42. Ang Pagkakilala Gamit ang mga Salita ng Diyos ay Hinding-hindi Nabibigo

Ni Xidan, USA

Noong Abril 2021, nakatira ako sa isang bahay kasama si Chen Yue at ilang iba pang sister. Noong una, nakita ko na madalas siyang nakikipag-usap sa mga tao tungkol sa kalagayan niya, at minsan ikinukwento ito sa oras ng pagkain. Naisip ko kung paanong nagagawa pa niyang gamitin ang oras ng pagkain, kaya nakatuon talaga siya sa pagpasok sa buhay at isang taong naghahanap sa katotohanan. Tapos no’ng minsang nag-usap kami, sinabi sa akin ni Chen Yue na talagang nag-aalala siya sa mga ekspresyon ng mukha at opinyon ng iba, at kapag ang isang tao ay may masamang tono sa kanya, naiisip niyang hinahamak siya nito, at na siya ay tuso. Sinabi rin niya na palagi siyang nakikipagpaligsahan sa iba para sa karangalan at pakinabang, at masyadong nag-aalala sa katayuan. Iniisip ko na, hindi pa kami matagal na magkakilala, kaya kung nagagawa niyang sabihin sa akin ang tungkol sa kanyang mga malubhang kapintasan at mga kahinaan ibig sabihin ay simple siya at matapat. Napansin ko sa aming sumunod na mga interaksyon na talagang mayroon siyang kumplikadong estado ng pag-iisip. Talagang nag-aalala siya sa mga ekspresyon at opinyon ng mga tao, at hinuhulaan ang sunod na hakbang ng iba. Minsan kapag tinutukoy ng mga kapatid ang mga problema niya, iniisip niya kung hinahamak ba siya ng mga ito, at pagkatapos ay magtatapat siya tungkol sa ibinunyag niya, sinasabing ang panghuhula sa sunod na hakbang ng iba ay tuso, at iba pa. Noong una, akala ko siya ay medyo sensitibo at balat-sibuyas lang. Sa tingin ko, lahat ng tao ay may mga kamalian at problema, at bilang mga kapatid, dapat tayong magkaroon ng higit na pagpapasensya at pagpapatawad sa isa’t isa. Isa pa, nagawa niyang magtapat at maunawaan ang kanyang sarili pagkatapos magpakita ng katiwalian, kaya siguradong kaya niyang tanggapin ang katotohanan. Hindi ko ito masyadong inisip. Kadalasan, kapag sinasabi niya sa’kin ang tungkol sa kalagayan niya, matiyaga akong nakikinig sa kanya na ibinubuhos ang puso niya, at sa mga pag-uusap ay maingat akong nagbabantay sa lagay ng loob niya, natatakot na maging di-maingat at makapagsabi ng makakasakit sa kanya. Dahil doon, gusto niya akong kausap. Nakikita ito mula sa kanyang mga direktang salita at kung ano ang ipinahihiwatig nito na dama niyang ako’y may magandang ugali at personalidad at mabait, at na gusto niya ang mga katulad ko. ‘Tsaka tuwing nag-uusap kami, tungkol ito sa kalagayan niya ng panghuhula sa sunod na hakbang ng iba at pag-aalala sa reputasyon. Minsan ang maiksing pag-uusap ay umaabot ng isang oras, at talagang naaantala nito ang mga tungkulin ko. Nang makita kung gaano siya nagtiwala sa akin, natakot ako na masasaktan siya kung hindi ako makikinig sa kanya. Nahihiya akong sumabad sa kanya. May mga bagay na nangyari kalaunan na unti-unting nagpabago ng tingin ko sa kanya.

Minsan, hindi masyadong sineryoso ni Sister Li nang punahin siya ni Chen Yue dahil sa hindi maayos na pagtiklop ng kumot. Nagalit si Chen Yue at hindi ito pinalampas, at iginiit na gawin ni Sister Li ang gusto niya. Isa pa, karaniwang gusto niyang himukin ang mga tao at makiayon sa kanya at pasayahin siya, kaya sinabi ni Sister Li na masyado siyang nakatutok sa katayuan at palaging gustong napapaligiran ng mga tao, na ang totoo ay para kontrolin ang iba. Pagkatapos, pumunta si Chen Yue kay Sister Li para magtapat, umiiyak at sinasabing hindi siya katulad ng sinasabi ni Sister Li, at na mali ang pagkakaunawa nito sa kanya. Humingi ng tawad si Sister Li, pero hindi pa rin ito makalimutan ni Chen Yue, at hindi na siya nito kinausap. Pagkatapos n’on, madalas ibukod ni Chen Yue ang sarili niya at hindi kami gaanong kinakausap.

Minsan nang kausapin niya ako tungkol sa kalagayan niya, sinabi niya na nakita niyang madalas na nakikipag-usap kay Sister Li ang ibang mga sister, kaya hinala niya’y gusto ng lahat si Sister Li, at minamaliit siya ng mga ito at ibinubukod siya. Pagkatapos ay iniwasan niya ang lahat, at inisip na hindi sinsero si Sister Li kapag kinakausap siya nito. Pagkatapos ay sinabi niyang may masama siyang pagkatao at na ang panghuhula sa sunod na hakbang ni Sister Li nang gano’n ay talagang tuso. Pero hindi siya nagbago pagkatapos n’on. Nagtatampo siya sa amin nang dalawang linggo dahil doon, at dama ng lahat na napipigilan sila. Nagulat talaga ako at hindi ko siya maintindihan. Bakit hindi siya naghahanap ng katotohanan at natututo ng aral kapag nahaharap sa mga isyu? Pagkatapos noon ay iniisip ko kung paanong may gawi lang siyang magalit at magtampo, at na kailangan lang naming tulungan siya dahil sa pagmamahal. Isang beses, kinailangang gawing muli ang isang video na ginagawa niya dahil nagkaroon ng mga problema. Sa isang pagtitipon, sinabi ng lider ng grupo na kailangang akuin ng mga tagagawa ang pangunahing responsibilidad sa mga isyu sa mga video. Inakala ni Chen Yue na siya ang pinuntirya nito, na tingin ng lider ng grupo ay mahina ang kakayahan niya at hindi siya nito gusto. Ilang araw siyang mukhang malungkot. Isang lider ang nakipagbahaginan sa kanya pagkatapos n’on, at sinabing hindi niya tinanggap ang katotohanan at sobra siyang mag-react, at na ang hindi pagbabago kailanman ay talagang mapanganib. Nagsimulang umiyak si Chen Yue nang marinig niya iyon. Sinabi niya na napakatuso niya at hindi siya maliligtas ng Diyos. Nang makitang sobrang masama ang loob niya, nagbahagi sa kanya ang lider tungkol sa kalooban ng Diyos para hindi siya magkamali ng pagkaunawa sa Diyos at makapagnilay sa kanyang problema. Wala siyang sinabi sa oras na iyon, at naisip ng lider na siguro magkakaroon siya ng kaunting pagbabago, pero ang nakakagulat, sa isang pagtitipon, sinabi niyang hindi raw niya matanggap ang sinabi ng lider tungkol sa kanya at nadepress siya nang ilang araw. Kalaunan, sinabi niya sa ilang kapatid na minamaliit siya ng lider ng grupo dahil sa kanyang mahinang kakayahan at hindi niya alam kung paano ito malalampasan, umiiyak siya habang nagsasalita. Nakisimpatiya sila sa kanya. Palaging nangyayari ang mga ganitong bagay, at pagkatapos makipagbahaginan sa kanya ang isang tao, palagi niyang “nakikilala” ang kanyang sarili at inaamin ang kanyang problema. Pero nagagalit na naman siya makalipas ang ilang araw kapag may nangyayari na namang iba.

Medyo nalilito ako na makita siyang kumikilos nang gano’n. Yamang laging parang kilala niya ang sarili niya, bakit hindi siya nagbabago kahit kailan? Kapag may sinasabi ang iba na nakakaapekto sa kanyang pagpapahalaga sa sarili, iisipin niyang minamaliit siya ng mga ito at maling iisipin ang lahat. Hindi ba’t may problema sa pagkatao niya at sa pagkaunawa niya? Hindi ko ito lubos na maunawaan, kaya’t nanalangin ako sa Diyos sa paghahanap, at nakipagbahaginan ako sa iba na nakakaunawa sa katotohanan. Sinabi sa akin ng isang sister na naunawaan ni Chen Yue ang lahat pagkatapos ng maraming taon ng pananampalataya, pero hindi niya isinagawa ang katotohanan at palaging negatibo. Ibig sabihin niyon hindi niya talaga kilala ang sarili niya. Pinadalhan ako ng sister na iyon ng isang sipi ng mga salita ng Diyos. “Kapag ipinagbabahaginan ng ilang tao ang pagkakilala nila sa kanilang sarili, ang unang lumalabas sa kanilang mga bibig ay, ‘Isa akong diyablo, isang buhay na Satanas, isang taong lumalaban sa Diyos. Sinusuway ko Siya at pinagtataksilan Siya; isa akong ulupong, isang masamang tao na dapat sumpain.’ Tunay ba itong pagkakilala sa sarili? Pangkalahatang ideya lang ang sinasabi nila. Bakit hindi sila nagbibigay ng mga halimbawa? Bakit hindi nila mailantad ang mga nakakahiyang bagay na ginawa nila para masuri? Naririnig sila ng ilang taong hindi marunong kumilatis at iniisip, ‘Aba, tunay na pagkakilala iyon sa sarili! Ang makilala ang kanilang sarili bilang ang diyablo, si Satanas, at sumpain pa ang kanilang sarili—napakataas naman ng naabot nila!’ Madaling malinlang ng ganitong pananalita ang maraming tao, lalo na ang mga bagong mananampalataya. Akala nila dalisay at nakakaunawa ng mga espirituwal na bagay ang taong nagsasalita, na isa itong taong nagmamahal sa katotohanan, at kwalipikadong maging lider. Subalit, sa sandaling makasalamuha na nila siya nang ilang panahon, nalalaman nilang hindi pala ganoon, na hindi pala gaya ng inisip nila ang taong iyon, kundi ubod ng huwad at mapanlinlang, mahusay sa pagkukunwari at panggagaya, na talaga namang nakakadismaya. Kaya paano ba dapat sukatin kung ang isang tao ay nagmamahal sa katotohanan? Depende ito sa kung ano ang karaniwang ipinapamalas niya, at kung isinasabuhay niya ang realidad ng katotohanan o hindi, kung ginagawa ba niya ang sinasabi niya, at kung pareho ba ang sinasabi niya at ang ginagawa niya. Kung maliwanag at kaaya-ayang pakinggan ang sinasabi niya, pero hindi niya ito ginagawa, hindi ito isinasabuhay, kung gayon sa bagay na ito ay naging isa siya sa mga Pariseo, siya ay mapagpaimbabaw, at tiyak na hindi isang taong nagmamahal sa katotohanan. Napakaliwanag pakinggan ng maraming tao kapag ibinabahagi nila ang katotohanan, pero hindi nila napapansin kapag nagkakaroon sila ng mga pagbuhos ng tiwaling disposisyon. Kilala ba ng mga taong ito ang kanilang sarili? Kung hindi kilala ng mga tao ang kanilang sarili, sila ba ay mga taong nakakaunawa sa katotohanan? Ang lahat ng hindi nakakikilala sa sarili ay mga taong hindi nakakaunawa sa katotohanan, at lahat ng nagsasalita ng mga walang kabuluhang salita ng pagkakilala sa sarili ay may huwad na espirituwalidad, sila ay mga sinungaling. Napakaliwanag pakinggan ng ilang tao kapag nagsasalita sila ng mga salita ng doktrina, pero ang kalagayan sa kanilang mga espiritu ay manhid at hangal, hindi matalas ang kanilang pakiramdam, at hindi sila tumutugon sa anumang isyu. Masasabi na manhid sila, pero minsan, kapag napapakinggan silang magsalita, tila medyo matalas ang kanilang mga espiritu. Halimbawa, pagkatapos na pagkatapos ng isang insidente, nagagawa nilang makilala kaagad ang kanilang sarili: ‘Ngayon-ngayon lang naging malinaw sa akin ang isang ideya. Pinag-isipan ko ito at napagtanto ko na ito ay tuso, na nililinlang ko ang Diyos.’ Naiinggit ang ilang taong hindi marunong kumilatis kapag naririnig nila ito, sinasabing: ‘Napagtatanto kaagad ng taong ito kapag mayroon siyang pagbuhos ng katiwalian, at nagagawa rin niyang ipagtapat at ibahagi ang tungkol dito. Napakabilis ng reaksyon niya, matalas ang kanyang espiritu, mas mahusay siya kaysa sa atin. Tunay ngang isa itong taong naghahangad ng katotohanan.’ Tumpak na paraan ba ito ng pagsukat sa mga tao? (Hindi.) Kaya ano ba ang dapat na maging batayan sa pagsusuri kung talaga bang kilala ng mga tao ang kanilang sarili? Hindi lang ito dapat kung ano ang lumalabas sa kanilang mga bibig. Dapat mo ring tingnan kung ano talaga ang naipapamalas sa kanila, ang pinakasimpleng paraan ay ang tingnan kung nagagawa ba nilang isagawa ang katotohanan—ito ang pinakamahalaga. Pinatutunayan ng abilidad nilang isagawa ang katotohanan na tunay nilang kilala ang kanilang sarili, dahil ang mga tunay na nakakikilala sa kanilang sarili ay nagpapamalas ng pagsisisi, at kapag nagpapamalas ng pagsisisi ang mga tao saka lamang nila tunay na nakikilala ang kanilang sarili(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Tanging ang Pagkakilala sa Sarili ang Makakatulong sa Paghahangad ng Katotohanan). Natutunan ko sa mga salita ng Diyos na kapag tinitimbang kung ang isang tao ay mahal at tanggap ang katotohanan, kung talagang kilala niya ang sarili, hindi ito tungkol sa pagtingin sa kung ano ang pasalita niyang inaamin, kung gaano siya kahusay na nagsasalita ng mga teorya, sa halip, tungkol ito sa kung ano talaga ang isinasabuhay niya sa harap ng mga isyu, kung naisasagawa niya ang katotohanan, kung talagang nagsisisi siya at nagbabago, at kung magkatugma ang sinasabi niyang pagkaunawa at ang kanyang aktuwal na pagpasok. Ang ilang tao ay sinasabi ang lahat ng tamang doktrina, pero hindi nila kayang isagawa ang katotohanan kapag nahaharap sa mga bagay-bagay, at kumikilos batay sa kanilang satanikong disposisyon. ‘Yan ang taong hindi tumatanggap sa katotohanan. Ang ilang tao ay kayang magtapat kahit ano pang uri ng mga saloobin ang ipinapakita nila, at alam ang kanilang katiwalian, kaya iniisip ng mga tao na sila ay simple, pero wala silang sinasabi tungkol sa mga motibo sa likod nito, at hindi man lang nila sinusuri ang diwa ng kanilang tiwaling disposisyon. Mukha silang simple at matapat, pero ang totoo’y nililigaw at nililinlang nila ang mga tao, at ito ay talagang tuso. Ang kaalaman sa sarili ng ilang tao ay isang ilusyon lamang, at bagamat pasalita nilang inaamin na mali sila, sinasabing sila ay si Satanas, ang diyablo, at isinusumpa at kinokondena nila ang kanilang sarili, at na sila ay walang halaga at silbi, para naman sa partikular na masasamang bagay na nagawa nila, ang kanilang mga nakatagong motibo at layon sa likod nito, o kung ano ang idinulot nito, wala silang sinasabing anuman. Kung susuriing mabuti si Chen Yue, gusto niyang nakikipag-usap sa mga tao tungkol sa kalagayan niya, at mukha talagang hinahangad at hinahanap ang katotohanan. Palagi niyang sinasabi ang mga bagay tulad ng, “May masama akong pagkatao, tuso ako, mapaminsala ako.” Kung titingnan, parang kilala niya talaga ang sarili niya, pero hindi niya isinagawa ang katotohanan nang maharap sa mga isyu. Hindi man lang niya nilutas ang sarili niyang katiwalian. Dalawang taon ang nakararaan, sinabi ng iba na hinuhulaan niya ang sunod na hakbang ng mga tao at nakatutok sa katayuan, pero wala pa rin siyang anumang pinagbago. Malinaw na nagsalita lamang siya ng teorya, peke ito, at niloloko niya ang mga tao. Hindi tumutugma ang kaalaman na sinasabi niya at kung ano ang isinasabuhay niya.

Kalaunan, nabasa ko ang pagbabahaginan mula sa Diyos tungkol sa kung aling mga tao ang tunay na mga kapatid, at alin ang hindi, at kaya nagkamit ako ng kaunting pagkakilala kay Chen Yue. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Tanging ang mga umiibig sa katotohanan ang kabilang sa pamilya ng Diyos; sila lamang ang tunay na mga kapatid. Iniisip mo ba na ang lahat ng madalas na pumupunta sa pagtitipon ay mga kapatid? Hindi masasabing ganoon nga. Anong mga tao ang hindi mga kapatid? (Ang mga nayayamot sa katotohanan, mga hindi tumatanggap sa katotohanan, at mga hindi naghahangad ng katotohanan.) Sila ang mga hindi tumatanggap at nayayamot sa katotohanan, yaong masasama, at ang ilang tao na may masamang pagkatao. May ilan pa nga na mistulang may mabuting pagkatao sa panlabas, subalit nangingibabaw sa paglalaro ng mga pilosopiya para sa pamumuhay; gagamit ang mga taong ito ng mga tusong pakana at gagamitin, uudyukan, at dadayain ang iba. Sa sandaling ibinabahaginan ang katotohanan, nawawalan sila ng interes, nayayamot sila rito, hindi nila kayang tiisin na mapakinggan ang tungkol dito, at nararamdaman nila na nakakabagot ito at hindi mapakali sa pagkakaupo. Anong uri ng mga tao ito? Ang mga ganitong uri ng tao ay mga hindi nananalig, at anumang gawin mo, hindi mo sila dapat ituring bilang mga kapatid. … Kaya ano ang ipinamumuhay nila? Walang pagdududa, namumuhay sila ayon sa mga pilosopiya ni Satanas, lagi silang mapanlinlang at tuso, at hindi sila nabubuhay nang may normal na pagkatao. Hindi sila kailanman nananalangin sa Diyos o naghahanap ng katotohanan, kundi hinaharap nila ang lahat ng bagay gamit ang mga panlalansi, taktika, at pilosopiya ng tao para mabuhay—na isang nakakapagod na pag-iral. Kahit sa mga simpleng bagay, pinapagulo nila, at kung hindi sila nangangatwiran, nagdadahilan naman sila. Nakakapagod mabuhay nang ganito, hindi ba? Bakit, kapag maaari namang ipaliwanag ang isang bagay sa ilang salita, nakakaisip sila ng napakaraming kalokohan? Magulo ang kanilang pag-iisip, at hindi nila matanggap ang katotohanan. Alang-alang sa sarili nilang reputasyon o dahil sa ilang salita, makikipagtalo sila hanggang sa mapagod sa galit. Na para bang mayroon silang kung anong uri ng nerbiyosong kondisyon. Labis na pasakit ang buhay ng mga taong ito. … Kaya naman, sa mas masusing pagsusuri, ang kanilang mga kilos, ang mga bagay na buong araw nilang ginagawa—lahat ay may kaugnayan sa sarili nilang dangal, reputasyon, at banidad. Na para bang nabubuhay sila sa isang sapot, kailangan nilang mangatwiran o magdahilan para sa lahat ng bagay, at lagi silang nagsasalita para sa sarili nilang kapakanan, magulo ang kanilang pag-iisip, nagsasalita sila ng napakaraming kalokohan, napakagulo ng kanilang mga salita. Lagi silang nakikipagtalo sa kung ano ang tama at mali, wala itong katapusan, kung hindi nila sinusubukang magkamit ng karangalan, nakikipagkumpitensya sila para sa reputasyon at katayuan, at walang sandali na hindi sila nabubuhay para sa mga bagay na ito. At ano ang kahihinatnan nito sa huli? Maaaring nagkamit sila ng karangalan, pero yamot at sawa na ang lahat sa kanila, basang-basa na sila ng mga tao, napagtanto na ng mga ito na wala silang realidad ng katotohanan, na hindi sila isang taong taos-pusong naniniwala sa Diyos. Kapag may nasasabi ang mga lider at manggagawa o ang ibang kapatid na ilang salita ng kritisismo sa kanila, matigas silang tumatangging tumanggap, pilit nilang sinusubukang mangatwiran o magdahilan, sinusubukan nilang ipasa ang responsibilidad sa iba, at sa mga pagtitipon ay dumedepensa sila, at binabaluktot ang tama at mali, nag-uudyok ng kaguluhan sa mga hinirang ng Diyos. Sa kanilang puso, iniisip nilang, ‘Wala nga bang katuturan ang mga sinasabi ko?’ Anong uri ng tao ito? Ito ba ay isang taong nagmamahal sa katotohanan? Ito ba ay isang taong naniniwala sa Diyos? Kapag naririnig nila ang sinuman na nagsasalita ng isang bagay na nakapagpapasama ng loob nila, lagi nilang gustong daanin ito sa usapan, naiipit sila sa kung sino ang tama at kung sino ang mali, hindi nila hinahanap ang katotohanan at hindi ito tinatrato nang ayon sa mga prinsipyo ng katotohanan. Kahit gaano pa kasimple ang isang bagay, kailangan nila itong gawing napakakumplikado—gulo lang ang hanap nila, dapat lang sa kanila na mapagod nang husto!(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Kung babasahin ang mga salita ng Diyos, madali para sa atin na matukoy kung sino ang mga kapatid, at sino ang mga walang pananampalataya. May mga taong gustong nakikipagtalo kung ano’ng tama at mali. Hindi nila tinatanggap ang katotohanan bagkus, nayayamot sila rito. Hindi nila hinahanap ang katotohanan sa harap ng mga bagay-bagay, o pinagninilayan, o kinikilala ang kanilang sarili. Palagi nilang ipinagtatanggol at pinangangatwiranan ang kanilang sarili. Ang ganoong uri ng tao ay maraming iniisip at likas na mapanlinlang. Hindi lang iyon nakakapagod para sa kanila, kundi nagdudulot din sila ng pasakit at pagkayamot sa iba. Hindi tunay na kapatid ang ganoong klase ng tao. Tapos, kung ikukumpara si Chen Yue, dahil sa di-sinasadyang pahayag ng isang tao na nakaapekto sa reputasyon niya at nakasakit sa kanya, hinuhulaan niya ang sunod na hakbang nito, nagiging mapanghinala, at nagkakaroon ng pagkiling laban dito. Tapos nagkukunwari siyang nagtatapat para ipaliwanag ang kanyang sarili o tinatalakay ang kanyang sarili bilang paraan para mabanggit ang mga problema ng iba. Parati siyang nakikipagbangayan tungkol sa tama at mali. Halimbawa, nang binigyan siya ng lider ng grupo ng ilang mungkahi, inakala niyang minamaliit siya ng lider ng grupo, kaya hindi siya natuwa. Pagkatapos, sa isang pagtitipon, nagtapat siya at sinabing minamaliit siya ng lider ng grupo para makisimpatiya ang lahat sa kanya at magkaroon ng partikular na opinyon tungkol sa lider ng grupo. Karaniwang nag-iingat ang mga tao sa paligid niya sa mga pakikipag-ugnayan nila sa kanya, binabantayan ang kanyang mga ekspresyon at kanyang mukha, natatakot na kung may sinabi silang mali, makakaapekto ito sa kalagayan niya. Talagang mahirap makipag-ugnayan sa kanya, at walang nakakadama na malaya sila. Dahil palagi niyang iniisip nang sobra ang mga bagay-bagay at nadedepress, lubha nitong naapektuhan ang pagsulong ng gawain. Akala ko noon ay sensitibo lang siya at balat-sibuyas, na may gawi siyang magalit at magtampo kapag hindi nasusunod ang gusto niya, na ito ay isang normal na kamalian ng tao, at wala itong anumang idudulot na totoong kaguluhan sa mga kapatid o sa gawain ng iglesia. Pero nang ikumpara ito sa mga katunayan, nakita ko na talagang nagulo nito ang kalagayan ng mga kapatid pati na rin ang buhay ng iglesia. Naapektuhan din nito ang normal na pagsulong ng gawain ng iglesia. Idagdag na ang kanyang karaniwang pag-uugali, hindi niya talaga tinanggap ang katotohanan, at talagang tuso siya. Hindi siya magandang halimbawa o matulungin sa iba, kundi, siya ay isang walang pananampalataya. Naunawaan ng lider ang kanyang karaniwang pag-uugali, tinanggal ang kanyang tungkulin, at pinabukod ang kanyang sarili para magnilay-nilay.

Pagkatapos n’on, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na naglalantad sa mga tiwaling disposisyon ng mga tao, at kaya nakita ko kung ano ang nakatago sa likod ng mga salita ni Chen Yue, at nagkaroon ako ng pagkakilala. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Madalas na halata sa panlabas ang panlilinlang. Kapag nagpapaliguy-ligoy ang isang tao o nagsasalita sa mga paraang labis na magulang at tuso, iyon ay panlilinlang. At ano ang pinakapangunahing katangian ng kasamaan? Ang kasamaan ay kapag partikular na masarap sa pandinig ang sinasabi ng mga tao, kapag tila tama itong lahat, at wala ritong maipipintas, at mabuti kahit sa anumang paraan mo ito tingnan, ito ay kapag gumagawa sila ng mga bagay-bagay at nakakamit ang kanilang mga layon nang hindi gumagamit ng anumang halatang kaparaanan. Masyado silang malihim kapag gumagawa sila ng mga bagay-bagay, nakakamit nila ang mga iyon nang walang anumang halatang indikasyon o hindi sinasadyang paghahayag; ganito nililinlang ng mga anticristo ang mga tao, at napakahirap matukoy ng gayong mga bagay at gayong mga tao. Ang ilang tao ay madalas na nagsasabi ng mga tamang salita, gumagamit ng mga pariralang magandang pakinggan, at gumagamit ng mga partikular na doktrina, argumento, at pamamaraan na umaayon sa damdamin ng mga tao upang makapanlinlang; nagkukunwari silang magpunta sa isang daan ngunit ang totoo nagpupunta sila sa isa pa para makamit ang kanilang mga mithiin. Ito ay kasamaan. Karaniwang pinaniniwalaan ng mga tao na ang mga pag-uugaling ito ay panlilinlang. Mas kakaunti ang kanilang kaalaman sa kasamaan, at bihira rin itong suriin nang mabuti; sa totoo lang ay mas mahirap tukuyin ang kasamaan kaysa panlilinlang, dahil mas nakatago ito, at ang mga sistema at pamamaraang sangkot dito ay mas sopistikado(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalimang Aytem: Nililinlang, Inaakit, Tinatakot, at Kinokontrol Nila ang mga Tao). Inilalantad ng mga salita ng Diyos ang mga taong may masasamang disposisyon. Ang mga taong ito ay nagsasabi ng ilang bagay na tila maganda at tama, na kaaya-ayang pakinggan, ngunit sa likod nito ay may mga lihim na motibo na hindi matukoy ng mga regular na tao. Hindi ko maiwasang isipin ang ugali ni Chen Yue. Sinabi niya sa akin na mabait ako at hindi nakikipagtalo sa kanya, at na gusto niyang nakikipag-ugnayan sa akin. Minsan, nang makita niyang wala si Sister Li sa bahay, nagmensahe siya, sinasabing natatakot siyang mag-isa sa bahay, na para bang isa siyang bata na wala ang ina sa tabi. Kapag naririnig iyon, mararamdaman ng sinuman na malaki ang tiwala niya sa kanila, at na itinuturing niya sila bilang mapagkakatiwalaan na kaibigan, o isang kapamilya pa nga. Pagkatapos ay gugustuhin nilang alagaan siya at makiayon sa kanya sa lahat ng bagay. Kahit kapag nakikipagtalo siya tungkol sa tama at mali, iniisip na minamaliit siya ng iba, walang nakakakilala sa sinasabi niya, at nakikisimpatiya na lang at naaawa sa kanya. Malinaw na nagsasabi siya ng mga bagay-bagay na magandang pakinggan, nakakapuri sa iba, at gusto nilang marinig, pero sa likod n’on, gusto niya silang akitin. Karaniwang gusto niyang nakikipag-usap sa mga tao tungkol sa kalagayan niya para makita nilang nakatutok siya sa pagpasok sa buhay, at na hinahanap at hinahangad niya ang katotohanan. Pero ang totoo, sadya niyang nililikha ang huwad na espirituwal na panlabas na ito para maganda ang iisipin ng iba sa kanya. Umakto siya na parang nagsasalita tungkol sa kalagayan niya, pero ang totoo ay nangyayamot siya para aluin, naglalabas ng emosyon at pinaglalaruan ang damdamin ng mga tao. Nakain pa niya ang oras ng mga taong gumagawa ng kanilang tungkulin. Pero hindi ko makita ang mga motibo niya o matukoy kung anong klaseng tao talaga siya. Palagi lang akong magiliw na nakikipagbahaginan sa kanya, tinutulungan, at sinusuportahan siya. Masigasig ko siyang tinutulungan sa tuwing nakikita ko siyang nahihirapan sa buhay, at inaalala ko muna siya para sa anumang kapaki-pakinabang. Ngayon sa wakas ay nakita ko na mula sa mga salita ng Diyos na siya ay may masamang kalikasan, na siya ay mapanlinlang sa salita at sa gawa, na niloloko niya, at nililinlang ang lahat.

Pinagnilayan ko ang sarili ko pagkatapos n’on. Bakit wala akong anumang pagkakilala kay Chen Yue? Sa pagninilay-nilay ko, nakita ko ang isang maling pananaw na mayroon ako. Itinuring ko bilang pagiging simple at matapat ang kakayahan niyang talakayin ang kalagayan niya, bilang pagsasagawa sa katotohanan, at hindi pinansin ang mga salita niya. Sa pamamagitan lamang ng mga salita ng Diyos ko nakita kung ano talaga ang pagiging simple at matapat. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Ang katapatan ay nangangahulugang pagbibigay ng puso ninyo sa Diyos, pagiging totoo sa Diyos sa lahat ng bagay, pagiging bukas sa Kanya sa lahat ng bagay, hindi pagtatago kailanman ng mga totoong impormasyon, hindi pagtatangkang manlinlang ng mga nasa itaas at nasa ibaba ninyo, at hindi paggawa ng mga bagay para lamang magpalakas sa Diyos. Sa madaling salita, ang pagiging tapat ay pagiging dalisay sa inyong mga kilos at salita, at hindi panlilinlang sa Diyos o sa tao. … Kung puno ng mga palusot at mga walang halagang pangangatwiran ang mga salita mo, sinasabi Kong isa kang taong kinasusuklamang isagawa ang katotohanan. Kung marami kang sekretong atubili kang ibahagi, kung lubos kang tutol na ilantad ang mga lihim mo—ang mga paghihirap mo—sa harap ng iba upang hanapin ang daan ng liwanag, sinasabi Kong isa kang taong hindi madaling matatamo ang kaligtasan, at hindi madaling makakaalis sa kadiliman(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tatlong Paalaala). Nakita ko mula sa mga salita ng Diyos na ang pagiging simple at matapat unang-una ay pag-amin sa pakikipagbahaginan kapag nahaharap ka sa mga problema o nagbubunyag ng katiwalian, hindi nagkukubli ng anuman o nagtatago ng mga katunayan. Ang pagtatapat, higit sa lahat, ay para hanapin ang katotohanan, at mabilis na malutas ang iyong mga problema. At sa pamamagitan n’on ay makikita mo ang diwa ng iyong katiwalian, at maaari kang magkaroon ng masinsinang pakikipag-usap sa iyong mga kapatid. Ito ay nakapagpapatibay at kapaki-pakinabang para sa mga tao. Ang makita kung ang isang tao ay simple at matapat ay karaniwang nagagawa sa pagsusuri ng kanyang mga motibo at kinalalabasan. Kung nagsasalita siya tungkol sa mga maling palagay, maliliit na usapin sa bahay, at tsismis nang walang anumang totoong pagninilay sa sarili o pagkaunawa, kung gayon ang pagtatapat sa ganoong paraan ay hindi totoong pagiging simple at matapat. Iyon ay paglalabas ng emosyon tungkol sa kung ano ang hindi nila gusto at patagong sinisisi ang iba sa kanilang mga problema. Walang magandang aral o tulong para sa mga tao ang ganoong klase ng pagtatapat. Kumikilos pa nga ang ilang tao na tila matapat sila para magkunwaring totoo sila sa mga taong tumatanggap sa katotohanan upang tingalain sila ng iba. Ang pagtatapat nang ganoon ay pagtataas sa kanilang sarili at pagpapakitang-gilas sa patagong paraan, ito ay nakakalinlang. Kung iisipin ang kaalaman ni Chen Yue sa sarili, madalas siyang nagtatapat tungkol sa kanyang mga hinala sa iba at tungkol sa mga iniisip at ideya na ibinubunyag niya, pero hindi kailanman tinatalakay ang mga tiwaling disposisyon niya, o kanyang mga nakatagong layunin, o mga motibo. Hindi siya nagtapat para hanapin ang katotohanan o lutasin ang kanyang katiwalian, kundi para ilabas ang kanyang mga hinaing, upang kaawaan siya ng mga tao at aluin siya. Ginamit pa niya ito para pangatwiranan ang kanyang sarili, para hindi magkamali sa pagkaintindi sa kanya. Sa ganoong paraan napoprotektahan niya ang kanyang reputasyon sa mata ng iba. Ang kanyang pagiging matapat ay hindi nalutas ang kanyang tiwaling disposisyon, at hindi ito nagdulot ng anumang pakinabang o magandang aral sa mga kapatid. Hindi iyon pagiging simple at matapat. Iyon ay paglalaro at panlilinlang. Nagkamit ako ng kalinawan sa loob nang mapagtanto ko ‘yon. Malinaw kong nakita na si Chen Yue ay hindi isang taong naghahangad sa katotohanan, at na siya ay hindi simple at matapat, kundi siya ay talagang tuso at masama.

Pinagnilayan ko ang sarili ko pagkatapos n’on. Nakasalamuha ko si Chen Yue sa loob ng halos isang taon at nagkaroon ng kaunting kamalayan sa kanyang mga karaniwang isyu, kaya bakit hanggang ngayon ay hindi ako nagkaroon ng pagkakilala sa kanya? Napagtanto kong ang ugat nito ay hindi ko sinusuri ang mga bagay-bagay ayon sa mga salita ng Diyos, at sa halip, tinitingnan ko ang mga panlabas sa pamamagitan ng sarili kong mga kuru-kuro at imahinasyon. Itinuring ko ang kanyang pagtatapat at kagustuhang ibahagi ang kanyang kalagayan sa iba bilang kanyang pagmamahal at paghahanap sa katotohanan. Hindi ko sinuri ang kanyang mga motibo o ang pinagmulan ng mga bagay-bagay, o kung ano ang talagang natamo. Hindi ko sinuri kung paano siya nagsalita o kumilos, o ang kanyang mga pamamaraan, at hindi ko sinuri ang mga bagay-bagay ayon sa mga salita ng Diyos. Kaya hindi ko nakita ang diwa niya o nagkaroon ng pagkakilala sa kanya. Itinuring ko pa siyang parang isang kapatid, lagi siyang pinapatawad, tinutulungan, at sinusuportahan nang may pagmamahal. Napakahangal ko! Ngayon naiintindihan ko na ang pagtukoy kung ang isang tao ay nagmamahal at naghahangad sa katotohanan ay hindi tungkol sa kung gaano nila kagustong maghanap ng mga tao sa pagbabahaginan o talakayin ang tungkol sa kaalaman sa sarili, kundi sa halip, kung kaya nilang hanapin ang katotohanan at isagawa ang mga salita ng Diyos kapag nahaharap sa mga problema, at kung may totoo silang pagpasok at pagbabago. Napagtanto ko rin kung gaano kahalaga na makilala ang diwa ng isang tao batay sa mga salita ng Diyos. Maliligaw ka kung hindi mo kayang matukoy ang mga tao. Pikit-mata mong mamahalin ang mga tao, susuportahan, at tutulungan ang mga maling tao bilang mga kapatid. Sa huli ay makakagambala ito sa gawain ng iglesia. Ang makita lamang ang mga tao at mga bagay-bagay sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos ang tumpak, at ito ang tanging paraan para makilala ang iba. Ito ang tanging paraan para malaman kung paano tamang makipag-ugnayan sa iba. Salamat sa Diyos!

Sinundan: 37. Ang Pumigil sa Akin sa Pagsasagawa ng Katotohanan

Sumunod: 43. Mga Sanga-sangang Daan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

69. Pagbabalik sa Tamang Daan

Ni Chen Guang, USASabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi simpleng gawain. Ang mga hindi nagbabago ang tiwaling...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito