyon ay hindi na makontrol ang tiwaling disposisyong iyon. Bilang resulta, sila ay nagiging mas mayabang, mapagmatigas, mapanlinlang, at buktot. Mas lalo silang nahihirapang tanggapin ang katotohanan, at walang paraan para malutas ang kanilang tiwaling disposisyon(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan II. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 7). Sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko na kung magaling akong magsalita, napakahusay sa pagpapahayag ng aking sarili, at madali kong nakokontrol ang lahat ng uri ng sitwasyon, kung nasa akin ang atensyon ng lahat at iginagalang ako ng iba, tiyak na masisiyahan ako sa sarili ko at mahihibang sa tuwa. Dahil hindi ako bihasa sa pagpapahayag ng aking sarili, nagagawa kong magtiwala at bumaling sa Diyos sa gitna ng mga paghihirap, nakikita ko rin ang aking mga kahinaan at kawalang-kakayahan, ang aking pagiging hindi mahalaga at hindi magaling sa pagsasalita, at kaya, hindi ako nangangahas na maging mayabang. Masyado akong nahumaling sa reputasyon at katayuan, subalit hindi ako magaling magsalita at hindi ko maayos na naipapahayag ang sarili ko. May ganoon akong malalaking kapintasan pero masyado ko pa ring pinahalagahan ang iisipin ng iba sa akin. Kung naging magaling akong magsalita, magiging mas mayabang lang ako, at iisipin kong ako ang pinakamagaling sa lahat, gaya ni Satanas. Labis akong pinrotektahan ng Diyos sa pamamagitan ng hindi pagbibigay sa akin ng kakayahan na makapagsalita nang maayos!

Kalaunan, mas nagbasa pa ako ng mga salita ng Diyos. “Ang paghahangad sa katotohanan ang pinakamahalagang bagay, sa alinmang perspektiba mo ito tingnan. Maaari mong iwasan ang mga kapintasan at pagkukulang ng pagkatao, ngunit hinding-hindi mo maaaring iwasan ang landas ng paghahangad sa katotohanan. Kahit gaano pa kaperpekto o karangal ang iyong pagkatao, o mas kaunti man ang iyong mga kapintasan at depekto, at nagtataglay ka man ng mas maraming kalakasan kaysa sa ibang tao, hindi ito nangangahulugan na nauunawaan mo ang katotohanan, hindi rin nito mapapalitan ang iyong paghahangad sa katotohanan. Sa kabaligtaran, kung hahangarin mo ang katotohanan, kung marami kang nauunawaan sa katotohanan, at kung may sapat at praktikal kang pagkaunawa tungkol dito, mapupunan nito ang maraming kakulangan at problema sa iyong pagkatao(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan II. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 3). “Kung ang tanging iniisip mo kapag wala kang ginagawa bawat araw ay may kinalaman sa kung paano lulutasin ang iyong tiwaling disposisyon, paano isasagawa ang katotohanan, at paano mauunawaan ang mga katotohanang prinsipyo, matututuhan mong gamitin ang katotohanan para lutasin ang iyong mga problema ayon sa mga salita ng Diyos. Sa gayon ay magkakaroon ka ng kakayahang mamuhay nang nakapagsasarili, at makakapasok ka na sa buhay, wala ka nang haharaping matitinding paghihirap sa pagsunod sa Diyos, at unti-unti, makakapasok ka sa katotohanang realidad. Kung, sa iyong puso, nahuhumaling ka pa rin sa katanyagan at katayuan, abala pa rin sa pagpapakitang-gilas at pagpapatingala sa iba sa iyo, hindi ka isang taong naghahangad ng katotohanan kung gayon, at maling landas ang tinatahak mo. Ang hinahangad mo ay hindi ang katotohanan, ni ang buhay, kundi ang mga bagay na gustung-gusto mo, ito ay reputasyon, kita, at katayuan—kung ganoon, walang kaugnayan sa katotohanan ang anumang gagawin mo, ang lahat ng ito ay paggawa ng masama, at pagbibigay serbisyo. Kung, sa puso mo, minamahal mo ang katotohanan, at lagi kang nagsisikap para sa katotohanan, kung naghahangad ka ng disposisyonal na pagbabago, nagkakamit ng tunay na pagsunod sa Diyos, at nagkakaroon ng takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan, at kung nakokontrol mo ang sarili mo sa lahat ng ginagawa mo, at nagagawa mong tanggapin ang pagsusuri ng Diyos, patuloy na bubuti ang iyong kalagayan, at ikaw ay magiging isang taong namumuhay sa harap ng Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Mabuting Pag-uugali ay Hindi Nangangahulugan na Nagbago na ang Disposisyon ng Isang Tao). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko, na ang mga hindi naghahangad sa katotohanan, gaano man nila kaayos na ipahayag ang mga sarili nila, gaano man kaganda ang personalidad nila, gaano man sila kagaling magsalita, o gaano man karaming tao ang humahanga sa kanila, ay hindi sasang-ayunan ng Diyos. Hindi tinitingnan ng Diyos ang mga kakulangan ng mga tao, sa halip ay kung kaya ba nilang hangarin ang katotohanan, magpasakop sa Kanya, at magkaroon ng takot sa Kanya. Sa pagganap ko ng tungkulin ng pagdidilig sa mga baguhan, ang intensyon ng Diyos ay para hangarin ko ang katotohanan habang ginagawa ko ang aking tungkulin, para tuparin ko ang aking responsabilidad, humaharap man ako sa mga baguhan o sa mga tagadilig, at kasabay nito, para hanapin ko kung paano ko dapat lutasin ang mga paghihirap at isyu ng mga baguhan para makapaglatag sila ng pundasyon sa tunay na daan at magawa ang mga tungkulin nila bilang nilikha nang mas maaga. Gayunman, nang humarap ako sa mga baguhan at tagadilig, ang iniisip ko sa araw-araw ay ang pansarili kong banidad at katayuan. Ito ay ganap na taliwas sa landas na sinasabi ng Diyos na tinatahak ng mga taong naghahangad at nagmamahal sa katotohanan. Sa ganitong paraan, lalo lamang akong mapapalayo sa mga hinihingi ng Diyos, at sa huli ay palalayasin Niya ako. Mula noon, ayon sa sinabi ng mga salita ng Diyos, sinimulan kong sadyang sanayin ang sarili ko na isapuso ang aking tungkulin at sa paglutas ng sarili kong tiwaling disposisyon, nang nakatuon sa paghahanap sa mga katotohanang prinsipyo at sa paggawa nang maayos sa aking tungkulin. Pagkatapos nito, kapag nagsasalitan kami sa pamamahala sa mga pagtitipon, hindi na ako umiiwas. Alam ko na sa pamamagitan ng pangunguna sa mga pagtitipon, masasanay at mapabubuti ko ang paghahayag ko ng aking sarili, mapupunan ko ang kakulangan ko, at magagawa ko nang maayos ang aking tungkulin, kaya hiniling ko sa Diyos na bigyan ako ng pananalig at lakas. Hindi ko na pagtutuunan ng pansin ang iisipin sa akin ng iba; sapat na sa akin ang malayang gamitin ang orihinal na ibinigay sa akin ng Diyos, at kung ano ang kaya kong makamit mismo. Kapag ako na ang nakatalagang magbahagi, kalmado akong nagbabahagi sa kung ano ang naunawaan ko, at ipinahahayag ko rin ang ilang bagay na hindi ko napaghandaan; hindi na ako napipigilan ng pagpapahalaga ko sa sarili.

Dahil sa karanasang ito, nalaman ko na hindi ang pagiging hindi magaling magsalita ang dahilan ng aking pagkalugmok sa depresyon at pasakit, kundi ang paghahangad ko sa reputasyon at katayuan. Ang pagiging hindi magaling magsalita at hindi maayos na maipahayag ang sarili ay kakulangan sa pagkatao, subalit hindi ito isang nakamamatay na karamdaman. Ang pagsasapuso sa paghahangad sa katotohanan at paghahanap sa mga katotohanang prinsipyo kapag humaharap sa mga problema o suliranin kapag ginagawa ng isang tao ang tungkulin; ito ang pinakamahalagang bagay.

Sinundan: 3. Pagkamulat Mula sa Paghahangad sa mga Pagpapala

Sumunod: 10. Ang Nakatagong Motibasyon sa Likod ng “Hindi Pagpuna sa mga Pagkukulang ng mga Tao”

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

40. Pag-uwi

Ni Muyi, South Korea “Ang masaganang pag-ibig ng Diyos ay malayang ipinagkaloob sa tao at bumabalot sa tao; ang tao ay inosente at...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito