5. Ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan ay nagawa sa pamamagitan ng paggamit ng Diyos na Jehova kay Moises. Bakit hindi gumagamit ang Diyos ng sinuman upang gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw? Bakit kailangan Niyang magkatawang-tao at isagawa ang gawaing ito Mismo?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang gawain ng paghatol ay sariling gawain ng Diyos, kaya natural na ang Diyos Mismo ang dapat gumawa nito; hindi ito maaaring gawin ng tao para sa Kanya. Sapagkat ang paghatol ay ang paglupig sa lahi ng tao sa pamamagitan ng katotohanan, walang pag-aalinlangan na magpapakita pa rin ang Diyos bilang nagkatawang-taong imahe upang gawin ang gawaing ito sa mga tao. Ibig sabihin, gagamitin ng Cristo ng mga huling araw ang katotohanan upang turuan ang mga tao sa buong mundo at ipaalam ang lahat ng katotohanan sa kanila. Ito ang gawain ng paghatol ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan

Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas Niya nang pangmatagalan. Ang lahat ng ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan

Ngayon, dahil sa karumihan mo kaya kita hinahatulan, at dahil sa katiwalian at pagkasuwail mo kaya kita kinakastigo. Hindi Ko ipinangangalandakan ang Aking kapangyarihan sa inyo o sadya kayong inaapi; ginagawa Ko ang mga bagay na ito dahil kayo, na naisilang sa lupaing ito ng karumihan, ay labis-labis nang narumihan. Sadyang naiwala ninyo ang inyong integridad at pagkatao at naging para kayong mga baboy na ipinanganak sa pinakamaruruming sulok ng daigdig, kaya nga dahil dito kaya kayo hinahatulan at kaya Ko pinapakawalan sa inyo ang Aking poot. Dahil mismo sa paghatol na ito kaya ninyo nagawang makita na ang Diyos ay ang matuwid na Diyos, at na ang Diyos ay ang banal na Diyos; dahil mismo sa Kanyang kabanalan at Kanyang katuwiran kaya Niya kayo hinahatulan at pinapakawalan Niya ang Kanyang poot sa inyo. Dahil naibubunyag Niya ang Kanyang matuwid na disposisyon kapag nakikita Niya ang pagkasuwail ng tao, at dahil naibubunyag Niya ang Kanyang kabanalan kapag nakikita Niya ang karumihan ng tao, sapat na ito upang ipakita na Siya ang Diyos Mismo, na banal at malinis, ngunit nabubuhay sa lupain ng karumihan. Kung nagtatampisaw ang isang tao sa putikan na kasama ng iba, at walang anumang banal tungkol sa kanya, at wala siyang matuwid na disposisyon, wala siyang karapatang hatulan ang kasamaan ng tao, ni hindi siya akmang magsagawa ng paghatol sa tao. Kung hahatulan ng isang tao ang iba, hindi ba parang sinasampal nila ang sarili nilang mukha? Paano magiging karapat-dapat ang mga taong pare-parehong marumi na hatulan yaong mga kagaya nila? Tanging ang banal na Diyos Mismo ang nagagawang hatulan ang buong sangkatauhang marumi. Paano mahahatulan ng tao ang mga kasalanan ng tao? Paano makikita ng tao ang mga kasalanan ng tao, at paano magiging karapat-dapat ang tao na isumpa ang mga kasalanang ito? Kung hindi karapat-dapat ang Diyos na hatulan ang mga kasalanan ng tao, paano Siya magiging matuwid na Diyos Mismo? Kapag ibinubunyag ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao, nangungusap ang Diyos upang hatulan ang mga tao, at saka lamang nakikita ng mga tao na Siya ay banal. Habang hinahatulan at kinakastigo Niya ang tao para sa kanyang mga kasalanan, na inilalantad pala ang mga kasalanan ng tao, walang tao o bagay na makakatakas sa paghatol na ito; Siya ang humahatol sa lahat ng marumi, at sa gayon lamang masasabi na matuwid ang Kanyang disposisyon. Kung hindi, paano masasabi na mga hambingan kayo kapwa sa pangalan at sa katunayan?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Nakakamtan ang mga Epekto ng Ikalawang Hakbang ng Gawain ng Paglupig

Para sa lahat ng nabubuhay sa laman, ang pagbabago ng kanilang disposisyon ay nangangailangan ng mga itataguyod na layunin, at ang pagkilala sa Diyos ay nangangailangan ng pagsaksi sa tunay na mga gawa at tunay na mukha ng Diyos. Matatamo lamang ang dalawang ito ng katawang-tao ng Diyos, at maisasakatuparan lamang ang dalawang ito ng normal at tunay na katawan. Ito ang dahilan kung bakit kailangan ang pagkakatawang-tao, at kung bakit ito kailangan ng lahat ng tiwaling sangkatauhan. Dahil hinihinging makilala ng mga tao ang Diyos, kailangang maiwaksi sa kanilang mga puso ang mga larawan ng malabo at higit-sa-karaniwang mga Diyos, at dahil hinihinging alisin nila ang kanilang tiwaling disposisyon, dapat muna nilang malaman ang kanilang tiwaling disposisyon. Kung gagawin lamang ng tao ang gawain para maiwaksi mula sa puso ng mga tao ang mga larawan ng malalabong Diyos, mabibigo siyang makamit ang wastong bisa. Hindi mailalantad, maitatakwil, o ganap na mapapaalis ng mga salita lamang ang mga larawan ng malalabong Diyos sa puso ng mga tao. Sa huli, hindi pa rin posibleng iwaksi sa paggawa nito ang mga bagay na malalim na nakaugat sa mga tao. Makakamit lamang ang angkop na bisa kapag napalitan ng praktikal na Diyos at ng tunay na larawan ng Diyos ang malalabo at di-pangkaraniwang mga bagay na ito, at mahikayat ang mga tao na unti-unting malaman ang mga ito. Kinikilala ng tao na malabo at hindi pangkaraniwan ang Diyos na kanyang hinangad ng mga nakaraang panahon. Ang may kakayahang makapagkamit ng bisang ito ay hindi ang tuwirang pamumuno ng Espiritu, lalong hindi ang mga aral ng isang tiyak na indibidwal, kundi ang Diyos na nagkatawang-tao. Nailalantad ang mga kuru-kuro ng tao kapag opisyal na ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao ang Kanyang gawain, sapagkat ang pagiging normal at ang realidad ng Diyos na nagkatawang-tao ay ang kabaligtaran ng malabo at di-pangkaraniwang Diyos sa imahinasyon ng tao. Maihahayag lamang ang orihinal na mga kuru-kuro ng tao kapag naihambing sa Diyos na nagkatawang-tao. Kung wala ang paghahambing sa Diyos na nagkatawang-tao, hindi maihahayag ang mga kuru-kuro ng tao; sa madaling salita, kung walang realidad bilang panghambing, hindi maihahayag ang malalabong bagay. Walang may kakayahang gumamit ng mga salita upang gawin ang gawaing ito, at walang sinuman ang may kakayahang magsalita nang maliwanag sa gawaing ito gamit ang mga salita. Tanging ang Diyos Mismo ang makakagawa ng Kanyang sariling gawain, at wala nang ibang makakagawa ng gawaing ito sa ngalan Niya. Gaano man kayaman ang wika ng tao, hindi niya kayang sabihin nang maliwanag ang realidad at pagiging normal ng Diyos. Maaari lamang makilala ng tao ang Diyos nang higit na praktikal, at maaari lamang Siyang makita nang higit na malinaw, kung personal na gagawa ang Diyos sa tao at ganap na ipakikita ang Kanyang larawan at pagiging Diyos. Hindi makakamtan ang bisang ito ng sinumang tao na nilikha sa laman.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao

Tiyak na dahil natiwali na ni Satanas ang laman ng tao, at ang tao ang siyang hinahangad iligtas ng Diyos, kaya kailangang magkatawang-tao ang Diyos upang makipagdigma kay Satanas at upang personal na akayin ang tao. Ito lamang ang kapaki-pakinabang sa Kanyang gawain. Ang dalawang katawang-tao ng Diyos ay umiral upang talunin si Satanas, at upang higit na mabisang iligtas ang tao. Iyon ay dahil ang siyang nakakagawa ng pakikipagdigma kay Satanas ay ang Diyos lamang, maging ito man ay ang Espiritu ng Diyos o ang katawang-tao ng Diyos. Sa madaling salita, hindi mangyayari na ang mga anghel ang magsasagawa ng pakikipagdigma kay Satanas, lalong hindi ito ang tao, na nagawa nang tiwali ni Satanas. Walang kapangyarihan ang mga anghel na lumaban sa labanang ito, at ang tao ay lalo pang mas inutil. Sa gayon, kung ninanais ng Diyos na gawaan ang buhay ng tao, kung ninanais Niyang personal na pumunta sa lupa upang iligtas ang tao, kung gayon ay kailangan Niyang personal na maging katawang-tao–iyon ay, kailangan Niyang personal na maging katawang-tao, at taglay ang Kanyang likas na pagkakakilanlan at ang gawain na kailangan Niyang gawin, pumunta sa gitna ng tao at personal na iligtas ang tao. Kung hindi, kung ang Espiritu ng Diyos o ang tao ang gumawa ng gawaing ito, kung gayon ay walang mangyayari kailanman sa labanang ito, at hindi ito matatapos kailanman. Tanging kapag ang Diyos ay nagiging katawang-tao upang personal na makipagdigma laban kay Satanas sa gitna ng tao na nagkakaroon ng pagkakataon ang tao sa kaligtasan. Bilang karagdagan, sa gayon lamang napapahiya si Satanas at naiiwang walang anumang mga pagkakataon na sasamantalahin o anumang mga plano na isasakatuparan. Ang gawain na ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao ay di-nakakamit ng Espiritu ng Diyos, at lalo pang magiging imposible para sa sinumang makalamang tao na gawin ito sa ngalan ng Diyos, sapagkat ang gawain na Kanyang ginagawa ay para sa kapakanan ng buhay ng tao, at upang baguhin ang tiwaling disposisyon ng tao. Kung ang tao ay makikisali sa digmaang ito, tatakas lamang siya sa kahabag-habag na kaguluhan, at magiging walang kakayahan man lamang na baguhin ang kanyang tiwaling disposisyon. Hindi niya kakayaning iligtas ang tao mula sa krus, o lupigin ang lahat ng mapaghimagsik na sangkatauhan, kundi makakaya lamang niyang gumawa ng kaunting lumang gawain na hindi lumalampas sa mga prinsipyo, o kaya ay anupamang gawain na walang kaugnayan sa pagkatalo ni Satanas. Kaya bakit mag-aabala? Ano ang kabuluhan ng gawain na hindi nakakatamo sa tao, lalong hindi nakakatalo kay Satanas? At kaya, ang digmaan laban kay Satanas ay maisasakatuparan lamang ng Diyos Mismo, at magiging imposible na lamang para sa tao na gawin ito. Ang tungkulin ng tao ay tumalima at sumunod, sapagkat hindi kayang gawin ng tao ang gawaing katulad ng paggawa ng kalangitan at lupa, ni, higit pa rito, naisasakatuparan niya ang gawain ng pakikipagdigma kay Satanas. Mapapasaya lamang ng tao ang Lumikha sa ilalim ng pangunguna ng Diyos Mismo, kung saan sa pamamagitan nito ay natatalo si Satanas; ito lamang ang isang bagay na magagawa ng tao. At kaya, sa tuwing nagsisimula ang isang bagong digmaan, na ang ibig sabihin, sa tuwing nagsisimula ang gawain ng bagong kapanahunan, ang gawaing ito ay personal na ginagawa ng Diyos Mismo, kung saan sa pamamagitan nito ay pinangungunahan Niya ang buong kapanahunan at nagbubukas ng isang bagong landas para sa kabuuan ng sangkatauhan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan

Ang gawain ng buong plano ng pamamahala ng Diyos ay personal na ginagawa ng Diyos Mismo. Ang unang yugto—ang paglikha ng mundo—ay personal na ginawa ng Diyos Mismo, at kung hindi nangyari ito, walang sinumang may kakayahang likhain ang sangkatauhan; ang ikalawang yugto ay ang pagtubos sa buong sangkatauhan, at ito ay personal ding ginawa ng Diyos Mismo; ang ikatlong yugto ay malinaw: Mas malaki ang pangangailangan na ang Diyos Mismo ang tumapos sa Kanyang buong gawain. Ang gawain ng pagtubos, panlulupig, pagtamo, at pagpeperpekto sa buong sangkatauhan ay personal na isinasakatuparang lahat ng Diyos Mismo. Kung hindi Niya personal na ginawa ang gawaing ito, kung gayon ang Kanyang pagkakakilanlan ay hindi makakatawan ng tao, o magagawa ng tao ang Kanyang gawain. Upang talunin si Satanas, upang makamit ang sangkatauhan, at upang bigyan ang tao ng isang normal na buhay sa lupa, personal Niyang pinangungunahan ang tao at personal na gumagawa sa gitna ng tao; para sa kapakanan ng Kanyang buong plano ng pamamahala, at para sa lahat ng Kanyang gawain, kailangang personal Niyang gawin ang gawaing ito. Kung naniniwala lamang ang tao na ang Diyos ay dumating upang makita Siya ng tao, para mapasaya ang tao, kung gayon ang ganoong mga paniniwala ay walang halaga, walang kabuluhan. Ang pagkaunawa ng tao ay napakababaw! Sa pamamagitan lamang ng pagsasakatuparan ng gawaing ito Niya Mismo na magagawa ng Diyos ang gawaing ito nang lubusan at kumpleto. Walang kakayahan ang tao na gawin ito sa ngalan ng Diyos. Dahil hindi niya taglay ang pagkakakilanlan ng Diyos o ang Kanyang diwa, wala siyang kakayahang gawin ang gawain ng Diyos, at kahit ginawa pa ito ng tao, hindi ito magkakaroon ng anumang epekto. Ang unang pagkakataon na naging katawang-tao ang Diyos ay para sa kapakanan ng pagtubos, upang tubusin ang buong sangkatauhan mula sa kasalanan, upang bigyang-kakayahan ang tao na maging malinis at mapatawad sa kanyang mga kasalanan. Ang gawain ng panlulupig ay personal ding ginagawa ng Diyos sa gitna ng tao. Kung, sa panahon ng yugtong ito, magsasalita lamang ang Diyos ng propesiya, kung gayon ang isang propeta o sinumang mayroong kaloob ay maaaring matagpuan upang halinhinan Siya; kung propesiya lamang ang sinasalita, kung gayon makakahalili ang tao sa Diyos. Ngunit kung susubukan ng tao na personal na gawin ang gawain ng Diyos Mismo at susubukang gawin ang buhay ng tao, magiging imposible para sa kanya na gawin ang gawaing ito. Ito ay kailangang personal na gawin ng Diyos Mismo: kailangang personal na maging katawang-tao ang Diyos upang gawin ang gawaing ito. Sa Kapanahunan ng Salita, kung propesiya lamang ang sinalita, kung gayon si Isaias o Elias na propeta ay maaaring masumpungan upang gawin ang gawaing ito, at hindi na kakailanganin na personal itong gawin ng Diyos Mismo. Dahil ang gawain na ginagawa sa yugtong ito ay hindi basta pagsasalita ng propesiya, at dahil higit na mahalaga na ang gawain ng mga salita ay ginagamit upang lupigin ang tao at talunin si Satanas, ang gawaing ito ay hindi magagawa ng tao, at kailangang personal na gawin ng Diyos Mismo. Sa Kapanahunan ng Kautusan ginawa ni Jehova ang bahagi ng Kanyang gawain, pagkatapos nito ay nagsalita Siya ng ilang salita at gumawa ng ilang gawain sa pamamagitan ng mga propeta. Iyon ay dahil maaaring humalili ang tao kay Jehova sa Kanyang gawain, at mahuhulaan ng mga manghuhula ang mga bagay-bagay at makapagbibigay-kahulugan sa ilang panaginip sa Kanyang ngalan. Ang gawain na ginagawa noong pasimula ay hindi ang gawain ng tuwirang pagbabago sa disposisyon ng tao, at walang kinalaman sa kasalanan ng tao, at ang tao ay kinailangan lamang na sumunod sa kautusan. Kaya si Jehova ay hindi naging katawang-tao at hindi ibinunyag ang Sarili Niya sa tao; sa halip Siya ay nagsalita nang tuwiran kay Moises at sa iba pa, pinagsalita sila at pinagawa sa Kanyang ngalan, at nagsanhi sa kanila upang tuwirang gumawa sa gitna ng sangkatauhan. Ang unang yugto ng gawain ng Diyos ay ang pangunguna sa tao. Ito ang simula ng pakikidigma laban kay Satanas, ngunit ang digmaang ito ay hindi pa opisyal na nagsisimula. Ang opisyal na pakikipagdigma laban kay Satanas ay nagsimula sa unang pagkakatawang-tao ng Diyos, at ito ay nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan. Ang unang labanan ng digmaang ito ay nang ang Diyos na nagkatawang-tao ay ipinako sa krus. Ang pagpapako sa krus ng Diyos na nagkatawang-tao ay tinalo si Satanas, at ito ang unang matagumpay na yugto sa digmaan. Nang magsimula ang Diyos na nagkatawang-tao na tuwirang gumawa sa buhay ng tao, ito ang opisyal na pagsisimula ng gawain ng pagbawi sa tao, at dahil ito ang gawain ng pagbabago ng dating disposisyon ng tao, ito ang gawain ng pakikipagdigma kay Satanas. Ang yugto ng gawaing ginawa ni Jehova noong pasimula ay ang pangunguna lamang sa buhay ng tao sa lupa. Ito ang simula ng gawain ng Diyos, at bagaman hindi pa nakapaloob dito ang anumang digmaan, o anumang pangunahing gawain, inilatag nito ang saligan para sa digmaang darating. Kinalaunan, ang ikalawang yugto ng gawain noong Kapanahunan ng Biyaya ay kinapalooban ng pagpapabago sa dating disposisyon ng tao, ibig sabihin ang Diyos Mismo ang pumanday sa buhay ng tao. Ito ay kinailangang personal na gawin ng Diyos: Kinailangan nito na personal na maging katawang-tao ang Diyos. Kung hindi Siya naging katawang-tao, walang sinuman ang makapapalit sa Kanya sa yugtong ito ng gawain, dahil kinatawan nito ang gawain ng tuwirang pakikipagdigma laban kay Satanas. Kung nagawa ng tao ang gawaing ito para sa Diyos, nang tumayo ang tao sa harapan ni Satanas, hindi sana nagpasakop si Satanas at naging imposible sanang talunin ito. Kinailangan na ang Diyos na nagkatawang-tao ang pumarito upang talunin ito, sapagkat ang diwa ng Diyos na nagkatawang-tao ay Diyos pa rin, Siya pa rin ang buhay ng tao, at Siya pa rin ang Lumikha; anuman ang mangyari, ang Kanyang pagkakakilanlan at diwa ay hindi magbabago. Kaya nga, nag-anyo Siya ng katawang-tao at ginawa ang gawain upang ganap na magpasakop si Satanas. Sa panahon ng yugto ng gawain ng mga huling araw, kung ang tao ang gagawa ng gawaing ito at papapagsalitain nang tuwiran sa mga salita, kung gayon ay hindi niya magagawang salitain ang mga iyon, at kung propesiya ang sinalita, kung gayon ay wala kakayahan ang propesiyang ito na malupig ang tao. Sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao, dumarating ang Diyos upang talunin si Satanas at ganap na magpasakop ito. Kapag lubos Niyang tinalo si Satanas, ganap na nilupig ang tao, at ganap na nakamit ang tao, ang yugtong ito ng gawain ay matatapos at makakamit ang tagumpay. Sa pamamahala ng Diyos, hindi makakahalili ang tao sa Diyos. Sa partikular, ang gawain ng pangunguna sa kapanahunan at paglulunsad ng bagong gawain ay higit pang nangangailangan ng pagiging personal na ginagawa ng Diyos Mismo. Ang pagbibigay sa tao ng pahayag at pagkakaloob sa kanya ng propesiya ay magagawa ng tao, ngunit kung ito ay gawain na kailangang personal na gawin ng Diyos, ang gawain ng digmaan sa pagitan ng Diyos Mismo at ni Satanas, kung gayon ang ganitong gawain ay hindi magagawa ng tao. Noong unang yugto ng gawain, nang wala pang digmaan laban kay Satanas, personal na pinangunahan ni Jehova ang mga tao ng Israel gamit ang propesiyang sinalita ng mga propeta. Pagkatapos, ang ikalawang yugto ng gawain ay ang digmaan laban kay Satanas, at personal na naging katawang-tao ang Diyos Mismo, at naging katawang-tao upang gawin ang gawaing ito. Anumang kinasasangkutan ng pakikidigma laban kay Satanas ay kinasasangkutan din ng pagkakatawang-tao ng Diyos, nangangahulugan na ang pakikipagdigmang ito ay hindi magagawa ng tao. Kung ang tao ang makikipagdigma, hindi niya makakayang talunin si Satanas. Paano siyang magkakaroon ng lakas na makipaglaban dito habang nasa ilalim pa rin ng sakop nito? Ang tao ay nasa gitna: Kung ikaw ay hihilig tungo kay Satanas, kung gayon ay pag-aari ka ni Satanas, ngunit kung iyong napapalugod ang Diyos, kung gayon ay pag-aari ka ng Diyos. Kung ang tao ay susubok at hahalili sa Diyos sa gawain ng digmaang ito, makakaya ba niya? Kung ginawa niya, hindi ba matagal na sana siyang napahamak? Hindi ba matagal na sana siyang nakapasok sa mundo sa ibaba? Kaya, hindi kayang palitan ng tao ang Diyos sa Kanyang gawain, na ang ibig sabihin ay hindi taglay ng tao ang diwa ng Diyos, at kung ikaw ay nakipagdigma kay Satanas hindi mo kakayaning talunin ito. Nakakagawa lamang ng ilang gawain ang tao; makakahalina lamang siya ng ilang tao, ngunit hindi siya makakahalili sa Diyos sa gawain ng Diyos Mismo. Paano makikipagdigma ang tao laban kay Satanas? Ikaw ay kukuning bihag ni Satanas bago ka pa man magsimula. Tanging kapag ang Diyos Mismo ang nakikipagdigma kay Satanas at ang tao ay sumusunod at tumatalima sa Diyos sa batayang ito, makakamit ng Diyos ang tao at makakatakas sa pagkakagapos kay Satanas. Masyadong limitado ang mga bagay na makakamtan ng tao gamit ang kanyang karunungan at mga kakayahan; hindi niya kayang gawing ganap ang tao, pangunahan siya, at, higit pa rito, talunin si Satanas. Hindi kaya ng talino at karunungan ng tao na hadlangan ang mga pakana ni Satanas, kaya papaano makikipagdigma ang tao rito?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan

Sinundan: 4. Ayon sa nakasulat sa Biblia, ang Panginoong Jesus ay si Cristo na nagkatawang-tao, Siya ay Anak ng Diyos. Gayunpaman ay nagpatotoo ka na ang nagkatawang-taong si Cristo ay ang pagpapakita ng Diyos, Siya ang Diyos Mismo. Kung ang Panginoong Jesus ay ang Diyos Mismo, paano makapagdarasal ang Panginoong Jesus sa Kanyang Ama kapag Siya ay nanalangin? Ang nagkatawang-taong si Cristo ba ay Anak ng Diyos o Diyos Mismo?

Sumunod: 6. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Diyos ay nagkatawang-tao at nagsilbing handog para sa kasalanan ng sangkatauhan, sa ganitong paraan ay tinutubos ang sangkatauhan mula sa kasalanan. Ang Diyos ay muling nagkatawang-tao sa mga huling araw. Ipinapahayag Niya ang katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol, lubos na nililinis ang sangkatauhan at iniligtas ang sangkatauhan mula sa impluwensya ni Satanas. Bakit Niya kailangang magkatawang-tao nang dalawang beses upang maisagawa ang gawain ng kaligtasan sa sangkatauhan? Ano ang totoong kahalagahan ng dalawang pagkakatawang-tao na ito?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 7: Ang CCP ay isang rebolusyonaryong partido. Ang pinaniniwalaan nito ay kabastusan at karahasan, ibig sabihin, pag-agaw sa kapangyarihan nang may karahasan! Kung tatanggapin natin ang katwiran ng CCP, “Ang isang kasinungalingan ay nagiging katotohanan kung uulit-ulitin nang sampung libong beses.” Gaano man karaming tao ang nagdududa sa salita nito, tumatanggi at hindi naniniwala rito, walang pakialam ang CCP kahit bahagya, at patuloy pa rin itong nagsisinungaling at nanlilinlang. Basta’t makakamtan nito ang mga agarang epekto at minimithi nito, wala itong pakialam sa magiging kapalit! Kung magrebelde at magprotesta ang mga tao laban dito, gagamit ito ng mga tangke at machine gun para lutasin ang lahat. Kapag kailangan, gagamit ito ng mga bomba atomika at missile para labanan ang mga puwersa ng kalaban. Maaaring gawin ng CCP ang lahat para manatili ito sa paghahari. Nang ipahayag sa publiko ang kaso sa Zhaoyuan sa Shandong, ang CCP ay nagpasimula ng maramihang pagpapadala ng mga sandatahang pulis para supilin at arestuhin ang mga Kristiyano anuman ang mangyari. Sino ang makakapigil dito? Sino ang nangahas na lumaban? Kahit nang makita ng mga dayuhan ang panloloko ng CCP, ano ang magagawa nila? Maraming paraan ang CCP para labanan ang pagtuligsa ng mga demokratikong puwersa ng mga taga-Kanluran. Gumagamit ito ng pera para ayusin ang lahat. May kasabihan nga na, “Sinumang tumanggap ng regalo ay ibinebenta ang kanyang kalayaan.” Paunti nang paunti ang mga bansang tumutuligsa sa CCP ngayon. Takot ang puwersa ng mga kaaway ng CCP na iparinig ang kanilang opinyon. Paano man n’yo ito sabihin, naigigiit pa rin ng CCP ang paghahari nito. Hangga’t may kapangyarihan ang Communist Party, kayong mga nananalig sa Diyos ay hindi makakaasang maging malaya! Ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa China ay talagang kamumuhian at ipagbabawal ng CCP. Makamtan man ng CCP ang mithiin nitong magbuo ng ateismo sa China o hindi, hindi ito titigil kailanman sa pag-aresto at pagsupil sa inyo! Matagal na itong malinaw sa akin. Kaya nga tinututulan kong mabuti ang pananalig n’yo sa Makapangyarihang Diyos. Para sa kapakanan n’yo ’yan, hindi n’yo ba nauunawaan?

Sagot: Napakasama ng CCP, pero umuunlad pa rin ito sa mundo at walang nangangahas na hadlangan ito. Ibig kayang sabihin n’yan ay permanente...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito