2. Noon, madalas na ipinangangaral ng mga pastor na pagdating ng Panginoon, tayo ay madadala sa langit bago ang mga sakuna, ngunit ngayon ay nakikita natin ang bawat uri ng malalaking sakuna na dumarating sa mundo at hindi pa tayo nadadala. Sinasabi ng mga pastor na ang ating hindi pagkakadala ay nangangahulugang ang Panginoon ay hindi pa bumabalik, na ang Panginoon ay magpapakita sa atin sa gitna ng mga sakuna, at tayo ay madadala sa langit sa panahon ng mga sakuna. Hindi ko maintindihan: Madadala ba tayo bago ang mga sakuna, o habang nangyayari ang mga ito?

Sagot:

Sa usapin ng pagiging natipon ng mga mananampalataya sa pagparito ng Panginoon, maraming pastor at tagapagpaliwanag ng Biblia ang nagpasya na paparito ang Panginoon at titipunin ang mga mananampalataya bago dumating ang mga sakuna. Ngunit ngayon, dumating na ang malalaking sakuna at ang mga tao ng relihiyosong mundo ay hindi pa natipon; nalito nito ang maraming tao, at sa usaping ito ay sinasabi ng mga relihiyosong pastor, “Ang katotohanan na hindi pa tayo natipon bago ang mga sakuna ay nagpapakitang ang Panginoon ay hindi pumarito bago ang mga sakuna. Iginigiit namin na tiyak na magpapakita sa atin ang Panginoon sa panahon ng mga sakuna, kaya hihintayin nating matipon tayo sa panahon ng mga sakuna.” Ito ang pinakakaraniwang argumento sa relihiyon. Tama ba ang gayong mga pananaw? May batayan ba ang mga ito sa mga salita ng Diyos? Maaari kayang, dahil ang mga tao ng relihiyosong mundo ay hindi natipon bago ang mga sakuna, at hindi nakita ang Panginoong bumababa sa isang puting ulap, pinatutunayan na nito na hindi pumarito ang Panginoon? Nang magpakita ang Panginoong Jesus at isinagawa ang Kanyang gawain, hindi Siya nakilala ng mga punong saserdote, eskriba, at Fariseo ng Judaismo, at ikinaila nila ang Kanyang pagpapakita at gawain; hindi nila tinanggap ang Mesiyas, kaya sinabi nila na hindi pa Siya pumarito. Hindi ba ginagawa ng mga relihiyosong pastor na ito ang kaparehong pagkakamali ng mga Fariseo maraming taon ang nakararaan? Hindi ba sila namamali sa pagbibigay-kahulugan sa Biblia nang basta lang nila tinutukoy kung kailan paparito ang Panginoon batay sa isa o dalawang bersikulo ng Kasulatan? Ngayon, dahil dumating na ang mga sakuna, ang Panginoon ay talagang hindi hayagang pumarito na nakasakay sa isang puting ulap—ito ay katotohanan. Gayunpaman, nakita natin na sa Silangan, may mga nagpapatotoo sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, na nagpapatotoo at nagpapalaganap sa lahat ng katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, at tulad ng isang matinding liwanag, mabilis silang kumalat mula sa Silangan hanggang sa buong Kanluran, pinupukaw ang masidhing pagsupil at pag-usig ng rehimeng CCP, at naghahatid ng malawakang pagkabigla sa buong mundo. Wala ba talagang sinuman sa relihiyosong mundo ang nakakakita sa katotohanang ito? Tinutupad nito mismo ang propesiya ng Panginoong Jesus: “Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kanluran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao(Mateo 24:27).

Walang pag-aalinlangan na nagpapakita ang Panginoon at isinasagawa ang Kanyang gawain bago ang mga sakuna. Sa Aklat ng Pahayag, sinasabing, “At sa anghel ng iglesia sa Filadelfia ay isulat mo; Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng banal, Niyang totoo, Niyang may susi ni David, Niyang nagbubukas at di mailalapat ng sinuman, at naglalapat at di maibubukas ng sinuman: Nalalaman Ko ang iyong mga gawa: narito, inilagay Ko sa harapan mo ang isang pintuang bukas, na di mailalapat ng sinuman: na ikaw ay may kaunting lakas, at tinupad mo ang Aking salita, at hindi mo ikinaila ang Aking pangalan. Narito, ibinibigay Ko sa sinagoga ni Satanas, ang mga nagsasabing sila’y mga Judio, at sila’y hindi, kundi nangagbubulaan; narito, sila’y Aking papapariyanin at pasasambahin sa harap ng iyong mga paa, at nang maalamang ikaw ay Aking inibig. Sapagka’t tinupad mo ang salita ng Aking pagtitiis, ikaw naman ay Aking iingatan sa panahon ng pagsubok, na darating sa buong sanlibutan, upang subukin ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa. Ako’y dumarating na madali: panghawakan mong matibay ang nasa iyo, upang huwag kunin ng sinuman ang iyong putong. Ang magtagumpay, ay gagawin Kong haligi sa templo ng Aking Diyos, at hindi na siya’y lalabas pa doon: at isusulat Ko sa kaniya ang pangalan ng Aking Diyos, at ang pangalan ng bayan ng Aking Diyos, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa Aking Diyos, at ang Aking sariling bagong pangalan(Pahayag 3:7–12). Natupad na ang lahat ng mga salitang ito. Sa panahon ng mga huling araw, ang iglesia sa Filadelfia ang iglesiang nadala bago ang mga sakuna, at ang lahat ng natipon ay iyong mga bumalik sa harapan ng Diyos dahil nabasa nila ang maraming pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos at narinig ang tinig ng Diyos. Tinutupad nito ang mga salitang ito ng Diyos: “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin Siya(Mateo 25:6). “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin(Juan 10:27). “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko(Pahayag 3:20). Ang mga taong ito na tumatanggap sa Makapangyarihang Diyos ay kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos araw-araw, at umuupo sa piging ng kasal ng Cordero. Ang lahat ng mga nagmamahal at naghahangad sa katotohanan ay nakaranas na ng paghatol, pagkastigo, mga pagsubok, at pagpipino ng Diyos, at nagawa na silang mga mananagumpay—sila ang matatalinong dalaga na sumalubong sa Panginoon. Samantala, ang mga tumatangging tanggapin ang Makapangyarihang Diyos ay mga hangal na dalaga; hindi nila nakikilala ang tinig ng Diyos, sinayang nila ang kanilang pagkakataong salubungin ang pagparito ng Panginoon, at kaya pinabayaan at nalublob sila sa mga sakuna. Ngunit matapos magsimulang bumuhos ang malalaking sakuna, naririnig ng ilang tao ang tinig ng Diyos sa gitna ng mga sakuna, nakikita nila ang patotoo sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, at tinatanggap nila ang Makapangyarihang Diyos. Ngayon, maraming relihiyosong tao ang nagsisiyasat sa gawain ng Makapangyarihang Diyos, kinikilala nila na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang tinig ng Diyos, at parami nang paraming tao ang tumatanggap sa Makapangyarihang Diyos. Ang mga taong ito ang mga natipon sa panahon ng mga sakuna.

Sinundan: 1. Sinasabi sa Biblia: “Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailan man” (1 Tesalonica 4:17). Naniniwala kami na pagdating ng Panginoon, dadalhin tayo nang diretso sa mga ulap sa kalangitan upang salubungin Siya. Pinatototohanan mo na nagbalik na ang Panginoon, kung gayon, bakit hindi pa kami nadadala?

Sumunod: 1. Sinasabi mo na dapat nating tanggapin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, dahil doon lamang malilinis at mababago ang ating mga tiwaling satanikong disposisyon, at saka lamang tayo makakapasok sa kaharian ng Diyos. Kaya, tulad ng hinihingi ng Panginoon, tayo ay nagpapakumbaba at nagpaparaya, minamahal natin ang ating mga kaaway, pinapasan natin ang ating krus, dinidisiplina natin ang ating katawan, tinatalikuran natin ang mga makamundong bagay, gumagawa tayo at nangangaral para sa Panginoon, at iba pa. Hindi ba’t ang lahat ng ito ay mga pagbabagong naganap sa atin? Sinasabi mo bang hindi pa ito sapat upang makapasok tayo sa kaharian sa langit? Naniniwala ako na hangga’t nagpapatuloy tayo sa pagsusumikap sa ganitong paraan, tayo ay magiging banal at makakapasok sa makalangit na kaharian.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 1: Nananalig na tayo sa Panginoon sa loob ng napakaraming taon. Kahit maaari tayong mangaral at kumilos para sa Panginoon at magdusa nang husto, maaari pa rin tayong palaging magsinungaling, manloko at mandaya. Araw-araw, ipinagtatanggol natin ang ating sarili. Napakadalas, mayabang tayo, mapagmataas, pasikat, at mapanghamak sa iba. Namumuhay tayo sa sitwasyon ng pagkakasala at pagsisisi, at hindi tayo makaalpas sa pang-aalipin ng laman, at dumaranas at nagsasagawa ng salita ng Panginoon. Hindi pa natin nararanasan ang anumang realidad ng salita ng Panginoon. Sa kaso natin, madadala man lang ba tayo sa kaharian ng langit? Sabi ng ilang tao, gaano man tayo magkasala, gaano man tayo inaalipin ng laman, ang tingin sa atin ng Panginoon ay walang kasalanan. Sumusunod sila sa salita ni Pablo: “Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng trumpeta: sapagka’t tutunog ang trumpeta, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin” (1 Corinto 15:52). At ipinapalagay nila na agad babaguhin ng Panginoon ang ating anyo pagdating Niya at dadalhin tayo sa kaharian ng langit. Naniniwala ng ilang tao na ang mga tumatanggap ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya pero patuloy pa ring nagkakasala ay hindi karapat-dapat na makapasok sa kaharian ng langit. Nakabatay ito unang-una na sa salita ng Panginoong Jesus: “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa Akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21). “Kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t Ako’y banal” (Levitico 11:45). Ito ay dalawang magkakumpitensyang pananaw na hindi malinaw na masasabi ng sinuman, Makipag-usap naman kayo para sa amin.

Sagot: Noong araw, dati-rati’y itinuturing nating salita ng Diyos ang mga salita ng mga apostol na kagaya ni Pablo at sumusunod tayo sa...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito