321 Paano Mapapatawad ng Diyos ang mga Taong Tumatalikod sa Kanyang mga Salita?
1 Nang Aking iniunat ang mga kalangitan at nilikha ang lahat ng bagay, hindi Ko tinulutan ang kahit anong nilalang na lumahok ayon sa kanilang kagustuhan, lalong hindi Ko tinulutan ang kahit na anong bagay na gambalain ang Aking gawain at Aking pamamahala ayon sa kagustuhan nito. Wala Akong hinayaang tao o bagay; paano Ko kahahabagan yaong mga malupit at hindi-makatao tungo sa Akin? Paano Ko mapapatawad yaong mga nag-aalsa laban sa Aking mga salita? Paano Ko kahahabagan yaong mga sumusuway sa Akin? Kung ikaw ay tapat sa Akin, si Jehova, makukuha mo ba para sa sarili mo ang mga alay sa Aking altar? Magagamit mo ba ang iyong makamandag na dila upang lapastanganin ang Aking banal na pangalan? Makakapag-alsa ka ba laban sa Aking mga salita sa ganitong paraan? Maituturing mo ba ang Aking kaluwalhatian at banal na pangalan bilang isang kasangkapan upang maglingkod kay Satanas, ang masama?
2 Ang Aking buhay ay inilalaan para sa kasiyahan ng mga banal. Paano kita mahahayaang paglaruan ang Aking buhay ayon sa iyong kagustuhan, at gamitin ito bilang isang kasangkapan sa alitan ninyo? Paano kayo nagiging napaka-walang-puso, at kulang na kulang sa daan ng kabutihan, sa kung paano kayo nakikitungo sa Akin? Hindi ba ninyo alam na naitala Ko na ang inyong masasamang gawain sa mga salitang ito ng buhay? Paano ninyo matatakasan ang araw ng poot kapag kinastigo Ko ang Ehipto? Paano Ko kayo mahahayaang labanan at sumuway sa ganitong paraan, nang paulit ulit? Ang Aking pagtitiis ay inihanda para sa inyong masasamang gawain, at umiiral para sa inyong pagkastigo sa araw na iyon. Hindi ba kayo ang siyang magdurusa ng matinding-poot na paghatol kapag napuno na Ako sa Aking pagtitiis?
3 Hindi ba ang lahat ng bagay ay nasa mga kamay Ko, ang Makapangyarihan sa lahat? Paano Ko mapapayagang suwayin ninyo Ako nang ganito, sa ilalim ng kalangitan? Ang inyong mga buhay ay magiging napakahirap dahil nakatagpo ninyo ang Mesias, na nasabing Siyang darating, nguni’t hindi dumating kailanman. Hindi ba kayo ang Kanyang mga kaaway? Si Jesus ay nakipagkaibigan sa inyo, nguni’t kayo ang mga kaaway ng Mesias. Hindi ba ninyo alam na bagama’t kayo ay mga kaibigan ni Jesus, ang inyong masasamang gawain ay pumuno ng mga sisidlan niyaong mga karumal-dumal? Kahit na kayo ay napakamalapit kay Jehova, hindi ba ninyo alam na ang inyong masasamang salita ay nakarating na sa mga tainga ni Jehova at pumukaw ng Kanyang poot? Paano Siya magiging malapit sa iyo, at paano Niya hindi susunugin ang iyong mga sisidlan, na puno ng masasamang gawain? Paanong hindi Siya naging iyong kaaway?
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Walang Sinumang May Katawan ang Makakatakas sa Araw ng Poot