Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Nilalaman

Paano Nakilala ni Pedro si Jesus

Sa panahon na gumugol si Pedro ng oras kasama si Jesus, nakita niya ang maraming kaibig-ibig na katangian ni Jesus, maraming katangiang karapat-dapat na tularan, at marami na tinutustusan siya. Bagaman nakita ni Pedro ang pagka-Diyos ng Diyos kay Jesus sa maraming paraan, at nakita ang maraming kaibig-ibig na mga katangian, sa simula hindi niya kilala si Jesus. Sinimulang sundan ni Pedro si Jesus noong siya ay 20 taong gulang, at nagpatuloy siya sa loob ng anim na taon. Sa panahong iyan, hindi niya kailanman nakilala si Jesus, ngunit handa siyang sundan Siya dahil sa kanyang paghanga sa Kanya. Noong unang tinawag siya ni Jesus sa baybayin ng Dagat ng Galilea, itinanong Niya: “Simon, anak ni Jonas, susundan mo ba Ako?” Sinabi ni Pedro: “Dapat kong sundan siya na ipinadala ng Amang nasa langit. Dapat kong kilalanin siya na pinili ng Banal na Espiritu. Susundan Kita.” Sa panahong ito, narinig ni Pedro na sinabi ang hinggil sa isang lalaki na nagngangalang Jesus, ang pinakadakila sa mga propeta, ang minamahal na Anak ng Diyos, at si Pedro ay walang tigil na umaasang matagpuan Siya, umaasa ng pagkakataon na makita Siya (dahil iyan ang paraan noon kung paano siya ginabayan ng Banal na Espiritu). Bagaman hindi pa niya kailanman nakita Siya at narinig lamang ang mga sabi-sabi tungkol sa Kanya, unti-unting lumago ang pananabik at paghanga kay Jesus sa kanyang puso, at madalas niyang pinanabikan na isang araw na makita si Jesus. At paano tinawag ni Jesus si Pedro? Narinig rin Niya nang mabanggit ang tungkol sa isang lalaki na tinatawag na Pedro, at hindi ito sa paraan na tinagubilinan Siya ng Banal na Espiritu: “Pumunta Ka sa Dagat ng Galilea, kung saan may isang tinatawag na Simon, anak ni Jonas.” Narinig ni Jesus ang isa na nagsabing mayroong isa na tinatawag na Simon, anak ni Jonas, at na narinig ng mga tao ang kanyang pangangaral, na ipinangaral niya rin ang mabuting balita tungkol sa kaharian ng langit, at lahat ng mga taong nakarinig sa kanya ay naantig na lumuha. Pagkatapos marinig ito, sinundan ni Jesus ang taong iyan, at nagtungo sa Dagat ng Galilea; noong tinanggap ni Pedro ang tawag ni Jesus, sinundan niya Siya.

Sa panahong sinusundan niya si Jesus, napakarami niyang mga opinyon tungkol sa Kanya at palagi niyang hinahatulan Siya mula sa kanyang sariling pananaw. Bagaman mayroon siyang ilang tiyak na antas ng pang-unawa sa Espiritu, si Pedro ay hindi masyadong naliwanagan, kaya ang kanyang mga salita nang sinabi niya: “Dapat kong sundan siya na ipinadala ng Amang nasa langit. Dapat kong kilalanin siya na pinili ng Banal na Espiritu.” Hindi niya naunawaan ang mga bagay na ginawa ni Jesus at walang natanggap na pagliliwanag. Pagkatapos na sundan Siya sa loob ng ilang panahon lumago ang kanyang interes sa kung ano ang ginawa at sinabi Niya, at kay Jesus Mismo. Naramdaman na niya na pumupukaw si Jesus kapwa ng pagsuyo at paggalang; nais niyang makasama Siya at manatiling katabi Niya, at ang pakikinig sa mga salita ni Jesus ang nagbigay sa kanya ng panustos at tulong. Sa loob ng panahong sinundan niya si Jesus, pinansin at isinapuso ni Pedro ang lahat ng bagay tungkol sa Kanyang buhay: Ang Kanyang mga kilos, mga salita, mga galaw, at pananalita. Natamo niya ang isang malalim na pang-unawa na si Jesus ay hindi katulad ng mga karaniwang tao. Bagaman ang Kanyang itsura ay lubhang karaniwan, lipos Siya ng pag-ibig, malasakit, at pagpapaubaya sa tao. Lahat ng bagay na ginawa o sinabi Niya ay malaking tulong sa iba, at sa Kanyang tabi nakita at natuto ng mga bagay-bagay si Pedro na kailanman hindi pa niya nakita o naranasan. Nakita niya na kahit na walang mataas na tayog ni pambihirang pagkatao si Jesus, nagtataglay Siya ng tunay na pambihira at hindi pangkaraniwang katangian. Bagaman hindi kayang ganap na maipaliwanag ito ni Pedro, nakita niya na kumilos si Jesus na naiiba sa lahat, dahil gumawa Siya ng mga bagay-bagay na malayo sa ginawa ng karaniwang tao. Mula sa panahon ng kanyang pakikipag-ugnayan kay Jesus, natanto rin ni Pedro na ang Kanyang karakter ay iba sa karaniwang tao. Palagi Siyang kumikilos nang matatag at hindi kailanman nagmamadali, hindi kailanman eksaherado ni minaliit ang isang paksa, at isagawa ang Kanyang buhay sa paraang kapwa karaniwan at kahanga-hanga. Sa pag-uusap, si Jesus ay elegante at kaaya-aya, hayag at masayahin ngunit panatag, at hindi kailanman winala ang Kanyang dangal sa pagsasagawa ng Kanyang gawain. Nakita ni Pedro si Jesus na paminsan-minsang walang imik, ngunit sa ibang pagkakataon ay walang tigil sa pagsasalita. Paminsan-minsan siya ay masaya na nagiging maliksi at buhay na buhay tulad ng isang kalapati, at paminsan-minsan nama’y napakalungkot na hindi Siya nagsasalita, na parang inang binagyo. Kung minsan Siya ay galit na galit, tulad ng isang matapang na sundalo na dadaluhong upang pumatay ng mga kaaway, at paminsan-minsan katulad ng umaatungal na leon. Paminsan-minsan tumatawa Siya; sa ibang pagkakataon nananalangin at umiiyak Siya. Hindi alintana kung paano man kumilos si Jesus, lumago ang walang hanggang pag-ibig at paggalang ni Pedro para sa Kanya. Ang pagtawa ni Jesus ang pumuno sa kanya ng kaligayahan, ang Kanyang kalungkutan ang nagsadlak sa kanya sa pighati, ang Kanyang galit ang tumakot sa kanya, habang ang Kanyang habag, pagpapatawad, at paghihigpit ang nagpangyaring mahalin niyang tunay si Jesus, na bumubuo ng totoong paggalang at pagkapanabik sa Kanya. Siyempre, unti-unting natanto lamang ni Pedro ang lahat ng ito nang namuhay siyang kasama ni Jesus sa loob ng ilang taon.

Si Pedro ay isang partikular na matinong tao, ipinanganak na may likas na katalinuhan, ngunit gumawa siya ng maraming hangal na mga bagay noong sumusunod kay Jesus. Sa simula pa lamang, may ilang mga paniwala siya tungkol kay Jesus. Tinanong niya: “Sinasabi ng mga tao na Ikaw ay isang propeta, kaya noong Ikaw ay walo at na sa tamang edad na upang maunawaan ang mga bagay-bagay, alam Mo ba na Ikaw ay Diyos? Alam Mo ba na ipinaglihi Ka ng Banal na Espiritu?” Tumugon si Jesus: “Hindi, hindi ko alam! Hindi ba ako mukhang napakakaraniwang tao sa iyo? Ako ay katulad ng sinuman. Ang taong ipadadala ng Ama ay isang karaniwang tao, hindi isang pambihira. At bagaman ang gawaing ginagawa Ko ay kumakatawan sa Aking Amang nasa langit, hindi ganap na kumakatawan ang Aking imahe, ang Aking pagkatao, at ang Aking katawang-tao sa Aking Amang nasa langit, isang bahagi lamang Niya. Bagaman galing Ako sa Espiritu, Ako pa rin ay isang karaniwang tao, at ipinadala Ako ng Aking Ama bilang isang karaniwang tao, hindi isang pambihira.” Noon lamang narinig ito ni Pedro na nagtamo siya ng bahagyang pang-unawa kay Jesus. At noon lamang pagkatapos dumaan siya sa hindi mabilang na mga oras ng gawain ni Jesus, ng Kanyang pagtuturo, ng Kanyang pamamatnubay, at ng Kanyang pagsustento, na natamo niya ang mas malalim na pang-unawa. Sa Kanyang ika-30 taon, sinabi ni Jesus kay Pedro ang Kanyang papalapit na pagpapako sa krus, na pumarito Siya upang tuparin ang gawain ng pagpapako sa krus upang tubusin ang lahat ng sangkatauhan. Sinabi Niya rin sa kanya na tatlong araw pagkatapos ng pagpapako sa krus, ang Anak ng tao ay mabubuhay muli, at sa sandaling nabuhay muli ay magpapakita sa mga tao sa loob ng 40 araw. Nalungkot si Pedro sa pagkarinig sa mga salitang ito, ngunit lalong napalapit kay Jesus habang isinapuso niya ang Kanyang mga salita.

Pagkatapos maranasan sa loob ng ilang panahon, natanto ni Pedro na ang lahat ng bagay na ginawa ni Jesus ay ang pagka-Diyos ng Diyos, at naisip niya na si Jesus ay bukod-tanging kaibig-ibig. Noon lamang nang nagkaroon siya ng ganitong pang-unawa nang liwanagan siya ng Banal na Espiritu mula sa loob. Pagkatapos bumaling si Jesus sa Kanyang mga alagad at ibang mga tagasunod at nagtanong: “Juan, sino ang ipinapalagay mong Ako?” Tumugon si Juan: “Kayo ay si Moises.” Bumaling Siya kay Lukas: “At ikaw, Lukas, sino ang ipinapalagay mong Ako?” Tumugon si Lukas: “Ikaw ang pinakadakila sa mga propeta.” Pagkatapos bumaling Siya sa isang kapatid na babae: “Sino ang ipinapalagay mong Ako?” Tumugon ang kapatid na babae: “Ikaw ang pinakadakila sa mga propeta na nagsasalita ng maraming salita mula sa walang katapusan hanggang walang katapusan. Walang sinuman ang nagtataglay ng mga propesiya ang kasindakila ng Iyo, ni ang karunungan ng sinuman ay mas malalim; Ikaw ay isang propeta.” Pagkatapos bumaling si Jesus kay Pedro at nagtanong: “Pedro, sino ang ipinapalagay mong Ako?” Tumugon si Pedro: “Ikaw ang Kristo, ang Anak ng buhay na Diyos. Nagmula Ka sa langit, hindi Ka nagmula sa daigdig, hindi Ka katulad ng mga nilalang ng Diyos. Kami ay nasa daigdig at Ikaw ay narito kasama namin, ngunit Ikaw ay mula sa langit, Hindi Ka nagmula sa mundo, at hindi Ka nagmula sa Daigdig.” Sa pamamagitan ng karanasan niyang ito na siya ay niliwanagan ng Banal na Espiritu, na nagpangyari sa kanya na dumating sa ganitong pang-unawa. Pagkatapos ng pagliliwanag na ito, lalong hinangaan niya ang lahat ng bagay na ginawa na ni Jesus, ibinilang Siya na mas kaibig-ibig, at palaging nasa puso niya na atubiling mahiwalay kay Jesus. Kaya, sa unang pagkakataong ibinunyag ni Jesus ang Kanyang sarili kay Pedro pagkatapos Siyang ipako sa krus at nabuhay muli umiyak si Pedro na dulot ng bukod-tanging kaligayahan: “Panginoon! Ikaw ay muling nabuhay!” Pagkatapos, humahagulgol, nahuli niya ang napakalaking isda, niluto ito at inihain ito kay Jesus. Ngumiti si Jesus, ngunit hindi nagsalita. Bagaman alam ni Pedro na nabuhay muli si Jesus, hindi niya maunawaan ang misteryo nito. Nang ibinigay niya kay Jesus ang isda upang kainin, hindi tumanggi at hindi nagsalita o umupo upang kumain si Jesus, ngunit sa halip biglang nawala. Nagulat si Pedro, at noon lamang niya naunawaan na ang nabuhay muling si Jesus ay iba sa dating si Jesus. Sa sandaling natanto niya ito, namighati si Pedro, ngunit naaliw sa pagkaalam na natapos na ng Panginoon ang Kanyang gampanin. Alam niya na ganap na natapos ni Jesus ang Kanyang gampanin, na ang Kanyang panahon ng pananatili sa tao ay tapos na, at na ang tao ay dapat lumakad ng kanyang sariling daan mula noon. Minsan sinabi ni Jesus sa kanya: “Dapat uminom ka rin mula sa mapait na tasa na Aking ininuman (ito ang Kanyang sinabi pagkatapos ng pagkabuhay-muli), dapat mo ring lakaran ang daan na Aking nilakaran, dapat mong ialay ang buhay mo para sa Akin.” Hindi katulad ngayon, ang gawain sa panahong iyan ay hindi nag-anyong harapang pag-uusap. Sa panahon ng Kapanahunan ng Biyaya, ang gawain ng Banal na Espiritu ay tagung-tago, at dumanas si Pedro ng maraming mga paghihirap, at paminsan-minsan umabot sa puntong bumulalas: “Diyos! Walang wala ako maliban sa buhay na ito. Bagaman hindi ito karapat-dapat sa Iyo, nais kong ihandog ito sa Iyo. Bagaman hindi karapat-dapat na mahalin Ka ng mga tao, at ang kanilang pag-ibig at puso ay walang katuturan, naniniwala ako na nakikita Mo ang layon sa mga puso ng mga tao. At kahit na ang mga katawan ng mga tao ay hindi tumutugon sa Iyong pagtanggap, ninanais kong tanggapin Mo ang aking puso.” Sa pag-usal sa mga panalanging ito makatatanggap siya ng paghimok, lalo na nang siya nanalangin: “Buo kong iniaalay ang aking puso sa Diyos. Kahit na wala akong bagay na magawa para sa Diyos, tapat kong pasisiyahan ang Diyos at buong pusong iuukol ko ang aking sarili sa Kanya. Naniniwala ako na dapat tingnan ng Diyos ang aking puso.” Sinabi niya: “Wala akong hinihiling sa buhay ko maliban ang mga kaisipan ko sa pag-ibig sa Diyos at ang pagnanasa ng puso ko ay tanggapin ng Diyos. Napakatagal kong kasama ang Panginoong Jesus, ngunit hindi ko kailanman inibig Siya, ito ang pinakamalaking utang ko. Kahit na nanatili akong kasama Niya, hindi ko Siya kilala, at nagsalita ng walang pakundangang mga salita sa likuran Niya. Kapag iniisip ko ang mga bagay na ito, pinadarama nitong lalong may pagkakautang ako sa Panginoong Jesus.” Palagi siyang nanalangin sa ganitong paraan. Sinabi niya: “Ako ay mas mababa sa alikabok. Wala akong magagawa maliban ang ialay ang pusong tapat na ito sa Diyos.”

May rurok sa mga karanasan ni Pedro, nang ang kanyang katawan ay halos ganap na lupaypay, ngunit nagbigay sa kanya ng lakas at pag-asa si Jesus sa kaloob-looban. At nagpakita Siya sa kanya nang isang beses. Nang nasa matinding pagsubok si Pedro at nabigo ang kanyang puso, tinagubilinan siya ni Jesus: “Ikaw ay kasama Ko sa daigdig, at ako’y naritong kasama mo. At bagaman magkasama tayong dalawa noon sa langit, ito, pagkatapos ng lahat, ay nagmula sa espiritwal na mundo. Ngayon ako ay nagbalik sa espiritwal na mundo, at ikaw ay nasa daigdig. Dahil hindi ako nagmula sa daigdig, at bagaman ikaw din ay hindi nagmula sa daigdig, dapat mong tuparin ang iyong katungkulan sa daigdig. Yamang ikaw ay isang tagapaglingkod, dapat mong tuparin ang iyong tungkulin sa abot ng iyong makakaya.” Naaliw si Pedro, pagkadinig na maaaring bumalik siya sa panig ng Diyos. Nang si Pedro ay nasa matinding kalungkutan na halos nakaratay siya, nakaramdam siya ng pagsisisi at akmang sasabihing: “Ako ay lubhang tiwali, hindi ko kayang mabigyang kasiyahan ang Diyos.” Nagpakita si Jesus sa kanya at sinabi: “Pedro, maaari bang nakalimutan mo na ang pagpapasiya na iyong ginawa minsan sa harap Ko? Talaga bang nakalimutan mo na ang lahat ng bagay na sinabi Ko? Nakalimutan mo ba ang ginawa mong pagpapasiya sa Akin?” Nakita ni Pedro na ito ay si Jesus at bumangon sa higaan, at inaliw siya ni Jesus: “Hindi ako nagmula sa daigdig, sinabi ko na sa iyo—dapat mong maunawaan ito, ngunit nakalimutan mo ba ang ilang bagay na sinabi Ko sa iyo? ‘Ikaw din ay hindi nagmula sa daigdig, hindi nagmula sa mundo.’ Ngayon may gawain na kailangan mong gawin, hindi ka maaaring mamighati ng ganito, hindi ka maaaring dumanas ng ganito. Bagaman ang mga tao at ang Diyos ay hindi maaaring magkasamang umiral sa parehong mundo, mayroon Akong gawain at mayroon kang gawain, at isang araw kapag ang gawain mo ay natapos, magkakasama tayo sa isang kaharian, at aakayin kita na kasama Ko magpakailanman.” Naaliw at muling nabigyan ng katiyakan si Pedro pagkatapos marinig ang mga salitang ito. Alam niyang ang pagdurusang ito ay isang bagay na dapat niyang tiisin at maranasan, at nagpanibagong-sigla mula noon. Espesyal na nagpapakita si Jesus sa kanya sa bawat mahalagang sandali, nagbibigay sa kanya ng espesyal na pagliliwanag at patnubay, at ginagawa ang maraming gawain sa kanya. At ano ang pinakapinanghihinayangan ni Pedro? Tinanong ni Jesus si Pedro ng isa pang tanong (bagaman hindi ito nakatala sa Biblia sa ganitong paraan) hindi nagtagal pagkatapos sinabi ni Pedro “Ikaw ang Anak ng buhay na Diyos,” at ang tanong ay: “Pedro! Inibig mo ba Ako kahit minsan?” Naunawaan ni Pedro kung ano ang ibig Niyang sabihin, at sinabi: “Panginoon! Minsan kong inibig ang Amang nasa langit, ngunit inaamin ko hindi Kita inibig kailanman.” Pagkatapos sinabi ni Jesus: “Kung hindi iniibig ng mga tao ang Ama sa langit, paano nilang iibigin ang Anak na nasa daigdig? At kung hindi iniibig ng mga tao ang Anak na ipinadala ng Diyos Ama, paano nilang iibigin ang Ama sa langit? Kung tunay na iniibig ng mga tao ang Anak sa daigdig, samakatwid tunay na iniibig nila ang Ama sa langit.” Nang marinig ni Pedro ang mga salitang ito natanto niya ang kanyang pagkukulang. Palagi niyang nadarama ang pagsisisi sa puntong luluha sa kanyang mga salita “Panginoon! Minsan kong inibig ang Amang nasa langit, ngunit inaamin ko hindi Kita inibig kailanman.” Pagkatapos ng muling pagkabuhay at pag-akyat sa langit ni Jesus lalong nadama niya ang pagsisisi at pighati sa kanila. Inaalala ang kanyang nakaraang gawain at kasalukuyang tayog, madalas siyang nag-uukol ng panalangin kay Jesus, palaging nakadarama ng panghihinayang at pagkakautang dahil sa hindi niya nabigyang kasiyahan ang pagnanasa ng Diyos, at hindi makaabot sa mga pamantayan ng Diyos. Ang mga usaping ito ang naging pinakamalaking pasanin niya. Sinabi niya: “Isang araw iaalay ko sa Iyo ang lahat ng bagay na mayroon ako at lahat ng kung ano ako, ibibigay ko sa Iyo kung anuman ang pinakamahalaga.” Sinabi niya: “Diyos! Mayroon lamang akong isang pananampalataya at isang pag-ibig. Walang katuturan ang aking buhay, at walang katuturan ang aking katawan. Mayroon lamang akong isang pananampalataya at isang pag-ibig. Nananampalataya ako sa Iyo sa isip at pag-ibig ko sa Iyo sa aking puso; ang dalawang bagay na ito ang siya lamang maibibigay ko sa Iyo at wala ng iba pa.” Lubhang nahikayat si Pedro ng mga salita ni Jesus, dahil bago naipako sa krus si Jesus sinabi Niya sa kanya: “Hindi ako nagmula sa mundong ito, at ikaw din ay hindi nagmula sa mundong ito.” Kinalaunan, nang dumating si Pedro sa sandali ng matinding kirot, pinaalalahanan siya ni Jesus: “Pedro, nakalimutan mo na ba? Hindi ako nagmula sa mundo, at ito ay dahil lamang sa gawain Ko na Ako ay lumisan nang mas maaga. Ikaw din ay hindi nagmula sa mundo, nakalimutan mo na ba? Sinabi ko sa iyo ng dalawang beses, hindi mo ba matandaan?” Narinig Siya ni Pedro at sinabi: “Hindi ko nakalimutan!” Pagkatapos sinabi ni Jesus: “Minsan mo nang iginugol ang maligayang panahon na kasama Ako sa langit at isang yugto ng panahon sa Aking tabi. Nangulila ka sa Akin, at nangulila Ako sa iyo. Bagaman hindi makatuturan na banggitin ang mga nilalang sa Aking mga mata, paano Kong hindi iibigin ang isang inosente at kaibig-ibig? Nakalimutan mo ba ang pangako Ko? Dapat mong tanggapin ang Aking iniatang na gawain sa daigdig; dapat mong tuparin ang gampanin na ipinagkatiwala ko sa iyo. Isang araw tiyak na aakayin kita patungo sa Aking tabi.” Pagkatapos marinig ito, mas nahikayat si Pedro, at tumanggap ng mas malaking paghimok, nang sa gayon nang siya ay nasa krus, kinaya niyang sabihin: “Diyos! Hindi ko maaaring ibigin Kayo nang sapat! Kahit na hilingin Mo akong mamatay, hindi ko pa rin maaaring ibigin Ka nang sapat! Saan Mo man ipadala ang aking kaluluwa, tuparin Mo man o hindi ang mga pangako Mo, anuman ang gawin Mo pagkatapos, Ikaw ay iniibig ko at naniniwala ako sa Iyo.” Ang kanyang pinanghawakan ay ang kanyang pananampalataya, at tunay pag-ibig.

Isang gabi, ilan sa mga alagad, kasama si Pedro, ay nasa bangka na ginagamit sa pangingisda. Sila ay magkakasamang lahat kasama si Jesus, at tinanong ni Pedro si Jesus nang napakawalang muwang na tanong: “Panginoon! May tanong akong napakatagal ko nang gustong itanong sa Iyo.” Tumugon si Jesus: “Kaya pakitanong!” Pagkatapos tinanong ni Pedro: “Ang gawaing ginawa ba sa panahon ng Kapanahunan ng Kautusan ay kagagawan Mo?” Ngumiti si Jesus, na parang sinasabi: “Ang batang ito, gaano siya kamuwang!” Pagkatapos nagpatuloy siya na may layunin: “Ito ay hindi Akin, ito ay kagagawan nina Jehovah at Moises.” Narinig ito ni Pedro at bumulalas: “Ah! Kaya hindi Mo ito kagagawan.” Sa sandaling sinabi ito ni Pedro, hindi na nagsalita si Jesus. Naisip ni Pedro mismo: “Ito ay hindi Mo ginawa, kaya hindi kataka-taka pumarito Ka upang sirain ang kautusan, yamang hindi Mo ito kagagawan.” “Umalwan” din ang kanyang puso. Pagkatapos, natanto ni Jesus na napaka-walang muwang ni Pedro, ngunit dahil wala siyang anumang kaunawaan sa panahong ito, si Jesus ay hindi nagsalita ng anumang bagay o tuwirang pabulaanan siya. Minsan nagbigay si Jesus ng pangangaral sa isang sinagoga, at maraming tao ang naroon, kasama si Pedro, upang pakinggan Siyang mangaral. Sinabi ni Jesus: “Ang Isa na darating na mula sa walang katapusan hanggang walang katapusan ang gagawa ng gawain ng pagtubos sa panahon ng Kapanahunan ng Biyaya, upang tubusin ang lahat ng sangkatauhan mula sa kasalanan, ngunit hindi Siya mahahadlangan ng anumang panuntunan sa pag-akay sa tao palabas ng kasalanan. Lalakad siya sa labas ng kautusan at papasok sa Kapanahunan ng Biyaya. Tutubusin Niya ang lahat ng sangkatauhan. Siya ay hahakbang pasulong mula sa Kapanahunan ng Kautusan tungo sa Kapanahunan ng Biyaya, ngunit walang sinuman ang nakakikilala sa Kanya, Siya na galing kay Jehovah. Ang gawa na ginawa ni Moises ay ipinagkaloob ni Jehovah; binalangkas ni Moises ang kautusan dahil sa gawa na ginawa ni Jehovah.” Pagkasabi nito, nagpatuloy Siya: “Yaong mga lalansag ng mga kautusan ng Kapanahunan ng Biyaya sa Kapanahunan ng Biyaya ay haharap sa kalamidad. Dapat silang tumayo sa templo at tumanggap ng pagwasak ng Diyos, at ang apoy ay darating sa kanila.” Matapos marinig ito ni Pedro, tila mayroong siyang reaksyon. Sa panahon ng kanyang karanasan, pinatnubayan at inalalayan siya ni Jesus, nangungusap ng puso sa puso sa kanya, na nagbigay kay Pedro ng bahagyang mas mabuting pang-unawa kay Jesus. Habang inisip ni Pedro ang pangangaral ni Jesus sa araw na iyon, pagkatapos ang tanong na itinanong niya sa Kanya nang sila ay nasa bangkang pangisda at ang tugon na ibinigay ni Jesus, pati kung paano Siya tumawa, sa pagkakataong ito kung gayon naunawaan niya na ang lahat. Pagkatapos, niliwanagan ng Banal na Espiritu si Pedro, at sa pamamagitan lamang nito na naunawaan niya na si Jesus ay ang Anak ng buhay na Diyos. Nagmula ang pang-unawa ni Pedro sa pagliliwanag ng Banal na Espiritu, ngunit may proseso sa kanyang pang-unawa. Ito ay sa pamamagitan ng pagtatanong ng mga tanong, pakikinig sa pangangaral ni Jesus, at sa pamamagitan ng pagtanggap ng espesyal na pagsasamahan at Kanyang espesyal na pamamatnubay, na natanto ni Pedro na si Jesus ay ang Anak ng buhay na Diyos. Hindi ito nakamit nang magdamag; ito ay isang proseso, at ito ang nagsilbing tulong sa kanyang mga karanasan kinalaunan. Bakit hindi ginawa ni Jesus ang gawain ng pagka-perpekto sa ibang mga tao, ngunit kay Pedro lamang? Ito ay dahil si Pedro lamang ang nakakaunawa na si Jesus ay ang Anak ng buhay na Diyos, at walang sinuman ang nakaaalam nito. Kahit na maraming alagad ang maraming alam sa kanilang panahon sa pagsunod sa Kanya, ang kaalaman nila ay mababaw. Ito ang dahilan kung bakit pinili si Pedro ni Jesus bilang halimbawa ng gagawing perpekto. Kung ano ang sinabi ni Jesus kay Pedro noon ay siyang sasabihin Niya sa mga tao sa kasulukuyan, na ang kaalaman at pagpasok sa buhay ay dapat makaabot doon sa kung ano ang kay Pedro. Ito ay alinsunod sa ganitong pangangailangan at sa daang ito na gagawing perpekto ng Diyos ang lahat ng tao. Bakit kinakailangan ng mga tao sa kasulukuyan na magkaroon ng tunay na pananampalataya at tunay na pag-ibig? Anuman ang naranasan ni Pedro ay dapat na maranasan niyo rin, anumang ibinunga kay Pedro ng kanyang mga karanasan ay dapat na maipakita rin sa inyo, at ang kirot na dinanas ni Pedro, tiyak din na dapat ninyong pagdaanan. Ang daan na lalakaran ninyo ay ang parehong daan na nilakaran ni Pedro. Ang kirot na dinanas ninyo ay ang kirot na dinanas ni Pedro. Kapag tumanggap kayo ng kaluwalhatian at kapag isinabuhay ninyo ang tunay na buhay, samakatwid isinabuhay ninyo ang imahe ni Pedro. Ang daan ay pareho, at alinsunod sa isang ito na ginawang perpekto. Gayunman, ang kakayahan ng mga tao sa kasalukuyan ay tila nagkukulang kung ihahambing sa kung ano ang katangian ni Pedro, dahil ang mga panahon ay nagbago, at gayundin lumawig ang katiwalian. At dahil din sa ang Judea ay isang matagal na kaharian na may matandang kultura. Kaya dapat ninyong subukang paghusayin ang inyong katangian.

Si Pedro ay napakatinong tao, masigasig sa lahat ng bagay na ginagawa niya, at lubhang tapat din. Dumanas siya ng maraming kahirapan. Nakipag-ugnayan siya sa lipunan sa gulang na 14, dumadalo sa paaralan habang madalas na pumupunta sa sinagoga. Lipos siya ng sigasig at palaging handang dumalo sa mga pulong. Sa panahong ito, si Jesus ay hindi pa opisyal na nagsimula ng Kanyang gawain; ito ay simula pa lamang ng Kapanahunan ng Biyaya. Nagsimula si Pedro na makipag-ugnayan sa mga relihiyosong tao nang siya ay 14; sa panahong siya ay 18 nakipag-ugnayan siya sa isang natatanging relihiyon, ngunit matapos niyang makita ang kaguluhang panrelihiyon sa likod ng mga eksena, umalis siya. Nakikita kung paanong mapanlinlang, tuso, at pinanday sa away ang mga taong ito, siya ay lubhang nasuklam (ito ang paraan kung paano gumawa ang Banal na Espiritu sa panahong ito, upang gawin siyang perpekto. Siya ay kinilos at gumawa ng ilang espesyal na gawain sa kanya), at kaya umalis siya mula sa sinagoga sa gulang na 18. Ginipit siya ng kanyang mga magulang at hindi siya hinayaang sumampalataya (sila ay sa kasapi ng demonyo, at walang pananampalataya). Panghuli, nilisan ni Pedro ang tahanan at buong-loob na naglakbay, nangingisda at nangangaral sa loob ng dalawang taon, sa panahon kung saan inakay niya ang ilang mga tao. Ngayon dapat mong makitang malinaw ang daan na tinahak ni Pedro. Kung malinaw mo itong nakita, samakatwid napagpasiyahan mo ang gawain na ginagawa ngayon, upang hindi ka magreklamo o maging walang kibo, o manabik sa anuman. Dapat mong maranasan ang kalagayan ni Pedro sa panahong ito: Siya ay dinapuan ng kalungkutan; hindi na siya humiling ng kinabukasan o anumang biyaya. Hindi niya sinikap na kamtin ang kapakinabangan, kaligayahan, kasikatan, o yaman ng mundo, at naghangad lamang na mabuhay ng isang pinakamakabuluhang buhay, na upang gantihan ang pag-ibig ng Diyos at ialay kung ano ang pinanghahawakan niyang pinakamahalaga sa Diyos. At masisiyahan siya sa kanyang puso. Madalas siyang manalangin kay Jesus ng mga salita: “Panginoong Jesu Kristo, minsan inibig ko Kayo, ngunit hindi ko Kayo tunay na inibig. Kahit sinabi kong may pananampalataya ako sa Iyo, kailanman hindi ko Kayo inibig na may tunay na puso. Ako’y gumalang lamang sa Iyo, sinamba Ka, at nangulila sa Iyo, ngunit hindi Ka kailanman inibig o tunay na nanampalataya sa Iyo.” Palagi siyang nanalangin upang gumawa ng kanyang pagpapasiya, walang lubay na pinasigla siya ng mga salita ni Jesus[a] at ginawang pampatibay-loob and mga ito. Kinalaunan, pagkatapos ng yugto ng karanasan, sinubok siya ni Jesus, inuudyukan siya na manabik pa sa Kanya. Sinabi niya: “Panginoong Jesu Kristo! Gaano akong nangulila sa Iyo, at nanabik na masilayan Ka. Labis na nagkukulang ako, at hindi ko kayang tumbasan ang Iyong pag-ibig. Nagmamakaawa akong kunin Mo ako sa lalong madaling panahon. Kailan Mo ako kakailanganin? Kailan Mo ako Kukunin? Kailan ko muling masisilayan ang Iyong mukha? Hindi ko ninanais na matagal na mamuhay sa katawang ito, upang patuloy na maging tiwali, at ni ninanais kong maghimagsik pa. Handa akong ialay ang lahat ng mayroon ako sa Iyo sa lalong madaling panahon na kakayanin ko, at hindi ko ninanais na palungkutin Ka pa.” Ito ang paraan kung paano siya nanalangin, ngunit hindi niya alam sa panahong ito kung ano ang gagawing perpekto sa kanya ni Jesus. Sa panahon ng kahirapan ng kanyang pagsubok, nagpakitang muli sa kanya si Jesus at sinabi: “Pedro, ninanais kong gawin kang perpekto, ng sa gayon maging isa kang piraso ng bunga, isa na pagkakabuo-buo ng Aking pagka-perpekto sa iyo, at na siyang kaluluguran Ko. Maaari ka bang tunay na magpapatotoo para sa Akin? Ginawa mo ba kung ano ang hiniling Ko na gawin mo? Isinabuhay mo ba ang mga salitang sinalita Ko? Minsang inibig mo Ako, ngunit kahit na inibig mo Ako, isinabuhay mo ba Ako? Ano ang ginawa mo para sa Akin? Kinilala mo na hindi ka karapat-dapat sa Aking pag-ibig, ngunit ano ang ginawa mo para sa Akin?” Nakita ni Pedro na wala siyang ginawa para kay Jesus at natandaan niya ang dating panunumpa niya na ibigay ang kanyang buhay sa Diyos. At kaya, hindi na siya dumaing, at ang kanyang mga panalangin pagkaraan ay lumago ng mas mabuti. Nanalangin siya, na sinasabi: “Panginoong Jesu Kristo! Minsan iniwan ko Kayo, at iniwan Mo rin ako minsan. Iginugol natin ang panahon na magkahiwalay, at panahon na magkasama. Ngunit inibig Mo ako nang higit kanino man. Makailang ulit akong umalsa laban sa Iyo at ilang ulit na pinighati Ka. Paano ko makalilimutan ang gayong mga bagay? Ang gawain na ginawa Mo sa akin at anuman ang Iyong ipinagkatiwala sa akin ay palaging nasa isip ko, hindi ko kailanman malilimutan. Sa gawain na ginawa Mo sa akin sinubukan kong gawin ang aking pinakamahusay na magagawa. Alam Mo kung ano ang kaya kong gawin, at alam Mo pa kung anong papel ang maaari kong gampanan. Ang Iyong pagnanais ay aking gagawin at iaalay ko ang lahat na mayroon ako sa Iyo. Ikaw lamang ang nakaaalam kung ano ang makakaya kong gawin para sa Iyo. Bagaman labis akong nilinlang ni Satanas at nag-alsa ako laban sa Iyo, naniniwala akong hindi Mo tinatandaan ang mga pagkakasalang iyon, na hindi Mo ako tinatrato batay sa mga iyon. Ninanais kong ialay ang buong buhay ko sa Iyo. Wala akong hinihiling, at wala akong ibang mga inaasahan o mga plano; ninanais ko lamang na kumilos sang-ayon sa Iyong nilalayon at gawin ang Iyong kalooban. Iinom ako mula sa Iyong mapait na tasa, at ako ay Iyong pag-utusan.”

Dapat kayong maging malinaw sa daan na inyong lalakaran; dapat kayong maging malinaw sa daan na tatahakin ninyo sa hinaharap, kung ano ito na gagawing perpekto ng Diyos, at kung ano ang ipinagkatiwala sa inyo. Isang araw, marahil, kayo ay susubukin, at kung nakatamo kayo ng inspirasyon mula sa mga karanasan ni Pedro, ipakikita nito na kayo ay tunay na naglalakad sa landas ni Pedro. Pinuri si Pedro ng Diyos dahil sa kanyang tunay na pananampalataya at pag-ibig, at dahil sa kanyang katapatan sa Diyos. At ito ay dahil sa kanyang katapatan at pananabik sa Diyos sa kanyang puso na ginawa siyang perpekto ng Diyos. Kung ikaw ay tunay na nagtataglay ng parehong pag-ibig at pananampalataya tulad ni Pedro, samakatwid tiyak na gagawin kang perpekto ni Jesus.

Mga Talababa:

a. Mababasa ang orihinal na teksto na “ayon sa mga salitang ito.”