605 Ang Matamo ng Diyos ay Nakasalalay sa Sarili Mong Pagsisikap

1 Lahat ng hinangad ni Pedro ay kaayon ng puso ng Diyos. Hinangad niyang isakatuparan ang naisin ng Diyos, at kahit nagdusa at nahirapan, naging handa pa rin siyang tuparin ang naisin ng Diyos. Wala nang hihigit pang paghahangad ng isang mananampalataya ng Diyos. Ang hinangad ni Pablo ay may bahid ng kanyang sariling laman, ng kanyang sariling mga kuru-kuro, at ng kanyang sariling mga plano at pakana. Hindi siya karapat-dapat na nilalang ng Diyos sa anumang paraan, hindi siya isang taong naghangad na tuparin ang naisin ng Diyos. Hinangad ni Pedro na magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos, at bagama’t ang gawaing kanyang ginawa ay hindi malaki, ang pangganyak sa likod ng kanyang pagsisikap at ang landas na kanyang tinahak ay tama; bagama’t hindi siya nakakuha ng maraming tao, nagawa niyang sundan ang daan ng katotohanan. Dahil dito masasabi na siya ay isang karapat-dapat na nilalang ng Diyos.

2 Ngayon, kahit hindi ka isang manggagawa, dapat mong magawang gampanan ang tungkulin ng isang nilalang ng Diyos, at hangaring magpasakop sa lahat ng pagsasaayos ng Diyos. Dapat mong masunod ang anumang sinasabi ng Diyos, at maranasan ang lahat ng klase ng mga kapighatian at pagpipino, at bagama’t ikaw ay mahina, sa puso mo ay dapat mo pa ring magawang mahalin ang Diyos. Yaong mga nananagot para sa sarili nilang buhay ay handang gampanan ang tungkulin ng isang nilalang ng Diyos, at ang pananaw ng gayong mga tao tungkol sa paghahangad ang siyang tama. Sila ang mga taong kailangan ng Diyos. Kung marami kang ginawang gawain, at nakamit ng iba ang iyong mga turo, ngunit ikaw mismo ay hindi nagbago, at hindi nagbahagi ng anumang patotoo, o nagkaroon ng anumang tunay na karanasan, sa gayo’y sa katapusan ng iyong buhay, wala pa rin sa iyong mga nagawa ang nagpapatotoo, nagbago ka na nga ba? Isa ka bang taong naghahangad na matamo ang katotohanan?

3 Yaong mga hindi dalisay ay hindi pinapayagang makapasok sa kaharian, yaong mga hindi dalisay ay hindi pinahihintulutang dungisan ang banal na lupain. Bagama’t maaaring marami kang nagawang gawain, at gumawa ka sa loob ng maraming taon, sa huli kung kalunus-lunos pa rin ang iyong karumihan, hindi katanggap-tanggap sa batas ng Langit na nais mong pumasok sa Aking kaharian! Mula sa pundasyon ng mundo hanggang ngayon, hindi Ako kailanman nakapag-alok ng madaling daan patungo sa Aking kaharian para sa mga humihingi ng pabor sa Akin. Ito ay isang panuntunan sa langit, at walang sinumang makasusuway rito! Kailangan mong hangarin ang buhay. Ngayon, yaong mga gagawing perpekto ay kauri ni Pedro: Sila yaong mga naghahangad ng mga pagbabago sa kanilang sariling disposisyon, at handang magpatotoo sa Diyos at gampanan ang kanilang tungkulin bilang nilalang ng Diyos. Ang ganitong mga tao lamang ang gagawing perpekto.

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao

Sinundan: 604 Ang Nararapat Hangarin ng Isang Mananampalataya sa Diyos

Sumunod: 606 Ginagamit ng Diyos ang Kalikasan ng Tao Upang Sukatin Siya

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

147 Awit ng Taos-pusong Pagkapit

ⅠNarito ang Isa, S’ya ay D’yos sa katawang-tao.Wika’t gawa N’ya, lahat katotohanan.Dunong N’ya at pagkamat’wid ay aking mahal.Nakita’t...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito