Panimula

Ang bahaging ito ng mga salita ng Diyos ay naglalaman ng kabuuang apat na seksyon na pawang ipinahayag ni Cristo sa pagitan ng Hunyo 1992 at Marso 23, 2010. Karamihan ay batay sa mga pagtatala ng mga sermon at pagbabahagi ni Cristo nang maglakbay Siya sa mga iglesia. Hindi pa nabago ang mga ito sa anumang paraan, ni hindi pa rin nabago ang mga ito ni Cristo kalaunan. Ang natitirang mga bahagi ay personal na isinulat ni Cristo (kapag nagsusulat si Cristo, ginagawa Niya iyon nang isang upuan, na hindi humihinto para mag-isip o magsagawa ng anumang pag-edit, at ang Kanyang mga salita ay ganap na pagpapahayag ng Banal na Espiritu—ito ay hindi mapagdududahan). Sa halip na paghiwalayin ang dalawang uring ito ng pahayag, inilahad namin ang mga ito nang sabay-sabay, gamit ang orihinal na pagkakasunud-sunod ng pagkahayag sa mga ito; tinutulutan tayo nitong makita, mula sa kabuuan ng Kanyang mga pahayag, ang mga hakbang ng gawain ng Diyos, at maunawaan kung paano Siya gumagawa sa bawat yugto, na kapaki-pakinabang sa kaalaman ng mga tao tungkol sa mga hakbang ng gawain ng Diyos at ng karunungan ng Diyos.

Ang unang walong kabanata ng “Ang mga Salita ni Cristo Nang Siya’y Naglakad sa mga Iglesia I”—na sama-samang tinutukoy na “Ang Landas”—ay isang maliit na bahagi ng mga salitang sinambit ni Cristo habang Siya ay nasa pantay na katayuan ng tao. Sa kabila ng kanilang maliwanag na kawalan ng sigla, napupuno sila ng pagmamahal at pagmamalasakit ng Diyos para sa sangkatauhan. Bago ito, nangusap ang Diyos mula sa pananaw ng ikatlong langit, na nagbukas ng malaking agwat sa pagitan Niya at ng tao, at dahil dito ay natakot ang mga tao na lumapit sa Diyos, lalong hindi sila humihiling sa Kanya na paglaanan ang kanilang buhay. Sa “Ang Landas,” samakatuwid, nangusap ang Diyos sa tao bilang isang kapantay nila at itinuro ang direksyon ng daan, kaya napanumbalik ang relasyon ng tao sa Diyos sa orihinal nitong kalagayan; hindi na nagduda ang mga tao kung gumagamit pa rin ang Diyos ng isang pamamaraan ng pagsasalita, at hindi na nabagabag ng takot sa pagsubok ng kamatayan. Bumaba ang Diyos mula sa ikatlong langit papunta sa lupa, humarap ang mga tao sa luklukan ng Diyos mula sa lawa ng apoy at asupre, pinalayas nila ang multo ng “mga tagapagsilbi,” at gaya ng mga bagong-silang na guya, opisyal nilang tinanggap ang bautismo ng mga salita ng Diyos. Noon lamang nagawa ng Diyos na makipag-usap sa kanila nang matalik at gawin ang iba pang gawain ng paglalaan ng buhay sa kanila. Ang layunin ng Diyos sa pagpapakumbaba sa Kanyang Sarili bilang isang tao ay para mas mapalapit Siya sa mga tao, na nakabawas sa agwat nila sa Kanya, na nagtulot sa Kanya na makamit ang pagkilala at tiwala ng mga tao, at nakahikayat sa mga tao na manindigan na patuloy na mabuhay at sumunod sa Diyos. Ang walong kabanata ng “Ang Landas” ay maaaring ibuod bilang mga susing ginagamit ng Diyos para buksan ang mga pintuan tungo sa puso ng mga tao, at sama-sama silang bumubuo ng isang bagay na masarap pakinggan na ibinibigay Niya sa tao. Sa pamamagitan lamang ng paggawa ng Diyos nito nagagawa ng mga tao na pakinggang mabuti ang paulit-ulit na mga turo at pangaral ng Diyos. Masasabi na pagkatapos nito, saka lamang opisyal na sinimulan ng Diyos ang gawain ng paglalaan ng buhay at pagpapahayag ng katotohanan sa kasalukuyang yugtong ito ng gawain, habang patuloy Siyang nagsasalita: “Ang Pananaw na Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya” at “Tungkol sa mga Hakbang ng Gawain ng Diyos”…. Hindi ba ipinapakita ng gayong pamamaraan ang karunungan ng Diyos at ang Kanyang taimtim na mga intensyon? Ito ang pinakasimula ng paglalaan ng buhay ni Cristo, kaya medyo mas mababaw ang mga katotohanan kaysa sumunod na mga seksyon. Ang prinsipyo sa likod nito ay napakasimple: gumagawa ang Diyos ayon sa mga pangangailangan ng sangkatauhan. Hindi Siya pikit-matang kumikilos o nangungusap; Diyos lamang ang lubos na nakauunawa sa mga pangangailangan ng sangkatauhan, at wala nang ibang may higit na pagmamahal at pag-unawa sa tao.

Sa mga pahayag isa hanggang sampu sa “Gawain at Pagpasok,” pumapasok sa isang bagong yugto ang mga salita ng Diyos. Dahil dito, ang mga pahayag na ito ay inilagay sa simula. Pagkatapos, “Ang mga Salita ni Cristo Nang Siya’y Naglakad sa mga Iglesia II” ay nabuo. Sa yugtong ito, gumawa ng mas detalyadong mga kahilingan ang Diyos sa Kanyang mga alagad, mga kahilingang kinabilangan ng kaalaman tungkol sa mga estilo ng pamumuhay ng mga tao, kung ano ang hinihingi sa kanilang kakayahan, at iba pa. Dahil determinado ang mga taong ito na sumunod sa Diyos, at wala nang anumang mga pagdududa tungkol sa identidad at diwa ng Diyos, pormal ding sinimulan ng Diyos na ituring sila bilang mga miyembro ng Kanyang sariling pamilya, na ibinabahagi ang katotohanang nakapaloob sa gawain ng Diyos mula sa panahon ng paglikha hanggang ngayon, na ibinubunyag ang katotohanan sa likod ng Bibliya, at itinuturo sa kanila ang tunay na kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Ang mga pahayag ng Diyos sa seksyong ito ay nagbigay sa mga tao ng higit na pagkaunawa sa diwa ng Diyos at sa diwa ng Kanyang gawain, at tinulutan silang pahalagahan na ang natamo nila mula sa pagliligtas ng Diyos ay humigit pa sa natamo ng mga propeta at apostol sa nakaraang mga kapanahunan. Mula sa bawat linya ng mga salita ng Diyos, madarama mo ang bawat butil ng Kanyang karunungan, pati na rin ang Kanyang matinding pagmamahal at pagmamalasakit sa tao. Bukod pa sa pagpapahayag ng mga salitang iyon, lantarang ibinunyag ng Diyos, nang paisa-isa, ang naunang mga haka-haka at maling paniniwala ng tao at mga bagay na hindi kailanman naisip ng mga tao noon, pati na rin ang landas na tatahakin ng mga tao sa hinaharap. Ito, marahil, ang mismong makitid na “pagmamahal” na kayang maranasan ng tao! Tutal naman, naibigay na ng Diyos sa mga tao ang lahat ng kailangan nila, at naibigay na sa kanila ang hiniling nila, nang walang anumang ipinagkakait o hinihinging anumang kapalit.

Tinutukoy ang Bibliya sa ilang espesyal na kabanata sa seksyong ito. Ang Bibliya ay naging bahagi na ng kasaysayan ng tao sa loob ng ilang libong taon. Bukod pa rito, itinuturing ito ng mga tao na parang Diyos, hanggang sa punto na sa mga huling araw, napalitan na nito ang Diyos, na kinasusuklaman ng Diyos. Sa gayon, nang magkaroon ng pagkakataon, nadama ng Diyos na dapat Niyang linawin ang kuwentong nakapaloob sa Bibliya at ang mga pinagmulan nito; kung hindi Niya ito gagawin, patuloy na papalit ang Bibliya sa puwang ng Diyos sa puso ng mga tao, at gagamitin ng mga tao ang mga salita ng Bibliya para sukatin at ikondena ang mga gawa ng Diyos. Sa pagpapaliwanag sa diwa, kayarian, at mga kapintasan ng Bibliya, hindi ikinaila ng Diyos sa anumang paraan ang pag-iral ng Bibliya, ni hindi Niya ito kinondena; sa halip, nagbigay Siya ng angkop at akmang paglalarawan na nagpanumbalik sa orihinal na imahe ng Bibliya, tumukoy sa mga maling pagkaunawa ng mga tao sa Bibliya, at nagbigay sa kanila ng tamang pananaw tungkol sa Bibliya, kaya hindi na nila sinamba ang Bibliya, at hindi na sila naligaw; na ibig sabihin, upang hindi na nila mapagkamalang pananampalataya at pagsamba sa Diyos ang kanilang bulag na pananampalataya sa Bibliya, na takot pa ngang harapin ang tunay na pinagmulan at mga kakulangan nito. Kapag nagkaroon ng dalisay na pagkaunawa ang mga tao tungkol sa Bibliya, nagagawa nilang isantabi ito nang walang pagsisisi at buong tapang na tinatanggap ang mga bagong salita ng Diyos. Ito ang layunin ng Diyos sa ilang kabanatang ito. Ang katotohanang nais sabihin ng Diyos sa mga tao rito ay na walang teorya o katunayang makakapalit sa gawain at mga salita ng Diyos sa ngayon, at na walang makakahalili sa Diyos. Kung hindi matatakasan ng mga tao ang bitag ng Bibliya, hindi nila magagawang humarap sa Diyos kailanman. Kung nais nilang humarap sa Diyos, kailangan muna nilang alisin sa kanilang puso ang anumang maaaring pumalit sa Kanya; sa gayon ay magiging kasiya-siya sila sa Diyos. Bagama’t ipinaliliwanag lamang ng Diyos ang Bibliya rito, huwag kalimutan na marami pang ibang maling bagay na tunay na sinasamba ng mga tao bukod pa sa Bibliya; ang tanging mga bagay na hindi nila sinasamba ay ang mga tunay na nagmumula sa Diyos. Ginagamit lamang ng Diyos ang Bibliya bilang halimbawa upang ipaalala sa mga tao na huwag tumahak sa maling landas, at huwag magmalabis na muli at maging biktima ng pagkalito habang nananalig sila sa Diyos at tumatanggap ng Kanyang mga salita.

Ang mga salitang ibinibigay ng Diyos sa tao ay mula sa mababaw hanggang sa malalim. Ang mga paksa ng Kanyang mga pahayag ay patuloy na sumusulong mula sa panlabas na pag-uugali at mga kilos ng mga tao hanggang sa kanilang mga tiwaling disposisyon, mula sa kung saan itinututok ng Diyos ang dulo ng Kanyang lingguwistikang sibat sa pinakamalalim na bahaging iyon ng kaluluwa ng mga tao: ang kanilang kakanyahan. Noong panahon na ipinahayag ang “Ang mga Salita ni Cristo Nang Siya’y Naglakad sa mga Iglesia III,” binibigyang-diin ng mga pahayag ng Diyos ang pinakadiwa at pagkakakilanlan ng tao, at ang kahulugan ng maging isang tunay na tao—ang pinakamalalalim na katotohanan at mahahalagang tanong na ito tungkol sa buhay pagpasok ng mga tao. Mangyari pa, kung iisipin ang mga katotohanang inilalaan ng Diyos sa tao sa “Ang mga Salita ni Cristo Nang Siya’y Naglakad sa mga Iglesia I,” ang nilalaman ng “Ang mga Salita ni Cristo Nang Siya’y Naglakad sa mga Iglesia III,” kung ihahambing, ay lubhang malalim. Ang mga salita sa seksyong ito ay tumatalakay sa landas ng mga tao sa hinaharap at kung paano sila magagawang perpekto; tinatalakay rin ng mga ito ang hantungan ng mga tao sa hinaharap, at kung paano magkasamang papasok sa kapahingahan ang Diyos at ang tao. (Masasabi na, hanggang ngayon, ito ang mga salitang naipahayag ng Diyos sa mga tao tungkol sa kanilang kakanyahan, kanilang misyon, at kanilang hantungan na siyang pinakamadaling maunawaan.) Inaasam ng Diyos na ang mga taong nagbabasa ng mga salitang ito ay ang mga naihiwalay ang mga sarili nila mula sa mga haka-haka at imahinasyon ng tao, na may kakayahang dalisay na maunawaan ang bawat salita ng Diyos sa kaibuturan ng kanilang puso. Bukod pa riyan, inaasam Niya na lahat ng nagbabasa ng mga salitang ito ay matatanggap ang Kanyang mga salita bilang ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, at na hindi nila ipinagwawalang-bahala ang Diyos o inuudyukan Siya. Kung binabasa ng mga tao ang mga salitang ito nang may saloobing siyasatin o suriing mabuti ang Diyos, ang mga pahayag na ito ay magiging katulad ng isang saradong aklat para sa kanila. Ang mga naghahanap lamang sa katotohanan, na determinadong sumunod sa Diyos, at wala ni katiting na pagdududa sa Kanya ang kwalipikadong tumanggap ng mga salitang ito.

“Ang mga Salita ni Cristo Nang Siya’y Naglakad sa mga Iglesia IV” ay isa pang kategorya ng banal na pahayag na sumusunod sa “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob.” Ang seksyong ito ay kinabibilangan ng mga pangaral, turo, at paghahayag ng Diyos sa mga tao sa mga Kristiyanong denominasyon, gaya ng: “Kapag Namasdan Mo Na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa,” “Yaong mga Hindi Kaayon ni Cristo ay Tiyak na mga Kalaban ng Diyos.” Kinabibilangan din ito ng pinaka-partikular na mga hinihingi ng Diyos sa sangkatauhan, gaya ng: “Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan,” “Tatlong Paalaala,” “Ang mga Paglabag ay Magdadala sa Tao sa Impiyerno.” Maraming aspeto ang sakop nito, gaya ng mga paghahayag at paghatol para sa lahat ng uri ng mga tao at ng mga salita kung paano makikilala ang Diyos. Masasabi na ang bahaging ito ang pinakabuod ng paghatol ng Diyos sa sangkatauhan. Ang pinaka-di-malilimutang bahagi ng seksyong ito ng mga pahayag ng Diyos ay na, noong malapit nang tapusin ng Diyos ang Kanyang gawain, ibinunyag Niya kung ano ang nasa pinaka-utak ng mga buto ng mga tao: ang pagkakanulo. Ang Kanyang layunin ay para malaman ng mga tao ang sumusunod na katunayan sa pinakahuli, at pag-alabin ito sa pinakamalalim na bahagi ng kanilang puso: Hindi mahalaga kung gaano katagal ka nang naging alagad ng Diyos—likas pa rin sa iyo na ipagkanulo ang Diyos. Sa madaling salita, likas sa tao na ipagkanulo ang Diyos, dahil walang kakayahan ang mga tao na magkamit ng ganap na kahustuhan ng gulang sa buhay nila, at maaari lamang magkaroon ng kani-kanyang mga pagbabago sa kanilang disposisyon. Bagama’t ang dalawang kabanatang ito, ang “Pagtataksil 1” at ang “Pagtataksil 2,” ay naghahatid ng dagok sa mga tao, ang mga ito ang tunay na pinakatapat at pinakamahabaging mga babala sa mga tao. Kahit papaano, kapag kampante at hambog ang mga tao, matapos basahin ang dalawang kabanatang ito, mapipigilan ang sarili nilang kasamaan, at tatahimik sila. Sa pamamagitan ng dalawang kabanatang ito, ipinapaalala ng Diyos sa lahat ng tao na gaano man kahusto sa gulang ang buhay mo, gaano man kalalim ang iyong mga karanasan, gaano man kalaki ang kumpiyansa mo, saan ka man isinilang at saan ka man papunta, malamang na ihayag ng likas na ugali mong ipagkanulo ang Diyos ang sarili nito anumang oras at saanmang lugar. Ang nais sabihin ng Diyos sa bawat isang tao ay ito: likas sa bawat isang tao mula pa sa pagsilang na ipagkanulo ang Diyos. Mangyari pa, ang intensyon ng Diyos sa pagpapahayag ng dalawang kabanatang ito ay hindi para humanap ng mga dahilan para alisin o kondenahin ang sangkatauhan, kundi para magkaroon ang mga tao ng higit na kamalayan tungkol sa likas na ugali ng tao, upang maingat silang makapamuhay sa harap ng Diyos sa lahat ng oras para matanggap ang Kanyang patnubay, na hahadlang na mawala sa kanila ang presensya ng Diyos at makatahak sila sa landas na wala nang balikan. Ang dalawang kabanatang ito ay isang babala para sa lahat ng sumusunod sa Diyos. Sana, maunawaan ng mga tao ang taimtim na mga intensyon ng Diyos; tutal naman, ang mga salitang ito ay pawang mga katunayang di-mapapabulaanan—kaya bakit pa kailangan ng tao na makipagtalo kung kailan at paano ipinahayag ng Diyos ang mga ito? Kung sinarili ng Diyos ang lahat ng bagay na ito, at naghintay Siya hanggang sa maniwala ang mga tao na angkop na ipahayag Niya ang mga ito, hindi ba magiging huli na ang lahat? Kailan pa darating ang pinaka-angkop na panahong iyon?

Gumagamit ang Diyos ng maraming pamamaraan at pananaw sa apat na seksyong ito. Halimbawa, kung minsa’y gumagamit Siya ng panunuya, at kung minsa’y ginagamit Niya ang pamamaraan ng direktang paglalaan at pagtuturo; kung minsa’y gumagamit Siya ng mga halimbawa, at kung minsa’y gumagamit Siya ng malulupit na pagsaway. Sa kabuuan, naroon ang lahat ng uri ng iba’t ibang pamamaraan, na naglalayong tugunan ang iba’t ibang kalagayan at panlasa ng mga tao. Ang pananaw na pinagmumulan ng Kanyang pagsasalita ay nagbabago ayon sa iba’t ibang pamamaraan at nilalaman ng Kanyang mga pahayag. Halimbawa, kung minsa’y sinasabi Niyang “Ako” o “Ko”; ibig sabihin, nangungusap Siya sa mga tao mula sa pananaw ng Diyos Mismo. Kung minsa’y nangungusap Siya mula sa ikatlong persona, na sinasabing ang “Diyos” ay ganito o ganoon, at may ibang mga pagkakataon na nangungusap Siya mula sa pananaw ng isang tao. Saanmang pananaw nagmumula ang Kanyang pagsasalita, hindi nagbabago ang Kanyang diwa, sapagkat paano man Siya mangusap, lahat ng Kanyang ipinapahayag ay ang diwa ng Diyos Mismo—lahat ng iyon ay katotohanan, at iyon ang kailangan ng sangkatauhan.

Sinundan: Kabanata 46

Sumunod: Ang Landas … 1

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito