195 Kasingsimple ba ng Sinasabi Mo ang Diyos?
I
Simula pa’y ‘di lang Espiritu, tao,
o lalaki ang nakita ng tao ngunit
iba pang ‘di akma sa kanilang kuru-kuro,
kaya ‘di maarok ng tao ang Diyos.
Patuloy silang nagdududa sa Kanya—
na tila Siya’y tunay at panaginip din—
kaya hanggang ngayo’y hindi alam
ng tao kung ano talaga ang Diyos.
Maibubuod mo ba ang Diyos sa isang kataga?
Kasing simple lang ba Siya ng sinasabi mo?
II
Masasabi mo bang ang Diyos at si Jesus
o ang Diyos at Espiritu’y iisa?
Masasabi mo bang ang Diyos ay tao,
nagkatawang-tao lamang?
May tapang ka bang igiit na
“Ang wangis ni Jesus ay sa Diyos”?
Mahusay mo bang maipapaliwanag
ang wangis at disposisyon Niya?
Maibubuod mo ba ang Diyos sa isang kataga?
Kasing simple lang ba Siya ng sinasabi mo?
III
Alam mo nga ba kung ano ang Diyos?
Tao, lalaki, o Espiritu?
Si Jesus lang ba makagagawa
ng gawain ng Diyos?
Kung isa dito’y pipiliin mo
bilang diwa ng Diyos,
mangmang ka na tapat na nananalig.
Maibubuod mo ba ang Diyos sa isang kataga?
Kasing simple lang ba Siya ng sinasabi mo?
Ⅳ
Kung minsan lang gagawa
sa katawang-tao ang Diyos,
‘di ba’t nililimitahan mo Siya?
Siya ba’y mauunawaan sa isang sulyap?
Maibubuod ba Siya ng mga nakita mo?
Kung naulit ang pagkakatawang-tao ng Diyos
para gawin ang katulad na gawain,
ano ang magiging tingin mo sa Kanya?
Siya ba’y mapapako sa krus magpakailanman?
Maibubuod mo ba ang Diyos sa isang kataga?
Kasing simple lang ba Siya ng sinasabi mo?
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ano ang Pagkaunawa Mo sa Diyos?