Kabanata 32

Ang mga salita ng Diyos ay iniiwan ang mga tao na nagkakamot ng kanilang ulo; para bang, kapag Siya ay nagsasalita, iniiwasan ng Diyos ang tao at nagsasalita sa hangin, na para bang hindi man lamang Niya iniisip na higit na pansinin ang mga gawa ng tao at ganap na wala Siyang pakialam sa tayog ng tao, na para bang ang mga salitang Kanyang sinasambit ay hindi nakatuon sa mga kuru-kuro ng mga tao, kundi iniiwasan ang tao alinsunod sa orihinal na layunin ng Diyos. Sa napakaraming kadahilanan, hindi maintindihan at hindi tumatagos sa tao ang mga salita ng Diyos. Hindi ito nakakagulat. Ang orihinal na layon ng lahat ng salita ng Diyos ay hindi para magkamit ng kaalaman o matuto ng mga pinakamahusay na paraan ang mga tao mula sa mga ito; sa halip, isa ang mga iyon sa mga kaparaanang ginamit ng Diyos sa paggawa mula sa simula hanggang sa ngayon. Siyempre pa, nagtatamo nga ang mga tao ng mga bagay mula sa mga salita ng Diyos: mga bagay na nauugnay sa mga hiwaga, o mga bagay tungkol kina Pedro, Pablo, at Job—ngunit ito ang dapat nilang makamtan at kaya nilang makamtan, at, tulad ng naaakma sa kanilang tayog, narating na nila ang kaya nilang marating sa pagtatamo ng mga bagay na ito. Bakit hindi mataas ang epektong hinihingi ng Diyos na makamit, subalit napakarami na Niyang nasabing salita? May kaugnayan ito sa pagkastigo na Kanyang binabanggit, at natural, nakakamit ang lahat ng iyon nang hindi natatanto ng mga tao. Ngayon, mas matindi ang pagdurusang tinitiis ng mga tao sa ilalim ng mga pag-atake ng mga salita ng Diyos. Sa tingin, tila wala pang sinuman sa kanila ang naiwasto, nagsimula nang lumaya ang mga tao sa paggawa ng kanilang gawain, at naibilang na ang mga tagasilbi sa mga tao ng Diyos—dito, ang tingin ng mga tao ay nakapasok na sila sa kasiyahan. Sa katunayan, ang realidad ay na, mula sa pagpipino, nakapasok na silang lahat sa mas mahigpit na pagkastigo. Tulad ng sinasabi ng Diyos, “Ang mga hakbang ng Aking gawain ay malapit na nakaugnay sa kasunod, na bawat isa ay mas mataas pa.” Iniahon na ng Diyos ang mga tagapagsilbi mula sa walang hanggang hukay at itinapon sila sa lawa ng apoy at asupre, kung saan mas matindi ang pagkastigo. Sa gayon, nagdurusa sila ng mas matindi pang hirap, na halos hindi nila matakasan. Hindi ba mas matindi ang gayong pagkastigo? Matapos makapasok sa isang mas mataas na dako, bakit nakadarama ng kalungkutan ang mga tao sa halip na ng anumang kaligayahan? Bakit sinasabi na, matapos mapalaya mula sa mga kamay ni Satanas, ibinigay sila sa malaking pulang dragon? Natatandaan mo ba nang sabihin ng Diyos na, “Ang huling bahagi ng gawain ay natapos sa tahanan ng malaking pulang dragon”? Naaalala mo ba nang sabihin ng Diyos na, “Ang huling hirap ay ang magpatotoo nang malakas at matunog para sa Diyos sa harap ng malaking pulang dragon”? Kung hindi ibinigay ang mga tao sa malaking pulang dragon, paano sila magpapatotoo sa harap nito? Sino na ang sumambit ng mga salitang tulad ng “Natalo ko na ang diyablo” pagkatapos nilang kitilin ang sarili nilang buhay? Nakikitang kaaway nila ang sarili nilang laman, at pagkatapos ay kinitil ang sarili nilang buhay—nasaan ang praktikal na kabuluhan nito? Bakit nagsalita nang gayon ang Diyos? “Hindi Ako tumitingin sa mga pilat ng mga tao, kundi sa bahagi nila na walang pilat, at mula rito ay nasisiyahan Ako.” Kung totoo na nais ng Diyos na maging Kanyang pagpapahayag yaong mga walang pilat, bakit Niya matiyaga at masigasig na sinambit ang napakaraming salita mula sa pananaw ng tao para gumanti laban sa mga kuru-kuro ng mga tao? Bakit Niya aabalahin ang Kanyang sarili para doon? Bakit Siya magpapakahirap na gawin ang gayong bagay? Sa gayon ay ipinapakita na may tunay na kabuluhan ang pagkakatawang-tao ng Diyos, na hindi Niya “babalewalain” ang katawang-tao matapos maging tao at tapusin ang Kanyang gawain. Bakit sinasabi na “ang ginto ay hindi maaaring maging dalisay at ang tao ay hindi maaaring maging perpekto”? Paano maipaliliwanag ang mga salitang ito? Kapag binabanggit ng Diyos ang diwa ng tao, ano ang ibig sabihin ng Kanyang mga salita? Sa mga mata ng mga tao, mukhang walang anumang kakayahan ang katawang-tao, o kaya ay mukhang kulang na kulang ito. Sa mga mata ng Diyos, hindi man lamang ito mahalaga—subalit sa mga tao, isang isyu ito na may malaking kahalagahan. Para bang lubos silang walang kakayahang lutasin ito, para bang kailangang personal itong pamahalaan ng isang makalangit na katawan—hindi ba ito isang kuru-kuro ng tao? “Sa mga mata ng mga tao, isa lamang Akong ‘munting bituin’ na nakababa mula sa kalangitan, isang munting bituin sa langit, at ang Aking pagdating sa lupa ngayon ay atas ng Diyos. Dahil dito, nakabuo ang mga tao ng iba pang mga interpretasyon sa mga salitang ‘Ako’ at ‘Diyos.’” Yamang ang mga tao ay walang halaga, bakit inihahayag ng Diyos ang kanilang mga kuru-kuro mula sa iba’t ibang mga pananaw? Maaari din kayang ito ang karunungan ng Diyos? Hindi ba katawa-tawa ang gayong mga salita? Tulad ng sinasabi ng Diyos, “Bagama’t may puwang Akong naitakda sa puso ng mga tao, hindi nila hinihiling na manahan Ako roon. Sa halip, naghihintay sila na biglang dumating ang ‘Isang Banal’ sa kanilang puso. Dahil masyadong ‘aba’ ang Aking pagkakakilanlan, hindi Ako makakatugma sa mga hinihiling ng mga tao at sa gayon ay iwinawaksi nila Ako.” Dahil “napakataas” ng tantiya ng mga tao sa Diyos, maraming bagay ang “hindi matatamo” ng Diyos, na “nagpapahirap” sa Kanya. Hindi alam ng mga tao na ang hinihiling nilang makaya ng Diyos ay ang kanilang mga kuru-kuro. Hindi ba ito ang aktwal na kahulugan ng “Ang isang matalinong tao ay maaaring maging biktima ng sarili niyang katalinuhan”? Ito ay isang tunay na halimbawa ng “matalino sana, pero sa pagkakataong ito ay hangal”! Sa inyong pangangaral, hinihiling ninyo sa mga tao na alisin na ang Diyos ng kanilang mga kuru-kuro, ngunit nawala na ba ang Diyos ng inyong mga kuru-kuro? Paano maaaring bigyang-kahulugan ang mga salita ng Diyos na “ang mga hinihingi Ko sa tao ay hindi masasabing malaki”? Hindi ito para gawing negatibo at masama ang mga tao, kundi para bigyan sila ng dalisay na pagkaunawa sa mga salita ng Diyos—nauunawaan ba ninyo? Ang Diyos na nagkatawang-tao ba talaga ang “‘Ako’ na mataas at makapangyarihan” na inaakala ng mga tao?

Bagama’t may mga nakabasa na sa lahat ng salitang sinambit ng Diyos at maaaring magbigay ng pangkalahatang balangkas ng mga iyon, sino ang nakapagsasalita kung ano ang panghuling layon ng Diyos? Ito ang kulang sa sangkatauhan. Saanmang pananaw nagmumula ang pagsasalita ng Diyos, ang Kanyang pangkalahatang layon ay para ipakilala sa mga tao ang Diyos na nasa katawang-tao. Kung walang anumang pagkatao sa Kanya—kung lahat ng taglay Niya ay mga katangian ng Diyos sa langit—hindi na kailangang magsalita ng Diyos nang napakarami. Masasabi na ang kulang sa mga tao ay nagsisilbing orihinal na mga materyal na nakaugnay sa mga salita ng Diyos. Ibig sabihin, ang nakikita sa tao ay ang pinagmulan ng sinasabi ng Diyos tungkol sa mga kuru-kuro ng mga tao, at sa gayon, pinaglilingkuran ng mga tao ang mga pagbigkas ng Diyos. Natural, batay ito sa sinasabi ng Diyos tungkol sa mga kuru-kuro ng mga tao—sa paraang ito lamang masasabi na ito ang kumbinasyon ng teorya at realidad; saka lamang mas epektibong magagawa ang mga tao na maging seryoso tungkol sa pagkilala sa kanilang sarili. Ano ang magiging punto kung ang Diyos sa katawang-tao ay kaayon ng mga kuru-kuro ng mga tao at ang Diyos ay nagpatotoo sa Kanya? Eksaktong dahil dito kaya ang Diyos ay gumagawa mula sa negatibong panig, ginagamit ang mga kuru-kuro ng mga tao upang itampok ang Kanyang dakilang kapangyarihan. Hindi ba ito ang karunungan ng Diyos? Lahat ng ginagawa ng Diyos sa bawat isa ay mabuti—kaya bakit hindi magbigay ng papuri sa panahong ito? Kung ang mga bagay-bagay ay nakaabot sa isang tiyak na punto, o dumating ang araw, ikaw ba, gaya ni Pedro, ay makabibigkas ng mga panalangin mula sa kaibuturan ng iyong sarili sa gitna ng mga pagsubok? Tulad ni Pedro, kung nagagawa mo pa ring purihin ang Diyos kapag nasa mga kamay ka ni Satanas, saka lamang magkakaroon ng tunay na kahulugan ang “mapalaya mula sa gapos ni Satanas, madaig ang laman, at madaig si Satanas.” Hindi ba ito isang mas tunay na patotoo para sa Diyos? Ito lamang ang epektong nakamit ng “pagka-Diyos na dumarating upang kumilos at ng pitong-ulit na pinatinding Espiritu na gumagawa sa tao,” kaya nga ito rin ang epektong nakamit ng “Espiritung lumalabas mula sa katawang-tao.” Hindi ba totoo ang gayong mga kilos? Dati-rati ay pinag-uukulan mo ng pansin ang realidad, ngunit mayroon ka bang tunay na kaalaman tungkol sa realidad ngayon? “Ang mga hinihingi Ko sa tao ay hindi masasabing malaki, subalit kabaligtaran ang pinaniniwalaan ng mga tao. Sa gayon, ang kanilang ‘pagpapakumbaba’ ay nahahayag sa kanilang bawat galaw. Palagi silang nananagot sa paglakad sa Aking harapan, na inaakay Ako sa daan, sa malaking takot na baka Ako maligaw, nahihintakutan na gumala Ako papasok sa sinaunang kagubatan sa loob ng kabundukan. Dahil dito, lagi na Akong inaakay ng mga tao mula noon, na takot na takot na makapasok Ako sa piitan.” Ano ang kaalaman ninyo tungkol sa simpleng mga salitang ito—talaga bang naiintindihan ninyo ang mga ugat ng mga salita ng Diyos sa mga ito? Napag-ukulan na ba ninyo ng pansin kung tungkol sa aling mga kuru-kuro ninyo nasambit ng Diyos ang gayong mga salita? Nag-uukol ba kayo ng pansin sa mahalagang puntong ito araw-araw? Sa isang pangungusap ng sumunod na bahagi, na sumusunod kaagad, sabi ng Diyos, “Subalit hindi alam ng mga tao ang Aking kalooban at patuloy na nagdarasal para sa mga bagay mula sa Akin, na para bang ang mga naipagkaloob Ko sa kanila ay walang kakayahang tugunan ang kanilang mga pangangailangan, na para bang nahihigitan ng kahilingan ang panustos.” Sa pangungusap na ito, makikita kung ano ang mga kuru-kurong nasa inyong kalooban. Hindi naaalala o sinusuri ng Diyos ang inyong ginawa sa nakaraang mga panahon, kaya huwag na ninyong isipin ang mga bagay ng nakaraan. Ang mas mahalaga ay kung nagagawa ninyong likhain “ang espiritu ni Pedro sa huling kapanahunan” sa landas tungo sa hinaharap—mayroon ba kayong pananampalataya para makamit ito? Ang hinihingi ng Diyos sa tao ay tularan lamang si Pedro, upang sa huli ay makagawa ng landas ang mga tao para maghatid ng kahihiyan sa malaking pulang dragon. Dahil dito kaya sinasabi ng Diyos na, “Umaasa lamang Ako na magkaroon ng matibay na pagpapasya ang mga tao na makipagtulungan sa Akin. Hindi Ko hinihingi na ipagluto nila Ako ng masarap na pagkain, o ayusin nila ang isang lugar na angkop na mahimlayan ng Aking ulo.…” Sa mundo, hinihilingan ang mga tao na dalhin ang “espiritu ni Lei Feng” hanggang sa 1990s, ngunit sa sambahayan ng Diyos, hinihingi ng Diyos na likhain ninyo ang “natatanging estilo ni Pedro.” Nauunawaan ba ninyo ang kalooban ng Diyos? Talaga bang nagagawa ninyong magsumikap para dito?

“Gumagalaw Ako sa ibabaw ng mga sansinukob, at habang naglalakad Ako ay pinagmamasdan Ko ang mga tao sa buong sansinukob. Sa maraming tao sa lupa, walang sinuman kailanman na angkop para sa Aking gawain o tunay na nagmamahal sa Akin. Sa gayon, sa sandaling ito ay naghihinagpis Ako sa pagkadismaya, at naghihiwa-hiwalay kaagad ang mga tao, upang hindi na muling magtipon, na takot na takot sa Aking ‘panghuhuli sa kanilang lahat sa isang lambat.’” Marahil, lubhang nahihirapan ang karamihan sa mga tao na maunawaan ang mga salitang ito. Itinatanong nila kung bakit walang gaanong hinihingi ang Diyos sa tao, subalit naghihinagpis sa pagkadismaya dahil walang sinumang akma para sa Kanyang gawain. Mayroon bang salungatan dito? Sa literal na pananalita, mayroon, ngunit sa realidad ay walang salungatan. Marahil ay maaalala mo pa nang sabihin ng Diyos, “Lahat ng Aking salita ay magkakaroon ng epektong nais Ko.” Kapag gumagawa ang Diyos sa katawang-tao, nakatuon ang mga tao sa Kanyang bawat kilos upang makita kung ano mismo ang Kanyang gagawin. Kapag isinasakatuparan ng Diyos ang Kanyang bagong gawain na nakatutok kay Satanas sa espirituwal na dako, nagkakaroon, sa madaling salita, ng lahat ng uri ng kuru-kuro sa mga tao sa lupa dahil sa Diyos na nasa katawang-tao. Kapag naghihinagpis ang Diyos sa pagkadismaya—ibig sabihin, kapag nagsasalita Siya tungkol sa lahat ng kuru-kuro ng tao, sinusubukan ng mga tao ang lahat para pakitunguhan ang mga iyon, at mayroon pang mga naniniwala na wala na silang pag-asa, sapagkat sinasabi ng Diyos na lahat ng may mga kuru-kuro tungkol sa Kanya ay Kanyang mga kaaway—kaya nga paanong hindi “maghihiwa-hiwalay” ang mga tao dahil dito? Lalo na ngayon, kapag nakarating ang pagkastigo, mas takot pa ang mga tao na paalisin sila ng Diyos. Naniniwala sila na matapos silang makastigo, ang Diyos ay “mahuhuli silang lahat sa isang lambat.” Subalit hindi gayon ang mga katunayan: Tulad ng sinasabi ng Diyos, “Hindi Ko nais ‘pigilan’ ang mga tao sa gitna ng Aking pagkastigo upang hindi sila makatakas kailanman. Dahil walang mga gawa ng tao ang Aking pamamahala, hindi posibleng matagumpay na matapos ang Aking gawain, na humahadlang sa Aking gawain na magpatuloy nang epektibo.” Ang kalooban ng Diyos ay hindi ang magwakas ang Kanyang gawain kapag napatay na ang lahat ng tao—ano ang magiging punto niyan? Sa paggawa sa mga tao at pagkastigo sa kanila, pinalilinaw ng Diyos ang Kanyang mga gawa sa pamamagitan nila. Dahil hindi kailanman naintindihan ng mga tao na mayroon nang pagkastigo sa tono ng mga salita ng Diyos, hindi sila kailanman nagkaroon ng pagpasok sa kanilang kamalayan. Hindi kayang ipahayag ng mga tao ang kanilang matatag na pasya, at sa gayon ay walang masabing anuman ang Diyos sa harap ni Satanas, at hinahadlangan nitong sumulong ang gawain ng Diyos. Sa gayon ay sinasabi ng Diyos, “Minsan ay inanyayahan Ko ang tao bilang panauhin sa Aking sambahayan, subalit nagparoo’t parito siya dahil sa Aking mga tawag—na para bang, sa halip na anyayahan siya bilang isang panauhin, nadala Ko siya sa dakong bitayan. Sa gayon, naiwang walang laman ang Aking sambahayan, sapagkat iniwasan Ako palagi ng tao, at lagi siyang naging maingat laban sa Akin. Iniwan Ako nitong walang paraan para isagawa ang bahagi ng Aking gawain.” Dahil sa mga pagkakamali ng tao sa kanyang gawain kaya malinaw na inihahayag ng Diyos ang Kanyang mga kinakailangan sa tao. At dahil bigo ang mga tao na isakatuparan ang hakbang na ito ng gawain kaya nagdaragdag ang Diyos ng iba pang mga pagbigkas—ito mismo ang “isa pang bahagi ng gawain sa tao” na binabanggit ng Diyos. Ngunit hindi Ako magsasalita nang malawig tungkol sa “panghuhuli sa kanilang lahat sa isang lambat” na sinasabi ng Diyos, dahil maliit ang kinalaman nito sa gawain ng kasalukuyan. Natural, sa “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob,” marami sa Kanyang mga salita ang tungkol sa tao—ngunit kailangang maunawaan ng mga tao ang kalooban ng Diyos; anuman ang Kanyang sabihin, palaging mabuti ang Kanyang mga layunin. Masasabi na dahil napakaraming kaparaanan sa pagsasalita ang Diyos, hindi siyento-por-siyentong nakatitiyak ang mga tao tungkol sa mga salita ng Diyos, at naniniwala sila na karamihan sa mga salita ng Diyos ay sinasambit dahil sa mga pangangailangan ng Kanyang gawain, at kakaunti ang nilalaman na totoo. Iniiwan sila nitong nalilito at nabibigatan sa kanilang mga iniisip—sapagkat sa kanilang mga kuru-kuro, napakarunong ng Diyos, kaya Siya lubos na hindi nila kayang abutin, na para bang wala silang anumang nalalaman at wala silang kaalam-alam kung paano kainin ang mga salita ng Diyos. Ginagawa ng mga tao na mahirap unawain at masalimuot ang mga salita ng Diyos—tulad ng sinasabi ng Diyos na, “Laging ninanais ng mga tao na dagdagan ng pampalasa ang Aking mga pagbigkas.” Dahil napakakumplikado ng mga ideya ng mga ito, at “halos hindi makamit” ng Diyos, pinipigilan ng tao ang bahagi ng mga salita ng Diyos, iniiwan Siyang walang mapagpilian kundi magsalita nang prangkahan. Dahil “napakataas” ng mga hinihingi ng mga tao, at dahil napakayaman ng kanilang imahinasyon—na para bang kaya nilang tumawid tungo sa espirituwal na dako upang mamasdan ang mga gawa ni Satanas—nabawasan nito ang mga salita ng Diyos, sapagkat habang mas maraming sinasabi ang Diyos, mas lumulungkot ang mukha ng mga tao. Bakit hindi na lamang sila sumunod, sa halip na pagbulay-bulayin ang kanilang katapusan? Nasaan ang pakinabang dito?

Sinundan: Kabanata 31

Sumunod: Kabanata 33

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito