873 Kayhirap ng Gawain ng Diyos

Ang mga hakbang ng gawain ng Diyos sa lupa

ay may kasamang malaking paghihirap.

Ang kahinaan, kakulangan, batang isip,

at kamangmangan ng tao

at lahat na tungkol sa kanya

ay napagplanuhan na at

napag-isipang mabuti ng Diyos.

Ang tao’y parang tigreng papel,

walang nangangahas na galitin siya.

Kung di’y gaganti siya, mawawala,

babalik sa dati, babalewalain ang Diyos,

o tatakbo sa kanyang “amang baboy, inang aso”

para magpakasawa sa maruruming

bagay sa kanilang katawan.

Kaylaking sagabal!

Sa lahat ng hakbang, nililitis

at nanganganib ang Diyos.

Ang Kanyang mga salita’y taos,

tapat at walang malisya.

Nasasaktan Siya ‘pag walang

tumatanggap o lubos na nagpapasakop.

Gabi’t araw Siyang gumagawa

at nag-aalala para sa buhay ng tao.

Nakikiramay Siya sa kahinaan ng tao.

Nagdurusa Siya sa problemang piliin

ang bawat salita at gawain.

Batid kung gaano kahina, kasuwail,

kabatang-isip, karupok ang tao,

iniisip Niya ang mga bagay na ito, gabi’t araw.

Sino’ng nakaalam nito? Kanino Siya magtatapat?

Sino’ng makakaunawa rito?

Ah! Kayhirap ng gawain ng Diyos.


Laging muhi ang Diyos sa lahat

ng kasalanan at karuwagan ng tao.

Nag-aalala Siya sa kahinaan ng tao

at sa landas na tatahakin nito.

At habang minamasdan Niya

ang lahat ng salita at gawa ng tao,

napupuno Siya ng awa, galit at sama ng loob.

Manhid na ang lahat ng inosente,

bakit ba kailangang gawing mahirap ng Diyos

ang mga bagay-bagay para sa kanila?

Hindi na makapagtiyaga ang mahina.

Kaya bakit palaging galit ang Diyos sa kanya?

Mahina at walang lakas ang tao, walang sigla.

Bakit Mo siya pinagagalitan sa pagsuway?

Sino’ng makakatagal sa mga banta ng Diyos?


Marupok ang tao, at dahil walang pagpipilian,

itinago na ng Diyos ang galit sa Kanyang puso,

para unti-unting makapaglimi

sa sarili ang marupok na tao.

Ngunit ang taong nagdurusa’y

‘di nauunawaan ang kalooban ng Diyos.

Wala siyang malay na natapakan

na siya ng haring diyablo,

lagi niyang kinakalaban ang Diyos,

o maligamgam ang pakikitungo niya sa kanyang Diyos.

Sino na ang nagseryoso sa maraming salita ng Diyos?

Sino na ang nagseryoso sa maraming salita ng Diyos?


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 8

Sinundan: 872 Tinitiis ng Diyos ang Matinding Kahihiyan

Sumunod: 874 Lahat ng Ginagawa ng Diyos para sa Tao ay Tapat

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito