197 Ang Dalawang Pagkakatawang-tao ng Diyos ay para sa Iligtas ang Tao

1 Ang dalawang katawang-tao ng Diyos ay umiral upang talunin si Satanas, at upang higit na mabisang iligtas ang tao. Iyon ay dahil ang siyang nakakagawa ng pakikipagdigma kay Satanas ay ang Diyos lamang, maging ito man ay ang Espiritu ng Diyos o ang katawang-tao ng Diyos. Sa madaling salita, hindi mangyayari na ang mga anghel ang magsasagawa ng pakikipagdigma kay Satanas, lalong hindi ito ang tao, na nagawa nang tiwali ni Satanas. Walang kapangyarihan ang mga anghel na lumaban sa labanang ito, at ang tao ay lalo pang mas inutil. Sa gayon, kung ninanais ng Diyos na gawaan ang buhay ng tao, kung ninanais Niyang personal na pumunta sa lupa upang iligtas ang tao, kung gayon ay kailangan Niyang personal na maging katawang-tao—iyon ay, kailangan Niyang personal na maging katawang-tao, at taglay ang Kanyang likas na pagkakakilanlan at ang gawain na kailangan Niyang gawin, pumunta sa gitna ng tao at personal na iligtas ang tao. Kung hindi, kung ang Espiritu ng Diyos o ang tao ang gumawa ng gawaing ito, kung gayon ay walang mangyayari kailanman sa labanang ito, at hindi ito matatapos kailanman.

2 Ang digmaan laban kay Satanas ay maisasakatuparan lamang ng Diyos Mismo, at magiging imposible na lamang para sa tao na gawin ito. Ang tungkulin ng tao ay tumalima at sumunod, sapagkat hindi kayang gawin ng tao ang gawaing katulad ng paggawa ng kalangitan at lupa, ni, higit pa rito, naisasakatuparan niya ang gawain ng pakikipagdigma kay Satanas. Mapapasaya lamang ng tao ang Lumikha sa ilalim ng pangunguna ng Diyos Mismo, kung saan sa pamamagitan nito ay natatalo si Satanas; ito lamang ang isang bagay na magagawa ng tao. At kaya, sa tuwing nagsisimula ang isang bagong digmaan, na ang ibig sabihin, sa tuwing nagsisimula ang gawain ng bagong kapanahunan, ang gawaing ito ay personal na ginagawa ng Diyos Mismo, kung saan sa pamamagitan nito ay pinangungunahan Niya ang buong kapanahunan at nagbubukas ng isang bagong landas para sa kabuuan ng sangkatauhan. Ang bukang-liwayway ng bawat isang bagong kapanahunan ay isang bagong simula sa pakikipagdigma kay Satanas, kung saan sa pamamagitan nito pumapasok ang tao sa mas bago, mas magandang kinasasaklawan, at isang bagong kapanahunan na personal na pinangungunahan ng Diyos Mismo.

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan

Sinundan: 196 Kinukumpleto ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Gawain ng Diyos sa Katawang-tao

Sumunod: 198 Ang Kabuluhan ng Dalawang Pagkakatawang-tao ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito