748 Ang Tunay na Pananampalataya at Pagsunod ni Job sa Diyos
I
Nakita ni Job ang mga ginawa ni Jehova
sa mga nakaraang dekada’t
nakuha’ng mga pagpapala ni Jehova.
Pakiramdam niya’y may pagkakautang siya sa Diyos,
dahil wala siyang nagawa para sa Diyos
habang siya’y tumanggap na ng grasya’t pagpapala.
Kaya siya’y nanalanging masuklian ang Diyos,
umaasang makapagpatotoo sa mga gawa ng Diyos
at sa kadakilaan Niya,
umaasang pagkamasunurin niya’y
susubukin ng Diyos,
pananalig niya’y magiging dalisay
at masasang-ayunan ng Diyos.
Nang pagsubok niya’y dumating,
alam niyang Diyos ay nakinig.
Mas binigyang-halaga niya’ng
pagkakataon higit sa anupaman.
‘Di siya nangahas balewalain ang pagsubok,
‘pagkat hangarin niya sa buhay maaaring matupad.
Pagkakataong ‘to’y nangahulugang
pagsunod niya’t paggalang sa Diyos
ay pwedeng malagay sa pagsubok at maging dalisay.
Ito’y nangahulugang si Job ay may
pagkakataong masang-ayunan ng Diyos
at mas mapalapit sa Diyos.
II
Ganitong pananalig ang nagpaigting
sa kanyang pagkaperpekto’t
nagpaunawa ng kalooban ng Diyos.
Lalo ring nagpasalamat si Job sa Diyos
sa Kanyang mga biyaya’t pagpapala’t
lalo pang pinapurihan ang mga gawa ng Diyos.
Mas may takot at paggalang siya sa Diyos;
mas hinangad pagiging kaibig-ibig Niya’t
kadakilaan at kabanalan.
Kahit na si Job ay may takot pa rin
sa Diyos at umiiwas sa kasamaan,
pananalig at kaalaman niya’y lalo pang lumago.
Pananalig niya’y lumago, pagsunod niya’y tumatag;
takot niya sa Diyos ay mas lalo pang lumalim.
Kahit espiritu’t buhay niya’y napanibago,
ramdam ni Job na ‘di ‘to sapat,
ni ‘di pinabagal ang kanyang pag-unlad.
Habang tinatantya niya’ng natamo sa pagsubok
at iniisip ang kanyang pagkukulang,
siya’y nanalangin, naghintay
sa susunod niyang pagsubok.
Hangad ni Job na maitaas ang kanyang
pananalig, pagsunod at takot sa Diyos
sa susunod na pagsubok ng Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II