174 Diyos na Nagkatawang-tao Lamang ang Lubos na Makapagliligtas sa Tao
I
Inililigtas ng Diyos ang tao
‘di sa Espiritu o bilang Espiritu,
‘di kita, ‘di mahawakan, ‘di malapitan ng tao.
Kung Diyos ay nagligtas bilang Espiritu
at ‘di bilang isang taong nilikha,
walang sinumang makatatanggap
ng kaligtasan Niya.
Diyos nagiging nilikhang tao,
sa katawang-tao nilalagay Niya’ng salita Niya.
Upang isagawa ang salita Niya
sa mga sumusunod sa Kanya.
Nang marinig, makita’t matanggap ng tao
ang Kanyang salita.
Sa pamamagitan nito, maliligtas sa kasalanan.
II
Kung Diyos ‘di nagkatawang-tao,
walang sinumang maliligtas,
at walang tatanggap
ng dakilang kaligtasan ng Diyos.
Kung Espiritu’y gagawa sa gitna ng tao,
sila’y mapapatay,
o mabibihag ni Satanas,
sapagkat Espiritu Niya’y ‘di nila nahahawakan.
Diyos nagiging nilikhang tao,
sa katawang-tao nilalagay Niya’ng salita Niya.
Upang isagawa ang salita Niya
sa mga sumusunod sa Kanya.
Nang marinig, makita’t matanggap ng tao
ang Kanyang salita.
Sa pamamagitan nito, maliligtas sa kasalanan.
III
Tao’y tumatanggap ng kaligtasan
‘di mula sa mga panalangin sa langit,
kundi mula sa pagkakatawang-tao ng Diyos,
dahil sila’y mula sa laman.
‘Di nila kayang makita o malapitan
ang Espiritu ng Diyos.
Tanging ang nagkatawang-taong Diyos
ang kayang pakisamahan ng tao.
Sa pamamagitan Niya, katotohana’y
nauunawa’t may kaligtasan ang tao.
Diyos nagiging nilikhang tao,
sa katawang-tao nilalagay Niya’ng salita Niya.
Upang isagawa ang salita Niya
sa mga sumusunod sa Kanya.
Nang marinig, makita’t matanggap ng tao
ang Kanyang salita.
Sa pamamagitan nito, maliligtas sa kasalanan,
maliligtas sa kasalanan.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4