83 Ang Kuwentong Nakapaloob sa Gawain ng Diyos sa mga Huling Araw

I

Gawain ngayon ay baguhin

yaong mga tiwali’t manhid,

dalisayin ang mga taong

ginawang tiwali ni Satanas.

‘Di ang likhain si Adan o si Eba,

at ‘di ang likhain ang liwanag

o likhain ang mga hayop

o ang iba’t ibang halaman.


Gawain Niya ngayo’y dalisayin

ang natiwali ni Satanas,

nang sila’y muling makamit

at maging kaluwalhatian Niya.

Gawaing ito’y ‘di madali

tulad ng inakala ng tao.

‘Di tulad ng pagsumpa kay Satanas

sa walang hanggang hukay.


Dapat niyong makita kalooban ng Diyos.

At makitang gawain Niya’y

‘di kasingsimple ng paglikha sa langit at lupa.

Kundi ay para baguhin ang tao,

gawing mabuti ang negatibo,

gawin Niyang pag-aari ang hindi sa Kanya.

Ito ang kwentong napapaloob.


II

Dapat niyo ‘tong maunawaan

at ‘di ituring na payak.

Gawain ng Diyos ay ‘di tulad

ng ordinaryong gawain.

‘Di ‘to maisip ng tao;

karunungan nito’y ‘di matamo.


‘Di lumilikha’t nangwawasak ang Diyos

sa yugtong ‘to ng gawain Niya.

Likha Niya’y binabago Niya

na nadungisan ni Satanas.

Kaya sisimulan ng Diyos

ang napakalaking gawain.

At ito’ng buong kahulugan at

kabuluhan ng gawain ng Diyos.


Dapat niyong makita kalooban ng Diyos.

At makitang gawain Niya’y

‘di kasingsimple ng paglikha sa langit at lupa.

Kundi ay para baguhin ang tao,

gawing mabuti ang negatibo,

gawin Niyang pag-aari ang hindi sa Kanya.

Ito ang kwentong napapaloob.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Simple ba ang Gawain ng Diyos na Tulad ng Inaakala ng Tao?

Sinundan: 82 Tanging Landas ng Sangkatauhan Upang Makapasok sa Kapahingahan

Sumunod: 84 Hinahatulan at Pineperpekto ng Diyos ang Tao Gamit ang Kanyang mga Salita sa mga Huling Araw

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito