307 Ito Ba ang Inyong Pananampalataya?
Ⅰ
Bakit wala kang pitagan sa
Diyos mong pinaniniwalaan?
Bakit di ka takot sa Kanya
kung puso mo’y naniniwala?
Si Cristo ang Diyos na nagkatawang-tao,
katotohanang matatanggap mo.
Ba’t ka nasusuklam at walang galang?
Yan ba’ng paniniwala n’yo?
Nawawala bawat minuto.
Posible bawat minuto,
na ipagkanulo n’yo si Cristo.
Dahil puno ng duda ang dugo n’yo
sa Diyos na nagkatawang-tao.
Kaya sabi ng Diyos, pananalig n’yo’y,
di gaanong matatag, walang kasigla-sigla,
di gaanong matatag, walang kasigla-sigla.
Ⅱ
Bakit ang Diyos ay hinuhusgahan mo,
minamatyagan kung saan Siya nagpupunta?
Bakit di sundin ang plano Niya at Kanyang salita?
Ba’t alay sa Kanya, ninanakaw mo?
Ba’t nagsasalita para kay Cristo, nilalapastangan Siya,
hinuhusgahan gawa’t salita N’ya?
Yan ba’ng paniniwala n’yo?
Nawawala bawat minuto.
Posible bawat minuto,
na ipagkanulo n’yo si Cristo.
Dahil puno ng duda ang dugo n’yo
sa Diyos na nagkatawang-tao.
Kaya sabi ng Diyos, pananalig n’yo’y
di gaanong matatag, walang kasigla-sigla,
di gaanong matatag, walang kasigla-sigla.
Ⅲ
Lahat ng inyong sabihin, motibo’t layunin,
nagpapakitang walang pananalig kay Cristo.
Gayon din sa mata n’yo. Bawat isa sa inyo,
walang paniniwala bawat minuto!
Posible bawat minuto,
na ipagkanulo n’yo si Cristo.
Dahil puno ng duda ang dugo n’yo
sa Diyos na nagkatawang-tao.
Kaya sabi ng Diyos, pananalig n’yo’y
di gaanong matatag, walang kasigla-sigla,
di gaanong matatag, walang kasigla-sigla,
walang kasigla-sigla, walang kasigla-sigla.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isa Ka bang Tunay na Mananampalataya sa Diyos?