Kabanata 54

Alam Ko ang kalagayan ng bawat iglesia gaya ng likod ng Aking kamay. Huwag ninyong isipin na hindi Ko nauunawaan o hindi Ako malinaw tungkol sa mga iyon. Pagdating naman sa iba’t ibang tao ng mga iglesia, lalo na Akong may malinaw na pagkaunawa at kaalaman. Madalian Kong kalooban ngayon ang sanayin ka, nang mas mabilis kang lumaki hanggang sa wastong gulang; nang mas mabilis na dumating ang araw na maaari Ko na kayong magamit; at nang ang inyong mga pagkilos ay maaaring mapuno ng Aking karunungan, na inyong maipamamalas ang Diyos saanman kayo naroon. Sa ganitong paraan, ang Aking sukdulang layunin ay makakamtan. Aking mga anak! Dapat kayong magpakita ng pagsasaalang-alang sa Aking kalooban. Huwag ninyong pahawakan sa Akin ang inyong kamay habang tinuturuan Ko kayo. Dapat kayong matutong unawain ang Aking kalooban at tingnan ang buod ng mga bagay-bagay. Bibigyan kayo nito ng kakayahang pangasiwaan ang bawat bagay na makakatagpo ninyo nang walang hirap at agad-agad. Sa inyong pagsasanay, maaaring sa unang pagkakataon ay hindi ninyo ito maunawaan—ngunit pagkatapos ng ikalawang pagkakataon, at ng ikatlong pagkakataon, at iba pa, magagawa rin ninyo kalaunan na unawain ang Aking kalooban.

Ang inyong mga salita ay laging nagtataglay ng di-mapasok na katangian. Naniniwala kayong ito ay karunungan, hindi ba? Minsan, hindi masunurin ang inyong mga salita; minsan, pabiro kayo kung magsalita; at minsan, nagsasalita kayo nang may bahid ng mga kuru-kuro at paninibugho ng tao…. Sa kabuuan, nagsasalita kayo nang walang katatagan, hindi alam kung paano magtustos ng buhay sa iba o paano unawain ang kanilang mga kalagayan, kundi nakikipag-usap nang padalus-dalos. Malabo ang inyong pag-iisip at wala kayong ideya kung ano ang karunungan at kung ano ang panlilinlang. Litong-lito kayo! Itinuturing ninyo ang panlilinlang at kabuktutan bilang karunungan; hindi ba nito ipinahihiya ang Aking pangalan? Hindi ba ito kalapastanganan sa Akin? Hindi ba Ako nito pinagbibintangan? Kaya, ano ba ang nilalayon ninyo? Napag-isipan na ba ninyo iyan nang mabuti? Nagsagawa na ba kayo ng anumang paghahanap sa usaping ito? Sinasabi Ko sa iyo, ang Aking kalooban ang direksyon at layuning inyong hinahanap. Kung hindi ganoon, ang lahat ay mawawalan ng kabuluhan. Ang mga hindi nakaaalam ng Aking kalooban ay ang mga hindi nakaaalam kung paano maghanap, ang mga iiwan, aalisin! Malinaw na ang unawain ang Aking kalooban ang unang aralin na dapat ninyong matutuhan. Ito ang pinakanararapat na unahing gawin, at hindi ito hinahayaang maantala! Huwag ninyong hintaying batikusin Ko ang bawat isa sa inyo, nang isa-isa, sa nagawa ninyo! Gumugugol kayo ng mga buong araw sa malabong kalagayan ng pagiging manhid dahil sa kapurulan ng isip. Ito’y katawa-tawa! Kamangha-mangha ang kalituhan ninyo; hindi kayo nagpapakita ng pagsasaalang-alang sa Aking kalooban! Tanungin ninyo ang inyong sarili: Ilang beses na ba ninyong naunawaan ang Aking kalooban kapag kumikilos kayo? Panahon na para sanayin ninyo ang inyong sarili! Imposible na pakitunguhan Ko kayo nang isa-isa! Dapat kayong matutong magtamo ng karanasan at magkaroon ng kabatiran at karunungan habang kumikilos kayo. Ang mga salitang lumalabas sa inyong mga bibig ay maiinam at mabubuti, subalit ano ba ang realidad? Kapag nahaharap kayo sa realidad, wala kayong magawa tungkol dito. Ang inyong sinasabi ay hindi kailanman tumutugma sa realidad. Hindi Ko talaga matagalan na makita ang inyong ginagawa; kapag pinapanood Ko, labis Akong nalulungkot. Tandaan ito! Sa hinaharap, matuto kayong unawain ang Aking kalooban!

Sinundan: Kabanata 53

Sumunod: Kabanata 55

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito