Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Mga Nilalaman

Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao

Gaano karami sa gawain ng tao ang gawain ng Banal na Espiritu at gaano karami ang karanasan ng tao? Kahit ngayon, masasabi na hindi pa rin nauunawaan ng mga tao ang ganitong mga tanong, ito lahat ay dahil hindi nauunawaan ng mga tao ang mga gumagawang simulain ng Banal na Espiritu. Mangyari pa, ang gawain ng tao na sinasabi Ko ay tumutukoy sa mga tao na taglay ang gawain ng Banal na Espiritu o ang mga taong ginagamit ng Banal na Espiritu. Hindi Ko tinutukoy ang gawain na nagmula sa kalooban ng tao kundi sa gawain ng mga apostol, manggagawa o mga karaniwang lalaki at babae na sakop ng gawain ng Banal na Espiritu. Dito, ang gawain ng tao ay hindi tumutukoy sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao kundi sa sakop at mga simulain ng gawain ng Banal na Espiritu sa mga tao. Gayong ang mga simulaing ito ay ang mga simulain at sakop ng gawain ng Banal na Espiritu, hindi ito katulad sa mga simulain at sakop ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Ang gawain ng tao ay may sangkap at simulain ng tao, at ang gawain ng Diyos ay may sangkap at simulain ng Diyos.

Ang dumadaloy na gawain ng Banal na Espiritu, ito man ay sariling gawain ng Diyos o ang gawain ng mga tao na ginagamit, ito ay gawain ng Banal na Espiritu. Ang sangkap ng Diyos Mismo ay ang Espiritu, na maaaring tawaging Banal na Espiritu o Espiritung pitong ulit na pinatindi. Magkagayunman, Sila ay ang Espiritu ng Diyos. Ito ay dahil lamang sa ang Espiritu ng Diyos ay iba-iba ang tawag sa magkakaibang mga panahon. Ngunit ang Kanilang sangkap ay iisa. Sa gayon, ang gawain ng Diyos Mismo ay ang gawain ng Banal na Espiritu; ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay walang iba kundi ang Banal na Espiritu na nasa paggawa. Ang gawain ng mga tao na ginagamit ay gawain din ng Banal na Espiritu. Ito ay dahil lamang sa ang gawain ng Diyos ay ang ganap na pagpapahayag ng Banal na Espiritu, at wala iyong pagkakaiba, samantalang ang gawain ng tao ay inihahalo sa ibang mga bagay ng tao, at hindi ito ang tuwirang pagpapahayag ng Banal na Espiritu, lalong hindi ang ganap na pagpapahayag. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay naiiba at hindi limitado anuman ang kalagayan. Ang gawain ay magkakaiba sa iba’t ibang mga tao, at nangangailangan ng iba-ibang sangkap sa paggawa. Ang gawain sa iba’t-ibang panahon ay naiiba rin, katulad ng gawain sa iba’t-ibang bansa. Mangyari pa, kahit ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa maraming paraan at kaayon ng maraming simulain, paano man ito ginagawa o sa kahit kaninong mga tao, ang sangkap ay laging naiiba, at ang gawain na ginagawa Niya sa iba’t-ibang tao ay mayroong simulain at lahat ng ito ay tumataguyod sa sangkap ng layunin ng gawain. Ito ay dahil sa ang gawain ng Banal na Espiritu ay halos tiyak at halos sukat. Ang gawain sa nagkatawang-taong laman ay hindi katulad sa gawain na isinasagawa sa mga tao, at ang gawang ito ay nag-iiba batay sa iba’t-ibang kakayahan ng mga tao. Ang gawain sa nagkatawang-taong laman ay hindi ginawa sa tao, at ang nagkatawang-taong laman ay hindi Niya ginagawa ang katulad na gawain na ginagawa sa tao. Sa ibang salita, kahit paano Siya gumawa, ang gawain sa iba’t-ibang layunin ay hindi magkatulad, at ang simulain na ginagamit Niya sa paggawa ay naiiba batay sa katayuan at kalikasan ng mga tao. Ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa iba’t-ibang tao batay sa kanilang likas na sangkap, at hindi humihiling nang mas higit na lampas sa kanilang likas na sangkap, o gumagawa man Siya na lampas sa kanilang totoong kakayahan. Kaya, ang gawain ng Banal na Espiritu sa tao ay nagpapahintulot sa tao na makita ang sangkap ng layunin ng gawain. Ang likas na sangkap ng tao ay hindi nagbabago; ang aktuwal na kakayahan ng tao ay limitado. Kahit ginagamit ng Banal na Espiritu ang tao o gumagawa sa tao, ang gawain ay laging nakaayon sa hangganan ng kakayahan ng tao upang makinabang sila mula rito. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumawa sa tao na ginagamit, ang kanilang mga kaloob at totoong kakayahan ay ginagamit at hindi isinasaisantabi. Ang kanilang aktuwal na kakayahan ay laging ibinubuhos para maglingkod sa gawain. Masasabi na Siya ay gumagawa sa pamamagitan ng paggamit sa mga bagay na mayroon ang tao upang makamit ang bunga sa gawain. Kaiba dito, ang gawain sa nagkatawang-taong laman ay para tuwirang ipahayag ang gawain ng Espiritu at hindi ito inihalo sa isip at mga iniisip ng tao, hindi ito maabot ng mga kaloob ng tao, karanasan ng tao o ang likas na kalagayan ng tao. Ang hindi mabilang na gawain ng Banal na Espiritu ay upang makinabang at magbigay ng magandang halimbawa sa tao. Ngunit may ilang tao na maaaring gawing perpekto samantalang ang iba ay hindi taglay ang mga kalagayan sa pagka-perpekto, na maaaring sabihing hindi sila maaaring maging perpekto at halos hindi maligtas, at kahit na mayroon silang gawain ng Banal na Espiritu, sila ay naaalis sa dakong huli. Iyon ay masasabi na kahit ang gawain ng Banal na Espiritu ay upang magbigay ng magandang halimbawa sa tao, hindi ibig sabihin na lahat ng taglay na gawain ng Banal na Espiritu ay magiging lubusang sakdal, dahil ang landas na hinahanap ng maraming tao ay hindi ang landas ng pagiging sakdal. Mayroon lamang silang pang-isahang gawain ng Banal na Espiritu, at hindi isang palagay na pagtutulungan ng mga tao o tamang pagsisikap ng tao. Sa ganitong paraan, ang gawain ng Banal na Espiritu sa ganitong mga tao ay nagiging gawain sa paglilingkod sa pagiging sakdal. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay hindi maaaring tuwirang makita o mahawakan ng mga tao. Ito ay maaari lamang ipahayag sa pamamagitan ng tulong ng mga tao at kaloob ng paggawa, ibig sabihin, ang gawain ng Banal na Espiritu ay inilalaan sa mga tagasunod sa pamamagitan ng pagpapahayag ng mga tao.

Ang gawain ng Banal na Espiritu ay nagtagumpay at natapos sa pamamagitan ng maraming uri ng mga tao at iba’t-ibang kalagayan. Kahit ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay kumakatawan sa gawain ng isang buong panahon, at maaaring kumatawan sa pagpasok ng mga tao sa isang buong panahon, ang gawain sa ganap na pagpasok ng mga tao ay kailangan pa ring gawin ng mga tao na ginagamit ng Banal na Espiritu at hindi ang Diyos na nagkatawang-tao. Kaya, ang gawain ng Diyos o ang sariling paglilingkod ng Diyos ay ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao sa laman at hindi maaaring gawin ng tao sa Kanyang kahalili. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay magiging lubos sa pamamagitan ng maraming iba’t ibang uri ng mga tao at hindi maaaring maisakatuparan ng isang natatanging tao lamang o lubusang maipaliliwanag sa pamamagitan nito. Ang mga nangunguna sa mga simbahan ay hindi rin maaaring lubusang kumatawan sa gawain ng Banal na Espiritu; maaari lamang silang gumawa ng kaunting pangunguna. Sa ganitong paraan, ang gawain ng Banal na Espiritu ay maaaring mahati sa tatlong bahagi: Ang sariling gawain ng Diyos, ang gawain ng mga tao na ginagamit, at ang gawain sa lahat ng nasa daloy ng Banal na Espiritu. Sa tatlong ito, ang sariling gawain ng Diyos ay upang pangunahan ang isang buong panahon; ang gawain ng mga tao na ginagamit ay upang pangunahan ang lahat ng tagasunod ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapadala o pagtanggap ng mga atas pagkatapos ng sariling gawain ng Diyos, at ang mga taong ito ay ang mga nagtutulungan sa gawain ng Diyos; ang gawain na ginawa ng Banal na Espiritu sa mga nasa daloy ay upang panatilihin ang lahat ng Kanyang sariling gawain, o panatilihin ang buong pamamahala at ang Kanyang patotoo, habang ginagawang perpekto ang maaaring gawing perpekto. Ang tatlong bahaging ito ay ang lubos na gawain ng Banal na Espiritu, ngunit kapag wala ang gawain ng Diyos Mismo, ang buong gawaing pamamahala ay maaaring hindi magpapatuloy. Ang gawain ng Diyos Mismo ay may kinalaman sa gawain ng lahat ng sangkatauhan, at ito ay kumakatawan sa gawain ng isang buong panahon. Ito ay masasabi na ang sariling gawain ng Diyos ay kumakatawan sa galaw at kalakaran ng lahat ng gawain ng Banal na Espiritu, samantalang ang gawain ng mga apostol ay sumusunod sa sariling gawain ng Diyos at hindi nangunguna sa panahon, o kumakatawan man ito sa kalakarang gawain ng Banal na Espiritu sa isang buong panahon. Ginagawa lamang nila ang gawain na dapat gawin ng mga tao, na hindi sangkot ang gawaing pamamahala. Ang sariling gawain ng Diyos ay ang panukala sa loob ng gawaing pamamahala. Ang gawain ng tao ay tanging ang tungkulin ng mga tao na ginagamit at walang kinalaman sa gawaing pamamahala. Dahil sa iba’t-ibang pagkakakilanlan o kinakatawan ng gawain, sa kabila ng katotohanan na katulad silang gawain ng Banal na Espiritu, mayroong malinaw at tunay na pagkakaiba sa pagitan ng sariling gawain ng Diyos at ang gawain ng tao. Higit pa rito, ang lawak ng gawain na ginawa ng Banal na Espiritu ay may layon sa pagkakaiba ng iba’t-ibang pagkakakilanlan. Ito ang mga simulain at sakop ng gawain ng Banal na Espiritu.

Ang gawain ng tao ay kumakatawan sa kanyang karanasan at kanyang sangkatauhan. Kung ano ang inilalaan ng tao at ang gawain na kanyang ginagawa ay kumakatawan sa kanya. Ang paningin ng tao, pangangatuwiran, pagmamatuwid, at ang kanyang masaganang guni-guni ay kasama sa kanyang gawain. Sa isang natatanging diwa, ang karanasan ng tao ay mas may kakayahang kumatawan sa kanyang gawain, at anuman ang naranasan ng isang tao ay bahagi ng kanyang gawain. Ang gawain ng tao ay maaaring ipahayag ng kanyang karanasan. Kapag ang ilang tao ay nakararanas sa isang balintiyak na katayuan, karamihan sa kanilang pagsasamahan ay mayroong negatibong nilalaman. Kung ang kanilang karanasan ay pasulong at mayroon silang landas sa pasulong na katig, ang kanilang pagsasamahan ay nakapagpapatibay, at ang mga tao ay maaaring makakuha ng pasulong na panustos mula sa kanila. Kung ang isang manggagawa ay naging balintiyak sa panahong ito, ang kanyang pagsasamahan ay laging magdadala ng kontrang nilalaman. Ang ganitong uri ng pagsasamahan ay mahirap, at ang iba ay unti-unti ring mahihirapan kapag sumusunod sa kanyang pagsasamahan. Ang katayuan ng mga tagasunod ay nagbabago naaayon sa kanilang pinuno. Kung ano ang nasa kanyang kalooban ay kanyang ipinahahayag, at ang gawain ng Banal na Espiritu ay laging nagbabago sa katayuan ng tao. Siya ay gumagawa kaayon sa karanasan ng tao at hindi pinipilit ang tao, sa halip ay humihiling ng pangangailangan sa tao kaayon sa karaniwang daan ng kanyang karanasan. Ito ay masasabi na ang pagsasamahan ng tao ay naiiba sa salita ng Diyos. Kung ano ang ipinakikita ng pagsasama ng tao ay ang kanilang sariling paningin at karanasan, ipinahahayag ang kanilang nakikita at nararanasan sa saligan ng gawain ng Diyos. Ang kanilang atas ay alamin, pagkatapos gumawa o magsalita ng Diyos, ang kailangan nilang isagawa o pasukin, at ibigay ito sa mga tagasunod. Sa gayon, ang gawain ng Diyos ay kumakatawan sa kanyang pagpasok at pagsasagawa. Mangyari pa, ang ganitong gawain ay isinasama sa mga aralin at karanasan ng tao o ilan sa mga iniisip nila. Paano man gumawa ang Banal na Espiritu, ito man ay gawain Niya sa tao o sa Diyos na nagkatawang-tao, ito ay laging ipinahahayag ng mga manggagawa kung sino sila. Kahit ang Banal na Espiritu ang gumagawa, ang gawain ay nahahanap sa kung ano ang likas ng tao, sapagkat ang Banal na Espiritu ay hindi gumagawa nang walang saligan. Sa ibang salita, ang gawain ay hindi ginagawa mula sa wala, sa halip ay laging kaayon sa tunay na pangyayari at kalagayan. Ito lamang ang paraan upang ang disposisyon ng tao ay maaaring mabago, na ang kanyang pagkaunawa at iniisip ay maaaring mabago. Kung ano ang ipinahahayag ng tao ay ang kanyang nakikita, nararanasan, at ang kanyang kayang isipin. Kahit na ito ay turo o pagkaunawa, ito ay maaarok ng pag-iisip ng tao. Anuman ang laki ng gawain ng tao, hindi ito lalampas sa sakop ng karanasan ng tao, kanyang nakikita, o ang kanyang ginuguni-guni o iniisip. Kung ano ang ipinahahayag ng Diyos ay ang Diyos Mismo, at ito ay hindi maaarok ng tao, o lampas sa pag-iisip ng tao. Ipinahahayag Niya ang Kanyang gawain sa pangunguna sa lahat ng sangkatauhan, at ito ay walang kaugnayan sa salaysay ng karanasan ng tao, sa halip ay may kinalaman sa Kanyang sariling pamamahala. Ipinahahayag ng tao ang kanyang karanasan habang ipinahahayag naman ng Diyos ang Kanyang anyo—ang ganitong anyo ay ang Kanyang likas na disposisyon at hindi ito maaarok ng tao. Ang karanasan ng tao ay ang kanyang paningin at kaalaman na natutuhan batay sa pagpapahayag ng Diyos sa Kanyang pagiging-Diyos. Ang ganitong paningin at kaalaman ay tinatawag na pagiging-tao. Ito ay ipinahahayag sa saligan ng likas na disposisyon ng tao at ang kanyang aktuwal na kakayahan; kaya ito ay tinatawag na pagiging-tao. Maaaring pagsamahan ng tao kung ano ang kanyang mga nararanasan at mga nakikita. Kung ano ang hindi niya naranasan o nakita o ang hindi maarok ng kanyang pag-iisip, ito ang mga bagay na wala sa ganang kanya, hindi siya maaaring makipagsamahan. Kung ang ipinahayag ng tao ay hindi ang kanyang karanasan, ito ay kanyang guni-guni o doktrina. Sa ibang salita, walang katunayan sa kanyang salita. Kung hindi ka nakipag-ugnayan sa mga bagay sa lipunan, hindi ka maaaring makipagsamahan nang malinaw sa mahirap unawaing ugnayan sa lipunan. Kung wala kang pamilya ngunit ang ibang tao ay nag-uusap tungkol sa problema ng pamilya, hindi mo maaaring maintindihan ang karamihan sa kanilang sinasabi. Kaya, kung ano ang pakikipagsamahan ng tao at ang kanyang gawain na ginagawa ay kumakatawan sa kanyang panloob na pagkatao. Kung ang sinuman ay nakikipagsamahan tungkol sa kanyang pagkakaintindi sa pagkastigo at paghatol, ngunit wala kang karanasan dito, huwag mong subukang ikakaila ang kanyang kaalaman, lalong huwag subukang maging siguradong-sigurado tungkol dito. Ito ay dahil anuman ang kanyang pakikipagsamahan ay isang hindi mo pa naranasan, hindi mo pa alam, at ang iyong pag-iisip ay hindi ito kayang guni-gunihin. Makakukuha ka lamang ng isang hinaharap na landas may kaugnayan sa pagkastigo at paghatol mula sa kanyang kaalaman. Ngunit ang landas na ito ay para lamang sa pagkakaunawa batay sa turo at hindi maaaring mapalitan ng iyong sariling pagkakaunawa, lalo na ng iyong karanasan. Siguro ay nag-iisip ka na ang kanyang sinasabi ay tama, ngunit kapag naranasan mo na, malalaman mo na walang paraan para magamit mo iyon sa maraming bagay. Siguro ay nararamdaman mo na ang ilan sa kaalaman na naririnig mo ay lubusang hindi magagamit; nagkikimkim ka ng paniniwala tungkol dito, at kahit tinatanggap mo ito, nag-aatubili ka pa rin. Ngunit kapag naranasan mo ito, ang kaalaman na nagbibigay sa iyo ng paniniwala ay nagiging daan ng iyong pagsasagawa. At kung lalo mong isinasagawa, mas nauunawaan mo ang totoong halaga at kahulugan ng kanyang salita. Pagkatapos mong magkaroon ng karanasan, maaari ka ngayong magsalita tungkol sa kaalaman na dapat mong taglayin tungkol sa mga bagay na naranasan mo. Dagdag pa rito, makikilala mo rin ang pagkakaiba sa pagitan niyaong ang kaalaman ay totoo at praktikal at niyaong ang kaalaman ay batay sa doktrina at walang kabuluhan. Kaya, ang kaalaman na sinasabi mo ay kaayon man sa katotohanan ay pangunahing nakadepende kung ikaw ay may praktikal na karanasan. Kung saan mayroong katotohanan sa iyong karanasan, ang iyong kaalaman ay magiging mahalaga at ito ay magagamit mo sa buhay. Sa pamamagitan ng iyong karanasan, magtataglay ka rin ng kaunawaan at kabatiran, napalalalim nito ang iyong kaalaman, at napatataas ang iyong karunungan at tamang katinuan sa pangangasiwa sa iyong sarili. Ang kaalaman na sinasabi ng mga tao na walang taglay na katotohanan ay turo, kahit gaano ito kataas. Ang ganitong uri ng tao ay maaaring napakatalino sa mga usapin sa laman ngunit hindi makakilala sa mga espirituwal na mga usapin. Ito ay dahil ang ganitong mga tao ay walang kahit isang karanasan sa mga espirituwal na mga bagay. Ito ay mga taong hindi naliliwanagan sa mga espirituwal na mga bagay at hindi naiintindihan ang espiritu. Anuman ang ayos ng kaalaman na sinasabi mo, hanggat ito ay iyong katauhan, ito ay iyong sariling karanasan, iyong tunay na kaalaman. Ang mga nagsasalita lamang ng turo, o ang mga taong hindi nagtataglay ng katotohanan o katunayan, ang kanilang sinasabi ay masasabing kanilang pagkatao, sapagkat ang kanilang turo ay dumating lamang mula sa malalim na pagbubulay-bulay at ito ang bunga ng kanilang pag-iisip nang malalim, ngunit ito ay turo lamang, ito ay guni-guni lamang! Ang mga karanasan ng iba’t-ibang uri ng tao ay kumakatawan sa mga bagay sa kanilang sarili. Lahat ng walang espirituwal na karanasan ay hindi maaaring magsabi ng kaalaman sa katotohanan, o tamang kaalaman tungkol sa iba’t-ibang uri ng espirituwal na mga bagay. Ang ipinahahayag ng tao ay kung ano Siya sa kalooban—ito ay tiyak. Kung nais ng isa na magkaroon ng kaalaman sa espirituwal na mga bagay ay katotohanan, dapat mayroon siyang tunay na karanasan. Kung hindi ka malinaw na makapagsalita tungkol sa tamang katinuan na may kinalaman sa buhay ng tao, paano ka makapagsasalita tungkol sa espirituwal na mga bagay? Ang mga nangunguna sa mga simbahan, tustusan ninyo ang mga tao ng buhay, at maging apostol sa mga tao, magkaroon ng tunay na karanasan, tamang pagkakaunawa sa mga espirituwal na bagay, tamang pagpapahalaga at karanasan sa katotohanan. Ang ganitong mga tao lamang ang nararapat maging mga manggagawa o apostol na nangunguna sa mga simbahan. Kung hindi, sila ay maaari lamang sumunod at hindi manguna, mas lalong hindi maaaring apostol na tumutustos sa mga tao ng buhay. Ito ay dahil ang tungkulin ng mga apostol ay hindi upang tumakbo o makipaglaban; ito ay upang maglingkod sa buhay at pangunahan ang mga pagbabago sa disposisyon ng tao. Ito ay tungkulin na ginagawa ng mga taong binigyan ng atas na balikatin ang isang mabigat na gawain na hindi kayang gawin ng lahat ng tao. Ang ganitong uri ng gawain ay maaari lamang gawin ng mga may pagkatao ng buhay, o ang mga may karanasan sa katotohanan. Hindi ito maaaring gawin ng lahat na maaaring sumuko, tumakbo o kusang gumugol; ang mga taong walang karanasan sa katotohanan, hindi tinabas o hinusgahan, ay hindi kayang gawin ang ganitong uri ng gawain. Ang mga taong walang karanasan, o ang mga taong walang katunayan, ay hindi kayang makakita ng katunayan nang malinaw sapagkat sila ay hindi nagtataglay ng ganitong ayos. Kaya, ang ganitong uri ng tao ay hindi lamang kayang gumawa ng pangungunang gawain, sa halip ay magiging layunin pa ng pag-aalis kung wala silang katotohanan sa loob ng mahabang panahon. Ang paningin na sinasabi mo ay maaaring magpatunay ng mga kahirapang naranasan mo sa iyong buhay, sa kabila ng mga bagay na pinarusahan ka at sa anumang suliraning hinusgahan ka. Ito rin ay totoo sa mga pagsubok: Ang mga bagay kung saan dinalisay ang isang tao, kung saan siya mahina, ito ang mga bagay na mayroong karanasan ang isa, ang mga bagay na may mga daan ang isa. Halimbawa, kung ang isa ay nagdurusa sa mga pagkabigo sa pag-aasawa, siya ay makikipagsamahan sa lahat ng pagkakataon, “Salamat sa Diyos, purihin ang Diyos, dapat kong masapatan ang nais ng puso ng Diyos at ihandog ang aking sarili, inilalagay ang aking pag-aasawa sa kamay ng Diyos. Maluwag sa kalooban kong ilagak ang aking buong buhay sa Diyos.” Sa pamamagitan ng pagsasamahan, lahat ng nasa tao, o kung ano siya, ay maaaring may kinakatawan. Ang laktaw ng pananalita ng isang tao, siya man ay nagsasalita nang malakas o tahimik, ay hindi mga bagay sa karanasan at hindi maaaring kumatawan kung anong mayroon at kung ano siya. Masasabi lamang nito kung ang kanyang karakter ay mabuti o masama, o kung ang kanyang kalikasan ay mabuti o masama, ngunit hindi makikilala kung mayroon siyang karanasan. Ang kakayahang ipahayag ang sarili sa pagsasalita, o ang kakayahan o laktaw sa pananalita, ay nakukuha sa pagsasagawa at hindi mapapalitan ng kanyang karanasan. Kapag sinasabi mo ang iyong sariling karanasan, nakikipagsamahan ka sa pinahahalagahan mo at sa lahat ng bagay na nasa iyo. Ang Aking pananalita ay kumakatawan sa Aking anyo, ngunit ang aking sinasabi ay hindi maarok ng tao. Ang aking sinasabi ay hindi ang nararanasan ng tao, at hindi ito isa sa nakikita ng tao, hindi rin ito mahahawakan ng tao, sa halip ito ay ako kung ano Ako. May ilang tao na nakakikilala na ang Aking pakikipagsamahan ay Aking naranasan, ngunit hindi nila nakikilala na ito ay tuwirang pagpapahayag ng Espiritu. Mangyari pa, ang Aking sinasabi ay Aking naranasan. Ako ang gumawa ng gawaing pamamahala sa loob ng anim na libong taon. Naranasan Ko na ang lahat mula sa pasimula ng paglalang ng sangkatauhan hanggang ngayon; paano Ako hindi makapagsasalita tungkol dito? Pagdating sa kalikasan ng tao, nakita Ko na ito ng malinaw, at matagal Akong nagmasid; paanong hindi Ko magagawang sabihin ito nang malinaw? Dahil nakita Ko ang diwa ng tao nang malinaw, karapat-dapat Kong kastiguhin ang tao at hatulan siya, sapagkat lahat ng tao ay nanggaling mula sa Akin ngunit ginawang tiwali ni Satanas. Syempre, Ako ay karapat-dapat na sumuri sa gawain na Aking ginawa. Kahit ang gawaing ito ay hindi ginawa ng Aking laman, ito ay tuwirang pagpapahayag ng Espiritu, at ito ang mayroon Ako at kung ano Ako. Sa makatuwid, Ako ay karapat-dapat upang ipahayag ito at gawin ang gawain na dapat kong gawin. Ang sinasabi ng tao ay ang naranasan nila. Ito ang nakita nila, ang naarok ng mga isip nila at ang mga naramdaman nila. Ito ang kaya nilang pagsamahan. Ang mga salita na sinalita ng laman ng Diyos na nagkatawang-tao ay tuwirang pagpapahayag ng Espiritu at nagpapahayag ng gawain na ginawa ng Espiritu. Hindi ito naranasan o nakita ng laman, ngunit nagpapahayag pa rin ng Kanyang anyo sapagkat ang sangkap ng laman ay ang Espiritu, at nagpapahayag Siya ng gawain ng Espiritu. Kahit hindi ito magawang maabot ng laman, ito ay gawain na ginawa na ng Espiritu. Matapos ang pagkakatawang-tao, sa pamamagitan ng pagpapahayag ng laman, binigyang-daan Niya ang mga tao na malaman ang anyo ng Diyos at pinahintulutan sila na makita ang mga disposisyon ng Diyos at ang gawain na ginawa Niya. Ang gawain ng tao ay nagbibigay-daan sa tao na maging mas malinaw sa kung ano ang dapat nilang pasukin at kung ano ang dapat nilang intindihin; sangkot dito ang pangunguna sa mga tao sa pagkaunawa at pagdanas ng katotohanan. Ang gawain ng tao ay upang tulungan ang mga tao; ang gawain ng Diyos ay upang buksan ang mga bagong landas at panahon para sa sangkatauhan, at upang ibunyag sa mga tao ang mga hindi alam ng mga nilalang, binibigyang-daan sila na malaman ang Kanyang disposisyon. Ang gawain ng Diyos ay upang pangunahan ang lahat ng sangkatauhan.

Ang gawain ng Banal na Espiritu ay nagbibigay-daan sa mga tao na makamit ang mga pakinabang; ito ay upang magbigay ng magandang halimbawa sa tao; walang gawain ang hindi magiging kapaki-pakinabang sa mga tao. Kahit ang katotohanan ay malalim o mababaw, at kahit ano ang kakayahan ng mga tumatanggap sa katotohanan, anuman ang ginagawa ng Banal na Espiritu, ito ay kapaki-pakinabang sa mga tao. Ngunit ang gawain ng Banal na Espiritu ay hindi tuwirang ginagawa; ito ay sa pamamagitan ng mga tao na nakikipagtulungan sa Kanya. Ito lamang ang daan upang ang bunga ng gawain ng Banal na Espiritu ay makamit. Mangyari pa, kung ito ay tuwirang gawain ng Banal na Espiritu, hindi pa ito nababahiran ng karumihan; ngunit kapag ginamit nito ang pamamagitan ng tao, ito ay masyadong hinaluan at hindi ito ang orihinal na gawain ng Banal na Espiritu. Sa ganitong paraan, ang katotohanan ay nag-iiba sa naiibang kalagayan. Ang mga tagasunod ay hindi makatatanggap ng totoong kahulugan ng Banal na Espiritu sa halip ay ang pagsasama ng gawain ng Banal na Espiritu at ang karanasan at kaalaman ng tao. Ang bahagi ng gawain ng Banal na Espiritu na tinanggap ng mga tagasunod ay tama. Ang karanasan at kaalaman ng tao na tinanggap ay naiiba sapagkat ang mga manggagawa ay iba-iba. Kapag ang mga manggagawa ay mayroong pagliliwanag at gabay ng Banal na Espiritu, sa huli ay makararanas sila batay sa pagliliwanag at gabay na ito. Sa mga karanasang ito ay kasama ang isip at karanasan ng tao, pati na ang pagiging-tao ng sangkatauhan, pagkatapos nilang makamit ang kaalaman at paningin na dapat nilang makamit. Ito ang paraan ng pagsasagawa matapos maranasan ng tao ang katotohanan. Ang ganitong paraan ng pagsasagawa ay hindi laging magkatulad sapagkat ang mga tao ay mayroong iba’t-ibang karanasan at ang mga bagay na nararanasan ng mga tao ay iba-iba. Sa ganitong paraan, ang magkatulad na pagliliwanag ng Banal na Espiritu ay nagbubunga ng iba’t-ibang kaalaman at pagsasagawa sapagkat ang mga nakatanggap ng pagliliwanag ay iba-iba. May ilang tao na nakagagawa ng maliit na mga pagkakamali sa gitna ng pagsasagawa, at ang ilan naman ay nakagagawa ng malalaking pagkakamali at ang iba’y panay pagkakamali ang nagagawa. Ito ay dahil ang mga kakayahan ng mga tao sa pag-unawa ay naiiba at sapagkat ang kanilang tunay na kakayahan ay naiiba. May ilang tao na nauunawaan ang paraang ito matapos marinig ang isang pahayag, at may ilang tao naman na nauunawaan ito matapos marinig ang isang katotohanan. May ilang tao na lumihis nang bahagya; at ang ilan naman ay hindi maunawaan ang katotohanan. Sa gayon, paano man ito inuunawa ng isa ay ito ang paraan para manguna siya sa iba; ito ay talagang totoo, sapagkat ang kanyang gawain ay nagpapahayag ng kanyang pagkatao. Ang mga tao na pinangungunahan nang may tamang pagkaunawa sa katotohanan ay magkakaroon din ng tamang pagkaunawa sa katotohanan. Kahit mayroong mga taong may mali sa pagkaunawa, kaunti lamang sila, at hindi lahat ng tao ay magkakaroon ng mali. Ang mga taong pinangungunahan niyaong may mga mali sa pagkakaunawa sa katotohanan ay siguradong magiging may kamalian. Ang ganitong mga tao ay magiging mali sa lubusang diwa nito. Ang kalagayan ng pagkaunawa sa katotohanan ng mga tagasunod ay nakaayon sa mga manggagawa. Mangyari pa, ang katotohanan mula sa Diyos ay tama at walang mali, at talagang tiyak. Ngunit, ang mga manggagawa ay hindi lubusang tama at hindi masasabing lubusang mapagkakatiwalaan. Kung ang mga manggagawa ay mayroong paraan upang isagawa ang katotohanan na magagamit sa buhay, ang mga tagasunod din ay magkakaroon ng ganitong paraan ng pagsasagawa. Kung ang mga manggagawa ay walang paraan upang isagawa ang katotohanan sa halip ay mayroon lamang mga turo, ang mga tagasunod ay hindi magkakaroon ng anumang realidad. Ang kakayahan at kalikasan ng mga tagasunod ay makikilala sa pamamagitan ng kapanganakan at hindi nauugnay sa mga manggagawa. Ngunit kung hanggang saan ang mga tagasunod ay nakauunawa sa katotohanan at nakikilala ang Diyos ay nakasalalay sa mga manggagawa (ito ay para lamang sa ilang mga tao). Anuman ang isang manggagawa, ito ang magiging tulad ng mga tagasunod na pinangungunahan niya. Ang ipinahahayag ng isang manggagawa ay ang kanyang sariling pagkatao, at walang pasubali. Ang paghingi niya ng pangangailangan sa kanyang mga tagasunod ay ang mga bagay na sarili niyang nais makamit o kung ano ang kaya niyang makamit. Maraming manggagawa ang humihingi ng pangangailangan sa kanilang mga tagasunod batay sa kanilang ginagawa sa sarili nila, sa kabila ng karamihan nito’y di makakamit ng mga tao kailanman. Ang hindi makamit ng mga tao ay magiging hadlang sa kanilang pagpasok.

Mayroong mas kaunting kamalian sa gawain ng mga taong dumaan sa pagpupungos at paghatol. Ang pagpapahayag ng kanilang gawain ay mas tiyak. Ang mga umaasa sa kanilang pagkalikas sa gawain ay nakagagawa ng malaking mga pagkakamali. Mayroong maraming likas sa gawaing di-sakdal ng mga tao, na nagtataglay ng malaking balakid sa gawain ng Banal na Espiritu. Kahit ang mga likas na may kalagayan sa gawain ay nakaranas din ng pagpupungos at paghatol upang magawa ang gawain ng Diyos. Kung hindi sila dumaan sa ganitong paghatol, kahit gaano sila kahusay gumawa, hindi ito kaayon sa mga simulain ng katotohanan at dalisay na pagkalikas at kabutihan sa tao. Sa paggawa ng gawain ng Diyos, ang gawain ng mga dumaan sa pagpupungos at paghatol ay mas tiyak kaysa sa gawa ng mga hindi hinusgahan. Ang mga hindi dumaan sa paghatol ay nagpapahayag ng laman at mga kaisipan ng tao lamang, kasama ang maraming katalinuhan ng tao at likas na kakayahan. Hindi ito ang tiyak na pagpapahayag ng tao sa gawain ng Diyos. Ang mga taong sumusunod sa kanila ay dinadala ng kanilang likas na kakayahan. Dahil nagpapahayag sila ng maraming paningin at karanasan ng tao, na halos walang kaugnayan sa tunay na kahulugan ng Diyos, at lumilihis nang malayo mula rito, ang gawain ng ganitong uri ng tao ay hindi nagbibigay-daan na dalhin ang mga tao sa harap ng Diyos, sa halip ay sa harap niya. Kaya ang mga hindi dumaan sa paghatol at pagkastigo ay hindi karapat-dapat na gawin ang gawain ng Diyos. Ang gawain ng karapat-dapat na manggagawa ay maaaring magdala sa mga tao sa tamang daan at pinahihintulutan silang pumaroon nang mas malalim sa katotohanan. Ang gawain na ginagawa niya ay maaaring magdala sa mga tao sa harap ng Diyos. Idagdag pa, ang gawain na ginagawa niya ay maaaring maiba sa bawat indibiduwal at hindi nakatali sa mga batas, anupat pinahihintulutan ang mga tao sa pagka-kawala at kalayaan. Bukod dito, maaari silang unti-unting lumago sa buhay, umuunlad nang mas malalim sa katotohanan. Ang gawain ng isang hindi karapat-dapat na manggagawa ay hindi umaabot; ang kanyang gawain ay walang kabuluhan. Maaari lamang niyang dalhin ang mga tao sa mga batas; ang hinihingi niyang pangangailangan sa mga tao ay hindi naiiba sa bawat indibiduwal; hindi siya gumagawa kaayon sa aktuwal na pangangailangan ng mga tao. Sa ganitong uri ng gawain, mayroong maraming batas at turo, at hindi nito madadala ang mga tao sa katunayan o sa normal na pagsasagawa sa paglago ng buhay. Maaari lamang itong magbigay-daan sa mga tao na makatayo sa kaunti at walang halagang mga tuntunin. Ang ganitong uri ng gabay ay nagdudulot lamang sa mga tao na maligaw. Inaakay ka Niya na maging katulad kung ano Siya; madadala ka niya kung anong mayroon at kung ano siya. Upang maunawaan ng mga tagasunod kung ang mga pinuno ay karapat-dapat, ang susi ay tumingin sa landas na pinangungunahan nila at ang mga bunga ng kanilang gawain, at tingnan kung ang mga tagasunod ay nakatatanggap ng mga simulaing kaayon sa katotohanan, at kung nakatatanggap sila ng daan ng pagsasagawa na angkop sa kanila para magbago. Kailangan mong alamin ang pagkakaiba sa pagitan ng iba’t-ibang gawain ng iba’t-ibang uri ng mga tao; huwag kang maging walang kabuluhang tagasunod. Ito ay makasasama sa paraan ng iyong pagpasok. Kung hindi mo kayang makilala kung aling pamunuan ng tao ang may daan at ang wala, madali kang madadaya. Lahat ng mga ito ay may tuwirang kaugnayan sa iyong sariling buhay. Sobrang dami sa natural na gawain ng mga di-nagawang perpektong tao; sobrang dami ng kalooban ng tao ang naihahalo rito. Ang kanilang pagkatao ay pagka-natural, kung ano ang ipinanganak na likas sa kanila, hindi ang buhay pagkatapos sumailalim sa pakikitungo o sa realidad matapos silang mabago. Paanong ang ganitong uri ng tao ay tutulong sa mga humahanap ng buhay? Ang orihinal na buhay ng tao ay ang kanyang likas na katalinuhan o kakayahan. Ang ganitong uri ng katalinuhan o kakayahan ay napakalayo sa talagang hinihiling ng Diyos sa tao. Kung ang isang tao ay hindi pa perpekto at ang kanyang tiwaling disposisyon ay hindi pa napupungos o nasugpo, magkakaroon ng malaking pagitan sa kanyang ipinahahayag at sa katotohanan; ito ay mahahalo sa malabong mga bagay tulad ng kanyang guni-guni at may-kinikilingang karanasan, at iba pa. Higit pa rito, kahit paano siya gumawa, mararamdaman ng mga tao na walang pangkalahatang tunguhin at walang katotohanan na angkop sa pagpasok ng lahat ng mga tao. Ang karamihan sa mga hinihiling sa mga tao ay nangangailangan na gawin nila ang lampas sa kanila, ang higit sa makakaya nila. Ito ang gawain ng kalooban ng tao. Ang tiwaling disposisyon ng tao, kanyang iniisip at paniniwala ay lalaganap sa kanyang buong katawan. Ang tao ay hindi ipinanganak nang may likas na hilig na isagawa ang katotohanan, o kahit na ang kanyang kalikasan ay unawain ito. Habang magkasama sa tiwaling disposisyon ng tao, kapag ganitong uri ng likas na tao ang gumawa, hindi ba ito isang panggambala? Ngunit ang isang tao na sakdal ay may karanasan ng katotohanan na dapat maunawaan ng mga tao, at kaalaman ng kanilang tiwaling disposisyon, upang ang mga malabo at hindi totoong mga bagay sa kanyang gawain ay unti-unting mawawala, na nangangahulugang ang katotohanan na ipinahahayag niya ay nagiging mas tiyak at totoo. Ang mga iniisip sa kaisipan ng mga tao sa natatanging diwa ay hinahadlangan ang gawain ng Banal na Espiritu. Ang tao ay may masaganang guni-guni at makatuwirang kaisipan at lumang karanasan sa pakikitungo sa mga bagay. Kung ang mga ito ay hindi dumaan sa pagpupungos at pagtutuwid, ang lahat ng ito ay pagsubok sa gawain. Kaya ang gawain ng tao ay hindi makaaabot sa pinakatiyak na antas, lalo na ang mga gawain ng di-sakdal na mga tao.

Ang gawain ng tao ay may saklaw at hangganan. Ang isang tao ay maaaring gumawa sa isang tiyak na bahagi at hindi maaaring gumawa ng gawain ng isang buong panahon—o kaya, pangungunahan niya ang mga tao sa mga tuntunin. Ang gawain ng tao ay magagamit sa isang natatanging panahon o yugto. Ito ay dahil ang karanasan ng tao ay may tudlain. Hindi maihahambing ng isa ang gawain ng tao sa gawain ng Diyos. Ang paraan ng tao sa pagsasagawa at ang kanyang kaalaman sa katotohanan ay magagamit sa isang natatanging tudlain. Hindi mo masasabi na ang landas na tinatahak ng tao ay lubusang kalooban ng Banal na Espiritu, sapagkat ang tao ay maliliwanagan lamang sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at hindi maaaring lubusang mapuno ng Banal na Espiritu. Ang mga bagay na maaaring maranasan ng tao ay sakop ng normal na pagkatao at hindi lalampas sa saklaw ng iniisip ng karaniwang isip ng tao. Lahat ng mayroong praktikal na pagpapahayag ay nakararanas sa saklaw na ito. Kapag naranasan nila ang katotohanan, ito ay laging karanasan ng karaniwang buhay ng tao sa ilalim ng pagliliwanag ng Banal na Espiritu, na hindi nakararanas sa isang paraan na mailihis mula sa karaniwang buhay ng tao. Nararanasan nila ang katotohanan na niliwanag ng Banal na Espiritu sa saligan ng pamumuhay sa kanilang buhay. Higit pa rito, ang ganitong katotohanan ay naiiba sa tao, at ang lalim nito ay nauugnay sa katayuan ng tao. Masasabi lamang ng isa na ang nilalakaran niyang landas ay ang karaniwang buhay ng tao na humahanap sa katotohanan, at ito ang landas na nilalakaran ng isang karaniwang tao na mayroong pagliliwanag ng Banal na Espiritu. Hindi mo masasabi na ang landas na tinatahak nila ay ang landas na tinatahak ng Banal na Espiritu. Sa karaniwang karanasan ng tao, dahil ang mga tao na naghahanap ay magkakaiba, ang gawain ng Banal na Espiritu ay hindi rin magkatulad. Idagdag pa, dahil ang kapaligiran na nararanasan nila at ang mga saklaw ng kanilang karanasan ay magkakaiba, dahil ang pagkakahalo ng kanilang isip at mga iniisip, ang kanilang karanasan ay nahahalo sa iba’t-ibang kalagayan. Nauunawaan ng isang tao ang katotohanan kaayon sa kanilang iba’t-ibang sariling kalagayan. Ang kanilang pagkakaunawa ng tunay na kahulugan ng katotohanan ay hindi lubusan at isa o kaunti lamang sa mga anyo nito. Ang sakop ng katotohanan na nararanasan ng mga tao ay laging batay sa iba’t-ibang kalagayan ng mga tao at sa gayon ay magkakaiba. Sa ganitong paraan, ang kaalaman na ipinahahayag ng parehong katotohanan ng iba’t-ibang mga tao ay magkakaiba. Ibig sabihin, ang karanasan ng tao ay laging may hangganan at hindi lubusang kumakatawan sa kalooban ng Banal na Espiritu, at ang gawain ng tao ay hindi maaaring maging gawain ng Diyos, kahit na ang ipinahahayag ng tao ay halos tumutugma sa kalooban ng Diyos, kahit na ang karanasan ng tao ay napakalapit sa sakdal na gawain na gagawin ng Banal na Espiritu. Ang tao ay maaari lamang maging lingkod ng Diyos, anupat ginagawa ang ipinagkatiwala sa kanya ng Diyos. Maaari lamang ipahayag ng tao ang kaalaman sa ilalim ng pagliliwanag ng Banal na Espiritu at ang katotohanan na nakamit mula sa kanyang sariling karanasan. Ang tao ay hindi karapat-dapat at wala sa kalagayan upang maging daluyan ng Banal na Espiritu. Wala siyang karapatan na sabihing ang gawain ng tao ay gawain ng Diyos. Ang tao ay may simulain sa gawain, at ang lahat ng tao ay may iba’t-ibang karanasan at taglay ang iba’t-ibang kalagayan. Kasama sa gawain ng tao ang lahat ng kanyang karanasan sa ilalim ng pagliliwanag ng Banal na Espiritu. Ang ganitong mga karanasan ay kumakatawan lamang sa pagkatao ng tao at hindi kumakatawan sa anyo ng Diyos o sa kalooban ng Banal na Espiritu. Kaya, ang landas na nilalakaran ng tao ay hindi masasabing landas na nilalakaran ng Banal na Espiritu sapagkat ang gawain ng tao ay hindi kumakatawan sa gawain ng Diyos at ang gawain ng tao at ang kanyang karanasan ay hindi ang lubusang kalooban ng Banal na Espiritu. Ang gawain ng tao ay madaling mahulog sa tuntunin, at ang paraan ng kanyang gawain ay madaling makulong sa isang sakop na may hangganan at hindi kayang pangunahan ang mga tao sa malayang daan. Karamihan sa mga tagasunod ay nabubuhay sa isang sakop na may hangganan, at ang kanilang daan na nararanasan ay may hangganan din sa sakop nito. Ang karanasan ng tao ay laging may hangganan; ang paraan ng kanyang gawain ay may hangganan rin sa kaunting uri at hindi maihahambing sa gawain ng Banal na Espiritu o sa gawain ng Diyos Mismo—ito ay dahil ang karanasan ng tao, sa katapusan, ay may hangganan. Paano man gawin ng Diyos ang Kanyang gawain, walang tuntunin rito; paano man ito ginawa, wala itong hangganan sa isang daan. Walang tuntunin sa gawain ng Diyos, lahat ng Kanyang gawain ay malayang nilalabas. Kahit gaano karaming panahon ang ginugugol ng tao upang sundan Siya, hindi sila makabuo ng anumang batas sa mga daan ng Kanyang paggawa. Kahit ang Kanyang gawain ay may simulain, ito ay laging ginagawa sa bagong mga paraan at laging may bagong mga pagsulong, na lampas sa maabot ng tao. Sa loob ng isang tagal ng panahon, ang Diyos ay maaaring magkaroon ng maraming iba’t-ibang uri ng gawain at iba’t-ibang paraan sa pangunguna, anupat nagpapahintulot sa mga tao na magkaroon ng mga bagong pagpasok at pagpapabago. Hindi mo makikita ang mga batas ng Kanyang gawain sapagkat Siya ay laging gumagawa sa bagong mga paraan. Sa ganitong paraan lamang hindi mahuhulog sa tuntunin ang mga tagasunod ng Diyos. Ang gawain ng Diyos Mismo ay laging umiiwas sa paniniwala ng mga tao at sumasalungat dito. Tanging ang mga sumusunod at humahanap sa Kanya nang may tunay na puso ang mababago ang kanilang mga disposisyon at maaaring mamuhay nang malaya anupat hindi sakop ng anumang tuntunin o hindi napipigilan ng anumang relihiyosong paniniwala. Ang hinihiling ng gawain ng tao na ginagawa sa mga tao ay batay sa kanyang sariling karanasan at kung ano ang maaari ng sarili niyang makamit. Ang pamantayan ng ganitong mga kinakailangan ay limitado sa isang tiyak na sakop, at ang mga paraan ng pagsasagawa ay napaka-limitado din. Kaya hindi namamalayan ng mga tagasunod na namumuhay na sila sa ganitong limitadong sakop; sa paglipas ng panahon, sila ay nagiging mga tuntunin at mga rituwal. Kung ang gawain ng isang panahon ay pinangunahan ng isang tao na hindi dumaan sa sariling pagsasakdal ng Diyos at hindi nakatanggap ng paghatol, ang lahat ng kanyang mga tagasunod ay magiging relihiyosong panatiko at dalubhasa sa paglaban sa Diyos. Kaya, kung ang sinuman ay karapat-dapat na pinuno, ang taong iyon ay dapat dumaan sa paghatol at tumanggap ng pagsasakdal. Ang mga hindi dumaan sa paghatol, kahit na mayroon silang gawain ng Banal na Espiritu, ay nagpapahayag lamang ng malabo at di-totoong mga bagay. Sa pagdaan ng panahon, mangunguna sila sa mga tao sa malabo at higit sa kaya ng taong mga tuntunin. Ang gawain na ginagawa ng Diyos ay hindi kaayon sa laman ng tao; hindi ito kaayon sa mga iniisip ng tao sa halip ay sumasalungat sa mga paniniwala ng tao; hindi ito nahahalo sa malabong relihiyosong kulay. Ang mga bunga ng Kanyang gawain ay hindi makakamit ng tao na hindi naging perpekto sa pamamagitan Niya at lampas sa maabot ng pag-iisip ng tao.

Ang gawain sa isip ng tao ay madaling makakamit ng tao. Ang mga pastor at mga pinuno sa relihiyosong daigdig, halimbawa, ay umaasa sa kanilang kaloob at katayuan upang gawin ang kanilang gawain. Ang mga tao na sumusunod sa kanila sa mahabang panahon ay mahahawa sa kanilang mga kaloob at maiimpluwensiyahan ng ilan sa kung ano sila. Nakatuon sila sa mga kaloob ng mga tao, kakayahan, at kaalaman, at nagbibigay sila ng pansin sa mga higit sa karaniwang mga bagay at sa mga malalalim na di-totoong turo (mangyari pa, ang ganitong mga malalalim na turo ay hindi matatamo). Hindi sila nagtutuon ng pansin sa mga pagbabago sa disposisyon ng mga tao, sa halip ay nakatuon sila sa pagsasanay sa pangangaral ng mga tao at kakayahan sa gawain, pinabubuti ang kaalaman ng mga tao at saganang relihiyosong mga turo. Hindi sila nakatuon sa gaano karaming disposisyon ng mga tao ang nabago o gaano karaming tao ang nakauunawa sa katotohanan. Hindi nila inaalintana ang kanilang sarili sa sangkap ng mga tao, o kahit subukin na alamin ang karaniwan at di-karaniwang mga katayuan ng mga tao. Hindi nila sinasalungat ang mga paniniwala ng mga tao o ibinubunyag ang kanilang paniniwala, kahit ayusin ang kanilang mga kakulangan o kasiraan. Karamihan sa mga tao na sumusunod sa kanila ay naglilingkod sa pamamagitan ng likas na kaloob, at ang kanilang ipinahahayag ay kaalaman at malabong relihiyosong katotohanan, na hindi katunayan at hindi lubusang sasangguni sa mga tao sa buhay. Sa totoo lang, ang sangkap ng kanilang gawain ay pag-aalaga sa kakayahan, pag-aalaga sa isang tao na walang kahit ano at mapagtapos na may kakayahan sa seminaryo na nang maglaon ay gumawa at manguna. Sa anim na libong taon ng gawain ng Diyos, makakakita ka ba ng mga batas doon? Mayroong napakaraming batas at ipinagbabawal sa gawain na ginagawa ng mga tao, at ang utak ng tao ay masyadong nauukol sa doktrina. Kaya ang ipinahahayag ng tao ay kaunting kaalaman at pagkatanto sa lahat ng kanyang karanasan. Hindi kaya ng tao na ipahayag ang anuman bukod dito. Ang karanasan at kaalaman ng tao ay hindi nanggagaling sa kanyang likas na kaloob o kanyang likas na hilig; ito ay lumabas dahil sa gabay at tuwirang pagpapastol ng Diyos. Ang tao ay may bahagi lamang na tanggapin ang ganitong pagpapastol at hindi ang bahagi upang tuwirang ipahayag kung ano ang pagka-Diyos. Hindi kaya ng tao na maging bukal, maaari lamang siyang maging isang sisidlan na tumatanggap ng tubig mula sa bukal; ito ang likas na hilig ng tao, ang bahagi na dapat taglayin ng isa bilang tao. Kung mawala sa isang tao ang bahaging tanggapin ang salita ng Diyos at ang likas na hilig ng tao, mawawala rin sa taong iyon ang pinakamahalaga, at ang tungkulin ng nilikhang tao. Kung ang isang tao ay walang kaalaman o karanasan ng salita ng Diyos o Kanyang gawain, mawawala sa taong iyon ang kanyang tungkulin, ang tungkulin na dapat niyang gawin bilang isang tao, at mawawala ang karangalan ng isang nilikhang tao. Ito ang hilig ng Diyos upang ipahayag kung ano ang pagka-Diyos, ito man ay ipinahayag sa laman o tuwiran sa pamamagitan ng Espiritu; ito ang ministeryo ng Diyos. Ipinahahayag ng tao ang kanyang sariling karanasan o kaalaman (iyan ay, pagpapahayag kung ano siya) sa panahon ng gawain ng Diyos o sa maglaon; ito ang likas na hilig at tungkulin ng tao, ito ang dapat makamit ng tao. Kahit na ang pagpapahayag ng tao ay hindi nakaaabot sa kung ano ang ipinahahayag ng Diyos, at mayroong napakaraming mga batas sa kung ano ang ipinahahayag ng tao, dapat tuparin ng tao ang tungkuling dapat niyang tuparin at gawin ang dapat niyang gawin. Dapat gawin ng tao ang lahat ng maaaring gawin ng tao upang tuparin ang kanyang tungkulin, at dapat na walang kahit kaunting pagaalinlangan.

Matapos gumawa sa loob ng maraming taon, pagsasama-samahin ng tao ang kaunting karanasan mula sa mga taong ito ng paggawa, kasama ang karunungan at tuntuning tinipon. Siya na gumagawa sa loob ng mahabang panahon ay nakaaalam kung paano pakiramdaman ang gawain ng Banal na Espiritu, alam kung kailan gumagawa ang Banal na Espiritu at kung kailan Siya hindi; alam niya kung paano makipagsamahan kapag nagdadala ng pasan, alam niya ang karaniwang katayuan ng gawain ng Banal na Espiritu at ang karaniwang katayuan ng paglago ng tao sa buhay. Ang ganitong tao ay gumawa na sa maraming taon at alam na niya ang gawain ng Banal na Espiritu. Ang mga gumawa sa mahabang panahon ay nagsasalita nang may katiyakan at hindi minamadali; kahit wala naman silang sasabihin, sila ay mahinahon. Sa loob, maaari silang manatiling nananalangin upang hanapin ang gawain ng Banal na Espiritu nang walang kapaguran o pagkabalisa; may karanasan sila sa paggawa. Ang isang tao na gumawa sa mahabang panahon at may maraming aralin at karanasan ay maraming taglay sa loob na hahadlang sa gawain ng Banal na Espiritu; ito ang isang kapintasan sa kanyang pangmatagalang gawain. Ang isang tao na nagsisimula pa lamang sa paggawa ay walang dalang aralin at karanasan ng tao, lalo na sa kawalang-alam kung paano gumagawa ang Banal na Espiritu. Ngunit, sa pagusad ng gawain, unti-unti niyang natututunang maramdaman kung paano gumagawa ang Banal na Espiritu at alam niya kung ano ang dapat gawin upang magkaroon ng gawain ng Banal na Espiritu at kung ano ang dapat gawin upang mahawakan ang mga mahahalagang palatandaan ng iba. Nalaman niya ang ganitong kaalaman na dapat taglayin ng mga gumagawa. Sa paglipas ng panahon, nalalaman niya ang ganitong karunungan at karaniwang kaalaman tungkol sa paggawa nang halos kilalang-kilala, at tila madaling ginagamit ito kapag gumagawa. Ngunit, kapag binago ng Banal na Espiritu ang daan kung saan Siya gumagawa, nananatili pa rin siya sa kanyang lumang kaalaman sa paggawa at lumang tuntunin sa paggawa at may alam na kaunting-kaunti tungkol sa bagong kilos sa paggawa. Ang mga taon sa paggawa at pagiging ganap sa pamumuhay at gabay ng Banal na Espiritu ay binibigyan siya nang higit at higit pang aralin at karanasan sa paggawa. Ang ganitong mga bagay ay pinupuno siya ng kompiyansa sa sarili na hindi pagmamataas. Sa ibang salita, halos nalulugod siya sa kanyang sariling gawain at napakakuntento niya sa karaniwang kaalaman na nakamit niya tungkol sa gawain ng Banal na Espiritu. Partikular na, ang gayong mga bagay na hindi nakamit at natanto ng ibang mga tao ay nagbibigay sa kanya ng higit pang tiwala sa sarili niya; tila ang gawain ng Banal na Espiritu sa kanya ay hindi kailanman maapula, habang hindi pinahahalagahan ng iba ang ganitong naiibang pakikitungo. Tanging ang mga uri lamang ng taong tulad niya na gumawa sa maraming taon at may maraming halaga na paggagamitan ay karapat-dapat na masiyahan dito. Ang ganitong bagay ay nagiging malaking hadlang sa kanyang pagtanggap sa bagong gawain ng Banal na Espiritu. Kahit na maaari niyang tanggapin ang bagong gawain, hindi ito nagagawa ng isang magdamagan. Siguradong daraan siya sa maraming mga paikot-ikot at mga paliko-liko bago tatanggapin iyon. Ang ganitong kalagayan ay maaari lamang dahan-dahang mabaliktad pagkatapos masugpo ang kanyang lumang paniniwala at mahusgahan ang kanyang lumang disposisyon. Kung hindi daraan sa mga hakbang na ito, hindi siya sumusuko at madaling tatanggapin ang mga bagong pagtuturo at gawain na hindi kaayon sa kanyang lumang paniniwala. Ito ang pinakamahirap na bagay na pakitunguhan sa tao, at hindi ito madaling baguhin. Kung, bilang isang manggagawa, katulad niyang nakamit ang pagkaunawa sa gawain ng Banal na Espiritu at napagsama ang kilos nito, pati na ang pagiging hindi nahihigpitan ng kanyang karanasan sa paggawa at tumatanggap ng bagong gawain sa ilaw ng lumang gawain, siya ay marunong na tao at karapat-dapat na manggagawa. Maraming tao ang laging gumagawa sa loob ng maraming taon nang hindi pinagsasama-sama ang kanilang karanasan sa paggawa, o nahahadlangan mula sa pagtanggap ng bagong gawain matapos pagsama-samahin ang kanilang karanasan sa paggawa at karunungan at hindi maaaring unawain nang maayos at pakitunguhan nang tama ang luma at bagong gawain. Ang mga tao ay mahirap talagang pangasiwaan! Marami sa inyo ang tulad nito. Ang mga nakaranas na ng gawain ng Banal na Espiritu sa maraming taon ay nahihirapan na tanggapin ang bagong gawain, anupat laging lipos ng paniniwala na nahihirapan silang alisin, habang ang isang tao na nagsimula pa lamang gumawa ay nagkukulang sa karaniwang kaalaman sa paggawa at hindi man lamang alam kung paano pangasiwaan ang ilan sa mga pinakamadaling mga bagay. Mahirap talagang pamahalaan kayong mga tao! Yaong mayroong iilang nakalipas na karanasan ay mayabang at mapag-pahalaga sa sarili, na nakalimutan na nila ang kanilang pinanggalingan. Lagi silang may paningin na mas mababa sa kanila ang nakababatang mga tao, ngunit hindi pa rin nila maaaring tanggapin ang bagong gawain at hindi maaaring umalis sa paniniwalang hawak at tinago nila sa maraming mga taon. Kahit na ang mga ignoranteng kabataan ay maaaring tumanggap nang kaunti ng bagong gawain ng Banal na Espiritu at sila ay talagang masigasig, lagi silang nalilito at hindi alam ang dapat gawin kapag napaharap sa mga suliranin. Kahit na masigasig, masyado silang mangmang. Mayroon lang silang kakaunting kaalaman sa gawain ng Banal na Espiritu at hindi maaaring gamitin ito sa kanilang mga buhay; ito ay turo lamang na walang anumang kabuluhan. Mayroong napakaraming tao na katulad ninyo; ilan ang angkop na gamitin? Ilan ang mga maaaring gumawa na kaayon sa Banal na Espiritu? Tila napakamasunurin ninyo hanggang ngayon, ngunit sa katunayan, hindi pa rin ninyo tinatalikuran ang inyong mga paniniwala, naghahanap ka pa rin sa Biblia, anupat naniniwala sa kalabuan, o pagala-galang mga paniwala. Walang sinuman ang maingat na sumusuri sa tunay na gawa ngayon o lumalalim dito. Tinatanggap ninyo ang daan ngayon kasama ang inyong lumang mga paniwala. Ano ang makakamit ninyo sa ganitong paniniwala? Masasabi na nakatago sa inyo ang maraming mga paniwala na hindi pa naisisiwalat, at gumagawa kayo ng malaking pagsisikap upang itago sila at hindi madaling ibunyag. Hindi ninyo tinatanggap ang bagong gawain nang tapat at hindi ninyo iniisip na talikuran ang inyong lumang mga paniwala; masyado kayong marami at nakakahambal na mga panuntunan sa buhay. Hindi ninyo tinatalikuran ang inyong lumang mga paniwala at may atubiling makitungo sa bagong gawain. Ang inyong mga puso ay masyadong nakatatakot, at hindi ninyo na lang tanggapin ang mga hakbang ng bagong gawain sa inyongs puso. Maaari bang ang ganitong mga mapangsayang na tulad ninyo ay gumawa ng pagpapalaganap ng ebanghelyo? Maaari ba kayong magsagawa ng gawain ng pagpapalaganap nito sa buong sansinukob? Ang ganitong mga gawain ninyo ay pumipigil sa pagbabagong-anyo ng inyong disposisyon at pagkakakilala sa Diyos. Kung magpapatuloy kayo rito, nararapat kayong maalis.

Dapat ninyong malaman kung paano alamin ang pagkakaiba ng gawain ng Diyos at ang gawain ng tao. Ano ang nakikita mo mula sa gawain ng tao? Marami ang bahagi ng karanasan ng tao sa gawain nito; kung ano ang ipinahahayag ng tao ay kung ano siya. Ang sariling gawain ng Diyos ay nagpapahayag din kung ano Siya, ngunit kung ano Siya ay naiiba sa kung ano ang tao. Kung ano ang tao ay kumakatawan sa karanasan ng tao at buhay (kung ano ang nararanasan ng tao o nahaharap niya sa kanyang buhay, o mga kaisipan sa buhay na mayroon siya), at mga taong namumuhay sa iba’t-ibang paligid ay nagpapahayag ng iba’t-ibang anyo. Kung mayroon kang karanasan sa pakikipagsamahan o wala at kung paano ka tunay na namumuhay at nakararanas sa iyong pamilya ay makikita sa kung ano ang iyong ipinapahayag, samantalang hindi mo makikita mula sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao kung Siya ay may karanasan sa pakikipagsamahan o wala. Alam Niyang lubos ang diwa ng tao, anupat kaya Niyang ibunyag ang lahat ng uri ng pagsasanay na may kinalaman sa lahat ng uri ng mga tao. Mas mahusay Siya sa pagbunyag ng tiwaling disposisyon ng tao at suwail na pag-uugali. Hindi Siya namumuhay sa gitna ng makasanlibutang mga tao, sa halip alam Niya ang kalikasan ng mga tao at ang lahat ng mga katiwalian ng makasanlibutang mga tao. Ito ay kung ano Siya. Kahit hindi Siya nakikitungo sa mundo, alam Niya ang mga tuntunin sa pakikitungo sa mundo, sapagkat lubos Niyang nauunawaan ang kalikasan ng tao. Alam Niya ang tungkol sa gawain ng Banal na Espiritu na hindi nakikita ng mata ng tao at hindi naririnig ng tainga ng tao, maging ngayon at noong nakaraan. Kasama rito ang karunungan na hindi panuntunan ng buhay ng tao at misteryong hindi maarok ng mga tao. Ito ay kung ano Siya, bukas sa mga tao at nakatago rin sa mga tao. Ang Kanyang ipinahahayag ay hindi ang sa higit na karaniwang tao, ngunit ang likas na katangian at anyo ng Banal na Espiritu. Hindi Siya naglalakbay sa buong mundo ngunit alam Niya ang lahat dito. Nakikipaglapit Siya sa mga “unggoy na hawig sa tao”na walang kaalaman o kaunawaan, ngunit nagpapahayag Siya ng mga salita na mas mataas sa kaalaman at mas higit sa mga dakilang tao. Namumuhay Siya sa gitna ng pangkat ng mapupurol ang isip at manhid na mga tao na walang pagkatao at hindi nakauunawa sa mga kapulungan at buhay ng tao, ngunit kaya Niyang pakiusapan ang sangkatauhan na isabuhay ang normal na pagkatao, habang ibinubunyag ang hamak at mababang pagkatao ng sangkatauhan. Lahat ng ito ay kung ano Siya, mas mataas sa kahit anong laman-at-dugong tao. Para sa Kanya, hindi kailangang makaranas ng isang magulo, mahirap at sakim na buhay panlipunan upang gawin ang kailangan Niyang gawin at lubusang ibunyag ang diwa ng tiwaling sangkatauhan. Ang sakim na buhay panlipunan ay hindi nakapagtataas sa Kanyang laman. Ang Kanyang gawain at mga salita ay nagbubunyag lamang ng pagkamasuwayin ng tao at hindi naglalaan sa tao ng karanasan at aralin sa pakikitungo sa mundo. Hindi Niya kailangang suriin ang lipunan o ang pamilya ng tao kapag tinutustusan Niya ang tao ng buhay. Ang paglalantad at paghahatol sa tao ay hindi pagpapahayag ng mga karanasan ng Kanyang laman; ito ay upang ibunyag ang kawalang-katarungan ng tao pagkatapos alamin na pangmatagalan ang pagkamasuwayin ng tao at kapootan ang katiwalian ng sangkatauhan. Ang gawain na ginagawa Niya ay upang ibunyag ang Kanyang disposisyon sa tao at ipahayag ang Kanyang anyo. Siya lamang ang maaaring gumawa nito, hindi ito isang bagay na maaring makamit ng laman-at-dugo ng tao. Ayon naman sa Kanyang gawain, hindi kaya ng tao na sabihin kung anong uri Siya ng tao. Hindi rin kaya ng tao na uriin Siya bilang nilikhang tao sa batayan ng Kanyang gawain. Kung ano Siya ay hindi abot na mauri Siya bilang nilikhang tao. Kinikilala lamang ng tao na Siya ay hindi tao, ngunit hindi alam kung saang uri Siya ilalagay, kaya napilitan ang tao na ilagay Siya sa uri ng Diyos. Hindi kawalang katuwiran na gawin ito ng tao, sapagkat marami Siyang nagawa sa gitna ng mga tao na hindi kayang gawin ng mga tao.

Ang gawain na ginagawa ng Diyos ay hindi kumakatawan sa karanasan ng Kanyang laman; ang gawain na ginagawa ng tao ay kumakatawan sa karanasan ng tao. Pinag-uusapan ng bawat isa ang kanyang sariling karanasan. Maaaring tuwirang ipahayag ng Diyos ang katotohanan, habang maaari lamang ipahayag ng tao ang katumbas na karanasan pagkatapos maranasan ang katotohanan. Ang gawain ng Diyos ay walang tuntunin, at hindi ito sakop ng panahon o heograpiyang hangganan. Maaari Niyang ipahayag kung ano Siya anumang oras, at saanmang lugar. Gumagawa Siya ayon sa Kanyang kalooban. Ang gawain ng tao ay mayroong mga kalagayan at nilalaman; kaya, hindi siya maaaring gumawa at ipahayag ang kanyang kaalaman sa Diyos o ng kanyang karanasan sa katotohanan. Kailangan mo lamang na malaman ang pagkakaiba sa pagitan nito upang masabi kung ito ay sariling gawain ng Diyos o gawain ng tao. Kung walang gawain na ginawa ng Diyos Mismo at mayroon lamang gawain ng tao, malalaman mo na ang mga turo ng tao ay mataas, higit sa kakayahan ng iba; ang kanilang himig pananalita, ang kanilang simulain sa paghawak ng mga bagay at ang kanilang may karanasan at matatag na paraan sa paggawa ay hindi maaarok ng iba. Hinahangaan ninyo ang mga taong ito na may mataas na pagkatao, ngunit hindi ninyo makita mula sa gawain at mga salita ng Diyos kung gaano kataas ang Kanyang pagkatao. Sa halip, Siya ay pangkaraniwan, at kapag gumagawa, Siya ay karaniwan at tunay ngunit hindi maaaring masukat ng mga tao, na nagpapangyari sa mga tao na makaramdam ng paggalang sa Kanya. Siguro ang isang karanasan ng tao sa kanyang gawain ay natatanging mataas, o ang kanyang guni-guni at pangangatuwiran ay natatanging mataas, at ang kanyang pagkatao ay natatanging mabuti; ito ay magkakamit lamang ng paghanga ng mga tao, ngunit hindi upang pukawin ang kanilang pangimi at takot. Ang mga tao ay humahanga sa may kakayahang gumawa at ang may natatanging malalim na karanasan at maaaring isagawa ang katotohanan, ngunit hindi nila kayang pukawin ang pangimi, sa halip ay paghanga lamang at inggit. Ngunit ang mga tao na nakaranas ng gawain ng Diyos ay hindi humahanga sa Diyos, sa halip ay nararamdaman nila na ang Kanyang gawain ay hindi maarok ng tao at hindi maunawaan ng tao, at ito ay sariwa at kamangha-mangha. Kapag naranasan ng mga tao ang gawain ng Diyos, ang kanilang kaalaman sa Kanya ay Siya at hindi maunawaan, marunong at kamangha-mangha, at hindi nila namamalayang iginagalang na nila Siya at nararamdaman ang hiwaga ng gawain na ginagawa Niya, na hindi maarok ng isip ng tao. Gusto lamang ng mga tao na maabot ang Kanyang mga kahilingan, upang masapatan ang Kanyang pagnanasa; hindi nila nais na malampasan Siya, sapagkat ang gawain na ginagawa Niya ay higit sa iniisip at guni-guni ng tao at hindi maaaring gawin ng tao. Kahit ang tao mismo a hindi alam ang kanyang sariling kakulangan, habang binubuksan Niya ang isang bagong landas at magdadala sa tao sa mas bago at higit na magandang mundo, upang ang sangkatauhan ay makagawa ng bagong pagsulong at magkaroon ng bagong simula. Ang nararamdaman ng tao para sa Kanya ay hindi paghanga, o sa halip ay hindi lamang paghanga. Ang kanilang pinakamalalim na karanasan ay pangimi at pag-ibig, ang kanilang pakiramdam ay ang Diyos ang talagang kamangha-mangha. Gumagawa Siya ng hindi maaaring gawin ng tao, nagsasabi Siya ng mga bagay na hindi kayang sabihin ng mga tao. Ang mga taong nakaranas ng Kanyang gawain ay laging nakararanas ng hindi maipaliwanag na pakiramdam. Ang mga tao na may mas malalim na karanasan ay natatanging mahal ang Diyos. Lagi nilang nararamdaman ang Kanyang pagiging mapagmahal, nararamdaman na ang Kanyang gawain ay napakarunong, nakamamangha, at sa gayon ay lumikha ng walang katapusang kapangyarihan sa kanilang kalagitnaan. Hindi takot o paminsang-minsang pag-ibig o paggalang, sa halip ay malalim na pakiramdam sa pagkahabag at pagpaparaya ng Diyos sa tao. Ngunit, ang mga tao na nakaranas ng Kanyang pagkastigo at paghatol ay nararamdaman Siya bilang makahari at hindi marahas. Kahit ang mga tao na nakaranas ng marami sa Kanyang gawain ay hindi rin Siya maaaring maunawaan; lahat ng mga tao na ginagalang Siyang tunay ay nakaaalam na ang Kanyang gawain ay hindi ayon sa paniniwala ng mga tao sa halip ay laging salungat sa kanilang paniniwala. Hindi na Niya kailangan ng lubos na paghanga sa Kanya ng mga tao o pagpapakita lang ng lubos na pagpapasakop sa Kanya, sa halip ay magkaroon ng tunay na paggalang at tunay na pagpapasakop. Sa dami ng Kanyang gawain, ang sinumang may tunay na paggalang ay nakararamdam ng paggalang sa Kanya, na mas mataas kaysa sa paghanga. Nakita ng mga tao ang Kanyang disposisyon dahil sa Kanyang gawaing pagkastigo at paghatol, at sa gayon ay igalang nila Siya sa kanilang mga puso. Ang Diyos ay dapat igalang at sundin, sapagkat ang Kanyang anyo at Kanyang disposisyon ay hindi tulad sa nilikhang tao, at mas mataas ang mga ito kaysa sa nilikhang tao. Ang Diyos ay isang hindi nilikhang nilalang, at nararapat lamang Siya sa paggalang at pagpapasakop; hindi nararapat ang tao para rito. Kaya, lahat ng mga tao na nakaranas ng Kanyang gawain at tunay na nakakakilala sa Kanya ay nakararamdam ng paggalang sa Kanya. Ngunit, ang mga hindi umaalis sa kanilang paniniwala tungkol sa Kanya, iyon ay mga taong hindi Siya tinuturing na Diyos, walang paggalang sa Kanya, at kahit na sinusundan nila Siya ay hindi sila nakikipagpunyagi; sila ay likas na di-masunuring mga tao. Ginagawa Niya ang gawain nito upang makamit ang bunga na ang lahat ng nilikhang tao ay maaaring igalang ang Maylalang, sambahin Siya, at magpasakop sa Kanyang dominyon nang walang pasubali. Ito ang pangwakas na bunga na layunin ng Kanyang gawain na matamo. Kung ang mga tao na nakaranas ng ganitong gawain ay hindi igagalang ang Diyos, kahit kaunti, kung ang kanilang pagkamasuwayin sa nakaraan ay hindi nagbago, ang mga taong ito ay siguradong maaalis. Kung ang ugali ng isang tao sa Diyos ay upang hangaan lamang o magpakita ng paggalang mula sa malayo at hindi umibig nang kahit kaunti, ito ang maaabot ng isang taong walang pusong pag-ibig sa Diyos, at ang taong iyon ay kulang sa mga kalagayan upang gawing perpekto. Kung ang masyadong maraming gawain ang hindi maaaring magkamit ng tunay na pag-ibig ng isang tao, ibig sabihin nito na ang taong iyon ay hindi nakamit ang Diyos at hindi tunay na naghahanap sa katotohanan. Ang isang tao na hindi umiibig sa Diyos ay hindi umiibig sa katotohanan at sa gayon ay hindi makakamit ang Diyos, at higit na hindi makatatanggap ng pagsang-ayon ng Diyos. Ang ganitong mga tao, paano man nila naranasan ang gawain ng Banal na Espiritu, at paano man nila naranasan ang paghatol, hindi pa rin nila kayang igalang ang Diyos. Ito ay mga taong hindi kayang baguhin ang kanilang kalikasan, anupat mayroong napakatampalasan na disposisyon. Lahat ng mga hindi iginalang ang Diyos ay maaalis, upang maging layon ng kaparusahan, at upang parusahan gaya ng mga gumagawa ng kasamaan, higit na nagdurusa kaysa sa mga nakagawa ng mga hindi makatuwirang bagay.