Panimula

Noong Pebrero 11, 1991, ginawa ng Diyos ang Kanyang unang pagbigkas sa iglesia, at ang pagbigkas na ito ay nagkaroon ng pambihirang epekto sa bawat isang taong nabubuhay sa daloy ng Banal na Espiritu noong panahong iyon. Binanggit sa pagbigkas na ito ang sumusunod: “Lumitaw na ang tirahan ng Diyos” at “Ang Pinuno ng sansinukob, ang Cristo ng mga huling araw—Siya ang sumisikat na Araw.” Sa lubhang makabuluhang pananalitang ito, nadala ang lahat ng mga tao sa isang bagong dimensyon. Naramdaman ng lahat ng nakabasa sa pagbigkas na ito ang isang pahiwatig ng bagong gawain, ang dakilang gawain na pasisimulan ng Diyos. Ang maganda, nakakaakit, at malaman na pagbigkas na ito ang nagdala sa buong sangkatauhan tungo sa bagong gawain ng Diyos at tungo sa isang bagong kapanahunan, at iyon ang naglatag ng pundasyon at naghanda ng tanghalan para sa gawain ng Diyos sa pagkakatawang-tao na ito. Maaaring sabihin na ang ginawang pagbigkas ng Diyos sa panahong ito ay nagdurugtong sa mga kapanahunan, na ito ang unang pagkakataon simula sa Kapanahunan ng Biyaya na hayagang nagsalita ang Diyos sa lahi ng tao, na ito ang unang pagkakataon na nagsalita Siya matapos na manatiling nakatago sa loob ng dalawang libong taon, at higit pa rito, na ito ay isang pagpapakilala, isang maselang panimulang punto, para sa gawaing isasakatuparan ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian.

Nang unang gumawa ang Diyos ng pagbigkas, ginawa Niya ito sa anyo ng papuri mula sa pananaw ng ikatlong panauhan, sa wika, iyon ay kapwa maringal at malinaw, gayundin ay isang panustos ng buhay na maluwag sa loob at madaling maunawaan. Taglay ito, kinuha Niya ang maliit na pangkat ng mga tao na ito, na ang alam lamang ay papaano tamasahin ang Kanyang biyaya habang sabik na inaasam ang pagbabalik ng Panginoon Jesus, at tahimik silang dinala sa isa pang yugto ng gawain sa plano ng pamamahala ng Diyos. Sa ilalim ng ganitong mga kalagayan, hindi nalaman ng sangkatauhan, at lalong hindi nangahas na isip-isipin, kung anong uri ng gawain ang pangunahing gagawin ng Diyos, o kung ano ang naghihintay sa daan sa hinaharap. Pagkatapos nito, patuloy na gumawa ang Diyos ng marami pang mga pagbigkas upang dalhin ang sangkatauhan nang paisa-isang hakbang tungo sa bagong kapanahunan. Kahanga-hanga na ang bawat pagbigkas ng Diyos ay iba ang nilalalaman at bukod diyan ay gumagamit ng iba’t ibang anyo ng papuri at paraan ng pagpapahayag. Ang mga pagbigkas na ito, na magkahawig sa tono ngunit magkaiba sa nilalaman, ay palaging puspos ng mga damdamin ng pangangalaga at pagmamalasakit ng Diyos, at halos ang bawat isa ay naglalaman ng mga panustos ng buhay na may iba’t ibang nilalaman, gayundin ng mga salita ng paalaala, pagpapayo, at kapanatagang mula sa Diyos tungo sa tao. Sa mga pagbigkas na ito, paulit-ulit na lumilitaw ang mga linyang tulad nito: “Nagkatawang-tao na ang nag-iisang tunay na Diyos, at Siya ang Pinuno ng sansinukob, na nag-uutos sa lahat ng bagay”; “Ang matagumpay na Hari ay nakaupo sa Kanyang maluwalhating luklukan”; “Hawak Niya ang sansinukob sa Kanyang mga kamay”; at iba pa. Ipinararating ang isang mensahe sa mga linyang ito, o masasabi na naghahatid ng mensahe ang mga linyang ito sa lahi ng tao: naparito na ang Diyos sa mundo ng tao, magsisimula ang Diyos ng higit pang dakilang gawain, nakababa na ang kaharian ng Diyos sa isang partikular na pangkat ng mga tao, at nakamtan na ng Diyos ang luwalhati at tinalo ang pagkarami-raming kaaway Niya. Ang bawat isa sa mga pagbigkas ng Diyos ay humahawak sa puso ng bawat tao. Sabik na naghihintay ang buong sangkatauhan para magsatinig ang Diyos ng dagdag pang mga bagong salita, dahil tuwing nagsasalita ang Diyos, niyayanig niya ang puso ng tao hanggang sa pinakaugat nito, at bukod diyan Siya ang namamahala at nagtataguyod ng bawat kilos at bawat damdamin ng tao, upang ang sangkatauhan ay mag-umpisang umasa at higit pa riyan ay gumalang sa mga salita ng Diyos…. Sa ganitong paraan, di-sinasadya na napakarami nang tao ang kung tutuusin ay nakalimutan na ang Biblia, at nagbigay ng mas mas maikling paggawa sa mga makalumang pangangaral at mga isinulat ng mga espirituwal na tao, dahil hindi nila natagpuan sa mga isinulat noon ang anumang batayan ng mga salita ng Diyos na ito, ni hindi nila nakayang matuklasan saanman ang layunin ng Diyos sa paggawa ng mga pagbigkas na ito. Dahil dito, gaano pang higit na kinailangan ng sangkatauhan na aminin na ang mga pagbigkas na ito ang tinig ng Diyos na hindi nakikita ni naririnig noon pa mang unang panahon, na ang mga iyon ay hindi maaabot ng sinumang taong naniniwala sa Diyos, at na nalalampasan ng mga iyon ang anumang sinabi ng sinumang espirituwal na taong nabuhay sa nakalipas na mga panahon o ang mga nakaraang pagbigkas ng Diyos. Napasigla ng bawat isa ng mga pagbigkas na ito, pumasok ang sangkatauhan nang walang kamalay-malay tungo sa kaluwalhatian ng gawain ng Banal na Espiritu, tungo sa buhay na nasa unahang hanay sa bagong kapanahunan. Napasigla ng mga salita ng Diyos, ang sangkatauhang puspos ng pananabik ay nakatikim ng tamis ng pangunahan nang personal ng mga salita ng Diyos. Naniniwala Ako na ang panandaliang panahong ito ay isang panahon na gugunitain ng bawat tao nang matagal, samantalang ang totoo ang natamasa ng sangkatauhan sa panahong ito ay walang iba kundi isang kaluwalhatian ng gawain ng Banal na Espiritu, o matatawag itong ang matamis na lasa ng nakabalot na asukal sa bubblegum. Ito ay dahil simula sa puntong ito, habang nasa ilalim pa rin ng paggabay ng mga salita ng Diyos, habang nasa kaluwalhatian pa rin ng gawain ng Banal na Espiritu, di-namamalayang naakay ang sangkatauhan sa isa pang yugto ng mga salita ng Diyos, na siyang unang hakbang sa gawain at mga pagbigkas ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian—ang pagsubok ng mga taga-serbisyo.

Ang karamihan ng mga salitang binigkas bago ang pagsubok ng mga taga-serbisyo ay nasa anyo ng tagubilin, payo, pagsaway, at disiplina, at sa ilang dako ay ginamit nila ang dating anyo ng katawagan na ginamit sa Kapanahunan ng Biyaya—ginagamit ang “Aking mga anak” para sa mga sumunod sa Diyos upang gawing mas madali para sa sangkatauhan na mapalapit sa Diyos, o upang maaaring ituring ng sangkatauhan na malapit ang kanilang ugnayan sa Diyos. Sa ganitong paraan, anumang paghatol na ipinatupad ng Diyos sa pagkapalalo, pagmamataas, at iba pang tiwaling disposisyon ng sangkatauhan, magagawang harapin at tanggapin ito ng tao dahil sa kanyang pagkakakilanan bilang “anak,” nang walang pagtutol sa mga pagbigkas ng “Diyos Ama,” karagdagan pa na ang pangakong ginawa ng “Diyos Ama” sa Kanyang “mga anak” ay hindi kailanman kaduda-duda. Noong panahong iyon, natamasa ng buong sangkatauhan ang pamumuhay na malaya mula sa suliranin gaya ng isang sanggol, at nakamit nito ang layunin ng Diyos, na kapag pumasok sila sa “hustong gulang,” magsisimula Siyang ipatupad ang paghatol sa kanila. Inilatag din nito ang saligan para sa gawain ng paghatol sa lahi ng tao na pormal na inilunsad ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian. Dahil ang pangunahing gawain ng Diyos sa pagkakatawang-taong ito ay upang hatulan at lupigin ang buong lahi ng tao, sa sandaling matatag na tumayo ang tao sa lupa, kaagad na papasok ang Diyos tungo sa paraan ng Kanyang gawain—tungo sa gawain kung saan ay hinahatulan Niya ang tao at kinakastigo siya. Maliwanag na ang lahat ng mga pagbigkas bago ang pagsubok ng mga taga-serbisyo ay ginawa para sa paglampas sa paglipat, na siyang totoong layon bagama’t mukhang iba ang nakikita. Ang masigasig na hangarin ng Diyos ay ang makaya Niya sa lalong madaling panahon na pormal na ilunsad ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Kaharian. Sa anumang paraan ay hindi Niya ninanais na patuloy na hikayating sumulong ang sangkatauhan sa pamamagitan ng pagpapakain dito ng binalot sa asukal na bubblegum; bagkus, sabik Siyang makita ang tunay na mukha ng lahat ng tao sa harapan ng Kanyang hukumang-luklukan, at higit pa nga Niyang ninais makita ang tunay na saloobing tataglayin ng buong sangkatauhan para sa Kanya matapos mawalan ng Kanyang biyaya. Ninais lamang Niyang makita ang mga resulta, hindi ang proseso. Ngunit noong panahong iyon ay walang sinumang nakaunawa sa masigasig na hangarin ng Diyos, dahil inaalala lamang ng puso ng tao ang hantungan nito at ang magiging kinabukasan nito. Hindi nakapagtatakang itinuon ang paghatol ng Diyos nang maraming beses sa buong lahi ng tao. Nang ang sangkatauhan, sa ilalim ng paggabay ng Diyos, ay nag-umpisang mamuhay nang normal na buhay ng mga tao ay saka lamang nagbago ang saloobin ng Diyos sa sangkatauhan.

Ang 1991 ay di-pangkaraniwang taon; tawagin natin ang taong ito na isang “ginintuang taon.” Inilunsad ng Diyos ang bagong gawain ng Kapanahunan ng Kaharian at itinuon ang Kanyang pagbigkas sa buong lahi ng tao. Kasabay nito, nagtamasa ang sangkatauhan ng walang-katulad na pagkagiliw at higit pa rito ay naranasan ang sakit na sumusunod sa walang katulad na paghatol ng Diyos sa tao. Natikman ng lahi ng tao ang isang katamisang ngayon lamang nalaman o naramdaman, ganoon din ang dati’y di-kilala na paghatol at pagtalikod, na parang nakamtan nito ang Diyos, at muli na parang naiwala nito ang Diyos. Ang pagdurusa sa pagkakaroon at pagdurusa sa kasalatan—ang mga damdaming ito ay nalalaman lamang ng mga personal na nakaranas sa mga ito; ang mga iyon ay isang bagay na walang kakayanan ang tao ni pamamaraan para ilarawan. Ang ganitong uri ng mga sugat ang ipinagkakaloob ng Diyos sa bawat tao bilang isang anyo ng di-nakikitang karanasan at ari-arian. Ang nilalaman ng mga pagbigkas na ginawa ng Diyos sa taong ito sa katunayan ay nabibilang sa dalawang pangunahing pagkakahati: Ang una ay ang bahagi kung saan bumaba ang Diyos sa mundo ng tao para anyayahan ang sangkatauhan na lumapit sa harap ng Kanyang trono bilang mga panauhin; ang ikalawa ay ang bahagi kung saan ang sangkatauhan, matapos makakain at makainom hanggang mabusog, ay ginamit ng Diyos bilang mga taga-serbisyo. Siyempre, hindi na kailangan pang sabihin na ang unang bahagi ay ang pinakakatangi at pinakataimtim na inaasam ng sangkatauhan, lalong higit dahil ang mga tao ay matagal nang nasanay na ang pagtatamasa sa lahat ng sa Diyos ay siyang layon ng kanilang paniniwala sa Kanya. Kaya nga, sa sandaling sinimulan ng Diyos na isatinig ang Kanyang pagbigkas, nakahanda nang lahat ang sangkatauhan na pumasok sa kaharian at maghintay roon para igawad ng Diyos ang iba’t ibang gantimpala sa kanila. Ang mga taong nasa ganitong mga kalagayan ay hindi nagbayad ng tamang halaga sa pamamagitan ng pagbabago ng kanilang mga disposisyon, paghahangad na bigyang-kaluguran ang Diyos, pagpapakita ng pagsasaalang-alang para sa kalooban ng Diyos, at iba pa. Sa isang pahapyaw na sulyap, waring palaging abalang-abala ang mga tao habang ginugugol nila ang kanilang mga sarili at gumagawa para sa Diyos, habang sa katunayan ay tinatantiya nila, sa lihim na mga lugar ng kaibuturan ng kanilang mga puso, ang susunod na hakbang na dapat nilang gawin upang makamtan ang mga pagpapala o mamuno bilang mga hari. Maaaring sabihin na habang nagtatamasa ang puso ng tao sa Diyos, kasabay nitong kinakalkula ang Diyos. Ang sangkatauhang nasa ganitong kalagayan ay humaharap sa pinakamalalim na pagkasuklam at pagkamuhi ng Diyos; hindi kinukunsinti ng disposisyon ng Diyos ang sinumang tao na nanlilinlang o gumagamit sa Kanya. Ngunit di-naaabot ng sinumang tao ang karunungan ng Diyos. Nasa kalagitnaan ng pagtitiis sa lahat ng pagdurusang ito nang sinabi Niya ang unang bahagi ng Kanyang mga pagbigkas. Kung gaano katinding pagdurusa ang tiniis ng Diyos, at kung gaano katinding pagmamalasakit at pag-iisip ang ginugol Niya sa panahong ito, walang tao ang may kakayanan na isipin. Ang layunin ng unang bahagi ng mga pagbigkas na ito ay ang isiwalat ang lahat ng iba’t ibang anyo ng kapangitan na ipinakikita ng tao kapag naharap sa posisyon at pakinabang, at isiwalat ang kasakiman at kasamaan ng tao. Bagaman, sa pagsasalita, ipinahahayag ng Diyos ang Kanyang mga salita sa taos at taimtim na tono ng nagmamahal ng ina, ang poot sa kaibuturan ng Kanyang puso ay naglalagablab tulad ng araw sa katanghalian na tila ba itinutuon laban sa Kanyang mga kaaway. Anuman ang mangyari, ayaw ng Diyos na magsalita sa isang pangkat ng mga tao na kulang sa normal na pagkahawig sa lahi ng tao, at kaya, sa tuwing nagsasalita Siya, sinusupil Niya ang poot na nasa loob ng Kanyang puso habang kasabay nito ay pinipigilan ang Kanyang sarili na magbigay ng damdamin sa Kanyang pagbigkas. Bukod diyan, nagsasalita Siya sa isang lahi ng tao na walang normal na pagkatao, nawalan ng katwiran, lubhang napakatiwali, na ang kasakiman ay naging pangalawang kalikasan, at suwail at mapanghimagsik laban sa Diyos hanggang sa mapait na katapusan. Ang kalaliman ng pagkahulog ng lahi ng tao at ang lawak ng pagkasuklam at pandidiri ng Diyos para sa lahi ng tao ay madaling mailarawan sa isip; ang mahirap para sa lahi ng tao na mailarawan sa isip ay ang sakit na naidulot nila sa Diyos—iyon ay imposibleng ilarawan ng mga salita. Ngunit ito mismo ang pinagmulan—kung saan ay walang sinuman ang nagkaroon ng kakayanang makatuklas kung papaanong nagdurusa ang puso ng Diyos, at higit pa riyan, walang sinuman ang nakatuklas kung gaano katindi ang kawalang-katwiran at kawalang-kakayahan na magbago ng lahi ng tao—na ang bawat isang tao, na wala kahit kaunting kahihiyan o kaunting pag-aalangan, ay nagbale-wala na mayroon silang karapatan bilang mga anak ng Diyos na tumanggap ng lahat ng gantimpalang inihanda Niya para sa tao, hanggang sa punto pa ngang nagpapaligsahan sila sa isa’t isa, na walang sinumang nagnanais na mapag-iwanan at ang lahat ay lubhang natatakot na matalo. Dapat ay alam mo na ngayon kung anong uri ang katayuan ng mga tao sa paningin ng Diyos noong panahong iyon. Papaanong makakamit ng ganitong lahi ang mga gantimpala ng Diyos? Ngunit ang tinatanggap ng tao mula sa Diyos sa lahat ng panahon ay ang pinakamahalagang kayamanan, at sa kabaligtaran, ang tinatanggap ng Diyos mula sa tao ay sukdulang sakit. Mula pa noong pasimula ng ugnayan sa pagitan ng Diyos at tao, ito na ang palaging natatanggap ng tao mula sa Diyos at kung ano ang naibibigay niya sa Diyos bilang ganti.

Kahit na masidhi ang pagkabalisa ng Diyos, nang nakita Niya ang lahing ito ng mga tao, na sagad sa buto ang katiwalian, wala Siyang pagpipilian kundi itapon ito sa lawang apoy upang maaaring madalisay ito. Ito ang ikalawang bahagi ng pagbigkas ng Diyos, kung saan ay ginamit ng Diyos ang sangkatauhan bilang Kanyang mga taga-serbisyo. Sa bahaging ito, nagbago ang Diyos mula sa pagiging malumanay tungo sa pagiging malupit, at mula sa kaunti patungo sa marami, kapwa sa pamamaraan at haba, ginagamit ang katayuan ng “persona ng Diyos” bilang bitag para ilantad ang tiwaling kalikasan ng tao habang kasabay nito ay inihahain ang iba’t ibang kategorya ng[a] mga taga-serbisyo, mga tao ng Diyos, at mga anak ng Diyos para pagpilian ng sangkatauhan. Tiyak nga na gaya ng prediksyon ng Diyos, walang sinuman ang pumili na maging isang taga-serbisyo ng Diyos, at sa halip ay nagsumikap ang lahat na maging persona ng Diyos. Kahit na ang kabagsikan ng pagsasalita ng Diyos sa panahong ito ay isang bagay na hindi kailanman inasahan at lalo nang hindi pa napakinggan ng mga tao, gayunman, dahil sobra-sobrang inaalala ang katayuan at higit pa rito, dahil labis na abala na makakuha ng mga pagpapala, wala silang panahon para makabuo ng kuru-kuro tungkol sa tono ng pagsasalita ng Diyos at paraan ng Kanyang pagsasalita, ngunit sa halip ay palagi nilang iniisip ang kanilang sariling katayuan at kung ano ang mayroon sa hinaharap. Sa ganitong paraan, nadala ng pagbigkas ng Diyos ang sangkatauhan, nang walang kamalay-malay, tungo sa “kagusutang” inilatag Niya para sa kanila. Sa ayaw at sa gusto, naakit ng patibong ng hinaharap at ng kanilang kapalaran, alam ng mga tao ang sarili nilang kakulangan upang maging persona ng Diyos, gayunma’y nag-aatubili silang kumilos bilang taga-serbisyo Niya. Nahahati sa pagitan nitong magkasalungat na kaisipan, walang-kamalayang tinanggap nila ang walang-katulad na paghatol at pagkastigo na inilapat sa sangkatauhan. Likas na ang ganitong anyo ng paghatol at pagdalisay ay isang bagay na sa anupaman ay hindi handang tanggapin ng sangkatauhan. Magkagayunman, tanging Diyos ang may karunungan, at tanging Siya ang may kapangyarihan, upang humingi ng maamong pagpapasakop mula sa tiwaling lahi ng mga tao, upang kusang-loob man o hindi, silang lahat ay sumunod sa katapusan. Walang mga panghalili ang sangkatauhan na mapagpililian. Tanging Diyos ang may pangwakas na pagpapasya, at tanging Diyos ang kayang gumamit ng paraang tulad nito para magkaloob ng katotohanan at buhay sa tao at ipakita sa kanya ang direksiyon. Ang pamamaraang ito ang di-mapipigilang gawain ng Diyos sa tao, at walang duda o pagtatalo na ito rin ang di-maaaring mawala na pangangailangan ng tao. Nagsasalita at gumagawa ang Diyos sa ganitong paraan upang maipaabot ang katotohanang ito sa sangkatauhan: Sa pagliligtas sa sangkatauhan, ginagawa ito ng Diyos dahil sa Kanyang pag-ibig at awa at para sa kapakanan ng Kanyang pamamahala; sa pagtanggap sa pagliligtas ng Diyos, ginagawa ito ng lahi ng tao dahil nahulog ito hanggang sa puntong wala nang magagawa ang Diyos kundi ang magsalita nang personal. Kapag tinatanggap ng tao ang pagliligtas ng Diyos, ito ang pinakadakilang biyaya, at ito rin ay isang natatanging pabor; ang ibig sabihin nito ay kung hindi dahil sa personal na pagsasatinig ng Diyos sa Kanyang pagbigkas, ang magiging kapalaran ng lahi ng tao ay pagkalipol. Kasabay ng pagkamuhi Niya sa lahi ng tao, ang Diyos ay handa at kusang-loob pa ring magbabayad ng anumang halaga para sa kaligtasan ng tao. Samantala, habang sinasambit-sambit ng tao ang kanyang pag-ibig sa Diyos at kung paano niya inilalaan ang lahat sa Diyos, naghihimagsik siya laban sa Diyos at nangingikil ng lahat ng uri ng biyaya mula sa Diyos, habang sinasaktan rin ang Diyos at nagdudulot ng di-masambit na kirot sa Kanyang puso. Ganyan ang malaking pagkakaiba ng hindi alintana ang sarili at ng makasarili sa pagitan ng Diyos at tao!

Sa paggawa at pagsasalita, hindi napipigilan ang Diyos na sundin ang anumang partikular na paraan, ngunit ginagawa ang pagkakamit ng resulta bilang Kanyang layunin. Dahil dito, sa bahaging ito ng Kanyang mga pagbigkas, tiniyak ng Diyos na hindi ilantad ang Kanyang sariling pagkakakilanlan nang malinaw, kundi maghayag lamang ng ilang taguri gaya ng “Cristo ng mga huling araw,” “ang Pinuno ng sansinukob,” at iba pa. Sa anumang paraan hindi ito nakakaapekto sa ministeryo ni Cristo o sa pagkakilala ng sangkatauhan sa Diyos, lalung-lalo na dahil ang sangkatauhan noong mga panahong iyon ay ganap na walang-muwang sa mga konsepto ng “Cristo” at ng “pagkakatawang-tao,” kaya kailangang magpakumbaba ng Kanyang sarili ang Diyos upang maging isang persona na may isang “natatanging tungkulin” na ipahayag ang Kanyang mga pagbigkas. Ito ang matiyagang pangangalaga at pag-iisip ng Diyos, dahil ang kaya lamang tanggapin ng mga tao noong panahong iyon ay ang ganitong anyo ng katawagan. Anumang anyo ng katawagan ang ginagamit ng Diyos, hindi naaapektuhan ang mga resulta ng Kanyang gawain, dahil sa lahat ng ginagawa Niya, nilalayon ng Diyos na tulungang magbago ang tao, na tulungan ang tao na makamit ang pagliligtas ng Diyos. Anuman ang ginagawa Niya, palaging nasa isip ng Diyos ang mga pangangailangan ng tao. Ito ang hangarin sa likod ng paggawa at pagsasalita ng Diyos. Kahit na lubusang nakatuon ang pansin ng Diyos sa pagsaalang-alang sa lahat ng aspeto ng sangkatauhan, at sukdulang napakatalino sa lahat ng Kanyang ginagawa, masasabi Ko ito: Kung hindi sumaksi ang Diyos sa Sarili Niya, walang sinumang kabilang sa lahi ng mga nilikhang tao ang may kakayahang kilalanin ang Diyos Mismo o na manindigan para sumaksi sa Diyos Mismo. Kung nagpatuloy sa paggamit ang Diyos ng “isang personang may natatanging tungkulin” bilang anyo ng katawagan sa Kanyang gawain, hindi magkakaroon ng ni isa mang tao na kayang ituring ang Diyos bilang Diyos—ito ang dalamhati ng sangkatauhan. Ibig sabihin, sa lahi ng mga nilikhang tao, walang sinuman ang kayang kilalanin ang Diyos, at lalong walang sinumang magmamahal sa Diyos, magmamalasakit sa Diyos, at lalapit sa Diyos. Ang pananampalataya ng tao ay para lamang sa pagkamit ng pagpapala. Ang pagkakakilanlan ng Diyos bilang persona na may isang natatanging tungkulin ay nakakapagbigay ng pahiwatig sa bawat tao: Madali para sa sangkatauhan na ituring ang Diyos bilang isa sa lahi ng mga nilikhang tao; iyon mismo ang pinakamatinding sakit at kahihiyan na ipinapataw ng sangkatauhan sa Diyos, kapag hayagang nagpapakita o gumagawa Siya, tinatanggihan pa rin ng tao ang Diyos at nakakalimutan pa nga niya Siya. Tinitiis ng Diyos ang pinakamatinding kahihiyan upang iligtas ang lahi ng tao; sa pagbibigay ng lahat, ang layunin Niya ay upang iligtas ang sangkatauhan, para makuha ang pagkilala ng sangkatauhan. Ang halagang binayaran ng Diyos para sa lahat ng ito ay isang bagay na dapat mapahalagahan ng lahat ng may konsensya. Ang sangkatauhan ay nakamtan ang pagsasalita at paggawa ng Diyos, at nakamtan ang pagliligtas ng Diyos. Kasabay nito, hindi sumagi sa isip ninuman na itanong ito: Ano ang nakamtan ng Diyos mula sa sangkatauhan? Mula sa bawat pagbigkas ng Diyos, ang sangkatauhan ay nagkamit ng katotohanan, nagtagumpay sa pagbabago, natagpuan ang patutunguhan sa buhay; ngunit ang nakamtan lamang ng Diyos ay ang mga salitang ginagamit ng sangkatauhan para ipahayag ang kanilang pagkakautang sa Diyos at kaunting bahagyang bulong ng papuri. Tiyak na hindi ito ang kabayarang hinihingi ng Diyos sa tao?

Kahit na marami sa mga pagbigkas ng Diyos ang naipahayag na ngayon, higit na nakararaming tao ang nakahinto pa rin sa yugtong kinakatawan ng mga salita ng Diyos sa pasimula sa kanilang pagkakilala at pagkaunawa sa Diyos, kung saan ay hindi na sila sumulong—talagang isang masakit na paksa ito. Ang bahaging ito ng “Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula” ay isang susi lamang para sa pagbubukas ng puso ng tao; ang paghinto rito ay pagiging malayung-malayo sa pagtupad ng hangarin ng Diyos. Ang minimithi ng Diyos sa pagsasalita ng bahaging ito ng Kanyang mga pagbigkas ay para lamang dalhin ang sangkatauhan mula sa Kapanahunan ng Biyaya tungo sa Kapanahunan ng Kaharian; sa anumang paraan ay hindi Niya nais na ang sangkatauhan ay manatiling nakatigil sa bahaging ito ng Kanyang mga pagbigkas o kunin kahit ang bahaging ito ng Kanyang mga pagbigkas bilang isang gabay, kung hindi, ang mga pagbigkas ng Diyos sa hinaharap ay magiging hindi kinakailangan ni makabuluhan. Kung mayroong sinuman na hindi pa kayang pumasok tungo sa kung ano ang hinihingi ng Diyos na maabot ng tao sa bahaging ito ng Kanyang mga pagbigkas, kung gayon ang pagpasok ng taong iyan ay nananatiling lingid. Ang bahaging ito ng mga pagbigkas ng Diyos ang bumubuo ng pinakapangunahing hinihingi ng Diyos sa tao sa Kapanahunan ng Kaharian, at ito lamang ang daan kung saan makakapasok ang sangkatauhan sa tamang landasin. Kung ikaw ay isang taong walang nauunawaan, kung gayon pinakamainam na mag-umpisa ka sa pagbabasa ng mga salita sa bahaging ito!

Talababa:

a. Wala sa orihinal na teksto ang pariralang “ang iba’t ibang kategorya ng.”

Sinundan: Paunang Salita

Sumunod: Kabanata 1

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Kaugnay na Nilalaman

Kabanata 20

Hindi masukat at hindi maarok ang yaman ng Aking sambahayan, subalit hindi kailanman lumapit sa Akin ang tao para tamasahin ang mga iyon....

Paunang Salita

Bagama’t maraming taong naniniwala sa Diyos, kakaunti ang nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, at kung ano ang...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito