214 Mapalad Kaming Makapaglingkod sa Diyos

Tinig ng Diyos ngayo’y naririnig namin,

pinatutunayan, Kanyang pagpapakita’t gawain.

Masaya kaming makita ang praktikal na Diyos,

mapalad kaming makasalubong sa pagbalik ng Panginoon.

Ah! Dumadalo kami sa piging kasama ang Diyos,

itinataas kami sa kaharian sa langit.

Mula ngayon, kakain, iinom,

magtatamasa kami ng mga salita ng Diyos.

Napakasaya naming makapiling Siya.


Hangad naming mapagpala, ngunit kami’y nahaharap

sa paghahayag at paghatol ng mga salita ng Diyos.

Salita Niya’y tumatagos sa aming puso na parang espada,

at dama namin ang sakit at pagdurusa.

Kami ay tiwali’t di-marapat na makita Siya,

dahil pananalig namin sa Kanya’y para lang kami mapagpala

at makapasok sa kaharian sa langit.

Naglaho na ang mga taon ng pag-asam,

wasak ang puso, nasasaktan.

Salita ng Diyos lumulupig, at Kami ay naniniwala.

Nagpapatirapa, hiyang-hiya.


Sa paghatol lang ng Kanyang mga salita

nakikita naming Kami ay masama.

Puno ng layon, hangad na mapagpala,

katiwalian nami’y ‘di pa nalilinis.

‘Di marapat na pumasok sa kaharian sa langit,

sa biyaya ng Diyos kami’y naglilingkod sa Kanya.

Kami ay handa at mapalad.

Ito ang pinakadakilang pag-ibig at pagpapala ng Diyos.

Ah! Handa kaming magsikap para sa Diyos,

sumunod sa Kanyang mga plano at pagsasaayos,

buong-puso Siyang paglingkuran,

laging purihin, ang Kanyang katuwiran.

Ngayon, kami’y naglilingkod, ‘di man marapat,

‘di nag-aalala kung pinagpala, nawasak, o anong katapusan.

Talo ng Diyos si Satanas sa lahat ng Kanyang salita.

Kaya inililigtas kami ng Diyos mula sa kadiliman.

Sinundan: 213 Isang Pusong Nagsisisi

Sumunod: 215 Papuri para sa Diyos mula sa mga Inapo ni Moab

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

281 Panahon

IIsang malungkot na kaluluwa’ng naglalakbay,sinusuri’ng bukas, hinahanap nakalipas,masipag na nagsisikap,naghahangad ng isang pangarap.‘Di...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito