Kabanata 44 at 45

Mula nang sabihin ng Diyos sa tao ang tungkol sa “pagmamahal sa Diyos”—ang pinakamalalim sa lahat ng aralin—nagtuon na Siya sa pagsasalita tungkol sa paksang ito sa “ang mga pahayag ng pitong Espiritu,” na naging dahilan upang subukan ng lahat ng tao na unawain ang kahungkagan ng buhay ng tao, at sa gayon ay mailabas ang tunay na pagmamahal na nasa kanilang kalooban. Gaano kalaki ang pagmamahal sa Diyos ng mga taong umiiral sa kasalukuyang hakbang? Alam ba ninyo? Walang hangganan ang aralin tungkol sa “pagmamahal sa Diyos.” Anong uri ng pag-unawa ang taglay ng lahat ng tao tungkol sa buhay ng tao? Ano ang kanilang saloobin ukol sa pagmamahal sa Diyos? Gusto ba nila o ayaw? Sinusundan ba nila ang mga masa, o kinasusuklaman ang laman? Ito ang lahat ng bagay na dapat mong malinawan at maunawaan. Wala ba talagang anuman sa kalooban ng mga tao? “Ibig Kong tunay Akong mahalin ng tao; gayunman, ngayon ay nagpapabagal pa rin ang mga tao, hindi nila Ako magawang mahalin nang tunay. Sa kanilang mga imahinasyon, naniniwala sila na kung tunay nila Akong mamahalin, walang malalabi sa kanila.” Sa mga salitang ito, ano ba talaga ang ibig sabihin ng “tunay na pagmamahal”? Bakit hinihiling pa rin ng Diyos ang tunay na pagmamahal ng mga tao sa panahong ito na “mahal ng lahat ng tao ang Diyos”? Sa gayon, ang layunin ng Diyos ay hilingin sa tao na isulat ang kahulugan ng tunay na pagmamahal sa isang papel, kaya ito mismo ang takdang-aralin na naitalaga ng Diyos sa tao. Tungkol sa hakbang na ito ngayon, kahit hindi malalaki ang hinihingi ng Diyos sa tao, hindi pa rin naaabot ng mga tao ang orihinal na mga hinihingi ng Diyos sa tao; sa madaling salita, hindi pa nila ibinubuhos ang buong lakas nila sa pagmamahal sa Diyos. Sa gayon, kahit ayaw nila, humihingi pa rin ang Diyos sa mga tao, hanggang sa magkaroon ng bisa ang gawaing ito at magtamo Siya ng kaluwalhatian sa gawaing ito. Tunay ngang ang gawain sa lupa ay nagtatapos sa pagmamahal sa Diyos. Sa gayon, kapag tinapos ng Diyos ang Kanyang gawain, saka lamang Niya ipinahihiwatig sa tao ang pinakamahalaga sa lahat ng gawain. Kung bibigyan Niya ng kamatayan ang tao kapag nagwakas na ang Kanyang gawain, ano ang mangyayari sa tao, ano ang mangyayari sa Diyos, at ano ang mangyayari kay Satanas? Kapag naihayag na ang pagmahal ng tao sa lupa, saka lamang masasabi na “nalupig na ng Diyos ang tao.” Kung hindi, sasabihin ng mga tao na inaapi ng Diyos ang tao, at sa gayon ay mapapahiya ang Diyos. Hindi magpapakahangal ang Diyos para walang imik na wakasan ang Kanyang gawain. Sa gayon, kapag malapit nang matapos ang gawain, nag-aalab ang pagnanasang mahalin ang Diyos, at ang nagiging paksa ng usapan ang pagmamahal sa Diyos. Mangyari pa, ang pagmamahal na ito sa Diyos ay hindi narungisan ng tao; ito ay isang walang-halong pagmamahal, tulad ng pagmamahal ng isang babaeng tapat sa kanyang asawa, o ng pagmamahal ni Pedro. Hindi gusto ng Diyos ang pagmamahal nina Job at Pablo, kundi ang pagmamahal ni Jesus kay Jehova, ang pagmamahal sa pagitan ng Ama at ng Anak: “iniisip lamang ang Ama, nang walang pagsasaalang-alang sa personal na kawalan o pakinabang, minamahal lamang ang Ama, at wala nang iba, at wala nang iba pang hinihingi.” Kaya ba ito ng tao?

Kung ihahambing ka natin sa ginawa ni Jesus, Siya na hindi ganap ang pagkatao, ano ang iniisip natin? Gaano kalayo ang narating ninyo sa inyong ganap na pagkatao? Kaya ba ninyong abutin ang isang ikasampu ng ginawa ni Jesus? Karapat-dapat ba kayong pumunta sa krus para sa Diyos? Kaya bang magdulot ng kahihiyan kay Satanas ang iyong pusong mapagmahal sa Diyos? At gaano na kalaki ang naiwaksi mo sa iyong pusong mapagmahal sa tao? Nahalinhan na ba ito ng pagmamahal sa Diyos? Talaga bang tinitiis ninyo ang lahat alang-alang sa pagmamahal sa Diyos? Mag-isip sandali tungkol kay Pedro, na nabuhay sa mga nakalipas na panahon, at saka ninyo tingnan ang inyong sarili, na nabubuhay ngayon—talagang may malaking pagkakaiba; hindi kayo karapat-dapat na tumayo sa harap ng Diyos. Sa inyong kalooban, mayroon bang higit na pagmamahal sa Diyos, o higit na pagmamahal sa diyablo? Dapat itong ilagay nang halinhinan sa kaliwa at kanang panig ng timbangan, upang makita kung alin ang mas mabigat—gaano ba talaga kalaking pagmamahal sa Diyos ang nasa inyong kalooban? Karapat-dapat ba kayong mamatay sa harap ng Diyos? Kaya nagawa ni Jesus na tumayo sa krus ay dahil sapat ang Kanyang mga karanasan sa lupa upang magdulot ng kahihiyan kay Satanas, at dahil lamang doon kaya buong tapang Siyang pinayagan ng Diyos Ama na tapusin ang yugtong iyon ng gawain; ito ay dahil sa hirap na Kanyang naranasan at sa Kanyang pusong nagmamahal sa Diyos. Ngunit kayo karapat-dapat na gawin iyon. Sa gayon, kailangan ninyong patuloy na maranasan, hanggang sa maisapuso ninyo ang Diyos, at wala nang iba—kaya ba ninyong gawin ito? Mula rito, makikita kung gaano kalaki ang iyong pagkamuhi sa Diyos, at kung gaano mo kamahal ang Diyos. Hindi dahil sa maraming hinihingi ang Diyos sa tao, kundi dahil hindi nagsusumikap ang tao. Hindi ba ito ang totoong sitwasyon? Kung hindi, gaano karami ang kaibig-ibig na matutuklasan mo sa Diyos, at gaano karami ang kasuklam-suklam na makikita mo sa iyong sarili? Dapat mong maingat na suriin ang mga bagay na ito. Makatwirang sabihin na kakaunti lamang sa ilalim ng kalangitan ang nagmamahal sa Diyos—ngunit maaari bang ikaw ang manguna, na sisira sa nakamit na ng mundo at mahalin ang Diyos? Walang hinihiling ang Diyos sa tao. Hindi ba Siya mabibigyan ng tao ng kaunting karangalan para dito? Pati ba ito ay hindi mo kayang matamo? Ano pa ang dapat pag-usapan?

Sinundan: Kabanata 42

Sumunod: Kabanata 46

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito