81. Ang mga Pagdurusa ay mga Pagpapala ng Diyos

Ni Wang Gang, Tsina

Isang hapon ng taglamig ng 2008, habang nagpapatotoo ako at ang dalawang kapatid na babae tungkol sa gawain ng Diyos sa mga huling araw sa isang layon ng ebanghelyo, isinumbong kami ng masasamang tao. Ginamit ng anim na opisyal ng pulisya ang palusot na kailangang suriin ang aming mga pahintulot sa paninirahan upang sumugod sa bahay ng layon ng ebanghelyo. Nang sila ay pumasok sa pintuan, sumigaw sila: “Huwag kikilos!” Ang dalawa sa masasamang pulis ay tila ganap na nabaliw nang sila ay sumalakay sa akin; dinakma ng isa sa kanila ang damit sa aking dibdib at hinawakan noong isa ang aking mga bisig at ginamit ang lahat ng kanyang lakas upang higpitan ang mga ito sa likod ko, at pagkatapos ay galit siyang nagtanong: “Ano ang ginagawa mo? Ano ang pangalan mo? Taga-saan ka?” Sinagot ko siya ng tanong: “Ano bang ginagawa ninyo? Anong dahilan at inaaresto ninyo ako?” Nang marinig nilang sinabi ko ito, talagang nagalit sila at agresibong sinabi: “Hindi mahalaga kung ano ang dahilan, ikaw ang aming hinahanap at sasama ka sa amin!” Pagkatapos nito, ako at ang dalawang kapatid na babae ay dinala ng mga pulis at itinulak kami papasok sa sasakyan ng pulis.

Pagkatapos naming makarating sa Kawanihan ng Pampublikong Seguridad, kinuha ako ng mga pulis at ikinulong ako sa isang maliit na silid; inutusan nila akong bumaluktot sa sahig at nagtalaga ng apat sa kanila upang bantayan ako. Dahil nakatingkayad ako nang matagal, napagod ako nang sobra na hindi ko na kinaya. Sa sandaling sinubukan kong tumayo, madalian silang tumakbo at idinikdik ang aking ulo upang pigilan akong tumayo. Hindi nagtagal, narinig ko ang mga nakapangingilabot na sigaw ng isang taong pinahihirapan sa katabing silid, at sa sandaling iyon, sobra akong natakot: Hindi ko alam kung anong pagpapahirap ang gagamitin nila sa akin sa susunod! Nagsimula akong manalangin agad sa Diyos sa aking puso: “O Makapangyarihang Diyos, sobra akong natatakot ngayon, pakiusap, bigyan Mo ako ng pananampalataya at lakas, at gawin akong matatag at matapang. Handa akong tumayong patotoo para sa Iyo. Kung hindi ko makayanan ang kanilang malupit na pagpapahirap, mas gugustuhin ko pang magpakamatay na lang sa pamamagitan ng pagkagat sa aking dila hanggang sa maputol ito kaysa kailanman ay ipagkanulo Ka tulad ni Judas!” Pagkatapos manalangin, nakaramdam ako ng pag-usbong ng lakas sa kalooban ko, at humupa ang aking takot.

Nang gabing iyon makalipas ang ika-7 ng gabi, pinosasan nila ang aking mga braso sa likuran ko, dinala ako sa interrogation room sa itaas at itinulak ako sa sahig. Mayroong lahat ng uri ng instrumento ng pagpapahirap tulad ng mga lubid, pamalong kahoy, baton, latigo, atbp. May hawak ang isang pulis na de-kuryenteng baton sa kanyang mga kamay, na gumawa ng mga tunog ng pag-zap at pagputok, at may pagbabanta siyang humingi ng impormasyon: “Ilang tao ang nasa inyong iglesia? Saan ang inyong lugar ng pulong? Sino ang namamahala? Ilang tao ang nasa lugar na nangangaral ng ebanghelyo? Magsalita ka! Kung hindi, matitikman mo kung ano ang darating!” Tiningnan ko ang nakaambang panganib ng de-kuryenteng baton at tuminging muli sa silid na puno ng mga instrumento ng pagpapahirap; hindi ko mapigilang kabahan at matakot. Hindi ko alam kung magagawa kong lampasan ang pagpapahirap na ito, kaya’t patuloy akong tumawag sa Diyos. Nang makitang wala akong anumang sinasabi, nataranta siya at marahas akong sinundot sa kaliwang gilid ng aking dibdib gamit ang de-kuryenteng baton. Kinuryente niya ako nang halos isang minuto. Agad kong naramdamang tila kumulo ang dugo sa aking katawan; di ko matiis ang sobrang sakit mula ulo hanggang paa at nagpagulong-gulong ako sa sahig habang walang tigil na sumisigaw. Hindi pa rin siya sumuko sa akin at bigla niyang sinimulan akong hilahin pataas at gumamit ng baton upang itaas ang aking baba, sumisigaw ng: “Magsalita ka! Hindi ka ba aamin?” Sa pagharap sa nakababaliw na pagpapahirap ng mga demonyong ito, ang ikinatakot ko lamang ay baka ipagkanulo ko ang Diyos dahil hindi ko matagalan ang kanilang pagpapahirap, kaya desperado akong nanalangin sa Diyos sa aking puso. Sa pagkakataong ito, naisip ko ang tungkol sa mga salita ng Diyos. “Yaong mga may kapangyarihan ay maaaring mukhang masama sa tingin, ngunit huwag kayong matakot, sapagkat ito ay dahil mahina ang inyong pananampalataya. Hangga’t lumalago ang inyong pananampalataya, walang magiging napakahirap(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 75). Binigyan akong muli ng pananampalataya at lakas ng mga salita ng Diyos, at nalaman kong kahit na ang masasamang pulis sa harap ko ay baliw at walang pigil, isinaayos sila ng kamay ng Diyos. Kung walang pahintulot ng Diyos, hindi nila ako mapapatay. Hangga’t ako ay may pananampalataya at umaasa sa Diyos at hindi bumibigay sa kanila, tiyak na mabibigo sila sa kahihiyan. Sa pag-iisip tungkol dito, inipon ko ang lahat ng lakas ng aking katawan at sumagot sa malakas na tinig: “Bakit ninyo ako dinala rito? Bakit ninyo ako kinukuryente ng de-kuryenteng baton? Anong krimen ang ginawa ko?” Ang masamang pulis ay biglang nagulat at nakonsensya. Nautal siya at walang anumang masabi. Pagkatapos ay umalis silang napahiya. Sa pagkakita sa kahiya-hiyang sitwasyon ng kagipitan ni Satanas, ako ay naiyak. Sa ganitong mabigat na suliranin, tunay kong naranasan ang kapangyarihan at awtoridad ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Hangga’t isinasagawa ko ang salita ng Diyos, makikita ko ang mga gawa ng Diyos. Dalawang opisyal ng pulisya ang dumating pagkalipas ng lima o anim na minuto, ngunit sa oras na ito ay sumubok sila ng isa pang taktika. Napakabait na sinabi sa akin ng isang payat na opisyal, “Makisama ka lang nang kaunti. Sagutin ang aming mga katanungan, kung hindi, hindi ka namin mapakakawalan.” Hindi ako umimik, kaya nagdala siya ng isang pirasong papel upang pirmahan ko. Nang makita ko ang mga salitang “reedukasyon sa pamamagitan ng paggawa” na nakasulat dito, tumanggi ako. Ang isa pang opisyal ay nagpakawala sa aking kaliwang tainga ng isang matunog na sampal, na halos sapat na ang lakas upang matumba ako sa sahig. Saglit na tumaginting ang tainga ko at medyo natagalan bago nakarinig muli nang malinaw. Pinosasan ulit nila ako at ikinulong sa maliit na silid.

Pagkatapos bumalik sa maliit na silid, pasa-pasa ako at bugbog, hindi ko matiis ang sakit. Hindi ko napigilang masaktan ang aking pusong at manghina: Ipinangaral ko ang ebanghelyo nang may mabubuting hangarin, ipinakita ko sa mga tao na ang Tagapagligtas ay dumating na at na kailangan nilang magmadaling hangaring matamo ang katotohanan at maligtas, ngunit hindi ko inaasahang pinagdusahan ang pag-uusig na ito. Sa pag-iisip tungkol dito, mas nadama kong ako’y ginawan ng mali. Tumawag ako sa Diyos sa pagdarasal sa aking pagdurusa, sinasabing, “Diyos ko, ang aking tayog ay napakaliit at ako ay napakahina. Diyos ko, nais kong umasa sa Iyo at tumayong patotoo para sa Iyo. Pakigabayan ako.” Nang maglaon, naisip ko ang isang himno ng mga salita ng Diyos: “Huwag kang masiraan ng loob, huwag manghina, at gagawin Kong malinaw ang mga bagay-bagay para sa iyo. Ang daan tungo sa kaharian ay hindi masyadong patag; walang ganyan kasimple! Nais ninyo na madaling magkamit ng mga pagpapala. Ngayon, ang bawat tao ay magkakaroon ng mapapait na pagsubok na haharapin. Kung wala ang mga ganitong pagsubok, ang mapagmahal na pusong taglay ninyo para sa Akin ay hindi titibay at hindi kayo magkakaroon ng tunay na pag-ibig para sa Akin. Kahit na binubuo lamang ang mga pagsubok na ito ng maliliit na bagay, dapat dumaan ang lahat ng tao sa mga iyon; magkakaiba lamang ang antas ng kahirapan ng mga pagsubok sa bawat tao. Ang mga pagsubok ay pagpapala mula sa Akin, at ilan sa inyo ang malimit na lumalapit sa Aking harapan at nakaluhod na nagmamakaawa para sa Aking mga pagpapala? Lagi ninyong iniisip na ang ilang mapapalad na salita ay maibibilang na Aking pagpapala, gayunman ay hindi ninyo kinikilala ang kapaitan bilang isa sa Aking mga pagpapala(“Ang Sakit ng mga Pagsubok ay Pagpapala ng Diyos” sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Naunawaan ko mula sa mga salita ng Diyos na ang maharap sa pag-uusig at paghihirap na ito ay upang maperpekto Niya ang aking pananampalataya at pagmamahal. Ang kapaligirang iyon ay pagpapala ng Diyos. Paanong nagrereklamo ako at sinisisi ang Diyos? Ako ay naaresto at pinahirapan, ngunit sa buong pagsubok ay ginagabayan ako ng Diyos gamit ang Kanyang mga salita; ito ang pag-ibig ng Diyos. Kinanta ko ang himno na iyon sa aking puso, at habang tumatagal na kinakanta ko ito ay mas sumisigla ang pakiramdam ko. Pinanumbalik din nito ang aking pananampalataya at nanumpa ako sa Diyos: “Diyos ko, gaano man ako pahirapan ng mga pulis, nais kong tumayong patotoo at hindi kailanman ipagkanulo Ka. Determinado akong sundan Ka hanggang sa wakas.”

Sa sentro ng detensyon, patuloy na ginamit ng mga pulis ang lahat ng uri ng pamamaraan ng pagpapahirap sa akin at madalas na inudyukan ang mga bilanggo upang bugbugin ako. Sa nakanginginig na lamig ng taglamig, inutusan nila ang mga bilanggong ibuhos ang mga balde ng malamig na tubig sa akin at pinilit akong maligo nang malamig. Nanginginig ako sa lamig mula ulo hanggang paa. Nararanasan ang mabibilis na tibok ng puso at pagiging pawisan, ang aking puso ay nasaktan hanggang sa punto na ang aking likod ay nasa paghihirap din. Ang mga bilanggo roon ay mga makinang gumagawa ng pera para sa Partido Komunista ng Tsina at walang anumang legal na karapatan. Wala silang iba pang pagpipilian kundi ang tiisin na pigain at samantalahin bilang mga alipin. Sa araw, pinipilit ako ng mga guwardiya ng bilangguan na mag-imprenta ng perang papel na ginagamit bilang mga sinusunog na handog para sa mga patay. Sa simula, nagtakda sila ng panuntunan na kailangan kong mag-imprenta ng 1,000 piraso ng papel kada araw, pagkatapos ay itinaas nila ito sa 1,800 piraso kada araw, at sa huli ay 3,000 piraso. Imposible ang bilang na ito upang makumpleto ng isang bihasang tao, lalo pa ng isang taong walang karanasan tulad ko. Sa katunayan, sadya nilang ginawa ito upang hindi ko makukumpleto lahat upang magkaroon sila ng dahilan para pahirapan at saktan ako. Hangga’t hindi ko matutugunan ang takdang dami, gagapusan ng masasamang pulis ang aking mga binti ng kadena na may timbang na mahigit sa 5 kilo, at iginapos nila na magkasama ang aking mga kamay at paa gamit ang mga kadena. Ang kaya ko lamang gawin ay ang maupo roon, iyuko ang aking ulo at baluktutin ang aking likod, at hindi ako makagalaw. Ang mas kasuklam-suklam pa, ang mga di-makatao’t manhid na mga pulis na ito ay hindi nagtanong o nagmalasakit sa aking mga pangunahing pangangailangan. Kahit pa nasa selda ng bilangguan ang banyo, ganap kong hindi magawang puntahan iyon at gamitin; maaari ko lamang pakiusapan ang aking mga ka-selda na buhatin ako papunta sa kasilyas. Kung medyo mabuti silang mga bilanggo, iaangat nila ako; kung walang tumulong sa akin, wala akong ibang magagawa kundi ang pigilan ito. Ang pinakamasakit na panahon ay sa oras ng pagkain, sapagkat magkasamang nakaposas ang aking mga kamay at paa. Maaari ko lamang ibaba ang aking ulo gamit ang lahat ng aking lakas at itaas ang aking mga kamay at paa. Ito lang ang tanging paraang maisusubo ko ang tinapay sa aking bibig. Gumugol ako ng sobrang daming enerhiya sa bawat kagat. Kumuskos ang mga kadena sa aking mga kamay at paa na nagdulot ng sobrang sakit. Pagkatapos ng mahabang panahon, tumubo na sa aking mga pulso at bukung-bukong ang maiitim, makikintab at matitigas na mga kalyo. Madalas akong hindi makakain noong ako ay nakakulong, at sa mga madalang na okasyon, bibigyan ako ng mga bilanggo ng dalawang maliliit na piraso ng tinapay. Madalas kakainin nila ang para sa akin at ang nahihita ko lang ay isang tiyang walang laman. Higit na mas kaunti ang natanggap kong inumin; sa simula, dalawang mangkok ng tubig lamang kada araw ang ibinigay sa lahat, ngunit ako ay nakakulong at hindi makagalaw, kaya madalang akong makainom ng anumang tubig. Sumailalim ako sa ganoong uri ng hindi makataong pagpapahirap nang apat na beses, na tumagal ng sampung araw sa kabuuan. Kahit na sa mga kondisyon na iyon, pinagtatrabaho ako ng mga opisyal ng panggabing shift. Matagal na panahon akong hindi napawi ang aking gutom; ang aking kagutuman ay madalas na iniiwan akong mabilis ang tibok ng puso, nahihilo, at naninikip ang dibdib. Pumayat din ako nang sobra. Nang umabot ang aking kagutuman sa puntong hindi ko na talaga ito kakayanin, naisip ko ang isang bagay na sinabi ng Panginoong Jesus kay Satanas sa gitna ng isang tukso: “Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa’t salitang lumalabas sa bibig ng Dios(Mateo 4:4). Nagbigay iyon sa akin ng ginhawa, at pakiramdam ko handa akong maranasan nang personal ang mga salitang iyon mula sa Diyos sa pag-uusig sa akin ni Satanas. Pinatahimik ko ang aking sarili sa harap ng Diyos upang manalangin at pagnilayan ang Kanyang mga salita, at bago ko pa namalayan, humupa na ang aking sakit at gutom. Minsan sinabi sa akin ng isang bilanggo: “Mayroong isang kabataan na nakaposas at namatay sa gutom na tulad nito dati. Nakita ko na hindi ka gaanong kumakain nang ilang araw na at ikaw ay masigla pa rin.” Pagkarinig sa kanyang mga salita, tahimik akong nagpasalamat sa Diyos. Malalim kong naramdaman na ito ang kapangyarihan ng buhay sa mga salita ng Diyos na sumusuporta sa akin. Tunay kong naramdaman na ang salita ng Diyos ang katotohanan, ang daan at ang buhay at tiyak na iyon ang saligan na dapat kong asahan upang mabuhay. Samakatuwid, walang kamalay-malay na lumaki ang aking pananampalataya sa Diyos. Sa kapaligiran ng pagdurusang ito nagawa ko talagang maranasan ang realidad ng katotohanan na “Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa’t salitang lumalabas sa bibig ng Dios.” Ito ang tunay na pinakamahalagang yaman ng buhay na ibinigay sa akin ng Diyos, at ito rin ang natatanging kaloob sa akin. Bukod pa rito, hindi ko kailanman makakamit ito sa isang kapaligiran kung saan di ko kailangang mag-alala tungkol sa pagkain o mga damit. Ang pagdurusang ito ay mayroong napakalaking kahulugan at halaga!

Ang karanasang ito ng pag-uusig at pagpapahirap ay lalong nagpatindi ng poot na nasa puso ko para sa Partido Komunista. Ako ay naaresto at isinailalim sa lahat ng uri ng pagpapahirap dahil lamang sa paniniwala sa Diyos. Ito ay hindi makataong pang-aabuso; ito ay lubos na masama! Naisip ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na nabasa ko dati: “Ang mukha ng kalaliman ay magulo at madilim, habang ang mga karaniwang tao, na nagdurusa ng matinding pasakit, ay umiiyak sa Langit at nagrereklamo sa lupa. Kailan maitataas ng tao ang kanyang ulo? Payat at buto’t balat ang tao, paano niya malalabanan itong malupit at abusadong diyablo? Bakit hindi niya ibinibigay ang kanyang buhay sa Diyos sa pinakamadaling panahong makakaya niya? Bakit nag-aalinlangan pa rin siya? Kailan niya matatapos ang gawain ng Diyos? Dahil walang-katuturang tinakot at inapi nang ganoon, ang kanyang buong buhay sa kahuli-hulihan ay magugugol sa walang-kabuluhan; bakit siya nagmamadaling dumating, at nagmamadaling umalis? Bakit hindi siya nagtatabi ng isang bagay na mahalaga upang ibigay sa Diyos? Nakalimutan na ba niya ang libu-libong taon ng poot?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 8). Ipinakita sa akin ng karanasang ito ang totoong diwa ng Partido Komunista bilang isang kalaban ng Diyos, isang kaaway ng katotohanan. Pinatibay nito ang aking pagpapasya na tumayong patotoo para sa Diyos.

Pagkalipas ng isang buwan, sinampahan ako ng pulisya ng CCP ng hindi nararapat na kasong “paggambala sa kaayusan ng lipunan at pagsira sa pagpapatupad ng batas,” at sinentensyahan ako ng isang taon ng reporma sa pamamagitan ng paggawa. Nang pumasok ako sa labor camp, pinilit akong magtrabaho araw-araw ng mga opisyal na pulis. Habang ako ay nasa workshop at nagbibilang ng mga bag, magbibilang ako ng 100 bag at itatali ang mga ito nang sama-sama. Laging sadyang pupunta at kukunin ng mga bilanggo ang isa o ilan pang mga bag mula sa aking nabilang na, at sasabihin nilang hindi ko nabilang nang tama at gagamitin iyong pagkakataon para suntukin at sipain ako. Kapag nakita ng pinuno ng grupo na ako’y binubugbog, lalapit siya at ipokritong tatanungin ako kung ano ang nangyari at magpapakita ng huwad na ebidensiya ang mga bilanggo na hindi ako nagbibilang ng sapat na mga bag. Pagkatapos ay kakailanganin kong tiisin ang sunud-sunod na malulupit na kritisismo mula sa pinuno ng grupo. Sa tuwing nadarama ko na ginawan ako ng mali at nasasaktan ako, kakantahin ko ang isang himno ng mga salita ng Diyos habang nagtatrabaho ako: “Sa mga huling araw na ito ay kailangan ninyong magpatotoo sa Diyos. Gaano man kalaki ang inyong pagdurusa, dapat kayong magpatuloy hanggang sa kahuli-hulihan, at maging sa inyong huling hininga, kailangan pa rin kayong maging tapat sa Diyos at magpasakop sa pagsasaayos ng Diyos; ito lamang ang tunay na pagmamahal sa Diyos, at ito lamang ang malakas at matunog na patotoo(“Hangaring Mahalin ang Diyos Kahit Gaano Kalaki ang Iyong Pagdurusa” sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Habang kumakanta lalo ako, nagsisimula akong makaramdam ng pagkaantig at pagpukaw, at hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha sa aking mga pisngi. Napagpasyahan ko na gaano man ako magdusa, tatayo akong patotoo para sa Diyos. May isa pang kapatid na lalaki na halos kaedad ko na nagkataon na nakakulong kasama ko sa oras na iyon. Hindi kami pinapayagan na mag-usap kapag nagtatrabaho kami sa araw, ngunit sa gabi lihim naming isusulat ang mga sipi ng mga salita ng Diyos at mga himno na kabisado namin at ipinagpapalit sa isa’t isa. Pagkaraan ng kaunting panahon ay naatasan kaming magkasamang magtrabaho, kaya’t tahimik kaming magbabahagian ng pagbabahagi, tinutulungan at hinihikayat ang bawat isa. Nakatulong talaga ito upang maibsan ang pagdurusa.

Dagdag pa rito, pinilit akong kabisaduhin ang “mga panuntunan ng pag-uugali” tuwing umaga, at kung hindi ko nasaulo iyon, bubugbugin ako; pinilit din nila akong kumanta ng mga awit na pumupuri sa Partido Komunista. Kapag nakita nilang hindi ako kumakanta o hindi gumagalaw ang aking mga labi, sa gabi ay tiyak na bubugbugin ako. Pinarusahan din nila ako sa pamamagitan ng pagpapalampaso sa akin ng sahig, at kung hindi ako naglampaso ayon sa kanilang mga inaasahan, marahas nila akong bubugbugin. Minsan, bigla na lang akong pinagpapalo at pinagsisipa ng ilang bilanggo. Matapos akong bugbugin, tinanong nila ako: “Hoy bata, alam mo ba kung bakit ka binubugbog? Dahil hindi ka tumayo at binati ang warden nang siya ay dumating.” Sa bawat pagkakataong binugbog ako, nagalit ako ngunit hindi naglakas-loob na magsabi ng anumang bagay; kaya ko lamang umiyak at tahimik na manalangin sa Diyos, sinasabi sa Kanya ang tungkol sa sama ng loob at karaingan sa aking puso. Sa walang batas at di-makatwirang lugar na ito, walang katwiran, mayroon lamang karahasan. Walang mga tao rito, mayroon lamang mga baliw na demonyo! Nadama ko ang labis na sakit at panggigipit sa paninirahan sa kalagayang ito araw-araw; hindi ko na gustong manatili pa nang isang minuto. Sa bawat ulit na nahulog ako sa isang kalagayan ng kahinaan at sakit, maiisip ko ang tungkol sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Nakatanggap na ba kayo ng mga pagpapalang ibinigay sa inyo? Naghanap na ba kayo ng mga pangakong ginawa para sa inyo? Siguradong kayo, sa ilalim ng patnubay ng Aking liwanag, ay makakawala mula sa pagsakal ng mga puwersa ng kadiliman. Sa gitna ng kadiliman, siguradong hindi mawawala sa inyo ang liwanag na gumagabay sa inyo. Siguradong kayo ang magiging panginoon ng lahat ng nilikha. Siguradong kayo ay magiging mananagumpay sa harap ni Satanas. Siguradong tatayo kayo, sa pagbagsak ng kaharian ng malaking pulang dragon, sa gitna ng napakaraming tao upang sumaksi sa Aking tagumpay. Siguradong kayo ay magiging matatag at di-natitinag sa lupain ng Sinim. Sa pamamagitan ng mga pagdurusang tinitiis ninyo, mamanahin ninyo ang Aking mga pagpapala, at siguradong magniningning sa inyo ang Aking kaluwalhatian sa buong sansinukob(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 19). Pinalakas ang loob ko ng mga salita ng Diyos. Naunawaan ko na ang lahat ng ginawa ng Diyos sa akin ay upang tustusan ako at iligtas ako; ito ay upang lagyan ako ng katotohanan at gawing buhay ko ang katotohanan. Pinahintulutan ng Diyos ang pagpapahirap at kapighatian na dumating sa akin, at kahit na labis akong nagdusa sa pisikal, tinulutan ako nitong makita nang malinaw ang masamang diwa ng paglaban at pagkapoot sa Diyos ng malaking pulang dragon, kasuklaman at talikuran ito, ganap na makatakas sa impluwensya ni Satanas, at ganap na bumaling sa Diyos at gawing isang mananagumpay ng Diyos. Tinulutan din ako nitong maranasan nang tunay na kasama ko ang Diyos; naging dahilan ito upang matamasa ko nang tunay ang mga salita ng Diyos na nagiging tinapay ng aking buhay at lampara sa aking mga paa at ilaw sa aking landas, na ginagabayan ako sa bawat hakbang sa madilim na butas na ito ng impiyerno. Ito ang pag-ibig at pagprotekta ng Diyos na aking tinamasa at nakuha sa panahon ng pag-uusig at pagdurusa. Sa oras na ito, nagawa kong makita na sobrang bulag ako. Sa paniniwala sa Diyos, alam ko lamang kung paano matamasa ang biyaya at pagpapala ng Diyos at hindi hinangad na matamo ang katotohanan at buhay sa pinakamaliit na antas. Sa sandaling nagdusa ang aking laman ng kaunting hirap, walang tigil akong nagrereklamo; sadyang hindi ko naunawaan ang kalooban ng Diyos at hindi hinangad na maunawaan ang gawain ng Diyos. Lagi akong nagdudulot sa Diyos na magdalamhati at masaktan dahil sa akin. Tunay akong walang konsensya! Sa pagkaramdam ng dalamhati at pagsisi sa sarili, tahimik akong nanalangin sa Diyos: “O Makapangyarihang Diyos, nakikita ko na ang lahat ng ginagawa Mo ay upang iligtas at makuha ako. Napopoot lamang ako na ako’y sobrang mapaghimagsik at bulag. Laging mali ang aking pag-unawa sa Iyo at hindi ko inalala ang Iyong kalooban. O Diyos, ginising ngayon ng Iyong salita ang aking manhid na puso’t espiritu at ipinaunawa sa akin ang Iyong kalooban. Hindi ko na gustong magkaroon pa ng sarili kong mga pagnanasa at hinihingi; magpapasakop lamang ako sa Iyong mga pagsasaayos. Gaano man ang paghihirap na kailangan kong tiisin, magbibigay ako ng mga patotoo sa Iyo sa buong pag-uusig ni Satanas.” Pagkatapos manalangin, naunawaan ko ang mabubuting intensyon ng Diyos, at alam kong ang bawat kapaligiran na pinahintulutan ng Diyos na danasin ko ay ang pinakadakilang pag-ibig at pagliligtas ng Diyos para sa akin. Samakatuwid, hindi ko na iisipin pang maduwag o hindi unawain ang Diyos. Kahit na ang sitwasyon ay tulad pa rin ng dati, tunay na puno ng kagalakan at kasiyahan ang aking puso; nadama kong isang karangalan na mapagdusahan ang mga paghihirap at pag-uusig dahil sa aking paniniwala sa Diyos, at isa itong natatanging kaloob para sa akin, na isang taong tiwali; ito ang espesyal na pagpapala at biyaya ng Diyos para sa akin.

Matapos dumanas ng isang taon ng paghihirap sa bilangguan, nakita kong napakaliit ng aking tayog at kulang na kulang ako sa katotohanan. Tunay na pinunan ng Makapangyarihang Diyos ang aking mga kakulangan sa pamamagitan ng natatanging kapaligirang ito at tinulutan akong lumago. Sa aking paghihirap, Siya ang naging dahilan upang makamit ko ang pinakamahalagang kayamanan sa buhay, maunawaan ang maraming katotohanang hindi ko naunawaan noong nakaraan at malinaw na makita ang kahindik-hindik na mga krimen ng CCP sa pag-uusig sa Diyos at pagpapahirap sa mga Kristiyano. Nakilala ko ang kasuklam-suklam na hitsura ni Satanas, ang demonyo, at ang reaksyunaryong diwa ng paglaban nito sa Diyos. Masigasig kong naranasan ang dakilang pagliligtas at awa ng Makapangyarihang Diyos para sa akin, na isang tiwaling tao, at nadama na ang kapangyarihan at buhay sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay makakapagdala sa akin ng liwanag at magiging buhay ko at papatnubayan akong manaig kay Satanas at buong tapang na takasan ang lambak ng anino ng kamatayan. Salamat sa Diyos!

Sinundan: 80. Paggugol ng Kalakasan ng Kabataan sa Loob ng Bilangguan

Sumunod: 82. Pagpapahirap sa Interrogation Room

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

69. Pagbabalik sa Tamang Daan

Ni Chen Guang, USASabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi simpleng gawain. Ang mga hindi nagbabago ang tiwaling...

45. Pamumuhay sa Harap ng Diyos

Ni Yongsui, South KoreaSabi ng Makapangyarihang Diyos, “Upang makapasok sa realidad, kailangang ibaling ng isang tao ang lahat sa tunay na...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito