862 Ang Diyos na Nagkatawang-tao ay Pinakakaibig-ibig

I

Matapos magkatawang-tao ang Diyos,

mamuhay kabilang ng sangkatauhan,

nakita Niya’ng pagkalugmok ng tao,

ang sitwasyon ng buhay nila.

Lubos na nadama ng nagkatawang-taong Diyos

ang kaawa-awa’t

nakakalungkot na estado ng sangkatauhan.

Mas lalong nahabag ang Diyos

sa kalagayan ng tao,

at mas nagmalasakit sa mga tagasunod Niya

mula sa Kanyang katawang-taong kalikasan.


II

Sa puso ng Diyos, yaong nais Niyang

pamahalaa’t iligtas ang pinakamahalaga;

sila’y pinahahalagahan higit sa lahat.

Nagbayad Siya ng malaking halaga;

tiniis ang paghihimagsik at pananakit.

Ngunit ‘di Niya itataboy ang tao,

walang humpay sa gawain Niya,

nang walang pagsisisi, walang reklamo.


Mas lalong nahabag ang Diyos

sa kalagayan ng tao,

at mas nagmalasakit sa mga tagasunod Niya.

Mas lalong nahabag ang Diyos

sa kalagayan ng tao,

at mas nagmalasakit sa mga tagasunod Niya

mula sa Kanyang katawang-taong kalikasan.


III

‘Di Niya itataboy ang tao,

walang humpay sa gawain Niya.

Ito’y dahil alam Niyang sa malao’t madali,

magigising ang mga tao sa tawag Niya’t

maaantig ng Kanyang mga salita,

makikilalang Siya ang Panginoon ng paglikha,

at magbabalik sa piling Niya …

Mas lalong nahabag ang Diyos

sa kalagayan ng tao,

at mas nagmalasakit sa mga tagasunod Niya.

Mas lalong nahabag ang Diyos

sa kalagayan ng tao,

at mas nagmalasakit sa mga tagasunod Niya

mula sa Kanyang katawang-taong kalikasan.


Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III

Sinundan: 861 Pagmamahal ng Diyos sa Tao

Sumunod: 863 Matagal Nang Namuhay ang Diyos na Nagkatawang-tao sa Piling ng mga Tao

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito