745 Tinalo ng Patotoo ni Job si Satanas
I
Nang dumaan si Job sa mga unang pagsubok,
lahat ng pag-aari niya’t mga anak niya
ay kinuha sa kanya,
ngunit hindi ‘to nagpabagsak sa kanya,
o nagsabi ng salita ng kasalanan laban sa Diyos.
Siya’y nagtagumpay sa mga tukso ni Satanas.
Nalagpasan niya ang pagkawala
ng kanyang mga anak
at pagkawala ng kanyang mga ari-arian,
na ibig sabihin ay sinunod niya ang Diyos
nang inalis ng Diyos ang mga bagay sa kanya.
Nagpasalamat siya’t sumunod sa Diyos,
siya’y nagpuri sa Diyos
sa lahat ng ginawa ng Diyos.
Ganito ang ugali ni Job,
kanyang patotoo mula unang pagsubok ng Diyos.
II
Nang dumaan si Job sa ikalawang pagsubok,
si Satanas ay dumating upang siya’y pahirapan.
Nadama ni Job
ang pinakamasakit na nalaman niya,
kanyang patotoo pa rin
ay iiwang mangha ang mga tao.
Kanyang ginamit lakas at pananalig,
pagsunod at pagkatakot sa Diyos
upang talunin muli si Satanas.
Pag-uugali at patotoo niya’y
muling umani ng pagsang-ayon ng Diyos.
At sa buong pagsubok na ito,
ginamit ni Job ang kanyang gawi
upang sabihin kay Satanas:
Hinding-hindi kayang baguhin ng sakit ng laman
ang pananampalataya niya’t pagsunod sa Diyos.
III
Sakit ‘di kayang patayin kanyang debosyon,
pagsunod at pagkatakot sa Diyos.
‘Di niya tatalikuran ang Diyos
o isusuko ang kaperpektuhan
o kabutihan niya sa pagharap sa kamatayan.
Lahat ng determinasyon ni Job
ay ginawang duwag si Satanas.
Sa pananalig niya’y nanginig si Satanas.
Ang tindi ng paglaban niya’y
nag-iwan kay Satanas ng malalim na poot.
Kaperpektuhan ni Job
at ang pagiging matuwid niya
ay iniwan si Satanas
na walang kalaban-laban sa kanya.
Sumuko si Satanas sa mga pag-atake niya
at lahat ng akusasyon nito’y
inilatag sa harap ng Diyos, sa harap ng Diyos.
Napagtagumpayan ni Job ang mundo,
napagtagumpayan niya ang laman,
napagtagumpayan niya si Satanas,
napagtagumpayan niya ang kamatayan.
Siya’y naging ganap na pag-aari ng Diyos,
siya’y naging ganap na pag-aari ng Diyos.
Sa mga pagsubok na ito, tumayong saksi si Job,
tunay na isinabuhay kanyang kaperpektuhan
at isinabuhay ang pagiging matuwid niya,
pinalawak kanyang mga prinsipyo sa pamumuhay
ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II