87. Natagpuan Ko na sa Wakas ang Landas sa Pagpapadalisay

Ni Richard, USA

Ipinanganak ako sa isang Katolikong pamilya at noong labintatlong taong gulang ako ay nagsimula akong mag-aral ng katesismo at bininyagan ako, opisyal na sumapi sa Katolisismo. Pagkatapos noon, nagpasya akong maging isang pari para paglingkuran ang Diyos. Pumasok ako sa isang monasteryo noong dalawampu’t dalawang taong gulang ako kung saan pinag-aralan ko ang teolohiya at ang Kasulatan at kumuha ng iba pang kurso. Pero lumipas ang ilang panahon at hindi ko pa rin naramdaman na mas napalapit ako sa Diyos, at palaging sumusulpot ang pagnanasa kong mag-asawa at magkaroon ng pamilya. Nagdasal ako nang nagdasal, pero hindi ko pa rin iyon mapigilan. Ipinangako ko sa harap ng Diyos na mananatili akong birhen para makapasok ako sa kaharian ng langit pero gusto kong talikdan ang pangakong iyon. Hindi ba ako nagkakasala at nagsisinungaling sa Diyos? Paano ako makapapasok sa kaharian ng Diyos? Nasa monasteryo ako sa loob ng sampung taon. Nang makapagtapos ako, pumasok ako sa isang monasteryo sa Indonesia nang isa pang taon pero patuloy akong nagkakaroon ng maruruming naiisip paminsan-minsan. Pinanghinaan talaga ako ng loob. Pagkatapos ng aking pag-aaral, nagdesisyon akong maging regular na parokyano. Umuwi ako at nag-asawa. Pero sa pang-araw-araw na buhay, madalas akong nakikipagtalo sa asawa ko dahil sa maliliit na bagay na may kaugnayan sa bahay at hindi ako masyadong pasensiyoso. Minsan nagsisinungaling ako para maprotektahan ang sarili kong mga interes. Madalas akong humarap sa Diyos para magtapat at magsisi para sa mga bagay na ito pero pagkatapos ay patuloy ko lang gagawin ang mga ito. Gusto kong ayusin ang relasyon ko sa Diyos sa pamamagitan ng pagdalo sa Misa at higit pang pagdarasal, pero hindi niyon naayos ang mga problema ko.

Pagkatapos ay pumunta ako sa US noong 2014. Nakilala ko si Li at Liu, na dalawa pang parokyano sa Misa. Sa tuwing may pagkakataon ako ay tinatalakay ko sa kanila ang mga usapin ng pananampalataya. Naalala ko minsan nang ibinabahagi namin ang Kasulatan, sinabi ni Liu na may kilala siyang madasaling diyakono na bihasa sa Bibliya na naniniwala sa Kidlat ng Silanganan. Sinabi niya na may ilang iba pang taimtim na mga miyembro ng simbahan ang sumali na rin dito. Nagtataka siya kung anong klase ng simbahan ang Kidlat ng Silanganan at kung bakit napakaraming masugid na mananampalataya ang sumali na rito. Naguluhan din ako rito, dahil may kilala rin akong isang madasaling diyakono na sumali sa Kidlat ng Silanganan. Hindi ko alam kung ano ang ipinangangaral ng Kidlat ng Silanganan o kung bakit nakaakit ito ng napakaraming relihiyosong nananalig. Maaari kayang kinasihan ito ng Banal na Espiritu? Naisip ko na dapat ko itong suriin at tingnan kung ano ang napakaespesyal tungkol sa ipinangangaral ng simbahang iyon. Napaisip ako kung maaari ba itong makatulong sa akin sa mga debosyonal ko at sa pagkilala ko sa Diyos. Sa saloobing ito, sinabi ko kay Li at Liu na gusto kong suriin ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Sumang-ayon silang samahan ako.

Noong nagpunta kami, nagpalabas ng video ang isang sister para sa amin, Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Mula rito, nalaman ko na ang Panginoong Jesus ay nagbalik na, tulad ng matagal ko nang inaasam. Siya ang Makapangyarihang Diyos sa katawang-tao na nagpapahayag ng mga katotohanan para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Kaya pala ang mga tao mula sa lahat ng denominasyon na nagmamahal sa katotohanan at inaasam ang pagpapakita ng Diyos ay binabasa ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nakikita na ang mga ito ang katotohanan at ang tinig ng Diyos, at tinatanggap ang Makapangyarihang Diyos. Isa pa, lumaganap na ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos mula sa Tsina sa Silangan hanggang sa maraming bansa sa kanluran, na tinutupad ang propesiya ng Panginoong Jesus na: “Sapagkat gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kanluran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao(Mateo 24:27). Nagulat talaga ako na ganoon natupad ang propesiyang ito. Binasa ko ito sa loob ng maraming taon nang hindi ito nauunawaan. Pagkatapos nagpalabas ang isang brother ng isang pelikulang pang-ebanghelyo na tinawag na Ang Bibliya at Diyos. Ang isang ito ay mas lalo pang umantig sa akin nang labis at nakita ko na napakaraming misteryo sa Bibliya. Napakarami ko nang nabasang pang-espirituwal na libro pero hindi kailanman nakatagpo ng sinumang teologo o tagapaglantad ng Bibliya na kailanman ay malinaw na naipaliwanag ang katotohanan sa likod ng Bibliya, kung paano ito nabuo, at ang relasyon nito sa Diyos. Napakarami kong natutunan sa pelikulang iyon. Nakita ko kung bakit napakaraming masigasig na mananampalataya ang tinanggap ang Makapangyarihang Diyos matapos marinig ang Kanyang mga salita. Nagpasya akong siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw.

Sa aming mga talakayan, sinabi ng mga kapatid mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na sa mga huling araw, nagpapahayag ang Makapangyarihang Diyos ng mga katotohanan para gawin ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos para tuluyang linisin at iligtas ang sangkatauhan. Naguluhan ako nang marinig ito, dahil sinabi ng Panginoong Jesus sa krus na “Ito’y natupad na.” Nangangahulugan dapat iyon na natapos na ang gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan, kaya bakit kailangan ng Diyos na hatulan ang sangkatauhan para dalisayin at iligtas tayo? Gusto kong malaman pero gumagabi na, kaya nagplano akong bumalik kinabukasan. Tuwang-tuwa ako habang pauwi ako. Marami akong natutuhan sa pagbabahaginan sa araw na iyon at naramdaman kong parang naging mas malapit ako sa Panginoon. Mukhang totoo na ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ay talagang ang gawain ng Panginoon sa mga huling araw. Magiging kamangha-mangha kung talagang nagbalik na ang Panginoon at maaari akong mamuhay sa tabi Niya katulad ng ginawa ni Pedro. Ang kaisipang ito ay talagang kapana-panabik at lalo pang nagpasabik sa akin para sa pagtitipon kinabukasan.

Pagkauwing-pagkauwi ko galing sa trabaho kinabukasan, nagmadali akong pumunta sa aming lugar ng pagtitipon at hindi nagsayang ng oras na nagtanong sa sister, “Sinasabi mo na nagbalik na ang Panginoong Jesus at nagpapahayag ng mga katotohanan para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Paano iyon nangyari? Sa krus, sinabi Niyang ‘Ito’y natupad na.’ Nangangahulugan iyon na nakumpleto na ang gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan. Napatawad ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng ating pananampalataya—nabigyang-katwiran tayo at nailigtas sa pamamagitan ng pananampalataya, at pagparito ng Panginoon sa mga huling araw ay maaari Niya tayong diretsong dalhin sa Kanyang kaharian. Bakit gagawa pa Siya ng higit pang gawain ng pagliligtas?”

Sabi ng kapatid, “Sinabi ng Panginoong Jesus na ‘Ito’y natupad na’ dahil kumpleto na ang Kanyang gawain ng pagtubos. Hindi ito nangangahulugan na lahat ng gawain ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan ay natapos na. Kung pagpapasyahan natin na tapos na ang gawain ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan dahil sinabi ng Panginoong Jesus na ‘Ito’y natupad na’ at na hindi na Siya gagawa ng bagong gawain pagbalik Niya, bakit sasabihin ng Panginoong Jesus ang mga propesiyang ito? Sabi ng Panginoon: ‘Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, ngunit ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagkat hindi Siya magsasalita ng mula sa Kanyang sarili; kundi ang anomang bagay na Kanyang marinig, ang mga ito ang Kanyang sasalitain: at Kanyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(Juan 16:12–13). ‘Siya na nagtatakwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga salita, ay mayroong isang hahatol sa kanya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kanya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:48). Nariyan din ang 1 Pedro 4:17: ‘Sapagkat dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos.’ Ipinapakita ng mga propesiyang ito na sa mga huling araw, pagbalik ng Panginoon, magpapahayag Siya ng mas maraming katotohanan at gagawin ang gawain ng paghatol, upang ganap na malinis at maligtas ang sangkatauhan. Kung susunod tayo sa mga kuru-kuro ng tao at sasabihin natin na ganap nang natapos ang gawain ng pagliligtas ng Diyos, paano matutupad ang mga propesiyang ito? Ipinopropesiya rin ng Bibliya na sa mga huling araw, magbabalik ang Panginoon para ihiwalay ang mga tupa mula sa mga kambing, ang trigo mula sa mga mapanirang damo, ang matatalinong dalaga mula sa mga hangal, at ang mabubuting lingkod mula sa masasama, pinagbubukod-bukod ang bawat isa ayon sa uri. Katulad lang ito ng sinabi ng Panginoong Jesus na: ‘Siya na naghahasik ng mabuting binhi, ay ang Anak ng tao; Ang bukid ay ang mundo; ang mabuting binhi ay ang mga anak ng kaharian; ngunit ang mapanirang damo, ay ang mga anak ng masama; Ang kaaway na naghasik sa mga ito ay ang diyablo; ang pag-aani ay ang katapusan ng mundo; at ang mga mag-aani ay ang mga anghel. Kung paanong ang mapanirang damo ay tinipon at sinunog sa apoy; gayon din ang mangyayari sa katapusan ng mundo. Ipapadala ng Anak ng tao ang Kanyang mga anghel, at titipunin nila sa labas ng Kanyang kaharian ang lahat ng mga nagdudulot ng pagkakasala, at sila na gumagawa ng kasamaan; At itatapon sila sa pugon ng apoy: doon ay may pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin. Kung magkagayon ay magliliwanag ang mga matuwid na gaya ng araw, sa kaharian ng kanilang Ama. Ang mga may pandinig, ay hayaang makinig(Mateo 13:37–43). Ipinopropesiya rin ng Pahayag na gagawa ang Diyos ng isang grupo ng mga mananagumpay sa mga huling araw at na paparito sa lupa ang Kanyang kaharian. Ang lahat ng ito ay gawaing ginagawa ng Panginoon sa mga huling araw. Kung susunod tayo sa pang-unawa ng tao na ang pagsasabi ng Panginoong Jesus ng ‘Ito’y natupad na’ ay nangangahulugan na lubos nang natapos ang gawain ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan, paano matutupad ang mga propesiyang iyon? Kaya ang pagkaunawang ito sa mga salita ng Panginoon ay malinaw na mali, at ganap na hindi nakaayon sa pakahulugan ng Panginoon at sa realidad ng gawain ng Diyos.”

Lubos akong nakumbinsi ng pagbabahagi ng sister na ito, at tumango ako habang nakikinig. Bakit hindi ko kailanman nakita ang isang bagay na halatang-halata? Nagpatuloy siya na basahin ang ilang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Kahit na ang tao ay maaaring natubos at napatawad na sa kanyang mga kasalanan, ito ay maaari lamang na ituring na hindi pag-alala ng Diyos sa mga paglabag ng tao at hindi pagtrato sa tao alinsunod sa mga paglabag nito. Subalit, kapag ang tao na namumuhay sa katawang tao, ay hindi pa napapalaya mula sa kasalanan, siya ay maaaring magpatuloy lamang sa pagkakasala, inihahayag nang walang katapusan ang kanyang satanikong disposisyon. Ito ang buhay ng tao, isang walang-katapusang pagpapaulit-ulit ng kasalanan at kapatawaran. Ang karamihan ng tao ay nagkakasala sa araw upang magtapat ng kasalanan sa gabi. Dahil dito, kahit na ang handog para sa kasalanan ay walang hanggan ang bisa sa tao, hindi nito magagawang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Tanging kalahati lang ng gawain ng pagliligtas ang nakumpleto, sapagkat ang tao ay mayroon pa ring tiwaling disposisyon(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4). “Bagama’t maraming gawaing ginawa si Jesus sa tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog dahil sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya nga, ngayong napatawad na ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). “Ang layunin ng gawain ng pagkastigo at paghatol ng Diyos ay sa diwa’y upang dalisayin ang sangkatauhan, alang-alang sa huling pahinga. Kung walang ganitong paglilinis, wala sa sangkatauhan ang maaaring maiuri sa magkakaibang mga kategorya ayon sa uri, o pumasok sa pahinga. Ang gawaing ito ay ang tanging landas ng sangkatauhan upang pumasok sa pahinga. Tanging ang paglilinis ng Diyos ang magtatanggal ng kawalan ng katuwiran ng mga tao, at tanging ang gawain Niya ng pagkastigo at paghatol ang magdadala sa liwanag sa mga masuwaying bahagi ng sangkatauhan, naghihiwalay sa mga maaaring maligtas mula sa mga hindi maaari, at ang mga mananatili mula sa mga hindi. Kapag natapos ang gawaing ito, ang lahat ng mga taong pinayagang manatili ay lilinisin at papasok sa isang mas mataas na kalagayan ng sangkatauhan kung saan magtatamasa sila ng isang mas kamangha-manghang ikalawang buhay sa lupa; sa madaling salita, uumpisahan nila ang kanilang araw ng pahinga, at mabuhay kasama ang Diyos. Matapos makastigo at mahatulan ang mga hindi pinapayagang manatili, ang kanilang tunay na mga kulay ay ganap na maihahayag, pagkatapos nito ay wawasakin silang lahat at, kagaya ni Satanas, hindi na pahihintulutang mabuhay sa lupa. Ang sangkatauhan sa hinaharap ay hindi na magsasama ng alinman sa ganitong uri ng mga tao. Hindi angkop na pumasok sa lupain ng huling pahinga ang ganitong mga tao, at hindi sila angkop na sumali sa araw ng pahingang pagsasaluhan ng Diyos at ng sangkatauhan, dahil sila ang puntirya ng kaparusahan at mga makasalanan, hindi matuwid na mga tao. … Ang buong layunin sa likod ng huling gawain ng Diyos na pagpaparusa sa masama at pagbibigay ng gantimpala sa mabuti ay upang lubusang maging dalisay ang lahat ng mga tao upang maaari Siyang magdala ng isang ganap na banal na sangkatauhan sa walang hanggang pahinga. Ang yugtong ito sa gawain Niya ang pinakamahalaga. Ito ang huling yugto ng kabuuan ng Kanyang pamamahala(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama).

Matapos basahin ang mga salitang ito ng Makapangyarihang Diyos, ibinahagi ng sister ang pagbabahaging ito: “Ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya, tinutubos ang sangkatauhan sa kanilang mga kasalanan. Hangga’t nananampalataya tayo sa Kanya, nagdarasal, nagtatapat, at nagsisisi, ang ating mga kasalanan ay napapatawad. Maaari nating tamasahin ang biyaya ng Panginoon, at hindi tayo makokondena at maparurusahan sa ilalim ng batas para sa ating mga kasalanan. Ito ang tunay na kahulugan ng ‘nailigtas sa pamamagitan ng pananampalataya’ at ito ang nakamit ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus. Napatawad na ng Panginoong Jesus ang ating mga kasalanan at hindi na tayo gumagawa ng mga halatang pagkakasala; minsan gumagawa tayo ng mabubuting bagay. Pero hindi pa rin tayo malaya mula sa kasalanan. Nagsisinungaling at nanlilinlang pa rin tayo para sa ating sariling mga interes, tayo ay sakim, mainggitin, kamuhi-muhi, at nagkikimkim ng masasamang saloobin. Hindi natin kayang labanan ang tukso ng mga makamundong kalakaran, inaasam natin ang pera at minamahal ang karangyaan. Mapanghamak nating sinasaway ang mga tao na gumagawa ng mga bagay na hindi natin gusto. Puno tayo ng mga satanikong disposisyon tulad ng kayabangan, pagiging mapanlinlang, pagkayamot sa katotohanan, at marami pang iba. Mas malalim at mas nakaugat ang mga satanikong disposisyon na ito kaysa sa mga panlabas na kasalanan. Ang mga ito ay itinanim sa atin ni Satanas at siyang ugat ng pagkakasala at paglaban sa Diyos. Hanggang sa malutas ang mga bagay na ito, hindi pa rin natin maiiwasang magkasala at hindi tayo maaaring makalaya sa mga gapos ng kasalanan. Sinasabi sa Bibliya: ‘Kayo’y magpakabanal, sapagkat Ako’y banal(1 Pedro 1:16). Banal ang Diyos at gayon din ang Kanyang kaharian. Hindi Niya maaaring payagang pumasok ang maruruming tao. Iyong iba sa atin na nagkakasala araw-araw ay mga tagapaglingkod ng kasalanan, kaya paano tayo magiging nababagay na makapasok sa kaharian ng Diyos? Ang gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus ay isang parte lang ng gawain ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan, hindi ang kabuuan nito. Napatawad pa lang ang ating mga kasalanan pero hindi pa tayo napalaya mula sa kasalanan o naalis sa impluwensya ni Satanas. Hindi pa ganap na nakamit ng Diyos ang sangkatauhan. Ang Makapangyarihang Diyos ay dumating sa mga huling araw. Nagpapahayag Siya ng mga katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol para linisin ang ating mga tiwaling disposisyon at lutasin ang ating makasalanang satanikong kalikasan na taliwas sa Diyos, para lubusan nating maalis ang mga gapos ng kasalanan, ganap tayong mailigtas, at makapasok sa kaharian ng Diyos. Ang pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos ay ibinubunyag din ang mabubuti at masasamang tagapaglingkod, ang mga tupa at mga kambing, ang trigo at mga mapanirang damo, ang matatalino at mga hangal na dalaga. Iyong mga tumatangging makinig sa tinig ng Diyos, na itinatatwa at kinokondena ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ang mga hangal na dalaga, ang mga mapanirang damo, ang masasamang tagapaglingkod na sa huli ay mahuhulog sa sakuna, umiiyak at nagngangalit ang mga ngipin. Iyong mga kinikilala ang tinig ng Diyos sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos at tinatanggap ang Kanyang gawain sa mga huling araw ang matatalinong dalaga, ang trigo, at ang mga tupa. Sumasailalim sila sa paghatol ng Diyos sa mga huling araw, dinadalisay, at sa huli ay dinadala sa kaharian ng Diyos. Ganap nitong tinutupad ang mga propesiya sa Pahayag. Kaya kapag natapos na ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, ang gawain ng pamamahala ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan ay magiging ganap nang kumpleto.”

Nakapagpapamulat para sa akin ang kanyang pagbabahagi. Napagtanto ko na ginawa lang ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos at ang gawain ng paghatol lang ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ang ganap na makapaglilinis at makapagliligtas sa sangkatauhan. Natubos tayo sa ating mga kasalanan dahil sa ating pananampalataya, pero malalim pa ring nakaugat ang ating makasalanang kalikasan, kung kaya namumuhay tayo sa isang kalagayan ng patuloy na pagkakasala at pagtatapat. Ang kaya ko lang gawin noon ay pilitin ang sarili kong huwag magkasala, magbasa ng mga Kasulatan, at sumunod sa mga patakaran ng monasteryo, ngunit hindi ako nito napigilang magkasala. Pagkatapos ay naunawaan ko na ang paraan lang para malutas ang problema ng pagiging makasalanan ay ang mahatulan at malinis ng Diyos sa mga huling araw. Sabik kong tinanong ang sister na ito kung paano ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol para linisin ang mga tao. Nagpalabas siya ng isang video ng pagbasa ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas Niya nang pangmatagalan. Ang lahat ng ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan). Ipinagpatuloy niya ang kanyang pagbabahagi pagkatapos naming panoorin ang video. “Ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos ang mga katotohanan sa mga huling araw para hatulan at linisin ang mga tao. Ipinapahayag Niya ang lahat ng katotohanang kailangang maunawaan at mapasok ng tiwaling sangkatauhan para malinis at ganap na mailigtas. Naibunyag na Niya ang mga misteryo ng Kanyang anim na libong taong plano ng pamamahala, at inilantad ang mga misteryo ng gawain ng Diyos sa katawang-tao, ang mga misteryo ng Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw at ng Kanyang mga pangalan. Inilalantad din Niya ang ugat ng kung bakit nagkakasala ang sangkatauhan at kinakalaban ang Diyos at ang katotohanan ng pagtiwali sa atin ni Satanas at lahat ng uri ng mga tiwaling kalagayan. Bukod doon, ibinubunyag Niya ang banal, matuwid, at hindi nalalabag na disposisyon ng Diyos at sinasabi sa atin kung sino ang nakalulugod sa Kanya, sino ang nakapagpapasuklam sa Kanya, sino ang makapapasok sa kaharian ng Diyos at sino ang parurusahan, at ang destinasyon at kalalabasan para sa bawat uri ng tao. Binibigyan din Niya tayo ng landas para baguhin ang ating mga disposisyon sa buhay. Sumasailalim na ngayon ang mga taong hinirang ng Diyos sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, at nakikita na sa wakas kung gaano tayo lubhang nagawang tiwali ni Satanas, na puno tayo ng mga satanikong disposisyon, tulad ng kayabangan at pagiging mapanlinlang. Ni bahagya ay hindi natin isinasabuhay ang isang wangis ng tao. Nakikita rin natin ang matuwid na disposisyon ng Diyos na walang pinalalampas na pagkakasala at nagkakaroon tayo ng may-takot-sa-Diyos na puso, nagsisimulang tunay na magsisi at kamuhian ang ating sarili, at nagiging handang talikdan ang laman at isagawa ang katotohanan. Pagkatapos ay unti-unting nababago ang ating mga tiwaling disposisyon at hindi na tayo labis na mapaghimagsik at mapanlaban sa Diyos, kundi nagkakamit tayo ng kaunting pagpapasakop sa Kanya.” Matapos ang kanyang pagbabahagi nagpalabas siya ng isang video ng patotoo para sa akin na tinawag na Nagpapakita ang Tunay na Liwanag. Ang bida ay may ilang munting talento na ginagamit niya para umaktong panginoon sa iba, at minamaliit niya ang lahat. Mayabang siya at mapanghamak at gusto niyang makinig sa kanya ang lahat. Mananampalataya siya at maraming beses na nagdarasal at nagtatapat, pero hindi niya maiwasang uminit ang ulo at pagalitan ang iba. Dumidistansya ang lahat ng kanyang kasamahan at takot sa kanya ang kanyang asawa at anak na babae. Wala siya ni isang katapatang-loob. Dahil namumuhay sa kasalanan, labis siyang nagdurusa. Matapos niyang tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, ipinapakita sa kanya ng paghatol at paghahayag ng mga salita ng Diyos na kaya palagi niyang inuuna ang kanyang sarili, itinataguyod ang sarili bilang makapangyarihan, at hinihingi ang pagsunod ng iba ay dahil mayabang siya at hindi makatwiran, at na ang mga ito ay mga pagpapahayag ng mga satanikong disposisyon. Nakaririmarim ito sa Diyos at nagpapalayo para sa iba. Sa sandaling napagtanto niya ito, tunay niyang kinamuhian ang sarili at napuno ng pagsisisi. Pagkatapos ay gumamit siya ng mas malumanay na paraan ng pakikitungo sa iba at kapag nahaharap sa isang problema, tinatalikdan niya ang laman, hinahanap ang katotohanan, at nakikinig sa iba. Unti-unti na siyang nagiging hindi kasingyabang ng dati.

Nakakasabik para sa akin na mapanood ang video na ito. Nakita ko na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, na talagang kaya ng mga itong linisin at baguhin ang mga tao. Nagsimula akong magbasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa tuwing may pagkakataon ako at manood ng mga pelikulang pang-ebanghelyo at mga video ng himno mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Habang lalo akong nanonood, mas nagiging malinaw ang pakiramdam ko sa puso ko. Naging sigurado ako na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan at ang tinig ng Banal na Espiritu, na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoon. Tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Salamat sa Diyos.

Sinundan: 86. Ano ang Dapat Nating Hangarin sa Buhay?

Sumunod: 88. Sa Gitna ng Pagpapahirap at Pagdurusa ay Nakita Kong …

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito