Kabanata 8 Ang mga Katapusan para sa Iba’t Ibang Uri ng Tao at ang Pangako ng Diyos sa Tao
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ang Aking gawain ay tatagal lamang ng anim-na-libong taon, at Ako ay nangako na ang pagkontrol ng masama sa buong sangkatauhan ay hindi rin tatagal nang higit sa anim-na-libong taon. At ngayon, tapos na ang oras. Hindi Ko na ipagpapatuloy o ipagpapaliban pa: Sa panahon ng mga huling araw Aking lulupigin si Satanas, babawiin Ko ang lahat ng Aking kaluwalhatian, at babawiin Ko ang lahat ng kaluluwa sa lupa na kabilang sa Akin upang itong mga kaluluwang naghihinagpis ay maaaring makawala sa dagat ng pagdurusa, at sa gayon matatapos na ang Aking buong gawain sa lupa. Simula sa araw na ito, hindi na Ako kailanman magkakatawang-tao sa lupa, at hindi na muling gagawa pa sa lupa ang Aking Espiritu na nagkokontrol-ng-lahat. Ako ay gagawa lamang ng isang bagay sa lupa: Huhubugin Kong muli ang sangkatauhan, isang sangkatauhan na banal at siyang Aking tapat na lungsod sa lupa. Nguni’t alamin ninyo na hindi Ko lilipulin ang buong mundo, hindi Ko rin lilipulin ang buong sangkatauhan. Iingatan Ko yaong natitirang ikatlong bahagi—ang ikatlong bahaging nagmamahal sa Akin at lubusan Kong nalulupig, at sila ay Aking gagawing mabunga at mapagparami sa lupa kagaya ng ginawa ng mga Israelita sa ilalim ng kautusan, binubusog sila ng masaganang mga tupa at baka at lahat ng kasaganaan ng lupa. Ang sangkatauhang ito ay mananatili sa Akin magpakailanman, nguni’t hindi ito ang magiging karumal-dumal na maruming sangkatauhan sa ngayon, kundi isang sangkatauhan na natipon mula sa lahat niyaong Aking mga natamo. Ang sangkatauhang iyon ay hindi mapipinsala, magagambala, o makukubkob ni Satanas, at magiging ang tanging sangkatauhan na mananatili sa mundo pagkatapos Kong nagtagumpay laban kay Satanas. Ito ang sangkatauhan na nalulupig Ko na ngayon at nagtatamo ng Aking pangako. At sa gayon, ang sangkatauhan na nalulupig sa panahon ng mga huling araw ay siya ring sangkatauhan na maliligtas at magtatamo ng Aking walang-hanggang mga pagpapala. Ito ang tanging magiging patunay ng Aking tagumpay laban kay Satanas, at ang tanging mga nasamsam sa Aking pakikipaglaban kay Satanas. Itong mga nasamsam sa digmaan ay Aking naililigtas mula sa sakop ni Satanas, at ang tanging pagkakabuu-buo at bunga ng Aking anim-na-libong-taong plano ng pamamahala.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Walang Sinumang May Katawan ang Makakatakas sa Araw ng Poot
Ang mga tunay na sumusunod sa Diyos ay kayang matagalan ang pagsubok ng kanilang gawain, samantalang yaong mga hindi talaga sumusunod sa Diyos ay hindi kayang matagalan ang anumang mga pagsubok ng Diyos. Hindi magtatagal, sila ay mapatatalsik, habang ang mga mananagumpay ay mananatili sa kaharian. Kung ang tao ay tunay na naghahanap sa Diyos o hindi ay nalalaman sa pamamagitan ng pagsubok sa kanyang gawain, iyon ay, sa pamamagitan ng mga pagsubok ng Diyos, at walang kaugnayan sa pagpapasya ng tao mismo. Hindi tinatanggihan ng Diyos ang sinumang tao kung kailan Niya gusto; lahat ng ginagawa Niya ay lubusang makakahikayat sa tao. Hindi Siya gumagawa ng anumang bagay na hindi nakikita ng tao, o anumang gawain na hindi makahihikayat sa tao. Kung ang paniniwala ng tao ay tunay o hindi, ay napapatotohanan ng mga katunayan at hindi mapagpapasyahan ng tao. Walang duda na ang “trigo ay hindi magagawang mapanirang damo, at ang mapanirang damo ay hindi magagawang trigo.” Ang lahat ng tunay na nagmamahal sa Diyos ay mananatili sa kaharian sa kahuli-hulihan, at hindi pagmamalabisan ng Diyos ang sinumang tunay na nagmamahal sa Kanya. Batay sa iba’t iba nilang mga tungkulin at mga patotoo, ang mga mananagumpay sa kaharian ay magsisilbing mga saserdote o tagasunod, at lahat ng matagumpay sa gitna ng kapighatian ay magiging kalipunan ng saserdote sa loob ng kaharian. Ang mga kalipunan ng saserdote ay mabubuo kapag ang gawain ng ebanghelyo sa buong sansinukob ay natapos na. Kapag dumating ang panahong iyon, ang kailangang gawin ng tao ay ang pagganap sa kanyang tungkulin sa kaharian ng Diyos, at ang paninirahan niyang kasama ang Diyos sa loob ng kaharian. Sa kalipunan ng mga saserdote mayroong magiging mga punong saserdote at mga saserdote, at ang natitira ay magiging mga anak at bayan ng Diyos. Ito ay malalaman lahat sa pamamagitan ng kanilang mga patotoo sa Diyos sa panahon ng kapighatian; hindi lamang ito mga titulo na ibinibigay lamang batay sa kagustuhan. Sa sandaling ang katayuan ng tao ay naitatag na, ang gawain ng Diyos ay matatapos, dahil ang lahat ay pinagsasama-sama ayon sa uri at ibinabalik sa kanilang orihinal na kalagayan, at ito ang tanda ng katuparan ng gawain ng Diyos, ito ang pangwakas na kinalabasan ng gawain ng Diyos at ng pagsasagawa ng tao, at ito ang pagkakabuo-buo ng mga pangitain ng gawain ng Diyos at ng pakikipagtulungan ng tao. Sa katapusan, ang tao ay makakasumpong ng kapahingahan sa kaharian ng Diyos, at ang Diyos, rin, ay babalik sa Kanyang tahanan upang mamahinga. Ito ang magiging pangwakas na kinalabasan ng 6,000 taong pakikipagtulungan sa pagitan ng Diyos at ng tao.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao
Nauunawaan mo na ba ngayon kung ano ang paghatol at ano ang katotohanan? Kung naunawaan mo na, ipinapayo Ko na masunuring magpasakop sa pagpapahatol, kung hindi ay hindi ka magkakaroon ng pagkakataon kailanman na papurihan ng Diyos o madala Niya sa Kanyang kaharian. Yaong mga tumatanggap lamang ng paghatol ngunit hindi kailanman maaaring mapadalisay, ibig sabihin, yaong mga nagsisitakas sa gitna ng gawain ng paghatol, ay kamumuhian at itatakwil ng Diyos magpakailanman. Ang kanilang mga kasalanan ay mas marami, at mas mabigat, kaysa roon sa mga Fariseo, sapagkat pinagtaksilan nila ang Diyos at naghimagsik sila laban sa Diyos. Ang gayong mga tao na ni hindi karapat-dapat na magsagawa ng paglilingkod ay tatanggap ng mas mabigat na parusa, isang parusang bukod diyan ay pangwalang-hanggan. Hindi patatawarin ng Diyos ang sinumang taksil na minsan ay nagpakita ng katapatan sa mga salita subalit ipinagkanulo Siya pagkatapos. Ang ganitong mga tao ay gagantihan sa pamamagitan ng kaparusahan ng espiritu, kaluluwa, at katawan. Hindi ba ito mismo ang paghahayag ng matuwid na disposisyon ng Diyos? Hindi ba ito ang layunin ng Diyos sa paghatol sa tao, at pagbubunyag sa kanya? Ipapadala ng Diyos ang lahat ng gumagawa ng lahat ng uri ng masamang gawa sa panahon ng paghatol sa isang lugar na pinamumugaran ng masasamang espiritu, at hahayaan ang masasamang espiritung ito na wasakin ang kanilang katawang laman ayon sa gusto ng mga ito, at ang kanilang katawan ay mangangamoy bangkay. Iyon ang nararapat na ganti sa kanila. Isinusulat ng Diyos sa kanilang mga talaang aklat ang bawat isa sa mga kasalanan niyaong mga nananalig na hindi tapat at huwad, mga huwad na apostol, at mga huwad na manggagawa; pagkatapos, sa tamang panahon, itatapon Niya sila sa gitna ng maruruming espiritu, at hahayaan ang maruruming espiritung ito na dungisan ang kanilang buong katawan ayon sa gusto ng mga ito, upang hindi na sila makapagkatawang-taong muli kailanman at hindi na makitang muli ang liwanag kailanman. Yaong mga ipokrito na minsang naglingkod ngunit hindi nanatiling tapat hanggang sa huli ay ibinibilang ng Diyos sa masasama, kaya bumabagsak sila sa pakikipagsosyo sa mga masasama at nagiging bahagi ng kanilang magulong grupo; sa huli, pupuksain sila ng Diyos. Isinasantabi at hindi pinapansin ng Diyos yaong mga hindi kailanman naging tapat kay Cristo o hindi kailanman naglaan ng anumang pagsisikap nila, at pupuksain Niya silang lahat sa pagbabago ng mga kapanahunan. Hindi na sila iiral sa lupa, at lalong hindi makapapasok sa kaharian ng Diyos. Yaong hindi kailanman naging tapat sa Diyos, ngunit napilitan dahil sa kanilang kalagayan na humarap sa Kanya nang madalian, ay ibinibilang sa mga yaong naglilingkod para sa Kanyang bayan. Iilan lamang sa mga taong iyon ang mananatiling buhay, samantalang ang karamihan ay mamamatay na kasama ng mga nagbigay ng serbisyo na hindi umabot sa pamantayan. Sa huli, dadalhin ng Diyos sa Kanyang kaharian ang lahat ng tao na ang isipan ay kaayon ng Diyos, ang mga tao at ang mga anak ng Diyos, at pati na yaong mga itinakda ng Diyos na maging mga saserdote. Sila ang magiging bunga ng paglilinis na mula sa gawain ng Diyos. Patungkol sa mga yaong hindi kabilang sa anumang kategoryang inilatag ng Diyos, ibibilang sila sa mga di-mananampalataya—at tiyak na maiisip ninyo kung ano ang kanilang kahihinatnan. Nasabi Ko na sa inyo ang lahat ng dapat Kong sabihin; kayo ang magpapasya kung aling landas ang inyong pipiliin. Ang dapat ninyong maunawaan ay ito: Ang gawain ng Diyos ay hindi kailanman naghihintay sa sinumang hindi nakakasabay sa Kanya, at ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi nagpapakita ng awa sa sinumang tao.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan
Yaong mga nag-iisip lamang tungkol sa kanilang laman at nagtatamasa ng kaginhawahan; yaong mga mukhang naniniwala nguni’t hindi talaga naniniwala; yaong mga nakikilahok sa masasamang panggagamot at pangkukulam; yaong mga walang delikadesa, gula-gulanit at nanlilimahid; yaong mga nagnanakaw ng mga alay kay Jehova at ng Kanyang mga pag-aari; yaong mga nagmamahal sa mga suhol; yaong mga nangangarap nang walang ginagawa na makaakyat sa langit; yaong mga mapagmataas at palalo, na nagpupunyagi lamang para sa personal na katanyagan at yaman; yaong mga nagkakalat ng mga salitang walang katuturan; yaong mga lumalapastangan sa Diyos Mismo; yaong mga walang ginagawa kundi husgahan at siraang-puri ang Diyos Mismo; yaong mga naggugrupu-grupo at naghahangad na maging malaya; yaong mga dinadakila ang kanilang sarili nang higit sa Diyos; yaong walang-kuwentang mga kabataan, mga may-edad at matatandang kalalakihan at kababaihan na nasilo sa kahalayan; yaong kalalakihan at kababaihan na nagtatamasa ng personal na katanyagan at yaman at naghahabol ng personal na katayuan sa gitna ng iba; yaong mga taong hindi nagsisisi na nabitag sa kasalanan—hindi ba sila, lahat sila, ay walang pag-asang maligtas? Ang kahalayan, pagiging makasalanan, masamang panggagamot, pangkukulam, pagmumura, at walang-katuturang mga salita ay lahat talamak sa inyo; at ang katotohanan at mga salita ng buhay ay tinatapakan sa gitna ninyo, at ang banal na pananalita ay dinudungisan sa gitna ninyo. Kayong mga Gentil, na sobra sa karumihan at pagkasuwail! Ano ang kalalabasan ninyo sa huli? Paano naaatim ng mga nagmamahal sa laman, gumagawa ng pangkukulam ng laman, at nabibitag sa mahalay na kasalanan na patuloy na mabuhay! Hindi mo ba alam na ang mga taong katulad ninyo ay mga uod na walang pag-asang maligtas? Ano ang nagbigay sa inyo ng karapatang humingi ng kung anu-ano? Sa ngayon, wala ni katiting na pagbabago sa mga hindi nagmamahal sa katotohanan at nagmamahal lamang sa laman—paano maliligtas ang gayong mga tao? Yaong mga hindi minamahal ang daan ng buhay, mga hindi dumadakila sa Diyos at nagpapatotoo sa Kanya, mga nagpapakana alang-alang sa sarili nilang katayuan, na nagtataas sa kanilang mga sarili—hindi ba’t ganoon pa rin sila, kahit ngayon? Ano ang kabuluhan ng pagliligtas sa kanila? Kung maliligtas ka ay hindi depende sa kung gaano ka na katanda o ilang taon ka nang nagtatrabaho, at lalo nang hindi ito depende sa kung gaano karami ang mga kredensyal mo. Bagkus, depende ito sa kung nagbunga na ang iyong paghahabol. Kailangan mong malaman na yaong mga naliligtas ay ang “mga puno” na nagbubunga, hindi ang mga puno na may malalagong dahon at saganang bulaklak subali’t hindi nagbubunga. Kahit nakagugol ka na ng maraming taon sa paggala-gala sa mga lansangan, ano ang halaga niyon? Nasaan ang iyong patotoo? Ang iyong pagpipitagan sa Diyos ay napakababaw kumpara sa pagmamahal mo sa iyong sarili at sa iyong mga mahahalay na pagnanasa—hindi ba napakasama ng ganitong klaseng tao? Paano sila magiging uliran at huwaran para sa pagliligtas? Ang iyong kalikasan ay hindi na mababago, napakasuwail mo, wala ka nang pag-asang maligtas! Hindi ba ang gayong mga tao ang aalisin? Hindi ba ang oras na matatapos ang Aking gawain ang siyang oras ng pagdating ng huling araw mo? Napakarami Kong nagawang gawain at napakarami Kong nasambit na salita sa gitna ninyo—gaano karami nito ang tunay na nakapasok sa inyong mga tainga? Gaano karami nito ang nasunod ninyo kahit kailan? Kapag natapos ang Aking gawain, iyon ang magiging oras na titigil kang kontrahin Ako, na titigil kang kalabanin Ako. Habang Ako’y gumagawa, patuloy kayong kumikilos laban sa Akin; hindi kayo sumusunod sa Aking mga salita kahit kailan. Ginagawa Ko ang Aking gawain, at ginagawa mo ang iyong sariling “gawain,” gumagawa ng sarili mong munting kaharian. Kayo’y walang iba kundi mga soro at mga aso, ginagawa ang lahat para kontrahin Ako! Palagi ninyong sinusubukang yakapin yaong mga naghahandog sa inyo ng kanilang buong pagmamahal—nasaan ang inyong pagpipitagan? Lahat ng ginagawa ninyo ay mapanlinlang! Wala kayong pagsunod o pagpipitagan, at lahat ng ginagawa ninyo ay mapanlinlang at lapastangan! Maliligtas ba ang ganyang klaseng tao? Ang mga taong sekswal na imoral at mahalay ay palaging gustong akitin ang makikiring haliparot sa kanila para sa sarili nilang kasiyahan. Hindi Ko talaga ililigtas ang gayong sekswal na imoral na mga demonyo. Kinamumuhian Ko kayong maruruming demonyo, at ang inyong kahalayan at pagiging haliparot ay magsasadlak sa inyo sa impiyerno. Ano ang masasabi ninyo para sa inyong mga sarili? Nakakadiri kayong maruruming demonyo at masasamang espiritu! Nakasusuklam kayo! Paano maliligtas ang gayong klaseng basura? Maliligtas pa rin ba sila na nabibitag sa kasalanan? Ngayon, ang katotohanang ito, ang daang ito, at ang buhay na ito ay hindi umaakit sa inyo; bagkus, naaakit kayo sa pagkakasala; sa pera; sa reputasyon, katanyagan at pakinabang; sa mga kasiyahan ng laman; sa kaguwapuhan ng mga lalaki at kariktan ng mga babae. Ano ang nagbibigay ng karapatan sa inyo na pumasok sa Aking kaharian? Ang inyong larawan ay higit pa kaysa sa Diyos, ang inyong katayuan ay mas mataas pa kaysa sa Diyos, maliban pa sa inyong kabantugan sa mga tao—naging idolo na kayo na sinasamba ng mga tao. Hindi ba kayo naging ang arkanghel? Kapag inihahayag na ang mga kalalabasan ng mga tao, na kung kailan rin malapit nang matapos ang gawain ng pagliligtas, marami sa inyo ang magiging mga bangkay na wala nang pag-asang maligtas at kailangang alisin. Sa oras ng gawain ng pagliligtas, Ako ay mabait at mabuti sa lahat ng tao. Kapag natapos na ang gawain, ang mga kalalabasan ng iba’t ibang uri ng mga tao ay mahahayag, at sa oras na iyon, hindi na Ako magiging mabait at mabuti, sapagka’t ang mga kalalabasan ng mga tao ay mahahayag na, at bawa’t isa ay pagsasama-samahin ayon sa kanilang uri, at mawawalan na ng saysay ang paggawa ng anumang iba pang gawain ng pagliligtas, dahil ang kapanahunan ng pagliligtas ay nakalipas na, at, dahil nakalipas na, hindi na ito babalik.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa 7
Ngunit hangga’t patuloy na umiiral ang lumang mundo, ipupukol Ko ang Aking galit sa mga bansa nito, hayagang ipapahayag ang Aking mga atas administratibo sa buong sansinukob, at kakastiguhin ang sinumang lumalabag sa mga ito:
Kapag ibinabaling Ko ang Aking mukha sa sansinukob upang magsalita, naririnig ng buong sangkatauhan ang Aking tinig, at pagkatapos ay nakikita ang lahat ng Aking nagawa sa buong sansinukob. Yaong mga lumalaban sa Aking kalooban, ibig sabihin, yaong mga kumokontra sa Akin sa mga gawa ng tao, ay sasailalim sa Aking pagkastigo. Kukunin Ko ang napakaraming bituin sa kalangitan at paninibaguhin ang mga ito, at dahil sa Akin, ang araw at ang buwan ay mapapanibago—ang kalangitan ay hindi na magiging gaya ng dati at ang napakaraming bagay sa lupa ay mapapanibago. Lahat ay magiging ganap sa pamamagitan ng Aking mga salita. Ang maraming bansa sa loob ng sansinukob ay muling hahati-hatiin at papalitan ng Aking kaharian, kaya ang mga bansa sa ibabaw ng lupa ay maglalaho magpakailanman at lahat ay magiging isang kaharian na sumasamba sa Akin; lahat ng bansa sa lupa ay mawawasak at titigil sa pag-iral. Sa mga tao sa loob ng sansinukob, lahat ng nabibilang sa diyablo ay lilipulin, at lahat ng sumasamba kay Satanas ay isasadlak sa Aking naglalagablab na apoy—ibig sabihin, maliban doon sa mga sumusunod sa agos, lahat ay magiging abo. Kapag kinakastigo Ko ang maraming tao, yaong mga nasa relihiyosong mundo, sa iba’t ibang lawak, ay babalik sa Aking kaharian, na nalupig ng Aking mga gawa, dahil nakita na nila ang pagdating ng Banal na nakasakay sa isang puting ulap. Lahat ng tao ay paghihiwa-hiwalayin ayon sa sarili nilang uri, at tatanggap ng mga pagkastigo na nararapat sa kanilang mga kilos. Lahat ng kumalaban sa Akin ay masasawi; yaon namang mga hindi Ako kasali sa kanilang mga gawa sa lupa, sila, dahil sa paraan ng pagpapawalang-sala nila sa kanilang sarili, ay patuloy na iiral sa lupa sa ilalim ng pamamahala ng Aking mga anak at Aking mga tao. Ihahayag Ko ang Aking sarili sa napakaraming tao at sa napakaraming bansa, at sa sarili Kong tinig, maririnig Ako sa ibabaw ng lupa, na ipinapahayag ang pagkumpleto ng Aking dakilang gawain para makita ng buong sangkatauhan sa sarili nilang mga mata.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 26
Naglalakad Ako ngayon sa piling ng Aking mga tao at naninirahan Ako sa piling nila. Ngayon, yaong may tunay na pagmamahal sa Akin—mapalad ang gayong mga tao. Mapalad ang mga nagpapasakop sa Akin, siguradong mananatili sila sa Aking kaharian. Mapalad ang mga nakakakilala sa Akin, siguradong gagamit sila ng kapangyarihan sa Aking kaharian. Mapalad ang mga naghahanap sa Akin, siguradong makakalaya sila mula sa mga gapos ni Satanas at magtatamasa ng Aking mga pagpapala. Mapalad ang mga nagagawang talikuran ang kanilang sarili, siguradong papasok sila sa Aking nasasakupan at magmamana ng kasaganaan ng Aking kaharian. Aalalahanin Ko ang mga nagsusumikap para sa Akin, yayakapin Ko nang may kagalakan ang mga gumugugol para sa Akin, at pagkakalooban Ko ng mga kasiyahan ang mga nag-aalay sa Akin. Pagpapalain Ko ang mga nasisiyahan sa Aking mga salita; siguradong magiging mga haligi sila na magtataas ng tukod sa Aking kaharian, siguradong magkakaroon sila ng walang-kapantay na kasaganaan sa Aking bahay, at walang maikukumpara sa kanila. Nakatanggap na ba kayo ng mga pagpapalang ibinigay sa inyo? Naghanap na ba kayo ng mga pangakong ginawa para sa inyo? Siguradong kayo, sa ilalim ng patnubay ng Aking liwanag, ay makakawala mula sa pagsakal ng mga puwersa ng kadiliman. Sa gitna ng kadiliman, siguradong hindi mawawala sa inyo ang liwanag na gumagabay sa inyo. Siguradong kayo ang magiging panginoon ng lahat ng nilikha. Siguradong kayo ay magiging mananagumpay sa harap ni Satanas. Siguradong tatayo kayo, sa pagbagsak ng kaharian ng malaking pulang dragon, sa gitna ng napakaraming tao upang sumaksi sa Aking tagumpay. Siguradong kayo ay magiging matatag at di-natitinag sa lupain ng Sinim. Sa pamamagitan ng mga pagdurusang tinitiis ninyo, mamanahin ninyo ang Aking mga pagpapala, at siguradong magniningning sa inyo ang Aking kaluwalhatian sa buong sansinukob.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 19
Bumangon ka at makipagtulungan sa Akin! Tiyak na hindi Ko tatratuhin nang masama ang sinumang matapat na gumugugol ng kanilang mga sarili sa Akin. Sa mga yaon naman na taos-pusong naglalaan ng kanilang mga sarili sa Akin, ipagkakaloob Ko ang lahat ng Aking pagpapala sa iyo. Ialay mo nang lubusan ang iyong sarili sa Akin! Kung ano ang iyong kinakain, kung ano ang iyong isinusuot, at ang iyong kinabukasan ay lahat nasa Aking mga kamay; isasaayos Ko ang lahat nang tama, upang magkaroon ka ng walang-humpay na pagtatamasa, na hindi mo mauubos kailanman. Ito ay dahil sinabi Ko, “Sa mga taong taos-pusong gumugugol para sa Akin, ikaw ay tiyak na labis Kong bibiyayaan.” Ang lahat ng pagpapala ay darating sa bawat taong taos-pusong gumugugol ng kanyang sarili para sa Akin.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 70
Lahat ng Aking inihanda para sa inyo—iyan ay, ang bihira at napakahalagang mga kayamanan mula sa buong mundo—ay ibibigay lahat sa inyo. Ngayon, hindi ninyo aakalain ni maiisip na ang lahat ng ito, at wala pang sino man ang nakapagtamasa noon. Kapag dumating sa inyo ang mga pagpapalang ito, kayo ay liligaya nang walang-katapusan, nguni’t huwag kalilimutang ang lahat ng ito ay dahil sa Aking kapangyarihan, Aking pagkilos, Aking katuwiran at lalong higit pa, Aking kamahalan. (Magiging maawain Ako sa mga pinipili Kong pagpapakitaan Ko ng awa, at magiging mahabagin Ako sa mga yaon na pinipili Kong pagpapakitaan Ko ng habag.) Sa panahong iyon, wala kayong magiging mga magulang, at hindi na magkakaroon ng mga kadugong ugnayan. Kayong lahat ay mga taong Aking minamahal, minamahal Kong mga anak. Mula sa panahong iyon, walang mangangahas na apihin kayo. Ito’y magiging panahon para lumago kayo tungo sa hustong-gulang, at panahon para inyong pamunuan ang mga bansa gamit ang tungkod na bakal! Sinong nangangahas na hadlangan ang minamahal Kong mga anak? Sinong nangangahas na lusubin sila? Igagalang ng lahat ang minamahal Kong mga anak, dahil ang Ama ay nagtamo ng kaluwalhatian. Lahat ng bagay na kailanman ay walang sinumang makakaguni-guni ay lilitaw sa harap ng inyong mga mata. Ang mga iyon ay walang katapusan, hindi-nauubos, walang hanggan. Hindi magtatagal, tiyak na hindi nyo na kailangang masunog ng araw at tiisin ang nagpapahirap na init, ni hindi na rin kayo magdurusa sa lamig o maramdaman ang dampi ng ulan, niyebe o hangin. Ito ay dahil mahal Ko kayo, at magiging ang kabuuan ng mundo ng Aking pag-ibig. Ibibigay Ko sa inyo ang lahat ng gusto ninyo, at ihahanda Ko para sa inyo ang lahat ng kailangan ninyo. Sinong nangangahas na magsabing Ako ay hindi matuwid? Papatayin kita agad, dahil sinabi Ko na dati na ang Aking poot (laban sa masasama) ay tatagal tungo sa kawalang-hanggan, at hindi Ako lulubay kahit katiting. Gayunpaman, ang Aking pag-ibig (para sa Aking minamahal na mga anak) ay tatagal din nang walang-hanggan; hindi Ko ito pipigilan kahit kaunti.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 84
Sa sandaling ang gawain ng panlulupig ay nakumpleto na, dadalhin ang tao sa isang magandang mundo. Siyempre, ang buhay na ito ay magiging nasa lupa pa rin, ngunit ito ay ganap na hindi magiging kagaya ng buhay ng tao sa ngayon. Ito ang buhay na tataglayin ng sangkatauhan matapos na ang buong sangkatauhan ay nalupig na, magiging bagong simula ito para sa tao sa lupa, at ang pagkakaroon ng sangkatauhan ng gayong buhay ay magiging katibayan na ang sangkatauhan ay nakapasok na sa isang bago at magandang dako. Ito ang magiging simula ng buhay ng tao at Diyos sa lupa. Ang saligan ng gayong kagandang buhay ay dapat na, matapos na ang tao ay nadalisay at nalupig, siya ay nagpapasakop sa harap ng Lumikha. At kaya, ang gawain ng panlulupig ay ang huling yugto ng gawain ng Diyos bago pumasok ang sangkatauhan sa kamangha-manghang hantungan. Ang gayong buhay ay ang buhay ng tao sa lupa sa hinaharap, ito ang pinakamagandang buhay sa lupa, ang uri ng buhay na kinasasabikan ng tao, ang uri na hindi pa kailanman nakamtan ng tao sa kasaysayan ng mundo. Ito ang huling kalalabasan ng 6,000 taon ng gawain ng pamamahala; ito ang lubhang kinasasabikan ng sangkatauhan, at ito rin ang pangako ng Diyos sa tao. Ngunit ang pangakong ito ay hindi kaagad mangyayari: Papasok lamang ang tao sa hantungan sa hinaharap sa sandaling natapos na ang gawain sa mga huling araw at siya ay ganap nang nalupig, iyon ay, sa sandaling ganap nang natalo si Satanas. Matapos mapino ang tao, mawawalan na siya ng makasalanang kalikasan pagkatapos, dahil nagapi na ng Diyos si Satanas, na nangangahulugan na hindi na makapanghihimasok ang mga puwersa ng kalaban, at wala nang mga puwersa ng kalaban na makakasalakay sa laman ng tao. At kaya magiging malaya at banal ang tao—siya ay nakapasok na sa kawalang-hanggan.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan
Kapag naipanumbalik na ang mga tao sa una nilang wangis, at kapag natutupad na nila ang kani-kanilang mga tungkulin, nananatili sa sarili nilang wastong kinalalagyan at nagpapasakop sa lahat ng pagsasaayos ng Diyos, natamo na ng Diyos ang isang pangkat ng mga tao na nasa lupa na sumasamba sa Kanya, at naitatag na rin Niya ang isang kaharian sa lupa na sumasamba sa Kanya. Magkakaroon Siya ng walang-hanggang tagumpay sa lupa, at ang lahat ng yaong mga sumasalungat sa Kanya ay mapapahamak sa lahat ng kawalang-hanggan. Ipanunumbalik nito ang una Niyang layunin sa paglikha sa sangkatauhan; ipanunumbalik nito ang layunin Niya sa paglikha ng lahat ng mga bagay, at ipanunumbalik din nito ang awtoridad Niya sa lupa, sa gitna ng lahat ng mga bagay, at sa gitna ng mga kaaway Niya. Ang mga ito ang magiging mga sagisag ng ganap Niyang tagumpay. Mula roon, papasok ang sangkatauhan sa pamamahinga at sisimulan ang buhay na nasa tamang landas. Papasok din sa walang-hanggang pamamahinga ang Diyos kasama ang sangkatauhan, at magsisimula ng isang walang-hanggang buhay na kapwa pagsasaluhan Niya at ng mga tao. Naglaho na ang dungis at pagsuway sa lupa, at humupa na ang lahat ng pagtangis, at tumigil na sa pag-iral ang lahat-lahat ng nasa daigdig na sumasalungat sa Diyos. Tanging ang Diyos at yaong mga taong dinalhan Niya ng kaligtasan ang mananatili; tanging ang nilikha Niya ang mananatili.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama
Tanging ang mga taong nagmamahal sa Diyos ang nagagawang magpatotoo sa Diyos, sila lamang ang mga saksi ng Diyos, sila lamang ang pinagpala ng Diyos, at sila lamang ang nagagawang tumanggap ng mga pangako ng Diyos. Ang mga nagmamahal sa Diyos ay mga kapalagayang-loob ng Diyos; sila ang mga tao na minamahal ng Diyos, at matatamasa nila ang mga pagpapala kasama ng Diyos. Ang mga taong tulad lamang nito ang mabubuhay hanggang sa kawalang-hanggan, at sila lamang ang mabubuhay magpakailanman sa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Diyos. Ang Diyos ay para mahalin ng tao, at karapat-dapat Siya sa pagmamahal ng lahat ng tao, ngunit hindi lahat ng tao ay may kakayahang mahalin ang Diyos, at hindi lahat ng tao ay makakayang magpatotoo sa Diyos at humawak ng kapangyarihan kasama ng Diyos. Dahil nagagawa nilang magpatotoo sa Diyos, at maglaan ng lahat ng kanilang mga pagsisikap sa gawain ng Diyos, ang mga taong tunay na umiibig sa Diyos ay maaaring maglakad saanman sa ilalim ng mga kalangitan nang walang sinumang mangangahas na labanan sila, at makakaya nilang gamitin ang kapangyarihan sa lupa at pamunuan ang lahat ng tao ng Diyos. Nagsasama-sama ang mga taong ito mula sa iba’t ibang dako ng mundo. Nagsasalita sila ng iba’t ibang wika at may iba’t ibang kulay ng balat, ngunit ang kanilang buhay ay may magkakatulad na kahulugan; silang lahat ay may pusong nagmamahal sa Diyos, silang lahat ay nagtataglay ng magkakatulad na patotoo, at may magkakatulad na kapasyahan, at magkakatulad na minimithi. Makapaglalakad nang malaya sa buong mundo ang mga umiibig sa Diyos, at makapaglalakbay sa buong sansinukob ang mga taong nagpapatotoo sa Diyos. Minamahal ng Diyos ang mga taong ito, pinagpapala sila ng Diyos, at mabubuhay sila magpakailanman sa Kanyang liwanag.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Mabubuhay Magpakailanman sa Kanyang Liwanag
Yaong mga balak gawing perpekto ng Diyos ay makatatanggap lahat ng mga pagpapala Niya at ng pamana Niya. Iyon ay, isasaloob nila kung anong mayroon at kung ano ang Diyos upang ito ay maging kung ano ang nasa kalooban nila; pinanday sa loob nila ang lahat ng salita ng Diyos; anuman ang Diyos, nagagawa ninyong tanggapin ang lahat ng ito nang eksakto, at sa gayon ay naisasabuhay ang katotohanan. Ito ang uri ng taong ginagawang perpekto ng Diyos at nakakamit ng Diyos. Ang ganitong tao lamang ang may karapatang tumanggap ng mga pagpapalang ipinagkakaloob ng Diyos:
1. Pagkakamit ng kabuuan ng pagmamahal ng Diyos.
2. Pagkilos alinsunod sa kalooban ng Diyos sa lahat ng bagay.
3. Pagkakamit ng gabay ng Diyos, pamumuhay sa liwanag ng Diyos, at pagkakamit ng kaliwanagan ng Diyos.
4. Pagsasabuhay sa lupa ng larawang mahal ng Diyos; pagmamahal nang tunay sa Diyos gaya ng ginawa ni Pedro, na ipinako sa krus para sa Diyos at karapat-dapat na mamatay bilang kabayaran sa pagmamahal ng Diyos; pagkakaroon ng kaparehong kaluwalhatian gaya ni Pedro.
5. Pagiging minamahal, iginagalang, at hinahangaan ng lahat ng tao sa lupa.
6. Pananaig sa lahat ng aspeto ng pagkagapos sa kamatayan at Hades, hindi pagbibigay ng pagkakataong gawin ni Satanas ang gawain nito, pagiging naangkin ng Diyos, pamumuhay sa loob ng isang sariwa at masiglang espiritu, at hindi pagsasawa.
7. Pagkakaroon ng di-mailarawang pagkaramdam ng tuwa at kasabikan sa lahat ng oras sa buong buhay, na para bang napagmasdan ang pagdating ng araw ng kaluwalhatian ng Diyos.
8. Pagwawagi ng kaluwalhatian kasama ng Diyos at pagkakaroon ng isang anyong kahawig ng mga banal na minamahal ng Diyos.
9. Pagiging yaong minamahal ng Diyos sa lupa, iyon ay, isang sinisintang anak na lalaki ng Diyos.
10. Pagbabagong-anyo at pag-akyat sa ikatlong langit kasama ang Diyos at paglampas sa laman.
Tanging ang mga tao lamang na maaaring magmana ng mga pagpapala ng Diyos ang ginagawang perpekto at nakakamit ng Diyos. May nakamit ka na bang kahit ano sa kasalukuyan? Hanggang saan ka ginawang perpekto ng Diyos? Hindi ginagawang perpekto ng Diyos ang tao nang walang tiyak na layunin; may kondisyon ang pagpeperpekto Niya sa tao, at may malinaw at makikitang mga bunga. Hindi ito, tulad ng iniisip ng tao, na hanggang may pananampalataya siya sa Diyos, magagawa siyang perpekto at makakamit ng Diyos, at makatatanggap siya sa lupa ng mga pagpapala at pamana ng Diyos. Lubhang napakahirap ang ganitong mga bagay—lalo na ang pagbabago sa anyo ng mga tao. Sa kasalukuyan, ang pangunahing dapat ninyong hangarin ay ang gawin kayong perpekto ng Diyos sa lahat ng bagay, at gawing perpekto ng Diyos sa pamamagitan ng lahat ng tao, usapin, at bagay na hinaharap ninyo, upang higit pa sa kung ano ang Diyos ay mapapanday sa loob ninyo. Kailangan mo munang tanggapin ang pamana ng Diyos sa lupa; saka ka lamang magkakaroon ng karapatang magmana ng mas marami, at mas higit pang, mga pagpapala mula sa Diyos. Ito ang lahat ng bagay na dapat ninyong hangarin, at na dapat muna ninyong unawain bago ang lahat.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Pangako sa Yaong mga Nagawang Perpekto