69. Nang Ma-diagnose na May Kanser si Mama

Ni Yang Chen, Tsina

Noong Hunyo 2023, dapat ay paalis na ako ng bahay para gawin ang tungkulin ko dahil sa mga pangangailangan ng gawain ng ebanghelyo. Dahil alam kong hindi kaagad ako makakabalik, naisip kong umuwi sa bahay, magpaalam sa mga magulang ko at kumuha na rin ng ilang damit. Pagdating ko, nakita ko ang nanay ko na nakaupo roon, may nakakabit sa kanyang IV at mukha siyang maputla. Tinanong ko siya kung ano ang nangyari sa kanya, sinabi niya na hindi naman iyon malala at gagaling siya pagkatapos ng isang simpleng operasyon. Pero parang may mas malubha pa, kaya hiniling ko na makita ang kanyang mga medikal rekord. Nakasaad sa mga rekord na mayroon siyang tatlong uri ng malignant na mga bukol. Nagulat ako, may kanser ang nanay ko! Mga malignant na bukol ito—gagaling pa ba siya? Paano kung hindi gumana ang pagpapagamot? Sinabi ng tatay ko sa akin, “Sumasailalim ang nanay mo sa chemotherapy ngayon at nakasalalay ang tagumpay ng kanyang pagpapagamot sa kahihinatnan ng chemotherapy.” Gayunpaman, alam ko na may pahintulot ng Diyos ang lahat ng ito at hindi ako makakapagreklamo, kaya nanalangin ako sa Diyos para protektahan Niya ang puso ko. Nagpatuloy ang aking tatay sa pagkukuwento na noong ang nanay ko ay may sakit at nasa ospital, naroon ang nakababata kong kapatid upang mag-alaga sa kanya at kumuha pa ito ng karagdagang trabaho para kumita ng pera para sa mga medikal na bayarin ng nanay ko. Medyo nalungkot ako pagkatapos kong marinig iyon. Ako ang panganay na anak sa pamilya, at ako dapat ang nag-aasikaso ng lahat ng ito, ngunit sa halip ay hindi man lang ako nakapag-alok ng anumang tulong. Iisipin kaya ng mga magulang ko na wala akong konsensiya, walang silbi at nasayang lang pagpapalaki nila sa akin? Pinagaan ng nanay ko ang loob ko, at sinabi niya, “Huwag kang mag-alala at huwag kang matakot. Nasa sa Diyos kung gaano tayo katagal mabubuhay. Ipagpatuloy mo lang ang iyong tungkulin at huwag kang mag-alala sa akin.” Nang marinig ko ang sinabi ng nanay ko, gusto ko talagang magpaiwan at alagaan siya, ngunit napakaraming gawain sa iglesia at alam kong hindi ako maaaring manatili sa bahay. Nang makita ko na ganoon ang kalagayan ni mama, hindi ko masabi sa kanila na plano kong gawin ang tungkulin ko nang malayo sa bahay, kaya nagmadali na lang akong umalis nang walang sinasabi sa kanila.

Habang nasa daan, ang tanging naiisip ko ay ang nanay ko na may sakit sa ospital at walang mag-aalaga sa kanya at nagtatrabaho nang maigi ang aking nakababatang kapatid na lalaki upang mabayaran ang mga medikal na bayarin ng nanay ko. Habang mas iniisip ko iyon, mas lalong sumasama ang loob ko. Naramdaman ko na bilang anak niya, dapat ay naroon ako para alagaan siya ngayong may sakit siya, pero hindi ko na nga siya maaalagaan, wala pa talaga akong maitulong. Kapag narinig ito ng ibang tao, ano na lang ang sasabihin nila tungkol sa akin? Sasabihin ba nila na wala akong konsensiya at wala akong utang na loob? Magrereklamo ba ang nakababata kong kapatid tungkol sa akin? Habang mas naiisip ko ito, mas sumasama ang loob ko, at tuluyan na akong nawalan ng gana na umalis ng bahay at gawin ang aking tungkulin. Sa aking puso, sinabi ko sa Diyos, “O Diyos ko, hindi ako makaalis ng bahay para gawin ang tungkulin ko. May kanser ang nanay ko, at kung aalis ako ngayon, baka hindi ko na siya makita ulit! Dito ko na lang gagawin ang tungkulin ko, para makita ko si mama kapag may libreng oras ako.” Pagkatapos niyon, ginawa ko pa rin ang aking tungkulin, ngunit hindi ko mapatahimik ang aking isipan at makapagtuon. Patuloy akong nag-isip, “Kumusta na kaya ang nanay ko ngayon?” Gusto kong maglaan ng oras para makauwi at makita siya. Alam kong may mali sa kalagayan ko, kaya naghanap ako ng mga salita ng Diyos na mababasa. Nahanap ko ang sipi na ito: “Sa bawat panahon at sa bawat yugto, may ilang partikular na bagay na nangyayari sa iglesia na salungat sa mga kuru-kuro ng mga tao. Halimbawa, ang ilang tao ay nagkakasakit, ang mga lider at manggagawa ay napapalitan, ang ilang tao ay nalalantad at natitiwalag, ang ilan ay nahaharap sa pagsubok ng buhay at kamatayan, ang ilang iglesia ay mayroon pa ngang masasamang tao at mga anticristo na nanggugulo, at iba pa. Nangyayari paminsan-minsan ang mga bagay na ito, pero hindi aksidenteng nangyari ang mga ito. Ang lahat ng ito ay resulta ng kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Ang isang napakapayapang panahon ay maaaring biglang magambala ng ilang insidente o hindi pangkaraniwang pangyayari, na nangyayari sa paligid ninyo, o kaya ay sa sarili ninyo, at ang paglitaw ng mga bagay na ito ay sumisira sa normal na kaayusan at normalidad ng buhay ng mga tao. Sa panlabas, hindi umaayon ang mga bagay na ito sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao, ito ay mga bagay na ayaw ng mga tao na mangyari sa kanila o na masaksihan nila. Kaya, ang paglitaw ba ng mga bagay na ito ay kapaki-pakinabang sa mga tao? … Walang nangyayari nang nagkataon lamang, ang lahat ay pinamumunuan ng Diyos. Bagamat kaya itong unawain at tanggapin ng mga tao sa teorya, paano dapat tratuhin ng mga tao ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos? Ito ang katotohanan na dapat hangarin at unawain ng mga tao, at dapat na partikular nilang isagawa ito. Kung kinikilala lamang ng mga tao ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa teorya, ngunit wala silang tunay na pagkaunawa rito, at hindi pa nalutas ang sarili nilang mga kuru-kuro at imahinasyon, gaano karaming taon man silang manampalataya sa Diyos at gaano man karami ang kanilang maging karanasan, hindi pa rin nila makakamit ang katotohanan sa huli(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 11). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko na haharapin ng mga tao ang mahihirap na pangyayari sa iba’t ibang yugto ng kanilang buhay. Maaaring ayaw ng mga tao na harapin ang mga gayong pangyayari, ngunit nakapaloob sa mga ito ang layunin ng Diyos. Kung hindi natin hahanapin ang katotohanan, mamumuhay ayon sa ating mga kuru-kuro at imahinasyon at hindi maunawaan at magreklamo tungkol sa Diyos, magiging mahirap na matuto sa mga sitwasyong ito. May mga bagay na matututuhan ko mula sa pagkakasakit ng nanay ko. Kinailangan kong hanapin ang katotohanan at pagnilayan ang aking sarili. Pinagnilayan ko kung paanong noong narinig kong nagkaroon ng kanser ang nanay ko, nag-aalala ako na baka hindi gagana ang pagpapagamot. Nag-alala rin ako na kung hindi ko siya aalagaan habang nagpapa-chemo siya sa ospital, malulungkot siya. Iisipin niya bang sayang lang ang pagpapalaki niya sa akin? Dahil sa pag-aalalang ito, nawalan agad ako ng motibasyon na umalis para gawin ang aking tungkulin. Ipinagtanggol ko pa ang sarili ko sa Diyos. Nadama ko na kailangan kong manatili at alagaan ang nanay ko ngayong may sakit siya at hindi ako puwedeng umalis ng bahay para gawin ang aking tungkulin. Masyadong malalim ang emosyonal kong pagpapahalaga, at kinailangan kong hanapin ang katotohanan para malutas ang mga ito.

Kalaunan, naghanap ako ng mga kaugnay na sipi ng mga salita ng Diyos na babasahin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “May kasabihan sa mundo ng mga walang pananampalataya: ‘Sinusuklian ng mga uwak ang kanilang ina sa pamamagitan ng pagpapakain dito, at ang mga tupa ay lumuluhod para makatanggap ng gatas mula sa kanilang ina.’ Nariyan din ang kasabihang ito: ‘Ang isang taong walang galang sa magulang ay mas mababa pa kaysa sa hayop.’ Napakaganda pakinggan ng mga kasabihang ito! Sa totoo lang, ang penomena na binabanggit ng unang kasabihang, sinusuklian ng mga uwak ang kanilang ina sa pamamagitan ng pagpapakain dito, at ang mga tupa ay lumuluhod para makatanggap ng gatas mula sa kanilang ina, ay talagang umiiral, at ang mga ito ay katunayan. Gayunpaman, ang mga ito ay penomena lamang sa loob ng mundo ng hayop. Ang mga ito ay isang uri lang ng batas na itinatag ng Diyos para sa iba’t ibang buhay na nilalang, na sinusunod ng lahat ng uri ng buhay na nilalang, kabilang na ang mga tao. … Bakit sinasabi ng mga tao ang gayong mga bagay? Dahil sa lipunan at sa loob ng mga grupo ng mga tao, mayroong iba’t ibang maling ideya at karaniwang opinyon. Matapos maimpluwensyahan, masira, at mabulok ang mga tao sa mga bagay na ito, nagiging iba’t iba ang pagbibigay-kahulugan at pagharap nila sa relasyon ng magulang at anak, at sa huli ay tinatrato nila ang kanilang mga magulang bilang kanilang mga pinagkakautangan—mga pinagkakautangan na hinding-hindi nila mababayaran sa buong buhay nila. Mayroon pa ngang mga taong nakokonsensiya pagkatapos mamatay ang kanilang mga magulang, at iniisip nila na hindi sila karapatdapat sa kabutihan ng kanilang mga magulang, dahil sa isang bagay na ginawa nila na hindi nakapagpasaya sa kanilang mga magulang o hindi nagustuhan ng mga ito. Sabihin mo sa Akin, hindi ba’t kalabisan ito? Ang mga tao ay nababalot ng mga damdamin sa kanilang buhay, kaya maaari lamang silang maapektuhan at mabagabag ng iba’t ibang ideyang nagmumula sa mga damdaming ito. Ang mga tao ay namumuhay sa isang kapaligirang kinukulayan ng ideolohiya ng tiwaling sangkatauhan, kaya’t naaapektuhan at nagugulo sila ng iba’t ibang nakalilinlang na ideya, na ginagawang nakakapagod at hindi gaanong simple ang kanilang buhay kumpara sa mga ibang buhay na nilalang. Gayunpaman, sa ngayon, dahil ang Diyos ay gumagawa, at dahil ipinapahayag Niya ang katotohanan para sabihin sa mga tao ang tunay na kalikasan ng lahat ng katunayang ito, at para bigyan sila ng kakayahang maunawaan ang katotohanan, pagkatapos mong maunawaan ang katotohanan, hindi na magpapabigat sa iyo ang mga nakalilinlang na ideya at pananaw na ito, at hindi na magsisilbing gabay sa kung paano mo pangasiwaan ang relasyon mo sa mga magulang mo. Sa puntong ito, magiging mas maluwag ang buhay mo. Ang maluwag na pamumuhay ay hindi nangangahulugan na hindi mo alam kung ano ang iyong mga responsabilidad at obligasyon—alam mo pa rin ang mga bagay na ito. Depende lang ito sa kung aling perspektiba at mga pamamaraan ang pipiliin mo sa pagharap sa iyong mga responsabilidad at obligasyon. Ang isang landas ay ang piliin ang damdamin, at harapin ang mga bagay na ito nang emosyonal, at nang batay sa mga pamamaraan, ideya, at pananaw na itinuturo ni Satanas sa tao. Ang isa pang landas ay ang harapin ang mga bagay na ito batay sa mga salitang itinuro ng Diyos sa tao. Kapag pinangangasiwaan ng mga tao ang mga usaping ito ayon sa mga nakalilinlang na ideya at pananaw ni Satanas, maaari lamang silang mamuhay sa mga komplikasyon ng kanilang damdamin, at hindi nila kailanman nakikilala ang kaibahan ng tama at mali. Sa ilalim ng mga sitwasyong ito, wala silang magagawa kundi ang mamuhay sa isang patibong, palaging naiipit sa mga usapin tulad ng, ‘Tama ka, mali ako. Marami kang naibigay sa akin; mas kaunti ang naibigay ko sa iyo. Wala kang utang na loob. Wala ka sa lugar.’ Dahil dito, hindi sila kailanman nagsasalita nang malinaw. Gayunpaman, pagkatapos maunawaan ng mga tao ang katotohanan, at kapag nakatakas sila mula sa kanilang mga nakalilinlang na ideya at pananaw, at mula sa samu’t saring damdamin, nagiging simple na para sa kanila ang mga usaping ito. Kung susunod ka sa isang katotohanang prinsipyo, ideya, o pananaw na wasto at nagmumula sa Diyos, magiging napakaluwag ng buhay mo. Hindi na mahahadlangan ng opinyon ng publiko, o ng kamalayan ng iyong konsensiya, o ng bigat ng iyong damdamin kung paano mo pinangangasiwaan ang relasyon mo sa iyong mga magulang; sa kabaligtaran, magbibigay-daan sa iyo ang mga bagay na ito na harapin ang relasyong ito sa tama at makatwirang paraan. Kung kikilos ka ayon sa mga katotohanang prinsipyo na ibinigay ng Diyos sa tao, kahit na punahin ka ng mga tao habang nakatalikod ka, magiging payapa at kalmado ka pa rin sa kaibuturan ng iyong puso, at hindi ito makakaapekto sa iyo. Kahit papaano, hindi mo kagagalitan ang iyong sarili dahil sa pagiging isang walang malasakit na ingrata o hindi mo na mararamdaman ang pang-uusig ng iyong konsensiya sa kaibuturan ng iyong puso. Ito ay dahil malalaman mo na ang lahat ng iyong kilos ay alinsunod sa mga pamamaraan na itinuro sa iyo ng Diyos, at na nakikinig at sumusunod ka sa mga salita ng Diyos, at nagpapasakop sa Kanyang daan. Ang pakikinig sa mga salita ng Diyos at pagsunod sa Kanyang daan ay ang konsensiyang dapat taglayin ng mga tao higit sa lahat. Magiging tunay na tao ka lamang kapag nagagawa mo ang mga bagay na ito. Kung hindi mo pa natamo ang mga bagay na ito, kung gayon ay isa kang walang malasakit na ingrata. Hindi ba’t totoo iyon? (Oo.)” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 17). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ang dahilan kung bakit naging miserable ako ay dahil sa mga nakalilinlang na pananaw tulad ng “Ang paggalang sa magulang ay isang katangiang dapat taglayin nang higit sa lahat” at “Ang isang taong walang galang sa magulang ay mas mababa pa kaysa sa hayop,” na itinanim sa akin ni Satanas, ay naging malalim na nakaugat. Nadama ko na kung hindi ako magiging mabuting anak sa mga magulang ko, ibig sabihin, ako ay walang utang na loob, at hindi mabuting anak. Siguro nahirapan silang palakihin ako, lalo na dahil ipinanganak ako sa panahon na ang mga lalaki ay itinuturing na nakatataas, na nangangahulugan na nagdusa ang nanay ko ng maraming kahihiyan at pangungutya dahil ako ay isang babae, pero mas minahal niya ako kaysa sa nakababata kong kapatid. Siya rin ay partikular na sumusuporta sa aking pananampalataya at tungkulin. Alam niya na mayroon akong malalim na emosyonal na pagpapahalaga, kaya kapag may nangyari sa bahay, hindi niya sasabihin sa akin sa takot na magambala ako at maimpluwensyahan ang aking tungkulin. Ito man ay mula sa emosyonal o pinansyal na pananaw, sinuportahan ako nang maigi ng nanay ko at madalas niya akong hinihikayat na gawin nang maayos ang aking tungkulin. Habang iniisip ko ang lahat ng ito, at kung paanong hindi ako puwedeng manatili sa tabi niya para alagaan siya nang siya ay may sakit, sobra talaga akong nalungkot. Palagi kong naiisip na bilang anak nila, kung hindi ko sila igagalang o aalagaan kapag may sakit sila, ito ay isang hindi magalang, at walang utang na loob na pag-uugali. Kaya nakonsensiya ako at nahihiya akong harapin sila. Naimpluwensyahan ako nang husto ng mga satanikong lason! Kung patuloy kong titingnan ito sa pamamagitan ng mga lente ng emosyonal na pagpapahalaga at tradisyonal na pananaw, kailangan kong buhatin ang ideolohikal na pasanin na ito, sa pag-iisip na hindi ako mabuting anak dahil sa hindi pag-aalaga sa nanay ko. Magiging sobrang nakakapagod at miserableng paraan ito ng pamumuhay. Kinailangan kong aktibong talikuran ang lahat ng ito at matutunang tingnan ang mga tao at bagay ayon sa katotohanan sa mga salita ng Diyos, saka ko lang maaalis ang paghihirap na ito.

Kalaunan, sa panahon ng mga espirituwal na debosyonal, nakita ko ang sipi na ito ng mga salita ng Diyos. Binigyan ako nito ng higit na kalinawan tungkol sa kung paano isipin ang aking relasyon sa mga magulang ko. Sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Bilang anak, dapat mong maunawaan na hindi mo pinagkakautangan ang iyong mga magulang. Maraming bagay ang dapat mong gawin sa buhay na ito, at lahat ito ay mga bagay na dapat gawin ng isang nilikha, na ipinagkatiwala sa iyo ng Panginoon ng paglikha, at walang kinalaman ang mga ito sa pagsukli mo sa kabutihan ng iyong mga magulang. Ang pagpapakita ng pagkamabuting anak sa iyong mga magulang, pagsukli sa kanila, pagpapakita sa kanila ng kabutihan—ang mga bagay na ito ay walang kinalaman sa iyong misyon sa buhay. Masasabi rin na hindi mo kinakailangang magpakita ng pagkamabuting anak sa iyong mga magulang, na suklian sila, o tuparin ang alinman sa iyong mga responsabilidad sa kanila. Sa madaling salita, maaari mong gawin ito nang kaunti at gampanan nang kaunti ang iyong mga responsabilidad kapag pinahihintulutan ng iyong sitwasyon; kapag hindi, hindi mo kailangang piliting gawin ito. Kung hindi mo magagampanan ang iyong mga responsabilidad na magpakita ng pagkamabuting anak sa iyong mga magulang, hindi ito isang masamang bagay, sumasalungat lang ito nang kaunti sa iyong konsensiya, moralidad ng tao, at mga kuru-kuro ng tao. Ngunit kahit papaano, hindi ito sumasalungat sa katotohanan, at hindi ka kokondenahin ng Diyos dahil dito. Kapag nauunawaan mo ang katotohanan, hindi uusigin ang iyong konsensiya sa bagay na ito. Hindi ba’t napapanatag ang puso ninyo ngayong naunawaan na ninyo ang aspektong ito ng katotohanan? (Oo.) Sinasabi ng ilang tao: ‘Bagamat hindi ako kokondenahin ng Diyos, sa aking konsensiya, hindi ko pa rin ito malampasan, at hindi panatag ang pakiramdam ko.’ Kung ito ang nararamdaman mo, kung gayon ay masyadong maliit ang tayog mo, at hindi mo naunawaan o nakilala ang diwa ng usaping ito. Hindi mo nauunawaan ang tadhana ng tao, hindi mo nauunawaan ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at hindi ka handang tanggapin ang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Palagi kang nagtataglay ng kalooban ng tao at ng sarili mong mga damdamin, at ang mga bagay na ito ang nagtutulak at nangingibabaw sa iyo; naging buhay mo na ang mga ito. Kung pinipili mo ang kalooban ng tao at ang iyong damdamin, kung gayon ay hindi mo pinili ang katotohanan, at hindi mo isinasagawa ang katotohanan o hindi ka nagpapasakop dito. Kung pinipili mo ang kalooban ng tao at ang iyong damdamin, kung gayon ay ipinagkakanulo mo ang katotohanan. Malinaw na hindi ka tinutulutan ng iyong sitwasyon at ng iyong kapaligiran na magpakita ng pagkamabuting anak sa iyong mga magulang, ngunit palagi mong iniisip: ‘May utang ako sa aking mga magulang. Hindi pa ako nagpakita sa kanila ng pagkamabuting anak. Maraming taon na nila akong hindi nakikita. Walang saysay ang pagpapalaki nila sa akin.’ Sa kaibuturan ng iyong puso, hindi mo talaga kayang bitiwan ang mga bagay na ito. Pinatutunayan nito ang isang bagay: Hindi mo tinatanggap ang katotohanan. Pagdating sa doktrina, kinikilala mo na ang mga salita ng Diyos ay tama, ngunit hindi mo tinatanggap ang mga ito bilang ang katotohanan, o itinuturing ang mga ito bilang mga prinsipyo ng iyong mga kilos. Kaya, sa pinakamababang antas, pagdating sa usapin ng kung paano mo tinatrato ang iyong mga magulang, hindi ka isang taong naghahangad sa katotohanan. Ito ay dahil, sa usaping ito, hindi ka kumikilos batay sa katotohanan, hindi ka nagsasagawa ayon sa mga salita ng Diyos, sa halip ay tinutugunan mo lamang ang iyong mga emosyonal na pangangailangan, at ang mga pangangailangan ng iyong konsensiya, nagnanais na magpakita ng pagkamabuting anak sa iyong mga magulang at suklian ang kanilang kabutihan. Bagamat hindi ka kinokondena ng Diyos sa pasyang ito, at ito ang pasya mo, sa huli ang siyang mawawalan, lalo na pagdating sa buhay, ay ikaw(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 17). Nagkaroon ako ng higit na kalinawan matapos basahin ang mga salita ng Diyos. Nakita ko na ang paraan ng pagpapalaki sa akin ng aking mga magulang ay dahil sa kataas-taasang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos. Talagang biyaya ng Diyos ang mabait na pakikitungo ng nanay ko. Matapos ng pagpasok sa pananampalataya, ang pagsisikap ng nanay ko na panatilihin ang kaayusan sa bahay upang magawa ko nang mapayapa ang aking tungkulin ay maaaring sa panlabas ay tila kabaitan ng nanay ko, ngunit sa totoo lang, ito ay dahil alam ng Diyos ang aking tayog at gumawa Siya ng mga pagsasaayos ayon dito. Ito ay tungkulin at responsabilidad ng nanay ko para panatilihin ang kaayusan sa bahay at suportahan ako sa aking pananampalataya. Sinabi ng Diyos na ang ating mga magulang ay hindi ang ating pinagkakautangan, ang pagiging anak sa ating mga magulang ay isang responsabilidad lamang, hindi ang ating misyon bilang tao. Kung tama ang mga kondisyon, maaari natin silang alagaan at igalang, ngunit kung hindi at hindi natin maipakita ang pagiging mabuting anak sa kanila, hindi ito kahihiyan, dahil marami tayong dapat gawin sa buhay na ito. Mayroon tayong mga tungkulin na dapat gawin bilang mga nilikha, at hindi tayo puwedeng mabuhay para lamang maging mabuting anak sa ating mga magulang. Marami ring walang pananampalataya na gumugugol ng maraming oras malayo sa kanilang mga magulang dahil sa kanilang mga karera at pamilya at hindi maalagaan ang kanilang mga magulang, ngunit nauunawaan sila ng mga tao at hindi sila kinokondena o kinukutya. Samantalang ako, naligaw ako sa aking pasasalamat sa mga magulang ko, at madalas na malungkot at nakokonsensiya ako dahil hindi ko sila nakakasama para alagaan sila at pipiliin ko pa ngang huwag umalis ng bahay para gawin ang aking tungkulin. Masyadong malakas ang aking emosyonal na pagpapahalaga! Nasa panahon tayo kung saan ang ebanghelyo ay lubos na lumalawak, at bilang isang lider ng iglesia ay dapat na naging mas masunurin ako sa layunin ng Diyos. Dapat kong pamunuan ang aking mga kapatid na magpatotoo sa ebanghelyo ng mga huling araw ng Diyos at hayaan ang mas maraming tao na marinig ang tinig ng Diyos at tanggapin ang Kanyang kaligtasan sa mga huling araw. Ito ang aking tungkulin at responsabilidad. Ngunit sa halip, naniniwala ako na ang pangangalaga at paggalang sa aking mga magulang ang pinakamahalagang bagay na magagawa ko. Isa akong mananampalataya sa loob ng maraming taon at kumain at uminom ako ng napakaraming salita ng Diyos, ngunit nang maharap ako sa isang aktuwal na suliranin, hindi ko nagawang magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos at gampanan ang aking tungkulin, at hindi ko pinangasiwaan ang sitwasyong iyon gamit ang mga katotohanang prinsipyo. Nagtataksil ako at hindi ko tinatanggap ang katotohanan! Napagtanto ko na kung ipagpapatuloy ko ang pamumuhay ayon sa mga tradisyonal na pananaw na ito at hindi ako magsisi sa Diyos at gampanan ang aking tungkulin, sa huli ay masisiwalat ako at matitiwalag. Nanalangin ako sa Diyos sa aking puso, “O Diyos ko! Lubusang isiniwalat ng sakit ng nanay ko ang aking mga pananaw na pang-hindi mananampalataya. Nakikita ko na ngayon na medyo maliit ang tayog ko at wala akong katotohanang realidad. Nauunawaan ko na ngayon na ang paggalang sa aking mga magulang ay hindi ko misyon. Ang pagganap sa aking tungkulin bilang isang nilikha ay ang aking tunay na misyon at responsabilidad. Handa akong talikuran ang aking mga nakalilinlang na pananaw at ilagak sa Iyong mga kamay ang sakit ng nanay ko. Anuman ang mangyari, mananatili akong matatag sa aking tungkulin at hindi magiging katatawanan ni Satanas.” Pagkatapos ng panalangin, mas gumaan ang pakiramdam ko at handa akong sumandig sa Diyos upang tuparin ang tungkulin na ibinigay sa akin.

Nang maglaon, komunsulta ako sa isang Tsinong doktor tungkol sa nanay ko at hiniling ko sa kanya na gamutin siya. Sinabi ng doktor na, “Kumalat na ang kanser sa buong katawan niya at hindi na ito magagamot. Ang magagawa ko na lang ay resetahan siya ng mga halamang gamot sa loob ng kalahating buwan at tingnan kung paano ito makakaapekto sa kanya.” Nang makita ko ang naging konklusyon niya, sobra akong nagulat. Naalala ko noong umuwi ako at nakita ko na inuubo ang nanay ko, hindi ko siya kailanman dinala sa ospital at binigyan ko lang siya ng ilang halamang gamot ng Tsino at hinayaan iyon. Kung dinala ko siya sa ospital nang mas maaga at naipagamot siya nang mas mabilis, magiging ganito pa rin kaya ang mangyayari? Habang mas iniisip ko ito, mas lalo akong nalulungkot at nakokonsensiya, at labis akong nalungkot. Kaya, nanalangin ako sa Diyos at hiniling sa Kanya na gabayan ako palabas sa kalagayang iyon. Nang maglaon, nakita ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Kung gayon, ano ang nangyayari kapag nahaharap ang iyong mga magulang sa mahahalagang usaping ito? Masasabi lamang na pinangasiwaan ng Diyos ang ganitong uri ng bagay sa kanilang buhay. Ito ay pinangasiwaan ng kamay ng Diyos—hindi ka maaaring tumuon sa mga obhektibong dahilan at mga sanhi—nakatakda talaga na mahaharap ang iyong mga magulang sa bagay na ito kapag umabot na sila sa ganitong edad, nakatakda nang matatamaan sila ng sakit na ito. Naiwasan kaya nila ito kung nandoon ka? Kung hindi isinaayos ng Diyos na magkasakit sila bilang parte ng kanilang kapalaran, walang mangyayari sa kanila, kahit na hindi ka nila nakasama. Kung nakatadhana silang maharap sa ganitong uri ng malaking kasawian sa kanilang buhay, ano ang maaaring naging epekto mo kung nandoon ka sa tabi nila? Hindi pa rin naman nila ito maiiwasan, hindi ba? (Tama.) Isipin mo iyong mga taong hindi nananampalataya sa Diyos—hindi ba’t magkakasama ang kanilang mga pamilya, taon-taon? Kapag nahaharap sa malaking kasawian ang mga magulang na iyon, kasama nila ang lahat ng miyembro ng kanilang pamilya, mga kamag-anak, at ang kanilang mga anak, tama ba? Kapag nagkasakit ang mga magulang, o kapag lumala ang kanilang mga karamdaman, dahil ba ito sa iniwan sila ng kanilang mga anak? Hindi iyon ang kaso, ito ay nakatadhanang mangyari. Kaya lang, bilang anak nila, dahil may ugnayan kayo ng iyong mga magulang bilang magkadugo, mababalisa ka kapag nabalitaan mong may sakit sila, samantalang ang ibang tao ay walang anumang mararamdaman. Normal na normal lang ito. Gayunpaman, ang pagdanas ng iyong mga magulang ng ganitong uri ng malaking kasawian ay hindi nangangahulugan na kailangan mong magsuri o magsiyasat, o pag-isipan kung paano ito alisin o lutasin. Ang mga magulang mo ay nasa hustong gulang na; ilang beses na nilang naranasan ang ganito sa lipunan. Kung nagsasaayos ang Diyos ng isang kapaligiran upang alisin sa kanila ang bagay na ito, kung gayon, sa malao’t madali, ito ay ganap na maglalaho. Kung ang bagay na ito ay isang pagsubok sa buhay para sa kanila, at dapat nilang maranasan ito, kung gayon, ang Diyos na ang bahala kung hanggang kailan nila ito dapat maranasan. Isa itong bagay na dapat nilang maranasan, at hindi nila ito maiiwasan. Kung nais mong mag-isang lutasin ang bagay na ito, suriin at siyasatin ang pinagmulan, mga sanhi, at mga kahihinatnan ng bagay na ito, iyan ay isang kahangalan. Wala itong silbi, at ito ay kalabisan lang. Hindi ka dapat kumilos nang ganito, nagsusuri, nagsisiyasat, at nakikipag-ugnayan sa iyong mga kaklase at kaibigan para makahingi ng tulong, nakikipag-ugnayan sa ospital para sa iyong mga magulang, nakikipag-ugnayan sa pinakamagagaling na doktor, ipinahahanda ang pinakamagandang silid sa ospital para sa kanila—hindi mo kailangang pigain ang utak mo sa paggawa ng lahat ng bagay na ito. Kung talagang mayroon kang natitirang lakas, dapat mong galingan ang tungkuling dapat ay ginagampanan mo ngayon. May sariling kapalaran ang iyong mga magulang. Walang sinuman ang makakatakas sa edad kung kailan sila dapat mamatay. Hindi ang mga magulang mo ang mga tagapamahala ng iyong kapalaran, at gayundin, hindi ikaw ang tagapamahala ng kapalaran ng iyong mga magulang. Kung may nakatadhanang mangyari sa kanila, ano ang magagawa mo tungkol dito? Ano ang epektong matatamo ng iyong pagiging balisa at paghahanap ng mga solusyon? Wala itong anumang matatamo; ito ay nakasalalay sa mga intensiyon ng Diyos. Kung nais ng Diyos na kunin sila, at bigyan ka ng kakayahang magampanan ang iyong tungkulin nang hindi naaabala, maaari mo bang panghimasukan ito? Maaari mo bang talakayin ang iyong mga kondisyon sa Diyos? Ano ang dapat mong gawin sa panahong ito? Ang pigain ang utak mo sa pag-iisip ng mga solusyon, pagsisiyasat, pagsusuri, paninisi sa iyong sarili, at pagkahiyang harapin ang iyong mga magulang—ito ba ang mga kaisipan at kilos na dapat taglayin ng isang tao? Ang lahat ng ito ay pagpapamalas ng kawalan ng pagpapasakop sa Diyos at sa katotohanan; ang mga ito ay hindi makatwiran, hindi matalino, at mapanghimagsik sa Diyos. Hindi dapat magkaroon ng ganitong mga pagpapamalas ang mga tao. Nauunawaan mo ba? (Oo.)” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 17). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko na idinidikta at pinapatnugutan ng Diyos ang mga paghihirap na haharapin ng mga tao at kung gaano karaming paghihirap ang kanilang daranasin batay sa kanilang mga pangangailangan at tayog. Kung kailan haharapin ng mga tao ang ilang mga sitwasyon at hanggang kailan nila dapat tiisin ang mga iyon, lahat ito ay pinamumunuan at inaayos ng Diyos. Wala sa mga ito ang maaaring desisyunan ng sangkatauhan, lalong hindi dapat pag-aralan ang mga bagay na ito mula sa pananaw ng tao. Dapat matutunan ng mga tao na tumanggap mula sa Diyos at magpasakop sa mga kaayusan at pamamatnugot ng Diyos. Tingnan mo ang sakit ng nanay ko, sa mababaw na pananaw, maaaring tila lumala ang kanyang kalagayan dahil hindi siya agad nadala sa ospital, ngunit sa totoo lang ay ito ang ang kanyang kapalaran. Ang kamatayan ng tao ay nasa mga kamay ng Diyos. Kung hindi ito pinahihintulutan ng Diyos, kahit na ang malalaking sakuna ay hindi magdudulot ng pinsala sa mga tao. Halimbawa, nasangkot ang tatay ko sa isang malalang aksidente sa kalsada at malubhang nasugatan ang lahat ng ibang pasahero ngunit lumabas siya roon na may mababaw na pinsala at pinakamabilis siyang gumaling. Sa ating buhay, ginagampanan natin ang ating mga misyon. Kung natapos na ng isang tao ang kanyang misyon sa buhay, lilisan siya sa mundong ito ayon sa mga plano ng Diyos. Kung hindi pa niya natatapos ang kanyang misyon, anumang hirap ang kanyang kaharapin, malalampasan niya ito nang ligtas. Medyo malala na ang sakit ng nanay ko at sinabi ng doktor na hindi na siya gagaling, ngunit kung gaano katagal siya mabubuhay ay hindi sinumang tao lamang ang tutukoy, pagpapasyahan at itatakda ito ng Diyos. Ang dahilan kung bakit ako naging miserable ay dahil mayroon akong mga hindi makatwirang hinihingi sa Diyos at gusto kong gumaling ang nanay ko noon pa. Sa sandaling hindi umayon ang mga bagay sa gusto ko, naging negatibo at miserable ako. Ang lahat ng ito ay dahil hindi ko alam ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos at hindi ko kayang magpasakop sa Kanya. Matapos maunawaan ang layunin ng Diyos, nanalangin ako sa Kanya, “O Diyos ko! Hindi para sa akin ang pagdedesisyon kung paano gagaling ang nanay ko o kung gaano katagal siya mabubuhay. Dapat kong isantabi ang sarili kong mga hinihingi at maging handa na magpasakop anuman ang mangyari.” Pagkatapos manalangin, naging kalmado at payapa ako. Pagkatapos ay nakita ko ang siping ito ng mga salita ng Panginoong Jesus: “Kung ang sinumang tao’y pumaparito sa Akin, at hindi napopoot sa kanyang sariling ama, at ina, at asawang babae, at mga anak, at mga kapatid na lalaki, at mga kapatid na babae, oo, at pati sa kanyang sariling buhay man, ay hindi siya maaaring maging disipulo Ko(Lucas 14:26). Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kung nahihigitan ng iyong pagmamahal sa iyong mga magulang ang iyong pagmamahal sa Diyos, kung gayon ay hindi ka karapat-dapat sumunod sa Diyos, at hindi ka kabilang sa Kanyang mga tagasunod. Kung hindi ka kabilang sa Kanyang mga tagasunod, kung gayon ay masasabing hindi ka isang mananagumpay, at na ayaw ng Diyos sa iyo(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 17). Sinabi ng Diyos na ang mga nagmamahal sa kanilang mga magulang nang higit sa Kanya ay hindi karapat-dapat na maging mga tagasunod Niya. Kinailangan kong ihinto ang pamumuhay ayon sa mga nakalilinlang na pananaw na ikinintal sa akin ni Satanas. Kinailangan kong magsimulang mamuhay nang iba, tingnan ang mga tao at mga bagay, at magpakatao at kumilos ayon sa mga salita ng Diyos at sa mga katotohanang prinsipyo. Ngayon ay unti-unti ko nang naitutuon ang aking sarili sa tungkulin ko. Kung minsan ay nag-aalala pa rin ako sa nanay ko, ngunit naiisip ko na sa kanyang buhay, ang mga sitwasyong nararanasan niya at ang paghihirap na dapat niyang pagdaanan ay itinakda nang lahat ng Diyos. Nasa sa Diyos na ang lahat kung hanggang kailan mabubuhay ang nanay ko at kung paano siya lilisan, hindi ako ang magtatakda nito. Nang napagtanto ko ito, mas naging mapayapa ako. Kamakailan lang, nalaman ko na maayos na ngayon ang kondisyon ng nanay ko at may mga natutunan siya sa pamamagitan ng sakit na ito. Pagkarinig ng balitang ito, sobra akong naantig at nakaramdam din ako ng hiya sa aking kawalan ng pananampalataya sa Diyos. Kamakailan lang ay aktibo akong nagsumite ng aplikasyon para gawin ang mga tungkulin na malayo sa bahay.

Sa pamamagitan ng karanasang ito, mayroon akong bagong pag-unawa sa aking mga kahinaan at nakakuha ng pagkilatis sa mga nakalilinlang na pananaw na noon ko pa pinanghahawakan. Hindi na ako mabubuhay sa mga pananaw na ito at magkakaroon na ako ng wastong saloobin patungkol sa aking relasyon sa mga magulang ko. Ang lahat ng ito ay dahil sa patnubay ng Diyos.

Sinundan: 68. Ang Sakit na Dala ng Reputasyon at Katayuan

Sumunod: 70. Bakit Natatakot Akong Ilantad ang mga Problema ng Iba

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito