Paano Hangarin ang Katotohanan (27)

Tungkol sa paksa ng “pagbitiw” sa “Paano Hangarin ang Katotohanan,” nagbahaginan tayo hanggang sa nilalaman na may kinalaman sa mga kuru-kuro at imahinasyon sa loob ng paksa ng “pagbitiw sa mga hadlang sa pagitan ng sarili at ng Diyos, at sa pagkamapanlaban ng isang tao sa Diyos.” Nitong nakaraang ilang beses, nagbahaginan tayo tungkol sa “pagbitiw sa mga kuru-kuro at imahinasyon tungkol sa Diyos na nagkatawang-tao.” Ngayon ay ipagpapatuloy natin ang pagbabahaginan tungkol dito. Tungkol sa mga kuru-kuro at imahinasyon tungkol sa Diyos na nagkatawang-tao, nagbahaginan tayo tungkol sa ilang paksa na may kinalaman sa normal na pagkatao ng Diyos na nagkatawang-tao, hindi ba? Kaya, ano ang pinagbahaginan natin noong nakaraan? Nagbahaginan tayo tungkol sa ilang partikular na pagpapamalas na may kinalaman sa pagsasabuhay at mga pagbubunyag ng normal na pagkatao ng Diyos na nagkatawang-tao, gayundin sa ilang prinsipyo ng sariling asal at paggawa ng mga bagay sa loob ng normal na pagkatao ng Diyos na nagkatawang-tao, at pagkatapos ay nagbahaginan tayo tungkol sa kung anong mga bagay ang hindi ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao pagdating sa Kanyang pagkatao. Ang pagbabahaginan tungkol sa mga aspektong ito ay tumutulong sa mga tao na mas maunawaan ang disposisyong diwa ng nagkatawang-taong laman ng Diyos at ang Kanyang mga prinsipyo ng sariling asal at paggawa ng mga bagay, gayundin ang ilan sa Kanyang mga partikular na pagpapamalas at pagbubunyag. Kapag nagbabahaginan tayo tungkol sa mga pagpapamalas na ito ng Diyos na nagkatawang-tao—sa anyo man ng mga katunayan, mga halimbawa, o mga partikular na prinsipyo para sa paggawa ng mga bagay—nasasaklaw ng mga ito ang lahat ng uri ng maliliit na usapin sa buhay. Tila hindi kabilang sa mga ito ang anuman sa mga dakila at nangungunang tagumpay o mararangal na kilos na karapat-dapat hangaan na umiiral sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao; ang mga pagpapamalas ng Diyos na nagkatawang-tao ay pawang napakakaraniwan at napakaordinaryo. Dahil mismo namumuhay ang Diyos na nagkatawang-tao sa gitna nitong ordinaryo at tiwaling sangkatauhan, ang mga normal at praktikal na pagpapamalas Niyang ito ay, sa isang banda, ang mga hindi maiiwasang pagpapamalas ng pagkatao ng nagkatawang-taong laman ng Diyos, at sa kabilang banda, isang normal na pangangailangan ng Diyos na nagkatawang-tao sa pamumuhay sa gitna ng sangkatauhan. Siyempre, ang mga normal at praktikal na pagpapamalas na ito ay nagbibigay rin sa mga tao ng ilang impormasyon o landas tungkol sa pagkakilala sa Diyos. Nagbibigay-daan ang mga ito sa mga tao na makilala ang pagiging praktikal at pagiging normal ng Diyos sa pamamagitan ng praktikal na pagsasabuhay at mga praktikal na prinsipyo ng sariling asal ng nagkatawang-taong Diyos sa gitna ng mga tao, at makilala rin ang Diyos sa langit, na nagbibigay-kakayahan sa kanila na mas tumpak na maunawaan ang Diyos sa langit, at tumpak na maunawaan ang Kanyang diwa bilang isang normal at ordinaryong tao sa lupa.

Sinasabi ng ilang tao, “Ang mga bagay at halimbawang ito na sinasabi Mo na may kinalaman sa normal na pagkatao ng Diyos na nagkatawang-tao ay pawang napakakaraniwan; ang mga ito ay pawang napakaliit at di-kapansin-pansing mga bagay sa pang-araw-araw na buhay. Maaari Ka bang magsalita tungkol sa ilang katunayan na misteryoso at di-maarok, o tila partikular na maringal?” Dito ay sinasabi Ko, hanggang ngayon, talagang wala pang ganoon. Namumuhay ang Diyos na nagkatawang-tao sa loob ng katunayan ng normal na pagkatao, at sa isang partikular na kapaligiran ng pamumuhay, at bukod sa paggawa ng gawain ng Diyos Mismo, ginugugol Niya ang natitirang oras Niya sa loob ng saklaw ng buhay ng Kanyang normal na pagkatao, nakikisalamuha sa mga kapatid o nangangasiwa ng ilang maliit na problema sa iglesia. Kaya, bukod sa mga halimbawang pinagbahaginan natin na may kinalaman sa mga prinsipyo at kredo ng Kanyang pag-asal at paggawa ng mga bagay, hindi Siya nagsasagawa ng anuman sa mga dakila at nangungunang tagumpay o pambihirang gawa na naiisip ninyo. Maaaring hindi ito inaasahan ng mga tao, at maaaring hindi ito umaayon sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao, pero ganito ang mga bagay-bagay sa katunayan. Ang pagbabahaginan natin tungkol sa paksa ng Diyos na nagkatawang-tao ay pangunahing may kinalaman sa ilang pagpapamalas, pagsasabuhay, at mga partikular na prinsipyo ng sariling asal at paggawa ng mga bagay ng Diyos na nagkatawang-tao sa Kanyang normal na pagkatao. Naiiba ito sa kung paano isinasalaysay sa mundo ang mga gawa ng mga dakilang tao at mga sikat na tao. Kapag pinag-uusapan ng mga tao sa mundo ang isang dakila, sikat, o pambihirang tao, palagi nilang pinag-uusapan kung gaano siya katangi-tangi, kapambihira, at kadakila, at pinag-uusapan nila ang karisma niya, pangunahing nakatuon sa kung gaano siya katayog at karingal. Gayumpaman, ang pinag-uusapan natin na may kinalaman sa Diyos na nagkatawang-tao ay ganap na kabaligtaran ng sinasabi ng mundo tungkol sa mga pambihirang taong iyon at mga dakilang taong iyon. Pangunahin nating pinag-uusapan kung paanong ang Diyos na nagkatawang-tao ay normal, praktikal, ordinaryo, at hindi pambihira. Pinag-uusapan lang natin ang mga kongkretong halimbawa—maliliit na halimbawa pa nga mula sa pang-araw-araw na buhay—pinag-uusapan kung ano ang mga prinsipyo at pananaw na may kinalaman sa Kanyang sariling asal at paggawa ng mga bagay. Ang mga kaisipan at pananaw, prinsipyo, at pamamaraang ito ng sariling asal at paggawa ng mga bagay ay pawang nakabatay sa konsensiya at katwiran ng normal na pagkatao. Pangunahin nating pinag-uusapan kung paano Siya umaasal at kung paano Siya gumagawa ng mga bagay. Gayumpaman, napakakaunting tao sa mundo ang nag-uusap tungkol sa kung paano umasal. Kahit pa napag-usapan ng ilang tao ang paksang ito, hindi sila nakapagbigay ng maraming partikular na halimbawa, lalong hindi nila nagawang magpahayag ng anumang prinsipyo ng sariling asal. Hindi nila pinag-uusapan kung anong mga positibong prinsipyo, positibong pamamaraan, o tamang kaisipan at pananaw mayroon ang mga sikat na tao at mga dakilang tao sa kanilang pag-asal at paggawa ng mga bagay. Pinag-uusapan lang nila ang kanilang mga nagawa, ang kanilang talento at natutuhan, at ang kanilang espiritu, at pinag-uusapan din nila kung anong uri ng nangingibabaw na posisyon ang hawak nila sa gitna ng sangkatauhan dahil sa mga bagay na ito. Ang pinag-uusapan nila ay ganap na kabaligtaran ng normal na pagkatao na taglay at dala ng Diyos na nagkatawang-tao na pinagbabahaginan natin ngayon. Ang ipinapaalam at ipinapaunawa sa inyo ng nagkatawang-taong laman ng Diyos ay ang mga prinsipyo at kredo ng sariling asal at paggawa ng mga bagay na isinasabuhay at taglay sa loob ng Kanyang normal at praktikal na pagkatao. Ang mga prinsipyo at kredong ito ng sariling asal at paggawa ng mga bagay ay perpektong tumutugma sa mga hinihingi ng Diyos para sa sangkatauhang nilalayon Niyang iligtas. Taglay ng nagkatawang-taong laman ng Diyos ang gayong pagkatao, at taglay ang iba’t ibang kaisipan at pananaw—kasama na ang Kanyang mga prinsipyo at kredo ng sariling asal at paggawa ng mga bagay—sa loob ng normal at praktikal na pagkataong ito. Dahil lang dito kung kaya nagagawa Niyang katawanin ang Diyos sa paggawa ng gawain ng Diyos Mismo, at kompletuhin ang gawain at ministeryo na dapat gampanan nang maayos ng Diyos na nagkatawang-tao sa kapanahunang ito, sa loob ng gayong pagkatao, kung kaya nagagawa Niyang ganap na ipaalam sa sangkatauhan ang kinakatawang disposisyon na nilalayon ng Diyos na ipahayag sa kapanahunang ito, at—siyempre—maging ganap na may kakayahan para sa gawain ng pagpapahayag ng katotohanan na nilalayon ng Diyos na gawin sa yugtong ito ng gawain. Kung ang pagkataong diwa na isinasabuhay, ibinubunyag, at taglay ng nagkatawang-taong laman ng Diyos ay hindi itong pagiging normal, pagiging praktikal, at pagiging ordinaryo na pinagbabahaginan natin, o kung hindi Niya taglay ang mga prinsipyo at kredong ito ng sariling asal na pinagbabahaginan natin, kundi sa halip ay taglay ang pagkataong diwa ng mga sikat na tao at mga dakilang tao na pinag-uusapan at iginagalang ng mga walang pananampalataya, ano ang ibubunga nito? (Hindi Niya tayo maaakay na tahakin ang daan ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan.) Magbubunga ito ng isang ganap na ibang sitwasyon. Ipagpalagay na taglay ng nagkatawang-taong laman ng Diyos ang pagkataong diwa ng isang di-nananampalatayang dakilang tao o sikat na tao—isang tao na matayog, pambihira, katangi-tangi, misteryoso at di-maarok. Ang ganitong uri ng tao ay walang mga hangganan sa pag-asal at paggawa ng mga bagay, palaging nagsisinungaling, at hindi umaasal o gumagawa ng mga bagay nang sumusunod sa panuntunan o nang may mabuting pag-uugali, at hindi niya alam ang kanyang lugar at hindi siya kumikilos nang tapat sa tungkulin, at ang mga paghahangad, kaisipan, at pananaw niya ay kapareho ng sa mga walang pananampalataya—hinahangad lang ang matatayog at mariringal na bagay, at nakatuon sa mga kaloob, kaalaman, at mga abilidad na higit sa natural. Sa anong uri ng landas kayo aakayin ng ganitong uri ng tao? (Hindi niya kami maaakay sa landas ng kaligtasan. Sa kabaligtaran, ang mga sumunod sa kanya ay lalo lang magiging tiwali at buktot.) Ang gayong tao ay walang mga positibong prinsipyo ng pag-asal; ang kanyang mga pamamaraan at prinsipyo ng pag-asal ay hindi positibo, kundi sataniko. Kaya, ang mga prinsipyo at kredo ng pag-asal ng taong ito na kay Satanas ay lubhang kumakatawan sa kanyang pagkataong diwa. Ano ang mga paghahangad at landas na tinatahak ng isang taong may ganitong uri ng pagkataong diwa? Ang mga ito ay ganap na kapareho ng kay Satanas. Ang kanyang mga paghahangad at ang landas na tinatahak niya ay pawang nagmumula kay Satanas at kaayon ni Satanas. Kung gayon, hindi ba’t ang mga sumunod sa kanya ay susunod sa kanyang pamumuno, magkakaroon ng parehong mga paghahangad tulad ng sa kanya, at tatahak sa parehong landas? (Oo.) Ang mga taong iyon ay susunod sa kanyang pamumuno, tutulad sa kanyang mga prinsipyo ng pag-asal, at, tulad niya, maghahangad ng kaalaman, katayuan, pagiging higit sa natural, at matatayog at mariringal na bagay, ng lahat ng bagay na pambihira, at lahat ng tila misteryoso at di-maarok para sa mga tao. Walang sinuman ang makapagtatamo ng kaligtasan sa pamamagitan ng pagsunod sa gayong tao; sa halip, lalala lang sila nang lalala. Ang gayong grupo ay hindi matatawag na isang iglesia, pangunahin na dahil silang lahat ay humiwalay na sa gawain ng Diyos at wala sa kanila ang gawain ng Banal na Espiritu. Ang lider na sinunod nila ay hindi itinatag ng Diyos, lalong hindi isinugo ng Diyos. Kahit na tawagin pa nilang lahat ang kanilang sarili na isang iglesia, wala itong magiging silbi; babalewalain sila ng Diyos. Gaano man nila tawagin ang kanilang sarili na isang iglesia, hindi sila kikilalanin ng Diyos, at hindi gagawa ang Banal na Espiritu sa kanila. Tuturuan ng lider na iyon ang mga tao na gawin kung anuman ang gusto niya; ipagkakaloob niya sa mga tao kung anuman ang nasa loob niya, at iyon ang makakamit ng mga tao mula sa kanya. Wala siyang katotohanan, at hindi niya mapagkakalooban ang mga tao ng anumang positibong bagay at hindi niya sila magagabayan sa tamang direksyon, kaya magiging imposible para sa mga tao na makamit ang katotohanan mula sa kanya. Sa pinakamabuti, makakakuha lang ang mga tao ng kaunting kaalaman at matututo ng ilang propesyonal na kasanayan mula sa mundong walang pananampalataya o ng ilang kapabilidad sa isang partikular na larangan mula sa kanya. Sa madaling salita, ang isang taong tulad nito, na hindi nagtataglay ng pagiging normal at pagiging praktikal, o ng dibinong diwa bilang kanilang buhay, ay hindi matatawag na Diyos na nagkatawang-tao; hindi niya madadala ang mga tao sa harap ng Diyos, ni maaakay ang mga tao patungo sa landas ng kaligtasan. Kung titingnan ang mga katunayang ito, sa sangkatauhan, mayroon bang sinuman bukod sa nagkatawang-taong laman ng Diyos na maaaring kumatawan sa Diyos para gawin ang Kanyang gawain? (Wala.) Mayroon bang sinuman na maaaring kumatawan sa Diyos para iligtas ang sangkatauhan mula sa kanilang mga tiwaling disposisyon? (Wala.) Ang buhay at pagkataong diwa na taglay ng sinumang miyembro ng ordinaryong sangkatauhan ay halos pare-pareho lang lahat—ang gayong buhay at pagkataong diwa ay pawang ginawang tiwali ni Satanas; para sa mga tao, ang mga tiwaling disposisyon ay ang kanilang buhay. Kaya, kung titingnan man mula sa perspektiba ng pagkatao ng mga tao o ng buhay diwa ng mga tao, walang ni isang tao sa buong sangkatauhan ang may kakayahan para sa gawaing ito ng Diyos na nagkatawang-tao, at hindi rin magagawa ng sinumang tiwaling tao na kumatawan sa Diyos para iligtas ang tiwaling sangkatauhan mula sa katiwalian. Natural na sinasabi rin ng mga katunayang ito sa mga tao: Walang tiwaling tao ang makapagsasabi sa sangkatauhan kung ano ang mga positibong bagay at kung ano ang mga negatibong bagay, at walang tiwaling tao ang makapagsasabi sa mga tao kung ano ang katotohanan o kung ano ba talaga ang mga layunin ng Diyos. Ang ipinagkakaloob ng mga tiwaling tao sa ibang tao ay kaalaman lang, pati na rin ang iba’t ibang kasanayan, kapabilidad, o kaloob na hinahangad ng tiwaling sangkatauhan, at iba’t ibang taktika sa pag-asal at paggawa ng mga bagay, mga pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo, at iba’t ibang kaisipan at pananaw na nagmumula kay Satanas. Ang mga tao mula sa lahat ng lahi ay may iisang katangian. Ano ang iisang katangiang ito? Itinuturing nilang lahat ang mga medyo positibo, o medyo may mabuting intensiyon, konserbatibo, at tradisyonal na mga bagay sa gitna nila, bilang mga positibong bagay, at sinusubukan nilang palitan ang katotohanan at ang mga layunin ng Diyos ng mga ito. Naniniwala ang mga tao na sa pamamagitan ng pagkapit sa mga bagay na ito, nakamit nila ang tunay na daan at maaari silang magtamo ng kaligtasan. Ang katunayan, ang mga bagay na ito ay ganap na walang kinalaman sa mga hinihingi ng Diyos sa sangkatauhan. Tingnan mo, sa sangkatauhan, gaano man katuso ang mga tao, gaano man kalaki ang kanilang mga kaloob o gaano man kahusay ang kanilang talento at gaano man sila kaedukado, o gaano man kabait at kamapagkawanggawa ang kanilang pagkatao sa panlabas, wala ni isang tao ang makakaunawa sa katotohanan, at wala ni isang tao ang makakakilatis kung ano ang mga positibong bagay at kung ano ang mga negatibong bagay. Bago ginawa ng Diyos ang Kanyang gawain, at bago ipinahayag ng Diyos ang Kanyang mga salita, halos lahat ay itinuring ang tradisyonal na kultura bilang isang positibong bagay, at iginalang pa nga ng ilang tao ang tradisyonal na kultura bilang ang katotohanan. Samakatwid, paano mo man ito tingnan, kung hindi ang Diyos na nagkatawang-tao ang nagpapahayag ng mga katotohanang ito at gumagawa ng gawaing ito sa loob ng normal na pagkatao, kundi sa halip ay sinumang miyembro ng sangkatauhan ang gumagawa ng gawaing ito, aakayin lang nila ang mga tao patungo sa isang landas na lumilihis sa mga salita at layunin ng Diyos.

Tingnan natin ang isang simpleng halimbawa. Kung hihilingin sa mga tao na pumili ng mga kasuotan para sa isang programa ng sayaw, paano sila pipili? Sa teorya, alam ng lahat na kapag gumagawa ng isang programa ng sayaw ang mga mananampalataya sa Diyos, lalo na para sa isang video na ipa-publish online, ang mga damit na isinusuot nila at ang kanilang pag-uugali ay kumakatawan sa mga tao ng Diyos. Kaya, ang mga kasuotang pipiliin ay dapat na maayos at disente, hindi mga kakatwang kasuotan. Pagdating sa pagiging maayos at disente, maraming bagay ang nakapaloob dito. Batay sa mga kuru-kuro ng mga tao, anong uri ng pananamit ang itinuturing na maayos at disente? Ito ang pananamit na pinakamadalas na isinusuot ng iba’t ibang pangkat etniko, pananamit na medyo tradisyonal at konserbatibo at mukhang angkop sa lahat. Hindi ito kakatwa o masyadong sunod sa uso. Ito ang itinuturing nila na maayos at disenteng pananamit, batay sa mga kuru-kuro ng mga tao. Ano ang mga pananaw ng karamihan sa mga kapatid sa iglesia tungkol sa pagpili ng mga kasuotan para sa mga programa? Tingnan mo, kapag gumagawa ng isang pelikula, ang mga pananaw na pinanghahawakan ng taong namamahala sa mga kasuotan ay aktuwal na kumakatawan sa mga pananaw ng karamihan sa mga tao. Ang mga estilo ng pananamit na pinipili niya ay pawang mga karaniwang isinusuot ng karamihan sa mga tao noong dekada otsenta at nobenta. Ang mga kulay ay kadalasang asul, khaki, o kulay-abo, na may mga pagkakaiba lang sa kung gaano kadilim o kapusyaw ang mga ito. Sa pangkalahatan, iyong dalawa o tatlong simpleng kulay lang na iyon. Bakit hindi sila pumili ng ilang matitingkad na kulay? Ayon sa mga kuru-kuro ng mga tao, ang mga mananampalataya sa Diyos ay pawang maayos at disenteng mabubuting tao, kaya dapat nilang piliin ang iilang pinakakaraniwan at pinakaordinaryong kulay na ito para sa kanilang mga damit. Tingnan mo, ang gayon kasimpleng bagay tulad ng pagpili ng estilo at kulay ng mga kasuotan ay ganap na nagbubunyag sa mga kuru-kuro at sa mga walang-katotohanang kaisipan at pananaw tungkol sa pananampalataya sa Diyos sa puso ng mga tao. Ibig sabihin, nagkikimkim ang mga tao ng isang napakalubhang kuru-kuro sa loob nila; naniniwala ang maraming tao na ang pananampalataya sa Diyos ay nangangailangan ng pananatili sa mga makalumang pamamaraan at pagpapanumbalik ng tradisyon. Ayon sa kanilang mga kuru-kuro, tanging ang mga tradisyonal, luma, atrasado, at laos na bagay ang mga positibong bagay, at tanging ang mga ito ang nakakalugod sa Diyos. Ito ba ang iniisip ng karamihan sa mga tao? (Oo.) Ito ang nasa isipan ng mga tao. Tinutukoy ng lahat ng tao ang mga tradisyonal, atrasado, luma, at makalumang bagay na iyon bilang mga positibong bagay. Samakatwid, sa paggawa ng programa, hindi man lang makagawa ang mga tao ng mga tumpak na pagpili tungkol sa mga kulay at estilo ng mga kasuotan, na isa sa mga pinakasimple at pinakapangunahing bagay. Sinusukat nilang lahat ang isyung ito gamit ang kanilang mga kuru-kuro, at partikular silang konserbatibo, gayundin ay partikular na hangal at matigas ang ulo. Sabihin ninyo sa Akin, gaano karaming kuru-kuro ba mayroon ang mga tao tungkol sa Diyos! Ang mga positibong bagay na tinutukoy ng mga tao, at ang mga bagay na iniisip ng mga tao na gusto ng Diyos, ay pawang tradisyonal na kultura gaya ng naiisip sa mga kuru-kuro ng mga tao, o ang mga bagay sa sangkatauhan na tinatanggap at kinikilala ng mga makamundong tao; ganap na walang kinalaman sa katotohanan ang mga ito. Kaya sabihin ninyo sa Akin, Ako ba ay isang tradisyonalista o isang modernista? (Ang Diyos ay hindi isang tradisyonalista ni isang modernista.) Sinasabi ng ilang tao, “Sa pamamagitan ng Iyong ibinahagi, alam namin na hindi Mo gusto ang tradisyonal na kultura, dahil namumuhay Ka sa kasalukuyan. Kahit papaano man lang, hindi Ka tradisyonal, at hindi Ka kumakapit sa mga makalumang pamamaraan.” Sinasabi ninyo na hindi Ako tradisyonal, kaya Ako ba ay isang modernista? (Hindi.) Paano ninyo nasasabi na hindi Ako isang modernista? (Ang mga tao sa mundo ngayon ay napakahilig sa mga uso, pero itinuturo sa atin ng Diyos na maging maayos at disente, na sumasalungat sa mga uso.) Hindi lang ang mga tao ngayon ang mahilig sa mga uso; mahilig din sa mga uso ang mga tao noong sinaunang panahon. Mahilig sa mga uso ang lahat ng walang pananampalataya. Ang pagkahilig sa mga uso ay hindi nangangahulugang ang isang tao ay isang modernista. Kaya paano dapat sagutin ang tanong na ito? Pagnilayan ninyo ito nang kaunti. Nakita mo na ba Akong magsuot ng sinaunang kasuotan kahit kailan? Nagsusuot ba Ako ng tradisyonal na kasuotan? Nagsusuot Ako ng modernong kasuotan. May kinalaman ito sa normal na pagkatao ng Diyos na nagkatawang-tao. Sa alinmang kapanahunan namumuhay ang Diyos na nagkatawang-tao, at anumang antas ng pag-unlad ang naabot ng mga tao sa kapanahunang iyon pagdating sa pangangasiwa ng mga pangunahing pangangailangan, natural na ginagamit ng Kanyang normal na pagkatao ang parehong pamamaraan na ginagawa nila para dito; hindi Siya aatras. Hindi ba’t ito ay isang pagpapamalas ng normal na pagkatao? (Oo.) Ang Kanyang normal na pagkatao ay may pagkamakatwiran, kaya pagdating sa mga pangunahing pangangailangan, natural Niyang alam kung ano ang angkop na piliin. Ito ay sa isang banda. Sa kabilang banda, tradisyon man ito o pagiging moderno, hindi ito isang anyo, kundi sa halip ay kumakatawan sa isang kalakaran ng kaisipan at isang pananaw. Kaya positibo ba ang tradisyon, o positibo ba ang pagiging moderno? Sa tingin Ko, hindi positibo ang alinman sa mga ito. Alinman sa mga ito ay walang kinalaman sa katotohanan; ang mga ito ay kapwa ginawa ng tiwaling sangkatauhan sa ilalim ng impluwensiya ni Satanas. Maging ito man ay mga tradisyonal na kaisipan at pananaw, o mga modernong kaisipan at pananaw, anumang hindi nagmumula sa Diyos ay isang negatibong bagay, hindi isang positibong bagay. Maging ito man ay mga tradisyonal na pangunahing pangangailangan, o mga modernong pangunahing pangangailangan, ang layunin ng mga ito ay palaging ang tugunan ang mga pangangailangan ng normal na pagkatao. Sa alinmang kapanahunan ipinanganak ang Diyos na nagkatawang-tao, namumuhay Siya sa loob ng normal at praktikal na pagkatao, at ang Kanyang mga prinsipyo ng sariling asal at paggawa ng mga bagay ay hindi nagbabago. Sa lahat ng Kanyang ginagawa at sa Kanyang pagtrato sa lahat ng bagay, kumikilos Siya ayon sa mga prinsipyo ng mga salita ng Diyos at sa mga prinsipyo na nagmumula sa Kanyang panloob na buhay disposisyon; hindi Niya pinapanatili o sinusunod ang tradisyon, ni sinusunod ang pagiging moderno o sinusunod ang mga uso. Samakatwid, ang mga hinihingi ng nagkatawang-taong Diyos sa mga sumusunod sa Kanya ay hindi nakabatay sa tradisyon ni naiimpluwensiyahan ng pagiging moderno. Ang iba’t ibang kaisipan at pananaw o mga katotohanang taglay at ibinabahagi Niya ay pawang nagmumula sa Diyos, mula sa dibinong diwa ng Diyos at sa buhay ng Diyos; walang kinalaman ang mga ito sa sa tradisyonal na kultura o modernong kaalaman.

Kapag tinitingnan ang mga kasuotang pinili para sa mga programa ng sayaw na ginawa ng sambahayan ng Diyos, may nakilatis ba kayong anumang prinsipyo? Bakit pinili ang mga estilo at mga kulay na iyon? Kung nauunawaan ninyo ang mga prinsipyo rito, tunay na nauunawaan ninyo ang kaunting katotohanan, at mayroon kayong espirituwal na pang-unawa; kung hindi mo man lang maunawaan ang mga prinsipyo sa gayon kasimpleng bagay, isa kang tao na magulo ang isip na masyadong mahina ang kakayahan, at hindi mo naunawaan ang katotohanan sa kabila ng pakikinig sa mga sermon sa loob ng napakaraming taon. Bilang simula, kapag gumagawa tayo ng mga programa ng sayaw, tradisyonal ba o moderno ang mga damit na isinusuot ng mga nagtatanghal? (Moderno ang mga ito.) Pawang mga modernong damit ang mga ito—mga ordinaryo at pang-araw-araw na kasuotan pa nga. Hindi nakakaunawa ang ilang tao, sinasabi nila, “Ang mga programa natin ng sayaw ay mga artistikong programa, kaya bakit nagsusuot lang ng mga ordinaryo at pang-araw-araw na kasuotan, sa halip na mga kasuotang pang-entablado, ang mga nagtatanghal? Ang mga kasuotan na may mga butil at sequin ay partikular na magaganda. Tingnan ninyo ang mga kasuotang isinusuot sa entablado niyong mga pambansang grupo ng sayaw—magaganda, katangi-tangi, at mariringal ang mga ito, at nagniningning ang mga ito kapag natatamaan ng mga ilaw. Kung magsusuot din ng gayong mga kasuotan ang mga tagapagtanghal natin kapag gumagawa tayo ng mga programa, hindi ba’t mas magpapaganda iyon sa kanila at mas luluwalhati sa Diyos? Hindi ba’t mas maipapamalas nito ang kapangyarihan ng sambahayan ng Diyos, at mas magbibigay-daan ito sa mga walang pananampalataya o mga relihiyosong tao na makita ang lakas ng sambahayan ng Diyos?” Tama ba ang pananaw na ito? (Hindi.) Una sa lahat, sabihin ninyo sa Akin ito—bakit nagsusuot ng mga ordinaryo at pang-araw-araw na kasuotan ang mga tagapagtanghal sa halip na magagandang kasuotan kapag gumagawa tayo ng mga programa ng sayaw? (Kung ang mga kapatid ay pawang magsusuot ng partikular na magagandang kasuotan kapag sumasayaw, magtutuon ang mga manonood sa mga damit at sa hitsura ng mga tagapagtanghal. Pero kung magsusuot sila ng mga ordinaryong damit at mukha silang maayos at disenteng mga tao, hindi maaakit ang mga manonood sa mga panlabas na bagay na ito, at itutuon nila ang kanilang isipan sa mga salita ng Diyos.) Tama kayo tungkol sa isang bagay—ang hindi pagsusuot ng magagandang kasuotan ay para maiwasan na magtuon ang mga tao sa anyo at panlabas na hitsura. Mayroon ding isa pang punto, na siyang pinakamahalaga: Pagsayaw o pagkanta man ito, kapag gumagawa tayo ng mga programa, ano ang layunin? (Ang magpatotoo sa Diyos.) Ito ang tanging layon. Pagsayaw man o pagkanta, ang lahat ng ito ay para magpatotoo sa Diyos. Hindi ito para itampok ang sinumang indibidwal, ni para palugdan ang sinuman; ito ay para lang magpatotoo sa Diyos. Kaya, sapat na para sa mga tagapagtanghal na magsuot ng simple, tama ang sukat, maayos at disente, at kaaya-ayang mga damit na nakakamit ang layunin ng pagpapatotoo sa Diyos. Ang kalikasan ng mga programang ginagawa natin ay hindi mga programa ng libangan. Ano ang mga programa ng libangan? Ang mga programa ng libangan ay mga bagay na pinapanood ng mga tao para sa paglilibang sa kanilang libreng oras; ang mga ito ay para lang palugdan ang mga tao. Kapag nagpapahinga ang mga tao, nanonood sila ng isang programa para magsaya, magrelaks, makaramdam ng kaligayahan, makalimutan ang kanilang mga alalahanin, at maibsan ang kanilang stress. Pagkatapos, bumabalik sila sa anumang gawaing kailangan nilang gawin, nang hindi ito pinag-iisipan o nagkakaroon ng anumang damdamin tungkol dito. Ito ang mga programa ng libangan. Paano naman ang mga programang ginagawa natin? Sa usapin ng anyo, ang mga ito ay libangan, pero sa diwa, ang mga ito ay hindi para palugdan ang publiko, ni para magpakitang-gilas ng artistikong kasanayan. Ang layon ng mga programang ginagawa natin ay para magpatotoo sa Diyos. Halimbawa, kapag gumagawa ng mga programa ng himno, ang layunin ng mga himno ng mga salita ng Diyos ay para magpatotoo at magpalaganap ng katotohanan ng mga salita ng Diyos, na nagbibigay-daan sa mga tao na lumapit sa harap ng Diyos; ang layunin ng mga himnong batay sa karanasan ay ang magpatotoo sa mga epektong nakamit ng gawain ng Diyos at sa mga resultang naidulot ng gawain ng Diyos sa mga tao. Sa madaling salita, anuman ang uri ng mga programang ginagawa natin, ang mga ito ay hindi purong mga programa ng libangan. Ang layunin ng mga ito ay hindi ang kumuha ng atensiyon ng mga tao o tulungan ang mga tao na magpalipas ng oras at libangin ang kanilang sarili, lalong hindi ito ang magpakitang-gilas ng artistikong kasanayan. Mayroon lang iisang layon para sa mga programang ginagawa natin, at iyon ay ang ipalaganap ang mga salita ng Diyos at magpatotoo sa gawain ng Diyos, ipinapaalam sa mas maraming tao na ang Diyos ay nagkatawang-tao at nagsasagawa ng isang bagong yugto ng gawain, ipinapaalam sa mas maraming tao na ang gawain ng Diyos ay nagkamit na ng isang grupo ng mga tao, at na ang Diyos ay gumagawa at nagsasalita ngayon. Ito ang tanging layunin ng mga programang ginagawa natin. Dahil ito ang layunin ng mga programang ginagawa natin, kung nagsusuot ang mga tao ng magagandang damit at makapal na makeup, at mayroon silang lahat ng uri ng kasuotan, hindi ba’t sumasalungat iyon sa layon ng pagpapatotoo sa Diyos? (Oo.) Isa iyang pagsalungat. Samakatwid, hindi tayo tumutuon sa kung ano ang isinusuot ng mga tagapagtanghal. Ano ang tanging bagay na pinagtutuunan natin? Tumutuon lang tayo sa kung ang ipinapakita ng mga programa—ang pag-uugali ng mga kapatid, ang mga galaw sa sayaw, at ang anyo ng mga programa—ay makakakuha ba ng atensiyon ng mga tao, at kung maidudulot ba ng mga ito na magustuhan ng mga tao ang mga ito at maging interesado sila sa mga ito, sa gayon ay nagbibigay sa mga tao ng isang paborableng impresyon at tumutulong sa mga tao na maging handang magsiyasat sa gawain ng Diyos, tumanggap sa mga salita ng Diyos, at kumanta ng mga himno at sumamba sa Diyos kasama ng mga kapatid—ito ang layunin na gusto nating makamit. Para makamit ang layuning ito, pagdating sa mga kasuotan at hitsura ng mga tagapagtanghal, kailangan lang nilang magmukhang maayos at disente, malinis at presentable, at magkaroon ng partikular na mabuting pag-uugali; tungkol naman sa iba pa—magagandang kasuotan, makapal na makeup, at lahat ng uri ng pag-aayos—ang lahat ng iyon ay may mga negatibong epekto. Anong mga negatibong epekto? Kung ang mga sumasayaw na kapatid na babae ay pawang nakadamit tulad ng mga dalaga sa kalangitan, at ang mga kapatid na lalaki ay pawang nakadamit tulad ng mga guwapong lalaki o mayayamang tagapagmana, kapag nakita ito ng mga tao, iisipin nila, “Nagpapasikat kayo. Hindi ba’t nagkikimkim kayo ng masasamang layunin? Hindi ba’t nang-aakit kayo ng mga tao?” Kung mayroong ganitong mga kaisipan ang mga tao, hindi iyon mabuti. Ang mga kapatid ay nagdadamit nang maayos at disente, at kaaya-aya at angkop. Bagama’t, sa pangkalahatan, maaaring hindi sila magmukhang elegante, sila ay partikular na malinis, presentable, disente, at kaaya-aya. Kapag tinitingnan sila ng mga tao, nakikita nila na ang mga taong ito ay may mabuting pag-uugali, na ang mga ito ay mga mananampalataya sa Diyos, at na ang programang ginagawa nila ay isang programang nagpapatotoo sa Diyos, hindi isang bagay na baliko o masama. Tingnan mo, ang mga programa ng mga walang pananampalataya ay pawang tungkol sa pagtingin nang mapang-akit, pagpapalipad ng mga halik, o pagpapakitang-gilas ng mga katawan ng mga tagapagtanghal. Habang sumasayaw, bukod sa pagpapakitang-gilas ng kanilang sining, ipinangangalandakan din ng mga tagapagtanghal ang kanilang mga alindog, hindi nag-aalok ng kahit katiting na positibong gabay. Sa kabaligtaran, ang mga programang ginagawa natin ay naghahatid ng ganap na positibong gabay. Kahit pa gusto ng mga manonood na magkimkim ng mga di-wastong kaisipan, wala silang nakikitang pagkakataon o mga butas para gawin iyon. Kung gusto nilang suriin ang mga katawan at mga katangian ng mukha ng mga tagapagtanghal, hindi nila ito makikita nang malinaw; kung gusto nilang makita kung sino ang nagpapangalandakan ng kanilang mga alindog, hindi rin nila iyon makikita. Nakikita lang nila ang isang ekspresyon—isang ngiti—na nagpapakita ng isang ganap na maayos at disenteng tindig. Ang pinakamahalaga, ang mga programa natin ay hindi tungkol sa pagpapasikat o pagpapalugod sa sinuman, kundi para magpatotoo sa Diyos; ito ay isang pangunahing prinsipyo. Dagdag pa rito, tungkol sa mga estilo ng pananamit na pinili natin para sa pangkat ng mga mananayaw—mga T-shirt, sweatshirt, at sweatpants—maaaring makaramdam ng lubos na kaginhawahan ang mga tao habang sumasayaw nang suot ang mga ito, pero maaaring hindi talaga magustuhan ng ilang kabataan ang mga ito batay sa sarili nilang mga panlasa. Pakiramdam nila ay masyadong ordinaryo ang mga estilong ito, na ito ay pang-araw-araw na kaswal na kasuotan lamang, mga damit na isinusuot mo sa bahay, pero ito mismo ang maayos at disenteng mga damit. Ang mga T-shirt, sweatshirt, at sweatpants ang mga pinakakaraniwang estilo ng kaswal na kasuotan sa panahon ngayon. Bakit natin pinipili ang mga estilong ito? Napansin Ko na malamang ay hindi bababa sa ilang dekada na ngayon mula nang unang lumitaw ang ganitong estilo ng kaswal na kasuotan. Pinipili natin ang estilong ito para sa mga programa natin ngayon dahil sa pagsasaalang-alang sa katunayan na kahit sa susunod pang ilang dekada, hindi ito magiging laos o lipas na. Bukod pa rito, ang estilong ito ay angkop para sa mga taong may iba’t ibang edad at mula sa lahat ng uri sa lipunan; maging sila man ay mga ordinaryong tao o mga tao mula sa mataas na uri, lahat sila ay nagsusuot ng gayong mga damit sa bahay sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Higit pa rito, ang mga damit na ito ay maluluwag at komportable para sa pagsasayaw. Kaya, sa huli ay nagpasya tayo sa ganitong estilo ng pananamit para sa mga kasuotan sa entablado. Gusto man o hindi ng mga taong nagsusuot ng mga ito sa entablado ang mga ito, ang estilong ito ay angkop para sa entablado; ibig sabihin, hindi makakahanap ng anumang kapintasan sa gayong mga damit ang mga manonood ni ang mga nagsusuot. Maaaring sabihin ng mga nagsusuot, “Ang mga damit na ito na pinili Mo para sa amin ay masyadong baduy; hinding-hindi ako magsusuot ng gayong mga damit sa aking pang-araw-araw na buhay.” Ang tugon Ko riyan ay na hindi Ako nakikialam sa kung ano ang isinusuot mo sa iyong pang-araw-araw na buhay. Ang isinusuot mo at ang gusto mo ay kumakatawan sa kung sino ka; kumakatawan ang mga ito sa iyong pagkatao at diwa. Kung hindi mo gusto ang simple, kaaya-aya, maayos, at disenteng mga damit, kundi sa halip ay gusto mo ang mga kakatwang damit, kung gayon ay lubos kang kakaiba. Kung mahilig kang maglantad ng iyong dibdib at likod, maglugay ng iyong buhok, at magsuot ng malaking sunglasses, palaging umaasal na parang isang sikat na tao, kung gayon ay sinasabi Ko na hindi ka miyembro ng sambahayan ng Diyos. Ayaw mong maging maayos at disente; kahit papaano man lang, hindi ka kaayon sa Akin. Ang pagiging maayos at disente, at kaaya-aya at angkop—ito ang prinsipyo para sa pagpili ng mga estilo ng pananamit. Kung gayon, paano dapat piliin ang mga kulay ng pananamit? Sinasabi ng ilang tao, “Ang puti ay kumakatawan sa kabanalan, ang berde ay kumakatawan sa buhay, ang pula ay kumakatawan sa pagdiriwang, at ang dilaw ay kumakatawan sa pagkakaibigan, kaya dapat piliin na lang natin ang mga kulay na ito.” Sinasabi Ko na ito ay kalokohan lamang; ang mga kulay ay hindi kumakatawan sa anumang bagay. Kung gayon, ano ang prinsipyo para sa kung anong mga kulay ang isusuot? Napakasimple nito; mayroon lang iisang prinsipyo: Dapat itong magmukhang malinis sa kamera. Sa partikular, ang ilang kulay ay lubos na matingkad at medyo maliwanag, at maaaring bihirang isinusuot ng mga tao ang mga ito sa kanilang pang-araw-araw na buhay, pero pinili natin ang mga kulay na ito para sa epekto sa entablado at sa biswal na epekto na ibinibigay ng mga ito. Sa isang banda, ang mga kulay na ito ay medyo lubos na matingkad at maliwanag, kaya ang epekto sa entablado na ibinibigay ng mga ito ay maganda. Sa kabilang banda, ang karamihan sa mga kulay na ito ay hindi masyadong kakatwa; walang malamlam sa mga ito, at walang nakakasuklam sa mga tao, kaya ang mga video na ginawa sa ganitong paraan ay may magandang epekto.

Ang kakabahagi Ko lang ay mga prinsipyo para sa pagpili ng mga kasuotan para sa programa ng sayaw. Aling mga aspekto ng mga ito ang malinaw ninyong nakita? Sabihin ninyo sa Akin, angkop ba ang mga prinsipyong ito na isinaalang-alang Ko? (Oo.) Pangunahin itong umiikot sa mga prinsipyo ng pagpapatotoo sa Diyos, hindi pagbibigay ng kahihiyan sa Diyos, at pagkamit ng pinakamagagandang resulta, hindi ba? (Oo.) Mayroon bang anumang aspekto nito na baluktot o sukdulan? (Wala.) Mayroon bang anumang elemento ng pananatili sa mga makalumang pamamaraan? (Wala.) Sa anumang paraan ay hindi ito baluktot o nananatili sa mga makalumang pamamaraan. Kaya ang mga prinsipyo ba nating ito para sa pagpili ng mga kasuotan ay sumusunod sa tradisyon, o sumusunod ba ang mga ito sa pagiging moderno? (Ang mga ito ay hindi sumusunod sa tradisyon ni sa pagiging moderno; hangga’t makakamit ng mga programang ginagawa natin ang resulta na magpatotoo sa Diyos, iyon ang pinakamabuti.) Sa wakas ay naunawaan na ninyo; ang layunin ng mga programang ito ay ang magpatotoo sa Diyos, at wala nang iba pa. Ang pagpapatotoo sa Diyos ay nangangailangan ng pagsasaalang-alang na hindi tayo dapat magbigay ng kahihiyan sa Diyos at hindi natin dapat pagmukhaing masama ang sambahayan ng Diyos. Siyempre, dapat din nating isaalang-alang na ang tela at estilo ng mga kasuotan ay dapat na komportableng isuot. Ibig sabihin, sinumang maayos at disenteng tao na makakakita sa iyo na suot ang mga damit na ito ay mag-iisip na katanggap-tanggap ang mga ito, na mukha kang isang mananampalataya sa Diyos, at na kaya mong katawanin ang mga tao ng Diyos, sa halip na magmukha kang isang walang pananampalataya, o isang sikat na artista sa pelikula o mang-aawit—at sa isang sulyap lang, masasabi ng isang tao na isa kang maayos at disenteng tao. Batay rito, sa tingin ba ninyo, ang Aking mga pananaw para sa pagtrato sa mga bagay at ang mga prinsipyong sinusunod Ko sa loob ng Aking normal na pagkatao ay kapareho ng sa inyo? (Hindi.) Tiyak na hindi pareho ang mga ito. Kaya sabihin ninyo sa Akin, matatayog at mariringal ba ang mga prinsipyong ito na sinusunod Ko? Pambihira ba ang mga ito? Ang mga ito ay hindi matatayog at mariringal kahit kaunti. Partikular na normal ang mga ito. Ang mga prinsipyong ginagamit Ko at ang mga resultang nilalayon Kong makamit sa paggawa ng mga bagay ay pawang lubos na praktikal, at hindi Ako kailanman nagpapasikat. Kung susundin natin ang paraan ng pagtingin ninyong lahat sa mga bagay-bagay, sa pagpili ng mga kasuotan para sa mga programa ay magiging tradisyonal tayo at mananatili sa mga makalumang pamamaraan, o susunod tayo sa mga makamundong kalakaran. Sinasabi ng ilang tao, “Ang smokey eye makeup, mga pekeng pilikmata, mga hikaw sa ilong at malalaking hikaw sa tainga ay sikat sa mundo. Dapat din nating bihisan ang mga kapatid para maging guwapo at maganda. Hindi lang dapat maging maganda ang kanilang mga damit, kundi dapat ding maging mapang-akit ang kanilang makeup. Hindi sila dapat malamangan ng mga mang-aawit at mga sikat na artista sa pelikula sa mundo, at dapat na magmukha pa nga silang mas elegante at mas marangya. Ang mga mananampalataya sa Diyos ay dapat na maging mas marangal kaysa sa mga iyon, kaya ito ang direksyon na dapat nating tahakin kapag binibihisan natin ang mga tagapagtanghal.” Kung gayon, bakit hindi lumalabas ang mga nagtatanghal na ito sa entablado nang may suot na kahit isang magandang bagay? Dahil narito Ako para suriin ang lahat ng bagay. Maging sila man ay mga modernista o mga tradisyonalista, isinantabi silang lahat—wala silang anumang pagkakataon para ipagmalaki ang kanilang “mga kasanayan.” Pinigilan Ko sila. Kung kayo ang sumusuri, bibigyan ba ninyo ang mga taong ito ng pagkakataon na ipagmalaki ang kanilang “mga kasanayan”? (Hindi.) Bakit hindi? (Kung bibigyan ng pagkakataon, lilihis sila sa tamang landas. Hindi nila susundin ang mga prinsipyong hinihingi ng sambahayan ng Diyos.) Kung bibigyan ng pagkakataon, bibihisan nila ang mga tagapagtanghal bilang mga demonyo. Gagawa sila ng mga programa ng libangan tulad ng mga programang sikat sa lipunan, ginagawang mga programa ng libangan na nagpapalugod sa publiko ang mga programang naglalayong magpatotoo sa Diyos, at pinagmumukhang mga demonyo at multo ang mga taong itinatampok sa mga ito. Mapapanood pa ba ang mga programa kung gayon? Magbabago ang kalikasan ng mga programa; ang mga ito ay hindi magpapatotoo sa Diyos kundi magbibigay-kahihiyan sa Diyos, at karapat-dapat na isumpa at ipagbawal ang mga ito. Hindi ito magiging paggampan ng isang tungkulin, kundi paggawa ng kasamaan. Nauunawaan ba ninyo? (Oo.) Hindi man lang ninyo naunawaan ang gayon kaliit na usapin. Ngayong nasabi Ko na ito nang mas malinaw at mas simple, biglang napagtanto ng ilang tao: “Ganoon pala iyon. Ngayon, alam ko na kung bakit pinipili ng sambahayan ng Diyos ang gayong mga kasuotan para sa mga programa nito ng sayaw.” Anuman ang kapanahunan, ano ang prinsipyong dapat sundin ng mga tao? Ito ay ang ituring ang salita ng Diyos bilang prinsipyo sa lahat ng bagay. Sa paggawa ng anumang aytem ng gawain o pangangasiwa sa anumang usapin, ang dapat na unang layon ninyo ay ang magpatibay ng mga tao, at ang dapat na pangalawang layon ninyo ay ang magpatotoo sa gawain ng Diyos. Ang mga ito ang dalawang prinsipyo. Kaya, sa lahat ng usapin, ang mga ito ang dalawang prinsipyo na dapat sundin ng mga tao. Ang pagiging normal at pagiging praktikal na taglay sa loob ng normal na pagkatao ng Diyos na nagkatawang-tao, kung gayon, ay binubuo lang din ng pagsunod sa mga prinsipyong ito. Hindi nagbabago ang mga prinsipyo; ang Diyos na nagkatawang-tao ay hindi sumusunod sa tradisyon ni sa pagiging moderno. Ang prinsipyong sinusunod Ko sa loob ng Aking normal na pagkatao ay ang umasal at gumawa ng mga bagay sa loob ng saklaw ng konsensiya at katwiran. Kaya, anong mga prinsipyo ang sinusunod Ko sa paggawa ng gawain ng sambahayan ng Diyos? Ito ay ang magbigay ng pakinabang sa mga tao sa lahat ng ginagawa Ko—ang paggawa ng mga bagay na nagbibigay ng pakinabang at nagpapatibay sa kanila. Dagdag pa rito, ito ay ang gawin ang gawain ng pagpapatotoo sa Diyos, pagsunod sa mga prinsipyo ng pagpapatotoo sa Diyos at pagpapalaganap ng mga salita ng Diyos. Sasabihin ba ninyo na ganito ang kaso? (Oo.) Sa pamamagitan ng pagbabahaginan nang ganito, mas nauunawaan na ba ninyo Ako ngayon? (Oo.) Kung hindi Ko tatalakayin nang detalyado ang mga bagay na ito, hindi magiging malinaw sa inyo ang mga ito. Hindi man lang ninyo maarok ang gayon kasimpleng usapin. Sa katunayan, hindi ito malalim kahit kaunti; ang lahat ng ito ay lubos na praktikal at ordinaryo. Gaano ba ito kaordinaryo? Lubos itong umaayon sa pagkamakatwiran ng normal na pagkatao. Ibig sabihin, kung mayroon kang pagkamakatwiran ng normal na pagkatao, mauunawaan mo ito, pero kung wala ka nito, magiging napakahirap para sa iyo na maunawaan ito—kakailanganin Kong ipaliwanag ito nang malinaw at lubusan, sinasabi ito nang malinaw at ipinapaliwanag ito nang detalyado para sa iyo, bago mo maunawaan kung ano ang nangyayari. Napakasimpleng usapin nito, hindi man lang umaabot sa antas ng mga katotohanang prinsipyo, gayunman ay hindi pa rin ninyo ito maipaliwanag nang malinaw. Ano ang nangyayari dito? Malalim at di-maarok ba ang usaping ito? (Hindi.) Kung gayon, bakit hindi ninyo ito maipaliwanag nang malinaw? Sa malawak na pananalita, ito ay dahil hindi ninyo nauunawaan ang katotohanan. Sa mas detalyadong antas, ito ay dahil ang inyong normal na pagkatao at pagkamakatwiran ay nagkukulang ng ilang bagay at may mga kapintasan. Pagdating sa pagiging maayos at disente, kumakapit kayo sa tradisyon at sa mga makalumang pamamaraan. Pagdating sa normal na pagkatao, iniisip ninyo na ang pagkakaroon ng normal na pagkatao ay nangangahulugan ng pagiging taong totoo, tulad ng isang hangal. Hindi ba’t ipinapakita nito na talagang mahina ang inyong kakayahan at na wala kayong anumang abilidad na umarok? (Oo.) Iyan mismo ang problema. Sige, sapat na iyan tungkol diyan.

Noong nakaraan, nagbahaginan tayo tungkol sa paksa ng “hindi pagpapakana” ng Diyos na nagkatawang-tao sa loob ng paksa ng “hindi paghahalintulad ng nagkatawang-taong Diyos sa tiwaling sangkatauhan.” Ngayon, magbabahaginan tayo tungkol sa paksa ng “hindi pag-atake sa iba.” Ang hindi pag-atake sa iba ay bahagi ng diwa at pagsasabuhay na taglay ng normal na pagkatao ng Diyos na nagkatawang-tao, at isa sa mga prinsipyong sinusunod ng konsensiya at katwiran ng normal na pagkatao kapag tinatrato ang mga tao. Ibig sabihin, ang Diyos na nagkatawang-tao, sa pinakamababa, ay kayang makisama nang mapayapa sa iyo. Anumang uri ka ng tao, ikaw man ay isang taong may mas mahusay na kakayahan o mas mahinang kakayahan, o isang taong may mas mabuting pagkatao o mas masamang pagkatao, kaya kang tratuhin nang tama at pakisamahan nang maayos ng nagkatawang-taong Diyos. Kung matutuklasan Ko na mayroon kang kapintasan o pagkukulang, o kahit na mayroon kang masamang diwa sa loob ng iyong pagkatao, o na nakagawa ka ng isang masamang gawa, prangka Akong makikipagbahaginan sa iyo kung may pagkakataon o kung tinutulutan ng mga kondisyon. Kung matatanggap mo ito, prangka Kong ilalantad ang iyong mga problema at ituturo sa iyo ang landas para lutasin ang mga ito. Pero kung hindi mo ito matanggap, maaari Kong gamitin, sa isang angkop na panahon, ang isang problema sa tunay na buhay na natuklasan Ko para paalalahanan ka, ilantad ka, at balaan ka, para ipaalam sa iyo kung ano ang iyong problema—kung isa ba itong problema sa iyong pagkatao, sa iyong kakayahan, o sa isang tiwaling disposisyon mo. Batay sa kung anong problema ang mayroon ka, papaalalahanan at pagsasabihan kita, ipinapaalam sa iyo ang iyong mga pagkukulang o kung nasaan ang iyong problema, at pagkatapos ay sasabihin Ko sa iyo kung ano ang diwa ng ganitong uri ng problema at kung ano ang saloobin ng Diyos sa mga taong may ganitong problema. Kung handa kang tanggapin ito at kaya mong maghimagsik laban sa laman at isagawa ang katotohanan, sasabihin Ko sa iyo ang landas ng pagsasagawa, at kung paano tratuhin at lutasin ang ganitong uri ng problema. Hindi Ako gagamit ng iyong mga problema at kapintasan bilang panlaban sa iyo o bilang mga kahinaan na sasamantalahin at pagkatapos, paminsan-minsan, ay mangungutya o manlilibak sa iyo o magbibitiw ng mga mapang-uyam na salita tungkol sa mga ito. Hindi Ko gagawin iyon; tatratuhin kita at ang mga umiiral mong problema nang makatarungan at obhetibo. Kung bibigyan kita ng ilang paalala pero wala kang kamalayan at hindi mo nararamdaman na ang mga sinabi Ko ay may kinalaman sa iyo, o kung sasabihin Ko sa iyo na malubha ang kalikasan ng iyong problema pero hindi mo ito tatanggapin, at tatanggihan mo ito, lalaban ka, at makakaisip pa nga ng mga palusot para makipagtalo at bigyang-katwiran ang iyong sarili, kung gayon ay susuriin Ko ang mga bagay-bagay ayon sa sitwasyon. Kung napakahalaga ng gawaing ginagawa mo at nakaapekto ang iyong problema sa gawain ng iglesia, kung gayon ay isasaalang-alang Ko kung angkop ka ba para sa tungkuling ito. Pero kung isa ka lang ordinaryong mananampalataya, at ang tungkuling ginagawa mo at ang iyong mga pagpapamalas ay walang gaanong epekto sa gawain ng iglesia o sa hinirang na mga tao ng Diyos, at personal na problema mo lang ito, kung gayon ay bibigyan kita ng mga paalala at tulong nang mula sa kagandahang-loob. Kung hindi mo ito seseryosohin, hindi Ako magkikimkim ng anumang hinanakit sa iyo, at siyempre, hindi Ko susubukan ang lahat ng posibleng paraan para pilitin kang tanggapin ito. Tatratuhin Ko ang usaping ito nang lubos na makatwiran, at patuloy Akong magbibigay sa iyo ng mga paalala at tulong nang mula sa kagandahang-loob. Kung makikita Ko na ang diwa ng iyong problema ay hahantong sa mga negatibong kahihinatnan para sa iyong sarili o sa iba, kung gayon, sa udyok ng Aking konsensiya, bibigyan kita ng mga paalala at tulong nang mula sa kagandahang-loob, sa halip na panoorin ka lang na magpakahangal. Hindi rin kita basta-basta na lang ilalarawan, sinasabing, “Wala kang pag-asa, kinamumuhian ka ng Diyos, at isa kang taong masasawi,” lalong hindi Ko ibubuka ang Aking bibig at isusumpa ka, sinasabing, “Ikaw na diyablo, ikaw na inapo ni Satanas, ikaw na lumalaban sa Diyos.” Hinding-hindi Ko ito gagawin. Dahil espesyal ang Aking pagkakakilanlan, madalas Kong pinipigilan ang Aking sarili nang lubos na makatwiran: Kung paano Ko tratuhin ang isang tao at kung paano Ako makipag-usap sa kanya ay dapat nakadepende sa kung sino siya—ito ay isang aspekto. Dagdag pa rito, hindi Ko dapat basta-basta na lang ilarawan ang sinuman. At bukod pa rito, sa pamamagitan ng Aking tono ng boses, pagpili ng mga salita, o pagpapahayag, dapat Kong iparamdam sa kabilang panig na ang sinasabi at ginagawa Ko ay nagmumula sa kagandahang-loob, at walang malisya. Tungkol naman sa Aking motibo, sinsero Ako sa pagsubok na tulungan ka; ayaw Kong makita kang lumihis ng landas, at ayaw Ko ring makita kang manghina, mag-alangan, o mawalan pa nga ng direksyon o maligaw kapag nakakaharap ka ng mga bagay-bagay. Sa halip, umaasa Ako na pagkatapos Kong makipagbahaginan at tumulong sa iyo, matitingnan mo nang tama ang iyong sarili, maiiwasan mong mahulog sa pagkanegatibo, magkakaroon ka ng tumpak na pagkaunawa sa iyong mga tiwaling disposisyon at sa mga problemang mayroon ka, at matatrato mo nang tama ang iyong sarili, at pagkatapos ay makapaghahanap ka ng landas ng pagsasagawa mula sa mga salita ng Diyos, at malulutas mo ang iyong mga tiwaling disposisyon at ang iyong mga problema nang paunti-unti ayon sa mga salita ng Diyos, habang nakikisama rin nang maayos sa iba at tumutulong sa kanila. Ibig sabihin, pinagsisikapan Kong tiyakin na ang sinasabi at ginagawa Ko kapag nakikipag-ugnayan sa mga tao ay makakapagbigay-kakayahan sa kanila na maunawaan ang mga layunin ng Diyos, malaman kung anong mga prinsipyo ang hinihingi ng Diyos sa mga tao, kung ano ang mga saloobin at pananaw ng Diyos sa iba’t ibang problemang mayroon ang mga tao, kung paano dapat pangasiwaan ng mga tao ang mga problemang ito para matugunan ang mga hinihingi ng Diyos at mapalugod ang Diyos, at kung paano nila dapat hanapin ang katotohanan para lutasin ang kanilang mga problema. Ang Aking layon ay tulungan ang mga tao na tratuhin at lutasin nang tama ang mga problemang ito kapag nakikitungo sa lahat ng uri ng mga tao, pangyayari, at bagay, at kapag nabubunyag ang kanilang mga tiwaling disposisyon, na ang panghuling resulta ay nagpapasakop sila sa katotohanan at sa Diyos. Siyempre, batay sa iba’t ibang uri ng mga tao na nakasalamuha Ko sa mga taon na ito ng paggawa at pagsasalita, nakilala Ko ang isang katunayan: Gaano man Ako kamalumanay magsalita at makipag-usap sa mga tao, gaano mang kagandahang-loob ang mayroon Ako o anumang uri ng mentalidad ang mayroon Ako sa pagnanais na tulungan ang sinuman, napakakaunting tao ang nakakaramdam o nakakaunawa sa sinasabi Ko at sa dahilan kung bakit Ko ito sinasabi, at pagkatapos, sa pamamagitan ng mga salitang sinabi Ko at nilalamang ibinahagi Ko sa kanila, ang nakakagawa ng pag-usad o nagkakamit ng tunay at praktikal na tulong sa tunay nilang buhay. Pero gaano man karami ang inaani at nakakamit ng mga tao sa huli sa pamamagitan ng pakikipag-usap at pakikipag-ugnayan sa Akin, hindi nagbabago ang Aking mga prinsipyo sa pakikipag-ugnayan sa mga tao. Sinasabi ng ilang tao, “Kung gayon, bakit hindi Mo baguhin ang Iyong pamamaraan?” Sabihin ninyo sa Akin, bakit hindi Ko binabago ang Aking pamamaraan? Dapat Ko bang baguhin ang Aking pamamaraan? Kapag nakikipag-usap sa mga tao, dapat ba Akong magsalita mula sa isang mataas na posisyon, na para bang ipinoproklama ang Sampung Utos kay Moises? Dapat bang maging parang kulog sa langit ang Aking boses, o dapat ba Akong gumamit ng isang uri ng tono, para matakot ang mga tao, madali nilang matandaan ang sinasabi Ko, at maging handa silang magsagawa at magawa nilang magpasakop? O kapag nakikipag-usap sa mga tao, kung palagi Akong nagsasalita sa kanila nang may tonong nagsusumpa at naglalarawan sa kanila, matututo ba ng aral ang mga tao? Matatanggap ba nila ito kung gayon? (Hindi.) Alam ba ninyo kung bakit hindi? Noon, nang ibigay ni Jehova ang Sampung Utos sa pamamagitan ni Moises, narinig ng mga Israelita ang tunog ng kulog sa langit at nakakita sila ng kidlat—napigilan ba sila nito sa paghihimagsik laban kay Jehova at sa paghusga sa Kanya? Anuman ang pamamaraang ginagamit mo sa pagsasalita, ang nilalaman ng iyong mga salita, o ang iyong motibo sa pagsasalita, pagdating sa tumatanggap, kung subhetibo silang may kahandaan at pangangailangang tanggapin ang katotohanan at mahalin ang mga positibong bagay—kung mayroon sila ng pangangailangang ito sa kanilang puso—kung gayon, anuman ang pamamaraang gamitin mo sa pagsasalita, matatanggap nila ito at madali nila itong matatandaan. Gayumpaman, kung wala sila ng pangangailangang ito sa kanilang puso, kahit pa alam nila kung ano ang mga positibong bagay at mga negatibong bagay, hindi pa rin nila tatanggapin ang anumang sabihin mo at hindi nila ito isasapuso, gaano man ito katama, o gaano man kahusay ang pinagmulan at motibo nito. Samakatwid, mula sa Aking perspektiba, ang Aking prinsipyo sa paggawa ng mga bagay na ito ay na normal Akong nakikipagbahaginan sa sinuman. Tungkol naman sa kung ano ang makakamit at maaani ng isang tao mula sa Akin, at kung makakamit ba niya ang katotohanan, ang susi ay nakasalalay sa kung minamahal ba niya ang katotohanan, at gayundin sa kung mayroon ba siya ng mga pangangailangan ng normal na pagkatao. Kung likas niyang minamahal ang mga positibong bagay, kapag normal Akong nakikipag-ugnayan at nakikipag-usap sa kanya nang ganito, mapagbubulayan niya ang sinabi Ko, kung ano ang mga prinsipyo sa likod ng mga salitang ito, at kung ano ang ipinag-utos Kong gawin niya; pagbubulayan niya ang mga bagay na ito pagkatapos, isasaisip ang mga ito, at pagkatapos ay magsasagawa siya ayon sa mga salitang ito. Kung walang pangangailangan ang taong ito para sa mga positibong bagay sa kanyang pagkatao, anuman ang sabihin Ko, wala itong silbi. Kahit pa pungusan Ko siya, disiplinahin siya, o ituwid pa nga siya, wala itong magagawa. Pagkatapos maituwid, maaari siyang umasal nang mabuti at masunurin sa panlabas, pero dahil wala siyang pangangailangan para sa mga positibong bagay sa kanyang puso, sa sandaling lumipas na ang mga bagay-bagay, agad siyang babalik sa dati niyang kalagayan, nang walang anumang bakas ng mga positibong salita, mga positibong bagay, o mga katotohanang prinsipyo sa kanyang puso. Samakatwid, para sa mga taong tulad nito, gaano man karami ang sabihin mo, hindi mo sila mababago para magkaroon sila ng mga pangangailangan ng normal na pagkatao. Ito ay isang aspekto. Dagdag pa rito, ang hindi pag-atake sa iba ay, sa diwa, isa sa mga prinsipyo Ko ng pagtrato sa inyo. Anumang uri ka ng tao, hinahangad mo man ang katotohanan o hindi, kahit pa ilantad Ko ang isang partikular na problema mo, ito ay para lang himayin ang diwa ng problemang ito para maunawaan at makilala mo ito nang lubusan, makagawa ka ng pag-usad sa proseso ng paggampan ng iyong tungkulin sa hinaharap, tumigil ka sa paggawa ng parehong mga pagkakamali, at tumigil ka sa panggugulo o paninira sa gawain ng iglesia—ito ay para tulungan ka, hindi para bigyan ka ng problema o humanap ng magagamit laban sa iyo. Kaya, kahit pa banggitin Ko ang mga bagay na nangyari noon, hindi ito para pahinain ang iyong kasigasigan o para saktan ka, kundi para bigyang-kakayahan ka na malaman ang diwa ng iyong mga problema, makamit mo ang isang lubusang pagkaunawa sa isang partikular na aspekto ng katotohanan, magkaroon ka ng pagkaunawa sa iyong sarili, malaman mo kung paano kumilos nang alinsunod sa mga layunin ng Diyos, at sa huli ay tumpak kang magsagawa ayon sa mga prinsipyo ng mga salita ng Diyos. Mayroon ba kayong anumang pagkaunawa sa katunayan na ang Diyos na nagkatawang-tao ay hindi kailanman nang-aatake ng iba? (Mayroon kaming kaunting pagkaunawa.)

Bukod sa hindi pag-atake sa iba, paminsan-minsan ay hinihikayat din ng Diyos na nagkatawang-tao ang mga tao. Ang ilang tao ay hindi pa husto ang tayog at marupok; hindi sila ganoon katatag pagdating sa kanilang pagkatao, kulang sila sa pagtitiyaga sa paggawa ng mga bagay-bagay, o madalas silang nalilimitahan ng lahat ng uri ng bagay, hindi nila alam kung paano hanapin ang katotohanan, at hindi nila magampanan nang normal ang kanilang mga tungkulin. Sa gayong mga sitwasyon, bibigyan Ko sila ng kaunting panghihikayat para makita nila ang landas sa hinaharap, para hindi na nila masumpungan ang kanilang sarili na nakakulong sa loob ng isang usapin at nalilimitahan nito. Kapag naririnig mo ang mga salitang ito ng panghihikayat, maaari mong maramdaman na ang sinasabi Ko ay hindi mo maaabot, pero ang Aking layon ay tulungan kang bitiwan ang mga pasaning dulot ng iyong mga kaisipan at kuru-kuro, hindi na malimitahan ng mga bagay na iyon at iwanan ang mga ito, at pagkatapos ay ibigay ang iyong buong lakas sa iyong tungkulin para matugunan ang mga layunin ng Diyos. May ilang tao na tumahak na sa mga landas ng kabiguan noon, o na nakagawa ng mga bagay na lumalabag sa mga prinsipyo ng sambahayan ng Diyos, o na nagkaroon ng ilang malinaw na mapaghimagsik na pag-uugali, at may ilang tao pa nga na nagdulot ng mga paggambala at panggugulo sa pamamagitan ng kanilang mga kilos, nagdudulot ng ilang kawalan sa gawain ng iglesia. Kung paminsan-minsan Kong binabanggit ang mga bagay na ito sa Aking pagbabahagi, ang Aking layunin ay hindi para pahinain ang iyong kasigasigan, at hindi rin Ako nagkikimkim ng hinanakit; sa halip, ang Aking layunin ay gamitin ang mga katunayan ng iyong kaso bilang isang halimbawa para paalalahanan ang iba na huwag gawin ang parehong mga pagkakamali—ang Aking layunin ay ang malinaw na makipagbahaginan tungkol sa isang aspekto ng katotohanan, para mas maraming tao ang makakita mula rito na ang landas na tinahak mo ay mali at kung paano ito naging mali, para makakuha sila ng mga aral mula rito, at pagkatapos ay para balaan ang mas maraming tao na huwag tahakin ang parehong landas, at para paalalahanan sila kung anong mga prinsipyo ang dapat nilang sundin sa paggawa ng mga bagay-bagay. Lalo na kapag nagbabahagi tungkol sa iba’t ibang tiwaling disposisyon ng mga tao at naglalantad ng mga ito, ang mga halimbawang ibinibigay Ko o ang isang partikular na kalagayang ibinabahagi Ko ay maaaring may kinalaman sa maraming tao, o maaaring may kinalaman sa ilang partikular na tao at bagay. Ang layunin ng pagbabahagi tungkol sa mga bagay na ito ay hindi ang humanap ng pagkakataon na ilantad kayo at ipahiya kayo; tungkol naman sa mga katunayang binabanggit Ko o sa mga kalagayang inilalantad Ko, may kaugnayan lang ang mga ito sa paksa at sa aspekto ng katotohanang pinagbabahaginan natin. Maaaring hindi kita kilala nang personal, at hindi Ko alam na nangyari ang gayong bagay sa iyo, pero ang halimbawang ibinigay Ko o ang kalagayang inilantad Ko ay nagkataong nangyari sa iyo, at naitutugma mo ang iyong sarili rito. Kapag naitutugma ng ilang tao ang kanilang sarili sa gayong mga bagay, iniisip nila, “May nagsumbong ba tungkol sa akin? Paano Mo nalaman na nangyari ang bagay na ito sa akin, at na mayroon akong ganitong problema at nasa ganito akong kalagayan?” Sinasabi Ko na talagang hindi Ko alam na nangyari ang ganitong uri ng bagay sa isang partikular na tao o na nasa ganitong uri siya ng kalagayan, pero nasasaklaw ng mga katotohanang pinagbabahaginan Ko—o kabilang sa mga problemang inilalantad Ko—ang kalagayang ito, ang ganitong uri ng problema, o ang partikular na uring ito ng halimbawa. Dahil ang ganitong uri ng kalagayan at ang partikular na uring ito ng halimbawa ay kumakatawan, at sapat na makakapagbigay-kakayahan sa mga tao na malaman ang ilang uri ng mga tao, pangyayari, at bagay, at na malaman ang diwa ng isang partikular na uri ng tao, kapag nagbibigay ng mga halimbawa, hindi Ko maiiwasang magbanggit ng ilang partikular na insidente na nangyari sa iglesia o magtalakay ng ilang partikular na kalagayan. Dahil dito, hindi maiiwasan na may ilang tao, pangyayari, at bagay na masasangkot. Pero wala Akong kahit katiting na intensyon na atakihin ang ilang partikular na tao; ang Aking layon ay paalalahanan at hikayatin lang ang mga tao, tinutulutan ang karamihan sa hinirang na mga tao ng Diyos na makinabang. Kapag nagbibigay Ako ng ilang halimbawa habang naghahatid ng mga sermon at nagbabahagi, hindi ito nakapuntirya sa sinumang partikular na tao kahit kaunti; ito ay para lang makipagbahaginan tungkol sa katotohanan at para ilantad ang diwa ng isang partikular na problema, para mas maging malinaw sa inyo at mas maunawaan ninyo ang diwa ng problema. Sa pamamagitan ng pag-unawa sa diwa ng problema, tinutukoy mo man ang iyong sarili bilang mayroong problemang ito, o nakikilatis mo man ang mga tao, pangyayari, at bagay na may kinalaman dito, magagawa mong magsagawa ayon sa mga kaukulang katotohanang prinsipyo, gamitin ang mga ito para lutasin ang mga problema sa loob ng iyong sarili, at magkamit ng pagpasok sa katotohanang realidad. Anuman ang uri ng problema na ibinabahagi Ko, isa man itong problema na umiiral sa loob mo o isang problema na umiiral sa loob ng iba, ginagawa Ko lang ito para makipagbahaginan tungkol sa katotohanan, at para tulungan kayong mas maunawaan ang diwa at realidad ng isang partikular na uri ng problema; hindi ito nakapuntirya sa sinumang partikular na indibidwal o sa anumang partikular na uri ng tao. Siyempre, posible rin na ang pinagbatayan para sa halimbawang ibinibigay Ko kapag nagbabahagi Ako tungkol sa isang problema ay isang bagay na nangyari sa iyo, at ginamit Ko ang usaping ito para magbigay ng isang halimbawa. Pero sa pagbibigay ng halimbawang ito, hindi Ako naglalantad ng isang problema na sa iyo lang; sa halip, ang iyong problema ay kumakatawan sa mga problemang nakikita sa lahat ng tao—sa buong sangkatauhan. Siyempre, ang layunin ng paglalantad sa problema ay para lang lutasin ang problema, hindi para atakihin ka. Kaya, kapag nakakaharap ka ng ganitong uri ng sitwasyon, dapat mo itong tratuhin nang tama; ito ang Aking trabaho. Ang Aking trabaho, sa isang banda, ay ibigay sa inyo ang lahat ng katotohanan, ang lahat ng aspekto ng katotohanan, at sa kabilang banda, ito ay ang ilantad ang mga problema sa loob ninyo, ang iba’t ibang kalagayan ng tiwaling sangkatauhan, at ang lahat ng tiwaling disposisyon sa loob ng mga ito, pati na rin ang mga problemang may kinalaman sa mga tiwaling disposisyon. Ito ang Aking trabaho. Dahil ang Aking trabaho, bukod sa pagtutustos ng katotohanan, ay kinasasangkutan din ng paglalantad sa realidad ng katiwalian ng tiwaling sangkatauhan, pagdating sa gawaing ito, mabuti ang Aking mga motibo. Gusto Ko kayong tulungan at suportahan, paalalahanan at tustusan, para malinaw ninyong makita ang diwa ng problema at magawa ninyong maghimagsik laban sa inyong mga tiwaling disposisyon, para hindi na kayo mamuhay sa loob ng inyong mga tiwaling disposisyon, kundi magawa ninyong baguhin ang inyong sarili, bitiwan ang kasamaan na nasa inyong mga kamay, magsisi sa Diyos, at magsagawa ayon sa mga prinsipyong hinihingi ng Diyos, nagkakamit ng pagpapasakop sa katotohanan at pagpapasakop sa Diyos.

Anumang mga problema ninyo ang inilalantad Ko, at anumang pamamaraan o tono ng boses ang ginagamit Ko kapag inilalantad ang mga problemang ito, ginagawa Ko ito batay sa prinsipyo at nang may motibo na tulungan kayo at suportahan kayo na tumahak sa landas ng kaligtasan. Wala Akong dalang anumang malisya—ito ay ganap na mula sa kagandahang-loob. Kahit pa ang mga salitang ginagamit Ko minsan kapag inilalantad Ko ang diwa ng problema sa loob ng isang partikular na indibidwal o uri ng tao ay hindi masyadong pino, ang Aking layunin ay hindi para mang-atake o manupil ng sinuman, kundi para himayin ang diwa ng problema upang magkaroon ng pagkilatis ang mga tao at maiwaksi nila ang kanilang mga tiwaling disposisyon. Sa loob nito, walang mga pakana, walang intensyon na atakihin ka o supilin ka, at walang intensyon na isiwalat ang iyong mga nakakahiyang lihim o ipahiya ka. Kahit pa, kapag nagbabahaginan tungkol sa ilang problema, inilalarawan Ko ang pag-uugali o ang disposisyon at diwa ng isang partikular na uri ng tao, ang paglalarawang iyon ay ganap na naaayon sa mga obhetibong katunayan. Halimbawa, kung ikaw ay mapagmataas at nag-aakalang mas matuwid kaysa sa iba, palaging kumikilos nang diktatoryal, at gumawa ka ng mga bagay na nagdudulot ng mga paggambala at panggugulo, at sinabi Ko sa iyo, “Kung patuloy mong gagawin ito at tatanggi kang magsisi anuman ang mangyari, ito ang iyong diwa, at ang saloobin ng Diyos sa iyo ay ang isantabi ka o itaboy ka,” ang mga salita bang ito ay pag-atake sa iyo? Hindi. Bagama’t sinasabi ang mga bagay na ito sa isang partikular na konteksto, at inilalahad sa ganitong paraan, ang pagtustos at tulong na ibinibigay Ko sa iyo, at ang Aking mga inaasahan sa iyo, ay hindi nagbabago; binibigyan ka pa rin ng pagkakataon na magsisi. Kung makakaramdam ka ng pagsisisi, itutuwid mo ang iyong sarili, at magbabago ka, iaangat ka pa rin ng sambahayan ng Diyos sa anumang uri ng tungkulin na angkop sa iyo; hinding-hindi Ako hahadlang doon. Ang lahat ay nakakagawa ng ilang pagkakamali kapag nagsisimula pa lang silang manampalataya sa Diyos at hindi nila nauunawaan ang katotohanan, pero ang ilang tao ay kayang magsisi, at nakagawa ng ilang mabuting bagay at nakagampan ng ilang mabuting gawa. Ipagpalagay nang inirerekomenda siya ng mga kapatid, sinasabi ng mga ito, “Tunay ngang nagsisi ang taong ito at naiiba na siya sa kung ano siya noon. Dati, mapagmataas at imoral siya, walang wangis ng tao; gumawa siya ng ilang masamang bagay, sa gayon ay gumambala at gumulo sa gawain ng iglesia at nagdulot ng mga kawalan sa mga handog sa Diyos, kaya pinaalis siya ng iglesia. Pero pagkatapos mapaalis, nakaramdam siya ng matinding pagsisisi, at ngayon ay nagsisi na siya. Nagkusa pa nga siyang magbayad para sa mga kawalan, hiniling niya sa iglesia na tanggapin siyang muli, nangako na hindi na siya kailanman gagawa ng masama, at handa siyang maging ang pinakahamak sa iglesia, at magpasakop sa anumang ipagawa sa kanya ng sambahayan ng Diyos.” Kung ang mga taong medyo malapit sa kanya ay gusto siyang irekomenda pagkatapos nilang magkamit ng lubusang pagkaunawa sa kanya, sinasabi Ko na kung tunay siyang nagsisi, at kailangan siya para sa gawain ng sambahayan ng Diyos ngayon, maaari siyang magamit muli; hindi Ako hahadlang. Kahit pa ang ilang indibidwal ay nakagawa ng mga bagay na hindi masyadong paborable para sa Akin Mismo, kung natutugunan nila ang mga kondisyon para sa pag-aangat, hindi rin Ako hahadlang; bibigyan Ko sila ng pagkakataon. Samakatwid, sa mga sermon man o sa tunay na buhay, at anuman ang kapaligiran o konteksto, tatratuhin kita nang patas at makatarungan. Sa mga konteksto kung saan tinutulutan ng kapaligiran, tutulungan Ko kayo nang mula sa kagandahang-loob o itatanong Ko kung kumusta na ang paggawa ninyo sa inyong mga tungkulin. Kung ito ay sa isang espesyal na sitwasyon sa trabaho, gagawin Ko rin ang Aking pinakamakakaya para tulungan at suportahan kayo, binibigyan kayo ng patnubay, gabay, o tulong sa ilang propesyonal na gawain. Minsan, ang ginagawa Ko ay ang makipagkumpara ng mga tala sa inyo at makipagpalitan ng mga ideya sa inyo. Kahit pa minsan ay sinasabi Kong, “Ang gawaing ginawa mo ay hindi katanggap-tanggap,” nagsasabi lang Ako ng totoo at nagiging diretsahan. Hindi Ko sinasabi ang gayong mga bagay para supilin kayo, kundi para makipagpalitan ng mga ideya sa inyo o makipagkumpara ng mga tala sa inyo. Ginagawa Ko ang Aking pinakamakakaya para bigyan kayo ng mga pagkakataon na magsalita at magsikap, para ang kakayahan ninyo, ang mga talento ninyo, ang kaalamang natutunan ninyo, ang sentido komun na mayroon kayo, o ang karanasang naipon ninyo ay magamit nang lubusan. Kung hindi maganda ang mga resulta, sinasabi Ko lang, “Ang gawaing ginawa mo ay hindi ganoon kaganda. Magbulay-bulay at maghanap ka pa, at tingnan mo kung magagawa mo ito nang mas maayos.” Palagi Ko kayong binibigyan ng sukdulang suporta, pagtustos, at tulong, para kapag nakikipag-usap at nakikipag-ugnayan kayo sa Akin, maaari kayong makinabang, sa buhay man o sa proseso ng paggampan ng inyong tungkulin. Ito ang Aking prinsipyo sa gawain, at pareho rin ito sa Aking pang-araw-araw na buhay. Minsan, kapag nakikipag-ugnayan at nakikipag-usap Ako sa mga tao, hindi maiiwasang pag-usapan natin ang ilang di-mahalagang usapin sa pang-araw-araw na buhay, na may kinalaman sa mga panlabas na bagay tulad ng mga pangunahing pangangailangan, pananatiling malusog, medisina, at iba pa, at binabanggit ng ilang tao ang ilang pananaw, kasabihan, o sentido komun tungkol sa di-mahahalagang usapin sa buhay. Tungkol sa lahat ng aspekto ng sentido komun, ipinapahayag Ko lang ang Aking mga personal na pananaw. Kung sa tingin mo ay tama ang sinasabi Ko, maaari mo itong tanggapin; kung sa tingin mo ay mali ang sinasabi Ko, hindi Ko gagamitin ang Aking pagkakakilanlan at katayuan para supilin ka, sinasabi sa iyo, “Tama ang lahat ng sinasabi Ko. Anuman ang tonong gamitin Ko, o gusto mo man o hindi ang sinasabi Ko, magagawa ba naman kitang saktan o gawan ng masama? Dapat mo itong tanggapin!” Hindi Ko ito gagawin; hahayaan Kong mangyari ang mga bagay-bagay nang natural. Halimbawa, naglagay ka ng masyadong maraming asin sa iyong niluluto, at sinabi Ko na ang pagkain ng masyadong maraming asin ay masama sa iyong kalusugan. Hindi ito tinatanggap ng ilang tao; pakiramdam nila ay kung gagamit sila ng mas kaunting asin, ang pagkain ay magiging matabang at walang lasa. Iginigiit nilang kumain ayon sa sarili nilang panlasa. Sinasabi Ko na malaya kang gawin iyon, at hindi Ako makikialam. Bagama’t ang kasabihang “ang pagkain ng masyadong maraming asin ay masama sa iyong kalusugan” ay hindi umaabot sa antas ng katotohanan, isa itong sentido komun sa buhay. Tungkol naman sa pisikal na katawang ito na nilikha ng Diyos para sa mga tao, mayroong nakatakdang dami ng asin na kailangan nito sa kada araw; ang paglampas sa daming ito ay makakasira sa katawan ng isang tao at magreresulta sa mga kahihinatnan. Mayroon ding mga tao na ang palaging pakiramdam ay na kulang sila sa nutrisyon, kaya palagi silang kumakain ng masusustansyang pagkain. Sa huli, ang labis nilang pagkonsumo ng nutrisyon ay humahantong sa mga problema sa kalusugan, at kailangan nilang gumawa ng mga pagbabago. Ang dami ng nutrisyon na kailangan ng pisikal na katawang ito na nilikha ng Diyos ay may kaugnayan sa mga proporsyon ng butil, gulay, prutas, at karne na nilikha ng Diyos para sa sangkatauhan. Kung kakain ka ayon sa mga proporsyong ito, mapapanatili mo ang pundamental na kalusugan; kung babalewalain mo ang mga proporsyong ito at kakain ka nang walang pakundangan at walang pagpili, nang ayon lang sa iyong mga kagustuhan, magkakaroon ka ng mga problema sa kalusugan. Sinasabi Ko sa iyo ang mga katunayang ito, pero hindi mo tinatanggap ang mga ito. Iniisip mo, “Ang pagbibigay ng mga sermon at pakikipagbahaginan tungkol sa katotohanan ay ang Iyong kalakasan, pero hindi Mo nauunawaan ang mga usaping ito ng pang-araw-araw na buhay. Hindi ko kailangang makinig sa Iyo, dahil wala itong kinalaman sa katotohanan.” Sinasabi Ko na maaari mong piliing hindi ito tanggapin, at maaari kang mamuhay ayon sa sarili mong mga kagustuhan, pero dapat mong malaman na kung hindi mo matatanggap ang Aking mga salita, sa malao’t madali ay magkakaroon ka ng mga problema sa kalusugan. Pagbabayaran mo ang iyong pagpili. Ipinapahayag Ko lang ang Aking mga pananaw; hindi Ko gagamitin ang Aking katayuan para supilin ka. Sa kabilang banda, kung hindi mo tatanggapin ang Aking mga pananaw, hindi kita pipilitin, at hindi Ko rin sasabihin na masyado kang hangal at matigas ang ulo dahil sa hindi mo pagtanggap ng mga positibong bagay. Ang katunayan, talagang ganoon ka, pero hindi Ko kailanman sinasabi iyon. Hindi Ako gagawa ng malaking isyu tungkol sa isang maliit na bagay sa pang-araw-araw na buhay at pagkatapos ay manenermon at magmamarunong sa iyo. Hindi Ko gagawin iyon, dahil hindi Ko iyon responsabilidad. Ayaw Ko ring gawin iyon. Natupad Ko na ang Aking responsabilidad sa pamamagitan ng pakikipagbahaginan at pagbibigay ng mga sermon; ito ay nasa loob ng saklaw ng Aking ministeryo. Tungkol naman sa kung ano ang kinakain mo araw-araw, ikaw na ang bahala roon. Kung ano ang nilikha ng Diyos para sa sangkatauhan at sa anong dami, at kung anong mga pagkain at espesyalidad ang nagkakaroon sa bawat panahon—kung paano mo gagamitin ang lahat ng bagay na ito ay sarili mo nang usapin; maaaring ikaw mismo ang maglaan nito. Kung ang konsensiya at katwiran ng iyong pagkatao ay normal at maayos, gagamitin at ilalaan mo ang mga ito nang may pag-iingat. Kung hindi maayos ang iyong katwiran, gagamitin o ilalaan mo ang mga ito sa paraang labis-labis, at ikaw lang ang aako sa anumang mga kahihinatnan na idudulot nito sa huli sa iyong pisikal na katawan. Samakatwid, lubos Akong makatwiran pagdating sa usaping ito; sinasabi Ko lang sa iyo ang Aking mga pananaw, at hindi kita pipiliting tanggapin ang mga ito. Minsan, kapag nakita Ko na mayroon kayong ilang masamang gawi sa pamumuhay, hindi Ko rin kayo pipiliting baguhin ang mga ito; magbibigay lang Ako ng simpleng paalala. Kung hindi ninyo ito tatanggapin o hindi kayo magbabago, hindi na Ako magsasalita pa. Ang totoo, ang mga gawi sa pamumuhay ay napakadaling iwasto. Ang mga gawi sa pamumuhay na mali o hindi kanais-nais ay dapat iwasto; ito ay isang saloobin ng pagtanggap sa mga positibong bagay. Ang pagkakaroon ng saloobin at kahandaang tanggapin ang mga positibong bagay ay bahagi ng pundamental na pagkamakatwiran na dapat ay naroroon sa loob ng normal na pagkatao. Hinahayaan ng ilang tao na pumasok sa isang tainga at lumabas sa kabila ang mga positibong bagay. Hindi nila sineseryoso ang mga ito, at nagpupursigi pa nga sila sa kanilang mga maling paraan ng pagsasagawa at mga maling paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay. Sinasabi pa nga ng ilang tao, “Namuhay na ako nang ganito sa loob ng napakaraming taon at wala namang naging anumang mga kahihinatnan.” Ito ay isang problema ng disposisyon. Anong uri ng disposisyon ito? Ito ay disposisyon ng pagiging matigas ang ulo at matigas ang kalooban, at hindi pagtanggap sa mga tamang pananaw o mga positibong bagay. Sinasabi Ko sa iyo, nagpapahiwatig ito ng isang tiwaling disposisyon, at dapat mo itong baguhin at iwaksi. Ang iyong mga maling paraan ng pagsasagawa at ang saloobin mong iyon na matigas ang kalooban ay dapat mabago; saka ka lang magkakaroon ng tunay na pagbabago.

Ang ilang tao ay mahilig mang-atake ng iba; hindi ito mabuti. Kung makikita Ko kayong gumawa ng mali, makatwiran Kong ipapahayag ang Aking mga pananaw at papaalalahanan Ko kayo nang mula sa kagandahang-loob. Ito ang Aking paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay. Dagdag pa rito, kung ang ilang problema ay nangangailangan ng paglalantad sa inyong mga tiwaling disposisyon, basta Ko na lang ilalantad ang mga ito; ito ay pagiging responsable sa mga tao. Kapag inilalantad Ko ang mga problema ng mga tao, inilalantad Ko ang diwa ng mga problema at ipinapakita kung ano talaga ang mga ito; hindi Ako naglalapat ng mga regulasyon at hindi Ko masyadong pinalalaki ang mga bagay-bagay. Ginagawa Ko ito dahil nasa loob ito ng saklaw ng Aking gawain, inilalantad Ko kung ano ang dapat ilantad, at hindi Ako nagsasalita nang mas kaunti kaysa sa kung ano ang kailangang sabihin. Samakatwid, mayroon Akong mga prinsipyo sa paggawa ng mga bagay-bagay. Sa isang banda, sa pang-araw-araw na buhay, tinatrato Ko ang mga usaping ito batay sa prinsipyo ng pagkamakatwiran, ipinapaalam sa iyo kung ano ang Aking mga pananaw. Kung magbibigay-pansin ka, isasapuso mo ito, at magkakaroon ka ng pagkamakatwiran ng normal na pagkatao, tatanggapin o haharapin mo nang tama ang mga kaisipan at pananaw na ito, nang hindi Ko na kinakailangang mangaral ng isang sermon tungkol dito. Sa kabilang banda, sa gawain, hindi Ko iiwasan ang inyong mga problema, at hindi rin Ako magpipigil sa pagsasalita sa takot na mapahiya Ko kayo. Ilalantad Ko ang inyong mga problema at ang inyong mga tiwaling disposisyon, para malaman ninyo ang mga problema sa bagay na ito at maiwaksi ninyo ang inyong mga tiwaling disposisyon. Ang Aking layon ay bigyang-kakayahan kayo na tumahak sa isang landas na tama. Mayroon man kayong problema sa buhay o sa gawain, kung may kinalaman ito sa mga tiwaling disposisyon o sa katotohanan, hindi Ko iiwasan ang problema; malinaw Akong makikipagbahaginan sa inyo tungkol dito. Paano man Ako makipagbahaginan o paano Ko man harapin ang isang problema, mayroon Akong mga pamamaraan at prinsipyo Ko. Kapag oras na para tuparin Ko ang Aking responsabilidad, inaako Ko ang paggawa nito. Hindi Ako natatakot na ipahiya kayo; ilalantad Ko ang inyong mga problema at mga tiwaling disposisyon para malaman ninyo ang mga ito. Ito ang Aking responsabilidad. Kung ang inyong mga problema ay walang kinalaman sa mga tiwaling disposisyon o mga katotohanang prinsipyo, mayroon kayong kalayaan at karapatan na gumawa ng mga pagpili at magsagawa ayon sa gusto ninyo; hindi Ako makikialam. Samakatwid, ilantad Ko man ang inyong mga problema o hindi, hindi ito kinasasangkutan ng pag-atake sa inyo, pagpigil sa inyo, o pang-aapi sa inyo. Sa pang-araw-araw na buhay, para sa mga usaping walang kinalaman sa mga prinsipyo, tulad ng mga pangunahing pangangailangan, binibigyan Ko kayo ng sapat na kalayaan upang pumili para sa inyong sarili. Gayumpaman, kung may kinalaman ito sa isang usapin ng prinsipyo—ibig sabihin, kung may kinalaman ito sa mga tiwaling disposisyon, o may kinalaman sa inyong saloobin sa paggawa ng gawain, sa paggawa ng inyong tungkulin, sa Diyos, o sa katotohanan—kung gayon ay dapat Akong makipagbahaginan tungkol dito. Tingnan mo, paano Ko man gawin ang isang bagay, pinag-iisipan Ko ito, hindi ba? Mayroon Akong mga prinsipyo. Para sa anumang bagay na walang kinalaman sa katotohanan, sa inyong saloobin sa Diyos o sa katotohanan, o sa inyong saloobin sa gawain ng iglesia at paggawa ng inyong tungkulin, hindi Ako nakikialam; iniintindi Ko ang sarili Kong usapin. Lalo na pagdating sa mga usapin ng personal na pagpili at personal na kagustuhan, hindi Ako kailanman nakikialam. Halimbawa, gusto ng ilang sister na panatilihing mahaba ang kanilang buhok, itirintas ito, o itali ito paitaas, at gusto ng ilang brother na panatilihing maikli ang kanilang buhok o ahitin ang kanilang mga ulo; mayroon kayong kalayaan na gawin iyon, at hindi Ako kailanman nakikialam. Ang ilang kapatid ay mapili sa pagkain at partikular na gustong kumain ng isang partikular na uri ng pagkain, o mayroon silang isang partikular na gawi sa pamumuhay na hindi mabuti; hindi rin Ako kailanman nakikialam sa mga bagay na ito. Kung ang masamang gawing ito sa pamumuhay ay nakakaapekto sa kanilang kalusugan, sa paggampan nila ng tungkulin, o sa gawain ng iglesia, dapat Ko silang paalalahanan at tulungan, o patulungan sa mga kapatid. Gayumpaman, hindi tinatanggap ng ilang tao kapag tinutulungan sila ng mga kapatid, sinasabi pa nga nila na pakiramdam nila ay nalilimitahan at napepresyur sila; sa huli, tahimik silang umaalis sa iglesia nang hindi nagsasabi sa sinuman, at ang mga kapatid ay pawang nakakaramdam ng panghihina ng loob. Sinasabi Ko, “Mali na makaramdam ka ng panghihina ng loob. Hindi tayo nakikialam sa kalayaan ng mga tao. Kung gusto nilang umalis, hayaan sila; iyon ang kanilang pinili. Hindi Ako nakakaramdam ng panghihina ng loob kahit kaunti.” Bakit hindi Ako nakakaramdam ng panghihina ng loob? Dahil pakiramdam Ko, ang pagtulong sa kanila ay Aking obligasyon, isang bagay na dapat Kong gawin sa Aking pagkatao. Ang tulong na ibinibigay Ko sa kanila ay hindi isang uri ng pabor o kawanggawa; iyon nga lang, pagkarinig tungkol sa kanilang sitwasyon, obligasyon Kong ipagkatiwala sa inyo ang pagtulong sa kanila. Ginagawa nila ang kanilang tungkulin nang full-time sa iglesia. Kung ang kanilang masamang gawi sa pamumuhay ay nakakaapekto sa kanilang kalusugan at nagkakaroon sila ng mga problema sa kalusugan, hindi ba’t dapat silang tulungan ng mga kapatid dahil sa pagmamahal? Ito ay pundamental na panlipunang moralidad para sa mga tao. Pero kung hindi nila tatanggapin ang ganitong uri ng tulong, at makakaramdam sila ng pagkasuklam o presyur sa kanilang puso, hindi natin sila pipilitin, at hindi tayo makikialam sa kanilang kalayaan. Kung gayon, bakit nakakaramdam ng panghihina ng loob ang ilang tao kapag umaalis sila sa iglesia? Nakakaramdam ka ng panghihina ng loob dahil pakiramdam mo, ang pagtupad sa iyong responsabilidad at obligasyon sa kanila ay isang uri ng pabor sa kanila. Hindi nila ito pinahalagahan, hindi nila tinanggap ang pabor na ito, at hindi nila ginawa ang gusto mo, na nakasakit sa iyong damdamin at sa iyong pride. Gaya nga ng kasabihan, tinanggihan niya ang kagandahang-loob mo, kaya nakakaramdam ka ng panghihina ng loob. Hindi Ako nakakaramdam ng panghihina ng loob kahit kaunti. Ang paraan ng pag-arok Ko rito ay naiiba sa paraan ninyo. Sinasabi Ko na dapat Akong kumuha ng aral mula sa usaping ito at huwag na muling gawin ang ganitong uri ng kahangalan sa hinaharap. Ang bawat isa ay may sarili niyang mga adhikain. Hindi mo maaaring isailalim ang mga tao sa iyong kontrol at asahan pa rin na makaramdam sila ng kaligayahan at purihin ka nila, hindi ba? Iyon ay magiging ganap na katawa-tawa. Dapat mong bigyan ng kalayaan ang mga tao at hayaan silang pumili nang malaya. Kung pakiramdam nila ay tama ang sinasabi mo, maaari nilang piliing tanggapin ito at magsagawa ayon sa mga salitang ito; kung pakiramdam nila ay mali ang sinasabi mo, maaari din nilang piliing hindi ito tanggapin. Mayroon silang karapatang pumili. Hindi mo sila dapat piliting tanggapin ang iyong kagandahang-loob. Kung tatanggapin ba nila ito o hindi ay isang usapin ng saloobin; mayroon silang kalayaan na gawin iyon. Sa pinakamainam, maaari kang makipagbahaginan tungkol sa mga problemang mayroon ang mga taong tulad nila, at maaari kang makipagbahaginan tungkol sa mga aral na nakuha mo mula sa ganitong uri ng tao at sa diwa ng mga problemang nakita mo sa kanya, na tumutulong sa iyo na matutunan kung paano kilatisin ang mga tao, kung paano tingnan ang mga tao, at kung paano tratuhin ang mga taong tulad nito ayon sa mga prinsipyo ng mga salita ng Diyos, at hindi na gumawa ng mga kahangalan. Saan kayo nagkakamali, kung gayon? Sinuman ang tulungan ninyo, kumikilos kayo batay sa mga damdamin, at iniisip pa nga ninyo, “Tingnan ninyo kung gaano kalaking pagmamahal ang mayroon ako, at kung gaano ako kamapagmahal.” Ito ay hindi pagkilos ayon sa mga prinsipyo, kundi pagtrato sa mga tao batay sa inyong sariling kalooban at mga kagustuhan; ito ay paggawa ng mga bagay-bagay batay sa mga damdamin. Sinuman ang kausapin o pakitunguhan Ko, nagsasalita at kumikilos Ako batay sa mga prinsipyo; hindi kasama rito ang mga damdamin. Sa pagsasalita at pagkilos, kumikilos Ako nang ganap na batay sa konsensiya at kagandahang-loob, at ito ang paraan na dapat Kong gamitin sa lahat. Sa partikular, sa mga kapatid na normal na gumagawa ng kanilang tungkulin, ganito mismo Ako dapat kumilos. Ito ay Aking obligasyon at responsabilidad. Hangga’t tinutupad Ko ang responsabilidad na ito, sapat na iyon. Maaari nilang piliing tanggapin, o maaari nilang piliing tanggihan; hindi Ako namimilit ng mga tao. Kung tatanggapin nila, masaya Ako; kung hindi, hindi Ako malulungkot. Ang ginagawa Ko lang ay ang ilan sa mga bagay na dapat Kong gawin ayon sa mga prinsipyo; tinutupad Ko lang ang Aking responsabilidad. Nauunawaan ba ninyo? (Oo.)

Anuman ang kapaligiran, kapag nakikipag-ugnayan sa mga tao, kaya Kong tratuhin ang lahat ng uri ng tao at lahat ng uri ng bagay ayon sa mga prinsipyo. Kahit pa, sa buhay, nagbibigay Ako ng ilang tulong sa mga tao o nagsasabi ng ilang bagay na nakakapagpatibay sa mga tao, bahagi rin ito ng paggawa ng mga bagay-bagay ayon sa mga prinsipyo; hindi ito pagkilos batay sa mga damdamin. Tungkol naman sa pakikipagbahaginan tungkol sa katotohanan, tulad ng paglalantad sa kalikasang diwa ng mga tao, paglalantad sa mga tiwaling disposisyon ng mga tao, at paglalantad sa iba’t ibang pagbubunyag ng katiwalian at mga tiwaling kalagayan ng mga tao sa mga partikular na usapin, pati na rin sa diwa ng iba’t ibang problema, kumikilos din Ako ayon sa mga prinsipyo; hindi Ako kumikilos batay sa mga damdamin, ni kumikilos nang may kalooban ng tao. Kapag gumagawa ng mga bagay-bagay ang mga tao, palagi silang kumikilos batay sa kung sino ang kanilang pinakikitunguhan, at sa sarili nilang lagay ng loob at mga kagustuhan. Nagpapakita sila ng ilang pabor sa mga taong nagugustuhan nila at nakakasundo nila, at nagbibigay ng ilang pakinabang sa mga taong ito, habang inaatake at ibinubukod nila ang mga taong hindi nila gusto at hindi nila makasundo; hindi nila kayang tratuhin ang mga tao nang patas. Kumikilos sila batay sa mga damdamin o kaya naman ay gumagawa sila ng masasamang gawa; sa madaling salita, hindi sila gumagawa ng mga bagay-bagay ayon sa mga prinsipyo. Kapag nakikisama Ako sa mga kapatid sa iglesia, sinuman sila, kaya Ko silang tratuhin ayon sa mga prinsipyo. Gayundin, kapag nakikipag-ugnayan at nakikisalamuha sa mga walang pananampalataya, mayroon din Akong mga prinsipyo at hangganan. Kahit pa magsabi sila ng ilang mapanlabang salita, o mga salitang hindi magalang, hindi pino, o walang respeto, hindi Ako gaganti. Kung kailangan Kong makipag-ugnayan sa kanila para magawa ang mga bagay-bagay, makikipag-ugnayan Ako sa kanila; kung hindi Ko kailangang gawin ang mga bagay-bagay, pipiliin Kong iwasan at tanggihan sila. Kung ang isang tao ay may mababang karakter at palaging gustong manamantala sa iba at manghingi ng mga pakinabang, at, kahit pa tulungan Ko siya, hindi pa rin niya ito magawang tratuhin nang tama o hindi niya magawang magbago—na nangangahulugang masama ang kanyang pagkatao—kung gayon ay lumalayo na lang Ako sa kanya. Sa madaling salita, nakikipag-ugnayan man Ako sa mga kapatid o sa mga walang pananampalataya, kaya Kong kumilos ayon sa mga prinsipyo; sa pinakamababa, nakikipag-ugnayan Ako sa mga tao ayon sa mga hangganan ng konsensiya at katwiran ng pagkatao. Kaya ba ninyong makamit ito? (Hindi.) Sinuman ang makasalamuha ng mga tiwaling tao, palagi nilang pinoprotektahan ang sarili nilang mga interes, o tinatrato ang mga tao batay sa mga damdamin at mga kagustuhan, nang walang mga prinsipyo. Kung ito ay isang kapatid na pakiramdam nila ay nakakasundo nila at mayroon silang magandang ugnayan, maaari nila itong tulungan, pakitaan ng pagmamahal, bigyan ng mga bagay-bagay, at maaari silang magkaroon ng malapit na pakikipag-ugnayan dito. Pero kung ang taong ito ay gumawa ng isang bagay na nakakasakit sa kanilang damdamin, sinasabi nila, “Hindi ko na siya kailanman kikitaing muli, at hindi na ako kailanman makikipag-ugnayan muli sa kanya. Talagang pinagsisisihan ko ito! Napakabuti ko sa kanya noon at tinulungan ko siya nang labis, pero ganito pa rin niya ako tratuhin. Ingrato siya, isang walang utang na loob na hamak!” Hindi nila magawang kumilos ayon sa mga prinsipyo para tratuhin ang mga tao nang patas. Kapag mabuti sila sa sinuman, ginagawa nila ito dahil sa mga damdamin, at kung masama sila sa sinuman, ito ay dahil sa kanilang personal na kagustuhan; ang lahat ng ginagawa nila ay para lang palugdan ang kanilang mga damdamin. Samakatwid, kung tutulungan nila ang isang tao at bibigyan ito ng pakinabang, pero ang taong iyon ay hindi lang walang utang na loob kundi sinasaktan din ang kanilang damdamin, labis silang malulungkot at masasaktan, at magrereklamo sila, pakiramdam nila ay nawalan ng saysay ang kanilang mga pagsisikap. Hindi sila magiging handang tanggapin ito, at hindi na nila ito gagawin muli kailanman. Sabihin ninyo sa Akin, kung maharap Ako sa ganitong uri ng sitwasyon, paano Ko ito haharapin? Una, hindi mo maaaring suriin ang usaping ito mula sa perspektiba ng paggawa ng mga tao ng mga pabor para sa isa’t isa; hindi mo maaaring husgahan ang ganitong uri ng sitwasyon batay sa mga damdamin. Dapat mong kilatisin ang mga taong tulad nito batay sa mga salita ng Diyos at sa mga katotohanang prinsipyo; dapat mong kilatisin ang kanilang pagkatao at ang landas na kanilang tinatahak, pati na rin ang kanilang saloobin sa Diyos, sa katotohanan, at sa kanilang tungkulin, sa halip na kilatisin at tingnan sila batay sa mga damdamin. Ang pagtingin sa isang tao sa ganitong paraan ay mas tumpak. Ito ay hindi pagsuri sa isang tao o sa isang usapin batay sa mga damdamin o sa iyong mga personal na pakinabang at kawalan, kundi pagsuri sa kanya batay sa mga salita ng Diyos at sa mga katotohanang prinsipyo. Ang pagtingin sa isang tao o sa isang usapin sa ganitong paraan ay tumpak at alinsunod sa mga prinsipyo. Kapag tinitingnan mo ang mga tao at mga bagay sa ganitong paraan, hindi ka malulungkot at masasaktan dahil ang isang taong tinulungan mo noon ay walang utang na loob, at hindi ka rin makakaramdam ng matinding pasasalamat sa isang tao dahil nakatanggap ka noon ng pabor mula sa kanya; sa halip, magagawa mo siyang tratuhin nang tama ayon sa mga prinsipyo. Mayroong isang karaniwang kasabihan: “Ang isang patak ng kabutihan ay dapat suklian ng umaagos na bukal.” Ang mga ordinaryong tao ay namumuhay pa rin sa loob ng lohika ng gayong mga kaisipan at pananaw ng tradisyonal na kultura. Hindi nila tinitingnan ang mga bagay o mga tao batay sa mga salita ng Diyos o sa katotohanan, ni tinatrato ang mga tao ayon sa mga prinsipyo. Naniniwala sila na, pagdating sa kung paano mo tratuhin ang mga tao, bukod sa hindi pandadaya sa kanila, pamiminsala sa kanila, pananakit sa kanila, pagmumura sa kanila, o paggawa ng masasamang bagay sa kanila, dapat ka ring maging mabuti sa kanila. Sa partikular, kung may nagpakita sa iyo ng pabor, dapat mo itong suklian nang doble; kung hindi, ikaw ay walang utang na loob. Ang pagtrato ba sa mga tao sa mga paraang ito ay maituturing na pagiging mabuti sa mga tao? (Hindi.) Kung gayon, ano ang tunay na pagiging mabuti sa mga tao? Ito ay hindi ang pagmamahal, pag-aalaga, at pag-aasikaso sa isang tao batay sa mga damdamin ng tao, kundi ang paggawa ng mga bagay-bagay batay sa mga prinsipyo ayon sa mga salita ng Diyos. Karamihan sa mga tao ay hindi makamit ang paggawa ng mga bagay-bagay batay sa mga prinsipyo; ang mga tao ay gumagawa lang ng mga bagay-bagay batay sa mga damdamin, hindi batay sa mga prinsipyo. Ang paggawa ng mga bagay-bagay batay sa mga damdamin at ang paggawa ng mga bagay-bagay batay sa mga prinsipyo ay lubhang magkaiba; ang mga ito ay dalawang magkaibang landas. Ang paggawa ng mga bagay-bagay batay sa mga damdamin ay nahahaluan ng kalooban ng tao—kapag tinutulungan mo ang isang tao, ito ay para palugdan ang mga pangangailangan ng iyong mga personal na damdamin; hindi iyon pangangasiwa sa mga usapin nang walang kinikilingan. Kung ang taong ito ay nakakaramdam ng matinding pasasalamat sa iyo, patuloy kang magiging mabuti sa kanya; kung hindi niya ito pinapahalagahan at sinusugatan niya ang iyong puso at sinasaktan ang iyong damdamin, hindi mo na siya tutulungan. Kung gayon, hindi ba’t kumikilos ka nang walang mga prinsipyo? (Oo.) Ito ay pagkilos nang walang mga prinsipyo. Kung gayon, ano ang paggawa ng mga bagay-bagay ayon sa mga prinsipyo? Ito ay ang pagtupad sa iyong responsabilidad bilang isang tao, pagtulong sa iba kung kinakailangan, at pagtulot sa kanilang tanggapin ito sa anumang paraan na gusto nila. Kung handa silang tanggapin ang iyong tulong, napakaganda niyan; kung hindi sila handang tanggapin ito, hindi mo dapat sabihin na hindi sila pinagpala, at hindi ka rin dapat makaramdam ng pagkayamot, kalungkutan, o pagkabigo, kundi dapat mo pa rin silang tratuhin nang tama. Ito ay paggawa ng mga bagay-bagay ayon sa mga prinsipyo. Naunawaan ba ninyo ang prinsipyong ito ng “hindi pag-atake sa iba”? (Oo.)

Ang isa sa mga prinsipyo ng nagkatawang-taong laman ng Diyos, habang Siya ay namumuhay sa gitna ng mga tao at nakikisalamuha at nakikipag-ugnayan sa kanila, ay ang hindi sila atakihin. Ang hindi pag-atake sa iba ay may kinalaman sa mga prinsipyo sa pagtrato sa mga tao at pakikipagbahaginan tungkol sa katotohanan. Bukod sa hindi pag-atake sa iba, ang Diyos na nagkatawang-tao ay may isa pang prinsipyo sa pagtrato sa mga tao, at ito ay ang hindi paghihiganti. Ano ang tingin ng mga tao sa usapin ng paghihiganti? Kung ang isang tao ay inaapi o sinasaktan at pagkatapos ay makatwiran siyang gumanti o lumaban, katanggap-tanggap ba ito para sa mga tao? (Oo.) Pero para sa Diyos, isa ba itong prinsipyo ng pagtrato sa mga tao? (Hindi.) Sa sangkatauhan, sinuman ay maaaring maghiganti, at ang lahat ay may kakayahang gawin ito; ang lahat ay may instinto na maghiganti, pati na rin intensyon at pagnanais na maghiganti. Kung ininsulto ka nang berbal o sinaktan ka ng isang tao, kahit pa hindi ka makapaghiganti sa ngayon, maghahanap ka pa rin ng pagkakataon para makapaghiganti, para ipaalam sa kanya na mayroon kang dignidad, na hindi ka isang tao na madaling kayan-kayanin o paglaruan, na hindi ka hangal, at na mayroon kang katwiran ng normal na pagkatao, at nakakaunawa ka ng mga bagay at nakagagawa ng mga paghusga. Kung gayon, paano nabubuo ang mga kaisipang ito ng paghihiganti sa mga tao? Nagmumula ba ang mga ito sa konsensiya at katwiran ng normal na pagkatao, o mula sa pagkamainitin ng ulo ng mga satanikong tiwaling disposisyon? (Mula sa pagkamainitin ng ulo ng mga satanikong tiwaling disposisyon.) Malinaw ito. Kung ang isang tao ay inapi, sinamantala, o nilinlang ng iba, kapag wala siyang anumang katayuan, hindi siya magkakaroon ng pagkakataong maghiganti, at hindi ito tutulutan ng kanyang mga kondisyon, kaya ibabaon niya ang lahat ng bagay na ito sa kanyang puso, kung saan nagiging isang uri ng pagkamuhi ang mga ito. Dahil sa pagkamuhing ito, at dahil nakatanggap siya ng ganitong hindi patas na pagtrato, maaari siyang maging mapanlaban sa lipunan, sa sangkatauhan, at sa lahat ng itinuturing niyang kaaway. Kapag may katayuan ang sinumang tao, kapag tinutulutan ng mga kondisyon, at mayroon siyang pagkakataong gawin ito, may kakayahan siyang maghiganti, pinagdudusa sa kanyang pagganti ang mga taong nanakit o humamak sa kanya noon at ibinibigay sa mga ito ang nararapat sa mga ito. Pakiramdam niya ay pagkakaroon ng paninindigan ang pamumuhay nang ganito, at sa wakas ay napalaya na niya ang kanyang sarili mula sa hinanakit na ito. Sa sangkatauhan, ang sinumang gumagawa nito ay hindi kokondenahin ng lipunan o ng kanyang konsensiya. Kaya, naniniwala ang mga tao na ang paghihiganti ay hindi isang di-wasto at kahiya-hiyang bagay, at hindi rin nila ito itinuturing na isang positibo o negatibong bagay. Gayumpaman, mula sa Kapanahunan ng Biyaya hanggang sa yugtong ito ng gawain, wala kang makikitang kahit isang pangungusap sa lahat ng salitang binigkas ng Diyos na nagsasabi sa mga tao na maghiganti sa iba. Hindi kailanman sinabi ng Diyos sa mga tao, “Kung sinaktan ka ng isang tao, o kung nilinlang ka ng isang tao, dapat kang maghiganti, dapat kang gumanti sa kanya, mata sa mata, ngipin sa ngipin.” Ang paghihiganti ba ay isa sa mga prinsipyo ng pagtrato sa mga tao na sinabi sa iyo ng Diyos? (Hindi.) Sa Kapanahunan ng Biyaya, ano ang sinabi ng Diyos sa mga tao tungkol sa kung paano dapat tratuhin ang iba? Nang may pagpapasensya, pagpaparaya, at pagmamahal. Ano pa? (Mahalin mo ang iyong mga kaaway, at kung sasampalin ng isang tao ang iyong kaliwang pisngi, iharap mo sa kanya ang kanang pisngi.) Ano pa? Patawarin mo ang iba nang pitumpung ulit na pito. Ang bilang na “pitumpung ulit na pito” ay kumakatawan lamang; hindi ibig sabihin nito na ganoon talaga karaming beses. Sinasabi ito ng Diyos para patawarin mo ang lahat ng umagrabyado sa iyo, para patawarin mo sila nang walang hanggang bilang na beses; isa itong prinsipyo. Pagpapasensya, pagpaparaya, pagpipitagan, pagmamahal sa iyong mga kaaway, pagharap ng kanang pisngi kapag sinampal ang kaliwa, at pagpapatawad sa iba nang pitumpung ulit na pito—ang mga ito ang madalas na sinabi sa Kapanahunan ng Biyaya. Kung gayon, mahihinuha ba mula sa mga salitang ito ang mga prinsipyo sa pagtrato sa mga tao? Ano ang mga prinsipyong hinihingi ng Diyos na sundin ng mga tao sa pagtrato sa iba? Kabilang ba sa mga ito ang mata sa mata, ngipin sa ngipin? (Hindi.) Kabilang ba sa mga ito ang pagganti sa iba gamit ang sarili nilang pamamaraan? (Hindi.) Kabilang ba sa mga ito ang paghihiganti? (Hindi.) Wala sa mga ito ang kabilang. Bagama’t ang bawat isa sa mga bagay na ito na sinabi ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya ay isang partikular na uri ng pag-uugali at pagsasagawa, ang mga ito ay pawang mga prinsipyo sa pagtrato sa iba na sinasabi ng Diyos sa mga tao. Kaya, sa yugtong ito ng gawain sa mga huling araw, ano ang sinasabi ng Diyos sa mga tao tungkol sa pagtrato sa iba? Ang tratuhin ang mga tao nang patas, ang tingnan ang kanilang mga kalakasan at merito, hindi ang kanilang mga pagkukulang at kahinaan. Ano pa ang partikular na naroon? Ang hindi manlinlang, makipagtalo, o umatake sa iba, at ang makipagtulungan sa iba nang may pagkakasundo. Ang mga ito ba ay pawang mga partikular na prinsipyo ng pagtrato sa mga tao? (Oo.) Anuman ang kapanahunan, wala ni isa sa mga partikular na prinsipyong ibinibigay ng Diyos sa pagtrato sa iba ang nagsasabi sa mga tao na maghiganti. Walang ni isa ang nagsasabing, “Kung sinaktan ka ng isang tao, saktan mo rin siya; kung hinampas ka ng isang tao, hampasin mo rin siya; kung sinuntok ka niya, suntukin mo rin isya; kung minura ka niya, murahin mo rin siya.” Hindi kailanman nagsabi ang Diyos ng kahit isang salita na tulad nito. Hinihingi sa iyo ng Diyos na makipagtulungan sa iba nang may pagkakasundo at tratuhin ang mga tao nang patas. Iyong isa pang tao ay maaaring isang tao na minamaliit mo, isang tao na nanakit o nanlinlang sa iyo noon, o isang tao na umatake o humusga sa iyo. Pero hangga’t siya ay isang tao na tunay na nananampalataya sa Diyos, dapat mo siyang tratuhin nang patas at dapat kang makipagtulungan sa kanya nang may pagkakasundo. Ito ang prinsipyo, at ito ang prinsipyo na dapat taglayin at sundin ng isang tao na may normal na pagkatao sa kanyang pagtrato sa iba. Tatanggapin ng mga tao na may konsensiya at pagkamakatwiran ng normal na pagkatao ang mga katotohanang prinsipyong ito at isasagawa nila ang pagtrato sa iba nang patas. Iyong mga hindi nagtataglay ng konsensiya at pagkamakatwiran ng normal na pagkatao ay ituturing ang mga salitang ito bilang isang uri ng doktrina o relihiyosong turo kapag narinig nila ang mga ito. Kung lalabagin ng isang tao ang mga interes, pride, katayuan, o dignidad ng mga tao na hindi kayang tumanggap ng katotohanan, ilalantad niya ang sarili niyang pagkamainitin ng ulo. Hindi lang siya maghihiganti at hihingi ng kabayaran mula sa kabilang panig, kundi gaganti pa nga siya sa kabilang panig nang doble, pinatitindi ang kanyang paghihiganti. Kung may sinumang nanakit sa kanya, nakasakit ng damdamin niya, nang-alipusta sa kanya sa pamamagitan ng pagpapakita sa kanya ng kawalan ng paggalang, o nagkaroon ng anumang berbal o maging pisikal na alitan sa kanya, maghihiganti siya at gagantihan niya ito nang doble. Sadyang hindi niya kayang sundin ang mga prinsipyo ng pagtrato sa mga tao na hinihingi ng Diyos.

Mayroon ding maraming tunay na halimbawa na may kinalaman sa paksa ng hindi paghihiganti ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga tao. Ang hinihingi ng Diyos sa mga tao sa kanilang pagtrato sa iba ay na dapat nilang sundin ang prinsipyo ng hindi paghihiganti, dahil ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagtataglay ng ganitong uri ng normal na pagkatao, at ng ganitong uri ng pagkataong diwa, sa Kanyang tunay na buhay at kapaligiran sa gawain. Ano ang ibig sabihin na nagtataglay Siya ng ganitong uri ng pagkataong diwa? Ang ibig sabihin nito ay kaya Niyang mahigpit na sundin ang gayong prinsipyo ng sariling asal sa Kanyang pagtrato sa mga tao, at mahigpit na sundin ang prinsipyong ito ng sariling asal sa kung paano Siya namumuhay sa gitna ng sangkatauhan at sa gitna ng mga grupo ng mga tao. Ito ay dahil mayroon Siyang gayong buhay diwa, at dahil din sa mayroon Siyang gayong buhay diwa kaya mayroon Siyang gayong realidad sa Kanyang pamumuhay. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay praktikal na namumuhay sa gitna ng mga tao; namumuhay Siya ng isang tunay na buhay kung saan nakikitungo at nakikipag-ugnayan Siya sa mga tao—hindi Siya namumuhay nang nag-iisa. Dahil namumuhay sa katawang-tao, hindi maiiwasang makisalamuha, makipag-usap, at makitungo Siya sa mga tao. Kapag nakikisalamuha at nakikitungo sa tiwaling sangkatauhan, hindi maiiwasang Siya ay matrato nang hindi patas, hindi igalang, madiskrimina, malinlang, maapi, at mahusgahan sa mga paraang hindi tugma sa realidad. Paano Ko hinaharap ang ganitong uri ng hindi patas na pagtrato? Sa pamumuhay sa gitna ng mga tao sa mga taon na ito, bukod pa sa iba’t ibang uri ng hindi patas na pagtrato na dinanas Ko sa gitna ng mga walang pananampalataya, sa usapin lang ng pamilya, ng lokal na iglesia, at ng lahat ng nakatataas na lider at manggagawa at ordinaryong kapatid na maaari Kong makasalamuha, sabihin ninyo sa Akin, nagawa ba ng lahat na tratuhin Ako nang patas? (Hindi.) Talagang hindi. Katulad ninyo Ako—naging isa Akong ordinaryong mananampalataya, at naging miyembro din Ako ng isang pamilya. Noong miyembro Ako ng isang pamilya, dumanas Ako ng lahat ng uri ng hindi patas na pagtrato. Sa isang pamilya, sa magkakapatid, kung sino ang pinakadominante ay siyang nasusunod, at ang taong totoo at makatwiran ay palaging inaapi at tinatrato nang hindi patas. Sa loob ng pamilya, may naaalala Akong ilang partikular na insidente. Sa mga insidenteng ito, kung ikaw ay mapang-api, hindi makatwiran, at gumawa ng eksena, hindi ka aapihin o tatratuhin nang hindi patas. Pero kung ikaw ay makatwiran at hinarap mo ang mga insidenteng ito nang makatwiran, aapihin ka. Kung gumawa ng eksena ang iba at naging hindi makatwiran, marahas silang mananamantala sa iyo at aasal nang walang hiya. Hindi Ko alam kung paano umasal nang walang hiya; alam Ko lang kung paano maging makatwiran at harapin ang gayong mga usapin nang makatwiran, pero ang pagiging makatwiran ay nangangahulugang aapihin Ako. Tingnan ninyo ang mundong ito: Anumang grupo ito ng mga tao, hindi humahawak ng kapangyarihan ang pagiging patas at katuwiran. Sinuman ang kayang umasal nang walang hiya, gumawa ng eksena, at ipilit ang mga hindi makatwirang argumento ang siyang nakalalamang. Habang mas makatwiran ka, at habang mas pinahahalagahan mo ang pagiging patas, konsensiya, at pagkamakatwiran, mas mahihirapan kang magkaroon ng matatag na katayuan, at mas aapihin ka. Naging ganito rin para sa Akin sa loob ng pamilya; inapi Ako ng ibang miyembro ng pamilya. Sa lokal na iglesia, mayroon ding ilang tao na palagi Akong dinidiskrimina. Hindi Ko pinasama ang loob nila at hindi Ko sila sinaktan. Dahil lang sa Ako ay bata pa noon, kumilos nang medyo maagap at masigasig, at handang dumalo sa mga pagtitipon at makibahagi sa iba’t ibang aktibidad, ang ilang tao ay palaging may masamang palagay at masama ang tingin sa Akin. Bukod pa rito, minura nila Ako at hinusgahan Ako habang nakatalikod Ako, sinasabi ang lahat ng uri ng masasamang salita. Kalaunan, nang pumunta Ako sa mga iglesia sa ibang lugar at namuhay kasama ng mga lokal na kapatid doon, ganoon din ang nangyari. Anuman ang ginawa Ko, magkakaroon ng mga kuru-kuro ang ilang tao, at ang ilan ay tinuya pa nga Ako, minaliit Ako, at hinusgahan Ako habang nakatalikod Ako. Anuman ang hindi patas na pagtrato na natanggap Ko, sa paglipas ng mga taon ay hindi Ako kailanman naghiganti sa sinumang nanakit sa Akin noon. Bagama’t maaaring minura o hinusgahan Ako ng ilang tao, o nagsabi pa nga sila ng napakasasamang bagay tungkol sa Akin, hindi Ako kailanman naghiganti sa kanila. Ano ang ibig sabihin ng hindi paghihiganti? Anong mga anyo ng pag-uugali ang bumubuo sa paghihiganti? Maraming anyo ng pag-uugali ang paghihiganti. Ang isang uri ng paghihiganti ay ang isumbat sa mga tao ang mga dati nilang maling gawa, ipaalam sa kanila na mayroon na Akong katayuan ngayon, kung ano ang naramdaman Ko noong minura at hinusgahan nila Ako noon, at ngayong mayroon na Akong katayuan, magiging napakadali lang kung gusto Ko silang harapin at paghigantihan. Pero hindi Ko kailanman ginawa iyon, at hindi Ko rin iyon gagawin. Bakit hindi Ko iyon gagawin? Mayroon Akong mga prinsipyo sa Aking puso para sa pagtrato sa lahat ng uri ng tao. Kung masama ang pagkatao ng isang tao at isa siyang masamang tao, hindi malaking usapin kung sinasaktan niya Ako. Pero kung ginugulo niya ang iglesia, pinipinsala ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, nilalabag ang mga atas administratibo ng iglesia, nilalabag ang mga prinsipyo ng iglesia, o sinasalungat ang mga pagsasaayos ng gawain, dahil may mga atas administratibo ang sambahayan ng Diyos, natural na pangangasiwaan siya nito. Kung bulag ang mga kapatid at walang pagkilatis, at gusto siyang ihalal bilang isang lider, makikipagbahaginan Ako sa kanila tungkol sa mga prinsipyo ng sambahayan ng Diyos sa paghahalal ng mga lider. Kung may pagkilatis ang mga kapatid pagdating sa taong ito, maaari nilang hilingin sa kanya na umatras sa halalan; kung wala silang pagkilatis at inihalal nila siya, hayaan siyang sumubok na maging isang lider. Sa sandaling sapat na ang dinanas na pagdurusa ng mga kapatid, natural na makikilatis nila siya at tatanggalin siya. Sa isang banda, tinutulutan nito ang mga kapatid na matuto ng aral; matututunan nila kung paano kumilatis at kumilala ng mga tao. Sa kabilang banda, ito ay mahigpit na pagsunod sa mga atas administratibo ng sambahayan ng Diyos at sa mga prinsipyo ng sambahayan ng Diyos para sa pangangasiwa sa lahat ng uri ng tao. At may isa pang punto rito na mas mahalaga pa: Ang sambahayan ng Diyos, ang iglesia, ay isang lugar kung saan kumikilos ang Banal na Espiritu, kung saan ang Diyos ang humahawak ng kapangyarihan; ito ang sambahayan ng Diyos. Ano ang ibig sabihin na ito ang sambahayan ng Diyos? Ang ibig sabihin nito ay ang katotohanan ang humahawak ng kapangyarihan, na nangangahulugan naman na ang katotohanan ang nasusunod dito. Ang lahat ng pumupunta sa iglesia ay may angkop na kalalabasan at destinasyon. Kung ang sinuman ay pananatilihin ba, aalis, o mananatili, kung anuman ang kapaligirang kinaroroonan ng sinuman, at kung paano siya pinangangasiwaan ng sambahayan ng Diyos—may pagsasaoras ang Diyos para sa lahat ng ito. Ang katunayan na may isang taong nanakit sa Akin, nagkasala sa Akin, nagmura sa Akin, o nagdiin sa Akin at nanghusga sa Akin noong nakatalikod Ako ay hindi maituturing na paglabag sa mga prinsipyo sa Aking paningin. Kung gayon, ano ang paglabag sa mga prinsipyo? Ito ay ang pamiminsala sa mga interes ng sambahayan ng Diyos at paglabag sa mga atas administratibo. Ang katotohanan ang humahawak ng kapangyarihan sa sambahayan ng Diyos. Sa malao’t madali, makakatanggap ng ganti ang masasamang tao; makakatanggap ang bawat isa ng kaparusahang nararapat sa kanya ayon sa kanyang mga gawa. Ang pangangasiwa sa lahat ng uri ng tao ay usapin ng iglesia at ang gawain na dapat gawin ng mga lider at manggagawa; hindi Ko na kailangang direktang gawin ito. Ito ang Aking prinsipyo sa pagtrato sa mga bagay na tulad nito. Anuman ang ginawa o sinabi ng sinuman sa Akin noon, magalang man o mapang-alipusta, angkop man o hindi angkop, kaya Ko siyang tratuhin nang patas. Hangga’t namumuhay ka ng buhay iglesia sa sambahayan ng Diyos, o kung sandali ka pa lang nananampalataya sa Diyos at hindi mo nauunawaan ang katotohanan, at hindi pa umaabot sa yugtong iyon ang gawain ng Banal na Espiritu, maaari kang manatili sa sambahayan ng Diyos. Bago sumapit ang panahon para pinal na ipahayag ang mga kalalabasan ng mga tao, kaya Kong maghintay. Hindi Ko gagamitin ang iyong saloobin lang sa Akin bilang sapat na ebidensya para tukuyin ang iyong kalalabasan. Samakatwid, hindi Ako maghihiganti sa sinumang nanakit sa Akin kailanman; tatratuhin Ko siya ayon sa mga prinsipyo.

Nakaugnayan Ko ang ilang tao sa iglesia; ang ilan sa kanila ay nakikipag-usap sa Akin nang medyo walang galang at walang pagrespeto. Nang makita Kong ganito ang saloobin nila sa Akin, hindi Ko sila pinansin. Sabihin ninyo sa Akin, nangangahulugan ba iyon na mayroon Akong masamang saloobin sa kanila? (Hindi.) Kung gayon, dapat ba ay pinungusan at dinisiplina Ko sila dahil sa saloobin nila? Hindi Ko pa talaga kailanman ginawa ang gayong bagay. Ang nangyari sa huli ay hindi na ito natiis ng ilang kapatid. Ipinagtanggol nila Ako, sinabi nila, “Paanong nagagawa ng taong ito na magkaroon ng ganitong saloobin kapag nakikipag-usap sa Diyos? Alisin siya!” Labis na nagalit ang mga kapatid. Batay sa palagiang pag-uugali ng taong iyon, inalis nila siya ayon sa mga prinsipyo. Nang makita Kong inalis siya ng mga kapatid, nalaman Ko sa Aking puso, “Tila hindi masyadong maganda ang mga karaniwang pagpapamalas ng pagkatao ng taong ito. Hindi siya pangangasiwaan ng mga kapatid dahil lang sa mayroon siyang masamang saloobin sa Akin; malamang, hindi maganda ang pag-uugali ng taong ito pagdating sa karamihan ng mga bagay.” Kumikilos ang iglesia ayon sa mga prinsipyo sa pangangasiwa sa kanya; wala Akong masabi tungkol dito. Iginagalang Ko kung paano pinili ng mga kapatid na pangasiwaan ito, at iginagalang Ko ang pasya nila. Pero ang paggalang na ito ay hindi dahil pinangasiwaan ninyo ang isang tao na walang galang sa Akin—ang iginagalang Ko ay ang mga prinsipyo ng iglesia para sa pangangasiwa ng mga tao. Sabihin ninyo sa Akin, tama ba ang prinsipyong ito ng pagtrato Ko sa mga tao? (Oo.) Pagdating sa pagtrato sa mga tao, hindi Ko kailanman sinabihan ang mga lokal na lider ng iglesia na pangasiwaan iyong mga humusga sa Akin o berbal na nang-insulto sa Akin noon. Sa kabaligtaran, kung nag-aangat at naghahalal ang isang lokal na iglesia ng ilang partikular na indibidwal sa kanila para maging mga direktor ng ebanghelyo o mga lider at manggagawa, hindi Ako humahadlang; binibigyan Ko sila ng pagkakataon. Partikular itong totoo para sa mga tao sa iglesia ng Aking sariling bayan—ginagawa lang nila ang anumang mga tungkulin na dapat nilang gawin. Hindi Ko binigyan ng awtorisasyon ang sinuman na maghiganti sa mga nanakit o nagkasala sa Akin noon; hindi Ko kailanman ginawa ang kahit isang bagay na tulad nito. Ano ang tingin Ko rito sa Aking puso? Kung tunay na hinahangad ng gayong mga tao ang katotohanan at nagbabago ang mga disposisyon nila, may pag-asa sila na makapagtamo ng kaligtasan. Ang masasamang bagay na sinabi nila sa Akin noon ay pawang mga problema ng kanilang pagkatao, idinudulot ng mga tiwali nilang disposisyon. Noong panahong iyon, hindi nila nauunawaan ang katotohanan, at lahat ay may malulupit na disposisyon. Hindi maiiwasan na makapagsabi sila ng ilang masamang bagay at makagawa ng ilang hindi angkop na bagay sa mga taong minamaliit nila. Sa partikular, kapag naiangat iyong mga kinaiinggitan nila o minamaliit nila, umuusbong sa mga puso nila ang inggit, paninibugho, at pagkamuhi. Pagkatapos ay pamamahalaan sila ng mga tiwali nilang disposisyon at uudyukan silang kumilos, at magsasalita sila ng mga maladiyablong salita. Dulot ito ng mga tiwali nilang disposisyon, at ng mga ambisyon at pagnanais nila. Sinamahan pa ng katunayan na wala silang ni katiting na may-takot-sa-Diyos na puso, kaya nilang sabihin ang anumang masamang bagay; sasabihin nila ang anumang nakatulong sa kanila na ibulalas ang galit nila, anumang nagtulot sa kanila na maibsan ang pagkamuhi nila, at anumang nagbigay-daan sa kanila na makamit ang mga layon nila. Anuman ang masasamang bagay na sinabi ng mga tao o anuman ang masasamang bagay na ginawa nila habang nakatalikod Ako, kung nasasaklaw ito ng normal na pagbubunyag ng mga tiwaling disposisyon at isa itong bagay na mapapatawad ng Diyos, kung gayon, dahil ang Diyos ang may hawak ng kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay, bibigyan sila ng Diyos ng mga pagkakataon, na tinutulutan silang maiangat, malinang, at magamit, at maaari pa ngang magawang perpekto ang ilang tao. Gayumpaman, kung lumampas ang mga pagbubunyag na ito sa saklaw ng mga tiwaling disposisyon ng normal na pagkatao at kinokondena ng Diyos ang mga ito, kung gayon, dahil sinisiyasat ng Diyos ang lahat ng ito, kung ano ang gagawin ng Diyos sa mga taong ito, o kung ano ang isasaayos Niya para sa kanila at kung paano Niya sila pangangasiwaan, ay nasa Diyos na. Hindi Ko kailangang mag-alala tungkol dito, at hindi Ko rin kailangang makialam. Samakatwid, kapag nakararanas Ako ng ilang hindi patas na pagtrato o nakakarinig ng mga salitang umaatake at kumokondena sa Akin, nakakaramdam Ako ng kaunting pighati o kalungkutan sa Aking puso, pero hindi Ako lalabag sa mga prinsipyo para gumawa ng anuman. Hindi Ko lang tinatandaan ang mga bagay na ito, kundi mas tinitingnan Ko rin ang pagkataong diwa ng mga taong ito na nalalantad sa pamamagitan ng kanilang pag-uugali. Gayumpaman, pagdating sa kung anong hatol ang pinal na iginagawad sa lahat ng pag-uugali at pagbubunyag nilang ito, sa kanilang pagkatao, at sa kanilang disposisyong diwa, at kung ano ang kalalabasan nila sa huli, mayroon lang Akong isang paraan ng pangangasiwa rito: Ipinapaubaya Ko ang lahat ng ito sa Diyos. Ito ay dahil ang Diyos ang may hawak ng kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay, ang kapalaran ng bawat tao ay nasa mga kamay ng Diyos, at ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa mga tadhana ng lahat ng tao. Hindi Ko tinutukoy ang anuman sa inyong mga kalalabasan. Bagama’t natatalos Ko ang lahat ng ito, tinutukoy at binibigyang-hatol Ko ito sa Aking puso, at may mga opinyon Ako tungkol sa iyo sa Aking puso, hindi kita kailanman hayagang inilalarawan; hindi Ko ginagawa iyon. Kung gusto kang pangasiwaan ng iglesia, maaari Kong ibigay ang Aking mga opinyon, pero hindi Ako nakikialam o humahadlang sa pangangasiwa sa iyo ng iglesia. Kasabay nito, hindi Ako nakikialam sa pagpapatupad ng Espiritu ng Diyos ng Kanyang kataas-taasang kapangyarihan sa iyo. Tinatrato Ko ang mga tao batay sa mga prinsipyong ito, kaya ang mga hindi patas na bagay na ginawa sa Akin at ang masasamang bagay na sinabi sa Akin ng mga nakasalamuha Ko ay nagtatapos sa Akin—at hindi na nagpapatuloy pa. Ano ang ibig sabihin na hindi na nagpapatuloy pa ang mga ito? Ang ibig sabihin nito ay na sinuman ang nagsabi ng masasamang bagay tungkol sa Akin, nang-api sa Akin, nang-insulto sa Akin, o nanakit sa Akin, hindi Ko ito kailanman binanggit sa sinuman, lalong hindi Ako naghiganti sa taong iyon. Sinasabi ng ilang tao, “Maraming taon na ang lumipas mula noon—maaari kayang nakalimutan Mo na ang mga taong ito?” Sa buhay ng isang tao, palaging may ilang bagay na nag-iiwan ng malalim na impresyon at hindi kailanman makakalimutan. Hindi sa nakalimutan Ko na ang mga bagay na ito, at hindi rin sa hindi Ko nararamdaman ang mga ito, lalong hindi sa hindi Ko nauunawaan ang mga ito. Nagagawa Kong hindi magkimkim ng hinanakit at hindi maghiganti dahil walang mga bagay tulad ng hinanakit at paghihiganti sa Aking puso; naging prinsipyo Ko na ito sa pagtrato Ko sa mga tao. Ang isang aspekto ng prinsipyong ito ay ang pagtrato sa lahat nang patas. Ang kapalaran ng lahat ng tao ay nasa mga kamay ng Diyos. Ang kalalabasan at hantungan ng bawat tao ay may kaugnayan sa kanyang nagawa, sa kanyang mga pagpapamalas, sa kanyang saloobin sa katotohanan at sa Diyos, at sa landas na kanyang tinatahak; tinutukoy ang mga ito ng mga salik na ito. Ang ginawa ng sinuman sa Akin ay hindi isang pamantayan o salik para sa pagsukat ng kanyang kalalabasan at hantungan. Samakatwid, pagdating sa hindi paghihiganti, ang pinakamahalagang punto ay na mayroon Akong mga prinsipyo sa pagtrato Ko sa lahat ng uri ng tao. Kung sinaktan mo Ako, pininsala mo Ako, nilinlang mo Ako, o ininsulto o minura mo pa nga Ako, hindi Ako maghihiganti laban sa iyo, dahil ang paghihiganti ay hindi Ko prinsipyo sa pagtrato sa mga tao, at hindi rin ito ang prinsipyong itinuturo ng Diyos sa mga tao sa pagtrato sa iba. Samakatwid, bago sabihin ng Diyos sa mga tao ang mga prinsipyo ng pagtrato sa iba, ang Diyos ay mayroon ding Kanyang sariling mga prinsipyo sa Kanyang pagtrato sa mga tao. Sa mga salita ng Diyos, at sa lahat ng prinsipyong itinuturo ng Diyos sa mga tao, walang prinsipyo na gaya ng paghihiganti sa iba. Sasabihin ba ninyo na ganito ang kaso? (Oo.) Ang mga prinsipyo ba ng pangangasiwa Ko sa lahat ng uri ng usapin at pagtrato sa lahat ng uri ng tao ay sumasalungat sa mga katotohanang prinsipyo na ibinahagi Ko sa paglipas ng mga taon? (Hindi.)

Nagawa ng Diyos na nagkatawang-tao, sa Kanyang normal na pagkatao, na hindi maghiganti—madali ba para sa mga tiwaling tao na gawin din ito? (Hindi.) Bakit hindi ito madali? (Kapag nakikipag-ugnayan sa ibang tao, karamihan sa mga tiwaling tao ay umaasa sa mga tiwali nilang disposisyon at pagkamainitin ng ulo, kaya malaki ang tendensiya nilang maghiganti sa iba.) May malupit na disposisyon ang mga tiwaling tao, kaya hindi nila mapigilang maghiganti. Alam nila kung anong mga prinsipyo ang sinasabi ng Diyos sa mga tao para sa pagtrato sa iba, pero hindi nila kayang sundin ang mga ito, dahil mayroon silang malupit na disposisyon. Kahit pa wala kang intensyong saktan sila kapag nagsasalita ka, kung hindi ka maingat at makapagsabi ka ng isang bagay na nakakasakit sa kanila, sasabog sila sa galit dahil sa kahihiyan at gugustuhin nilang maghiganti sa iyo. Susubukan din nilang palakihin ito para atakihin ka; dudungisan at sisiraan nila ang pangalan mo habang nakatalikod ka, at magsasabi sila sa iba ng masasamang bagay tungkol sa iyo, sinasabing masyado kang ambisyoso at mapanlinlang, samantalang hindi naman talaga iyon ang kaso. Nakapagsabi ka lang ng isang bagay nang hindi sinasadya na nakasakit sa kanila; wala kang anumang malisya, gayumpaman ay kaya nilang maghiganti sa iyo. Tingnan mo, hindi ba’t nakakatakot ang malupit na disposisyon ng mga taong tulad nito? (Oo.) Ang ilang tao, para maghiganti sa iba, ay maaaring maging hindi makatwiran, umasal nang walang hiya, at magwala pa nga at gumawa ng eksena; hindi ito alinsunod sa mga prinsipyo. Madalas na ganito kumilos ang mga tiwaling tao, hindi ba? Paano Ako kumikilos kapag nahaharap sa posibilidad ng paghihiganti? Paano man Ako tratuhin ng iba, hindi Ako naghihiganti sa kanila, ni umaasal nang walang hiya. Kahit kailan, hindi maaaring magbago ang Aking mga prinsipyo ng sariling asal. Dapat Akong maging makatwiran, at dapat Akong umasal at gumawa ng mga bagay sa loob ng saklaw ng pagkamakatwiran ng pagkatao. Hindi Ako maaaring gumamit ng mga pamamaraan na walang pagkatao para maghiganti sa iyo dahil lang sa hindi ka makatwiran at wala kang pagkatao; hindi iyon magiging angkop. Dapat Kong panghawakan nang mahigpit ang Aking trabaho at panghawakan nang mahigpit ang Aking mga prinsipyo ng sariling asal. Hindi Ko aabandonahin ang Aking mga prinsipyo ng sariling asal dahil lang sa wala kang pagkatao at hindi ka umaasal gaya ng dapat iasal ng isang tao. Aasal pa rin Ako gaya ng nararapat; nananatiling hindi nagbabago ang Aking mga prinsipyo ng sariling asal. Ganitong-ganito Ako umasal sa bahay. Pagdating sa mga bagay tulad ng paghuhugas ng mga pinggan, pag-aayos ng bahay, at paglilinis, gaano man gumawa ng eksena ang iba o gaano man sila hindi makatwiran, ginawa Ko pa rin kung ano ang dapat Kong gawin, at hindi Ako kailanman naghiganti sa sinuman dahil nakatanggap Ako ng hindi patas na pagtrato. Sa huli, anong titulo ang ibinigay sa Akin ng mga magulang? Sinabi nilang Ako ay marangal. Hanggang sa araw na ito, malinaw Kong naaalala ang mga salitang ito. Ito ang Aking prinsipyo sa pagtrato sa mga tao, at nananatili itong hindi nagbabago hanggang sa araw na ito. Hindi lang Ako umasal nang ganito sa bahay, kundi kalaunan, noong pumunta Ako sa iba’t ibang iglesia at nakisalamuha sa mga kapatid, hindi rin nagbago ang prinsipyong ito. Sabihin ninyo sa Akin, tinutukoy ba ito ng pagkataong diwa? (Oo.) Kaya ba ninyong makamit ito? (Hindi.) Mahirap ito, hindi ba? Hindi mo ito kayang makamit kahit pa ubusin mo ang lakas mo sa pagsubok. Gusto lang ng mga tao na ipaglaban ang kanilang pride at pangatwiranan ang kanilang panig, gayumpaman ay nakakalimutan nila ang mga hangganan at prinsipyo ng sariling asal. Walang sinuman ang kailanman ay sumunod sa mga hangganan at prinsipyo ng sariling asal. Bakit walang sinuman ang sumusunod sa mga ito? Dahil ang buhay sa loob ng mga tao ay walang normal na pagkatao at mga prinsipyo. Ang buhay ng mga tao ay ang mga tiwali nilang disposisyon, na nagmumula kay Satanas. Anuman ang gawin mo, ang prinsipyong namamahala at gumagabay sa iyong pag-uugali ay palaging nagmumula sa mga tiwaling disposisyon. Anumang pangangatwiran ang gamitin mo o anuman ang batayan ng iyong mga kilos, nagmumula ang lahat ng ito sa mga tiwaling disposisyon. Samakatwid, ang pakikipag-ugnayan sa mga tao ayon sa mga prinsipyo ay masyadong mahirap para sa mga tiwaling tao. Tingnan mo, hindi ba’t ang mga bagay na ito sa buhay na tinatalakay Ko ay tila napakaordinaryo? Pero ang pag-asal nang ganito sa gitna ng tiwaling sangkatauhan ay inilalarawan bilang pagiging marangal. Ang katangiang ito ng pagiging marangal ay isang bagay na wala man lang ang karamihan sa mga tao at hindi nila kayang makamit, lalong hindi sila makapagpapakita ng anumang pagpipitagan. Masyado silang nagkukulang sa kakayahang makipag-ugnayan sa iba ayon sa mga prinsipyo, dahil sadyang wala ang mga bagay na ito sa tiwaling pagkatao. Hindi sa hindi kayang panghawakan nang mahigpit ng mga tao ang mga prinsipyo, kundi sa halip ay wala silang mga prinsipyo. Anuman ang sabihin o gawin mo, o anuman ang makaharap mo, nabubunyag ang mga tiwali mong disposisyon. Ang iyong mga personal na kagustuhan, mga damdamin, interes, banidad at pride, pag-aasam ng kasikatan, pakinabang, at katayuan, ang mga ambisyon at pagnanais mo, at maging ang pagnanais mong maghiganti at habulin ang mga tao, ay pawang nagpapakita. Ang mga bagay na ito ang kumokontrol at namamahala sa kung ano ang sinasabi at ginagawa mo, na nagpapakita na ang iyong puso ay ganap na inookupa ng mga tiwaling disposisyong ito. Kaya, kapag nagdurusa ka ng kawalan, hindi mo malunok ang iyong galit; iginigiit mong lumaban para makita kung sino ang mananaig bago ka sumuko. Ano ang nangyayari sa huli? Para mabawi ang iyong pride, maibalik ang iyong dignidad, at maprotektahan ang sarili mong mga interes, lalabagin mo ang mga hangganan ng konsensiya at hibang na makikipag-agawan at makikipag-away sa kabilang panig, at maghihiganti pa nga nang walang konsensiya, magpapakababa nang husto. At kapag naghiganti ka, mumurahin mo siya hanggang sa magdilim ang paningin mo. Habang mas minumura mo siya, mas nararamdaman mong hindi nito naiibsan ang iyong pagkamuhi; habang mas minumura mo siya, mas tumitindi ang iyong galit; habang mas minumura mo siya, mas lumalalim ang iyong pagkamuhi, at pagkatapos ay oras na para magkasakitan. Sa sandaling sumiklab ang pisikal na away, nagiging magkaaway kayo; pagkatapos ay hindi na maisasalba ang sitwasyon, wala nang paraan para umatras. Kaya, ang paghihiganti ay, sa diwa, eksklusibong saklaw ng tiwaling sangkatauhan. Ang katunayan na kaya mong maghiganti ay nagpapatunay na walang kontrol sa iyo ang iyong konsensiya at katwiran. Bukod pa rito, ang ilan sa inyo ay sadyang hindi nagtataglay ng konsensiya at katwiran. Kaya, kapag nahaharap ka sa isang sitwasyon, hangga’t pinipinsala ng kabilang panig ang iyong mga interes o sinasaktan ang iyong pride, hindi lang sa hindi mo siya kayang tratuhin ayon sa mga prinsipyo, kundi walang konsensiya ka ring naghihiganti, nilalabag ang mga hangganan ng konsensiya at moralidad para gawin ito, iniisip pa nga na partikular na makatwiran ang iyong paghihiganti. Patuloy mong pinapalitan ng masasamang gawa ang mga katotohanang prinsipyo at ang mga prinsipyo ng sariling asal. Ang isinasabuhay mo ay ang mukha at anyo ng isang diyablo, gayumpaman ang pakiramdam mo pa rin ay na nanalo ka at nagkamit ng kalamangan. Sa aktuwal, ano ang tingin dito ng Diyos? Anong uri ng pag-uugali at anong paraan ng pag-asal ang mga positibong bagay sa paningin ng Diyos, at kinikilala ng Diyos? Ito ang pinakakritikal at pinakamahalagang bagay. Sa panlabas, dahil ang ilang tao ay napakatuso, mahusay magsalita, alam kung paano protektahan ang kanilang banidad at pride, alam kung paano maghanap ng mga pagkakataon para maghiganti sa mga tao, at alam kung paano gumawa ng eksena at umasal nang walang hiya, hindi sila kailanman nagdurusa ng mga kawalan anuman ang makaharap nila, at natatamasa nila ang kaginhawahan at kagaanan, hindi kinakailangang dumanas ng anumang pasakit. Kaya nilang gumanti sa sinumang nang-iinis o nananakit sa kanila, kapwa nagkakamit ng panlabas na prestihiyo at mga aktuwal na pakinabang, hindi kailanman tinutulutan na makaranas ng dagok ang kanilang pride. Gayumpaman, hindi nila kailanman tatanggapin ang katotohanan o tatratuhin ang mga tao ayon sa mga prinsipyo, at kaya pa nga nilang gumawa ng mga bagay na lumalabag sa mga hangganan ng konsensiya at moralidad. Ang paghihiganti at pananakit sa mga tao para protektahan ang sariling pride at mga interes—sa paningin ng Diyos, ang mga ito ay pawang masasamang gawa. Maaaring naprotektahan mo ang iyong banidad at pride at napanatili ang iyong mga makalamang interes, pero hindi ka kailanman umasal o nagtrato ng mga tao ayon sa mga prinsipyong itinuturo ng Diyos. Kaya, ano ang tingin dito ng Diyos? Hindi mo kailanman nakamit ang pagsang-ayon ng Diyos sa Kanyang harapan. Masyado kang tuso at masyadong mapagpakana. Nakikipag-agawan ka para sa panlabas na prestihiyo, mga aktuwal na pakinabang, at mga personal na interes, at nakikipaglaban ka para sa iyong pride. Para sa kapakanan ng pagprotekta sa iyong banidad at pride, hindi mo kailanman isinasapuso ang mga prinsipyo ng sariling asal na itinuturo sa iyo ng Diyos, at hindi mo kailanman sinusunod ang mga ito. Samakatwid, kahit na ang mga makalamang interes ng ilang tao ay tila hindi nakaranas ng anumang kawalan, at tila namumuhay sila ng isang partikular na matagumpay, kahanga-hanga, at kagalang-galang na buhay, wala sila ni katiting na nagbibigay-buhay na katotohanan ng mga salita ng Diyos; hindi nila ito nakamit. Wala rin silang kakayahang maarok ang mga bagay-bagay; hindi nila ito maarok at hindi nila ito nauunawaan. Hindi ba’t ito ay pagdanas ng kawalan pagdating sa buhay ng isang tao? (Oo.) Hindi nila nakamit ang katotohanan, dumanas ng kawalan ang kanilang buhay, at hindi sila pinagpapala ng Diyos, gayumpaman ay pakiramdam pa rin nila ay napakatalino nila, at na hindi sila dumanas ng anumang kawalan. Ang gayong mga tao ang pinakahangal!

Sa pamamagitan ng mga prinsipyo ng pagtrato ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga tao, mas nauunawaan na ba ninyo nang kaunti ang paraan ng pag-asal Ko sa pang-araw-araw na buhay? (Oo.) Kung gayon, mas malinaw na rin ba sa inyo kung anong mga prinsipyo ang dapat ninyong sundin sa pagtrato sa mga tao? (Oo.) Kahit pa iniisip ng ilang tao na ikaw ay mahina, duwag, at madaling kayan-kayanin, at nararamdaman mo na ganito sila mag-isip—at ganito ka rin nila tratuhin—dapat mo pa ring sundin ang prinsipyo ng pagtrato sa mga tao nang patas. Kung kaya mo silang tulungan, dapat kang makipagbahaginan tungkol sa katotohanan para tulungan sila; kung hindi sila mga tao na tumatanggap sa katotohanan, o mga tao na nagmamahal sa mga positibong bagay, dapat mo pa rin silang tratuhin nang tama ayon sa mga prinsipyo. Sa lahat ng oras, sa mas malawak na pananalita, matatag Akong naniniwala na ang Diyos ay may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay at sa mga kapalaran ng lahat ng tao. Nakatitiyak Ako sa Aking puso na ang kapalaran ng sangkatauhan, ang kapalaran ng bawat tao, ay nasa mga kamay ng Diyos, na walang sinuman ang makakatakas sa kataas-taasang kapangyarihan at pamamatnugot ng Diyos, at na walang sinuman ang makakatakas sa pagsisiyasat ng mga mata ng Diyos. Kung titingnan ito mula sa isang mas partikular na perspektiba, ang sambahayan ng Diyos ay isang lugar kung saan ang mga salita ng Diyos ang humahawak ng kapangyarihan at kung saan ang katotohanan ang humahawak ng kapangyarihan. Sa mas partikular, may mga atas administratibo ang sambahayan ng Diyos, may mga regulasyon ang iglesia, at may mga pagsasaayos ng gawain sa bawat panahon. Pagdating sa pagtrato ng sambahayan ng Diyos sa lahat ng uri ng tao, pangangasiwaan nito ang mga ito, sa pinakamalaking antas na maaari, ayon sa mga katotohanang prinsipyo, hindi pinapalampas ang kahit isang tao na dapat paalisin o pangasiwaan. Ang mga anticristo, masasamang tao, at mga hindi mananampalataya, pati na rin ang mga hindi nagmamahal sa katotohanan, ang mga hindi maganda ang pagkatao, at ang mga hindi naghahangad sa katotohanan, ay pawang mga puntirya ng pagtitiwalag sa paningin ng Diyos. Sa malao’t madali, ititiwalag at papaalisin ang mga taong ito, habang ang mga tunay na naghahangad sa katotohanan, o ang mga kahit papaano ay handang magtrabaho para sa Diyos at may katanggap-tanggap na pagkatao, ay magpapatuloy sa paggawa ng tungkulin ng mga nilikha sa sambahayan ng Diyos. Tungkol naman sa mundo ng tao, napapasailalim ito sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos; tungkol naman sa iglesia, may mga atas administratibo at mga katotohanang prinsipyo ang sambahayan ng Diyos. Kaya, pagdating sa kung paano dapat tratuhin ang ibang tao, ito ang dalawang prinsipyong dapat sundin. Malinaw ba sa inyo ang aspektong ito? (Oo.) Tungkol naman sa pakikisalamuha at pakikipag-ugnayan sa ilang partikular na tao sa buhay, kung makakaranas Ako ng ilang hindi kanais-nais na sitwasyon o kung may isang taong magsabi ng mga bagay na hindi tugma sa Aking mga pananaw, pangangasiwaan Ko rin ito nang tama. Kung pagkatapos ay pag-iisipan, pagninilayan, at kukumpirmahin Ko ang sinabi mo, at tutukuyin na tama ito, tatanggapin Ko ito; kung mali ang sinabi mo, tatratuhin din kita ayon sa mga prinsipyo. Kung may alitan, salungatan, o hindi pagkakasundo sa proseso ng pakikipag-ugnayan sa iyo, at may kinalaman ito sa katotohanan, sa gawain ng iglesia, o sa mga tiwali mong disposisyon, makikipagbahaginan Ako sa iyo kung magkakaroon ng pagkakataon, para maunawaan mo ang katotohanan at malinaw mong makita ang mga problemang umiiral sa loob mo. Kung hindi kailanman dumating ang pagkakataong ito o walang pangangailangan na makipagbahaginan sa iyo tungkol dito, maaari kang maghanap nang mag-isa, kung handa kang gawin ito. Kung napakamapagmataas ng iyong disposisyon, o kung magsasalita ka nang walang galang sa Aking harapan at aalipustahin mo Ako, makakaasa ka, tatratuhin kita ayon sa mga prinsipyo. Hinding-hindi kita pupungusan dahil lang sa inaalipusta mo Ako o inalipusta mo Ako noon; hindi Ko gagawin ang gayong bagay. Kung inalipusta mo Ako, dapat Kong tingnan kung sinadya ito o hindi. Kung hindi ito sinadya, ituturing Ko ito na parang hindi kailanman nangyari. Iisipin Ko na lang na ikaw ay nagpapakahangal, walang pagkamakatwiran, at nagsasalita nang hindi nag-iisip—pagkatapos mong magsalita, hindi mo alam kung ano ang kalikasan ng iyong mga salita, at hindi mo alam kung ano ang sinasabi mo; puro lang ito mga walang katuturang salita. Gayumpaman, kung sinadya ito, dapat Akong makipagbahaginan at makipagtalakayan sa lahat tungkol sa usaping ito, para makita kung sa Akin mo lang ba iniisip at ginagawa ito, o kung mapanlaban ka sa maraming tao, sa iglesia, at sa sambahayan ng Diyos; dapat Kong maunawaan kung ano ang partikular na sitwasyon. Kung sa Akin ka lang mapanlaban, pagmamasdan kita; bibigyan muna kita ng pagkakataong magsisi, at titingnan Ko rin kung anong uri ka ba talaga ng tao. Kung, bukod sa pagiging mapanlaban sa Akin, mapanlaban ka rin sa sambahayan ng Diyos, sa iglesia, at sa lahat ng kapatid, palaging gustong makitang maging katatawanan ang sambahayan ng Diyos at palaging gustong makitang maging katatawanan Ako; kung pumapalakpak at humihiyaw ka sa tuwa kapag gumagawa ng mga walang batayang tsismis tungkol sa Akin ang malaking pulang dragon at ang mundo ng relihiyon, at ipinapakalat mo pa nga ang mga ito sa mga kapatid, sadyang sinisiraan Ako at inililigaw ang mga kapatid, kikilos din Ako ayon sa mga prinsipyo. Hindi Ako maghihiganti sa iyo; pangangasiwaan kita ayon sa mga atas administratibo ng sambahayan ng Diyos, na patas at makatwiran. Ipapasuri Ko sa mga lider at manggagawa ang mga atas administratibo, ipapakilatis at ipapangasiwa Ko sa taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang usaping ito, at ipapaubaya Ko sa iglesia at sa sambahayan ng Diyos kung paano ito pangangasiwaan sa huli. Ginagawa Ko ang mga bagay ayon sa mga prinsipyo; makakaasa ka, tinatrato Ko ang mga tao nang may ganap na pagiging patas. Kung ang isang tao ay isang mabuting tao na tunay na nananampalataya sa Diyos at naghahangad ng katotohanan, tiyak na mananatili siya sa sambahayan ng Diyos. Pero kung ang isang tao ay isang masamang tao na mapanlaban sa sambahayan ng Diyos at sa Diyos, na kay Satanas, at na isang masamang demonyo, hinding-hindi palalampasin ng sambahayan ng Diyos ang sinumang gayong tao. Nauunawaan ba ninyo? (Oo.) Kung nabibilang ka sa kategorya ng mga anticristo, masasamang tao, masasamang demonyo, o mga alipin ni Satanas, kikilos din Ako ayon sa mga prinsipyo sa pagtrato sa iyo; hindi kita aagrabyaduhin. Dapat Kong maunawaan kung inalipusta mo ba Ako nang hindi sinasadya, o kung mayroon ka lang mga negatibong opinyon at pananaw tungkol sa Akin nang personal—kung dahil ba sa Ako ay may karaniwang hitsura, may ordinaryo at normal na anyo, hindi matangkad, walang prestihiyosong pinagmulan, nagmula sa hamak na pinagmulan, at isang ordinaryong tao kaya minamaliit mo Ako at paulit-ulit na inaalipusta, sinasabihan ng mga walang-galang na bagay, o kung dahil ba mayroon kang masasamang kaisipan at pagkamapanlaban sa buong iglesia at sambahayan ng Diyos. Dapat kitang kilalanin. Pagkatapos mo Akong alipustahin, dapat Kong makita kung ano ang iyong lihim na saloobin sa iglesia, sa mga kapatid, sa iyong tungkulin, at sa iba’t ibang aytem ng gawain ng sambahayan ng Diyos. Sa sandaling magkaroon Ako ng tumpak na pagkaunawa sa iyo, pangangasiwaan kita ayon sa mga prinsipyo. Hinding-hindi kita aagrabyaduhin; kahit pa alisin ka, hindi iyon pang-aagrabyado sa iyo. Tiyak na magiging tumpak ang sambahayan ng Diyos sa pangangasiwa nito sa iyo. Pero bago ka pangasiwaan, hinding-hindi Ako kusang subhetibong magsasabi na, “Alisin siya sa iglesia!” Hinding-hindi Ko ito gagawin. Sinusunod Ko ang mga pamamaraan ng sambahayan ng Diyos para kilalanin, siyasatin, pangasiwaan, at lutasin ang usaping ito, na sa huli ay nagdudulot na kilalanin ng lahat na ang usaping ito ay pinangasiwaan alinsunod sa mga prinsipyo. Maaari ninyong tingnan iyong mga tinanggal sa kanilang mga tungkulin, pinangasiwaan, at inalis, at tingnan kung ang paraan ng pangangasiwa sa kanila ng sambahayan ng Diyos ay may anumang kinalaman sa saloobin nila sa Akin. Dagdag pa rito, ang ilang tao ay ilang taon nang nananampalataya sa Diyos, gayumpaman ay nakikipag-usap pa rin sila sa Akin na parang mga walang pananampalataya. Nakakaramdam Ako ng pagkasuya sa Aking puso kapag naririnig Ko ito, pero hindi Ko sila pinungusan nang harapan, ni kailanman hinabol. Mayroon ding ilang tao na bata pa at mainitin ang ulo, at tinatawag ang sinumang kausap nila ng “hoy ikaw,” walang pagpapahalaga sa tamang asal, nagmumukhang mga tao na hindi kailanman natuto ng magandang asal. Hindi Ko rin pinungusan ang mga taong tulad nito; hindi Ko kailanman ginawa ang gayong bagay. Sa madaling salita, gaano katagal man na kayong nananampalataya sa Diyos, mayroon man kayong anumang pundasyon o wala, anuman ang inyong pagkatao, anuman ang tungkuling ginagawa ninyo, o kung isang beses Ko lang kayong nakasalamuha o nakipag-ugnayan na Ako sa inyo nang maraming beses, higit-kumulang ay naaarok Ko at mayroon Akong partikular na pananaw sa inyong kalikasang diwa, at para sa ilang partikular na indibidwal ay mayroon pa nga Akong paglalarawan sa kanila. Ang pagkaarok Ko sa kalikasang diwa ng isang tao at pagkakaroon ng partikular na pananaw rito ay walang kaugnayan sa kalalabasan ng taong iyon, pero ang pagkakaroon ng paglalarawan sa kanila ay mayroong kinalaman. Mayroon silang mga ganitong uri ng pagpapamalas at pagbubunyag, kaya mayroon Akong mga prinsipyo ng pagtrato at paglalarawan sa kanila. Bagama’t mayroon Akong mga prinsipyo para sa mga tao at inilalarawan Ko sila, nakita mo bang pinangasiwaan Ko ang sinuman? Hindi Ko kailanman pinangasiwaan ang sinuman. Hinihintay Ko ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos at ang Kanyang mga pagsasaayos. Gayundin, ipinapaubaya Ko ang mga usaping ito sa iglesia; pangangasiwaan ng iglesia ang mga ito ayon sa mga prinsipyo. Ano ang tingin ninyo sa Aking prinsipyo ng pagtrato sa mga tao? (Katugma ito ng mga katotohanang prinsipyo; ibig sabihin, ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan at nagsasaayos sa lahat ng bagay.) Tama, ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan at nagsasaayos sa lahat ng bagay; dapat ipaubaya ang lahat ng bagay sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Ang mga prinsipyong ito ay may kinalaman din sa pagpapasakop sa katotohanan at pagpapasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos. Hindi ka lang dapat mayroong kamalayan at saloobing ito, kundi dapat ka ring kumilos at magsagawa sa ganitong paraan.

Ang Diyos na nagkatawang-tao ay may buhay ng Diyos, at may dibinong diwa bilang Kanyang buhay. Bago ang lahat, ang mga prinsipyo, pananaw, at pamamaraan na mayroon Siya sa lahat ng bagay na Siya Mismo ang gumagawa ay hindi maaaring lumabag sa mga katotohanang prinsipyo. Anuman ang personalidad at paraan ng pagpapahayag ng Kanyang normal na pagkatao, o kung sa gitna ng anong uri ng mga tao Siya namumuhay, sa simula pa lang, ang mga prinsipyong sinusunod Niya ay hindi maaaring lumabag sa mga katotohanang prinsipyo; magkaayon ang mga ito sa buhay ng Diyos at sa diwa ng Diyos. Dahil tinuturuan kayo ng Diyos na nagkatawang-tao kung paano umasal, Siya Mismo ay dapat na maging gayong tao sa simula pa lang—dahil mayroon Siyang gayong pagsasabuhay at gayong diwa kaya nagagawa Niya kayong turuan na maging gayong tao. Sa puntong ito pa lang, ang nagkatawang-taong laman ng Diyos ay may sapat na abilidad at mga kondisyon para akayin kayo patungo sa tamang landas ng buhay ng tao, para akayin kayo patungo sa landas ng kaligtasan, at para dalhin kayo sa harap ng Diyos, binibigyang-kakayahan kayo na magkaroon ng saloobin at puso ng pagpapasakop sa Diyos. Kung maisasagawa at makakamit ninyo ang mga salitang ito na Aking sinabi at ang mga sermong ito na Aking ibinigay, sapat na ang mga salitang ito para bigyang-kakayahan kayong iwaksi ang inyong mga tiwaling disposisyon at maging mga tao na may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan. Ang nagkatawang-taong laman ng Diyos ay namumuhay sa normal na pagkatao at sa tunay na buhay, at bagama’t ang paraang ito ng pamumuhay at anyong ito ng pag-iral ay nagbibigay-daan lamang para sa limitadong pakikipag-ugnayan sa mga tao, ang iba’t ibang prinsipyo na sinusunod Niya sa pagtrato sa mga tao habang nakikisalamuha sa limitadong bilang ng mga tao ay hindi sumasalungat o bumabangga sa mga prinsipyo ng sariling asal na itinuturo ng Diyos sa tao, kundi magkaayon sa mga ito. Samakatwid, pagdating sa mga pagbubunyag ng normal na pagkatao o sa mga pagbubunyag ng mga tiwaling disposisyon ng lahat ng uri ng tao, maging isang pag-aalipusta man o isang kawalang-galang ang mga ito sa Akin nang personal, at angkop man o hindi ang mga ito sa Aking sariling personalidad, mga kagustuhan, o mga damdamin sa panahong iyon, kaya Kong tratuhin nang tama ang lahat ng tao. Kung palagi kang nagdududa sa Akin, nagbabantay laban sa Akin, at nagpapakana laban sa Akin, o palagi mong iniisip na nagpapakana Ako laban sa iyo, kaya pa rin kitang tratuhin nang tama. Anumang uri ng mga tiwaling disposisyon ang ibunyag mo, magsinungaling ka man, magduda sa Akin, gumawa ng mga haka-haka tungkol sa Akin, maging mapagbantay laban sa Akin at palaging gustong iwasan Ako, o magpakana laban sa Akin sa iyong puso, kaya kitang tratuhin nang tama. Hinding-hindi Ko gagamitin ang iyong mga pamamaraan para maghiganti sa iyo—hindi Ako gaganti nang mata sa mata at ngipin sa ngipin. Kahit pa alam Ko kung ano ang iniisip mo, at alam Ko kung paano mo gustong magpakana laban sa Akin at paano mo Ako gustong tratuhin, at kahit pa nakikita Kong tinitingnan mo Ako nang hindi maganda, kaya pa rin kitang tratuhin nang tama. Makakaasa ka, hinding-hindi Ako maghihiganti sa iyo. Maaaring maramdaman mo na, sa hindi paghihiganti sa iyo, naghahanap talaga Ako ng pagkakataon para samantalahin ka, at nagpapakana Ako laban sa iyo. Mali ang iniisip mo; gumagawa ka ng mga haka-haka tungkol sa Akin. Sinabi Ko na sa inyo ang Aking mga prinsipyo sa pagtrato Ko sa mga tao. Nauunawaan ba ninyo Ako ngayon? (Oo.) Kaya, napakadali ba Akong pakisamahan? Madali ba Akong pakitunguhan para sa mga tao? (Tinatrato tayo ng Diyos nang may sinseridad, kaya dapat tayong maging bukas at matapat sa Diyos.) Tama ang prinsipyong ito. Pero kung hindi mo magagawang maging bukas at matapat, sabihin mo sa Akin, pupungusan ba kita at ilalantad Ko ba ang anumang hindi magagandang bagay na ginawa mo noon? (Hindi.) Magkakaroon Ako ng masamang impresyon sa iyo sa Aking puso, iniisip Ko na ang taong ito ay labis na mapagkalkula, nagsasalita nang pautal-utal, na para bang kailangang pigain ang bawat salita, at hindi prangka sa mga tao. Pero kahit pa mayroon Akong masamang impresyon sa iyo sa Aking puso, hindi kita hahabulin. Kung iuulat ng karamihan ng tao na ginagampanan mo nang katanggap-tanggap ang iyong tungkulin sa sambahayan ng Diyos, pero medyo mapanlinlang ang iyong disposisyon, hindi ka prangka sa Akin, at palagi kang nagpapakitang-gilas at nagpapasikat ng iyong sarili sa Aking harapan, magagawa pa rin kitang tratuhin nang tama at bigyan ng mga pagkakataong magbago sa paglipas ng panahon. Hinding-hindi Ko titingnan kung anong mga tiwaling disposisyon ang ibinubunyag mo at pagkatapos ay sasabihing, “Hindi Ako magpaparaya sa pinakamaliit na pagkakamali. Nakikita Ko kaagad kung anuman ang mga tiwaling disposisyong mayroon ka. Kung hindi ka mananampalataya sa Akin, ilalantad Ko kung ano ang iniisip mo sa iyong puso, at makikita mo kung tama Ako.” Hindi Ko ginagawa ang mga bagay na ito. Tinatrato Ko nang tama ang iba’t ibang pagpapamalas ng mga tiwaling disposisyon ng mga tao—kabilang na ang mga nabubunyag sa kanilang pananalita, sa kanilang pag-uugali, at sa kanilang mga kaisipan at pananaw. Kung ikaw ay isang tao na naghahangad sa katotohanan at nagmamahal sa mga positibong bagay, unti-unti mong babaguhin ang mga tiwaling disposisyon at kalagayan mong ito ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Kung hindi ka isang tao na naghahangad sa katotohanan, magiging walang silbi na sapilitan ka pang diligan; hindi ka magbabago. Gaano ka man kagalang at kamapitagan sa Akin sa Aking presensya, wala itong silbi—hindi ito makakapalit sa iyong pagsasagawa ng katotohanan o pagpapasakop sa katotohanan. Magalang ka man o hindi sa Aking harapan, tatratuhin kita nang tama. Noon, may ilang tao, dahil sa kanilang mababang tayog at kawalan ng pagkaunawa sa katotohanan, ang nagbunyag ng maraming tiwaling disposisyon nang makisalamuha at makipag-ugnayan sila sa Akin, at nagpakita rin sila ng matinding paghihimagsik at paglaban. Pero pagkatapos, nakaramdam sila ng pagsisisi at nagbago, at pagkalipas ng ilang taon, naunawaan nila ang ilang katotohanan at nagbago sila. Nagkataon lang na iniangat silang muli ng sambahayan ng Diyos. Nang marinig Kong naiangat sila, napakasaya Ko sa Aking puso. Tingnan mo, hindi Ako nagtatanim ng galit, hindi ba? (Hindi Ka nagtatanim ng galit.) Kaya Ko pa rin silang tratuhin nang tama. Hindi Ko sinasabi, “Dati, wala kang galang sa Akin, hindi ka nakinig sa anumang sinabi Ko, at gumawa ka ng napakaraming bagay na nakasakit sa Aking damdamin. Ngayon ay naiangat ka na naman. Kailangan Kong ipaalam sa iyo na alam Ko ang lahat ng bagay na iyon na ginawa mo noon; huwag mong isiping nakalimutan Ko na ang mga ito.” Hindi Ko ginagawa ang mga bagay na ito. Sa halip, inaaliw Ko sila, sinasabi Ko, “Maghangad kayo nang taimtim. Huwag kayong magkaroon ng anumang pasanin sa isip.” Kapag may mababang tayog ang mga tao at hindi nila nauunawaan ang katotohanan, lahat sila ay magbubunyag ng paghihimagsik, dahil namumuhay ang mga tao sa ilalim ng kontrol ng mga tiwaling disposisyon, at ang mga taong hindi ang katotohanan ang humahawak ng kapangyarihan sa kanilang puso ay hindi kayang pamahalaan ang kanilang mga sarili, nagsasabi at gumagawa sila ng mga bagay kahit ayaw nila. Ganito ang mga tao na namumuhay ayon sa mga tiwaling disposisyon. Samakatwid, huwag kayong magkaroon ng anumang pasanin sa isip sa inyong paghahangad sa katotohanan. Hinding-hindi Ko titingnan ang sinumang tao, o anumang lahi ng mga tao, nang hindi obhetibo. Hindi Ko tinitingnan ang iyong antas ng edukasyon, o ang iyong nakaraan. Tinitingnan Ko lang ang iyong pagkataong diwa at ang iyong paghahangad, pati na rin ang iyong saloobin sa katotohanan, ang iyong saloobin sa Diyos, at ang iyong saloobin sa iyong tungkulin. Kung naging pabasta-basta ka noon sa paggawa ng iyong tungkulin, at nagdulot ng ilang kawalan sa sambahayan ng Diyos o gumawa pa nga ng masasamang gawa na nagdulot ng mga paggambala at panggugulo habang ginagawa mo ang iyong tungkulin, bagama’t malinaw ang mga bagay na iyon sa Aking isipan at nakatatak sa Aking alaala, hindi Ako maiimpluwensiyahan o maililihis ng mga bagay na iyon sa pagtingin Ko sa iyo. Titingnan kita sa isang komprehensibong paraan; titingnan kita ayon sa mga katotohanang prinsipyo, tinitingnan kung paano mo ginagawa ang iyong tungkulin at tinatrato ang iyong tungkulin ngayon, at kung pabasta-basta ka pa rin ba tulad noon. Noon, hindi mo maprotektahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, kumilos ka nang masyadong maingat at sinubukan mong maging mapagpalugod ng mga tao. Bumalik ka na ba sa tamang landas at nagbago ka na ba ngayon? Kaya mo bang isagawa ang ilang katotohanan ayon sa mga katotohanang prinsipyo? Dati ay palagi kang nag-iimbot ng kaginhawahan ng laman; kaya mo na bang magtiis ng paghihirap ngayon? Sinsero mo bang ginugugol ang iyong sarili? Kaya mo bang hanapin ang katotohanan sa proseso ng paggawa ng iyong tungkulin? Mayroon ka bang kaunting katapatan at sinseridad? Nakagawa ka ba ng pag-usad at nagbago kumpara noon? Ang mga ito ang mga bagay na tinitingnan Ko. Kung palagi kang naging pabasta-basta, nagpasasa ka sa kaginhawahan, at hindi mo pinrotektahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos noon, at ganito ka pa rin ngayon, hindi Ako magkakaroon ng anumang paborableng damdamin sa iyo sa Aking puso. Kung ganoon ka noon, bagama’t mayroon Akong masamang impresyon sa iyo, ngayong nagbago ka na, lubos Akong masaya. At aaliwin pa nga kita, sasabihin Ko, “Maghangad ka nang ganito mula ngayon. Noon, masyadong mababa ang iyong tayog, bata ka pa at hindi pa hinog ang isip mo, at kumikilos ka lang nang walang habas habang gumagawa ng masasamang bagay; ang mga ito ay pawang mga aral para sa iyo. Dapat mong hangarin ang katotohanan para lutasin ang iyong pagiging pabasta-basta at ang iyong masasamang gawa, at pagkatapos ay tunay ka nang nagbago.” Aaliwin at hihikayatin kita. Kung ang masasamang taong iyon ang nasa kalagayan Ko, kapag nakita nilang nagbago ka na, maiinggit sila sa iyo at mamumuhi sa iyo. Hindi sila magiging magalang sa iyo, sasabihin nilang, “Dapat kong ilantad ang hindi magagandang bagay na ginawa mo noon at ipakita sa mga tao kung gaano ka kapangit noon. Huwag mong isiping hindi ko alam ang lahat ng ito!” Tingnan mo, ang mga tiwaling tao ay mahilig lang magpanggap na matalino, gumawa ng maliliit na panlalansi, magparamdam ng kanilang presensya, maglantad ng mga pagkukulang ng mga tao, at ungkatin ang mga hindi magagandang nakaraan ng mga tao. Talagang hindi Ko kailanman ginagawa ang gayong mga bagay. Hindi Ako kailanman nagsasabi ng gayong mga bagay sa mga tao. Sinusubukan Ko lang silang hikayatin at pakalmahin, para makaramdam sila ng kapayapaan sa kanilang puso at maramdaman nilang mabuti ang paghahangad sa katotohanan. Kapag nakikita Kong nagbago sila nang kaunti, dapat Ko silang hikayatin, na ipinapaalam sa kanila na nakagawa sila ng pag-usad, at nagbibigay sa kanila ng kaunting motibasyon at kumpiyansa. Sabihin ninyo sa Akin, sa pagtrato sa mga tao nang ganito, kumikilos ba Ako sa loob ng mga prinsipyo? (Oo.) Kumikilos ba Ako batay sa pagiging natural o batay sa pagkamainitin ng ulo? (Hindi.) Sinasabi ng ilang tao, “Dahil ba mayroon Kang mahinang memorya? Marahil ay wala Kang pakialam sa mga bagay na ito? O likas na malawak ang pag-iisip Mo?” Sabihin ninyo sa Akin, may anumang kinalaman ba ito sa personalidad, pagiging malawak ang pag-iisip, o memorya? (Wala.) Kahit pa ang isang tao ay likas na malawak ang pag-iisip at may magandang personalidad, kung namumuhay siya sa ilalim ng kontrol ng mga tiwaling disposisyon, hindi pa rin niya kayang tratuhin ang mga tao ayon sa mga prinsipyo o bigyan ang mga tao ng mga pagkakataon na tumahak sa tamang landas; hindi niya ito makakamit. Sa pinakamabuti, sasabihin ng mga tiwaling tao, “Hindi ko ilalantad ang iyong mga pagkukulang; kung gagawin ko iyon ay pagtatawanan ako ng mga tao.” Ginagawa nila ito alang-alang sa pride at dahil sa presyur ng pampublikong opinyon sa mundo, nag-aalala na ang pag-asal nang ganoon ay magpapamukha sa kanilang mababaw at walang pagpaparaya. Para lang protektahan ang sarili nilang pride kaya sila nagpipigil sa paglalantad ng mga pagkukulang ng mga tao, pero kaya ba nilang ituro ang ilang tamang landas para sa mga tao? (Hindi.) Para sa karamihan ng mga tao, napakabuti na kung kaya nilang magpigil sa paghihiganti—ang hilingin sa kanila na tulungan ang ibang tao o hilingin ang mabuti para sa mga ito ay hindi nila kaya. Sa pinakamabuti, nararamdaman nila, “Maging maayos man o hindi ang lagay mo ay walang kinalaman sa akin.” Ipinapahayag ng ilang tao, “Ako ay isang mapagpakumbabang tao na may kabutihan; hindi ako maaaring maghiganti sa mga tao,” pero sa kanilang puso ay iniisip nila, “Sana ay maging masama ang mga bagay-bagay para sa iyo. Kung magiging maayos ang lagay mo, hindi magiging komportable ang pakiramdam ko sa loob ko. Magiging masaya ako kapag dumating na sa wakas ang araw na mamamatay ka!” Ang kanilang mga salita ay puno ng kabutihan, katuwiran, at moralidad, pero ang kanilang puso ay masama at malupit. Wala silang sinasabi kundi magagandang salita, habang ang kanilang puso ay mas mapaminsala kaysa kaninuman. Ito ay tinatawag na pagkakaroon ng matamis na dila at maitim na budhi; ito ay tinatawag na pagiging isang mapagpaimbabaw. Tingnan mo, kaya ba ng mga tiwaling tao na tratuhin ang ibang tao batay sa mga katotohanang prinsipyo? Ang mga tiwaling tao ay nag-iisip ng isang bagay at gumagawa ng iba. Sa panlabas, para magmukhang kagalang-galang, pino, at marangal, nagsasabi sila ng ilang magandang salita, pero hindi sila nag-iisip nang ganoon sa kanilang mga puso, at palihim silang gumagawa ng mga bagay para matisod ang iba. Samakatwid, pagdating sa paraan ng pagtrato ng mga walang pananampalataya sa mga tao, kahit na hindi sila maghiganti sa iyo, hindi rin nila hihilingin ang mabuti para sa iyo. Ang paraan ng pagtrato nila sa mga tao ay hindi umaayon sa mga katotohanang prinsipyo. Kapag nakikita nilang maayos ang lagay mo, nakakaramdam sila ng pagiging hindi komportable at pagkainggit sa kanilang puso; kapag nakikita nilang hindi maayos ang lagay mo, kung magkakaroon sila ng pagkakataon ay palulubhain nila ang iyong pasakit o lalo ka pa nilang sasaktan, at saka lang nila mararamdaman na naibsan ang kanilang pagkamuhi. Mahirap na nga para sa kanila na magpigil sa paghihiganti—lalong mahirap para sa kanila na kumilos nang may prinsipyo sa mga tao; hindi sila nagtataglay ng gayong pagkatao.

Ang Diyos na nagkatawang-tao ay naging isang ordinaryong tao. Sa Kanyang pang-araw-araw na buhay, ang paraan ng pagtrato Niya sa mga tao, kahit papaano, ay nasa loob ng mga hangganan ng konsensiya at katwiran; hinding-hindi ito bababa sa pamantayang ito, at maaari lang na maging mas mataas dito. Hindi na kailangang sabihin pa na tinatrato ng Diyos na nagkatawang-tao ang mga tao ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Dahil mayroon Siyang dibinong diwa, mas may kakayahan pa nga Siyang tratuhin ka ayon sa mga katotohanang prinsipyo, at hinding-hindi ka Niya hahabulin. Katulad lang ito ng pagtrato ng sambahayan ng Diyos sa lahat ng uri ng tao—ang pagtanggal sa mga lider at manggagawa sa lahat ng antas, ang pag-aayos sa mga pagtatalaga ng tungkulin ng mga tao o pagtatanggal sa kanila, ang pag-aalis sa lahat ng uri ng tao, at iba pa, ay pawang isinasagawa ayon sa mga prinsipyo, hindi pinagpapasyahan batay sa mga kagustuhan ng sinuman; ang mga desisyong ito ay sinasang-ayunan ng karamihan ng mga tao sa iglesia. Kaya ang katotohanan ang talagang humahawak ng kapangyarihan sa sambahayan ng Diyos; totoo ito. Kahit ang mga tao na may normal na pagkatao ay kayang gumawa ng mga bagay sa paraang umaayon sa pamantayan ng konsensiya na taglay ng mga normal na tao, at kapag may kinalaman ang mga katotohanang prinsipyo, kaya pa rin nilang sumunod sa mga pamantayan ng konsensiya at katwiran ng mga normal na tao—lalo nang ganito ang normal na pagkatao na isinusuot ng Diyos na nagkatawang-tao. Pagdating sa mga usaping may kinalaman sa gawain ng iglesia, sa mga tungkuling ginagawa ninyo, at sa inyong mga tiwaling disposisyon, mas lalong kaya Niya kayong tratuhin ayon sa mga prinsipyo. Pagdating sa kung paano Ako, itong ordinaryo at normal na tao, ay nakikipag-ugnayan at nakikisalamuha sa inyo, paano man Ako makipagbahaginan tungkol sa katotohanan o anong uri man ng mga problema ang pangasiwaan Ko, sabihin ninyo sa Akin, karapat-dapat ba sa inyong tiwala ang normal na pagkatao Kong ito? (Oo.) Kailangan ba ninyong bumuo ng isang linya ng depensa para magbantay laban sa Akin? (Hindi.) Kaya hayaan ninyong sabihin Ko ito sa inyo: Kapag nagsasalita at nakikipag-ugnayan sa Akin, kailangan mo lang maging bukas at matapat. Gaano man karami ang alam Ko tungkol sa iyo o kung anuman ang alam Ko tungkol sa iyo, tatratuhin kita ayon sa mga prinsipyo. Anuman ang saloobin mo sa Akin, tatratuhin pa rin kita ayon sa mga prinsipyo. Makakaasa ka; hindi mo kailangang magbantay laban sa Akin. Isinasantabi ang Aking dibinong diwa at dibinong buhay, ang pagkataong diwa lang na taglay ng normal at praktikal na panig Kong ito, ang ordinaryong taong ito, ay isang bagay na mapagkakatiwalaan ninyo. Anuman ang ating pinag-uusapan, hindi kayo dapat magkaroon ng komplikadong mentalidad. Kailangan lang ninyong maging simple at bukas. Kung nahaharap kayo sa anumang mga paghihirap, pag-usapan lang nang direkta ang mga ito. Hindi ninyo kailangang magbantay laban sa Akin na parang nagbabantay kayo laban sa isang estranghero. Kung palagi kang mapagbantay laban sa Akin, may isang bagay Akong sasabihin sa iyo: Masyado kang hangal, at ikaw ay bulag! Hindi mo ba alam kung anong gawain ang ginagawa Ko? Habang mas nagbabantay ka laban sa Akin, mas hindi mo makakamit ang katotohanan sa huli. Hindi ba’t ito ay pagpigil sa iyong sarili at pagwasak sa iyong sarili? Kung palagi kang nagdududa at nagbabantay laban sa nagkatawang-taong laman ng Diyos, at paano man Siya magsalita at makipagbahaginan tungkol sa katotohanan, palagi mong pinapanatili ang isang saloobin ng pagsisiyasat, hindi tinatanggap ang Kanyang sinasabi kahit pa kinikilala mo na ito ang katotohanan, hindi lang sa hindi ka liliwanagan o pagpapalain ng Banal na Espiritu, kundi sa kabaligtaran ay itatago ng Diyos ang Kanyang mukha mula sa iyo at babalewalain ka Niya. Kung hindi ka naniniwala sa Akin, subukan mo lang ito at tingnan mo kung ganito nga ang kaso. Kung wala kang mga prinsipyo kapag nakikipag-ugnayan sa Akin, sa ordinaryong taong ito na may normal na pagkatao, hindi mo alam kung paano makipag-ugnayan sa Akin, at hindi mo alam kung paano Ako tratuhin ayon sa mga prinsipyong itinuturo ng Diyos sa iyo, hindi ba’t ganoon din ang magiging pagtrato mo sa Diyos sa langit? (Oo.) Kung makikipag-ugnayan ka sa Diyos sa langit sa parehong paraan, ano ang mga kahihinatnan? (Kokondenahin at hahampasin kami.) Mali ka na naman. Hindi basta-bastang hinahampas ng Diyos ang mga tao. Gayumpaman, hindi ka kailanman magkakaroon ng pagkakataong makita ang tunay na anyo ng Diyos, at hindi ka rin kailanman magiging kalipikado; isa itong katunayan. Hindi ka kailanman magiging kalipikado na makita ang tunay na anyo ng Diyos—hindi mo man lang makikita ang likod ng Diyos. Ano ang ibig sabihin nito? Ang ibig sabihin nito ay hindi ka kailanman kikilalanin ng Diyos bilang Kanyang nilikha. Ano ang ibig sabihin na nakita ni Job ang likod ni Jehova? Ano ang ibig sabihin na narinig ni Abraham na kinakausap siya ng mismong tinig ng Diyos? (Sinang-ayunan sila ng Diyos.) Ang ibig sabihin nito ay kalipikado silang makipag-usap sa Diyos, makipag-usap sa Diyos sa langit, sa Kanyang tunay na anyo, sa Espiritu ng Diyos. Kinilala at tinanggap sila ng Diyos bilang mga nilikha. May pagkilala sa kanila ang Diyos bilang mga nilikha. Nakamit sila ng Diyos. Napakalalim ng kabuluhan nito! Handa ang Diyos na makita sila at handang makipag-usap sa kanila. Handa ang Diyos na iparinig sa kanila ang tunog ng Kanyang tinig na nagsasalita mula sa langit. Handa ang Diyos na ipakita sa kanila ang Kanyang espirituwal na katawan, na ipamalas ito sa kanila. Napakalaking pagpapala nito para sa mga tao! Isa itong napakalaking karangalan! Hinahangad ba ninyo ito? Maaaring hindi kayo mangahas na hangarin ito, pero dapat na mayroon kayo ng pagnanais na ito. Kaya paano kayo dapat magsagawa para matupad ang pagnanais na ito? Una, simulan ninyo ang inyong pagsasagawa sa paraan ng pagtrato ninyo sa nagkatawang-taong Diyos, sa ordinaryo at normal na taong ito. Paano ka dapat makipag-ugnayan sa Kanya at paano mo Siya dapat tratuhin? Kapag nakikita mo Siya sa Kanyang nahahawakang anyo, kung kaya mong makipag-ugnayan sa Kanya nang normal, tanggapin ang lahat tungkol sa Kanya, maging bukas at matapat sa Kanya, at hindi magkaroon ng mga hadlang o paghihirap sa pakikipag-ugnayan at pakikisalamuha sa Kanya, kung gayon sa harap ng Diyos—kahit papaano, sa Aking paningin—magiging handa Akong makipag-ugnayan sa iyo; hindi Ako makakaramdam ng pagkasuklam sa iyo. Pagkatapos ay maaari kang magkaroon ng pagkakataon at maging kalipikado na marinig ang tinig ng Diyos, na marinig ang mismong tinig ng Diyos na nagsasalita mula sa langit, at na makita ang pigura ng Diyos. Siyempre, sa ngayon ay malayo pa kayo sa layong ito; binibigyan Ko lang kayo ng isang landas. Kung hindi man lang ninyo malampasan ang hadlang na ito na ipinepresenta Ko, ng ordinaryong taong ito, gayumpaman ay gusto mong makita ang Diyos sa langit, may isang bagay Akong sasabihin sa iyo: Imposible iyan! Iyan ay talagang isang pangangarap nang gising!

Sige, tapusin na natin ang ating pagbabahaginan dito para sa araw na ito. Paalam!

Setyembre 14, 2024

Sinundan: Paano Hangarin ang Katotohanan (26)

Sumunod: Paano Hangarin ang Katotohanan (28)

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito