Kabanata 53

Ako ang Simula, at Ako ang Wakas. Ako ang muling nabuhay at ganap na nag-iisang tunay na Diyos. Sinasabi Ko ang Aking mga salita sa harap ninyo, at dapat ninyong matatag na paniwalaan ang sinasabi Ko. Maaaring lumipas ang langit at lupa pero walang kahit isang titik o kudlit ng sinasabi Ko ang lilipas kailanman. Tandaan ito! Tandaan ito! Sa oras na binigkas Ko na ito, wala ni isang salita ang binawi na kailanman, at matutupad ang bawat isa. Dumating na ang panahon ngayon, at dapat kayong agad-agad na pumasok sa realidad. Wala nang gaanong nalalabing panahon. Pangungunahan Ko ang Aking mga anak sa maluwalhating kaharian at matutupad ang mga pinagsikapan at inasam ninyo. Aking mga anak! Dali-daling tumayo at sumunod sa Akin! Wala nang sapat na panahon para pag-isipan pa ninyo ito. Hindi na kailanman babalik ang panahong lumipas; mayroong liwanag pagkatapos ng kadiliman, at nasa harapan ninyo ang pagdadala. Nauunawaan ba ninyo? Buksan ninyo ang inyong mga mata! Dali-daling gumising! Hindi kayo pinahihintulutan ngayon sa pakikipag-usap sa isa’t isa na makisali sa walang saysay na pagdadaldalan o magsabi ng anumang walang pakinabang sa pagtatayo ng iglesia. Ang mahalaga ay ang tustusan mo ang iyong mga kapatid ng iyong mga praktikal na karanasan o salaysay kung paano ka tinanglawan sa harapan ng Diyos at ang kilalanin ang inyong sarili. Sinumang kayang magtustos ng mga ito ay magkakaroon ng tayog! Sa panahon ngayon, ang ilan sa inyo ay hindi pa rin natatakot, at anuman ang sabihin Ko o gaano man Ako mag-alala, nananatili kang walang takot; hindi pinapayagan ng dati mong sarili na mahawakan ito ni bahagya. Puwes, magpatuloy ka lang nang ganyan! Tingnan lang natin kung sino ang mapapahamak! Palagi mong iniisip na kumapit sa mundo, mag-asam ng kayamanan, at makaramdam ng matinding pagkagiliw sa iyong mga anak na lalaki, mga anak na babae at asawa. Buweno, puwede kang magpatuloy na lang na makaramdam ng pagkagiliw! Hindi naman sa hindi pa natalakay sa inyo ang Aking mga salita, at puwede kayong magpatuloy na lang sa paanumang gusto ninyo! Sa nalalapit na hinaharap, mauunawaan ninyo ang lahat, pero magiging huli na ang lahat noon. Ang tanging naghihintay sa inyo ay paghatol.

Sinundan: Kabanata 52

Sumunod: Kabanata 54

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito